Uber driver na inaakusahang nangmanyak, may bwelta laban sa babae

Nitong November 15, 2017 ng gabi nagpost si Louise Escobar sa facebook na diumano'y minanyak sya ng isang uber driver na si MJ Lumibao. Ayon sa kanya ay nagpabook sya sa kanyang boyfriend. Sa harap sya umupo sa pag-aakalang nakauberpool sya. Nagsimula na umanong nagkwento ng kung ano ano ang nasabing uber driver at tinanong sya kung pwede ba syang makipagtalik. Humindi umano sya pero humingi daw ito ng number ng kakilala nyang babae na pwedeng makipagtalik.

Gusto umano ng uber driver na sumama sa place nya. Tumanggi sya, hanggang sa dumating na sya sa kanyang destinasyon ay ni-lock umano ng lalaki ang pinto at di na nya ito mabuksan. Sabi daw ng lalaki na kiss nalang ang ibayad nya. Pero hindi sya pumayag, inabot nya ang pera ngunit lumapit umano ang lalaki. Di na nya mabuksan ang pinto. Hinatak ang kanyang buhok at pilit siyang hinahalikan.

Narito ang buong detalye ng Facebook post ni Louise Escobar.

Samantala, mga ilang oras ang makalipas ay nagpost naman si MJ Lumibao ng kanyang depensa laban sa babae.

Ayon kay MJ Lumibao, binaliktad umano ni Louise Escobar ang kwento. Ang babae umano ang nagpakita ng motibo. Noong pipick-apin na umano ni MJ ang babae ay may kasama itong lalaki na naninigarilyo. Pagkakita umano ni Louise sa kanya ay dali dali itong tumakbo, pumasok sa kotse at umupo sa harap ng sasakyan katabi nya.

Nagtanong ng pabiro daw itong si Louise kung nagmomodel o artista ba daw sya. Tinanong din sya kung may lahi ba syang foreigner dahi maputi sya. Hanggang sa naging komportable ang usapan. Nag-aalok na umano ang babae ng indecent proposal, kinuha ang kamay nya at pinahawak sa binti ng babae at tinanong sya kung papayag daw ba sya sa one night stand. Dahan dahan umanong inangat ng babae ang kanyang kamay papunta sa kanyang dibdib at unti unting nilapit ang mukha nito sa kanyang bibig.

Narito ang buong pahayag ni MJ Lumibao.

Bwelta ni Lumibao, nagkamali ng kinalaban si Escobar. Kahit pa saan sila maghaharap, mauuna pa daw syang ipa-tulfo ang babae.

Saktong alas tres ng umaga, na-delete na ang post ni Louise Escobar sa facebook.

Bwelta ni Lumibao, nagkamali ng kinalaban si Escobar. Kahit pa saan sila maghaharap, mauuna pa daw syang ipa-tulfo ang babae.

Post a Comment

[facebook][blogger]

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget