Ang iba't ibang klase ng lalaki

Narito ang mga listahan ng iba't ibang klase ng lalake. Alamin kung saan ka dito?

WOODEN RULER

Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, straight talaga sila. Tigasin. Yung tipong kahit lasing, tulog at ginapang mo eh bugbog-sarado ang aabutin mo. May iba sa kanila na homophobic pero yung iba naman ay okay lang makipagkulitan pero may hangganan.

PLASTIC RULER

Straight pero 'bendable'. Pumapatol lang dahil sa L, kalasingan, curiosity o pera. Kumbaga eh init lang ng katawan. Anila, iba ang puso at iba ang katawan. Pero at the end of the day, straight pa rin sila.

STEEL TAPE MEASURE

Straight sa labas, liko sa loob. Sila yung mga Plastic Ruler na nung mabinyagan ay natuluyan. Habambuhay silang magtatago hanggang mapagtanto nila na iba na pala ang gusto nila.

T-SQUARE

Sobrang tigasin pero sa totoo lang, liko naman talaga sila. Yung tipong childhood bestfriends kayo pero college mo lang nalaman na iba pala ang kulay ng dugo nya dahil hindi mo nahalata sa sobrang discreet nya. Mapapaisip ka tuloy dun sa mga tagpong sabay kayo naliligo at natutulog sa iisang kama.

PROTRACTOR

Sila yung mga tinatawag na respitadong bading. Mga lalaking tanggap ang sarili bilang bakla. Di mo malalamang bakla sila hanggat di mo sila nakakasama ng matagal. Lalaking lalaki sila manamit at kumilos. Mejo bumabakla din ang kilos kapag kampante sila sa mga nakakasama nilang kaibigan. Minsan nagdududa ang mga babae sa kanila at napapatanong ng "Bakla ka ba talaga?"

MEDIDA

Straight daw siya pero mas babae pa kumilos o magsalita kesa sa ate mo. Nabibilang dito yung kung manamit ay parang lalaki pero daig pa ang babae kung makatili. Yung tipong kahit anung tago eh maliwanag pa sa sikat ng araw ang katotohanan. Siya na lang siguro ang hindi pa nakukumbinse na isa siyang paru-paro.

LASO

Sila yung mga kung tawagin ay X-Men. Lantad at maligayang maligaya sa piniling landas. Sila yung minsan ay kinaiinggitan dahil mas makinis at mas sexy pa sila sa tunay na babae. Yung tipong 'pag pumila sya sa women's lane sa airport eh papapasukin siya ng Guardenia ng walang kaabog-abog.

Narito ang mga listahan ng iba't ibang klase ng lalake. Alamin kung saan ka dito?

Post a Comment

reading 3 articles from this online community ADMIN, i really had fun... a lot... regarding this article, i have a question, mukha kasing hindi ko maipasok sarili ko sa mga categories na to... ano naman tawa dun sa mga lalaki na aminado naman silang bakla sila, maligaya sa piniling landas tulad ng mga laso, pero lalaki parin naman manamit... ganyang klaseng bkla kasi ako... maki dagdag naman ng category... wahahahha!!!

[facebook][blogger]

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget