Flicker (Part 43)

By: Loverboynicks

Dalawang araw matapos ang gabing nahuli ko si Tita Ruth sa kalaswaang ginagawa niya sa garden kasama ang guard na si Tony ay minabuti ko na iwasan na lang sila ni Kuya Kiel.

Mas makakabuti siguro iyon para sa sitwasyon namin. Sinubukan ko na rin magpabook ng plane ticket pabalik sa maynila pero dahil sa paparating na bagyo ay hindi ako nakakuha.

Isang umaga ay naisipan kong daanan muna si Gino sa silid niya. Makikipagplastikan muna ako sa kanya hangga’t hindi ko napapatunayan na may ginagawa nga sila ni Addy na hindi ko alam.

Kakatok na sana ako nang makarinig ako ng mga bumabagsak na gamit sa sahig.

“Saan mo nilagay ang flash drive?” galit na sigaw ni Tita Ruth.

“Katulad ng sinabi ko sayo kahapon. Ibibigay ko lang iyon kapag naibigay mo na sa akin ang pera na hinihingi ko sayo.” sabi ni Gino.

“Napakalaking halaga ng hinihingi mo. Sa tingin mo ay saan ako kukuha ng ganun kalaking pera? Wala akong nakuha sa asawa ko nang maghiwalay kami.” galit pa ring tugon ni Tita Ruth.

“Hindi ko na problema iyon. Bahala ka kung saan mo kukunin. Basta sinasabi ko sayo. Sa oras na bumalik ako sa maynila at wala pa rin ang pera sa mga kamay ko. Lalabas sa internet ang mga videos mo. Grabe daig mo pa ang mga babae sa porn kung makalamon ng burat. Bilib din ako sayo girl.” sabi ni Gino sa nang-aasar na tono.

Narinig ko ang panggigigil ni Tita Ruth bago siya muling nagsalita. “Tandaan mo to sisiguraduhin ko na hihimas ka ng rehas na bakal sa oras na lumabas ang video na iyon sa internet. Tandaan mo yan!”

“Hindi ako natatakot sayo. Titikim lang kasi ng lalaki sa garden pa.” sabi ni Gino saka siya malakas na humalakhak.

“Hindi pa tayo tapos! Ipapakulong kita tandaan mo yan.” sigaw ni Tita Ruth.

Narinig ko ang mga yabag ng sapatos niya palapit sa pintuan kaya mabilis na akong umalis doon at dumiretso na lamang ako sa canteen.

Doon ay kumain ako nang mag-isa.

Kasalukuyan na akong nag-aalmusal nang may bigla na lamang naglapag ng mga pagkain sa mesa ko pagkatapos ay mabilis siyang naupo sa harapan ko.

Umangat ang tingin ko sa kanya at sumimangot ako nang makilala ko kung sino siya.

“Wala nang bakanteng table. Hindi naman siguro masama kung makikishare na lang ako sayo.” sabi niya.

Napatingin ako sa paligid at napansin ko na puno nga ang buong area. Saan nanggaling ang mga tao na ito? Bakit napakarami yata nila ngayon?

“Weekends ngayon kaya wag ka nang magtaka kung bakit maraming tao.” sabi niya habang nilalantakan ang dala niyang pagkain.

Habang kumakain kami ay napatingin siya sa plato ko na kakaunti lang ang laman dahil hindi ako kumuha ng maraming pagkain.

Ganito ako kapag mag-isa lang akong kumakain. Wala akong masyadong gana kaya kakaunti lang ang nakakain ko.

Napakurap pa ako nang bigla na lamang lagyan ni Kuya Kiel ng mga pagkain ang plato ko mula sa plato niya at sa mga dala niyang lalagyan.

“Hindi bagay sa katawan mo ang nagdadiet. Kumain ka nga ng marami para magkalaman ka nang husto. Tingnan mo nga twenty one ka na pero yung katawan mo pang sixteen pa lang.” bulong niya habang ngumunguya ng pagkain.

Napatitig tuloy ako sa gwapong mukha niya at maraming alaala mula sa nakaraan ang nagbalik sa akin.

“Kumain ka nang marami para magkalaman ka nang husto. Napakaliit ng katawan mo. Baka magkalasug-lasog yan kapag inaraw-araw na kita sa kama.” bulong niya.

“Kuya Kiel!” saway ko sa kanya saka ako tumingin sa paligid. Mukha namang hindi siya narinig nang ibang mga kumakain dito.

Nakakalokong ngisi lang ang isinagot niya saka na siya nagsimulang kumain. Nagsimula rin ako sa pagkain at hindi na muli pang sumulyap sa kanya.

Namula ang pisngi ko nang mapagtanto ko kung saang parte na ng nakaraan nakakarating ang utak ko.

Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Kuya Kiel kaya isang nakakalokong ngisi ang gumuhit sa mapupula niyang labi.

“Dalawang bagay lang yan kung bakit ka namumula. Either kinikilig ka sa sinabi ko o kaya naman ay may naalala kang magandang bagay mula sa nakaraan.” aniya.

Sinikap ko naman patatagin ang anyo ko saka ko siya sinulyapan ng masama.

“Wag ka ngang feeling. Oo may naalala akong magandang bagay sa nakaraan. Masaya kaming kumakain ni Addy noon sa ganito ring klase ng lugar. At hindi ko makakalimutan ang napakasayang araw na iyon.” tila nangangarap kong sabi na sinabayan ko pa ng action para mas effective.

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Nakita ko ang paggalaw ng mga bagang niya kasunod ng padabog niyang paggamit ng mga kubyertos at baso.

Napangiti naman ako saka na ako naunang tumayo upang umalis sa lugar na iyon pero napigil ako sa tangka kong paglakad nangahigpit niyang hawakan ang palapulsuhan ko.

Marahas akong napalingon sa kamay ko na hawak niya. Malakas ko sana iyong babawiin sa kanya pero naunahan niya ako.

Marahas niya akong hinila palabas ng restaurant. Napatingin tuloy sa amin ang ibang mga kumakain doon pero wala siyang pakialam.

Para akong napakagaan na bagay na bigla na lamang niyang hinatak patungo sa kung saan man niya ako gustong dalhin.

Nasa labas na kami ng hotel nang tangkain ko muling alisin ang mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko pero totoong napakalakas niya.

“Aray ko! Saan mo ba ako dadalhin? Bitawan mo nga ako!” pagpupumiglas ko pero para siyang bingi na walang naririnig.

Namalayan ko na lamang na naisakay na niya ako sa itim niyang kabayo ay mabilis na rin siyang nakasampa sa likuran ko.

Mabilis niyang pinatakbo ang kabayo kaya wala na akong nagawa kundi ang kumapit ng mahigpit sa mga braso niya.

Gumapang ang isang kamay niya paikot sa baywang ko saka niya ako masuyong hinalikan sa buhok.

“Apat na taon Renz! Ganun katagal akong naghintay para lang makita ka. Hindi ako papayag na sa kanya ka lang mapupunta.” desperadong sabi niya.

Dahil sa sinabi niya ay nakadama ako ng kilabot kaya mabilis akong nagpumiglas saka ko siya malakas na siniko sa sikmura.

Napaungol si Kuya Kiel naalarma naman ang kabayo kay naglikot ito dahilan upang sabay kaming mahulog ni Kuya.

Niyakap niya ako ng mahigpit pagkatapos ay naramdaman ko ang paggulong namin sa mabatong kalsada.

Nang makabangon ako ay nakita kong duguan si Kuya Kiel at puno ng sugat ang katawan niya.

Nagimbal ako sa nakita ko kaya mabilis ko siyang nilapitan. Wala na siyang malay at nakakita ako ng nagdurugong sugat mula sa ulo niya.

“Kuya Kiel? Kuya Kiel?” tawag ko sa kanya.

Sinisikap ko siyang gisingin pero hindi talaga siya nagigising.

“Kuya Kiel?” muling tawag ko sa kanya. “Hindi na magandang biro ito ah.” natataranta ko nang sambit pero wala pa rin.

Nang mapatunayan ko na seryoso na ang nangyari sa kanya ay kumabog nang napakalakas ang dibdib ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

“Kuya Kiel!” muling tawag ko sa kanya. “Ano ba gumising ka!”

Hindi na maganda ito. Kasalanan ko ito. Hindi ko dapat siya siniko.

“Tuloooooooong!” malakas na sigaw ko.

******

Nagising ako mula sa pagkakayuko sa hospital bed ng clinic na iyon dahil sa marahan na paghawak ni Kuya Kiel sa isang kamay ko.

Mabilis akong napaangat ng ulo saka ako natutuwang tumingin sa kanya.

“Gising ka na!” nakangiti kong sabi.

Seryoso naman ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Nawala ang ngiti sa mga labi ko saka ako umiwas ng tingin.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Dumadaloy sa buong katawan ko ang masarap na kilabot na nagmumula sa mainit niyang palad.

“Renz!” bulong niya.

Muli namang umangat ang tingin ko sa kanya at sinalubong ko ang malamlam niyang mga mata. Bakit kahit may benda na ang ulo niya ay napakagwapo pa rin niyang tingnan?

“B-bakit? May masakit ba sayo?” nag-aalalang tanong ko.

Hindi siya nagsalita. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin niya.

“Sandali lang tatawagin ko yung nurse.” sabi ko saka ako tumayo pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya hindi ako makaalis.

“Dito ka lang.” muli ay bulong niya.

Mabagal naman akong umupo muli sa kinauupuan ko kanina. Lumipat ang mga mata ko sa kamay ko na mahigpit pa rin niyang hawak.

“Nag-alala ka ba sa akin kaya ka nandito ngayon?” masuyong tanong niya.

“Syempre. Kasalanan ko kung bakit tayo nalaglag sa kabayo kaya natural lang na mag-alala ako sayo.” sagot ko.

Nakita ko ang disappointment sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

Totoo. Totoo na nag-alala ako sa kanya pero hindi ko dapat ipakita iyon dahil hindi ako sigurado kung totoo ba lahat ng pinapakita niya o pinapasakay lang niya ako para siya naman ang makaganti.

“Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?” tanong ko sa kanya.

“Kung sakit lang ng katawan ay wala kang dapat ipag-alala. Sanay ang katawan ko sa ganyan. Pero yung sakit dito-“ aniya saka niya hinawakan ang dibdib niya.

“-hindi ko na kayang tiisin pa. Kaya sana hindi mo man ako balikan ay wag ka namang magpaloko kay Addy. Pinaglalaruan ka lang niya Renz.” nakita ko ang pait sa mga mata niya habang nakatitig siya sa akin.

Hindi ko gustong patuloy na makita pa iyon kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya saka ko na sinikap na pakawalan ang kamay ko na hawak niya.

Hinayaan niya akong makawala sa pagkakahawak niya pero ang puso ko ay naiwan pa rin sa palad niya.

“Balikan? Paano kita babalikan? Hindi ba ikaw na mismo ang nang-iwan sa akin noon? Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sayo.” galit kong baling sa kanya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

“Nang gabing mahuli kami ni Tita Ruth sa loob ng silid nila ay hindi ako ang nag-insist na gawin namin iyon ni Tito Benjie. Siya ang humatak sa akin papasok sa silid nila at siya rin ang pumilit sa akin na gawin iyon.”

“Kung talagang ayaw mo ang pinapagawa niya ay hindi mo siya susundin kahit ano pang sabihin niya sayo. Nangako ka na sa akin noon Renz na hindi ka na magpapagalaw pa sa iba lalo na kay Addy pero hindi ko inakala na pati si Benjie ay nilalandi mo rin.”

“Oo inaamin ko. Minsan ko siyang pinilit na gawin namin iyon pero hindi ko na inulit pa. Nagulat na lamang ako nang sapilitan niya akong ipasok sa silid nila saka na nangyari ang lahat.”

Ngumiti si Kuya Kiel saka niya muling hinawakan ang kamay ko saka niya iyon masuyong hinalikan.

“Kalimutan na natin ang nakaraan Renz! Bumalik ka na sa akin.” pakiusap niya.

Natawa naman ako. “Bumalik? Hindi ba ikaw ang nang-iwan sa akin? Bakit ako babalik? Hindi ka nga nagpaalam nang maayos sa akin.” iritadong sagot ko sa kanya saka ko muling binawi ang kamay ko.

“Napilitan akong umalis dahil din sayo. Hindi mo ako sinipot sa condo. Hindi mo rin ako sinipot sa hotel. Ilang beses kitang pinadalhan ng sulat sa apartment na tinuluyan mo noon. Nagmessage din ako sayo sa facebook. Nakikiusap na sa huling pagkakataon ay magbago pa ang isip mo at naisin mong sumama sa akin pero nabigo lang ako.”

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin bago siya marahas na huminga.

“Nalaman ko na lang na pinupuntahan ka na pala ni Addy doon at mas pinili mo siya kaysa sa akin. My God Renz! Kaya kong ibigay sayo ang lahat pero hindi mo pa rin ako nagawang piliin.”

Nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya habang galit siyang nakatitig sa akin. Hindi ako makasagot. Naguguluhan ako.

Wala akong sulat na natatanggap mula sa kanya. Wala rin akong nabasa na messages niya sa inbox ng facebook account ko.

Kaya imposible ang mga sinasabi niya. Pinaglalaruan lang niya ako. Paraan lang niya ito para makaganti sa akin at hindi ko papayagan na mangyari iyon.

Tumigas ang anyo ko saka ko pinunasan ang mga luha ko. Matalim ko siyang tinitigan bago ko sinabi ang mga huling kataga na lumabas sa bibig ko.

“Sulat? Anong sulat? Wala kang sulat na ipinadala sa akin. Tigilan mo na ang mga kalokohan mo dahil hindi kita papayagan na masaktan ako sa paraang gusto mo.”

Ngayon ay alam ko na ang totoo. Sinusubukan niyang hulihin ang loob ko para masaktan niya ako at makaganti siya sa mga panlolokong ginawa ko sa kanya noon.

Hindi ko papayagan na mangyari iyon. Labis na sakit na ang naramdaman ko nang magpakasal siya kay Natalie. Sapat na kabayaran na iyon para sa mga kasalanan ko sa kanya.

“Maghihintay lang ako ng available na flight pabalik ng maynila. Aalis na ako sa lugar na ito. Malayo sayo. Malayo sa manloloko mong kapatid at malayo sa haliparot mong ina! Magsama-sama kayong lahat!

Hindi ko na hinayaan pa na makasagot siya. Mabilis na akong naglakad palabas sa clinic na iyon. Hindi ako huminto kahit na narinig ko ang malakas niyang sigaw sa pangalan ko.

Post a Comment

[facebook]

Mencircle

{facebook#https://facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/men_circle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget