Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2010

My Unforgettable Experience

By: KakoyIto ay nangyari noong ako ay 12 years old. Ayaw kong pumasok sa paaralan sa lunes kaya naman linggo pa lang ng umaga sinimulan ko nang sabihin na masakit ang aking tiyan. Hindi agad naniwala si Mama sa akin kaya mas ginalingan ko pa ang pag-arte. Nagkunwari akong may stomach cramping at nasusuka. Pinilit ko ring umiyak sa sakit hanggang sa naniwala na ang aking mga magulang sa akin at nag-umpisa na rin silang mag-alala. ”Ma, mukhang seryosong may sakit siya,” ang sabi ni Papa."Sige, tatawagan ko si Dr. Go,” sagot ni Mama.Nakita ko na lang bigla ang aking sarili sa likod ng kotse, nakahiga at patungo sa clinic ng doktor.Mga 10 minutes rin ang layo ng bahay namin sa clinic ni Dr. Go. Tiyempo namang nasa loob siya noon ng kanyang clinic at walang inaasikasong pasyente. Noong mga panahong iyon, hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ang aking pag-arte o sasabihin na lang sa aking mga magulang na wala talaga akong sakit. Tumingin ako sa nag-aalalang mukha ni Mama at nagdesisy…

Impiyerno Ni Eva

By: Jacques ColeAng kwentong ito ay hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng isang babaeng itatago natin sa pangalang si Eva. Animo'y parang nasa impyerno sya nang masaksihan ng kanyang dalawang mata na may kasiping na lalaki ang kanyang asawa.Nakadapa si Santi sa kama, habang nakapatong sa kanyang likuran si Abel. Kapwa sila wala ng saplot sa katawan. Dahan-dahang ikiniskis ni Abel and kanyang katawan sa likod ni Santi, at tuluy-tuloy na dinudunggol ng kanyang ari ang puwet ng huli."Mmmm... baka biglang pumasok yan..." paanas na sabi ni Santi. Siyang-siya siya sa ginagawang pagkiskis ng lalaki sa kanyang tumbong."Bakit? Ayaw mo...?" balik na tanong ni Abel sa kanya. Idinikit pa nito ang labi sa tenga ng kasiping.Wari mo'y isang dalagang bumungisngis si Santi. "Basta, dahan-dahan ha. Ayokong masaktan...""Di kita sasaktan. Ikaw pa..." sabay halik sa batok ng kasiping. "Sa dami ng oil na ipinahid mo sa katawan ko, di ako mahihirapang …

Barista

By RigortizPunyetang mga Orks 'to hindi maubos-ubos... ummmn... ummmnnn... ummmm... Ay, putsa nagcollapse na yung goldmine..."Ohhhh... araaay... what is dat..." Ringtone ng cellphone ko, wala eh…walang magawa... jologs.I checked yung number na nag register... Si James."O, bakit?" tanong ko."Where are you?" tanong nya."Nasa bahay." Sagot ko."Ang cheap mo talaga, naglalaro ka na naman ng warcraft ano?" usisa nya."Hmmmn..." hininaan ko yung volume ng pc ko."Bakit ba?" tanong ko."Hoy, nakalimutan mo na ba? We're supposed to meet today!!! Puta ka Rigs, kanina pa ko dito."Ay, oo nga pala. May usapan kami ni James.Four years ko ng kaibigan si James (pronunciation: Dyames hindi jeyms, hehehe). Mayroon kaming common friend na nagpakilala sa amin. Closeted si James, so am i. Sa Ayala Corp sya nagwowork, sosyal pero mabait. Noong una alangan ako pero eventually, as I got to know him well, I realized how down …

Ang Lumang Shorts at T-shirt (Part 2)

By: Romano MagnoLumipas ang mga araw at gabi, hindi mawawaglit sa aking isipan si Gil at yong shorts at tshirt ay hindi ko pinalabhan at nasa ilalim ng akin unan pag umaalis ako. Di ko lubos maintindihan ang aking naramdaman sa mga sandaling ako'y nag-iisa.Naganap ang hindi inaasahanNaging matagumpay ang ginanap na concert namin sa school ng biyernes ng gabi at lalong dumadami ang aming mga tagahanga. May inihandang party si Sir Ryan sa bahay nila at pumunta kaming lahat ng casts and crews para mag-celebrate.Masaya ang kainan, kantahan at inuman pero hindi ko nakikita si Gil. Ayoko namang tanungin si Sir Ryan at baka kung ano pa ang isipin nito. Mga 11:30 na ng gabi ng humupa na ang kasayahan at medyo lasing narin kami kaya nagpapaalam na kami kay Sir Ryan.Sa may kanto habang nag-aabang ng masasakyan na tricycle ay may dumaan na kotse at bigla na lang itong huminto sa pagkalagpas lang ng konti sa aking kinatatayuan at bumaba ang isa sa mga pasahero na may dalang bag na malaki at n…

Abay sa Kasal

By: JadelpilarGinising ako ng kuya ng araw na iyon para maligo at magbihis na at isasama daw nya ako sa Pangasinan para umabay sa kasal ng kapatid ng asawa nya. Sa isip ko "Abay, ni hindi ko kilala yung kapatid ng hipag ko", parang sumagot naman ang kuya ko na hindi daw makakarating yung kapatid ni hipag from US kaya ako ang papalit, magkasing katawan daw kami kaya kasya yung barong tagalog na pinatahi para sa kapatid ng sis-in-law ko.Ayaw ko mang sumama, wala akong magagawa, school vacation kaya wala akong pwedeng ikatuwiran, naisip ko rin na para makapagbaksyon din naman ako sa Pangasinan.Sa buong biyahe ay tulog ako (si Kuya ang nag drive ng kotse), dalawa lang kami sa car, nauna na ang wife nya sa Pangasinan at ito ang punong abala sa kasal, sinundo lang ako ng kuya ko para ipalit sa pag-abay. Halos bandang hapon na ng makarating kami sa bahay sa Pangasinan.Doon ko nalaman na nakarating pala yung kapatid ni ate (my sis-in-law) from US, halos magkasabayan lang daw ang dat…

Double Kara

By: Francis MMinsan sa pag-iwas natin sa kasalukuyang buhay na hindi natin gusto ang kalakaran, gumagawa tayo ng mga bagay at sariling mundo kung saan ang lahat ay naaayon sa ating mga naisin.Ako si Bryan. Mayaman ang pamilya namin. Malaki ang negosyo ng Mommy at Daddy ko. Sunod ako sa luho kaya naman malaki rin ang expectations nila sa akin. Gusto nilang kunin ko ay abogasya. Pero alam kong ang hilig ko ay interior decoration. Pero hindi ko sila pwedeng suwayin. Medyo mahigpit si Daddy kaya may nadarama akong takot kapag sya na ang nagdedesisyon sa bahay. Si Mommy naman ay sunud-sunuran lang sa kanya at halos pareho kong walang boses para sabihin ang sariling gusto.Sa bahay lumaki akong halos si Boyet lang ang naging barkada. Siya ay anak ng aming stay-in na labandera. Halos magkasing-edad kami at sa kanya ko nadama ang una kong pag-ibig. Binulag ako ng damdamin kong di ko maipagkaila. Kahit pa sabihing lalaking lalake ako kumilos, magsalita at walang sinuman ang makapagsasabing ako …

Sabik Kay Kuya

By: UnknownMy brother is my hero. Bata pa lang ako ay iniidolo ko na si Kuya Jojo. Sya lagi ang bida sa bahay dahil sya ang pinakamatalino at pinakaguwapo.Sa edad na labindalawa ay alam ko nang isa akong bading subalit pilit ko itong itinatago sa aking mga magulang at mga kapatid. Alam ko kasi ang stand nila pagdating sa bagay na iyon lalo na ang aking ama. Isa syang military. Sa paglipas ng panahon ay pilit akong nagpanggap na isang tunay na lalaki, may syota, mahilig magbasketball, nakikisabay sa inuman at maingay sa kwentuhan. Ang hindi alam ng lahat ay iyon ang tanging paraan ko upang itago ang aking tunay na katauhan.Kahit alam kong hindi pantay ang pagtingin ng aking ama sa aming magkakapatid ay hindi ko ito itinuring na masakit sa akin. Tanggap ko ang bagay na yon. Sa kabila naman noon ay mahal na mahal ako ng aking kuya. Dalawa lamang kaming lalaki sa anim na magkakapatid kaya close kami.Kung ilalarawan ko si Kuya Jojo masasabi kong tila sa isang artista ang kanyang hitsura. M…