Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2019

Ninong (Part 12)

Ayaw kong paniwalaan ang aking natuklasan. Maniniwala lang ako kung ako mismo ang makakasaksi sa lahat. Tinawagan ko agad ang cellphone ni Emil. Pero ring lang ito ng ring. Tila ayaw niyang sagutin. Ilang ulit ko rin sinubukan na tawagan siya. Pero talagang walang sumasagot. Nagpadala din ako ng ilang text messages. Pero wala din siyang reply. Tanghali na noon ng magising si Daddy. Ako naman ay balisa pa rin sa aking natuklasan. Nais ko sanang tanungin si Daddy kaya lamang ay wala akong lakas ng loob na gawin iyon. Hindi ko rin nagawang magluto ng aming kakainin ni Daddy. Dahil gutom na si Daddy ay nag-order na lamang kami sa isang fastfood ng makakain.Tapos na kaming kumain ni Daddy ng mag-reply si Emil sa aking text message. Nasa Baguio pa rin daw siya at abala sa pag-eensayo para sa nalalapit nilang graduation day. Kung nasa Baguio si Emil ay nais ko siyang makita doon. Gusto kong patunayan sa aking sarili na hindi sila nagkita ni Daddy kagabi. Nag-isip ako ng paraan para payagan a…

Credit Card

“Shit! Due date na pala sa pagbabayad sa credit card ko. Makakahabol pa kaya ako sa clearing ng check?” ang bigla kong nasabi sa aking sarili ng bumalik ako sa aking opisina galing sa isang meeting at ng makita ko ang sobreng nakapatong sa aking table na naglalaman ng billing ko sa credit card. Dali-dali kong binuklat ang aking wallet upang tignan kung may laman pa itong pera. Di na sapat ang salapi doon kaya kinuha ko na lang ang checkbook at sinulatan ko ng halagang kailangan ko bago ko pinirmahan.Dial ako agad sa telepono. “Miss Remy, may available ba tayong messenger?” ang tanong ko sa kausap ko sa telepono. “Sir, nakaalis na pa silang lahat” ang tugon sa akin ng aking kausap. “Sige, salamat na lang” ang paalam ko sa aking kausap.And dami ko pa sanang gagawin sa opisina pero deadline sa pagbabayad kaya kailangan kong sumugod sa bangko. Agad akong bumaba ng aming building at tinungo ang pinakamalapit na bangko na pwede kong pagbayaran. Biyernes pala ngayon kaya pila sa bangkong nap…

Kidnap

May mga nagsasabi na pwede daw magbago ang isang tao dahil lamang sa pag-ibig. Dahil din sa pag-ibig ay ginagawa ang lahat makapiling lamang ang taong iyong minamahal. At ang pagibig ay kusang kumakatok sa ating puso ng hindi mo napaghahandaan at kapag kumatok na ito ay wala ka ng magagawa kung buksan ang iyong puso. Noong una ay natatawa lang ako sa kasabihang ito. Subalit minsan, dumadaan sa ating buhay ang mga pagkakataon na tila nagpapatunay sa atin na totoo nga ang kasabihang ito. Siguro nga. Ah ewan, basta heto ang nangyari sa akin kaya parang gusto ko ng paniwalaan ang kasabihang ito.Syempre ako ang bida sa istoryang ito kaya gagandahan ko na ang mga katangiang babanggitin ko tungkol sa akin. Simula ng mag-aral ako ay lagi na lang ako napapaakyat sa entablado tuwing graduation o recognition day upang sabitan ng medalya. Dahil dito proud na proud ang aking mga magulang lalung-lalo na si Mommy. May kaya ang aming pamilya kaya sa exclusive school for the boys ako nila pinapag-aral…

Ninong (Part 11)

Sa mga sumunod na araw ay naging busy si Emil sa pagre-review. Mauuna kasi kumuha ng pagsusulit ang mga graduating class kaysa sa amin. Dahil nga busy si Emil ay sa dormitoryo na lamang kami nagkikita subalit halos hindi na kami nakakapag-usap. Nang matapos ang pagsusulit niya ay ako naman ang naging abala sa pagre-review para sa final exams namin. Ganoon pa rin ang nangyari. Hindi ako gaanong inistorbo ni Emil para makapag-concentrate ako sa aking pag-aaral. Nang malaman ni Emil na pasado sya sa lahat ng subjects nya ay saglit siyang umuwi sa Maynila.Nang matapos naman ang aking pagsusulit ay ako naman ang nagpasyang umuwi sa Maynila. Halos tatlong buwan din akong nawala sa aming bahay. Tuwang tuwa ang aking Mommy sa aking pagdating. Na-miss daw niya ang kaisa-isa niyang baby. Sa unang araw ko sa Maynila ay pilit kong tinatawagan si Emil sa kanyang cellphone. Hindi kasi siya nagrereply sa mga text ko na ipinapaalam ko sa kanya na nasa Maynila na din ako. Nang sumagot naman siya at si…

Angel's Eyes

“Angelito, ikaw ng bahala dito kay Mr. Robbie. Huwag mong kalilimutan ang mga gamot na dapat niyang inumin. Yung mga hindi pa masyadong magaling na sugat nya, lagi mong linisan at palitan ng dressing.” ang bilin ng doctor kay Angelito habang hinihintay nila ang sasakyang susundo kay Robbie papauwi sa bahay nito. “And don’t forget yung check up nya next week.” ang dugtong pa ng doctor.“Yes doc. Noted po lahat ng bilin ninyo.” ang tugon naman ni Angelito.Si Angelito ay isang nurse na tumatanggap ng extra duty bilang private nurse ng mga pasyenteng na sa bahay na lamang nagpapagaling ng kanilang karamdaman. Maayos naman ang sweldo ni Angelito sa hospital na iyon. Pero dahil nga kailangan niya ng mas malaking income para itaguyod ang kanyang pamilya ay okey lang sa kanya ang maging private nurse ng mayayamang pamilya. Nasa mid-20’s pa lamang si Angelito at nasa kalakasan pa ang kanyang katawan upang kayanin ang pagiging private nurse na stay-in pa sa bahay.Si Robbie naman ay isang binata …

The Jaguar Adventures of Jorge: Ang Pagkamulat

“Mama, ito na po ba ang bago nating bahay?” ang naitanong ni Jorge sa kanyang ina sa pagbaba nila sa kotse sa harap ng isang bago at malaking bahay.

“Oo anak. Ito yung nabili namin ng Papa mo bago siya bumalik sa Dubai.” ang sagot naman ng ina ni Jorge.

Sinalubong sila ng Administrator ng subdivision na iyon at bahagyang pinaliwanagan sa mga house rules ng subdivision na iyon. Si Jorge naman ay sabik na sabik na mapasok ang loob ng bahay. Kaya naman iniwan niya ang ina sa pakikipag-usap sa Administrator. Ilang minuto pa ay dumating na ang truck na kung saan lulan ang lahat ng mga kasangkapan nina Jorge. Isa-isang ibinaba ang mga ito at ipinuwesto sa loob ng bahay. Tanghali na ng maibaba ang lahat ng kanilang kasangkapan kaya naman inutusan si Jorge ng kanyang ina na sumaglit sandali sa malapit ng fastfood para may makain sila pati na rin ang mga trabahador na nag-aayos ng kanilang gamit. Gamit ang kanilang kotse ay madaling nakabalik si Jorge dala-dala ang pagkaing pinabili ng kanyan…