$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Here Beside You (Part 16)

How Could This Happen To Me?... By: Chaster Rassel Nagmistulang estatwa na kaming dalawa ni Rass habang nakatitig muli sa mga resulta ...

Here Beside You Tagalog Gay Story Series

How Could This Happen To Me?...

By: Chaster Rassel

Nagmistulang estatwa na kaming dalawa ni Rass habang nakatitig muli sa mga resulta ng exams namin, dahil hindi pa rin kami lubos na makapaniwala sa nakikita namin. Ilang sandali lang ay......

“Boys...Will you take your seat....Mamayang break nyo na lang tignan ang scores nyo....Magsisimula na ang klase....

Dumating na si manyak, nang marinig ko ang kanyang boses ay napalingon ako sa pinto kung saan naroon sya na nakatayo. Ngayong nakita ko sya, bigla kong napagtanto ang mga pangyayari. Tila alam ko na kung ano ba talaga ang nangyayari dito at nagkaganito ang mga scores namin ni Rass sa exam.

Nagsiupuan na ang mga kaklase namin habang kami naman ni Rass ang natira sa tapat ng bulletin.......

“Rass....Parang alam ko na kung sino ang may gawa nito sa atin...”

“Hmph!...Ako rin....”

Pumasok na si manyak, kaya naman si Rass ay tinapik ako sa balikat at....

“Ayan na sya....Mabuti pa umupo na muna tayo....”

Nauna na syang nagtungo sa kanyang silya. Pasunod na rin ako nang saktong dumaan si manyak sa likuran ko. Napalingon ako sa kanya, sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makarating sya sa mesa nya. Habang umuupo sya ay bigla nya akong tinitigan at nginitian, pero ang sama nang dating ng ngiti nya at nanlilisik ang kanyang mga mata. Parehong pareho ito ng itsura ng mata nya noon sa library. Tama nga ang masama kong kutob.

Sa puntong iyon ay inis na inis ako at gustong gusto ko na syang kumprontahin. Pero bukod sa magsisimula na ang aming klase, hindi ako pwedeng gumawa ng eksena sa harap ng mga kaklase ko, mahirap na. Dahil doon, minabuti ko na umupo na muna.

Pagdating ng uwian.......

Nang magsimula nang magsilabasan ang mga kaklase namin.....

“Rass, magpapaiwan ako dito....”

Papatayo na dapat sya pero nang marinig ang mga sinabi ko ay bigla syang napahinto at napalingon sa akin.....

“Ha?!...Bakit?!...”

“Kailangan kong makipagtuos sa animal nating teacher....”

“ANO?!...Nasisiraan ka na ata eh....”

“Hindi ko pwedeng palampasin na lang itong ginawa nya sa atin!...”

“Sige...Pero sasama ko sa iyo....”

“Rass huwag na....Ipaubaya mo na sa akin toh...Ako naman ang ugat ng lahat ng ito eh...Please lang....”

Sandali syang natahimik, pagkatapos ay.....

“Naiintindihan ko....Hihintayin na lang kita sa school gate....”

Lumabas na sya, habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa aking silya habang hinihintay na makalabas ang lahat ng aking mga kaklase. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumitig lamang kay manyak hanggang sa nakalabas na ang lahat.

Tumayo na rin sya mula sa kanyang upuan, nang mapansin nyang nasa classroom pa ko ay nginitan nya ako na para bang nang-aasar sya. Pagkatapos noon ay dumaan sya sa harapan ko na parang wala lang. Kaya naman tumayo na ko at pinigilan ko sya mula sa pag-alis.........

“SIR!...SANDALI LANG!!!...” pagalit kong sambit......

Huminto sya, pagkatapos ay lumingon at lumapit sya sa akin........

“Yes Chaster?...You need something?...Mainit yata ang ulo mo ngayon ah....”

“Wala akong panahon para makipag lokohan sa inyo sir!... BAKIT NYO KAMI BINAGSAK NI RASS NANG WALANG DAHILAN?!!!...”

“Chaster mabigat na paratang yan ah....”

“Hmph!...Matapos nang ginawa nyo sa akin sa library magkakaila pa kayo?!...SIR HINDI AKO TANGA!!!....”

“Alright then....”

Dahan-dahan syang naglakad papunta sa aking likuran. Hinawakan nya ang magkabila kong balikat at unti-unting inilapit ang kanyang labi sa isang kong tenga.......

“Let’s just take it this way....Nakakapagod ka na kasing daanin sa santong basbasan eh....Masyado kang hard to get....Kaya naisip ko na ipitin ka na lang para mapilitan ka na kusang ibigay ang sarili mo sa akin....”

“Ipitin?!”

“OO....At yung sa exams niyo...Patikim pa lang iyon...Wait until makita mo ang mga report card niyo ni Rassel...”

Mas masahol pa pala ang taong ito kaysa sa inaasahan ko. Sa puntong iyon ay naging pigil ang paghinga ko, kasabay ng pagpipigil ko sa galit na nagsisimula nang bumalot sa akin........

“Hmmm....Hindi ba’t may ate ka?...Ano kayang sasabihin nya kapag nakita nya ang mga grades nyo?...Kawawa naman sya...Ginagapang nya ang pag-aaral mo tapos bagsak ka....”

“PAANO MO NALAMAN ANG TUNGKOL SA ATE KO?!!” inis kong usisa....

“Marami akong alam tungkol sa iyo my dear Chaster....Isipin mo...Kapag nakita ng ate mo na puro bagsak ka....Baka isipin nya na sinira mo ang pagtitiwala nya sa iyo....Di kaya magalit sya sa iyo?...Di kaya sisihin nya ang pagkikipagrelasyon mo kay Rassel?....Sige ka...Baka paghiwalayin nya kayo.....”

“Hindi ba’t ako lang ang gusto mo?!...Bakit pati ang ate ako?!...Bakit pati si Rassel?!....BAKIT PATI SILA DINADAMAY MO?!...”

Inilayo na nya ang kanyang labi sa tenga ko. Lumipat sya sa kabila kong side, nagulat at napaiwas na lamang ako nang idikit nya ang kanyang ilong sa leeg ko at inamoy amoy ako na parang isang aso. Sa puntong iyon, ang galit na nararamdaman ko ay nahahaluan na ng takot.....

“Hmph!...Masyado ka naman sensitive haha...Don’t worry Chaster...Bibigyan kita ng oras para magdesisyon....You have until next Friday...That is the last day for the computation of the students’ grades ng katatapos lang na quarter....And three days bago ang release ng report cards nyo.....Ibabalik ko ang totoo nyong scores at grades kapalit mo....”

“Alam mo...Hindi ko lubos maisip kung paano naging isang teacher ang kagaya mo...DAHIL NAPAKAWALANG HIYA MO!!!....” galit kong bulalas....

“You can say what you want but it won’t change anything...”

Muli nyang inilapit ang kanyang labi sa tenga ko at.........

“Just remember...Masisira ang tiwala ng ate mo sa iyo...Magagalit sya sa iyo....At higit sa lahat...Mawawala ang pinakamamahal mong si Rassel sa iyo...Oras na magkamali ka ng desisyon...So be wise if is it a deal or no deal.....Hmph!...”

Matapos iyon ay iniwan na nya ako sa loob ng classroom. Naiwan akong nakatayo doon, tulala at di makaimik. Ilang sandali lang ay nagsimulang manlabo ang mga mata ko dahil sa luha na gawa ng naghalong takot, galit at panggigigil.

Kanina lang ang tapang-tapang ko, pero matapos kong marinig ang lahat ng mga sinabi nya, parang bigla akong pinanghinaan ng loob. Bago pa man ako tulyang maging emosyonal, pinahid ko na ang luha sa aking mga mata at lumabas na ko.

Paglabas ko at pagsalubong sa akin ni Rass hindi na naiwasan na mabakas nya sa aking mukha ang nararamdaman ko..........

“Chast...Anong nangyari sa usapan nyo?!...Bakit ganyan ang itsura mo?!...Namumutla ka ah...”

Tumingin lamang ako sa kanya at.....

“Huwag dito...Sa bahay na lang natin pag-usapan....”

Sa byahe ay wala akong kaimik-imik, hanggang sa makarating kami sa bahay. Pero pagpasok naming dalawa sa aking kwarto, doon ko na hindi napigilan ang pagbulalas ng nararamdaman ko. Napaakap, napaiyak at napasandal na lamang ako sa dibdib ni Rass.........

“Ano bang nangyari kanina?...Sabihin mo sa akin...” pag-aalala nya...

Pinaupo nya ako sa kama, umupo din sya sa tabi ko pagkatapos ay doon nya ako hinayaang makapagpaliwanag........

“Tinakot nya ko Rass....Sinabi nya sa akin na hindi lang yung scores natin sa exams ang ibabagsak nya....Pati grades natin sa report card....” lumuluha kong pagpapaliwanag......

“ANO?!...Talagang hindi ka nya titigilan...Hangga’t hindi ka nya nakukuha noh!...Kaya siguro pati ako dinamay nya....”

“Gusto nya kong ipitin...At dahil alam nyang mahalaga ka sa akin...Ikaw ang ginamit nya...Sabi nya ibabalik lang nya ang tunay nating scores at grades...Kapag...Kapag ibinigay ko ang sarili ko sa kanya....Rass...Paano kaya kung pumayag na ko sa gusto nya....Para matapos na ang panggugulo nya sa akin...Sa atin...”

“Hindi!...Chast kahit anong mangyari HINDING HINDI MO GAGAWIN IYON!!!.....”

“Pero Rass natatakot ako eh...Paano pagnakita ni ate Char yung report card ko na puro bagsak ang grade....pati ikaw...Rass nagtiwala sya sa atin pero pag nangyari yun...Baka isipin nya na nagpabaya tayo dahil sa relasyon natin....Baka paghiwalayin nya tayo....”

“Ano ba yang pinag-iisip mo?!...”

Dinampi nya ang mga kamay nya sa magkabila kong pisngi, hinaplos nya ito at saka nya pinahid ng daliri nya ang umaagos kong luha....

“Makinig ka....Hindi mangyayari yang mga iniisip mo....”

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay, inilapit ito sa kanyang labi at hinagkan ito.....

“Hindi natin hahayaan na magtagumpay si sir sa mga balak nya.....Gagawa tayo ng paraan...”

“Pero paano?...”

“Lalapit tayo sa principal ng school...O kaya naman, kausapin natin yung mga subject mentors natin.....”

“Rass hindi natin pwedeng gawin iyon....Mas lalaki lang yung gulo...Baka malantad pa sa buong eskwelahan kung ano tayo....Tsaka ayaw ko rin na makarating pa toh kay ate Char....Masyado na syang maraming pasanin nang dahil sa akin...Ayaw ko nang madagdagan pa iyon......”

Natigilan at napatitig lamang sya sa akin matapos na marinig ang mga sinabi ko. Tila nag-iisip sya pero ilang sandali lang.......

“Basta Chast...HINDI MO IBIBIGAY ANG SARILI MO KAY SIR.....Makakaisip din tayo ng paraan....Kaya huwag kang panghihinaan ng loob.....Hindi ka nag-iisa dito....Sabi mo nga sa akin di ba, kakayanin natin toh, as long as we’re here beside each other....”

Pagkatapos noon ay niyakap niya ako at napayakap na lamang din ako sa kanya. Buti na lamang nandiyan si Rass at pinaalala nya sa akin ang mga salitang binitawan ko noong araw na naging kami. Dahil doon, nabuhayan ako ng loob at pag-asa na malalampasan namin ang problemang ito.

Kinagabihan........

Dumating si ate Char na may dalang masarap na gabihan, KFC bucket meal. Araw nga pala ng sahod nya kaya daw naisipan nyang manlibre. Tinulungan namin sya ni Rass na ihanda ito at ayusin sa may hapag. Matapos iyon ay agad namin itong pinagsaluhan........

“Ate salamat dito ah...Matagal na rin akong hindi nakakain nito eh....” sambit ko habang kumukuha ng chicken.....

“Minsan lang yan...Kaya sulitin nyo na....” sagot ni ate....

“Pero ate bakit naman ganito karami ang binili mo?” usisa ko...

“OO nga te....Parang merong may birthday ah....” dagdag ni Rass...

“Bakit?...May okasyon naman ngayon na dapat icelebrate ah.....”sagot ni ate...

“Huh?...” sabay at nagtataka naming sambit ni Rass.....

Matapos kong mailagay ang kinuha kong chicken sa plato ko, si Rass naman ang kinuhanan ko at nilagay ko rin ito sa plato nya. Kasunod noon ay binigyan ko naman sya ng gravy......

“Buhos mo sa kanin ko...Damihan mo ah...” sambit ni Rass.....

Habang ginagawa ko iyon, isang katanungan ang idinugtong ni ate Char sa sinasabi sya sa amin kanina.......

“Di ba nalaman nyo na kanina yung resulta ng periodical exam nyo?!...”

Nabigla ako sa tanong na iyon ni ate, dahilan para mabitawan ko ang container ng gravy at matapunan nito si Rass. Maging si Rass ay natigilan din at hindi agad nakaimik sa kanyang narinig. Naging dahilan rin iyon para maudlot ang usapan......

“Oh ano ba yan....Si Chast talaga...”sambit ni ate....

“Ahmmm....Sorry Rass....Ah...Kukuha lang ako ng pamunas.....”

Tumayo ako para kumuha ng pamunas. Nang makakuha ako ay agad din akong bumalik sa kanila. Pagkaupo ko ay agad kong sinimulang punasan si Rass. Sa puntong iyon ay kinakabahan na ako sa hahantungan ng tanong ni ate Char, kaya naman habang pinupunasan ko sya ay nanginginig na ang kamay ko.........

“Sorry ulit Rass....Hindi ko sinasadya....” kabado kong sambit ko habang pinupunasan sya.....

Mukhang nabatid ni Rass ang saloobin ko, gawa na rin ng mga ikinikilos ko, kaya naman kinuha nya ang pamunas mula sa akin at sya na ang nagpunas sa kanyang sarili.......

“Okay na ko...Salamat...” sambit ni Rass habang pinupunasan ang kanyang sarili........

Pagkatapos noon ay itinuloy na namin ang aming pagkain. Pero kasabay noon, tinuloy din ate ang kanyang tanong.......

“So...Kumusta naman yung exam niyo?...Naipasa niyo ba...?”

Hindi kami nakaimik pareho, sa halip ay nagkatinginan lamang kami. Nakita ko sa itsura ng mukha nya, parang sinasabi nya sa akin na ipagtapat ko na lang ang katotohanan kay ate at huwag na namin syang lokohin pa ulit. Ako rin naman eh, ayaw ko na ring magsinungaling kay ate Char pero hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang totoo at ang lahat, hindi ngayon........

“Ahmmm ate...Tungkol dun sa exams namin...” sambit ni Rass...

Hinawakan ko ang hita nya at pinisil ito dahilan para mapahinto sya sa pagsasalita. Pagkatapos, labag man sa kalooban ko at kahit alam ko na mali, ginawa ko na ang isang bagay na hindi naman dapat......

“Ate pasado kami!....Ang tataas nga ng scores namin eh...” nakangiti kong sambit......

“Talaga?!...Oh di ba?!...Ayan ang sinasabi ko sa inyong okasyon na dapat nating icelebrate...Actually alam ko naman na yakang yaka nyong ipasa yan eh...Kaya nga di niyo pa man din sinasabi sa akin, eh naisip ko nang itreat kayo.....”

“Maraming salamat ate....” muli kong sambit........

“Alam niyo...I’m so proud with the two of you....Tiyak ko maganda rin ang lababas na grades nyo niyan sa report cards nyo.....Oh sige na...Kain na tayo....”

Napatingin na lamang ako ulit kay Rass sa mga sinabing iyon ni ate. Samantala hindi na sya umimik pa, pero bakas sa kanyang mukha na hindi talaga sya sang-ayon sa ginawa ko.

Sa kwarto, bago matulog........

Mula nang matapos kaming kumain at pumasok kami sa kwarto ay wala pa ring imik si Rassel. Nakasungaw at nagmumuni-muni lamang sya sa bintana. Ayaw ko naman na matapos ang araw na ito na ganito ang sitwasyon namin, kaya naman minabuti kong lapitan at tabihan na sya para kausapin......

“Rass...Galit ka ba sa ginawa ko kanina...?”

Lumingon sya sa akin at.....

“Hindi ako galit...Pero tutol pa rin ako...Hindi na tama toh eh....”

“Rass ipinaliwanag ko naman na sa iyo yung sitwasyon ko di ba?...”

“Alam ko iyon....Pero hanggang kailan ba natin lolokohin ang ate mo?...Sabihin na natin sa kanya ang totoo....Matutulungan naman niya tayo eh....”

“Kapag ginawa natin iyon....Kakailanganin din nating lumapit sa principal....Paano na lang kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa atin.....”

“Ikaw na ang may sabi sa akin dati....Wala kang pakialam sa kung ano man ang sasabihin ng ibang tao sa atin...Pwes panindigan mo iyon ngayon....Ako, handa ako sa kung ano man ang mangyayari...Kung kinakailangan na ipagsigawan ko sa buong mundo na bakla ako at mahal kita, GAGAWIN KO!....Kung iyon lang ang paraan para matulungan kita....”

Nabigla at natigilan ako sa mga sinabi nya. Hindi ko akalain na ganito pala nya ko kamahal at kahandang ipaglaban........

“Sumusobra na yung ginagawa sa iyo ni sir eh...Dalawang beses ka na nyang pinagtangkaang pagsamantalahan...Tapos ngayon naman blackmail....MATUTO KA NAMANG LUMABAN CHAST!...Para sa atin...At higit sa lahat...Para sa sarili mo.....”

Natauhan ako ng husto sa mga binitawan nyang salita sa akin. Nakapag-isip isip din ako sa kung anong dapat kong gawin.

Nang sumunod na araw.......

Napagtanto ko na tama ang lahat ng mga sermon sa akin ni Rass. Nagpasya na rin ako na gawin kung ano ang tama. Kaya pagdating ng lunch break namin ay dumiretso agad kami sa principal’s office. At kung kakailanganin na ipatawag si ate Char, handa na rin ako na sabihin sa kanya ang lahat.

Pagdating namin sa tapat ng pinto ng opisina, sabay kaming napabuntong-hininga pagkatapos ay nagkatinginan kami at.........

“Chast...Handa ka na ba para dito...?”

Buong loob naman akong sumagot sa kanya ng.........

“OO...Handang handa na ko....”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Here Beside You (Part 16)
Here Beside You (Part 16)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s1600/Here+Beside+You.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s72-c/Here+Beside+You.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/08/here-beside-you-part-16.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/08/here-beside-you-part-16.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content