$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Porn Star (Part 5) Finale

By: Lito Napansin ko na panay ang tingin sa lugar namin si Eric. Kung hindi man sa akin ay baka kay Nathan o kay Daniel. Tum...

By: Lito

Napansin ko na panay ang tingin sa lugar namin si Eric. Kung hindi man sa akin ay baka kay Nathan o kay Daniel. Tumayo ako at nilapitan ko si Eric at inaya na mag-join sa amin. Sigawan ang mga nanonood. Isinisigaw ang pangalan ni Eric.

“Eric, Eric Eric” sigaw ng karamihan.

Napatitig sa akin si Eric at bigla na lang akong niyakap at hinalikan. Gumanti ako ng halik at yakap. Huhubarin ko na sana ang kanyang mamahaling tshirt nang pigilan niya ako. Ang ginawa ko na lang ay lumuhod sa paanan niya at mabilis na naibaba ang zipper ng pantalon niya at inilabas ang matigas niyang batuta na hindi naman kalakihan. Normal lang na size ng pinoy. Tumutol siya at pilit na lumalayo sa pagkakahawak ko. Sigaw ng sigaw ang mga naroon ng kanyang pangalan kaya nagpaubaya na lang sa kagustuhan ko.

Isinubo ko na ang kanyang matigas na kargada at tsinupa na iyon ng walang puknatan. Agad din naman siyang nilabasan sa loob ng aking bibig. Hinalikan ko kaagad siya at nagsalo kami sa kanyang tamod.

Napansin ko si Nathan na parang masama ang tingin sa akin, parang hindi nagustuhan ang aking ginawa. Siya naman ang tumayo at nagsalita. “Baka gusto ninyong mag-join lapit lang dito.” Anyaya ni Nathan. Wala namang nagpaunlak sa alok niyang iyon. Sigurado akong maraming may gusto subalit dahil sa maraming naroon na nanonood ay nahihiya lang sa paanyayang iyon. May isang naglakas loob na lumapit, pero halik lang ang ginawa kay Nathan at agad din na lumayo.

Sa inis siguro sa akin ni Nathan ay marahas niya akong kinantot. Hindi niya alam ay gustong gusto ko ang ginawa niya at talagang nilabasan ako ng maraming katas.

Tumagal din ang aming palabas ng higit sa dalawang oras, labis labis sa napag-usapan. Isa isa nang nagsialisan ang mga nanood, hanggang sa kami na lang nina Eric, Amado at ilang kasamahan nila ang naiwan.

Kinausap pa muna kami ni Eric bago kami pinayagang makauwi. Ihahatid daw uli kami ng van na sinakyan namin kanina.

Napagusapan ang kopya ng video. Sinabi ng camera man na ie-edit muna para mapalabo ang mga mukha ng nahagip na manonood para proteksyon din sa pagkakakilanlan. Ipapadala na lang daw ito kung saan gustong ipadala pagkatapos ng editing. Kinuha rin niya ang number ko sa CP.

Nakasakay na kami ng van at paalis na ng tawagin pa uli ako ni Eric at pinapasok sandali sa loob. Palihim na ibinigay sa akin ang isang envelope na bonus ko raw at isa pang envelope na

paghatihatian na lang daw namin saka ako mabilisang hinalikan na mariin habang yakap ng mahigpit sabay bulong na “Magkikita pa tayo.”

Agad kong itinago sa aking bag ang envelope para sa akin. Pagkapasok ko ng van at tumakbo na itong paalis ay iwinagayway ko ang isang envelope. “Alam nyo ba kung ano ito?”

“Ano?” sabay sabay na sagot ng apat kong kasama. “Bonus daw natin na paghahatihatian natin yehey.”

Sa van pa lang ay naghati hati na kami. Nang bilangin ko ay 500K ito kaya nag tig 100K din kami. “Galante pala talaga si boss Eric ano, jackpot tayo.” Wika ni Daniel.

“Galante talaga iyon, minsan pag kinapos ako ay sa kanya ako nahiram. Pinahihiram ako ng higit pa sa inuutang ko. Pag umutang ako ng 5K ibibigay sa akin ay 10K. Dinodoble niya palagi tapos ay hindi na pababayaran sa akin. Kaya hindi ko na nanaisin na umalis pa bilang driver niya.” Singit ng driver.

Tuwang tuwa ang lahat habang nabiyahe maliban kay Nathan na tahimik lang hanggang sa makarating kami ng Manila. Hanggang sa aming apartment ay wala pa ring kibo itong si Nathan. Hindi na ako nakatiis at nagtanong na kung bakit. “May problema ba Nathan?”

“Ha! Anong sabi mo?” nabigla pa sa aking tanong na tila wala sa sarili si Nathan.

“Ang sabi ko ay kung may problema ka. Kanina ka pa walang kibo simula ng bumiyahe tayo.

“Wala, wala. May iniisip lang ako, sa aking pamilya. Wag mo akong intindihin. Pahinga na tayo at pagod na ako sa ginawa natin at sa biyahe.”

Hindi na rin nagpumilit pa ako na alamin ang dahilan ng pananahimik ni Nathan.

---------------o0o---------------

Pinatawag uli ako ni Ate at pinagrereport sa kanyang opisina.

“Bakit Ate, may bago ba kaming project. Pwede bang pass muna ako, gusto ko munang magpahinga kahit ilang araw lang.”

“Ganyan ka na ha, komot malaki ang kinita ninyo eh me pagpapahinga ka pang nalalaman.” “ “Ate naman, hindi no. Bakit mo ako pinatawag, ano bang atin.”

“Yung kopya ng video, gusto ni Eric na ikaw ang magdala sa kanya.”

“Bakit daw ako. May sinabi bang iba?”

“Wala namang nabanggit. Basta dalhin mo na lang, eto ang address, hihintayin ka raw

hanggang lunch hour kaya lumakad ka na.”

“Transpo ko, hindi naman ako messenger ah.”

“Abonohan mo muna. Reimburse mo na lang pagbalik mo dito.”

---------------o0o---------------

Sa isang exclusive subdivision ang address ni Eric. Hindi kami kaagad pinapasok at tinawagan pa ang aking pupuntahan.

Mala mansion na naman ang bahay na napasok ko. Pinatuloy na ako ng driver na siyang sumundo at naghatid sa amin noon. “Pakihintay na lang at lalabas na siya.” Wika ng driver.

Lalabas na sana ang driver pero pinigilan ko muna siya. “Ang laking mansion nito pero tila walang tao. Sinong kasama dito ni Eric.” Tanong ko sa driver.

“Mga kasambahay. Palagi naman wala ang magulang niya dito eh, abala sa negosyo. Ngayon ay nasa ibang bansa at malamang ay sa isang linggo pa ang balik. Solong anak kasi.” Tugon ng driver.

“Oliver, buti at nakarating ka. Halika, doon tayo mag-usap.”

Inabot ko na sa kanya ang DVD copy ng video sa Tagaytay. Kinausap niya ako at inamin na may gusto siya sa akin. Pwede raw na maging kami pero ililihim lang namin. Pinatitigil na rin ako sa paglabas sa porn video at ikukuha daw niya ako ng sariling condo o bahay na magiging pugad namin. Bibigyan daw niya ako ng allowance, kotse at kung ano pa na naisin ko. Bibiyahe din daw kami abroad kahit saan ko gusto. Marami siyang offer sa akin pero kapag pumayag daw ako ay siya lang ang aking iintidihin. Hindi raw ako pwedeng manligaw ng babae lalo na ang makipagsiping sa lalake. Parang binibili niya ang aking pagkatao.

“Napakaganda ng alok mong iyan sa akin Eric, pero hindi kita masasagot sa ngayon. Bigyan mo muna ako ng panahon na makapagisip at makapag desisyon. Pag buo na ang aking pasya ay sasabihin ko sa iyo. May pamilya kasi akong iniintindi sa probinsya at sa akin lang sila umaasa sa ngayon. Kaya nga pinasok ko ang ganitong hanapbuhay.” Sagot ko sa kanya.

“Okay, ikaw ang bahala. Hihintayin ko ang iyong pagpapasya.” “May tanong lang ako Eric, improtante ito sa aking pagpapasya.” “Shoot. Ano yon.”

“Kung sakaling tanggapin ko ang alok mo at dumating ang panahon na magsawa ka na sa akin, saan ako pupulutin.”

“Magandang tanong iyan. Kung sabagay ay tama ka. Baka dumating ang panahon na mawala ang pagkakagusto ko sa iyo o di kaya ay paghiwalayin tayo ng aking mga magulang. Papaano ka nga naman. Sa totoo lang Oliver ay ikaw pa lang ang lalaking nagustuhan ko at inalok ng pakisamahan ako kaya hindi ko naisip ang tanong mo. Sisiguruhin ko naman na kung magiipon ka lang at magtatabi ng sobra sa pangangailangan mo sa allowance na ibibigay ko ay mayaman ka na rin, Pero para mas sigurado ay magoopen ako ng isang trust fund sa pangalan mo na makukuha mo lang kapag hindi na tayo.”

“Salamat Eric. Pagisipan ko muna.”

“Sa ngayon ay pwede bang makapiling ka ng konting oras mo. Nabitin kasi ako sa ginawa natin sa Tagaytay, hindi ko man lang natikman ang katawan mo.”

Pinagbigyan ko siya sa kanyang hiling. Sinabi rin niya na may CCTV sa kanyang kwarto at marerecord ang gagawin namin pero hindi raw ito makakalabas dahil siya ang mas maapektohan. Nakadalawang putok din kami pareho. Bago ako umalis ay binigyan pa niya ako ng pera. Ayaw ko sanang tanggapin dahil malaki na ang naging kabayaran ko sa show na ginawa namin. Mapilit siya dahil nasiyahan daw siya sa akin. Hapon na ako nakabalik nang aming apartment.

“Oliver, huwag mong kalimutan ang lakad natin bukas ha. Tatlong araw lang naman tayo sa Baguio habang wala pa ang parents ko.” Habilin ni Eric.

---------------o0o---------------

Nadatnan ko sa bahay si Nathan. “Hindi ka ba umalis ng bahay ngayon?” Tanong ko kay Nathan.

“Nagpunta ako sa opisina, nagbakasakaling may bagong raket. Bakit ngayon ka lang. Marami ba kayong pinagusapan o nag-anuhan pa kayo.” Ang sarkastikong tanong niya.

Kinuwento ko naman ang ang napagusapan namin, ang alok niya sa akin.

“Anong sagot mo.”

“Sabi ko ay pag-iisipan ko muna. Kung ako ikaw, anong magiging pasya mo.”

“Ano pa eh di tatanggapin ko. Bihira ang ganong pagkakataon. Wala kang gagawin pero kikita ka.”

“Okay lang ba na parang binibili ang pagkatao ko. Wala akong tutol kung kailangan niya ang katawan ko kasi ay bayad ako ganun ba? Siya nga pala yung tanong mo kanina, oo nag sex pa kami at nakadalawang round kami. Binayaran din ako eto nga o hindi ko pa nabibilang kung

magkano.”

Tinalikuran ko na siya. Nainis kasi ako sa sagot niya. Ginawa niya akong mukhang pera. Hindi ko akalain na agad agad akong ipamimigay. Hindi man lang nagpabalat bunga na pigilan ako.

Sinundan pa niya ako sa silid namin at tinanong kung anong pasya ko. Manhid talaga, nagawa pang magtanong.

“Tulad ng sinabi mo ay tatangapin ko. Yayaman ako sa perang ibibigay niya sa akin hindi ba. Giginhawa na ang buhay ng aking ina.”

Hindi na siya kumibo, halatang nalungkot din kahit papano. ---------------o0o---------------

Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Nathan na aalis muna para kausapin si Eric. Hindi niya alam na sa Baguio ang punta namin at wala akong balak na tanggapin ang alok niya.

Pagbalik ko galing Baguio ay wala si Nathan. Madaling araw na kami dumating. Inisip ko na lang na nakitulog ito sa kasamahan namin.

Kinaumagahan ay tumawag ako kay Ate at tinanong si Nathan. Umuwi raw pala ito ng kanilang probinsya para dalawin ang mga magulang at kapatid. Hindi man lang nagsabi sa akin. Tinawagan ko ang kanyang CP pero cannot be reach ang palaging sagot.

Ilang araw na ang lumipas ay wala ako kahit isang tawag o text man lang mula kay Nathan pero nakausap niya si Ate at sinabing baka raw matagalan siya sa probinsya dahil may inaayos pang kabuhayan para sa mga magulang.

Tiningnan ko ang kanyang cabinet, halos walang natirang damit. Mga luma at kupasing tshirt at pinagliitan na pants at short lang ang naiwan. Parang wala ng balak na bumalik pa.

Isang buwan na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik si Nathan. Konontak ko siya para malaman kung babalik pa dahil kung hindi ay iiwan ko na ang apartment dahil solo na lang akong nagbabayad niyon. Nagpasya na rin kasi ako na umuwi na rin nang probinsya at magtayo na lang ng maliit na negosyo. Malaki na rin ang aking naipon, idagdag pa ang mahigit 1M na binayad sa amin ng mag show kami sa Tagaytay.

Nagpaalam na ako sa aming landlady na aalis na at nagempake ng aking mga gamit. Ang konting gamit ni Nathan ay inilagay ko sa isang box at iniwan ko muna sa bodega ni Ate. Nagpaalam na rin ako kay Ate na titigil na sa paggawa ng porno dahil makikisama na ako kay Eric. Nagsinungaling ako dahil gusto kong makarating kay Nathan ang bagay na iyon. May hinala akong iyon ang dahilan ng pag-uwi niya ng kanilang probinsya.

---------------o0o---------------

Mabilis na lumipas ang mga buwan. Isang taon na simula ng umuwi ako sa aming probinsya, isang taon na rin na hindi kami nagkita ni Nathan. Naging maunlad naman ang itinayo kong negosyo, nagsimula ako sa isang maliit na tindahan sari-sari hanggang sa lumago ito at dumami ang customer. Ngayon ay isa na itong grocery store. Maganda ang aming slogan, “Retail sale at wholesale price para sa masa” kaya madaming bumibili sa amin dahil mas mababa kesa sa ibang tindahan. Sa amin na rin bumibili ang ibang maliliit na tindahan sa baranggay.

Hindi ko pa rin nalilimutan ang aking nakaraan, palagi ko pa rin itong naalala. Pasalamat na lang at walang nakapanood ng aking ginawang mga video o maaring hindi lang talaga ako nakilala. Kung sabagay ay sa porn site lang makikita ang aking video.

Minsan ay lumuwas ako ng Manila. Naisipan kong dumaan sa opisina ni Ate. Pagpasok ko ay bumulaga sa akin si Nathan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon, tumalikod at hindi na lang tumuloy, sugurin si Nathan at sumbatan dahil binale wala ang naging samahan namin o yakapin habang umiiyak at sabihing mahal ko siya.

Wala ni isa roon ang aking ginawa, hindi ko na lang siya pinansin at tinanong sa babaeng naroon kung nasaan si Ate. Nagkunwa akong hindi ko kilala si Nathan.

“Lalabas na po iyon, nag banyo lang. Ayan na pala. Ate may bisita ka.”

“Oliver, kumusta, ang tagal mong hindi nagpakita man lang sa amin ah. Saan ka ba naglalagi at wala man lang kaming balita sa iyo.” Masayang bati ni Ate.

“Diyan lang sa tabi tabi. Busy yata kayo at may paguusapang proyekto, alis na rin ako at may aasikasuhin lang ako sa dati kong eskwelahan. Sige Ate, dadalaw na lang uli ako sa iyo kapag libre na ako.” Paalam ko kay Ate. Hindi ko na hinayaang pigilan pa ako dahil tumalikod na akong mabilis para lumabas.

“Sandali lang Oliver, pwede bang mag-usap tayo kahit sandali lang.”

“Oliver nga ang pangalan ko pero hindi naman kita kilala para makipag-usap sa iyo.” May panunuya kong wika. Tumalikod na uli ako subalit pinigilan niya ang aking braso saka yumakap sa akin na umiiyak.”

“Hayaan mong magpaliwanag ako kahit sandali lang please. Naging magkaibigan naman tayo ah.” Pakiusap ni Nathan.

“Kaibigan ba ang tawag sa taong nangiiwan sa ere? Ang hindi man lang sagutin kahit isang beses ang aking tawag at text. Ang hindi man lang nakaalalang tumawag at sabihin kung ano ang problema. Wala akong kilalang ganong kaibigan. Pasensya na at may lakad pa ako.

Bitiwan mo nga ako at baka masapak pa kita.”

“Sige! Sapakin mo ako kung iyan ang magpapagaan ng sama ng loob mo, sapakin mo ako.” Sabi ni Nathan na kinuha pa ang aking kamay at isinampal sampal sa mukha ko. Sa inis ko ay binigwasan ko siya ng isang suntok. Halos bumalandra siya sa dingding, putok ang labi at dumugo.

Bigla akong natigilan nang makita ko ang pag-agos ng kanyag dugo mula sa labi. Nagkagulo naman sa opisina at nilapitan ako ng ibang kalalakihan doon na ang iba ay hindi ko na kilala para awatin kami. Nilapitan naman kaagad ni Ate si Nathan.

“Ano ka ba Oliver, tingnan mo ang ginawa mo.” Galit na sigaw ni Ate. “Magusap kayo ng maayos at hindi dadaanin sa init ng ulo. Okay ka lang ba Nathan?” – si Ate, alalang alala kay Nathan.

Ako man ay natakot dahil sa dugo. Nagalala ako na baka malaki ang sugat. Sa pakiramdam ko ay namutla ako, pinanghinaan pa ako ng tuhod kaya umupo ako sa malapit na monoblock.

Tumayo na si Nathan at nilapitan ako uli. Nakatungo lang ako. “Kulang pa ba, eto naman kabila.” Panunudyo ni Nathan.

“Gusto ko lang namang magpaliwanag eh. Hindi ko sinasagot ang text at tawag mo dahil ayaw ko nang dagdagagan pa ang sakit na nararamdaman ko noong panahong iyon. Naisip ko na magkasama na kayo ni Eric.”

“Ikaw ang may sabi na huwag kong palampasin pa ang oportunidad para magkapera. Ikaw ang nagtutulak na sumama ako sa kanya.”

“Dahil gusto kong guminhawa ang pamumuhay mo, ng nanay mo. Napakayaman ni Eric at kayang ibigay ang mga naisin mo kaya sinabi ko iyon. Nasa kanya kasi ang makapagbibigay katuparan sa mga pangarap mo.”

“Anong palagay mo sa akin, mukhang pera! Hindi ko nanaisin na magkapera ng hindi ko pinaghirapan. Oo sa pagpuputa ako kumikita ng pera, sa pagbibilad ng katawan at kababuyan, pero pinaghihirapan ko rin iyon. Hindi ba walang katumbas na pera ang hirap ng kalooban sa mga ginagawa natin, pero nakaya ko, natin dahil trabaho din iyon. Hindi ko gusto na sasahod na lang ang kamay at lalagpak na ang maraming pera.”

“Kaya nga gusto kitang hanapin, nalaman ko kay Ate na hindi ka naman sumama kay Eric at umuwi na lang ng probibinsya. Hindi ko naman alam ang probinsya ninyo kaya pinuntahan ko si Ate at baka alam niya, pero hindi rin daw. Maswerte lang na dumating ka rin.”

“Pinagtagpo siguro kayo talaga ng tadhana Oliver, Nathan, kaya magusap na lang kayo ng

maayos. Nathan, bakit gusto mong hanapin si Oliver.” Tanong ni Ate.

“Mahal ko siya eh. Hindi ko kayang makita siya na kasama ng iba kaya umuwi na ako sa amin.

Hiyawan ang mga miron, tuwang tuwa sa narinig na rebelasyon ni Nathan. May pagpalakpak pa.

“Ikaw Oliver, bakit nagtampo ka nang hindi sagutin ni Nathan ang mga tawag mo at text.”

“Nag-aalala kasi ako sa kanya, baka kasi may sakit kaya hindi nakabalik kaagad, baka may malaking problema sa pamilya. Gusto ko lang naman malaman at baka makatulong ako kahit aa papano. Kaso ayaw talagang sagutin.”

“Mahal mo din ba siya tulad ng pagmamahal niya sa iyo?”

“Oo. Mahal na mahal.” Nakayuko akong sumagot, may konting hiya.

“Hanggang ngayon ba ay mahal mo pa rin ako, kasi ay mahal na mahal kita at hindi ko na yata kaya na mawalay uli sa iyo ngayon natagpuan na kita.” – si Nathan na hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Napaangat ang aking mukha sa pagkakayuko at dahil sa silakbo ng damdamin at sa narinig kong sinabi niya ay yakap na mahigpit lang ang aking nasagot. Dumagundong ang opisina ni Ate sa lakas ng hiyawan at palakpakan. Parang ipinagbubunyi ang aming pagkakasundo.

“Oy oy oy, kayong mga usisero, iwanan muna natin sila para makapagusap nang masinsinan. Doon muna tayo sa sala para pagusapan ang mga schedule ninyo.” – si Ate na lumabas muna ng opisina kasama ang ibang talent at naiwan kami ni Nathan. Hindi naman kami nagtagal ng husto sa pag-uusap dahil nahihiya kami kay Ate sa abalang ginawa namin. Napagkasunduan namin na sasama na lang siya sa aming probinsya para doon magusap. Malapit lang naman sa Manila ang aming probinsya

---------------o0o---------------

Nalaman ko na sa pag-uwi niya sa probinsya ay bumili sila ng malaking sakahan na siya ngayong sinasaka ng kanyang tatay. Mura lang daw nila nabili. Nagtayo rin daw ng tindahan sa kanilang bahay para maging libangan namn ng kanyang nanay. Sa ngayon ay hindi na sila kinakapos at maluwag luwag na rin ang kabuhayan, nakapagpatuloy sa pag-aaral ang iba niyang kapatid.

Isasama daw niya ako sa probinsya nila pag-uwi niya. Sa Real Quezon lang pala ang bayan nila.

Nakita naman niya ang bunga ng aking pagpuputa, ang aking grocery na itinayo na

pinamamahalaan ni Nanay at ng isang pinagkakatiwalaan kong kaibigang babae. May mga tauhan din kami na siyang nag-aayos o nagbabasta ng mga pinamili ng aming kustomer.

“Nay, magpahinga lang kami sa bahay ha, huwag kang masyadong magpapagod.” Paalam ko kay nanay.

“Magdala ka ng makakain doon, wala tayong lutong pagkain sa bahay.” Sagot ni Nanay. “Ako na pong bahala, dadaan na lang ako sa karinderya.”

---------------o0o---------------

“Tayo lang ba dito?” nakangiting tanong ni Nathan, parang nakakaloko ang ngiting iyon. “Oo, solong anak lang naman ako.”

“Yess!” Napangiti ako sa aksyon ni Nathan. Syempre, alam na hehehe.

End......

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Porn Star (Part 5) Finale
Porn Star (Part 5) Finale
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEghQnRw5XhJGu49ijWdf7aKbbUx50mIIpT_jRI4eJBnoJAf5k-3UwZcTi_ff-U7HluuILhut4sPo1qIE9_s2Elip2Gm3UL2RXNcnUM7fqVqXc_C96wvHMTE-kL0YBDSU8_6_Co_qJKA-Zea/s1600/1663252362821796-0.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEghQnRw5XhJGu49ijWdf7aKbbUx50mIIpT_jRI4eJBnoJAf5k-3UwZcTi_ff-U7HluuILhut4sPo1qIE9_s2Elip2Gm3UL2RXNcnUM7fqVqXc_C96wvHMTE-kL0YBDSU8_6_Co_qJKA-Zea/s72-c/1663252362821796-0.png
Mencircle
https://www.mencircle.com/2023/02/porn-star-part-5-finale.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2023/02/porn-star-part-5-finale.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content