$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Here Beside You (Part 24)

It’s Over And Done... By: Chaster Rassel Agad nilabas ni sir ang kamay niya mula sa brief ko. Dahan-dahan siyang umalis mula sa aking ...

Here Beside You Tagalog Gay Story Series

It’s Over And Done...

By: Chaster Rassel

Agad nilabas ni sir ang kamay niya mula sa brief ko. Dahan-dahan siyang umalis mula sa aking ibabaw. Tumayo siya at humarap sa principal. Habang sina ate Char naman at Rass ay lumapit sa akin para tulungan akong ayusin ang aking sarili........

“Mr. Diaz!....I cannot believe na nagawa mo ang mga toh sa sarili mong estudyante at dito pa sa loob ng eskwelahan!!...THIS IS INSOLENCE!!!...”galit na sambit ng principal....

“Ma...Ma’am hayaan niyo po kong makapagpaliwanag...”paimpit na sagot ni sir......

“To my office....NOW!!!...”

Sa may principal’s office..........

Nagtungo na kami sa principal’s office habang si Rass naman ay pinuntahan at tinawag si Justin. Ngayon oras na ng pagtutuos at muli na naman kaming humarap sa principal. Pero gaya ng inaasahan kong mangyari, pilit pa ring nagkaila si sir.............

“Mr.Diaz hindi ako tanga at mas lalong hindi ako bulag!.....So don’t deny it!....Nakita ng dalawang mata ko ang ginagawa mo kanina kay Chaster!...”

“Ma’am setup lang ang lahat ng ito....He provoked me...He seduced me!.....”

“How could you say such things Mr. Diaz!....Bata lang si Chaster kaya paano naman niya magagawa iyang mga sinasabi mo?!....Tsaka nakita kong tinatakpan mo ang bibig niya at punit-punit pa ang damit. niya...Ibig sabihin noon pwinipersa at pinipilit mo siya!....”

Matapos sabihin iyon ng principal ay bigla na lamang akong pasimpleng tinapik ni ate Char.....

“Uy!...Sinadiya mo bang punitin iyong damit mo...?”pabulong niyang usisa.....

“OO ate....Part iyon ng scheme ko hehe...”pabulong kong sagot....

“Taray!...Naisip mo pa talaga iyon ha...”

“Natutunan ko lang iyon kay Rass...”

“Huh?!...”

“Ahmmm...Wala ate...Sabi ko baka marinig nila tayo...”

Muntikan ako doon, buti na lamang ay hindi na nagtanong pa si ate Char. Samantala sa pagpapatuloy ng usapan........

“Pero ma’am inakit talaga niya ko!....Sinabi pa nga niya na sumuko na siya sa paghahanap dun sa sinasabi nilang estudyante eh....Kaya lumapit siya sa akin para humingi ng tulong dahil ayaw niyang mapaalis dito!....”muling pagpapalusot ni sir.....

“AHEM!...Ma’am pwede ho bang magsalita...?”biglang singit ni ate Charlene..........

“Yes you may...”

“Speaking of the student ho kasi....Wala pa naman kaming binabanggit ng kapatid ko na hindi namin siya nahanap di ba...?”

“So you mean to say....?”

“Chast why don’t you say it...”sambit ni ate sabay tingin sa akin...

“Opo ma’am, nahanap po namin siya...And as a matter of fact.....Nandito po siya ngayon....”sagot ko....

Naputalala na lamang si sir Diaz sa mga sinabi ko, para na siyang isang estatwa na hindi gumagalaw.........

“Then where is he....?”

“Rass....Alam kong nandiyan na kayo sa may pinto....Pwede na kayong pumasok....”sambit ko.......

Pumasok na sa office sina Rass at Justin. Dahan-dahang lumingon ang pinagpapawisan at nanginignig nang si sir para makita kung sino ang estudyante. Nang makita niya kung sino ito ay bigla siyang napatayo sa kanyang kinauupuan at........

“Jus...Ju..JUSTIN?!!...IKAW?!!!....”

“Kumusta sir?...Long time no see...”

“What is your full name iho...?”usisa ng principal....

“Justin Castillo po....”

“Wait a minute...Your name is familiar....Ikaw ba iyong student na biglang nagdrop last year.....?”

“Yes ma’am....Ako nga po iyong ESTUDYANTENG IYON NI MR. DIAZ.....”

“So ikaw ba ang naglagay ng mga pictures ni Chaster at Mr. Diaz sa blackboard ng classroom nila...?

“Opo....Huwag po kayong mag-alala, ipapaliwanag ko po sa inyo ngayon kung ano ang tunay na nangyari sa library at ipapakita ko din po sa inyo iyong video na dapat ipapakita ni Chaster....Idagdag niyo na rin iyong kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito....AT KUNG BAKIT PO AKO NAGDROP LAST YEAR.....”

“Teka anong kinalaman ng pagdradrop mo dito....?”

“Malaki po ma’am.....”

“Bueno, maupo ka at ipaliwanag mo sa akin ang lahat.....”

Bago pa man makaupo si Justin ay bigla siyang hinawakan ni sir sa braso, pagkatapos noon ay......

“Justin...Justin parang awa mo na...Huwag mong gagawin toh...Nakikiusap ako sa iyo...Huwag!...”

Tumitig si Justin sa kanya nang masama at.......

“Bitawan mo ko!....Hindi na ko natatakot sa iyo kaya hindi mo na ko mapipigilan!...”inis na sambit ni Justin....

“Mr.Diaz bitawan mo ang bata!....Hayaan mo siyang makaupo at makapagsalita...Gusto kong marinig ang lahat ng mga sasabihin niya.......”dagdag ng principal.........

Sa puntong iyon ay wala nang nagawa si sir kung hindi ang bitawan si Justin at hayaan ito. Kitang kita ang bumabalot na takot sa kanya at halos mangiyak na siya. Umupo na si Justin at bumalik na sir sa kinauupuan niya nang nakayuko. Bago magsimula ang lahat.......

“Ah ma’am sandali lang po....”bigla kong singit....

“Bakit Chaster...?”usisa ng principal.....

“May dalawang tao pa po kasi na nagpunta din ngayon dito para marinig ang lahat ng mga sasabihin ni Justin....”

Napatingin sa akin si Justin at........

“Huh?...Chast anong ibig sabihin nito?...”pagtataka ni Justin......

“Kanina nung nag cr ka....Nalaglag itong school ID mo...”sambit ko sabay bigay ng ID sa kanya.......

Kinuha niya ang ID at pagkatapos.........

“Nakita ko diyan ang numero ng mga magulang mo.....”

“Gusto ka din naming tulungan Justin kaya tinawagan namin sila at pinakiusapan na magpunta dito ngayon.....”dagdag ni Rass....

Napalingon si Justin kay Rass na nakatayo sa tapat ng pinto. Binuksan naman ni Rass ang pinto at pinapasok sa opisina ang mga magulang niya......

“Justin...Ito na ang pagkakataon mo para magkaayos kayo ng mga magulang mo....At para mapatunayan mo ang sarili mo sa kanila....Bukod kay principal, sabihin mo din ngayon sa harapan nila ang buong katotohan tungkol sa lahat ng mga ginawa ni Mr. Diaz.....”sambit ko......

Natigilan si Justin, marahil ay dala ng pagkabigla gawa ng di niya inaasahang pagdating ng kanyang mga magulang. Hindi pa rin siya kumikibo kaya naman tumayo ako at pumunta sa likuran niya. Tinapik ko ang kanyang kanang balikat at.......

“Huwag kang matakot Justin...”sambit ko.......

Lumapit din si Rass at sa kaliwang balikat naman niya tumapik.........

“Nasa likuran mo lang kami....”dagdag ni Rass.......

Huminga siya nang malalim pagkatapos ay sinimulan na nga niya ang paglalahad sa katotohanan. Inuna niyang iditalye ang pangyayari sa library, ang mga ginawa niyang pagkuha ng video at pictures. Syempre, napanood din sa wakas ng principal ang video. Sunod ang rason kung bakit niya ginawa ito hanggang sa ibunyag niya ang lahat ng mga bagay na ipinagtapat niya sa amin ni Rass. Sa pagkabunyag ng lahat ay mangiyak-ngiyak si Justin, ganun din ang mga magulang niya. Habang nabalot naman ng katahimikan ang opisina. Sa huli ay di na rin napigilan ni Justin na ilabas ang galit niya kay sir...........

“Ngayon magmamakaawa ka sa akin?!....Ngayon makikiusap ka na huwag akong magsalita?!...ANG KAPAL NG MUKHA MO!!!....MANIGAS KA!!!...Pagbabayaran mo ngayon ang lahat ng mga ginawa mo!!!....”mangiyak-ngiyak at galit niyang sambit.........

Sa puntong iyon ay nilapitan na si Justin ng kanyang mga magulang para pakalmahin. At sa harap naming lahat, humingi ang mga ito ng tawad sa kanya. Sa wakas ay nabawi na rin niya ang pagtitiwala ng mga magulang niya. Matapos iyon ay sila na mismo ang unang nagsabi ng sasampahan nila ng kaso si Mr. Diaz. Pero...........

“Teka lang po...”bigla kong singit..........

Napatahimik sila at napatingin lahat sa akin...........

“Kailangan ba talaga na ipakulong natin si Mr. Diaz....?”sambit ko.....

Biglang napaangat ang ulo ni sir sa sinabi ko at napatingin din siya sa akin. Nakatinginan kami nang mata sa mata at nasaksihan ako ang marahang pagpatak ng luha niya. Tila tumagos sa kanya ang mga sinabi ni Justin at ganyun din ang pagkuwestiyon ko sa pagpapakulong sa kanya. Dahil mula sa kanina na parang isang mabagsik na hayop ay isang malambot at lumuluhang Mr. Diaz na ang nasa harapan ko ngayon......

“Chast ano ba iyang pinagsasabi mo?...Matapos ang lahat ng mga hirap natin biglang magbabago ang isip mo?!...”nagtatakang usisa ni Rass.....

“Kahit kailan wala akong sinabi na gusto kong ipakulong si sir...Ang sa akin lang naman....Nabunyag na ang katotohanan....Malinis na ang pangalan ko...Nagkaayos na rin si Justin at ang mga magulang niya....Alam na natin na ang hahantungan nito ay hindi na siya makakapagturo pa....Hindi ba sapat na iyon?...Bakit kailangan pa na ipakulong siya kung pwede naman na magpatawad na lang tayo...?”

Tumayo si Ate Char sa kinauupan niya, lumapit siya sa akin at humawak sa magkabila kong balikat..........

“Chast....Kung iyong pagpapatawad lang...Pwedeng pwede natin ibigay iyon sa kanya...Pero sana maintindihan mo na ang mga ginawa ni Mr. Diaz ay labag sa batas at kailangan niyang panagutan iyon....”pagpapaliwanag ni ate Char........

“Pero....”

“Huwag ka nang mag-aksaya ng pagod na kumbinsihin sila Chaster...”sambit ni sir.......

Natigilan ako nang magsalita si sir, tapos............

“Nagpapasalamat ako na sa kabila ng masasama kong nagawa sa iyo ay ayaw mo pa rin akong ipakulong.....Pero tama sila...Kailangan kong pagbayaran ang mga kasalanan ko...At handa akong harapin iyon....”

Sabi nga nila kahit anong sama ng isang tao, tao pa rin ito na may puso. Ganun si sir, dahil sa bandang huli ay napagtanto din niya ang mga kamalian niya at natutunan din niyang tanggapin ang katumbas nitong kabayaran. Matapos ang usapan na iyon, ang principal na mismo ang nagpatawag ng mga pulis para ipaaresto si Mr.Diaz. Pagkadala ng mga pulis kay sir ay nauna nang lumabas sina Justin at ang kanyang mga magulang dahil pinaiwan kaming dalawa ni Rass pati na rin si ate Char ng principal............

“Pinaiwan ko kayo dahil gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa inyo....Aminado ko na sa kakaisip ko sa pangalan ng eskwelahan na toh ay nahusgahan ko rin kayo....Maging sa inyo rin Ms. Amarines, I apologize dahil napag-isipan ko ng masama ang kapatid mo......”

“Okay na po iyon ma’am....Lahat naman po ng tao nagkakamali eh.....”sagot ko.....

“There’s nothing to worry about ma’am....I completely understand your situation bilang principal nitong eskwelahan.....”dagdag ni ate Char....

“Ah ma’am...Ibig sabihin po ba nito hindi niyo na rin kami pagbabakasyunin ni Chast...?”usisa ni Rass.....

Katakataka ang naging reaksyon ng principal sa tanong na iyon ni Rass. Bigla kasi siyang natigilan tapos sa itsura ng kanyang mukha ay parang may gusto siyang sabihin pero di niya magawa. Mayamaya lang ay tumingin siya sa akin at sumagot ng.........

“OO...Pwede kang manatili dito para ipagpatuloy ang pag-aaral mo....”

Bakit ganun? Ako lang ba ang sinasabihan niya? Parang may mali. Mag-uusisa pa sana ko pero bigla nang sumingit si Rass........

“Maraming salamat po ma’am!...”nakangiting sambit ni Rass....

Hindi na ko nag-usisa pa pero nababagabag pa rin ako. Alam ko dapat maging masaya na ko dahil tapos na ang problema namin, pero lumabas ako ng eskwelahan na balot ng pangamba. Paglabas namin ay sinalubong kami ng nakangiting si Justin. Bigla siyang umakap sa amin ni Rass at........

“Maraming salamat sa ginawa niyo...Nang dahil sa inyo nagkabati kami ng mga magulang ko....MGA TUNAY KAYONG KAIBIGAN!...”sambit niya......

Habang nakaakap siya sa amin ay nagkatinginan na lamang kami ni Rass. Napangiti si Rass pero ako, pinilit ko na lang na ngumiti rin para hindi na sila mag-alala pa sa akin........

“Ayos na iyon...Tinulungan mo rin naman kami eh...”sambit ko....

“OO nga....Kaya quits lang tayo....”dagdag ni Rass.....

Alam kong marami pang pagdadaanang proseso ang kasong isasampa kay sir pero para sa aming lahat ay malaking bagay na iyong nabunyag ang katotohanan at kusa niyang pagsuko. Kaya naman si Justin at ang kanyang mga magulang ay inimbitahan kami sa isang simpleng salu-salo sa darating na weekend. Hindi na rin kami tumanggi dahil matapos ang lahat ng mga gulo na nangyari ay dapat lang na magsaya din kami.

Isang araw bago ang salo-salo.............

Pagkauwi namin sa bahay galing eskwelahan ay sinabihan ako ni Rass na magbihis nang maayos dahil bibisita daw siya kay tito Harry at gusto niya akong isama. Naipagpaalam na rin daw niya ako kay ate Char kaya wala na akong proproblemahin pa. Pero nag-aalangan akong sumama, kaya naman habang nagbibihis na siya ay nasa kama lamang ako at nakaupo........

“Oh bakit hindi ka pa kumikilos...?” usisa niya....

“Kailangan ba talaga kong sumama...?”

Tinapos muna niya ang kanyang pagbibihis pagkatapos ay tinabihan niya ako sa kama. Kinuha at hinawakan niya ang isa kong kamay at.......

“Chast kailangan mong sumama....Hindi ba iyon ang sinabi niya noong nakita natin siya...Tsaka....”

Natigilan siya, tila hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin kaya naman.......

“Tsaka ano?...Rass huwag mo sabihing may balak ka na....”

“OO Chast...Balak na kitang ipakilala sa kanya bilang boyfriend ko....”

“ANO?!”

Mas lalo pa kong nabalot ng pag-aalinlangan sa aking narinig. Natatakot ako, dahil baka pagmulan pa ng gulo ang binabalak ni Rass.........

“Rass sigurado ka na ba diyan sa sinasabi mo?!...Paano kung hindi niya tayo matanggap?!....”

“Buo na ang desisyon ko....At ayaw ko rin na magsinungaling sa kanya...Tsaka malalaman at malalaman din naman niya ang buong katotohanan eh kaya mas mabuti na iyong malaman niya nang maaga.....”

Sandali akong napatahimik at nag-isip hanggang sa mapagdesisyunan ko na.....

“Sige na....Sasama na ko....”

“Oh ayun!...Papayag ka rin naman pala eh...”nakangiti niyang sambit.....

Matapos iyon ay bigla na lamang niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko, tila inaamoy-amoy niya ko na parang isang aso........

“Siya nga pala Chast....Kung pwede maligo ka muna...Amoy blackboard ka eh!....”natatawa at nang-aasar niyang banat.....

“AH GANUN!!!...”sagot ko sabay hawi sa mukha niya papalayo....

“Hahaha....”

At bigla kong nag-akma na kukurutin ang singit niya para makaganti sa kanyang pang-aasar pero.....

“Anong amoy blackboard ah!...Pang-asar ka ah!....”

“Uy! Gago huwag!....Kapapalit ko lang!...Baka pumutok ang Mt. Mayon....”sambit niya sabay ngiti na pang-asar........

“ASA KA!...Di naman perfect cone iyan eh...Hahaha!....”

“Yummy naman!...Hehehe....”

“Bahala ka nga diyan maliligo na ko!...”

Panay pa rin ang tawa niya nang lumabas ako ng kwarto. Pagkatapos noon ay naligo na ko at nagbihis. Sa isang mamahalin na hotel pala tumutuloy si tito Harry. Nakakailang dahil hindi naman ako sanay sa mga ganung klaseng lugar. Pagdating namin sa kwarto ay sinalubong kami ni tito Harry sa may pinto nang may ngiti sa labi. Pinatuloy niya kami at pinaupo.......

“Good afternoon po tito Harry....It’s nice to see you gain...”

“It’s nice to see both of you again too...I’m glad that you came...”

Inalok niya kami ng pagkain at inumin, syempre tinanggap namin. Habang kumakain kami ay panay ang tanong niya tungkol sa kung paano kami nagkakikilala ni Rass at kung gaano na kami katagal na magkakilala. Hindi kami nakasagot nang maayos dahil hindi naman namin pwedeng ikwento pa iyong totoo.

Buti na lamang ay hindi na siya nangulit pa, sa halip ay nagsimula siyang magkwento tungkol kay Rass noong malilit pa siya. Mga bagay na maging si Rass mismo ay hindi na maalala. Panay ang tawanan nami dahil karamihan doon ay nakakatawa. Pero dahil sa kakwekwento niya ay di kami makakuha ng tiyempo ni Rass para sabihin sa kanya ang dapat naming sabihin. Mayamaya sa gitna ng aming kuwentuhan ay dumaing ng pagkahilo at sakit ng ulo si tito Harry........

“Sir are you okay?...”pag-aalala ni Rass....

“It’s just Migraine....All I need is too take my med...Oh no!...I forgot that I ran out of medicine already....Ahmmmm.....Rassel do you mind If I ask you to buy...?”

Pumayag naman si Rass, sasama dapat ako sa kanya pero sinabihan niya ko na magpaiwan na lamang para may titingin kay tito. Pagkaalis niya ay katakatakang biglang tumayo si tito na parang walang masakit sa kanya. Sinundan ko siya ng titig, nagtungo siya sa may pinto at tila sinisilip kung talagang wala na si Rass. Mayamaya ay sinara na niya ang pinto at muling bumalik sa kanyang kinauupuan kanina........

“Rassel is gone...We could talk privately now....There’s something that I need to tell you Chaster...And I can’t let Rassel know about it yet....”

Ibig sabihin pala ay hindi totoong may masakit sa kanya. Nagkunwari lamang siya para sandaling mawala si Rass. Bigla akong kinabahan at hindi ko rin gusto ang tono ng pananalit ni niya.........

“First of all...I would like to tell you that I knew that you and Rassel were a couple........”

Natutula ako sa aking mga narinig, alam na pala niya ang tungkol sa pagiging magboyfriend namin ni Rass. Pero paano niya nalaman ito? At bakit sa akin lamang niya pinapaalam ito? Bakit kailangang itago pa kay Rass?............

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Here Beside You (Part 24)
Here Beside You (Part 24)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s1600/Here+Beside+You.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s72-c/Here+Beside+You.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/09/here-beside-you-part-24.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/09/here-beside-you-part-24.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content