Flicker (Part 45)

By: Loverboynicks

Gino's POV

Naiinis akong bumalik sa silid ko. Hindi yata alam ng punyetang Renz na iyon kung sino ang kinakalaban niya.

At si Addy? Ilang beses ko na siyang pilit na inilalayo kay Renz pero nakakadikit pa rin siya. Mabilis akong muling lumabas sa silid ko at nagtungo ako sa veranda.

Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo saka ko iyon sinindihan habang nag-iisip ng mga susunod kong gagawin.

Binalaan na ako ni Addy nung isang araw na nakakahalata na raw sa amin si Renz at kung totoo nga iyon ay bakit magkadikit pa rin sila samantalang dapat ay itinataboy na siya ni Renz ngayon.

Hihithit sana ako nang bigla na lamang may kumuha ng sigarilyo sa kamay ko saka niya iyon pinatay sa barandilya.

Marahas akong napakingon at ang seryosong anyo ni Addy ang nasilayan ko.

"Addy?" masigla kong sambit sa pangalan niya. Yayakap na sana ako nang bigla niya akong pigilan.

"Alam na ni Renz ang tungkol sa atin Gino. Pinuntahan kita dito para sabihin sayo na tigilan na natin ang kalokohan na ito. Tantanan mo na kami ni Renz." matigas na sabi niya.

Nakadama ako ng pagkainis dahil sa sinabi niya. Tumigas ang anyo ko saka ko siya sinampal ng malakas.

"Hindi kita isusuko Addy. Sa akin ka lang. Hindi ako papayag na mapunta ka sa malanding Renz na iyon." galit na sambit ko saka ko siya sinibasib ng halik sa mga labi niya.

Malakas akong itinulak ni Addy kaya napasadsad ako sa barandilya. Kung hindi lang ako nakahawak ay malamang nahulog na ako.

Lalong tumindi ang nararamdaman kong galit. Lumapit ako sa kanya saka ko siya pinagsusuntok sa matigas niyang dibdib pero parang wala lang iyon sa kanya.

"Walangya ka papatayin mo pa ako. Hayop ka! Ano bang meron si Renz at puro na lang siya ang kinakampihan mo?" sigaw ko habang patuloy ko siyang sinasaktan.

Nahawakan niya ang mga kamay ko saka niya ako sinakal sa leeg ko. "Anong meron si Renz? Simple lang ang sagot diyan. Mabuti siyang tao at hindi siya mahirap mahalin pero ikaw."

Mapakla siyang ngumiti saka siya napailing bago niya itinuloy ang sinasabi niya. "You're just a cunning and manipulative bitch who is hiding behind your stupid videos."

"Yes! I am! At pareho lang tayong dalawa." ngumisi ako ng nakakaloko saka ko inalis ang kamay niya sa leeg ko.

"Ito ang tatandaan mo Addy, sa oras na dispatsahin mo ako sa buhay mo ay sisiguraduhin ko na hindi kayo magiging masaya ni Renz. Bakit? Sa tingin mo ba ay mapapatawad ka pa niya sa oras na malaman niya na ikaw ang humaharang sa mga sulat at messages ng kapatid mo sa kanya?"

Natigilan siya nang sabihin ko iyon. Matatalim na tingin ang ipinukol niya sa akin pero hindi ako natatakot sa kanya. Dahil alam ko na hanggang sa mga sandaling ito ay hawak ko pa rin siya sa leeg.

"Hindi mo ako kayang dispatsahin sa buhay mo Addy. Dahil alam mo na marami akong alas sayo. May sex video tayo remember? At yung anak ni Natalie? Hindi ba anak mo yun? Ipinaako mo pa siya sa mga kapatid mo."

Hindi na siya nakapagsalita dahil sa mga sinabi kong sikreto niya na pinakaiingatan niya.

Muli akong lumapit sa kanya saka ko siya ginawaran ng napakainit na halik sa labi niya. Hindi siya tumanggi ngunit hindi rin siya tumugon.

Pagkatapos ay tinapik ko siya sa pisngi saka ko nilaro ng daliri ko malalim na hiwa ng dibdib niya.

"Sige na loverboy. Magpahinga ka na sa silid mo. Alam kong pinagod ka ni Renz kanina kaya hindi muna kita gagalawin ngayon. Bukas na kita uubusan ng lakas." paalam ko sa kanya saka na ako naglakad palayo.

Nakangisi akong bumalik sa loob ng silid ko. Nag-isip ako ng magandang gagawin.

Hindi na ako basta makakalaban ng patago kay Renz dahil nakakahalata na siya sa tunay kong motibo sa kanila ni Addy.

Hindi ako papayag na basta na lamang niya ako pagtawanan nang ganun. Kailangan kong makaganti sa kanya.

Doon biglang pumasok sa isip ko yung kapatid ni Addy. Si Kiel. Napaisip ako saka ko inalala sa utak ko ang anyo niya.

Shit! Sobrang hot din ng lalaking iyon. Mga katulad niya ang tipong pinapangarap na maikama.

Kung akitin ko kaya siya? O kaya ay gagapangin ko siya saka ako magpapakantot sa kanya. Pero syempre kailangan mahuli kami ni Renz.

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ko habang pinagpapantasyahan sa isipan ako ang maskuladong katawan ni Kiel.

Ano kaya ang pakiramdam kung makakatalik ko ang lalaking iyon? Inalala ko ang unang beses na nakita ko siya habang nakasakay sa kabayo.

Wala siyang suot na pang-itaas at talaga namang natulala ako sa napakagandang hulma ng mga muscles niya.

Nangingintab rin ang buong katawan niya sa pawis na mas lalong nagpadagdag ng angkin niyang kakisigan.

Shit! Hindi ako makapaniwala na ang ganun kasarap na lalaki ay minsan nang nagpakabaliw kay Renz.

Kailangan ko nang makabuo ng magandang plano bago pa ako maunahan ng hayop na Renz na iyon.

Sisiguraduhin ko na wala ni isa man kina Kiel at Addy ang mapupunta sa kanya.

Nakatulog ako sa kakaisip ng magandang plano pero wala naman akong nabuo.

Nakahiga pa ako sa kama ko nang may kumatok sa pintuan ng silid ko. Pupungas-pungas pa akong bumangon saka ko binuksan ang pintuan.

Nagtaka pa ako nang makita ko ang nakangiting mukha ni Renz.

"Good morning!" masiglang bati niya sa akin.

"G-good morning din." sagot ko naman. "Ang aga mo yata ngayon?" tanong ko saka na ako naglakad pabalik sa kama ko.

Ibinagsak ko ang katawan ko doon saka ako pumikit. "Inaantok pa ako." reklamo ko.

"Inaantok? Gino alas siyete na ng umaga. Magready ka na. Maligo tayo sa beach pagkatapos. Makakalangoy na ako." pagyayabang pa niya.

Tinatamad akong naghikab saka ako tumalikod sa kanya.

"Dali na. Naghihintay na sa atin si Addy sa restaurant. Walang kasabay magbreakfast yun." pamimilit pa niya sa akin.

Pagkarinig ko sa pangalan ni Addy ay mabilis akong nagmulat ng mga mata. Nagsalubong ang mga mata ko saka ako umupo at tumingin ng diretso kay Renz.

"Hindi ba galit ka sa akin?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti naman siya ng matamis saka siya sumagot. "Nainis ako dahil sa nalaman ko pero nagpaliwanag na si Addy sa akin. Hindi ko naman kayo mapipigilan kung gusto ninyo ang isa't-isa. Saka alam mong hindi ko totoong boyfriend si Addy."

Napanatag naman ang loob ko dahil sa sinabi niya. "So ibig sabihin nito hindi ka na galit sa akin?" tanong ko.

Umiling siya. "Hindi na. Nakapag-isip na ako ng maayos. Papakawalan ko na si Addy."

"Paano? Magready ka na diyan at baka mainip sa paghihintay sa atin si Addy sa baba." sabi niya sa akin.

Nataranta naman ako saka ko kinuha ang towel ko. "Magshower lang ako sandali. Hintayin mo ako diyan." sabi ko.

"Sige hihintayin na kita dito. Bilisan mo ha? Five minutes." sabi ni Renz.

"Okay!" masiglang sagot ko saka na ako pumasok sa banyo.

Nakangiti ako habang nagre-ready nang magshower. Kasabay namin sa almusal si Addy ngayon kaya kailangan ay mabango ako.

Habang naliligo ako ay pakanta-kanta pa ako dahil sa magandang balita na nalaman ko sa umagang ito.

Ngayon na pinalaya na ni Renz si Addy ay malaya ko nang magagawa ang lahat ng gusto kong gawin sa kanya.

Sisiguraduhin ko na ako na lang ang nag-iisang pupunlaan niya ng kanyang katas at hindi ko na makakahati pa si Renz.

Mabilis na akong naglinis ng katawan at matapos lamang ang halos kulang sampung minuto ay lumabas na ako sa banyo.

Parang nagulat pa si Renz nang mabungaran ko siya paglabas ko. "Oh bakit parang gulat na gulat ka diyan?" tanong ko.

"Wala may nalaglag kasi na butiki kaya napatalon ako sa pagkagulat." sabi niya.

Nagdududa man ako ay hindi ko na lang pinansin. Mas nakafocus ang utak ko sa breakfast namin kasama si Addy.

Napasimangot ako nang maalala ko na kasama nga pala namin si Renz. Bakit kasi kasama pa siya? Pero di bale na. After namin kumain ay paaalisin ko na si Renz para masolo ko si Addy.

Mabilis akong nakapagbihis nang mapansin ko ang laptop ko na nailipat ng lugar. Mabilis ko iyong kinuha at inilagay sa may mesa.

"Ginalaw mo ba ito?" tanong ko kay Renz.

Tumango naman siya. "Oo muntik ko na kasing tamaan. Baka malaglag kaya nilipat ko ng lugar." sagot niya.

Nagdududa ko iyong binuksan at kinalikot pero may wala naman akong napansin na nagalaw maliban sa folder ng mga videos ko.

Nanlaki ang mga mata ko saka ako marahas na bumaling kay Renz. "May pinakialaman ka ba dito?" galit kong tanong sa kanya.

Sumeryoso naman ang anyo niya saka niya ako nilabanan ng titig. "Wala akong ginalaw diyan? Bakit bukod sa pang-aakit mo kay Addy, may tinatago ka pa ba diyan sa letseng laptop na yan na hindi ko pwedeng makita?"

Nagtagis ang mga bagang ko saka ko siya sinampal nang malakas. "Pakialamero!" sigaw ko.

Hinawakan niya ang pisngi niya na dinapuan ng kamay ko saka siya galit na tumingin sa akin. Sinabayan ko ang galit niya at nakipagtagisan ako ng masamang titig sa kanya.

Pero hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Mabilis na nakadapo sa mukha ko ang mga palad niya at pinagsasampal niya ako ng tatlong beses.

Halos mabingi ako sa lakas ng mga sampal niya at maluha-luha akong tumingin sa kanya.

"Yung unang sampal, para yun sa pang-aahas mo kay Addy. Yung ikalawang sampal, para yun sa mga videos ko na nakasave sa laptop mo. At yung ikatlo-" he paused.

"Para yun sa binabalak mong pang-aakit kay Kuya Kiel. At heto naman ay para sa ginawa mong pagsampal sa akin ngayon!" sigaw niya saka niya ako pinagsasampal muli kasunod ng pagsabunot niya sa akin.

"Ahhhhh! Shit! Araaaayyyy! Tama naaaa!" sigaw ko habang hinihila niya ako hanggang sa bumagsak ako sa sahig.

Putang-ina halos malamog ang katawan ko sa mga ginawa ng hayop na Renz na ito. Hindi pa siya nakuntento at kinaladkad pa niya ako saka niya ako binigyan ng isang malakas na tadyak sa tagiliran ko.

Napasigaw ako sa sakit saka ako namilipit sa sahig.

"Kulang pa yan sa lahat ng panggagagong ginawa mo sa akin. Napakatagal kong naging bulag sa totoong pagkatao mo. Hindi ako papayag na isang katulad mo lang ang sisira sa akin." galit na sabi niya.

Mas lalo naman tumindi ang nararamdaman kong galit sa kanya. Kumuyom ang mga kamay ko saka ko siya binigyan ng napakasamang tingin.

"Tigilan mo na si Addy. Layuan mo rin si Kuya Kiel. Dahil sa oras na makita kita na umaaligid sa kahit isa man sa kanila ay hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin." banta niya sa akin.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Sino ka naman sa palagay mo? Wala kang karapatan na bakuran ang magkapatid na iyon. At hindi mo ako mapipigilan sa paglapit sa kanila. Hindi mo sila pag-aari!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Subukan mo ako!" sagot niya saka na siya padabog na naglakad palabas ng silid ko.

Bumangon naman ako saka ako napasigaw sa sobrang pagkainis. Hinablot ko ang bawat bagay na mahawakan ko saka ko iyon pinaghahagis nang malakas sa pader.

"Hindi pa tayo tapos Renz! Hindi pa ako tapos sayoooo!" sigaw ko.

Mabilis akong pumunta sa maleta ko. Sinusian ko iyon saka ko kinuha ang isang maliit na botelya na may lamang capsule.

Euthanasia! iyon ang laman ng botelya.

Magbabayad ka sa lahat ng kasalanan mo sa akin Renz! Sa amin ni Kevin! Mamamatay ka na parang hayop!

Post a Comment

[facebook]

Mencircle

{facebook#https://facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/men_circle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget