You Light My Fire (Part 18A) Finale

You Light My Fire

By: Lord Iris

Maraming-maraming thank you po talaga sa lahat ng nag-aabang, sumusuporta at nagbabasa. Mahal na mahal ko kayong lahat.

This story is truly came from my heart. Sana magustuhan niyo itong ending. Let me offer you this finale.

Raypaul POV

Malapit na ang kasal ko at hindi ko pa rin nakaka-usap si Kith. Gusto kong itanong ang lahat ng dapat kong malaman. Gusto kong malaman kung ano ang tinatago nila.

Magkasama kami ni Alexa na pumipili ng bulaklak para sa kasal naming dalawa.

"Raypaul? Anong gusto mong flowers sa kasal natin? Sa akin kasi kahit ano basta kulay puti." Nakangiting sabi ni Alexa.

Bigla na lang akong napa-isip.

Parang bigla na lang akong may narinig na mga salita sa utak ko.

"Kung gusto mong pakiligin si Kith. Bigyan mo siya ng white roses."

"Kith para sayo to."

"Salamat.paano mo nalaman na gusto ko ng white roses?"

"Secret. Nagustuhan mo ba?".

"Syempre naman.gustong-gusto ko".

Nahihilo ako. Bigla na namang sumakit ang ulo ko kaya napahawak na lang ako dito.

"Raypaul? What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Alexa.

"Nahilo lang ako. Don't worry, I can handle this." Nakangiti kong sagot.

"So. Anong flowers gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"White roses. Because it symbolizes purity and innocence." Sagot ko at parang wala ako sa sarili.

"Wow! Saan mo naman nalaman?" Nagtataka niyang tanong.

"Ewan. Basta bigla ko na lang naalala." Naguguluhan kong sabi.

Parang nanlaki ang mga mata ni Alexa at napalunok siya.

"Bakit? May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya kasi mukha siyang di mapakali.

"Wala! Uwi na tayo kasi pagod na ako." Seryoso niyang sabi.

She act so weird. Hinatid ko na lang siya sa bahay nila at nag-drive na ako papunta doon sa bahay ko.

Bigla na lang may pulang Ferrari ang humarang sa kotse ko at mukhang ayaw akong padaanin.

Nakaka-inis! Sinadya talagang iharang yung kotse!

Lumabas ako at kakausapin ko yung tao sa loob nun. Nabigla ako ng lumabas din yung nasa loob at kay Rogue pala ang kotse na yun.

"What's your problem?" Inis kong tanong sa kanya.

Lumapit siya sa akin at bigla niyang hinablot ang kwelyo ko.

Nakakatakot. Bigla niyang nilapit ang mga mata niya sa akin at mukhang papatayin niya ako.

"I really really hate you!" Sigaw niya sa pagmumukha ko.

Naguluhan ako pero natatakot ako sa ginagawa niya.

Tinulak niya ako bigla kaya napasandal na lang ako sa kotse ko.

And the next thing I saw from him was tears.

Bakit umiiyak siya? Bigla na lang siyang umiyak kaya lalo akong naguguluhan sa kanya.

"Raypaul. Please kailangan kong magmaka-awa sayo ngayon." Umiiyak niyang sabi.

Galit siya kanina pero nagmamaka-awa siya sa akin?

He look so depressed.

"Si Kith. Alagaan mo siya. Kailangan ka niya ngayon." Humahagulgol niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko at bigla na lang akong nakaramdam ng kaba at matinding takot.

Naalala ko yung napanagnipan ko kaya nanginig bigla ang mga kamay ko sa kaba.

"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" Kinakabahan kong tanong.

"Pumunta ka na lang sa condo niya." Umiiyak na sabi ni Rogue.

Pumasok na siya sa kotse niya at ganun din ako.

Nag-drive kami papunta sa condo ni Kith at lalong tumatayo ang mga balahibo ko dahil sa kaba. Natatakot na naman ako.

Nang makarating kami sa building ay wala kaming kibuan ni Rogue hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto ni Kith.

Nanginginig ang kamay ko nang buksan ko ang pinto.

Pumasok kami sa loob at pumunta kami ni Rogue sa kwarto ni Kith.

Nakita ko si Kith na natutulog at merong tela na nakabalot sa wrist niya kaya naisip ko na.

"Kaninang umaga. Pagdating ko dito ay nagtangka siyang mag-suicide." Naluluhang sabi ni Rogue.

Hindi ko alam ang iisipin.

"A.nong gi.nawa niya?" Nauutal kong tanong kay Rogue.

Lalong bumuhos ang mga luha ni Rogue at.

"Nakita ko yung katawan niya na nakahiga sa ibabaw ng piano. Puro dugo dahil nilaslas niya ang pulso niya." Sabi ni Rogue na basag ang boses.

Tumitig na lang ako kay Kith.

Maluha-luha na din ako. He is so important to me. Mahal na mahal ko siya kaya ayokong nakikita na nagkakaganito siya. Nadudurog ang puso ko.

Nanginginig ang mga tuhod ko ng unti-unti akong lumapit sa kanya.

I sit on a chair beside him.

Tinitigan ko siya at bigla na lang tumulo ang luha niya kahit natutulog siya kaya parang napipilas ako.

Napatakip na lang ang kamay ko sa bibig ko at naramdaman ko ang sunod-sunod na patak ng mainit na luha ko.

Ayokong makita na ganito siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko iyon ng mariin. Pagkatapos ay nilagay ko ang kamay niya sa pisngi ko at naramdaman ko ang init sa mga palad niya.

I want to hold his hands forever.

"Ra. Ray." Bulong ni Kith habang natutulog.

Lalo lang akong naiiyak dahil binabanggit niya ang pangalan ko.

Dumilat ang mga mata niya at napatitig na lang siya sa akin. Pagkatapos ay umiwas na siya ng tingin at nakatulala siya.

"Kith. Bakit mo ginawa ito?" Naluluha kong tanong sa kanya.

"Ayoko na eh." Seryoso niyang sagot.

"Wag mo ng ulitin ha?" Sabi ko.

Wala siyang sagot at nakatulala lang siya sa ere. Alam ko na posibleng ulitin niya ulit ito.

"Kith. Aalagaan kita ngayon." Umiiyak kong sabi habang hinahalikan ang kamay niya.

"Pagkatapos. Aalis ka rin at iiwan mo rin ako." Seryoso niyang sabi habang nakatulala.

Parang lalo akong nadurog. Ang sakit pala marinig nun kasi galing sa kanya.

"Diba kahit kasal na ako ay magiging bestfriend pa din kita?" Nasasaktan kong tanong sa kanya.

Hindi na naman siya sumagot at nakatulala na naman siya sa hangin.

Unti-unti niya binawi ang kamay niya sa akin kaya napabitaw na lang ako.

"Raypaul. Kailangan mo ba ako?" Seryoso niyang tanong.

"Oo naman! Ayokong mawala ka." Umiiyak kong sabi.

Tumulo ang mga luha niya habang nakatulala at hindi kumukurap tapos bigla na lang.

"Do you really want to know the truth inside this lie?" Seryoso niyang sabi.

Napalunok na ako. Lalo akong kinabahan at napatitig na lang ako sa kanya. Gusto ko ng malaman ang lahat-lahat.

"Ano ba ang dapat kong malaman?" Naguguluhan kong tanong.

"You really love her right? I know. I can see it in your eyes because. You used to look at me like that before." Naluluha niyang sabi.

"What. Do you mean by that?" Naguguluhan kong tanong.

"Mahal mo ba ako?" Umiiyak niyang tanong sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Natahimik na lang ako bigla.

Yumuko si Kith at umiiyak na siya.

"Ako kasi. Mahal na mahal kita." Umiiyak niyang sabi.

Para akong binuhusan ng tubig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya at puno ng tanong ang utak ko.

Mahal na mahal kita. Paulit-ulit yun na narinig ko sa isipan ko. Hindi na ako makapag-salita at lalo lang akong naiiyak.

"Do you really love me?" Umiiyak kong tanong sa kanya.

"I really do. Mahal na mahal kita Raypaul ko." Humahagulgol niyang sabi sa akin.

Raypaul ko? Parang narinig ko na yun dati. Lalong bumuhos ang mga luha ko at naguguluhan na ako.

Should I say that I really love him?

"Pero sabi mo. May lalake kang mahal bago mo pa ako nakilala." Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Yes. And it was you." Seryoso niyang sabi sa akin.

Para akong hihimatayin sa sinasabi niya sa akin.

"All this time? It was me?" Tanong ko sa basag na boses.

"Oo. Yung lalakeng minahal ko ng sobra. Yung lalakeng gagawin ko ang lahat para lang sumaya at yung lalakeng ikakasal na." Nakatulala niyang sabi sa akin.

Yumuko ako at nanginig na ang katawan ko sa mga sinabi niya. Hindi na humihinto ang mga luha ko.

"But why? How?" Gulong-gulo na tanong ko sa kanya.

"Sabi mo. Gusto mong malaman ang totoo. Kaya ngayon sinasabi ko ito." Seryoso niyang sabi.

Mahal na mahal ko siya eh. Pero ikakasal na ako.

"You never know something about us. About our story." Seryoso niyang sabi sa akin.

Ayoko na. Natatakot akong malaman ang totoo.

"Hindi pwede. Ayoko ng marinig." Umiiyak kong sabi.

"Nagkakilala tayo nung senior high and I was amused with you on the first time I saw you in the hallway." Seryoso niyang sabi.

Sumakit bigla ang ulo ko.

"And then. We became bestfriends."

Ayoko ng marinig. Sumasakit ang ulo ko at nahihilo ako.

"Stop please!" Sigaw ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa tenga.

"And then. Your girlfiend cheated over you."

Biglang sumakit ng todo ang ulo ko at hindi ko na kaya.

"Ayoko ng marinig! Tama na!"

Tumakbo ako palabas ng condo niya at pumunta ako sa may kotse ko.

Gusto kong malaman ang totoo pero sobrang sumasakit ang ulo ko kapag may naririnig ako na tungkol sa nakaraan ko.

Ano na ang gagawin ko? Ang gulo-gulo dahil gusto ko talagang malaman ang totoo pero natatakot ako at sumasakit bigla ang ulo ko na parang binibiyak.

He already said that he loves me.

It was late. Ikakasal na ako.

Mahal na mahal ko si Kith. Ayokong nakikita na ganun siya lalo pa at ako pala ang may kasalanan. I want to comfort him and I want to show my love for him pero ayoko ding saktan si Alexa kahit pa mas mahal ko si Kith.

Kith POV

Akala ko kapag sinabi ko ang lahat sa kanya ay maayos ang lahat pero hindi pala dahil nakakasama lang yun.

Sumasakit ang ulo niya at alam kong hindi pa handa ang isip niya para malaman ang totoo. Siguro nga hanggang dito na lang ang lahat para sa aming dalawa.

Sinabi ko naman sa kanya na mahal na mahal ko siya pero ang masakit doon ay hindi manlang niya sinabi na mahal niya din ako at tumitig lang siya sa akin.

Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa ko para mahalin niya din ako?

Hindi ba talaga ako ang karapat-dapat para sa kanya?

Wala nang ibang mahalaga sa akin. Wala na akong dapat pang gawin dahil nagawa ko naman ang lahat.

Gusto ko ng mamatay pero paano si Rogue? Nakakaawa siya kapag sinusubukan kong magpakamatay dahil nasasaktan siya.

Hindi ko na kayang maging mabuting tao. Ayoko ng masaktan.

"Kith. Hayaan mo na siya dahil nandito naman ako." Umiiyak na sabi ni Rogue.

"Hindi ikaw ang kailangan ko! Hindi kita mahal!" Sigaw ko sa kanya.

Napahinto siya at tumitig na lang siya bigla sa akin.

"Pagkatapos ng mahabang panahon. Ngayon mo na lang ulit ako sinigawan ng ganyan." Kinakabahan niyang sabi sa akin.

"Wala na akong pakealam! Umalis ka na dito! Hindi ikaw ang kailangan ko!". Sigaw ko sa kanya.

"Hindi kita iiwan. Kung siya iniwan ka ako hindi." Sabi niya at tumulo na ang mga luha niya.

"Ayoko sayo! Lumayas ka dito!" Sigaw ko sa kanya.

Yumuko si Rogue at nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya.

Humarap siya sa akin at.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko. Bumalik na yung dating ikaw."

Parang bigla na lang akong natauhan sa sinabi ni Rogue. Mali yung mga sinabi ko. Mali yung ginawa ko.

"Rogue sorry. Hindi ko sinasadya." Umiiyak kong sabi.

"No. Wala kang kasalanan dahil naiintindihan ko naman." Sabi ni Rogue.

Binuksan niya ang pinto at mukhang lalabas siya habang umiiyak kaya tumayo ako para piglan siya.

Niyakap ko siya sa likod at.

"Mali yung sinabi ko. Mahal kita pero hindi kagaya ng pagmamahal ko kay Ray." Umiiyak kong sabi habang nakayakap sa likod niya.

"Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin yung mga sinabi mo?" Tanong niya sa basag na boses.

Hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya at.

"Alam ko naman kung anong klase kang tao dati. Pero please lang wag mo ng ibalik yung dating ikaw." Umiiyak niyang sabi.

"Ako pa rin to. Patawarin mo ako dahil ayoko lang na idamay ka sa problema namin ni Ray." Umiiyak kong sabi sa kanya.

Humarap na sa akin si Rogue at.

"Kakausapin ko lang si Raypaul." Sabi niya sa akin at lumabas na siya ng pintuan.

Kailangan kong kontrolin ang sarili ko at baka mamaya lalo pang gumulo ang lahat dahil sa akin.

Nakakainis! Nasaktan ko pa si tuloy Rogue. Marami na siyang ginawa para sa akin.

Raypaul POV

Hinabol ako ni Rogue sa kotse at nandito pala siya. Sumakay siya sa kotse at umupo sa tabi ko.

"Alam mo Raypaul. Mahal na mahal ka talaga ni Kith." Seryoso niyang sabi.

"Pero ikakasal na ako." Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Hindi mo ba siya mahal? Hahayaan mo na lang ba na maging ganyan siya palagi?" Naiiyak niyang tanong.

"Mahal ko rin siya. Pero kailangan kong gawin ang tama." Sabi ko at pumatak na ang mga luha sa mata ko.

"Kapag naalala mo ang lahat ay maiintindihan mo kung ano ang tama sa mali." Seryoso niyang sabi.

"Pero sumasakit ang ulo ko kapag inaalala ko ang nakaraan." Sabi ko kay Rogue.

"Ganito na lang. Kaya ba ng konsensiya mo na makitang ganyan si Kith. Yung taong mahal mo?" Seryoso niyang sabi habang naluluha.

"Ayoko. Pero masasaktan din si Alexa kapag pinili ko si Kith."

"Putang inang Alexa yan! Hindi mo alam kung gaano ka-demonyo ang babaeng yan!" Sigaw ni Rogue.

Napatitig na lang ako sa kanya.

"Kapag kinasal kayong dalawa at may nangyaring masama kay Kith. You will end up with a sticky situation." Seryoso niyang sabi.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit kaya nakakatakot.

"Anong gagawin ko?" Umiiyak kong tanong sa kanya.

Inuuntog ko na lang ang ulo ko sa manubela ng kotse.

"Gusto kong malaman lahat!"

"Stop being a stupid shit! Piliin mo kung sino ang mas mahal mo! Sino ba ang mas kailangan mo?" Sigaw niya.

"Sobrang hirap kasi. Ayokong makasakit ng tao." Umiiyak kong sabi.

"Hindi mo alam kung gaano ka kamahal ni Kith. Ibibigay niya ang lahat sayo kahit pa ang kalayaan mo." Seryoso niyang sabi at tumulo na naman ang mga luha niya.

"Mahal ko siya. Mahal na mahal pero ang gulo ng lahat!" Humahagulgol kong sigaw.

"You're such a coward! Kapag tinuloy mo ang letseng kasal mo, mabubuhay ka sa kasinungalingan at kapag naalala mo ang lahat. Hinding-hindi ka magiging masaya." Seryoso niyang sabi sa akin.

Binuksan ni Rogue ang pinto sa kotse at lumabas na siya.

"Habang-buhay mong pagsisisihan ang mali mong desisyon."

Bigla niyang sinara ang pinto sa kotse ng padabog.

Wala akong magawa kung hindi ang umiyak na lang. Ayokong nasasaktan si Kith pero ayoko din saktan si Alexa kung mali ang gagawin ko.

Umuwi na ako sa bahay ko at gulong-gulo na ang isipan ko sa mga nangyayari ngayon.

Nakaharap ako dito sa bintana at nag-iisip. Umamin na siya sa akin na mahal niya rin ako. Alam ko na meron kaming nakaraan ni Kith at gustong-gusto ko iyong maalala pero paano? Sumasakit bigla ang ulo ko.

Gusto kong malaman ang lahat-lahat bago ang kasal. Kaya pala nahuhulog ako sa kanya kasi minahal ko na rin siya dati pero ano ba talaga ang nangyari noon.

"Raypaul! Nakatulala ka na naman!"

Nabigla ako at tumingin ako sa giliran ko dito. Si Alexa pala.

"Alexa. Pasensya na at may iniisip lang kasi ako." Seryoso kong sabi.

"Galing ka daw kay Kith?" Tanong niya na may halong inis.

"Oo. Meron siyang sinabi sa akin." Sagot ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya at parang bigla na lang siyang kinabahan.

"A.no? Anong si.nabi niya?" Nauutal niyang tanong sa akin.

"Gusto kong malaman kung ano ang mga ala-alang nabura sa akin." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Raypaul! Baliw ka ba? Hindi na importante yun." Galit na sabi ni Alexa.

"Paano kung. Dapat pala na maalala ko ang lahat? Paano kung marami palang importante noon?" Naguguluhan kong tanong.

Hinawakan ako ni Alexa sa pisngi at.

"Raypaul. Ang mahalaga yung ngayon. Ang mahalaga ay ikakasal na tayong dalawa." Seryoso niyang sabi.

Binaba ko ang mga kamay niya na nakahawak sa pisngi ko at.

"Alexa hindi! Gusto ko na makumpleto ko ang lahat ng mga ala-alang nawala sa akin." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ano ba kasing sinabi sayo nung Kith na yun at nagkakaganyan ka?" Napasigaw niyang tanong.

"Gusto ko lang malaman ang lahat! Sabihin mo sa akin! Alam ko na may alam ka sa nakaraan ko!" Napasigaw ko ding sagot sa kanya.

"Sinisigawan mo na ako. Tama. Mahal mo rin talaga siya." Naiiyak niyang sabi.

Alam niya nga ang lahat at sigurado na ako doon.

"Ayoko munang ituloy ang kasal." Seryoso kong sabi.

Tumitig bigla sa akin ng masama si Alexa at parang nagbabago na ang ugali niya.

"Hindi mo pwedeng gawin yan! Dalawang araw na lang ikakasal na tayong dalawa!" Sigaw niya sa akin.

"Pero ayokong humarap sa altar ng naguguluhan ako kung ano ba ang tama sa mali! Gusto kong malaman ang lahat!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Alam mo ba ang mangyayari kapag di mo tinuloy ang kasal?" Tanong niya na puno ng hinanakit.

Napalunok ako sa sinabi niya at.

"Magpapakamatay ako!" Seryoso niyang sabi.

"No! Hindi mo gagawin yan!"

"I really mean it! Gagawin ko ang sinabi ko kaya kung ayaw mo ay magpapakamatay ako!" Sigaw niya habang umiiyak.

"Pero baka magpapakamatay din si Kith kapag tumuloy ako." Umiiyak kong sabi sa kanya.

"Kung ganon. Pumili ka na lang dahil gagawin ko ang sinabi ko." Seryoso niyang sabi habang lumuluha.

Natahimik kaming dalawa at lumalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang naiipon.

Hindi ko alam na ganito pala talaga ang ugali ni Alexa.

Mahal niya ako at hinding-hindi siya papayag na magkahiwalay kaming dalawa.

Si Kith. Mahal na mahal niya ako at kahit nasasaktan siya ay ibibigay niya ang lahat para sa akin kahit sobrang hirap para lang mapasaya ako.

Pero anong gagawin ko? Ano ba ang bagay na magpapasaya talaga sa akin?

Kahit sino ang piliin ko sa kanilang dalawa ay paniguradong may masasaktan, sigurado akong may mawawala at ang masama doon ay may isang mamamatay sa kanila kapag nag-desisyon ako.

Hindi ko kayang mamatay si Alexa ng dahil sa akin pero paano si Kith? Hindi ko na siya kailangang tanungin kasi ilang beses na siyang nagtangka na magpakamatay. Alam ko na sobrang nasaktan ko siya pero ano ba talaga ang dulo nito?

Ano ba ang kahihinatnan ng digmaang ito?

Gusto ko silang isalba pareho pero isa lang ang dapat kong piliin. Isa lang sa kanilang dalawa ang pwede kong mahalin at iligtas.

Lumilipas na ang mga araw at hirap na hirap pa rin ako sa desisyon na gagawin ko.

Ikakasal na ako bukas. Gusto kong linawin ang lahat lahat kay Kith. Mahal na mahal ko siya pero hindi kami pwedeng magsama dahil kay Alexa kaya kailangan ko siyang kausapin ng mabuti.

Nandito ako sa labas ng condo ni Kith at naka-awang lang ang pintuan. May naririnig akong tumutugtog ng piano. Binuksan ko ang pinto at naglakad ako sa loob nito.

Nakita ko si Kith na tumutugtog ng piano at puro lungkot ang mga mata niya kaya lalo akong nadudurog dahil alam ko na ngayon kung gaano kasakit sa kanya ang lahat ng bagay.

Malapit ang piano sa malaking bintana ni Kith kaya nasisikatan siya ng sunset.

Nagsimula ko na ding marinig ang tinig mula sa kanya.

And I'd give up forever to touch you

'Cause I know that you feel me somehow

You're the closest to heaven that i'll ever be

And I don't wanna go home right now

Ngayon alam ko na para sa akin pala ang lahat ng mga kanta niya kaya ramdam ko palagi ang sakit at pagmamahal.

And all I can taste is this moment

And all I can breathe is your life

When sooner or later it's over

I just don't wanna miss you tonight

 

And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am

Ang sakit na titigan siya. Ayokong ikasal pero kailangan. Mahal na mahal ko si Kith at hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang nakikinig sa mala-anghel niyang boses.

And you can't fight the tears that ain't coming

Or the moment of truth in your lies

When everything feels like the movies

Yeah, you bleed just to know you're alive

 

And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am

Alam ko na sobrang sakit nito para sa kanya. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Ngayon na ang huling beses na maririnig ko ang napakaganda niyang boses.

And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am

Lalo lang pala akong madudurog ngayon habang nakikita ko sa mga mata niya ang sakit. Yung sakit na ako pala ang may gawa at yung sakit na alam kong madadagdagan pa.

And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am

I just want you to know who I am

I just want you to know who I am

I just want you to know who I am

Humahagulgol na ako kahit tapos na siyang kumanta. Ayokong iwanan siya pero wala na akong ibang pwedeng gawin.

"Nakakalungkot ba na pakinggan ang boses ko?"

Napatingin ako kay Kith. Sinarado niya ang keys ng piano at lumapit siya sa akin. Humahagulgol na ako dahil hindi ko na kayang magpigil.

"Bakit nandito ka pa?" Malamig niyang tanong sa akin.

"Gusto lang kitang makita kahit sandali lang." Humahagulgol kong sabi sa kanya.

"Hindi kita maintindihan. Ginawa ko naman ang lahat pero hindi mo na ako minahal." Sabi ni Kith at halatang pinipigil niya ang mga luha niya.

"Patawarin mo ako. Naguguluhan na ako kung ano ang tama." Umiiyak kong sabi.

"Pwede ba Ray! It's not about me. It's not about Alexa! Ikaw! Ano ba talaga ang gusto mo?"

Nagulat ako sa lakas ng sigaw niya.

"Pero ayokong mawala ka." Sabi ko kahit nahihirapan akong magsalita.

"Wag mo akong alalahanin. Gusto ko lang na piliin mo ang magpapasaya sa iyo habang buhay." Sabi niya na basag ang boses.

"Hindi yun ganun kadali." Umiiyak kong sagot.

"Gusto ko lang naman na maging masaya ka. Minsan kailangan mong makasakit para ipaglaban ang gusto mo at minsan kailangan mong gamitin ang puso mo para malaman kung ano ang tama."

Kitang-kita ko na lumalabo na ang mga mata niya dahil pinipigilan niya ang mga luhang naiipon dito.

"Ray. Mahal na mahal kita at ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Kahit masakit sa akin dahil gusto ko lang makita ang mga ngiti mo. Yung mga ngiting bumihag sa akin."

Hindi na ako makapag-salita dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon sa harapan niya.

"Pwede ba kitang yakapin mahal ko?" Tanong niya sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at biglaan niya akong niyakap ng mahigpit. Niyakap ko din siya ng mahigpit dahil alam kong pagkatapos nito ay posibleng hindi na kami magkita.

"Dati nangako ako sayo na hinding-hindi na ako iiyak pero hindi ko na kaya eh." Sabi ni Kith at naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha niya sa leeg ko.

"Raypaul ko. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ginawa ko naman ang lahat ng kaya ko. Kinalimutan na nga ako ng isip mo pero pati ba naman yung puso mo ay kinalimutan na din ako."

Basag na basag na ang boses niya at lalong napipilas ang puso ko sa mga bagay na naririnig ko mula sa kanya.

Gusto kong sabihin na mahal ko siya at hindi siya kinalimutan ng puso ko pero nahihirapan ako at hindi na ako makapag-salita.

"Raypaul ko. Salamat sa lahat ng mga ginawa mo sa akin dati. Ikaw ang naging pag-asa ko sa buhay, ikaw ang naging ilaw ko sa madilim kong mundo pero alam ko na ang ilaw na iyon ay matagal ng napundi at hindi na pwedeng palitan."

Alam ko na ngayon kung gaano niya ako kamahal. Hindi ko maalala ang lahat pero ramdam ko ang sakit. Ramdam ko na totoo ang lahat ng bagay na mula sa kanya.

Lalo ko lang hinihigpitan ang pagkaka-yakap ko sa kanya. Hindi ko magawang magsalita. Nahihirapan na ako.

"Mahal ko. Aalis na ako, wag mo na akong hahanapin pagkatapos ng kasal niyo ni Alexa."

Kumalas ako sa pagkakayakap ko at tumitig ako sa kanya. Ito na ba yung nasa panaginip ko? Ayoko! Hindi ako papayag na mawala din siya!

"Kith please. Wag kang magpapakamatay." Natatakot kong sabi habang umiiyak.

"Ray. Kahit kelan hindi ako nagsinungaling sa iyo. Hindi ko alam kung makakaya ko pero kung sakaling mamatay ako. Wag kang lalapit sa katawan ko dahil hindi ko maigagalaw ang kamay ko para punasan ang mga luha mo."

"Kith hindi! Please. Wag mong gagawin yan! Wag mong sasabihin yan parang awa mo na!" Sigaw ko kahit hirap na akong magsalita.

"Mahal ko. Gagawin ko ang lahat para sa iyo pero."

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil ayokong marinig.

"Kith tumingin ka sa akin. Sabihin mo na hindi mo yun gagawin! Sabihin mo sa akin! Kamuhian mo na lang ako pero maawa ka. Wag mong tangkain na magpakamatay ulit!" Sigaw ko sa kanya sa sobrang takot.

Tumango lang siya sa akin. Kahit konti ay nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay may pinanghahawakan ako mula sa kanya na hindi niya yun gagawin.

Hinawakan ako ni Kith sa mga pisngi ko at tinitigan niya ako sa mga mata kahit pareho kaming umiiyak.

"Mahal ko. May ipapakita lang ako saglit. Promise huli na ito."

Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kaming dalawa sa kwarto niya. Umupo ako sa kama at may kinuha si Kith sa cabinet niya.

Nakita ko ang isang makulay na photo album na dala niya. Umupo siya sa kama malapit sa akin at binigay niya iyon sa akin.

"Mahal ko. Nandiyan yung mga masayang ala-ala nating dalawa. Regalo ko yan sa iyo nung 14th monthsary nating dalawa. Buksan mo please."

Ngumiti siya at alam kong pilit yun.

Nanginginig ang mga kamay ko nang buksan ko ang makulay niyang photo album at kinakabahan ako.

Sinubukan kong buksan ang unang pahina ng photo album at marami ngang masayang ala-ala ang nandito.

Nakita ko ang picture naming dalawa ni Kith na naka-uniform.

"Raypaul ko. Yan yung araw na nagsimula kang manligaw sa akin."

"Paano kita niligawan? Nag-break ba kami ni Alexa?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo. Pinagpalit ka niya sa iba at ako ang sumalo sa iyo." Seryoso niyang sabi at alam kong totoo yun.

"Tanungin mo pa sila James kung hindi ka naniniwala." Sabi niya.

Alam ko na kahit kelan ay hindi magsisinungaling si Kith sa akin.

All this time! Manloloko pala si Alexa at kailangan kong marinig sa bibig niya ang lahat!

"Yan naman yung time na sinagot kita sa aniversary ng parents mo."

Nakita ko ang isang picture naming dalawa na naka-upo at naka-akbay ako kay Kith.

Binuklat ko pa ito at nakita ko ang mga kasunod na larawan.

"Yan naman yung pinakilala kita sa papa ni Kagura."

Nakita ko ang picture namin ni Kith kasama ang isang lalake na puro tattoo ang katawan.

"Tapos yan ang first date natin."

Isang larawan naman namin ni Kith na magkahalikan ang tumambad sa akin kaya alam kong may relasyon talaga kami dati.

Nakita ko na may nakaipit sa album na tuyong rosas at alam ko na ako ang nagbigay nun kay Kith.

Binuklat ko pa at hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko.

"Nagbakasyon tayo. Nagkatampuhan tayo nun pero masaya pa din." Sabi niya na may pilit na ngiti.

Nakita ko ang isang larawan naming dalawa na nakasakay sa banana boat at nakayakap ako kay Kith.

"Nung sport fest. Nanalo ka sa contest na Mr. Campus star."

So. Nung senior highschool pala ay sumali ako sa pageant. Binuklat ko pa ang pahina ng album at.

"Nung 14th monthsary natin. Kinantahan mo ako at may binigay kang sulat sa akin." Maluha-luha ang mga mata niya ng sabihin niya yun.

Nakita ko ang isang larawan namin na nakahalik pa ako sa pisngi ni Kith at may hawak siyang cute ma stuffed toy tapos hawak ko naman ang makulay na photo album.

"Meron kang niregalo sa akin na letter. Gusto mo bang mabasa?" Naluluhang tanong ni Kith.

Hindi ako makapag-salita kaya tumango na lang ako sa kanya.

Sa photo album na iyon ay may kinuha si Kith na isang card kaya sinbukan ko iyong basahin. Alam ko na ako ang nagsulat kasi may pirma at font ko ito.

Dear Lalabs,

 

14 months na tayo at habang tumatagal eh mas lalo kitang minahal, you give me new hope and you give my life direction. Alam ko na seloso ako, childish at minsan possessive pero di mo ako kinaiinisan. Thank you sa pagmamahal na binibigay mo sa akin at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ikaw ang lahat sa akin. Sana wag ka nang magbago at lahat ng problema ay haharapin natin ng magkasama. Wag mo akong iiwan dahil mamamatay talaga ako. Gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita at ayokong makita na umiiyak ka kaya di kita sasaktan. Naalala mo ba yung sinabi ng manghuhula nung first date natin? Ang sabi niya ikaw daw ang gigising sa natutulog na apoy sa puso ko. I LOVE YOU AT MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA.

 

YOU LIGHT MY FIRE.

 

Nagmamahal,

 

Raypaul mo

Totoo nga ang lahat. Lalabs ang tawag ko kay Kith at hindi ko na mapigilan ang mga luha ko habang binabasa ko ang sulat na ito.

Binuklat naman ni Kith ang kasunod na pahina at nakita ko ang picture naming dalawa na magkayakap sa tapat ng puntod.

"Yan yung huling araw na magkasama tayong dalawa. Pinakilala kita sa pamilya ko." Naluluha niyang sabi.

Wala ng kasunod ang photo album kaya nagtataka ko sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit wala na?" Naluluha kong tanong.

"Nag-graduate na tayo ng senior high at may ginawa kang kasalanan." Seryoso niyang sabi habang naluluha ang mga mata niya.

"Anong ginawa ko?" Kinakabahan kong tanong.

"Niloko mo ako. Nakipag-sex ka kay Alexa sa harapan ko mismo." Sabi niya at umiyak na siya ng todo.

Kung ganun. Niloko ko pala si Kith pero bakit? Hindi ako manlolokong tao at paano ko yun ginawa?

"Nilagyan niya ng drugs ang alak na iniinom mo sa bar." Dagdag pa niya habang umiiyak.

"Kung ayaw mong maniwala ay may ibibigay ako na sulat mo sa akin."

Kinuha niya ang isa pang card na naka-ipit doon sa photo album at nanginginig ang kamay ko ng buksan ko iyon.

Dear lalabs ko,

 

Unang beses pa lang kitang nakita sa hallway ng school last 2 years ay akala ko talaga anghel ka pero nung nakilala kita, napatunayan kong hindi lang ang hitsura mo ang mala-anghel kundi pati ang puso mo. Nung niloko ako ni Alexa at muntik na akong mag-pasagasa ay nandiyan ka para pagaanin ang nararamdaman ko at never mo akong iniwan kaya doon nagsimula ang pagtingin ko sa iyo na hindi ko inaasahang mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa sarili ko. Nung araw na pinagtapat ko sa iyo ang pagmamahal ko at ang nakaraan ko ay akala ko lalayuan mo ako pero hindi nagbago ang pagtingin mo sa akin at naging mag-bestfriend pa tayong dalawa. Maraming beses kitang niligawan at hindi ako sumuko dahil alam kong mahal na talaga kita. Pina-kilala kita sa mga magulang ko at hindi ka natakot ipagtapat na mahal mo din ako kaya sobra akong humanga sayo. Hindi ko inakalang mamahalin mo din ako ng sobra-sobra kagaya ng pagmamahal ko sayo at maraming salamat dahil sayo nag-karoon ako ng panibagong pag-asa, binigyan mo ako ng kakayahang maging mabuting tao at higit sa lahat ay inalis mo lahat ng takot sa puso ko. Naging sobrang masaya ako sa tuwing kasama kita at lagi kong nararamdaman na kumpleto ang pag-katao ko sa tuwing mag-kasama tayong dalawa at pakiramdam ko, nasa langit ako sa tuwing kapiling ka. Minahal mo ako kahit na isip bata ako, kahit na sobrang seloso ko, kahit na possessive ako at kahit na malibog ako. Lagi mo akong pinag-papasensyahan at lagi mong iniintindi ang mga kapilyuhan ko. Lagi mo din akong inaalagaan at lagi kang nandiyan para protektahan ako sa mga taong may balak sa akin.

 

Sobrang tumagal ang relasyon natin at akala ko ay lagi lang tayong magiging masaya pero niloko lang kita at hindi ko nagawang kalabanin ang sarili ko kaya nasaktan kita ng harap-harapan. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko dahil alam kong kasalanan ko ang lahat ng dahilan kaya nangyayari ngayon ito sa ating dalawa. Nangako ako na mamahalin lang kita, Nangako ako na poprotektahan kita, Nangako akong hindi kita papaluhain at higit sa lahat ay Nangako akong hindi kita sasaktan kahit kelan pero di ko inaasahang ako pa pala ang mananakit sayo, di kita nagawang protektahan dahil hindi ko nagawang kalabanin ang sarili ko, di ko inaasahan na sa relasyon nating dalawa ay ako pa pala ang sisira ng lahat ng magandang pinagsamahan natin. Pero isa lang ang alam ko ngayon. MAHAL NA MAHAL KITA.

 

Napatawad mo ako pero di kita masisisi kung hindi mo na kayang ibalik ang tiwala mo sa akin at ang pagmamahal mo dahil hindi ako ang taong karapat-dapat para sa mga bagay na iyon. Salamat sa wagas mong pag-ibig dahil ikaw ang nagturo ng direksyon sa buhay ko kaya sobrang nadurog ang puso ko dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nabasag ang damdamin mo pero lagi mong tatandaan ang lahat ng ito kahit na anong mangayari. Sana mahanap mo ang taong magpapahalaga sayo at hindi ka lolokohin kagaya ng ginawa ko dahil humanda siya sa akin. Gusto kong makita ka na palaging masaya at palaging naka-ngiti. Pupunta ako sa isang malayong lugar na hindi kayang puntahan ng mga tao pero mula doon ay lagi kitang babantayan. Lagi mong tatandaan na ikaw lang ang mahal ng isang tao na nag-ngangalang Raypaul Velasco at lagi lang akong nasa tabi mo. I LOVE YOU SO MUCH.

 

Kith Castillo you are always my angel but starting now, I will be your guardian angel. Salamat sa lahat-lahat lalabs.

 

YOU LIGHT MY FIRE

 

Nagmamahal,

 

Raypaul Velasco

Lalong bumuhos ang mga luha ko pagkatapos kong basahin ang sulat na iyon at ramdam ko ang magkahalong pagmamahal at sakit sa sulat na iyon kaya lalo akong nadudurog.

"Anong nangyari pagkatapos nun?" Nahihirapan kong tanong.

Yumuko si Kith at nanginginig na ang katawan niya dahil sa pag-iyak niya at sinubukan niyang magsalita.

"Nagtangka ka na magpasagasa." Nahihirapan niyang sabi.

Parang bigla na lang lumitaw sa isipan ko ang isang puting track na humagip sa akin.

"Na-amnesia ka dahil sa aksidente." Humahagulgol na sabi ni Kith.

"Kung ganun. Nasaan ka nung apat na taon? Apat na taon kitang hindi nakita." Umiiyak kong sabi.

"Tinangka ko kasing iligtas ka. Nasagasaan din ako kaya na-comatose ako ng apat na taon." Humahagulgol niyang sabi.

Napatitig ako sa kanya at parang unti-unting gumuguho ang lahat ng nasa paligid naming dalawa. Ramdam ko ang sakit na dinadala niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad ang katotohanan?"

"Nakipag-kasundo ako sa parents mo at ilalayo ka nila sa akin kapag sinabi ko ang nakaraan." Humahagulgol niyang sabi.

Alam ko na totoo ang mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko alam na ganito pala niya ako kamahal.

"Ikakasal ka na bukas. Sana magbago pa ang isip mo." Humahagulgol na sabi ni Kith.

"Patawarin mo ako." Sabi ko sa basag na boses.

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad mahal ko. Matagal na kitang pinatawad." Umiiyak niyang sabi.

"May ibibigay nga pala ako." Sabi pa niya sa akin.

Tinanggal niya ang suot-suot niyang singsing at binuka niya ang kamay ko pagkatapos ay nilagay niya ito.

"Binigay mo yan sa akin. May ganyan ka din noon."

May nakasulat sa loob ng singsing na Raypaul love Kith.

"Raypaul. Pwede ba kitang halikan?" Seryoso niyang tanong.

Tumango lang ako sa kanya at lumapit na siya sa akin. Unti-unti niyang nilapit ang malambot niyang labi sa akin.

Ramdam ko ang init at ang pagmamahal sa halik niya na hindi ko naramdaman kay Alexa. Hindi ko inaasahan na ganito pala kaming dalawa dati.

Tumigil siya at tumitig sa akin.

"Bukas. Hihintayin kita sa tagpuan nating dalawa at kapag hindi ka dumating ay pupunta na ako ng Japan at hindi mo na ako makikita." Umiiyak niyang sabi.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at hindi ko na magawang magsalita. Ayokong masaktan at ayokong makasakit pero sa tagal pala ng panahon ay unti-unti ng namamatay si Kith dahil sa akin.

Hinawakan niya ako sa pisngi at.

"Lagi mong tatandaan na hindi nagbago ang pagmamahal ko sa iyo kahit kelan."

Hinalikan niya ulit ako ng mariin sa labi at umiwas na siya ng tingin sa akin.

Kith POV

Umalis na si Ray at umuwi na siya sa bahay niya. Napakasakit pala ng pagkakataon na ito. Kahit sinabi ko na ang lahat ng totoo ay wala pa rin siyang maalala sa lahat ng nangyari sa aming dalawa noon.

Habang naglalakad siya paalis ay binibilang ko ang bawat hakbang niya hanggang sa hindi ko na siya makita.

Lagi kong binabasa ang mga sulat niya at lagi kong tinititigan ang mga larawan naming dalawa na posibleng hindi na madagdagan.

Huli na ba ang lahat? Sana nakatulong sa kanya ang mga ala-ala na ipinakita ko.

Lagi ko lang siyang inaantay. Siya ang lahat sa akin at kahit ano pa ang sabihin ng mga tao ay wala akong pakialam.

Kahit sabihin niyo pang baliw ako.

Ang totoo lang naman ay nagmahal ako at hindi ko alam na ganito pala yun kasakit. Ayokong sumuko pero ano bang pinaglalaban ko?

Yung mga ala-ala ng kahapon na ako lang ang may alam.

O yung taong minahal ko ng sobra kahit na sinasaktan lang ako.

Wala na akong maramdaman kung hindi puro sakit at nabubuhay na ako sa kadiliman. Siya ang mundo ko. Kahit sabihin niyo pa na isa akong malaking tanga ay tatanggapin ko dahil para kay Raypaul ay magpapaka-tanga ako.

Sa kanya umiikot ang lahat para sa akin. Ang pagmamahal niya ang bumubuhay sa akin at humuhugot ako ng lakas sa mga ngiti niya.

Wala akong pamilya. Siya lang ang meron ako at siya lang ang nagpapasaya sa akin.

Natutunan ko na isang beses lang dadating ang taong nakatadhana sa iyo at yung tao na yun ay dapat mong mahalin ng sobra.

Durog na yung puso ko. Pero hindi ko inaasahan na kahit sa maliliit pala nitong piraso ay mamahalin ko parin siya ng ganito.

Pain is the only thing that is telling me that I'm alive. No one can replace him in my heart.

There are things in life that we don't want to happen but we need to accept. Things that we don't want to know but we have to learn and someone that we can't live without but we have to let go.

I know that the hottest love has the coldest end. I never hate him and I can't blame him because I love him.

I cry not because I'm weak but because my mouth can't explain this pain. Ano ba ang magagawa ko? Yung taong bumasag ng puso ko ay ang nag-iisang tao na pwede ring umayos nito.

Gusto ko lang makita ang mga ngiti niya sa akin.

Siya lang ang kailangan ko. Pero kung mawawala siya sa akin at makita ko pa rin siyang nakangiti at masaya ay magiging masaya na rin ako para sa kanya.

Natutunan ko na maging unselfish.

Sa buhay ko. Wala na akong dapat pang sisihin sa sarili ko dahil binigay ko na ang lahat lahat.

Ayokong maglihim. Ayokong magtago ng totoo pero nagsinungaling lang ako sa kanya nung sabihin ko na kapag hindi siya pumunta sa akin bukas ay pupunta ako ng Japan. Ang totoo ay magpapakamatay pa rin ako.

---

Finally. Dumating din ang araw na ito, ang araw na kinatatakutan ko. Ikakasal na ang lalakeng mahal ko sa babaeng hindi niya kilala, sa babaeng sumira ng pagkatao niya at sa babaeng niloloko lang siya.

Bumabalik sa akin ang mga ala-alang nagpapangiti sa akin. Ubos na ang mga luha ko para umiyak. Nakatulala lang ako at nag-iisa dito sa dati naming tagpuan ng taong mahal ko.

Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko habang pinagmamasdan ang magandang tanawin pero para sa akin ay wala ng buhay ang lahat.

Mula dito ay kitang-kita ko ang malaking simbahan na pagdadausan ng kasal nila. I'm here. Standing beside the cliff and after the wedding, I'm ready to jump.

Kitang-kita ko ang pagdating ng mga bisita sa simbahan. Mga masaya silang lahat kaya hindi ko kayang magpakita doon. Simula ng magising ako sa coma ay naging gloomy na ako, pilit na ang mga ngiti ko at pinag-aralan ko kung paano itago ang lahat ng katotohanan kay Ray para lang hindi siya kunin sa akin.

Gusto ko lang na makita si Ray na lumabas ng simbahan kasama ang babaeng mahal niya. Masaya at walang halong pagsi-sisi. Lagi kong naaalala ang mga ngiti niya. Yung mga ngiti na naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.

Ano pa ba ang ikakatakot ko?

Walang-wala naman na ako eh. Wala na akong pamilya at mga kabigan ko lang naman ang iiyak sa libing ko.

Tama na ang lahat para sa akin, sapat na ang matuto akong magmahal. Siya ang nagpabalik ng mga ngiti ko pero siya lang din pala ang may kayang sumira ulit sa akin. Binuo niya ang pira-pirasong pagkatao ko pero binsag niya lang din ako.

Dahil kay Raypaul nabakla ako.

Siya lang naman ang lalakeng gusto ko. Ang lalakeng mahal ko at kahit kelan hindi ko nagawang magka-gusto sa kahit kanino dahil siya lang ang pumapasok sa isip ko.

Miss na miss ko na ang kakulitan ni Raypaul ko. Yung kakulitan niya na dahilan kung bakit nabaliw ako sa kanya.

Araw-araw gumigising ako nang may luha sa mga mata ko dahil nauuhaw ako sa mga yakap at halik ng lalakeng mahal ko.

Miss na miss ko na yung mga pagkakataon na hinahawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Pati yung mga kabastusan niya miss ko na din.

Lagi kong hinihintay ang pagbabalik niya pero mukhang hindi na mangyayari yun. Ito na ang huling beses na aasa akong dadating siya.

Hindi naman ako sumuko at napagod na ipaglaban siya pero ano pa ba ang magagawa ko kung hanggang dito na lang talaga kami?

Minahal ko ang lahat sa kanya, minahal ko siya ng buong-buo kahit ang mga pagkakamali niya. Hindi ko inakala na ang pagmamahal pala ang papatay sa akin.

Mula sa dati kong buhay na puro bagyo ang nagdaan ay siya ang lumitaw na bahag-hari, ang lumitaw na pag-asa sa akin pero kagaya ng literal na bahag-hari ay unti-unti rin siyang nawala sa kalangitan ko.

Post a Comment

We will remove spams and duplicate comments.

[disqus][blogger][facebook]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget