Tips kung paano lumandi with dignity

Kapag makikipagchat, wag masyadong magkwento tungkol sa sarili. Wala siyang pakialam sa patay na kuko mo. Magtanong ng kahit ano tungkol sa kanya para mapahaba ang usapan.

Para kang double-dead na zombie kapag walang emoticons sa mga chat mo. Iba ang dating ng, “musta araw mo” sa “musta araw mo? ;)”

Kapag nag “uy!!” siya, utang na loob, wag mong sasagutin ng “uy!!” din. Ang boring mong kausap sa part na yun.

Purihin mo siya. Hindi yung nakataas ang kamay tapos maghahaleluyah ka sa harap niya. Icompliment mo yung mga actions niya kesa sa itsura at looks niya para tamang paandar lang. At some point, mas magiging komportable siya sa’yo.

Limitahan ang pagmemention sa kanya sa twitter lalo na kung hindi masyadong mahalaga. Mahirap magbasa ng interactions. Hindi mo ikabubuntis yan.

Wag mo siyang iaadd sabay sabay sa Wechat, Line, Viber, Bbm at Kakaotalk. Obvious na obvious ang “Art of stalking” mo. Iadd lang siya sa madalas niyang gamitin.

Kapag nilike mo na yung picture, wag ng magcomment ng “<3” lalo na kung ang maximum likers lang niya sa instagram ay 11 lang. Mapapansin ka na niya nun.

Iwasang magcomment ng “Bakit ang cute mo? <3”. Itanong mo na lang sa nanay niya dahil hindi niya din alam ang sagot dun. Malupit lupit na pandededma lang ang aabutin mo.

Kapag binigay niya ang number niya, pigilan ang sarili na itxt siya agad agad. Maglaan ng 1 day para sa matinding soul-searching para pa-mysterious effect ng konti.

Siguraduhing update ka sa mga tweets at FB status niya para kung sakaling madepress siya, attack na agad friend!!!! Yan na yung dynamic portal para umepal sa buhay niya.

Iwasang tititigan ng matagal ang picture niya habang nakikipagchat. Baka “kainin mo ako” ang maitype mo sa halip na “Kumain ka na” Matutong magpigil ng hormones. Pigain muna ang panty.

Idaan sa humor. Kahit gaano ka kaganda/kagwapo, kung saksakan ka naman ng boring kausap hindi mo malalandi ang taong gusto mo.

Kapag makikipagchat, wag masyadong magkwento tungkol sa sarili. Wala siyang pakialam sa patay na kuko mo. Magtanong ng kahit ano tungkol sa kanya para mapahaba ang usapan.

Post a Comment

[facebook][blogger]

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget