$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Pag-Ibig Ayon Kay Peng

By: Papo Itong kwento ay bunga ng pagtatagpi tagpi namin ng mga signs. Ganito kasi yon. Mayroon kaming bagong trainees, account specia...

By: Papo

Itong kwento ay bunga ng pagtatagpi tagpi namin ng mga signs. Ganito kasi yon.

Mayroon kaming bagong trainees, account specialist sila. Isa sa kanila ay si Adi. Pero mas kilala namin si Adi bilang Pikot. Pikot ang tawag sa kanya dahil sa kasingkitan nya. Forever na syang mukhang naka pikit. Biro namin parati sa kanya kung nakikita nya pa ba kami.

Si Adi ay half Japanese. Sobrang cute Kasi baby face, maputi, at makinis. Walang balahibo sa kilikili at legs nya. Super kinis nya.

Hindi namin alam if totoo. Sabi nya may kamag anak sya dito sa Davao. May dalawang tito daw sya dito na, ayon sa kanya, binibisita nya every Sunday. Totoo naman, kasi lumalabas sya every Sunday. Pero, ang ipinagtataka namin ay kung bakit binababa sya ng kotse sa ikalawang kanto malapit sa amin. Bakit hindi nalang mismo sa harap ng staff house namin?

Ang sabi baka "for hire" itong si Adi.

Usap-usapan na yan sa staff house, hindi lang napanpansin ni Adi. Pero minsan, ang mga kasamahan namin, lalo na kapag naka-inom, nagpaparinig kung may alam ba daw si Adi na ibang pweding mapagkakakitaan.

Alam mong clueless si Adi kasi sobrang genuine ng tawa nya-sobrang cute talaga.

Nagkaroon kami ng acquaintance party para e welcome ang mga bago, sina Adi. Dito nya nakilala si Sir Loy.

Si Sir Loy ay supervisor ng Technical Services namin. Gwapo, matangkad, matipuno, engineer, basta total package. Kaso kilala din sya dahil sa hilig nya sa babae. Babaero.

Sa staff house lang kami nag ayos. Si Sir Loy na rin ang pasimuno ng party. Close Kasi sa amin si Sir Loy since karamihan ng nakatira sa Staff house ay subordinates nya.

Masaya lang kami, budol fight. Libre din kasi.

Habang kumakain, nalala ng roommate ni Adi na Wala pa sya. "Si Pikot binli." Sabi ng roommate ni Adi. Kaya kumuha sya ng paper plate para may makain pa si Adi.

Biglang bumukas ang gate at pumasok ang sobrang cute na si Adi. May dalang tatlong litro ng Coke.

"Tayminga oy!" Nataon talaga kung kailan kami kumakain ay may dala syang Coke.

"Tugon mani ni Ryan." Sinabihan pala sya ng kapwa nya trainee kaya nagdala sya ng Coke.

Pero kaming mga malisyoso, nasa isip na namin na sumahod sya sa sugar daddy nya.

Dahil long weekend, kasi holiday kinaumagahan, napagpasyahan namin na uminom.

Siguro'y mga 1 hour na kaming sa inuman bago lumabas si Adi na bagong ligo. Naka sleeves at black shorts.

Iba din talaga ang sex appeal Adi. Ang smooth tingnan ng legs, thick, pati puwet nya ang lulusog.

Biro pa nga sa kanya kung payag ba sya na tikman nila. Bahala na raw, sa dilim nalang daw nila gawin, at mag imagine nalang sila na babae si Adi. Syempre tawanan lang ang lahat.

Mabilis din naging close si Adi kay Sir Loy. Friendly din kasi si Adi.

Siguro mga alas 4 na kami natulog.

Mga 3 ng hapon kami nagising. Nagpunta ako sa common kitchen namin at nadatnan ko si Sir Loy doon nakatingin lang sa malayo, tulala.

"Sir Loy, sang kwarto ka natulog?" Tanong ko sa kanya. Na bigla ata sya. "Kila Pikot." Sagot nya.

Simula nong araw na yon, palagi na si Sir Loy sa Staff house. Sa staff house na rin sya natutulog lalo na kapag pagod na syang bumyahe pauwi sa kanila. As usual, kila Adi sya natutulog kasi malalaki kama nila doon. Naging regular na yan.

Itong sina Adi ay magti-train ng 3 months, tapos e de-deploy sa cebu, Iloilo, at Manila. malalaman nila kung sa sila ma a-assign 1 week before deployment. Malapit na matapos training nina Adi.

Naisipan namin mamasyal sa malapit na mall nang biglang nakita ng kasamahan namin ang kotseng naghahatid kay Adi. Naisipan naming hanapin din si Adi ng malaman namin ang totoo.

May isang oras din bago namin makita si Adi sa isang restaurant. Totoo nga. Kasama ni Adi ay dalawang pamilya. Totoo ngang may mga tito si Adi. At ang naghahatid sa kanya ay ang tito nya.

Medyo nahiya ako sa panghuhusga namin kay Adi.

Dahil siguro ay guilty kami, naisipan namin na magpa despideda sa mga trainees.

Naglakad lang kami pauwi sa staff house dahil malapit nga lang ang mall. Nong papasok kami sa street namin ay namataan namin na bumaba si Adi mula sa isang itim na kotse. Hinatid ata ng isa nyang tito. Natandaan ko rin ang plate number.

Kinagabihan ay nagluto na kami para sa despideda. Inimbitahan din namin si Sir Loy. Masaya pa kami nagkwekwentuhan ng may pumaradang itim na kotse sa gate namin. Bumaba rito si Sir Loy. Namangha kami kasi may bagong Kotse na si Sir Loy.

Dinumog namin ang kotse sya. Kapareho ito nong naghatid Kay Adi. Dalidali akong tinawag ng kasama kong namasyal kanina. Tinuro nya ang plate number. Namilog ang mga mata namin sa aming napagtanto. Si Sir Loy ang naghatid kay Adi.

Pinigilan ko ang aming mga imahinasyon. Isang mabuti at walang bahid-malisya lamang ang paghatid na yon.

Isang araw bago ang deployment nila Adi. May nangyari.

Dahil sa hindi ako makatulog, nag-tambay ako sa gazebo. Ako ay nagulat dahil sa isang malakas na katok sa gate namin. Naaninag kong si Sir Loy ito. Lasing.

"Sir Loy, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya habang binubuksan ang gate.

"Naa pa dira si Pikot?" Tanong nya, hinahanap si Adi.

"Oo, 3 pm pa flight niya." Sagot ko kanya.

Pasuraysuray syang naglakad patungo sa kwarto ni Adi. Malakas ang pagkatok. "Kot, gawas sa ba, Kot." Sambit nya. Pa-ulit ang mga katok at pagtawag nya.

Bumukas ang pinto at lumabas si Ryan.

"Ry, gawas sa ba, Ry. Naa lang koy istorya kay Pikot." Hiling ni Sir Loy kay Ryan. Tumalima naman si Ryan.

Dali daling pumasok si Sir Loy at narinig namin ang pag-lock nito ng pinto.

"Na unsa to, Ry?" Usisa ko kay Ryan.

"LQ." Tugon nya sabay ngisi.

"Baka pinatyanay to sila didto." Pag-aalala ko.

"Pinatyanay gyud. Pero sa kalami." Biro nya. Anong bang ibig sabihin nitong si Ryan.

Umupo kami malapit sa bintana kung saan nakadikit ang bed ni Adi.

"Peng, ayaw ana, peng. Tarong ba." Narinig naming pagmamakaawa ni Sir Loy. "Ako na bahala sa imo, peng." Dagdag nya.

Peng pala ang tawagan nila.

"Peng, seryoso ko sa imo. Promise, peng." Parang naririnig ko ang mga pag-iyak ni Sir Loy.

"Peng..." Tawag ni Sir Loy.

"Madunggan ka sa mga tao." Saway ni Adi.

"Bahala. Di ko muundang diri. Peng, promise gyud nako ni, peng. Wa tika ilara. Seryoso kaayo ko nimo." Halata nang umiiyak talaga si Sir Loy.

Nanatili kaming nakaupo doon sa gilid ni Ryan. Natatawa at naawa Kay Sir Loy. Halos isang oras din bago natahimik sa loob.

Matutulog na sana ako nang biglang narinig namin ang pag-uga ng higaan sa loob.

"Nalubaan na gyud." Biro ko kay Ryan. Ngumiti si Ryan at napailing.

Sa kwarto na namin natulog si Ryan. Baka raw ay maka istorbo pa sya.

Hindi na-deploy si Adi dahil. Ang sabi ng management ay sa Davao na sya Maa-assign.

Si Ryan as sa Cebu na naka assign. Kaya, ang roommate ngayon ni Adi ay si Sir Loy. at alam mo kung sino ang under kasi siya yong minuminuto ay Peng ang bukambibig.

Nakiki-peng na rin kami kay Adi na alam naming kinaiinisan si Sir Loy. Hindi namin tahasang tinanong sina Adi at Sir Loy. Tinanggap nalang namin sila.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Ang Pag-Ibig Ayon Kay Peng
Ang Pag-Ibig Ayon Kay Peng
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgMwTDv5cUR_mkOUJh8mXhlaGL-ylgj6X-r0Y5gcn9hw5Qm1-Dl4zvPZBXcCrqqYPH4WsYf28-5w7YDk6edTVoPZ-Cu2uzn-KKlcxlyFcGv4_9crtDcgek4mPXSNcMGY61UOkQcGpWO2TAAJwQoUIIVT7KpbzNJ34IpMbu5SnKUMwgRrEXzxXu5BViZuw/s600/Screenshot_20230409_183901.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgMwTDv5cUR_mkOUJh8mXhlaGL-ylgj6X-r0Y5gcn9hw5Qm1-Dl4zvPZBXcCrqqYPH4WsYf28-5w7YDk6edTVoPZ-Cu2uzn-KKlcxlyFcGv4_9crtDcgek4mPXSNcMGY61UOkQcGpWO2TAAJwQoUIIVT7KpbzNJ34IpMbu5SnKUMwgRrEXzxXu5BViZuw/s72-c/Screenshot_20230409_183901.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2023/04/ang-pag-ibig-ayon-kay-peng.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2023/04/ang-pag-ibig-ayon-kay-peng.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content