$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

You Light My Fire (Part 16B)

By: Lord Iris Raypaul POV Naalimpungatan ako at kinukusot ko ang mga mata ko. Napatingin ako kay Alexa at kakatapos lang na may mangya...

You Light My Fire

By: Lord Iris

Raypaul POV

Naalimpungatan ako at kinukusot ko ang mga mata ko. Napatingin ako kay Alexa at kakatapos lang na may mangyari sa amin kaya tulog pa siya.

Umuulan pala sa labas at ang sarap talagang matulog.

Hihiga na sana ulit ako sa kama ng maalala ko ang.

Dumilat ang mga mata ko at tumingin ako bigla sa relo ko.

Nanlaki ang mga mata ko at natataranta na ako ng makita ko na 10:00 na pala ng gabi.

Tumalon ako sa kama at binilisan ko ang pagbibihis ng damit.

Jusko! Sinira ko ang pangako ko kay Kith. Baka mamaya galit na yun sa akin at mag-resign siya na PA ko.

Kinuha ko ang phone ko at putcha!!!

Lowbat ako at hindi ko makikita kung nag-text o tumawag si Kith.

Mabuti pa. Puntahan ko na lang siya sa bahay niya.

Teka! Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira!

Pagkatapos kong magbihis ay napa-sulyap ako kay Alexa at tulog pa naman siya ngayon.

Binilisan ko ang kilos ko at kumuha na ako ng payong para hanapin si Kith sa labas.

Pagbukas ko ng pinto ay sobrang lakas pala ng hangin ngayon at malakas din ang ulan sa labas.

Tutuloy pa ba ako sa park?

Baka wala na dun si Kith.

Naalala ko na lang bigla yung sinabi niya nung tumawag ako kanina.

“Sige thanks. Hihintayin kita kahit anong oras ka dumating.”

Jusko! Paano kung hinintay niya nga ako ngayon? Paano ko siya haharapin? Nakakahiya ako!

Lumabas na ako ng apartment at nagmadali na akong maglakad papunta sa park.

Ang lakas talaga ng ulan at hangin kaya natatangay ang payong ko kasi masama ang panahon.

Pagdating ko sa park ay tinanaw ko ang lahat para makita ko kung hinintay ba ako ni Kith.

Wala akong nakita kaya mukhang umuwi na si Kith.

Pero paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod. Naka-upo siya sa bench at basang-basa.

Kinakabahan na ako ngayon.

Lumipat ako sa gilid at natanaw ko na si Kith nga yun.

Para akong nabaril ng makita ko siya na basang-basa at nakatulala sa hangin.

Napatakip na lang ang isa kong kamay sa bibig ko at pakiramdam ko ay maiiyak na ako.

Ano ba itong ginawa ko?

Hindi ko aakalaing hihintayin niya talaga ako ngayon kaya parang may mga karayom na tumutusok sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko siya.

Lumapit ako sa kanya at kinakabahan na ako sa magiging reaksyon niya sa akin ngayon pero tatanggapin ko kung may masabi siya na hindi maganda sa akin kasi alam ko naman na kasalanan ko.

“Kith.” Mahina kong sabi sa kanya.

Hindi siya tumingin sa akin at nakatulala lang siya pero nagsalita na lang siya bigla.

“Alam ko na dadating ka kaya naghintay ako.” Sabi niya sa akin at malamig ang boses niya.

Hindi siya tumitingin sa akin.

“Sor.ry.” Nauutal kong sabi at parang maiiyak na ako.

“Wag kang mag-alala. Hindi naman ako galit. Ginusto ko naman na hintayin ka.” Sagot niya sa akin at parang mas lalong lumamig yung boses niya.

Hindi na ako makapag-salita at lalong lumalakas ang buhos ng ulan.

Tumayo si Kith at humarap siya pero hindi siya nakatingin sa akin.

Nakita ko na namumula na ang mga mata niya kaya alam ko na umiyak siya at kasalanan ko yun.

Nagsimula na siyang maglakad palayo at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon.

“Uuhhmm. Kith. I.i.ha.hatid na ki.ta.” Nauutal kong sabi sa kanya.

“Kaya ko na ang sarili ko at sanay na akong mag-isa.” Matigas na pagkakasabi niya at parang basag na ang boses niya.

Naiwan na lang akong nakatayo at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.

Habang pinagmamasdan ko siya na basang-basa at naglalakad palayo ay para akong tinutusok ng maliliit na karayom at bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang ginawa ko sa kanya.

Pagbalik ko ng apartment ay wala na pala si Alexa at may message siya sa akin kasi may pasok na bukas kaya umalis na siya sa apartment ko.

Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina.

Paano ako hihingi ng tawad kay Kith?

Alam ko na galit siya at ramdam ko talaga na nasaktan ko siya. Naging selfish kasi ako. Ayoko na magkasama sila ni Rogue pero hindi ko tinupad yung usapan namin.

Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko naman alam kung saan siya nakatira at hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko at text.

Why do I care for him? He is my PA pero masaya ako na kasama siya at ayoko na may lumalapit sa kanya na ibang tao. Ayoko lalo ng may nagbibigay ng motibo sa kanya.

Bakit ganito ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko eh bestfriend ko lang naman siya? Ang gulo! Sobrang gulo ng mga pakiramdam ko.

Hindi ko kayang isipin na galit siya sa akin at mukhang ayaw niya akong makita pero hindi naman pwede yun kasi lalo akong nakokonsensiya.

Alam ko na!

Mukhang alam ng pinsan ko kung saan nakatira si Kith.

Kinuha ko na ang phone ko at tinawagan ko ang pinsan ko na si James at medyo matagal bago siya sumagot sa akin.

“Ano ba? Anong oras na at tatawag ka pa sa akin.” Tanong niya at mukhang nagising ko siya.

“Sorry insan. I know it's late pero may importante akong itatanong.” Alanganin kong sabi sa kanya.

“Ano naman yun? Siguraduhin mo lang na importante yan at ginising mo pa ako ng ganitong oras.” Sagot niya at parang may inis sa boses niya.

“Uuhhmm. Alam mo ba kung saan nakatira si Kith?.” Mahina kong tanong sa kanya.

“Ano? Yun lang ang itatanong mo tapos ginising mo pa ako!.” Galit niyang sabi sa kabilang linya.

“Importante to! Maniwala ka!.” Naiinis kong sabi sa kanya.

“Eh bakit hindi siya ang tanungin mo ngayon ha?.” Naiinis niyang sabi.

Natahimik na lang ako bigla at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya ngayon.

“Uuhhmm. Kasi. May nangyari kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko.” Mahina kong sabi kay James.

“Hhahaahaah!!! Lover's quarrel.” Tumatawa niyang sabi sa akin.

Tama ba yung narinig ko? Lover's quarrel daw eh hindi naman kami.

“Hoy! Wag ka ngang mang-asar!.” Naiinis kong sigaw sa kanya.

“Sus! Diyan din naman ang punta niyong dalawa.” Tumatawang sabi sa akin ni James.

Biglang nag-init ang mukha ko at hindi ako makasagot sa sinabi sa akin ni James.

Bakit ganito? Parang tinutulak ako ni James kay Kith.

“Wala akong gusto kay Kith! Hindi ako bakla! May girlfriend ako!.” Malakas kong sigaw sa kanya.

“Hey insan! Easy lang. Pero wag kang pakaka-sigurado kasi si Peter nga may gusto rin kay Kith.” Tumatawang sabi ni James sa akin.

Ano???!!! May gusto rin si Peter???

Tapos mukhang may gusto rin sa kanya si Rogue!

Tapos sabi niya meron ng lalaki ang nagmamay-ari sa puso niya! Sino naman kaya yun?

Hindi pwede! Bakit dumadami ang mga karibal ko kay Kith? Wait. Ano ba yung inisip ko?

Hindi!

NO!

I just care for him and I don't like that guy! I'm a real man!!!

“Insan. Bakit natahimik ka?.” Biglang tanong ni James kaya nagulat ako.

“Ano ba? Ibibigay mo ba yung address niya o hindi?.” Naiinis kong tanong.

“Text ko na lang mamaya.” Sabi ni James at bigla niyang binaba yung usapan naming dalawa.

Whoo. Pinagpawisan ako doon.

Nakaka-inis naman! Marami na ang umaaligid kay Kith. Tapos may nagawa pa akong hindi maganda sa kanya kaya lumalayo siya.

Biglang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni James.

Binasa ko ang text niya sa akin at nakalagay doon ang address ni Kith kaya pupunta na ako mamayang umaga bago siya pumasok sa school.

Ayoko din na makipag-ayos sa kanya sa school dahil baka umepal lang si Rogue at mag-away lang kami.

Nakatitig lang ako sa kisame habang naghihintay mag-umaga kasi hindi talaga ako makatulog.

Ano ba talaga kasi ang nararamdaman ko para sa kanya?

Nagseselos ako oo. Pero ibig sabihin ba nun ay may gus.

Tsk tsk tsk delikado na ako. Bakit parang nagugustuhan ko na siya.

Aaarrgghh!!!! Hindi pwede!!!

Hindi ako bakla!!! At meron akong napaka-ganda at hot na girlfriend kaya off limits ako.

Pero paano kung magkagusto sa akin bigla si Kith? Makaka-resist ba ako? Delikado na ako kapag nangyari yun sa kanya.

Napatingin na lang ako sa orasan at umaga na pala kaya mabilis akong naligo at pupunta na ako sa address ngayon ni Kith.

Habang tumitingin sa labas at nagda-drive ako ay parang pamilyar itong lugar na binigay ni James.

Nakita ko na ang building kasi sabi sa text ni James nakatira daw sa condo si Kith kaya hindi na ako pwedeng magkamali ngayon.

Nag-park ako ng sasakyan at pumasok na ako sa loob pero nagulat ako ng batiin ako ng guard.

“Good Morning Sir! Long time no see.” Nakangiting bati ng guard.

“Huh? Ngayon lang po ako pumunta dito eh.” Nagtataka kong sabi sa kanya.

“Ay ganun ba? Sorry baka ibang tao yun kasi pareho kayong tsinito at kulay pula ang buhok.” Naguguluhan na sabi nung guard.

Pumasok na ako sa loob at pumunta na ako kung saan ang condo unit ni Kith pero kinakabahan ako.

Nasa harapan na ako ng pinto ng unit pero natatakot akong pindutin yung doorbell.

Huminga ako ng malalim.

Kaya ko to! Nilapit ko na ang daliri ko at napindot ko na ang doorbell.

Matagal bago may lumabas at naghintay lang ako pero kinakabahan ako ngayon.

Unti-unting bumukas ang pinto at.

Nakita ko si Kith pero yung damit niyang suot.

“Anong ginagawa mo dito?.” Tanong ni Kith at parang natulala ako.

Boom! Naka-shorts lang siya na maikli, ang ganda ng legs niya na ang kinis tignan at naka-suot lang siya ng sando na maluwag.

Napalunok ako sa nakita ko at natagalan ako bago sumagot.

“Uuhhmmm. Ano kasi.” Kinakabahan kong sabi.

“Ano yun?.” Boses naman ng isang lalaki at.

Nakita ko si Rogue na nasa likod ni Kith at naka-top less si Rogue tapos naka-suot lang siya ng boxer shorts kaya kita ang muscles niya at bakat yung pagka-lalaki niya!

Napa-nganga na lang ako ng tingnan ko ang mga suot nilang dalawa.

“What the heck!!! Bakit ba ganyan ang mga suot niyo? At bakit nandiyan ka sa condo ni Kith?.” Naguguluhan kong tanong kay Rogue.

“Pakelam mo ba? Bakit ka naman nandito ngayon?.” Maangas na tanong sa akin ni Rogue.

Naiinis ako sa kanya at hindi ko alam ang iisipin ko kasi.

Silang dalawa lang dito tapos ganun ang mga damit nila?

Parang kakatapos lang nila mag ano.

“May nangyari ba sa inyo?.” Galit kong tanong sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ni Kith pero bigla namang tumawa ng malakas si Rogue kaya naiinis ako at hindi ko na alam ang nangyayari.

“Sana nga meron.” Tumatawang sabi sa akin ni Rogue.

“Ang dumi talaga ng utak mo!.” Galit na sabi ni Kith at parang nainis siya.

Sa sinabi niya ay alam ko ng mali ang iniisip ko kaya nakahinga ako ng maluwag ngayon.

“Sorry.” Mahina kong sabi sa kanya.

“Pumasok ka nga muna sa loob.” Seryosong sabi ni Kith.

Pumasok ako at ang ganda pala sa loob ng unit ni Kith.

Grabe! Mukhang mamahalin yung piano niya at ang lawak sa loob. May sarili din siyang music room.

Siguro nga siya talaga ang may-ari ng sikat na Casino pero naguguluhan talaga ako sa kanya.

Umupo na kami sa sofa at nakatitig ng masama sa akin si Rogue.

“Kith? Bakit nag-apply kang PA eh mukhang mayaman ka?.” Naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Marami kang hindi alam sa akin. Sandali at magtitimpla ako.” Seryosong sabi ni Kith at pumunta siya sa kusina.

Naiwan kaming dalawa ni Rogue.

Ang sama talaga ng titig niya sa akin kaya naiirita ako.

“Ano bang dahilan at nandito ka at bakit ganyan ang suot mo? Magkatabi ba kayong natutulog?.” Galit kong tanong sa kanya.

Ngumiti si Rogue na parang masama.

“Oo! Magkatabi kaming natulog pero may lagnat si Kith kagabi kaya pumunta ako para alagaan siya.” Seryoso niyang sabi sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya at.

“Lagnat? May lagnat siya kagabi?.” Naguguluhan kong tanong.

“Naulanan daw siya kagabi pero ok naman na siya ngayon.” Seryoso niyang sabi sa akin.

Grabe! Kasalanan ko yun! Nilagnat si Kith dahil naulanan siya at nilagnat siya kasi hindi ako dumating.

“Sorry natagalan.” Sabi ni Kith at may dala siyang kape.

Uminom na kami ng kape at umupo si Kith sa tabi ni Rogue.

Parang naiinis ako bigla dahil magkatabi sila at ganun pa ang suot nilang dalawa.

“Bakit ka naman pumunta ng ganito kaaga at anong sadya mo?.” Seryosong tanong sa akin ni Kith.

“Hhmm. Gusto ko sana na bumawi.” Mahina kong sabi sa kanya.

“Bumawi saan? Anong ginawa mo?.” Galit na tanong ni Rogue.

“Relax Rogue. Usapan namin to.” Mahinahon na sabi ni Kith.

Tumahimik naman si Rogue at nagsalita na si Kith.

“Ray. Sabi ko naman wag mo ng isipin yun kasi ok lang sa akin.” Seryosong sabi ni Kith.

“Alam kong hindi! Hindi mo sinsagot ang mga tawag at text ko kaya lalo akong nakokonsensya.” Malakas kong sabi sa kanya.

Umiwas ng tingin si Kith at alam ko na galit nga siya sa akin.

“Ano naman ang gusto mong mangyari?.” Seryoso niyang tanong.

“Gusto kong bumawi. Yayayain sana kita na lumabas ngayon.” Mahina kong sabi sa kanya.

“Wag na! Baka busy ka ulit.” Sagot niya na parang may halong inis.

“Ngayon na nga mismo kahit ganyan yung suot mo at kahit saan mo gustong pumunta.” Sabi ko sa kanya.

“Talaga? Kahit saan?.” Tanong niya sa akin na parang seryoso.

“Oo basta mag-absent ka para magkasama tayong dalawa.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya bigla kaya natuwa na ako pero alam kong hindi pa yun sapat sa nangyari.

“Sige. Hindi ko ugaling mag-absent pero sasama ako at ako ang pipili ng pupuntahan natin.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

Ngumiti na lang din ako sa kanya at parang lalo yatang tumalim ang tingin sa akin ni Rogue.

Nagbihis si Kith at aalis na kami.

“Uuhhmm. Rogue pumasok ka sa school at mag-iingat ka.” Sabi ni Kith kay Rogue.

“Oo na! Iiwan mo na naman ako.” Malungkot na sabi ni Rogue.

Hinawakan ni Kith ang mga pisngi ni Rogue at nagtitigan sila.

“Alam mo naman na love kita.” Malambing na sabi ni Kith kay Rogue.

Biglang ngumiti si Rogue at nagyakapan na silang dalawa.

Tangina! Ano daw! Love niya si Rogue? Puta! Akala ko ba wala silang relasyong dalawa?

Mga traydor! Immoral!

Nagpipigil lang ako ng galit hanggang sa makalayo na kami at maka-sakay na kami ng kotse.

“Ehem! Akala ko ba wala kayong relasyong dalawa?.” Galit kong tanong kay Kith habang nagda-drive.

“Wala nga. Bakit ka naman nagtanong?.” Tanong niya din sa akin.

Kumunot na lang ang noo ko.

“Eh bakit ang sweet niyo?.” Galit kong tanong sa kanya.

“Para ko na siyang kapatid. At lumaki kami simula pagka-bata.” Seryosong sagot ni Kith.

Sobrang close pala talaga nila.

“Eh bakit may pa love naman kita?.” Galit na galit kong tanong.

Ngumiti lang si Kith at tinitigan lang niya ako.

“Bakit? Wala namang masama dun.” Nakangiti niyang sabi.

Lalo na lang akong nainis sa sinabi niya sa akin.

“Hhhmmm. Ray love din kita.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

Bigla akong natigilan at pakiramdam ko nag-iinit na ang mukha ko dahil sa sinabi niya sa akin.

Ang saya! Pero mas masaya kung ako lang ang sasabihan niya nun.

“Love din kita.” Mahina kong sabi.

Teka? Bakit ko nasabi yun?

“Ano yun Ray?.” Tanong ni Kith.

“Wala. Sabi ko saan tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya.

Buti nakahanap ako ng palusot. Kinabahan ako doon.

“Basta mag-drive ka at ituturo ko na lang ang daanan.” Sabi niya sa akin.

Sumunod na lang ako sa sinabi ni Kith medyo malayo yata ang pupuntahan naming dalawa.

Napatingin si Kith sa supermarket at pinahinto niya ang kotse kasi may bibilhin lang daw siya saglit.

Pagdating niya ay madami siyang dala na mga fruits at mga pagkain kaya nagtataka ako kung saan kami pupunta at bakit madami siyang binili.

“Uuhhmm. Kith bakit marami kang binili? Saan tayo pupunta?.” Tanong ko sa kanya.

“Basta. Malapit na tayo kaya mag-drive ka na lang.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

“Hhmmm. Nakita ko yung magazine na ikaw yung cover. Ikaw ba ang may-ari ng.” Di pa ako tapos magsalita pero inunahan na niya ako.

“Oo ako ang may-ari ng Castillo Royalty Casino at nag-decide ang board members na ako ang gawing cover sa magazine.” Seryoso niyang sabi sa akin.

“Yung pic mo. Ang hot.” Mahina kong sabi sa kanya.

“Thanks. Galit na nga yung mga board members at gusto nila na i-cover ulit ako ng ibang magazines kasi bumenta at sobrang bilis naubos yung stocks. Actually kahapon lang yun na-publish pero naubos agad kaso ayoko ng ulitin.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

Naku! Eh kahapon ko lang din yun nakita at mabuti nakabili ako ng isang copy kaya treasure yun. Ang hot talaga niya dun at mukha kasi siyang anghel kaya di na ako nagtataka kung maraming naglaway.

“Talaga? Bakit naman ayaw mo ng mag-cover ulit?.” Tanong ko.

“Baka mamaya hanapin na ako ng mga press at ayoko ng pinagkaka-guluhan ako ng mga tao.” Seryoso niyang sagot sa akin.

“Diba mayaman ka talaga? Bakit ka nag-apply na PA ko?.” Seryoso kong tanong sa kanya.

“Secret. Ok naman ang performance ko sayo diba?.” Nakangiti niyang tanong sa akin.

“It's not just ok. Your the best!.” Nakangiti kong sagot.

Ngumiti din siya sa akin at parang nag-blush siya ng kaunti.

Pa-mysterious talaga itong si Kith at hindi ko inakala na high-profiled pala talaga siya. Kaso bakit ayaw niyang sabihin ang dahilan kung bakit siya ang PA ko?

Naguguluhan ako pero ayoko naman na pilitin siya na magsabi.

Nag-drive na lang ako at mukhang private yung lugar na pinuntahan namin ni Kith. Iniwan na namin yung kotse sa baba at umakyat kami sa hill.

Pagdating namin sa taas ay namangha ako sa sobrang ganda. Ang ganda dahil tanaw ang paligid at malamig ang hangin dito.

“Paano mo nalaman na may ganito kagandang lugar?.” Namamangha kong tanong kay Kith.

Natawa na lang siya bigla.

“Property niyo ang lugar na ito.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

“Talaga? Hindi ko alam.” Nagtataka kong sagot sa kanya.

“Dito nagdi-date ang mom and dad mo nung kabataan nila at pumupunta din sila dito minsan.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

“Hindi nila na-kwento sa akin. Bakit naman alam mo?.” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Close kami ng mom and dad mo. Para na nila akong anak kaya ako ang kinuha nilang PA mo.” Nagangiti niyang sagot.

“Talaga lang? Ambilis naman. Pero paano kayo nagkakilala ng parents ko?.” Nakangiti kong tanong.

“Mahabang kwento pero di naman ganun ka-importante at ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo.” Seryoso niyang sabi sa akin.

Lalo akong nagdududa sa mga sinasabi niya sa akin.

“Bakit naman ako lang ang makakasagot sa tanong ko?.” Nagdududa kong tanong sa kanya.

“Secret.” Natatawa niyang sabi.

Close pala sila ng mom and dad ko kaya pala kilala na niya ako.

May malaking puno sa gitna ng burol at doon kami pumunta ni Kith kasi malilim doon.

Naglatag siya ng tela at nilabas niya ang maraming prutas at pagkain pati cake kaya alam ko na may picnic kaming dalawa dito.

Umupo kami sa tela na nakalatag at magkatabi kaming dalawa.

“Uuhhmm. Kith lagi ka bang nandito?.” Tanong ko sa kanya.

“Dati.” Malungkot niyang sagot.

“Ang ganda naman dito. Ang sarap ng hangin at may peace of mind.” Namamangha kong sabi habang nakatingin sa paligid.

“Yung lalaking mahal ko. Dinadala niya ako palagi dito.” Sabi niya at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya ngayon.

“Nasaan na siya ngayon?.” Tanong ko at parang nalungkot din ako.

“Kinalumutan na niya ako. May girlfriend na siya ngayon.” Sabi niya at parang maluha-luha na ang mga mata niya sa lungkot.

Hindi na ako makapag-salita kasi kitang-kita ko na mahal na mahal niya yung lalaki pero sinaktan lang siya nito.

“Pero masaya ako kapag nandito ako kasi may magagandang memories.” Nakangiti pero may halong lungkot niyang sabi.

“Bakit mo ako dinala dito kung special pala ang lugar na ito para sayo?.” Tanong ko sa kanya.

“Kasi special ka sakin. Masaya ako kapag kasama kita.” Seryoso niyang sabi sa akin.

Napatitig ako sa magandang brown eyes niya. At hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko.

Am I falling in love with this angel?

“Hhmm. Matutulog muna ako at gisingin mo na lang ako kapag 6:07 na nang hapon.” Nakangiti niyang sabi.

Bigla siyang humiga at inunanan niya ang mga hita ko kaya nabigla ako pero parang masarap sa pakiramdam.

Tulog siya. Hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya dahil mukha siyang natutulog na anghel. Sana ako na lang ang minahal niya.

Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko siyang halikan. Kaso baka magalit siya sa akin.

Hindi pwede. May girlfriend ako at magkakanda-letse letse ang buhay namin kapag hinayaan ko na mahulog ako ng tuluyan sa kanya.

Pero ayokong malayo kay Kith. Ayoko din na may kasama siyang iba pero wala naman akong magagawa dahil hindi naman kami.

Mahal ko si Alexa pero iba ang pakiramdam kapag kasama ko siya. Hindi! Dapat kong gawin ang tama.

Siguro dapat itago ko na lang sa sarili ko ang nararamdaman ko sa kanya.

Tumingin na lang ako sa paligid at parang nangyari na ito sa akin dati pero ngayon lang naman ako nakapunta sa lugar na ito.

Napatingin ako sa orasan at malapit ng mag 6:07 kaya ginising ko na siya.

“Uhhmm. Kith gising na.” Sabi ko habang tinatapik siya.

Bumangon siya at umupo siya sa tabi ko tapos sumandal yung ulo niya sa balikat ko.

“Ray. Tingin ka sa araw.” Bulong niya sa akin.

Tumingin ako sa araw at napaka-ganda dahil unti-unti na iyong lumulubog at lahat ng nasa paligid ay nagkukulay kahel.

Parang may magic at napaka-ganda. Tumitig ako sa mga mata ni Kith at lalong lumitaw ang kulay brown na mga mata niya dahil sa sunset.

Tumitibok ng mabilis at malakas ang puso ko at ngayon ko lang naramdaman ito dahil hindi ko ito naramdaman kay Alexa.

Lagi kong nakikita sa mga mata niya na may nakatagong lungkot kahit na nakangiti siya sa harapan ko.

Nang lumubog na ng tuluyan ang araw ay dumilim na ang paligid.

“Ray. Uwi na tayo.” Mahinang sabi ni Kith sa akin.

Tatayo na sana siya pero nahawakan ko ang kamay niya.

“Wait lang. May sasabihin ako.” Hindi ko alam kung bakit pero.

“Ano naman yun?.” Nagtataka niyang tanong sa akin.

“Hhmm. Malapit na ang graduation kaya may grand ball kaming mga senior. Itatanong ko lang kung pupunta ka.” Seryoso kong tanong sa kanya.

Parang nalungkot siya bigla.

“Malapit na ang graduation at hindi mo na kailangan ng PA.” Malungkot niyang sabi sa akin.

“Bestfriend pa din kita. Walang iwanan ha?.” Nakangiti kong tanong sa kanya.

“Matagal mo na akong iniwan.” Pabulong niyang sabi kaya hindi ko narinig.

“Ano yun?.” Tanong ko.

“Ah. Sabi ko invited ako sa grand ball kasi kakanta ako doon.” Seryoso niyang sabi sa akin.

“Magaling ka palang kumanta. May gagawin din akong importante sa grand ball kaya gusto ko na pumunta ka para makita mo.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Umuwi na kami at hinatid ko siya pauwi. Tapos dumiretso na ako sa apartment ko.

Masaya ako na kasama ko siya kaya nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko ang plano ko bukas. Kapag ginawa ko na yung balak ko ay wala ng atrasan yun.

Ayoko kasing maramdaman ni Alexa na lokohin ng lalake kagaya ng nangyari kay Kith pero naiipit ang puso ko sa sitwasyon.

Itutuloy ko pa ba.

Ayokong masaktan si Alexa at mukhang imposible kung ipaglalaban ko si Kith kaya itutuloy ko na lang.

Lalong humigpit ang hawak ko ngayon sa isang kulay pula na maliit na kahon at sana tama ang desisyon na gagawin ko.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: You Light My Fire (Part 16B)
You Light My Fire (Part 16B)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s1600/You+Light+My+Fire.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s72-c/You+Light+My+Fire.png
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-16b.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-16b.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content