$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 28)

By: JB Napahinga ako ng malalim sa nag-iinit na katanungan ni mama. Hindi ko siya masagot agad, hindi ako makatingin sa kanila, sandali a...

The Guy From PR

By: JB

Napahinga ako ng malalim sa nag-iinit na katanungan ni mama. Hindi ko siya masagot agad, hindi ako makatingin sa kanila, sandali akong napatingin kay papa na nasa likuran lang ni mama, nakatayo siya, nakaextend ang isang braso, nakalapat ng mahigpit ang kamay sa pader at hinihintay ang aking pagsasalita.

Mama: anak, sige na...sabihin mo na sa amin ang dapat mong sabihin.

Ako: ma...eh...

Nanginginig na ang boses ko, gusto ko pang mag-isip ng dahilan para baguhin ang pagsususpetiya nila sa akin ngunit wala na talaga akong kawala, wala na akong ibang choice kundi ang umamin at magpakatotoo na. Hindi ako diretsong makapagsalita, napaupo ako at nagsimulang umiyak, napaiyak ako sa sobrang pagkatakot at pag-aalala. Linapitan ako ni mama at hinaplos ako sa aking braso.

Mama: anak, pamilya tayo...kahit ano pa yan, dapat lang na tanggapin namin.

Mama: wag kang matakot, sige na...sabihin mo na sa amin.

Kahit umiiyak at mabilis ang paghinga ay hindi ko na pinatagal pa ang paglabas ng matagal ko nang tinatago.

Ako: Ma...pa..ate...

Ako: Isa akong gay.

Ako: Yung Rex...ex...ex ko.

Huminto ng bahagya ang aking pag-iyak, patuloy ang panginginig ko, tinakpan ko ang aking mga mata at pinupunasan na rin ang mga luha ko. Hindi ako nakakita ng pagkagulat sa mga mukha ng mga kapatid ko. Nakatingin sila sa akin at walang expresiyon sa mga mukha. Hindi rin nagtagal ay umalis sa sala si Ate Gwen at pumasok ng kwarto. Hindi nakatingin ng diretso si mama sa akin at nakitaan ko siya ng pangangamba, naging tahimik sa bahay pagkatapos ng pag-amin ko. Walang nagsasalita, si papa ay umalis sa kinatatayuan niya at lumabas ng bahay, isang senyales na hindi niya basta basta na lang matatanggap ang katotohanan na nalaman tungkol sa akin.

Apektado lahat ng nasa bahay, lumuha si mama at napatulala, niyakap ko siya at paiyak na nagsorry.

Ako: Mama sorry....ito talaga yung nararamdaman ko.

Ako: tinago ko ng matagal sa inyo to..

Pagkatanggal ko ng mga braso ko sa pagkakabalot kay mama ay mahinang tumugon si mama sa akin.

Mama: kailan pa?

Ako: nung....nung high school pa ma.

Mama: bakit hindi mo agad sinabi sa amin.

Ako: kasi ma...pinangunahan ako ng takot, hindi ko alam kung tatanggapin niyo pa rin ako.

Matagal ang pagsagot ni mama, tila matagal bago niya makuha at mailagay sa pang-unawa niya ang mga sinasabi ko. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para bigyan siya ng mahalagang katanungan, importante para sa akin ang isasagot niya sa katanungan ko

Ako: ma...ngayong alam mo na, tanggap mo pa rin ba ako bilang anak mo?

Gumalaw ng bahagya ang ulo ni mama para ibalik ang tingin niya sa akin, mamasa-masa ang mga mata niya sapagkat galing lang siya sa pagluha. Iniangat ni mama ang isa niyang kamay at humawak sa may kamay ko.

Mama: Gab, hindi mo kami masisisi na...naging ganito ang reaksiyon namin....hindi lang namin naisip na may ganyan ka palang.... klaseng sikreto, may kaunting galit dahil nagawa mo sa aming magtago, nagsinungaling ka pa sa akin noon nang magtanong ako tungkol sa Rex na yon..nadismaya din ako...kasi...ikaw lang ang lalaking anak namin...

Napatingala si mama habang sincere siyang nagpapahayag ng saloobin niya, nakikinig lang ako sa kanya, maluwag na tinatanggap lahat ng kung anumang sabihin niya.

Mama: pero...after all, anak pa rin kita, tatanggapin at tatanggapin kita kahit ano ka pa, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo at proud pa rin ako....proud pa rin ako sa iyo anak.

Tagos sa puso ang sinabing iyon ni mama, napayuko ako at hindi maiwasang maiyak. Sa gitna ng pagiging emosyonal ay ramdam na ramdam ko ang palad ni mama sa ulunan ko, hinawakan niya ako sa aking buhok sa ulo at mabagal na hinaplos-haplos ito.

Mama: wala kaming magagawa kung yan talaga ang nararamdaman mo...kung...iba ang nasa puso mo...hindi ako hahadlang sa kasiyahan mo anak pero...gusto ko na mag-ingat ka at wag mong hayaan ang sarili na mapahamak.

Mama: ikinagulat ko man pero...ok lang sa akin anak.

Ako: kay papa, hindi ok. Hindi niya ako tanggap.

Mama: bigyan mo lang ng time ang papa mo.

Mama: someday, matatanggap ka rin niya..

Pagkatapos at pagkatapos lang sabihin ni mama iyon ay pumasok si papa sa bahay, yumuko ako at umiwas ng tingin kay papa. Hindi siya umimik, hindi kami pinansin at dire-diretso lang ang paglakad papasok sa kwarto nila ni mama. Nagkatinginan kami ni mama, tila sinasabi sa akin ni mama na wag na akong mag-alala pa. Kami na lang ni mama ang natira sa sala. Mahinahon pa rin niya akong kinakausap at sinusubukang pagaanin ang loob.

Mama: Mas maganda na ito anak, na nasabi mo na sa amin.

Ako: nagsinungaling ako sa'yo ma, tungkol kay Rex.

Ako: tsaka...kapag umaalis ako kahit wala naman akong pasok...nakikipagkita ako nun kay....Rex.

Ako: ma sorry, sorry sa lahat ng kasinungalingan ko.

Pinakita ko kay mama ang sinseridad ko sa pag-amin sa kanya ng lahat ng tinago ko. Nakatikom lang si mama at paghinga lang niya ang naririnig ko. Halata ko kay mama na hindi niya matanggap ng buo lahat ng kasinungalingan ko, kahit ganon ay ayos pa rin para sa akin dahil tanggap niya ako sa pagiging gay ko.

Sa naging rebelasyon ko sa aking pamilya, nagkaroon ng pagbabago sa bahay, iba na ang hangin o ang mood sa aming tahanan. May isang gabi na umuwi si papa na lasing na lasing. Inasikaso ni mama si papa at ako naman ay lumabas muna, hindi kasi ako nakakasiguro sa takbo ng isip ni papa, matindi kasi siyang maglabas ng galit at sama ng loob, sisigaw siya at sisipain lahat ng gamit na makita niya. Nagkamali ako sa aking inakala, nasaksihan ko lang mula sa bintana namin sa labas ang pag-iyak ni papa habang kausap si mama.

Papa: hindi ko.....alam! kung dapat ko bang.. tanggapin ang anak natin.

Mama: anak mo yan, anak natin yan...dapat pa rin natin siyang tanggapin. Siya pa rin ang anak na minahal natin.

Papa: marami akong pangarap diyan...gusto ko siyang...magkaroon ng sarili niyang pamilya, yun lang...

Papa: di ko naisip....na magiging ganyan yung lalaki ko.

Mama: di na natin siya makokontrol, tingnan mo oh! graduate na siya, hindi mapapariwara ang buhay niya.

Papa: di ko alam....di ko na alam!!

Tahimik kong sinabayan ang iyak ni papa, totoong nabigo ko siya, hindi ito ang gusto niya para sa akin. Pero dito masaya ang puso ko, tatanggapin ko na lang kung anong klaseng salita at trato ang ibigay sa akin ni papa, maghihintay na lang ako na matanggap niya ako, papatunayan ko sa kanya na hindi magiging sagabal ang kasarian ko sa takbo ng buhay ko at sa pag-abot ng mga mithiin ko.

Makalipas ang ilang araw ay umamin na rin ako sa mga kaibigan ko, una akong umamin kay Joyce at kay Matteo na kasama ko noon na nag-iinquire at naghahanap ng trabaho. Nagbiro pa si Joyce at sinabing may gusto ako kay Matteo. Nilinaw ko sa kanila na kaibigan o kapatid lang ang turing ko kay Matteo. Sa mga sumunod na araw ay nakausap ko na rin ng personal ang ibang mga kaibigan ko, hindi sila nabigla, bukal sa loob nila ang mabilis na pagtanggap at pag-intindi sa akin. Nagkaroon din noon ng inuman pero sa pagkakataong iyon ay kaunti lang ang ininom ko at umuwi rin ng maaga sa bahay.

Parang natanggalan ako ng bigat na dinadala sa paglabas ng pinakamalaking sikreto ko sa buhay, dala-dala ko iyon ng ilang taon at sana'y dadalhin pa ng matagal.

Sa bahay, kapag nagkakakitaan kami ni papa, wala lang kaming imikan, pinapakiramdaman ko lang siya, at umaasa na kakausapin niya ako. Si mama ay kinakamusta lang ako palagi, inaalam kung may papasukan na akong trabaho. Si Ate Giselle at Ate Gwen naman ay hindi makapaniwala na naging boyfriend ko si Rex, binulgar ko rin kasi kay ate Giselle na ang nakita niya noong gwapo na kasama ko sa isang picture last year at nang sumama ako sa isang outing ay jowa ko ng mga panahong iyon. Ang boyfriend ni ate Gwen ay nanlalaki na lang ang mga mata sa mga rebelasyon ko.

Ate Giselle: Sabi ko sa'yo noon, dalhin mo dito sa bahay, kaya naman pala hindi mo masama-sama dito....

Ate Gwen: Jowa pala ni Gab. hahahaa.

Ate Giselle: Gay din talaga yon? ang poging gay.

Ako: Sabi niya bi siya e, pero parang wala na naman siyang nagugustuhang girl.

Ate Gwen: Gay nga yon. Pogay!! hahaa

Ate Giselle: Wait, paano kayo nagbreak? sayang naman, di namin nakilala.

Napawi ang ngiti ko sa gitna ng usapan, ayoko na kasing balikan pa sa alaala ko ang hiwalayan namin noon na nagpaiyak sa akin ng todo.

Ako: Ayoko nang balikan.

Ate Giselle: ay sorry sorry Gab. hahaa

Sa kabutihang palad ay nakahanap na rin ako ng trabaho sa isang insurance company sa Makati, kasama ko si Matteo sa office, magkaiba kami ng task ngunit magkalapit lang naman table ng isa't-isa, satisfied naman kami ni Matteo sa pag-uumpisa namin sa bago at una naming trabaho, komportable sa lugar at mabait naman ang boss namin. Si Joyce humiwalay sa amin, kinailangan niyang umuwi ng Bulacan at doon maghanap ng trabaho.

Nang makakuha ako ng magandang trabaho ay agad agad ko itong kinumpirma kay Mama, masayang-masaya si mama para sakin. Ayon sa kanya ay nag-uumapaw daw ang saya niya sa kadahilanang nadagdagan na sa pamilya namin ang nagtatrabaho, mas makakagaan na kami sa mga gastusin at bayarin sa bahay. Hindi man ako confident na kakausapin ako ng maayos ni papa, ay sinabi ko rin sa kanya ang balitang iyon.

Ako: Pa, may...napasukan na akong trabaho. Limang libo hanggang pitong libo ang pwede kong maging sweldo kada kinsenas. Magdedepende na lang din sa...OT ko.

Medyo nakababa ang ulo ko habang kausap si papa. Diretso ang tingin niya sa akin at hindi ko siya nakikitaan ng reaksiyon. Napansin ko na lang ang pagtaas niya ng isang kamay niya, nagulat ako ng ipatong niya ito sa ulo ko at mahinang nagsalita.

Papa: mabuti kung ganon.

Kumapa lang si Papa sa ulo at buhok ko, bahagyang ngumiti at umupo sa may mesa para kumain, ramdam ko na natutuwa si papa para akin, ang simpleng pinakita ni papa sa akin ay nagbigay na ng napakasarap na pakiramdam. Sa mga sumunod pang araw hanggang sa una kong sweldo ay pansin ko ang gumaganda at bumabalik na pakisama ni papa sa akin, nakapag-usap na nga kami ng matagal tungkol sa trabaho ko at sa mga kaofficemate ko. Hindi pa nagbanggit noon si papa ng saloobin niya tungkol sa pagiging gay ko, malakas ang pakiramdam ko na ayaw niya iyong pag-usapan, ang importante na lang sa kanya ay ang kinabukasan namin.

Nalaman ko na rin makalipas ang isang buwan pagkatapos ng graduation, na nagsisimula na bilang isang teacher si Michaela, nagtuturo siya sa isang high school sa Pasig. Naikwento ko na rin sa kanya ang pagiging out ko na sa pamilya ko at sa mga College friends ko, labis siyang natuwa para sa akin, gusto niya na nga akong puntahan at yakapin ng mahigpit kaso wala daw siyang time at malayo na rin ang pagitan namin sa isa't-isa dahil lumipat na sila ng bahay ilang araw bago maganap ang graduation namin noon. Hindi kami nagkita ni Michaela at nag-usap na lang sa chat.

(On FB Chat)

Michaela: ok ka naman sa work mo Gab?

Ako: oo, maganda naman yung nakuha kong trabaho at komportable naman ako, kasama ko din si Matteo e.

Michaela: ahh...

Michaela: Gab, may sasabihin ako..

Ako: ano yon Micha?

Matagal ang response ni Michaela sa tanong ko, nainip ako at muli ko siyang tinanong.

Ako: bes? ano nga yon?

Michaela: ah wala wala.

Michaela: ok na pala.

Ako: ah ok.

Michaela: sige Gab, offline na ako, tatapusin ko pa mga lesson plan ko.

Sabado ng gabi iyon, wala rin akong pasok ng araw na iyon at nagpapahinga na. Wala akong ibang magawa, kapag nabobored ako ay bigla bigla na lang pumapasok sa isip ko ang lovelife ko, at kapag naiisip ko iyon ay maaalala ko na naman si Rex. Imbis na iistalk ulit si Rex ay nag-isip ako ng magandang paglibangan, nag-install na lang ako ng mga games sa phone ko. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay lumabas sa paningin ko ang app na minsan ko na noong ginamit at kinagiliwan. Ang "Planet Romeo" app. Hindi mawawala sa isip ko ang naging epekto ng paggamit ko ng application na iyon, sa pamamagitan ng app na iyon ay nakatagpo ako noon ng isang guy na mamahalin, hindi nga lang kami pinalad na magtagal. Natukso akong ibalik iyon sa phone ko, ininstall ko ang app na iyon, deactivated na ang unang account na ginawa ko kaya't gumawa ako ng panibago.

Hindi na ako nagtaka sa mga messages na dumadating sa akin, karamihan ay magmemessage ng "hi", "kamusta" at ang iba ay bibigay na at yayayain na ako ng sex. Hindi na bago iyon sa kaalaman ko. Pinagmumugaran talaga iyon ng mga tripper at mga straight or gay na nangangailangan. Kahit nasaktan at nasawi na noon ay sinadya ko pa ring maghanap sa PR ng makakarelasyon ko, namiss kong magkaboyfriend, namiss kong may kalambingan, katext at katawagan. Hindi ako nagmamadali na makahanap ulit ng karelasyon, at gusto ko sana noon na makahanap at makatagpo ng mabait na gay or bi at hindi agad pakikipagtalik ang gusto, mas magiging turn on sa akin kung may pagkakatulad ang lalaking mamimeet ko sa ex ko na si Rex.

May Planet Romeo app ulit ako, hindi naman naging hadlang iyon para hindi ako magfocus sa trabaho. Masigla lagi ako sa trabaho, habang tumatagal, ay nasasanay na lang ako sa mga gawain ko sa trabaho at sa mga sistema sa loob ng office. Kapag weekend ay nagkakaroon ako ng chance na mabuksan ang bagong account ko sa PR.

Pagkatapos ng dalawang linggo ay may natipuhan akong kachat sa PR. Nag-umpisa lang kami sa simple at normal na usapan, tanungan ng pangalan, edad, height, location, pinagkakaabalahan sa buhay at kung ano-ano pa. Jeric ang name ng guy, 23 years old, pereho kami ng height na 5'7, College undergrad siya at isang call center sa Makati. Malapit-lapit lang din ang pagitan namin dahil taga-Mandaluyong ako at taga Sta. Mesa lang naman siya. Hindi siya boring kausap, ganon din si Rex noon nung magkachat pa kami sa PR, lahat ng gugustuhin niyang sabihin ay ichachat niya lang sa akin. Nang maging maganda na ang usapan namin at parang ramdam na ang pagkakasundo ay makailang ulit kong tinitingnan ang mga pictures niya sa profile niya. attractive rin siya, malakas ang appeal, hindi nga lang kasing gwapo ni Rex pero maporma at mukhang mabango, slim siya at medyo muscled.

(On Chat)

Jeric: "ikaw talaga yung type ko e, sana magkita na tayo soon"

Ako: "pwede na naman tayo magkita, iset na natin"

Napagpasyahan ko na sa next weekend ay magkita kami, pareho naman kaming walang pasok tuwing Sabado't Linggo kaya nagkasundo kami sa planong pagkikita.

Nagkita kami ni Jeric sa isang mall sa Sta. Mesa, ilang minuto pa kami naghanapan bago matunton ang isa't-isa. Nagkitaan kami habang magkausap sa phone. Nakagray pa na jacket si Jeric at maong na pants, nakastyle ang buhok at gwapong gwapo sa porma. Nagngitian kami na parehong nakalapat ang mga phone sa tainga. Nakashort lang ako na maong at naksweater. Kinilig ako sa unang pagkikita namin ni Jeric, pinagmamasdan ko siya sa tuwing mapapaharap siya sa akin, ang lakas ng appeal niya, nakadagdag lalo sa appeal niya ang simpleng bilog na hikaw sa magkabilang tainga niya. Mas naging madaldal ako habang kumakain kami ni Jeric, mas mahiyain siya ng kaunti sa akin. Mahiyain rin ako dati pero nabawasan rin ang pagkamahiyain ko dahil sa OJT ko noon at paghahanap ko ng trabaho na naging daan para mahasa ang sarili ko sa pakikipagkilala at pakikipaghalubilo sa mga taong first time ko lang nakausap at nakita. Wala naman akong nakitang pag-uugali at kilos ni Jeric na hindi ko nagustuhan

Sa pangatlong linggo ng pagkikita namin ay nalasing kami ni Jeric kasama ang ibang niyaya namin sa isang gay bar. Sobrang libog ko ng gabing iyon at ganun din si Jeric, muntik na kaming magsex sa cr ng bar, pinigilan ko lang si Jeric at nagsuggest na magcheck-in na lang kami. Pagpasok pa lang ng pintuan ng room na kinuha namin ay matindi na agad ang sagutan namin ng halikan, mabilis ang pagtanggal namin ng mga suot namin, napakaganda ng katawan ni Jeric, malinis ito at walang anumang buhok hindi katulad ng kay Rex. Matagal din ang dampian ng mga labi namin at paglalakbay nito sa iba't -ibang parte ng katawan ng isa't-isa. Nang gabing iyon ko lang din nalaman na isang versatile top si Jeric. Sinubo niya ang pagkalalaki ko, napakagaling niya, halos labasan na ako ng katas sa ginagawa niya pinigilan ko lang siya at ako naman ang sumubo sa mas malaki niyang tarugo. Nabibilaukan ako ng umpisa ngunit naalalayan din ang sarili sa pagtaas baba ng ulo ko, kapag sinasagad ko ang pagchupa ay napapaungol si Jeric sa sarap, hindi rin niya mapigilan na i-mouth fuck ako.

Pagkatapos ng oral sex ay anal sex naman, libog na libog at init na init si Jeric, wala siyang tigil sa pagkadyot sa akin, missionary style lang ang ginawa namin hanggang sa labasan kami pareho. Tawang-tawa pa kami dahil sa pagtayo at pagbaba namin sa brown na kama ay parang dinaanan ito ng bagyo sa gulo, ang mga unan ay nasa sahig na at ang bed sheet ay lukot na lukot. Kasunod ng tawanan ay halikan na napakatamis ang sumunod.

Nang gabing iyon bago makauwi sa kanya-kanyang bahay ay naging official na magboyfriend na kami ni Jeric, pumayag ako agad dahil nadala ako sa napakahumble at sweet na si Jeric. Hindi ko pa masasabi ng gabing iyon na inlove na ako sa kanya, nakikita ko kasi sa kanya na madali siyang mahalin at maalaga siya, posible rin niya akong matulungan na tuluyang pawiin ang pag-iisip at pag-ibig ko sa ex boyfriend ko noon. Hinihiling ko na sana ay matutunan ko rin siyang mahalin higit pa sa pagmamahal ko noon kay Rex at sana ang lahat ng ipinapakita niya ay totoo at hindi magbabago.

Tumitibay ang samahan namin ni Jeric sa unang buwan, bago magmonthsary ay dalawang beses ulit na may nangyari sa amin. Hindi ko na mabitawan ang phone ko noon dahil nagagalit siya kapag matagal akong hindi nakakapagreply, sinisigurado ko na malakas ang volume ng ringtone ko para alam ko kaagad kung maaaring nagtext na siya, nagchat o tumatawag. One time habang kachat ko sa fb ang boyfriend ko na si Jeric ay nagchat din si Michaela, matagal-tagal ang mga replies ko kay Michaela dahil sa mainisin kong boyfriend.

(On FB Chat)

Michaela: kamusta ka na bes?

Ako: eto, hardworking na ang bestfriend mo.

Michaela: ay buti naman! keep it up!

Michaela: ako, medyo stress na sa pagiging teacher. Feel ko na ang struggle.

Ako: kaya mo yan bes, ikaw pa!!

Michaela: of course!! kakayanin naman. E ikaw? di ka stressed?

Ako: konti lang naman..

Ako: masaya din ako, may lovelife na kasi.

Michaela: weeeh? kailan pa?

Ako: 1 month na kami.

Michaela: Aww!

Nagtataka ako sa tatlong letrang reply ni Michaela, nagpapahiwatig iyon ng pagkabigo at isang senyales iyon kapag nasasaktan.

Ako: huh? bakit aww? ayaw mo na magkajowa ako?

Michaela: hahaa hindi naman Gab, nagulat lang.

Ako: ah kakaiba naman ang pagkagulat mo. hahaa

Michaela: I was thinking lang kasi, baka may chance pa sa inyo ni Rex tapos nagjowa ka na.

Hindi iyon ang unang beses na binanggit sa akin ng bestfriend ko si Rex, matagal nang panahon ng huli niyang mabanggit ito sa akin. Gugustuhin ko talaga kung sakaling magkaroon pa kami ng chance ni Rex na magkita pero sa tingin ko ay wala nang dahilan para mangyari pa iyon, nang maghiwalay kami ni Rex ay nakahanap din siya agad ng iba, sa tingin ko ay naka-move on na si Rex. Umaasa man ay nagpanggap akong ok na sa akin ang lahat at masaya ako sa lovelife ko.

Ako: Micha, kinakalimutan ko na si Rex.

Michaela: Posible pa rin naman kasi.

Ako: hindi na kami nag-uusap ni Rex kaya hindi na ako umasa.

Michaela: hahaa bahala ka.

Itinatanggi ko sa aking sarili na hindi ko kayang kalimutan si Rex, kahit may bago na akong boyfriend ay mapapadaan na lang talaga sa isip ko si Rex, gusto ko nang paluin at iumpog ang ulo ko dahil sa mga alaala ng nakaraan namin ni Rex, minsan din, kapag magkasama kami ni Jeric ay nakikita ko si Rex sa kanya. Sinusubukan kong mahalin ng tunay si Jeric at hindi iyon nagiging madali para sa akin. Ang mga alaala ni Rex ay tila nagsisilbing isang panangga na pumipigil sa pagtama ng pana ng kupido ni Jeric sa puso ko.

Sa pangalawang buwan namin ni Jeric ay nag-umpisa na kaming manlamig sa isa't-isa, ang alam kong tanging naging pagkukulang ko lang ay ang hindi pagkakaroon ng oras sa kanya ngunit maraming inakusa sa akin si Jeric, ayon sa kanya ay nagbubukas pa rin daw ako ng account ko sa PR, may iba raw akong kalandiang lalaki at nakikipagtalik daw ako sa kahit sinong matipuhan kong gay or bi, bukod pa doon ay sinisiraan ko raw siya sa mga kaibigan niya at sex lang talaga ang habol ko sa kanya. Lahat ng binibintang ni Jeric ay pawang mga kasinungalingan, wala akong ibang pinagkakaabalahan noon kundi ang pagtatrabaho ko lamang, sa kawalan ko ng oras sa kanya ay kung ano-anong mga bagay na ang pinaniwalaan niyang ginagawa ko, sa ginawa niyang iyon ay ako ang sinirian niya. Sobra akong nagalit sa mga inakusa sa akin ni Jeric, napakabait niya noong bago pa lamang kami, sobrang caring niya at thoughtful ngunit nang nagtagal na kami, ay napapansin ko.. na mas lumalabas na ang tunay niyang ugali, unti-unti na siyang nagbago at hindi na nagtiwala sa akin. Gusto ko pa sanang siyang tiisin noon at binalak ko na ring ipakilala siya sa pamilya ko ngunit sa inasal niya ay naitulak na niya akong lumayo at sumuko sa relasyon namin at hindi na ituloy lahat ng plano namin, nagdulot ng matinding away at alitan lahat ng hindi magagandang panghihinala at pagbibintang niya sa akin. Nag-usap kami sa phone at napagdesisyunang maghiwalay.

Iniyakan ko rin si Jeric, kahit papaano ay may mga magaganda rin kaming memories na magkasama. Nasayangan ako sa relasyong nabuo namin, napapasaya namin ang isa't-iaa kapag nagkikita kami, hindi ko pa siya ganoon kamahal pero buong-buo sana ang kagustuhan ko na matutunan siyang mahalin ng totoo at ng buong puso na wala nang ibang bagay na hahadlang. Hindi ko naisip noon na gagawin ni Jeric iyon sa akin, sinira ni Jeric ang mas gumaganda sanang samahan namin, sa kasamaang palad ay hindi kami nagtagal at nagbreak din.

Ilang araw rin akong nangulila kay Jeric, hindi naman ako panay iyak tuwing gabi o kapag mag-isa ako pero mamimiss ko lahat ng good memories namin. Naging madali sa aking kalimutan at burahin sa isip si Jeric. Mas natuon ko na ang atensyon ko sa trabaho, dumating ang panahon na nasestress na ako sa trabaho, tuwing dayoff ay hindi lang ako nakababad sa facebook kundi sa PR din, nagiging stress reliever ko na iyon. Kapag may nagchat sa akin sa PR na may hitsura, cute, hot o gwapo ay rereplyan ko, kapag may nagtanong ng phone number ko ay ibibigay ko naman agad, naiinis ako sa ibang pagbibigyan ko ng digits ko, tatawag kasi sila agad o kaya magtetext at hindi magpapakilala.

Kakatapos ko lang makipag-usap sa isang boring na guy sa phone nang may magtext ulit sa akin.

(On Text Message)

Unknown: "Hi Gab? kamusta ka na?"

Ako: "ok lang, who's this?"

Unknown: "I'm the guy from PR"

Hindi na ako nabigla na nakuha nga ng estrangherong iyon ang number ko sa PR. Inasahan ko na masaya sana itong kausap kung sakaling tumawag man siya.

Ako: "ano pong username niyo?"

Unknown: "MagicalSurprise"

Unknown: "Let's meet Gab"

Naging interesado ako sa nagtext, binuksan ko ang account ko sa PR at hinanap muna sa messages ko si "MagicalSurprise". Inabot ko na ang pinakadulo ng messages ko pero wala pa rin akong nakitang kapareho niya ng username na nakachat ko at pinabigyan ko ng digits ko. I searched for the username pero walang lumabas.

Since mukhang niloloko ako ng katext ko ay hindi ko na siya nireplyan, ilang minuto ang nakalipas nang magtext ulit ang number na iyon.

(On Text Message)

Unknown: "Gab please meet tayo"

Ako: "Sorry hindi ko makita ang profile mo sa PR"

Unknown: "let's just meet"

Ako: "sorry wala akong idea tungkol sa iyo, hindi kita nakausap sa PR"

Hindi na nagreply pa ang makulit na stranger na iyon, hinayaan ko na lang at nagpatuloy ako sa pakikipagchat sa mga friends ko sa facebook. Ilang sandali lang ay may tumawag sa akin. Hindi isang stranger ang tumawag, isang..napakalapit sa puso ko na bestfriend ko.

(On Phone Call)

Ako: "Beeeees! musta ka na? long time no call! miss na kita, sobraaa"

Michaela: "Gaaaab! I miss you too. Ok pa naman ako. Ikaw musta ka naaa"

Ako: "Etoo single at happy naman. hahaa"

Michaela: "naku! wag ka na maghanap ng lalaki, masasaktan ka lang ulit"

Ako: "hindi mo naman ako mapipigilan na maghanap pa...pero sisiguraduhin ko na...na yung the best yung mahahanap ko"

Michaela: "hay naku! sinasabi ko sa'yo wag naa"

Kokontra pa sana ako sa mga sinasabi ni Michaela nang tabunan niya ng kanyang malakas na boses ang mahinahong sagot ko sana sa huling sinabi niya.

Michaela: "Gaaaaab! gimik tayo next week, sa Sunday! I'm sure pwede ka nun!"

Dama ko ang napakataas na excitement ni Michaela, natuwa ako sa anyaya niya, matagal na rin akong hindi nakagala at nakagimik at bukod pa don ay miss na miss ko na talaga si Michaela.

Ako: "Sige sigee! gusto ko yan! saan tayo?"

Michaela: "may pupuntahan tayong bar, sa Makati lang, may kikitain rin akong isang College friend ko"

Ako: "Ok ok sige, isama ko rin kaya si Matteo"

Napatigil sa pagsasalita si Michaela, parang may mali akong nabanggit sa huling sinabi ko.

Ako: "Hellooo? Michaaaa bakit?"

Michaela: "Uh....eh....wag ka nang magsama"

Ako: "huh? bakit naman? ang daya ah! para nga patas e. May kasama rin akong friend ko"

Michaela: "Uhmmm....uh...sige, sige. Si Matteo lang ah"

Ako: "ok ok"

Medyo nadapuan ako ng pagtataka sa pakikipag-usap ko kay Michaela, nahalata ko na gusto niyang ako lang ang makasama niya sa gimikan bukod sa sinasabi niyang kikitain niyang kaibigan. Hindi ko na lang inisip masyado ang tungkol doon hanggang sa sumapit ang Linggo ng gabi. Kasama ko si Matteo na nagtungo sa Makati, si Michaela ay hinintay kami sa Makati malapit sa isang bar na paggigimikan namin. Sobra ang pagkagalak namin ni Michaela na makita ang isa't-isa, hindi naman out of place si Matteo sa amin, nakakasabay pa rin siya sa mga katuwaan namin ni Michaela. Pansin ko ang napakalaking ngiti ng bestfriend ko habang nilalakbay ang kalye papunta sa bar na destinasyon namin. Alas siete ng gabi ng makapasok na kami sa bar, may kadiliman sa bar at tanging mga makukulay na ilaw lamang ang madadatnan mong nakakalat sa iba't-ibang parte ng table, mas naiilawan nga lang ang stage sa di kalayuan kung saan nagpeperform ang mga singers na nagpapaganda ng gabi ng mga customers sa bar.

Ako: saan na siya Micha?

Hawak ni Michaela ang phone niya, tinatanaw niya ang bandang harapan ng bar, itinuro niya sa akin kung saan banda ang friend niya nakaupo, kasama raw nito ang iba nitong kaibigan. Ayaw mauna ni Michaela dahil nahihiya daw siya, ako ang tinutulak niya papalapit sa pupuntahan naming table. Dalawang table pa ang pagitan sa table na itinuro ni Michaela, masikip ang daan kaya't bumagal ang usad namin. Ilang sandali lang ay napatingin ako sa isang guy sa isang table na dinadaanan namin, napatigil ako at napabuntong-hininga. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang napakagwapong lalaking iyon, pamilyar na pamilyar siya sa akin. May kasama ang lalaking customer na iyon na isa ring guy na naaktuhan kong bumubulong sa kanya, nagkasalubong ang mga mata namin ng lalaking iyon na naka-eyeglasses. Sa pagsasalubong ng mga mata namin ay dahan-dahang tumayo ang guy at lumapit sa akin. Ilang segundo pa ang tumakbo bago ko tuluyang makilala ang lalaki na unti-unti nang lumalapit at lumiliit ang distansya sa akin.

Tama nga ako, si Rex ang nakikita ko na papalapit sa akin at si Charles ang kasama niya sa bar. Hindi ko talaga inaasahan ang pagkikitang iyon, napalingon ako kay Michaela at Matteo na walang kibo at nakatingin lang din kay Rex. Nang magkaharap na kami ni Rex ay tila naging isa akong estatwa na napako sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko ang hitsura ni Rex, nakaayos ang buhok niya at parang mas kuminis pa ang balat, walang nagbago at gwapong-gwapo pa rin siya. Wala akong ibang nararamdaman kundi ang pagtalon ng aking puso sa sayang nararamdaman, nakita ko ulit si Rex pagkatapos ng mahabang panahon. Hindi ko nakikitaan si Rex ng labis na pagkagulat nang makita niya ako, parang kinakabahan lang siya.

Huminga ng malalim si Rex at nagsimula akong kausapin, pansin ko agad ang napakaganda pa rin niyang ngiti.

Rex: Ahmm..Gab...kamusta ka na?

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 28)
The Guy From PR (Part 28)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/07/the-guy-from-pr-part-28.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/07/the-guy-from-pr-part-28.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content