By: Ton Minsan nanggaling kami sa Ilaya sa bahay nina Yna. Ilaya ang tawag namin sa lugar na palayo sa dagat. Samantalang ibaba naman an...
By: Ton
Minsan nanggaling kami sa Ilaya sa bahay nina Yna. Ilaya ang tawag namin sa lugar na palayo sa dagat. Samantalang ibaba naman ang kabaligtaran nito.
“Bakit kaya maraming tao?” usisa ko kay Cocoy.
“Ah, may kauntian diyan, birthday daw ni Jervin,” sagot niya. Sa aming lugar ang ibig sabihin ng kauntian ay handaan. Hindi ito maliit na handaan nakagawian lamang na tawaging kauntian. At siyempre dahil may handaan tiyak na may inuman.
“Pareng Cocoy, daan muna kayo” anyaya ng isa sa mga nag-iinuman. Kilala ko siya si Jasper.
“Nako, salamat, e may lakad pa kami ni Tonton.” Sagot agad ni Cocoy, dahil hindi naman talaga kami sanay sa inuman o mas madaling sabihin hindi talaga kami nag-iinom. Taliwas sa mga kabataan dito na libangan na ang mag-inom lalo at hindi nag-aaral. Bata pa tinuturuan nang mag-inom. Minsan ay kasama pa ang mga magulang sa inuman.
“Kumusta Tonton, matagal-tagal na rin naming hindi nakasama ang taga Maynila ah, baka puwede makakwentuhan.”
Alam kong lasing na sila kaya sinenyasan ko si Cocoy na dumaan na kami at pagbigyan kahit ilang shots lamang baka humaba pa ang usapan.
“Swerte natin mga ‘tol, nakainuman natin ang balikbayan, kaya lang umiinom ba siya ng lambanog?” pagbibiro ni Carlo, kilala ko siya dahil naging kaklase namin siya kahit mas matanda sa amin ng ilang taon.
“Isipin mo dati kasa-kasama lamang natin dito ngayon Manilenyo na” isa pang nagsalita mula sa likod.
Ininom ko agad yung iniabot sa akin, tiniis ko na lamang para huwag pagtawanan pero talagang mainit sa lalamunan. Hindi ko maintindihan bakit nila sinasabing masarap ang alak.
“Sinong mag-aakala na dati kang magtitinda ng isda sa umaga at balut sa gabi? Ang kinis kinis na ng balat mo ngayon, parang artista,” sabat ng isang babae sa likuran
Lasing na silang lahat kaya maingay na. Medyo napasarap na rin kami sa kwentuhan at tawanan. Nang biglang may magsalita, pamilyar sa akin muka niya pero hindi ko na marecall ang pangalan niya.
“Siyanga pala Tonton, nagkita kami ng Coach mo sa training kinukumusta ka, kumusta rin daw pinapasabi ni Jake,” medyo iba ang tono ng pananalita niya at alam ko iba ang tinutumbok niya kaya binulungan ko si Cocoy na magpaalam na at aalis na kami. Pinipigilan nila kami pero iba talaga ang ngiti ng lokong iyon, ngiting nakakaloko, kaya nagmamadali akong umalis pagkatapos magpasalamat sa kanila.
“O aalis agad kayo, ang dami pang iinumin,” pigil ng isa sa kanila
“Pasensya na may pupuntahan talaga kami,’ si Cocoy
“Mahihina pala mga to e,” Ngiti lang ang isinagot ni Cocoy.
“Miss ka raw nila Tonton, kelan daw balik mo.” Ang pahabol niya habang tuluy-tuloy akong palayo. Hindi ko siya pinansin.
“Oy, ano ba, bakit ka ba nagmamadali? Si Cocoy.
Diretso lang ako, sa paglakad.
“Tonton, ano ba problema,? Hintayin mo nga ako.” Ang pagrereklamo niya.
“Bilisan mo kasi, ang bagal mo ah.” Bulyaw ko sa kanya
“E bakit nga tayo nagmamadali?”
“Wala!”
Malayu-layo na kami sa kanila, nang lumiko ako ng daan, papunta don sa pinakamalaking tindahan sa aming baryo, Diretso ako at nag-order ng sampung Red Horse. Pagkabayad ay kinuha ko at muli lumakad ng mabilis.
“Tingnan mo ‘tong taong to, parang walang kasama, hoy mag-iinom ka lang pala umalis pa tayo don.” Parang wala akong narinig, diretso ako hanggang makarating sa bahay. Inilapag ko sa lamesa at nagsimulang magbukas ng isa. Takang-taka si Cocoy. Naubos ko ang isa, at nagbukas ulit ng isa. Nakatingin lamang siya sa akin na nagtataka. Pero hinayaan lamang niya ako, muli akong nagbukas at walang imik na uminom. Naubos ko na ang pang-apat na bote ramdam ko na ang tama sa akin at ng bubuksan ko ang panglima, hinawakan niya ang kamay ko.
“Ano ba kasi ang problema mo, bakit ayaw mo akong kausapin, galit ka ba sa akin?” ang tila galit na sabi ni Cocoy. Pinalis ko lamang ang kamay niya at ipinagpatuloy ang pagbubukas ng bote. Hinablot niya ang bote at ibinaba sa katabing bangko.
“Ano ba Tonton, hindi mo talaga ako kakausapin?” ang sigaw niya,
Bigla akong humaguhol.
“Mga hayop sila, mga hayop silang lahat…..mga hayop sila…” sabay tabig sa mga bote sa harapan ko.
“Sino, sinong sila?”
“Binaboy nila ako Cocoy, binaboy nila katawan ko, napakawalanghiya nila sanay mamatay na sila. Mamatay na sana silang lahat”
“Sino nga sila, anong ibig mong sabihin?” ang gulung-gulo na tanong ni Cocoy.
Sa pagitan ng pag-iyak , naikinuwento ko sa kanya ang lahat. Simula sa training sa school, kay Coach at kay Jake. Iiling-iling siya at kita ko ang pangingilid ng luha, nakatingin lamang siya sa akin pero ramdam ko ang pagngingitngit niya
“Shit, napakasama naman ng mga tao don.”
“Coy, napakarumi ko na, nakakapandiri na ako.” Magkahalong luha at sipon, pinipilit ko pa rin ang magsalita. Hindi ko na talaga mapigil ang pag-iyak,
“Hindi ko sinabi sayo ‘Coy, dahil alam ko ikakahiya mo ako, baka layuan mo ako, dahil napakababa na ng pagkatao ko. Ayokong pati ikaw mawala sa akin.”
Niyakap niya ako kahit puno ng luha at sipon ang aking mukha, Marahan niyang hinaplos ang aking ulo. Awang-awa ako sa sarili ko. Hindi ko na maalala kung gaano kami katagal sa ganoong ayos, nakayakap ako sa kanya habang nakaupo kami sa mahabang bangko. Alam ko bumubulong siya na parang nagmumura habang umiiyak.
“Tama na yan, Ton, matulog ka na, magpahinga kana,” alam kong umiiyak na rin siya. Pinilit niya akong inakay papasok sa kwarto.
“Nandidiri ka ba sa akin Coy, ayaw mo na ba sa akin? iiwan mo na rin ba ako?”
“Tumigil ka nga, ano bang pinagsasabi mo, matulog ka na dahil lasing ka, bukas na tayo mag-usap.” Kumuha siya ng towel at pinunasan ang aking mukha.
“Magpahinga ka na muna.”
“Coy huwag mo akong iiwan ha.?
“Oo dito lamang ako, tulog na.”
“Basta Coy, huwag mo akong iiwan.”
“Oo babantayan kita, “
“Coy, mahal na mahal kita”
“Matulog ka na nga!”
Gusto ko pa sanang magsalita pero tinalo na rin ako ng antok.
Umaga, nagising ako iba na ang soot kong kong T shirt. Pilit kong inalala ang lahat, at muli naalala ko ang lahat ng sakit na naramdaman ko ng nagdaang gabi. Ngayon ako naniniwala na hindi nalilimutan ng isang lasing ang mga ginawa niya . Alam na alam ko pa rin ang lahat, pati ang mga nakakahiyang ginawa ko, lahat ng pinag-usapan namin. Ang kaibahan lamang hindi ko na kayang ulitin ngayon ang mga iyon. Nahihiya ako kay Cocoy, Alam kong nasa kusina lamang siya pero nahihiya akong tawagin siya. Pumasok siya, may dalang isang tasang kape.
“Uminom ka muna ng kape at mainitan ang sikmura mo. Nakapagluto na rin ako ng umagahan mo. Kumain ka na . Uuwi lamang ako at maliligo, ang baho ko na, magpapaalam na rin ako sa Inay. Basta dito ka lamang ha, huwag kang aalis. Hoy naririnig mo ba ako?” Tumango ako na parang bata na pinagsasabihan ng matanda. “ Ton, ipangako mo dito ka lamang ha, huwag kang aalis, huwag ka rin munang mag-isip, huwag ka munang gagawa ng anumang desisyon. Mag-usap tayo pag balik ko”
Tumango lamang ako at tuluy-tuloy na pumunta sa CR. Siya naman ay alam kong lumabas ng pinto.
Mga ilang araw na ng ikwento niya na magdamag niya akong binantayan, bigla-bigla akong nagigising mula sa pagkatulog na parang nagugulat, at paulit-ulit na binabanggit na huwag ko siyang iiwan. Iyak pa rin ako ng iyak tuwing magigising. Paulit-ulit kong sinasabi na mahal ko siya. Awang-awa siya sa akin kaya pinunasan niya ako ng maligamgam na tubig. Madaling araw na ng makatulog ako kaya pinilt na rin niyang makaidlip.
Gulung-gulo ang isip ko, hindi pwede ang sinabi ni Cocoy na huwag akong mag-isip. Kailangan kong magpasya, kailangan kong magdesisyon. Hindi ko hahayaang sirain ng mga demonyong iyon ang buhay ko. May pagkakataon pa naman para bumangon. Kailangan kong bumangon mula sa pagkakadapang ito. Naalala ko ang aking ama. Kinuha ko ang cellphone na ibinigay niya at dinayal ang kaisa-isang number na nasa ponebuk.
Isang ring pa lamang ay sumagot na siya, “Tonton, is that you?”
“Yes sir!”
“Oh I’m glad you call, how are you my son?
“Kailan po kayo pupunta dito?”
“Next month, as I promised you before your classes begin, why, is there any problem there?”
“Sir, can you make it earlier?
“Yes, I can. I have an open date ticket and all I have to do is call and the airlines would arrange everything. When do you want me to return?”
“It’s up to you sir, the sooner the better.”
“Alright Son, expect me to be there the day after tomorrow, is that okey?”
“Okey Sir. Thanks and take care.”
“Thank you son.”
Matagal ng tapos ang pag-uusap namin, hawak ko pa rin ang telepono. Ayoko na, tatapusin ko na ang kalbaryo ko sa lugar na iyon. Aalis na ako don. Hindi ko na hahayaan gawin nila sa akin ang kababuyang iyon.
Dumating si Cocoy, pagkatapos kong kumain at maligo. Masakit ang ulo ko pero mas magaan ang pakiramdam ko. Sinabi ko sa kanya ang plano ko. Hihingi ako ng tulong sa aking ama. Lilipat ako ng school at iiwan na ang training at ang lahat ng may kaugnayan doon. Magbabagong buhay ako sa isang school na malayo doon upang hindi ko na maalala ang lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay ko. Kakalimutan ko na ang lahat kasabay ng paglimot sa pangarap kong maging magaling na swimmer. Susundin ko ang pangarap namin ng Inay. Tatapusin ko ang higschool at kukuha ng nursing. Iyon ang gusto niya at iyon din ang gusto ko noon. Magtatrabaho ako at pag nakaipon ay magtutuloy ng medicine. Pangarap talaga ng Inay na maging doctor ako noong una hindi ko siya maunawaan dahil sa buhay namin alam kong mahirap matupad iyon, pero ngayon alam ko na ang dahilan. Iyon ay dahil sa aking ama, nais niyang maging doctor ako dahil maaaring iyon ang mag-ugnay sa amin ng aking ama na isa palang doctor. Tutuparin ko iyon, alangalang sa Inay sisikapin kong maging doctor. Iyon na lamang ang magdudugtong sa mga alala ko sa Inay. Kailangan tuparin ko iyon anuman ang mangyari.
“Dun ka na lang mag-aral sa pinapasukan ko,” biglang salita ni Cocoy, pagkatapos ng matagal na pakikinig at pagtango-tango sa sinasabi ko.
“Oo nga ano, at least hindi na ako mag aadjust dahil may kakilala na ako.”
“Tama at lagi pa tayong magkasama”
“Ipagtatanggol mo ako sa aaway sa akin?”
“Oo”
“Gaya ng dati?”
“Gaya ng dati at habang buhay.” Ang pagmamalaki niya.
Dumating ang aking ama, Tinanong niya ako kung bakit. Sinabi ko lamang na gusto ko ng mag fulltime sa pag-aaral. Kung maari ba niya akong tulungan sa mga gastusin ko. Hindi naman siya nag-usisa sa mga dahilan. Tuwang tuwa na siya sa naging pasya ko. Masayang-masaya siya at tinanggap ko na rin ang iniaalok niyang tulong. Nangako siyang gagawin niya ang lahat upang maging maayos ang buhay ko. Pinilit niyang sumama ng sabihin kong kukunin ko ang mga gamit ko sa training center pati mga records ko sa school.
Diretso kami sa office ng director, ipinakilala ko ang aking ama, at ipinagtapat ang sadya namin. Nalungkot siya at sinabing sayang ang nasimulan ko. Tinatanong niya ako kung ano ang dahilan at aalis na ako sinabi ko na lamang na ayaw na ng aking ama. Nasakyan naman agad niya kaya ng magtanong ang director sinagot niya ng “I want to have more time with my son.”
Wala siyang nagawa kaya ipinahanda lahat ang kailangan kong papers. Sinamantala ko naman ang pagkakataon, sinabi ko sa tatay ko na kukunin ko ang mga gamit ko sa dorm at maghintay na lamang siya.
“No, I want to go with you, I wanna see your room,”
“Okey let’s go.”
Sa room, naroon ang ilang roommates ko ng pumasok kami. Binati nila ako pero hindi ko sila sinagot. Walang sabi-sabi, inilagay ko sa bag ang mga gamit ko.
“Ton-ton, You don’t have to bring all those stuffs, we will go to Dept Store and will buy everything for you.”
‘Ganoon po ba? E di kung ganon e tayo na wala na akong dadalhin sa mga ito.” Pinilit kong iparinig sa nakatulala kong roommates ang usapan namin para ipamukha sa kanila na hindi ko na kailangan ang lahat ng iyon. Na wala silang karapatan na maliitin ako dahil katulad nila o higit pa sa kanila kaya ko na ring bumili ng kahit anong gusto ko. Isa pa ayoko rin dalhin ang mga gamit na iyon. Ayoko ng dalhin ang lahat ng may kaugnayan sa kanila. Gusto kong iwan dito ang lahat, ang lahat ng alaala dito. Kung pwede nga lamang pati yung ilan kong damit na inuwi sa amin ay papalitan ko na rin. Ayoko na ng kahit anong alaala galing sa kasumpa-sumpang lugar na ito. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila. Wala ni isa man sa kanila ang nangahas magtanong kung ano ang nangyayari. Hindi rin ako nagsalita, wala akong obligasyon sa kanila na mag explain. Wala akong utang na loob sa kanila para mahiyang umalis kung gusto ko. Sa lugar na ito na hindi ko naramdaman na tinrato nila ako bilang tao. Hindi ko rin sila kikilanin kahit sa pag-alis ko. Salamat at wala si Jake at hindi ko rin nakita si Coach. Alam ko masama ang magtanim ng galit pero hindi ko pa sila kayang patawarin sa ngayon.
“Let’s go, perhaps all my papers are ready.”
“Alright son, I hope you are ok.” Siguro napansin niya ang pananahimik ko habang inaayos ang mga gamit ko at ibinabalik sa dating lagayan.
Pansin ko ang pagtataka sa mga mukha nila ng tawagin ako ng tatay ko na son, Hindi nila naisip na may tatay akong austaraliyano ng mga panahong pinagmamalupitan nila ako. Tuluy-tuloy na kaming lumabas at dumaan sa harapan nila na parang walang nakikita. Alam kong nagtataka rin ang tatay ko pero hindi naman siya nagtanong kaya wala rin akong sinabi. Dumaan lamang kami sa Director’s Office at agad nakuha ang papeles ko. Isang matipid na thank you lamang ang sinabi ko at tumalikod na . Naalala ko pa na kahit siya man ay hindi naging makatarungan sa akin.
Sa kotse tinanong ako ng tatay ko” “Are you mad with them?”
“Yes!”
“But why?”
“I’ts a very long story.”
“ I am more than willing to listen son”
“Huwag po muna ngayon .”
‘It’s alright don’t worry, so our next stop?”
“In our school”
Kung naging madali ang pag-alis ko sa training center hindi sa Registrar’s Office. Dahil bakasyon kulang ang mga tao kaya matagal kaming naghintay. Ang daming tinatanong pero isa lamang ang sagot ng tatay ko. Sa probinsiya na ako mag-aaral to have more time with him. Minsan naisip ko ang sarap din pala ng pakiramdam ng may tatay sa mga pagkakataong ganito na mahirap sagutin ang mga tanong may sasalo pala sa yo. Halos malapit ng dumilim ng makalabas kami ng compound ng school. Naisip ko hindi na kami maaring dumaan sa Mall kasi gagabihin kami sa pag-uwi.
“Tonton, sa hotel na tayo matulog bukas na tayo umuwi, pupunta pa tayo sa mall, you also need to buy your school materials.”
Naging sunud-sunuran na lamang ako sa Tatay ko. Noong una nahihiya ako pero pinipilit niya ako kaya binili ko lahat gusto kong damit, sapatos, cap at marami pang ibang personal na gamit. Halos hindi ko na kayang bitbitin mga pinamili namin. Lagi lamang siyang nakangiti pag tinatanong ko kung pwede sa akin yun, madalas din siyang mag suggest ng mamahaling brand. Ibinili ko rin si Cocoy ng ilang damit. Okey lang naman sa tatay ko dahil napagkwentuhan na namin kung sino si Cocoy sa buhay ko.
“Are you sure it’s enough?” tanong niya habang kumakain kami sa isang fast food.
“Yes sir, I know it’s too much!”
“No it’s okey, we can still go back if you need anything, it’s still too early.”
“Thank you sir, but I have everything now,”
Sa hotel, marami kaming pinag-usapan, gusto niya akong ilipat ng tirahan pero tumanggi ako, o kahit doon tumira sa Australia, ayoko, doon ko pa rin gusto sa bahay namin ng Tiyo. Tinanong niya ako kung payag ako ipa renovate ang lumang bahay ni Tiyo kaya pagkatapos naming alamin sa munisipyo ang titulo noon ay sinimulan na niyang ipaayos ang bahay. Kung kaya bago natapos ang taon ay iba na ang itsura ng aming bahay.
Samantala ipinagbukas niya ako ng account sa bangko at nang bumalik siya sa Australia ay doon niya inihuhulog ang aking allowance pati ang lahat ng bayarin sa school, boarding house at iba pang gastusin.
Naalala ko pa mga huling sinabi niya bago siya umalis,
“Tonton, I can soundly sleep now. Pag uwi ko sa Australia, alam ko mas maayos na kalagayan mo ngayon. Kahit papaano makakahinga na ako ng maluwag. Pero huwag kang mag-alala basta may pagkakataon bibisitahin kita dito and please, please my son call me often ha.”
“Salamat po sir at ingat na lang po palagi.”
“Tonton, can I ask you one more favor?”
“Ano po yun?”
“Please do not call me sir, can you do that for me? “ halos mangiyak-ngiyak na naman mukha niya.
“Okey po, I am sorry.”
Niyakap muli niya ako ng ihatid ko siya sa airport
“Don’t forget to call and tell me in case you need anything” pahabol niya.
“Yes Daddy!” bagamat nakakailang sa unang pagkakataon tinawag ko siyang Daddy at akala ko tatakbo siya pabalik sa akin pero alam kong nagpigil lamang siya dahil maraming tao, kita ko ang saya sa muka niya bago siya kumaway at tumalikod.
COMMENTS