$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Here Beside You (Part 7)

The Change... By: Chaster Rassel Bigla akong natigilan dahil ang inaasahan kong itatanong ni ate Char sa akin ay ang kung bakla ba ako...

Here Beside You Tagalog Gay Story Series

The Change...

By: Chaster Rassel

Bigla akong natigilan dahil ang inaasahan kong itatanong ni ate Char sa akin ay ang kung bakla ba ako pero hindi ko inakala na mas tiyak pa doon ang itatanong nya. Bakit kaya nya naisip na may gusto ko kay Rassel? Alam na kaya nya kung ano ako?.........

"Ano?...Chast naghihintay ako ng sagot mo..."

Nagpasya na ako na buong tapang na aminin ang lahat kay ate, bahala na kung ano man ang kahantungan nito. Napalunok ako at kasunod noon ay buong loob kong sinabi na.........

"OO......."

Natigilan si ate, ang akala ko ay magagalit sya pero.....

"Salamat naman at sinabi mo sa akin ang totoo....."

"Ate ikinakahiya mo ba ko...?"

"Hindi...."

"Baka naman.....Sinasabi mo lang yan para di ako masktan...."

"Hay naku...Tong kapatid ko talaga oh....Bakit naman kita ikakahiya?..."

Bigla akong inakap ni ate Char, dahil dun nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Pinaramdam nya kasi sa akin na buong puso ang pagtanggap nya sa kung ano ako.........

"Itong tatandaan mo Chast, kahit ano ka pa....Kahit maging bi, bading o kahit tomboy ka pa!....Hindi kita ikakahiya....Dahil wala ka naman ginagawang masama at wala kang naaagrabyadong tao...Proud pa nga ako sa iyo eh....Dahil buong tapang mong inamin sa akin kung ano ka....Tsaka gagawin ko ba naman yun?...Eh ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid at natitirang kapamilya......."

Kahit na naluluha ako ay bigla akong napangiti sa aking mga narinig. All this time, natatakot lang pala ko sa wala.......

"Alam mo ate Char....Ang swerte-swerte ko na ikaw ang naging ate ko...Kasi ang bait-bait mo eh at maunawain ka pa....Kaya mahal na mahal kita eh..."

"Sus! Naglalambing ang mokong!...Pero alam mo kahit na pasaway ka...Mahal na mahal din kita.......Hehehe...." sagot ni ate sabay gulo sa buhok ko....

Pero syempre hindi pa tapos ang usapan.....

"Teka...Siguro naman ngayon eh....Pwede ka nang tumahan para maipaliwanag mo na sa akin ng maayos yang iniiyak mo...?"

Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ko ang aking sarili. Malaki ang naitulong nang pagsabi ko ng totoo kay ate tungkol sa pagkatao ko dahil ngayon, mas madali kong maipapaliwanag ang lahat sa kanya.......

"Ahmmm...Ate bago yun...Pwede ba kong magtanong?...Isa lang naman eh....?"

"Ano yun...?"

"Paano mo nalaman...?"

"Ah.....Kasi ganito yun....Alam mo ba na kapag nagkwekwento ka sa akin ng tungkol kay Rassel eh parang kang babae na nagkwekwento ng tungkol sa crush nya sa school....?" natatawang sagot ni ate.....

"Huh?"

"OO!...Yung kilos mo...Boses...Yung pagsasalita mo....Kilig na kilig ka kaya....Parang gago lang....Tapos base pa sa mga kinukwento mo eh tila kakaiba ang bonding nyo ni Rass.......Kaya naisip ko na mukhang alanganin ka...."

"Grabe ate napansin mo pa yun? Ako nga di ko napansin yun sa sarili ko eh......" sambit ko habang napapakamot sa aking ulo....

Bigla akong nakaramdam ng hiya kay ate Char, dahil hindi ko inakala na ganun pala kaobvious na may gusto ako sa bestfriend ko........

"At yun din ang dahilan kung bakit pinaimbitahan ko si Rass sa iyo.....Para makita ko nang aktwal kung paano kayo kumilos kapag kasama ang isa't isa at tama nga ako kasi nung nasa mesa tayo eh may nakita akong spark...Hehehe..."

"Spark...?"

"Alalahanin mo...."

Binalikan ko sa aking isipan ang mga nangyari nung araw na yun habang nasa mesa kami. Doon ko naalala na noong nasamid ako sa tubig, hinaplos ni Rass ang likuran ko at ilang beses pa nyang tinanong ang kalagayan ko...Tinapik pa nga nya ako sa balikat..........

"Ibig sabihin...Sa part na iyon...Totoong nag-aalala si Rass sa akin....Shet ang tanga ko...." bulong ko sa aking sarili....

"Teka...Parang naiiba na tayo Chast ah....Sabihin mo na sakin kung ano yung iniiyak at ipinagmumukmok mo dito.....Alam ko may kinalaman yun sa pagkainlove mo kay Rass....."

"Ahmmm...Kasi....Nung hinatid ko si Rass...Nag-away kami...At hanggang ngayon hindi kami nagpapansinan....."

"Bakit...?"

"Hindi ko rin nga maintindihan eh...Nagugulahan ako...May pinagtalunan kami...Tapos bigla na lamang syang nagalit...Ayaw na daw nya akong makita...Pinuputol nya yung pagkakaibigan namin....At nung nagpumilit ako na kausapin pa sya, kasi gusto ko nang ipagtapat nun na may gusto ako sa kanya....Sinuntok nya ko...."

"So sya pala ang may gawa nung sa mukha mo...Pero ano nga ba yung pinagtalunan nyo...?"

Patay!....Nagkamali ata ko ng pagsabi....Nagtanong tuloy si ate...Paano toh mas malalagot ako nito kay Rass.......

"Ah...Eh....Ahmm....Eh...." sambit ko habang napapakamot sa ulo.....

"Hmmmm....Chast mukhang may hindi ka sinasabi sa akin ah....May nangyari ba bago ako dumating dito sa bahay nung araw na iyon....?"

"Ahmmmm.....Ate ang kati ng ulo ko...." sambit ko sabay kamot ulit sa aking ulo........

"CHASTER AMARINES!!! Sagutin mo ang tanong ko!...." siryosong sambit ni ate....

"Eh ate nahihiya akong sabihin nang malakas eh....Baka pwedeng ibulong ko na lang....?"

Nilapit ni ate ang tenga nya sa akin at saka ko pabulong na ikuwento sa kanya ang simula ng mga pangyayari nung araw na yun. Habang kinukwento ko ay hindi naman nya maiwasan na matawa.....

"Hmph!....Kinurot mo din sya sa singit?!...Tapos....." natatawang usisa ni ate....

At nang sinabi ko na kung anong kinahantungan ng pangungurot ko ay bigla na lamang napatawa ng malakas si ate........

"AHAHAHA!.....At talagang sya pa ang nagalit?!...Ahahaha..."

"Eh ate ano ba kasi yun?....Bakit parang napakabig deal kay Rass....?"

"Hala di mo talaga alam?!...Ignorante ang mokong!....Hahaha..."

"Ate hindi talaga eh...."

"Weh!....Hindi ba tinuturo sa inyo sa school ang male reproductive system.....O sex education man lang?"

"Tinuturo pero...Slight lang eh....."

"Ahahaha.....Di bale malalaman mo rin yun! Hehehe....."

"Ah ate....Hind pa yun tapos....Nasundan pa yun eh....At yun ang naging ugat ng pagtatalo namin........"

"Huh may part 2?! O sige, bulong mo ulit sa akin...."

Ibinulong at ikinuwento ko na rin kay ate pati ang nakita kong ginagawa ni Rass sa banyo. Ganun din ang naging aksyon ko nang marinig ko ang pagdating nya. Sandaling natahimik si ate at......

"Anak ng tokwa!...Eh kung ako si Rass, masasapak din kita!...."

"Ate naman eh!"

"Eh kasi naman.....Hay ewan....Gwapo ka nga pero...Pero...May pagkatanga ka naman!...."

"Ate ang sabi nga nila....You cannot have it all...."

"Lokoloko!......Kaya naman pala parang ayaw mong umupo sa tabi nya noon...."

"Oo....Naiilang kasi ko sa kanya....Pero hindi ko naman inakala na hahantong ang lahat sa pagkasira ng pagkakaibigan namin.....Ni hindi ko maintindihan kung bakit basta na lang nya ko nilayuan.....Ate....Ayaw kong mawala nang tuluyan si Rass....Mahal na mahal ko sya eh...Ano bang dapat kong gawin.....?"

"Mahal na mahal?....Hay ang first love nga naman.....Alam mo bata ka pa huwag kang magmadali.....Marami pa kayong mapagdadaanan ni Rass mo....Tsaka alam mo, nasisigurado ko may personal na rason sya kaya nya ginawa yun....Pero hindi ka rin matiis nun...Bibigay din yun...Dahil 99.9% sure ako....May gusto rin yung tao sa iyo...."

"Paano mo naman alam?"

"Paano?"

At bigla na lamang kumilos si ate, ginagaya nya kunyari yung ikinuwento ko sa kanya na nakita kong ginagawa ni Rass sa banyo at.....

"Ahhhh...Chast!...Ahhh...Gago ka talaga!....Shet ka!...Ohhh....Chast ko...Kuha mo?" at ginaya pa nya pati yung pinagsasabi ni Rass.......

Hindi ko napigilan ang sarili ko at natawa ako nang natawa sa pinaggagagwa ni ate. Ang sagwa kasing tignan kapag babae ang gumawa noon.......

"Ahahahaha!...Ate naman eh! Puro ka kalokohan eh...Siryoso yung tinatanong ko....."

"Hahahaha....Toh naman pinatatawa lang kita! Paano naman kasi ilang araw nang nakabusangot yang pagmumukha mo........Pero balik sa usapan, hindi mo dapat sukuan si Rass.....Gaya ng sinabi ko bibigay din yun.....Kaya itigil mo na yang pagmumukmok at pag-iyak mo! Hindi pa sya patay masyado kang excited!...."

"Hahahaha!...Eh ate di ba nga sabi ko sa iyo...Hindi kami nagpapansinan....Para ngang di na ko nag-eexist sa mundo nya eh........Paano yun?"

"Eh di magpapansin ka.....Alam ko di mo toh gaano kailangan pero....Magpagwapo ka....At pagnakahanap ka ng tiyempo, akitin mo...Gamitin mo ang powers ng mga mata mo hehe....Go lang ng go...Okay?"

"Oo ate....Salamat sa payo....." nakangiti kong sambit sabay akap sa kanya......

Nang sumunod na araw ay sinimulan ko na ang pagsunod sa ipinayo sa akin ni ate. Itinigil ko na ang pagmumukmok, pag-iyak at inayos ko ang aking sarili. Pagkabihis ko ng uniporme ay humarap ako sa salamin.

Binago ko ang ayos ng aking buhok. Dati ay lagi lamang itong nakabagsak pero ngayon, nilagyan ko ito ng style, sinuklay ko ito pataas at binugahan ng kaunting hairspray upang di magulo. Mas nakikita na ngayon ang mga mata ko dahil hindi na natatakpan ng bangs.

Kasunod noon ay nagspray ako ng bagong pabango, yung mas matindi kaysa sa dati. Yung pabango na kagaya ba ng nasa commercial sa tv na pati mga anghel bumabagsak mula sa langit dahil sa bango. Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang aking new look sa salamin........

"Humanda ka sa akin Rassel Almoneda....Ikaw ang pasusukuin ko....Tignan ko na lang kung hindi ka pa bumigay sa mga gagawin ko....I willl have my eyes on you....Wala pang sino man ang nakaresist sa mga matang toh...." buong tindig kong sambit......

Sa eskwelahan.....

Papasok pa lang ako sa may pinto ng classroom ay agad na akong napansin ng mga kaklase ko. Napatingin sila sa akin at yung iba ay nakuha pa kong kantyawan.......

"Uy! Amarines new look tayo ah!"

"Hanep sa dating!"

"Naks naman! May pinopormahan ka noh?..."

"Loko! Sino naman ang popormahan ko dito? Eh all boy school toh!....Hahaha!" pabiro kong sagot sa kanila......

Umupo na ko sa silya ko pero si Rass wala pa. Tamang tama may kaunting oras pa ako para makaisip ng paraan para mapilitan ang mokong na kausapin ako. Doon ko naalala yung ginawa ko nung unang araw ng klase.

Nilagay ko ang bag ko sa kanyang silya at this time, naglabas ako nang ilang aklat mula sa bag at pinatong ko naman ito sa arm rest nya. At habang naghihintay ng kanyang pagdating, kumuha ako ng isang aklat, nagbasa muna ako pero tinapat ko ito sa aking mukha para hindi nya agad makita ang aking itsura.

Samantala si Rassel..........

Ang buong akala ko ay malelate ako dahil naipit sa traffic ang sinakyan kong fx, buting na lamang ay umabot ako sa school limang minuto bago ang pagtunog ng bell. Pero pagdating ko sa classroom, isang problema ang tumambad sa akin. Napahinto ako sa may pinto dahil nakita ko na ang mga gamit ni Chast ay nakalagay sa silya ko at pati ang arm rest pinatungan pa.

Ganito rin yung nangyari nung unang araw ng eskwela, pero bakit nya ba ginawa toh at ngayon pa na nagmamadali akong makapasok. Kung sinadya nya toh malamang desperado na ang mokong para pansinin at kausapin ko sya ulit. Pero anong gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng ipasabi sa iba na tanggalin nya ang mga gamit nya dahil baka malaman pa nilang may issue kami at makarating pa sa adviser namin mas malaking problema iyon.

At speaking of, paglingon ko sa aking gilid ay nakita kong parating ang aming adviser. Syempre nakita nya akong nakatunganga sa may pintuan kaya inusisa nya ko........

"Oh Almoneda, Bakit nandito ka pa sa may pinto? Bat di ka pa pumasok sa loob?...Magbebell na....Gusto mong mamarkahan ng late...?"

Dahil doon ay napilitan akong pumasok sa loob..........

"Kabwisit ka Chast!...Panira ka sa umaga ko!" inis kong sambit sa aking sarili sabay pasok.......

Heto na, hindi man lang napansin ng mokong na dumating na ko dahil nagbabasa sya at nakatakip ang aklat sa mukha nya. Pero pabor naman sa akin dahil hindi nya nakikita na nagkakaganito ko sa pinaggagawa nya. Kasunod noon ay may naamoy akong mabango, nakahuhumaling, alam ko ang amoy na iyon dahil minsan na rin akong gumamit noon. Pero napagtanto ko na.........

"Galing kay Chast?...Nagpalit sya ng perfume?...Ano namang kagaguhan toh?" bulong ko sa saking sarili......

Napakamot na lamang ako sa ulo dahil sa naghalong inis at panggigigil. At dahil wala na kong choice, napilitan na akong.......

"Psst!...Psst!...Psst!...HOY!!!..." inis kong sambit........

"May problema ba?....Huwag mo kong sutsutan dahil hindi po ako pusa...." sagot ni Chast sabay tanggal ng aklat na nakatakip sa mukha nya at titig sa akin......

Parang gusto ko nang magmura dahil napatulala at napanganga ko sa aking nakita. Hindi lang pala pabango ang nabago sa kanya kung hindi pati ang itsura, iniba nya ang ayos ng kanyang buhok kaya kitang kita ang mga mata nya. At ang masaklap pa, tinitigan nya ko nang diretso sa mga mata ko tapos ngumiti pa sya. Para kong matutunaw sa titig nya at ang masasabi ko lang, ang gwapo nya, as in grabe. Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko at natanong ko na lamang sa aking sarili na............

"Bakit ko nga ba pinakawalan ang gago na toh...?"

Pero ang pantasya ko ay biglang naputol dahil natauhan ako nang marinig ko ang tinig ng adviser namin..........

"Almoneda kanina pa kita tinatawag! Nakatulala ka dyan!"

"Ma...Ma'am?...So...sorry po...."

"Will you please sit down! At mag-iistart na ang klase..."

Hay nasita tuloy ako ng di oras kaya naman kahit na labag sa kalooban ko ay ginawa ko na ang hindi dapat. Dinabog ko nang mahina ang arm rest ni Chast, inilapit ko ang mukha ko sa kanya at........

"HOY KUPAL! Alisin mo yang mga gamit mo sa silya ko! KUNG AYAW MONG MAGKAGULO TAYO DITO!" pabulong kong sambit.....

Bigla na naman nya kong nginitian na tila nang-aasar pa at..........

"Eh di kinausap mo din ako ulit...." mapang-asar nyang sagot....

"Huwag kang feeling dyan! Dahil ito na ang huling pagkakataon

na kakausapin kita......"

"Talaga lang ha...Sige sabi mo eh.."

Inalis na nya ang mga gamit nya, panay pa rin ang ngiti ng mokong habang nag-aalis ng gamit sa silya ko pero dinedma ko na lang. Sa wakas, nakaupo na rin ako at nagsimula na ang klase. Hindi ko maintidihan, pero habang nagklaklase di pa rin ako mapakali dahil sa nangyari. At di ko rin maiwasan na pasimpleng sumulyap kay Chast at sa bawat sulyap ay di ko mapigilang mapangiti, buti na lamang ay di nya ito napapansin.

Napagtanto ko na plinano ni Chast ang lahat ng ito at ako naman si tanga, nahulog sa patibong. Pero bakit nya ginagawa ito? Alam na ba nyang may gusto ako sa kanya? Hindi ito pwede....Hindi ako pwedeng bumigay......Hindi dapat.....

Balik kay Chaster......

Tagumpay ang una kong plano, nakakatawa ang reaksyon ni Rass dahil kulang na lang eh bahayan ng langaw ang bibig nya dahil sa tindi nang pagkakanganga nya. At least ngayon, napatunayan ko na tama ang kutob ni ate Char at talagang apektado pa rin sya sa akin. Pero simula pa lamang ito at hindi ako titigil hangga't hindi kami nagkakaayos.

Ipinagpatuloy ko ang simpleng pagpapapansin kay Rass habang humahanap ng tiyempo para muli syang himukin. Hanggang isang araw ng biyernes, lunch break namin, katatapos ko lamang kumain at nagpasya akong maglakad-lakad muna sa may koridor. Nakita ko si Rass na naglalakad din ngunit hindi nya ako napansin......

"Hmmm...Saan kaya ang punta nito?...Masundan nga...."

Sinundan ko si Rass hanggang sa makarating kami sa may comfort room. Napahinto sya sa may pinto dahil nagkataon na may nasalubong syang limang estudyante na papalabas. Pagkalabas ng mga ito ay agad naman syang pumasok. Naiwang nakabukas ang pinto, kaya naman pasimple akong sumilip dito. Nasa tapat sya ng isa sa mga lababo at naghuhugas ng kamay. Pero ang maganda dun, walang ibang tao sa loob maliban sa kanya. Sinamantala ko ang pagkakataon, pumasok din ako sa loob at sinara ko ang pinto............

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Here Beside You (Part 7)
Here Beside You (Part 7)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s1600/Here+Beside+You.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s72-c/Here+Beside+You.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/07/here-beside-you-part-7.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/07/here-beside-you-part-7.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content