From Lucky Conde to Luke Conde, a big transformation

By: Menver Castro

Alam nyo ba na ang dating pangalan ni Luke Conde ay Lucky Conde?

Lucky Conde ang pangalan ni Luke noong hindi pa sya masyadong kilala sa showbiz industry.

Napapanahon na naman na pag-usapan ang retoke dahil kay Xander Ford at Miho Nishida.

Bago pa man nauso ang transformation ni Xander Ford from Marlou Arizala at ang bagong Miho Nishida ngayon ay madaming artista na ang nakikita natin ngayon sa TV na iba sa kanilang itsura noon. Isa na nga dito si Lucky Conde na Luke Conde na ngayon.

Si Lucky Conde ay dating freelance model ng mga damit noong hindi pa sya masyadong kilala at di pa nagalaw ng kamay ni dok.

Hindi katulad ni Marlou Arizala na binagsakan muna ng sangkaterbang kapangitan mula sa langit bago nagtransform sa pagiging Xander Ford, kakaiba naman ang transformation ni Luke Conde dahil dati na syang may itsura. Dati na ding maganda ang katawan ni Lucky kahit ito ay medyo may kapayatan.

Hot naman talaga si Lucky dati pa, yun nga lang ang ilong nya talaga ang problema. Ilong talaga! Basta!

Kaya naman napagdesisyunan ni Lucky na sumailalim sa tinatawag nating "touch of science". Ang unang mapapansin mo sa transformation nya ay ang kanyang ilong na dating parang ilong ng kalabaw, ngayon ay shiny-tip sexy pointed nose na. Malaki talaga ang mababago sa itsura mo pag ilong na ang ginalaw.

Ito ang itsura nya noong konte pa lang ang nabago sa kanya. Ito rin ang simula ng kanyang unti-unting pagbabagong anyo.

Sumailalim si Lucky sa facial reconstruction para ma-correct ang itsura ng kanyang chin at cheeks. At syempre pa nagpa-inject din ng galon galon na gluta para pumuti, kuminis at mag-glow ang skin, plus gym ng todo para mas lalong gumanda ang katawan.

Ayon naman sa aking kaibigan na naging classmate ni Luke noong high school days, ang dimple ni Luke ay sa kanya na talaga yan. Taliwas sa akala ko noon, hindi pala yan gawa ni Dok. Tinatanong nyo kung pwede ipagawa ang dimple? Yes! Syempre pwede, walang imposible sa siyensya. Napapagawa nga ang private parts eh.

Hindi nya naman masyado pinabago ang kanyang kilay. Although may konting trimming na naganap, bakas pa rin ang dating itsura nito, ang haba at ang kapal. Marahil ang kilay nyang ito ay kanyang asset, napaka-masculine na kasi ng dating nito. Ang kagwapuhan nya ay napaka-natural lang, hindi mo iisiping may pinagawa sya. Ang galing talaga ng Clarence M.D. kung saan si Luke ay isa ding endorser.

Mapapamangha ka talaga sa kanyang pagbabagong anyo. From this, to this, to this! Pak! Ta-dang! Welcome Luke Conde!

At para naman sa mga hindi kombinsido na si Luke Conde nga ito, mahirap talaga paniwalaan at tanggapin kung ikaw ay isa sa mga super fan nya. Kaya narito ang focus namin sa kanyang ears.

We can also check his nunal sa bawat transformation. Isa-isahin nating pagmasdan. Unahin natin itong hindi pa sya sumali sa Gandang Lalaki, yung nagmomodel pa lang sya sa mga apparel. Bantayan ang mga nunal hah.

Eto naman ang kanyang unti-unting pagbabagong anyo. Gumaganda na ang sideview dahil sa ilong yan na gawa ng Clarence M.D., pero check nyo pa rin nunal hah. Wag mong sabihin in-edit namin ang nunal, masasampal ko kayo!

At eto na ang Luke Conde na kilala natin ngayon. May nakikita ka pa rin bang nunal? Sinong nag-iisip na edited ang nunal, masasampal ko na talaga! Charot!

Si Luke ay kasalukuyang myembro ng Hashtags at regular co-host na rin sya sa It's Showtime ng ABS-CBN.

Walang duda na magaling talaga sya sa hosting. Maganda ang pagkakabitiw nya ng mga linya at napakaganda nyang tingnan sa TV dahil na rin sa kanyang fresh look na parang amoy baby.

Kaya naman magugulat siguro ang mga fans nyang hindi pa nakakaalam sa kasaysayan ng kanyang kagwapuhan. Hindi ito paninira, bagkos ito ay napapanahon lang na pag-usapan kaya wag kayong magalit sa akin.

Walang masama sa pagpaparetoke basta maganda lang talaga ang pagkakagawa. Paraan mo rin ito para lalong mahalin mo ang sarili mo. Upang tumaas ang self confidence. Wag makinig sa mga bashers, katawan at mukha mo naman yan. Ang importante, masaya ka sa kinalalabasan ng bago mong anyo.

Payo ko sa mga pangit jan...

May pag-asa pa, basta't magpayaman ka muna, bago sumailalim sa siyensya. I thank you!

Isa ka rin ba sa mga di nakakaalam na si Luke Conde ay dating si Lucky Conde? Ay aba, i-share mo rin ito sa mga friends mong di rin alam.

Lucky Conde ang pangalan ni Luke noong hindi pa sya masyadong nakikilala sa showbiz industry.

Post a Comment

[facebook][blogger]

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget