$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Other Daddy (Part 1)

By Tencity Hi there! First time ko tong sumulat kaya sana maintidihan nyu kung may mali mali man sa grammar structure ko lalo na at Fili...

The Other Daddy

By Tencity

Hi there! First time ko tong sumulat kaya sana maintidihan nyu kung may mali mali man sa grammar structure ko lalo na at Filipino ang medium na ginamit ko. I am Lenoxx, from visayas. Hindi ko na babanggitin ng lugar or region.

Maagang naging ama pero walang asawa. 21 years old ako nung magsimula akong magtrabaho sa isang kumpanya sa maynila at maagang nagging independent dulot ng kahirapan at nagpursiging mapatapos mga kapatid ko dahil ako ang pangnay. In a relationship ako sa isang babae named ching na isang CPA at natatarabaho sa probinsya namin. That time ay pinag aaral ko ang kapatid kung sumunod sa akin. Plano kasi naming na ladder method kami, kung sino ang makatapos at makapagtrabaho, sya ang magpapaaral sa susunod. Nasa 4th year college na ang kapatid kung babae noon ng mabuntis ng anak ng isang may kaya ngunit masyadong spoiled brat in male version nga lang. Halos binagsakan ako ng mundo ng mga oras na iyon lalo na ng malaman kong walang planong panagutan ng ama ng bata ang aking kapatid. Nag file ako ng vacation leave kahit ayaw sana ng boss ko at umuwi. Walang nagawa ang immediate supervisor ko dahil never akong nag absent or leave simula ng pumasok ako maliban kung bagyo at isa ako sa mga dedikado nyang subordinates.

November noon ng umuwi ako. Two weeks lang ang vacation ko kaya kailangan kong maiayos ang gusot ng pamilya lalo na’t si nanay lamang ang kasama nila sa bahay. We’re seven at panganay ako. Wala ng ama kaya obligado akong magpakaama kahit na masyado pa akong bata noon. Nang dumating ako ng bahay, imbes na mag celebrate kami sa aking pagdating at sa nalalapit na graduation ng aking kapatid ay para kaming namatayan. Iyak ng iyak si nanay ng Makita ako kayat pinakalma ko muna. Nagpahinga lang ako ng isang oras at gumayak upang puntahan si ching sa kanyang opisina para sorpresahin, nasa skul ng mga time na iyon ang kapatid kong nabuntis kayat hindi kami nakapag usap.

As expected, nagulat si ching ng Makita nya ako. Sinenyasan nya akong hintayin siya sa visitors area. Nagdinner kami at masaya syang nagkukwento ngunit napansin nyang tila may bumabagabag sa akin.

Ayos ka lang labs? Tanong nya sa akin. Kanina ka pa walang imik ah. Tinatanong kita kung bat ka napauwi pero parsng lutang ka... niriregla ka ba?

Natawa ako. Oo, may red tide ako kaya bawal mo akong gapangin mamaya. Ganting biro ko. Sabay kaming napahalakhak.

Pakasal na tayo labs. Maya maya ay sabi nito. Nagulat ako sa narinig. Usapan kasi naming na kapag graduate na ang kapatid kong babae at makahnap ng trabaho ay pede na kaming lumagay sa tahimik. Wala akong nagawa kundi sabihin sa knya ang problema ko at ang dahilan ng aking pag uwi. Inalo nya ako at inassure ng kanyang all out na suporta habang hinahanapan ko ng solusyon ang problema ng aking pamilya. 9 PM na ng hinatid nya ako gamit ang kanyang sasakyan.

Past 11 PM na pero hindi ako makatulog, nakapag usap kami ng kapatid ko na si Xhy at tinanong ko sya tungkol sa ama ng batang dinadala nya, at may nabuo na akong plano. Sinabi ko na rin ang tungkol sa amin ni ching at ang plano naming pagpapakasal sana kung sumunod lang sana sa usapan si Xhy. Ayaw kung magalit kayat pinipigilan ko ang aking emosyon habang tinitingnan ang aking kapatid na umiiyak habang si nanay ay walang imik sa kanyang upuan.

8 AM ay nandoon na ako sa bahay ng aking pakay. Malaki ito at mahahalatang may kaya ang pamilya. Lumabas ang isang may edad na lalaki at tinanong ako sa aking pakay.

Pwede ko ho bang makausap si Red _______? Magalang kong tanong.

Sino ho sila boss? Teka muna at ipapaalam ko sa kanya.

Pakisabi si Lenoxx _______. Importante kamo. Sagot ko. Napabuntunghininga ako ng tumalikod ang matanda at pumasok. Hinanda ko aking sarili. Kung pwdeng madaan sa pakiusapan ay gagawin ko. Maya maya ay bumalik ang may edad na lalaki.

Pasok kayo sir, nasa salas si sir red, naglalaro. Sinamahan ako ng matanda papasok ng bahay.

Humanga ako sa aking nakita, kung ano ang iginara ng labas ay siyang dinoble sa loob. Ingat na ingat ako sa pag hakbang ko at baka bigla na lang mangisay at mabasag ang kahit ano sa loob niyon. Ng makarating ako sa salas ay napakunot noo ako. Nandoon ang isang binatang nakaharap sa isang malaking screen habang naglalaro ng on line game. Hindi ako bihasa sa mga ganoon pero nakikita kung nilalaro iyon ng mga IT specialist namin sa opisina. Tumikhim ako upang ipaalam ang aking presensya. Tumingin sya sa akin at ngumiti ngunit pinagpatuloy nya ang pag pindot sa game button.

Sige na mang lando, iwanan mo na kami. Narinig kong utos nya sa matanda. Tatawagin na lamang kita kung may kailangan ako. Lihog hambal kay Nanang weng nga mag preparer pamahaw (pakisabi kay manang weng na magprepare ng meryenda).

Magulo ang kinauupuan ng lalaki at nagkaroon ako ng pag kakataong pagmasadan ang kanyang itsura habang nakatalikod. Halatang may kaya dahil sa maputing balat na mahahalata sa gray na sando nito, always in proper cut ang buhok na tila suki sa barber shop every week. Napansin kong medyo malaki ang katawan nito. Naisip ko, paano kayang pinatulan nito ang kapatid ko, e masyadong malaki agwat nila. I mean, hindi ko sinasabing pangit si XHy ngunit kung estado sa buhay ang pag uusapan ay hindi kami papasa.

Tmunog ang pamilyar na Game Over Sound. Shit! Napamura ito. Bigla itong tumayo at nagulat ako sa nakita. Matangos na ilong, singkit na mata na binagayan ng manipis na labi ang tumambad sa akin. Tumingin ito sa akin at ngumiti kayat hindi ko mapaigilang mapalunok. Bigla akong nagtaka sa aking reaksyon. Bigla akong kinilabutan, nababakla na ba ako?

Nasanay akong pinupuri sa opisina na kseyo pogi, na yummy, na papable though yung iba ay alam kong minsan ay harutan lang talaga pero nang mga oras na iyon ay bigla akong nan liit. Nag mukha akong taga kanto kung titingnan kaming dalawa to think na hindi pa ito nakabihis ng mga oras na iyon.

How may i help you bro? Nagtataka ito sa aking reaksyon kayat hinamig ko ang aking sarili. Kung saan na akong dako ng maynila nakarating at wala pa akong inuurungnag kliyente. Hindi ko kailangang ma intimidate sa kanya. Nandito ako sa napakahalagang pag uusap.

Uhm, yes bro, Im Lenoxx, lenoxx ________. Kuya ni Xhy. Pwede ba tayong mag usap? Seryoso kung tanong pero nagging mailap ang mata ko ng mag simula itong humakbang palapit sa akin. Sa palagay ko ay mas mataas ako sa kanya ng isang pulgada, nasa 5’8 kasi ako.

Ah, so you’re the kuya? Nakangiti ito. Sure. About what ba? Tanong nito at hindi nakalagpas sa akin ang isang pilyong ngiti mula sa knayang mata na ikinainis ko. Mukha ba akong nagbibiro? Mukha bang joke ang sitwasyon ng kapatid ko? E kung upakan ko kaya ang manyak na to.

Uhm, baka pwede ka munang magbihis bro. Suhestyon ko sa kanya. Napatanga ito at tila nakalimutang naka boxers lamang ito. Mabilis nitong hinablot ang puting shorts sa gilid at isinuot.

Good, naisip ko. Mukhang nakaporma na ako.

Niyaya nya ako sa may pool side para daw maaliwalas. Sumunod ako sa kanya. Im wearing white tshirt at fit ragged jeans that time kaya nahirapan ako dahil may kasikipan. Hindi ko maintindihan kung bakit tila tinitigasan ako ng masilayan ko ang maumbok nitong puwet.

Pasipmple akong naupo harap nya.

Let’s go to business bro. Tila naiinip nyang sabi. Hinintay ko munang mailapag ng kanilang ksambahay ang plato bago muling nagsalita.

Buntis si Xhy. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Derikta ko ring sinalubong ang kanyang tingin. At kailangan mong panagutan iyon.

Ngumiti ito ng mapakla at lumabas ang pantay pantay nitong ngipin na tila alagang alaga kung titingnan. Naging matalim ang kanyang tingin. At saka ngumisi ng nakakaloko.

So, kon gabusong ako dayun tatay? Mangkota bi manghod mo bro kon ako gid man tatay kay ako, sigurado ako ya nga indi to ya akon. Palaban ito sa kanyang sagot. Damo na ko sina nabatian e. Tumawa ito ng nakakainsulto. Ako ang tatay o ang kwarta ko? (ako ba yung ama o ang aking pera?)

Biglang nag init ang aking dalawang taenga. Ang kaninang napakagwapong mukhang aking nakita ay tila naging pangit bigla sa aking paningin.

Bro, kahit mahirap kami hindi kami nanlalamang sa kapwa. Hindi naman siguro ipapaako sayo kung hindi iyo diba? Nais kong sumabog noon. Kon indi ka ya sa akon manghod, wala may gapilit. Indi ya pag insultuha akon pamilya. Pumunta ako dito para makipag usap ng maayos para sa bata. Ngayon, kung ayaw mo, wala na siguro kaming magagawa. Galit akong tumayo.

Gago na nga ako, gagagohin pa rin ba? Bakit hindi mo tanungin kapatid mo kung sino ba talaga ang ama ng bata nya? Nanghahamon ang tono nito at tila nang uuyam. Sa palagay mo ba,, papatusin ko kapatid mo?

Nagpanting ang aking pandinig at nakalimutan kong nasa loob ako ng magarang nyang bahay. Hinawakan ko sya sa manggas ng kanyang sando at isinandal sa pader.

Ayusin mo ang bunganga mo! Kahit ikaw pa ang pinakamayaman sa mundo, akala mo uurungan kita? Itinulak nya ako. Noon ko napansin na nandoon na pala ang matandang lalaki.

Mang lando, samahan na po ninyo sya palabas. Tapos na kaming mag usap. Malamig nitong sabi. Tiim bangang akong humakbang at lumabas ng bahay. Nang Makita ko ang mga nakahelirang pananim ay pinag sisipa ko ito bago pinara ang paparating na taxi.

At iyon ang simula ng tila bangungot sa buhay ko. Iniwan ako ni ching 3 days before ng balik ko sa maynila. Nalaman kong kinausap siya ni nanay at pinakiusapan na bigyang laya muna ako dahil hindi pa nakapagtapos ang aking mga kapatid. Pinuntahan ko sya sa kanilang bahay ngunit hindi nya ako hinarap, nagmakaawa ako sa text, tawag ako ng tawag ngunit walang nang yari. Gusto kung isumpa ang buhay ko at humanap ng mapagbuntunan ng sisi ngunit wala ng silbi. Nais kung manatili pa ng ilang araw ngunit inisip ko pa rin ang aking trabaho. At isang lingo matapos akong makbalik sa maynila ay pinasunod ang aking mga kapatis at si inay sa maynila. Pinatigil ko Xhy sa pag aaral hanggang sa makpanganak sya.

Humanap ako ng bahay na pwede nilang tuluyan at bilang pagpapakita ng pagrerebelde kay inay ay humiwalay ako ng tirahan. Huling balita ko okay ching ay nilalakad nito ang papers nito patungong ibang bansa. Tinanggap ko na lang hindi na kami magkakabalikan. Lumaki ang bata ni Xhy na malapit sa akin kaya kinuha ko ito ng kailangan na ni Xhy mag focus sa review para makapasa, ang sumunod kay Xhy ay nagtatrabaho na rin, ang sumunod ay kakapasa lang sa nursing board exam at ang tatlo ko pang mga kapatid ay nag aaral pa.

Hanggang sa unti unti kong nakilala ang sarili ko. Nagkagusto ako at nalink din ako sa isang lalaki noon ngunit tinapos ko ang aming relasyon dahil hindi ko matanggap sa sarili ko na bakla ako. Naging mailap ako sa lahat at itinuon ang aking atensyon sa trabaho sa aking “anak”.

And I’m 29 now. Malaki na ang anak ko at namana nya ang pagiging mainitin ng ulo ko. Humahangos ako that day, august yata yun papuntang school ng anak ko dahil may binugbog daw itong kaklase. Iniwanan ko ang lundo lundo kong trabaho dahil sa labis na pag aalala. Hindi ko muna ipina alam kay Xhy at baka mag alala rin ito, delikado lalo na at nasa ibang bansa ito ngayon nagtatrabaho. Inayos ko ang aking sarili matapos kong iparada ang mumurahin kong ertiga sa harapan ng school. Nasa guidance office daw ang anak ko at nandoon na rin ang magulang ng batang nabugbog. Ayaw kong kinakawawa ang anak ko at alam kong makakatikim talaga ng parusa ito lalo’t ito daw ang nauna.

Nang pumasok ako sa office ay naabutan kong nagtatalak ang nanay ng bata. Nakasoot ito ng pulang damit na maramiing pink raffles sa laylayan, may kumikinang na beeds sa dibdib at sa kabuuan, nakakatawa itong tingnan. Nagmukha itong si Ursula in red version. Nakaupo ang anak ko sa harapan ng guidance counsellor kaharap ang isa pang estudyante na sa palagay ko ay yun ang binugbog habang talak na talak si Ms. “Raffles”.

Good afternoon mam, ako po ang papa ni Lance. Pagpapakilala ko sa guidance counsellor nilapitan ko ang aking anak.

Lance, ano ba itong ginawa mo? Hindi mo ba alam na pwede kang ma expel sa ginawa mo? Iyan ba ang tinuro sayo ng mommy mo? Seryoso kung kinausap ang aking anak. Ayaw kong sabihin nila na kinokunsneti ko ito.

Tumalak na na naman si Mrs. Raffles. Ipapapulis ko yang anak mo mister! Masyadong basagulero! Tignnan mo ginawa nya sa baby ko???! Walang modo!

Huminahon kayo mam. Hindi ko naman kinukunsinti ang anak ko. Nandito ako para gabayan sya at para pag usapan natin ito ng maayos. sinubukan kong maging kalmado kahit hindi ko nagustuhan ang dila ng ginang na mukhang dragon fruit.

Aba dapat lang! Hindi naman ako papaya na maagrabyado ang anak ko! Mataas pa rin ang boses ng ginang.

Ng tingnan ko ang anak ko ay naawa ako sa kanyang hitsura. Mukhang takot ito sa akin at sa Guidance.

Ah, mam, nandito po ako para isettle ang gulo ng anak ko. Kung ano man po pwedeng ipataw na parusa ay tatanggapin naming pero sana naman patas lang tayo ditto. Pwede ko ho bang malaman kung bakit nangyari ito? Biglang sumakit sentido ko sa talak ng nanay ng bata.

Sir, lets wait na lang po at papunta nap o ditto ang school administrator. Sya po ang makakapag pasya kung i-expel ba si lance ditto sa school. Paliwanag nito.

Pang squatter kasi ugali ng anak mo. My g!. Baby may masakit ba sayo? Si mrs Raffles ulit.

Hindi ko pinansin ang kanyang pahaging. Sa halip ay kinausap ko ulit si lance. Nakayuko ang bata while rubbing his palm against another.

Anak, ano ba kasi ang nangyari? Mahinahon ngunit may diin na sa aking boses.

E papa, sya lang naman ang nauna. Pinagtanggol lang naman kita. Alumpihit na sagot ng bata.

Pinatanggol? Anong ibig mong sabihin? Usisa ko.

E, Sir, according kasi sa mga kaklase nila, nililoko raw nitong si mark ang anak ninyo. Away bata pero nagulat ang lahat ng pinagsusuntok ito ni lance.. hayan putok ang bibig. Gusto ni Mrs. Mendez (raffles) na magsampa ng reklamo. Paliwanag ng guidance counsellor.

Anong biro lance? Muli kong inusisa ang anak ko. Hindi ito makikipag basagan kung hindi masyadong mabigat ang panunukso. Kahit grade 2 paa lang ito ay tiniruan ko itong lumayo sda gulo kahit papaano kayat nagulat ako sa nangyari.

Bakla daw kayo. He murmured. Ngunit sapat na para marinig ko iyon. Hindi ako nakapagsalita, maging si Mrs. Raffles ay nagulat sa narinig. Tiningnan ko sila isa isa. Hinintay ko ang kanilang reaksyon. Shit! Paanong sa akin napunta ang lahat? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hanggang sa may pumasok.

Mam, sir, nandito na po ang school administrator, si Sir Red ___________. Nagulat ako sa narinig. At napatingin sa bagong dating. What is happening to the earth?

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Other Daddy (Part 1)
The Other Daddy (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiwwQtxyMshuNlnCwsRHJGNJJbNach-8G6J03YsiZv0RrJ0jRVJbbt4wAIME5xnzZ_6soHpaYq8ZfpWVb32JZWv9yBVTfWBS4K2MTlRZW-F-xgoHWAeJCSXvV9LiRk2YYvdgznupZjWBsRD/s1600/31709155_219972705445954_7332199912387379200_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiwwQtxyMshuNlnCwsRHJGNJJbNach-8G6J03YsiZv0RrJ0jRVJbbt4wAIME5xnzZ_6soHpaYq8ZfpWVb32JZWv9yBVTfWBS4K2MTlRZW-F-xgoHWAeJCSXvV9LiRk2YYvdgznupZjWBsRD/s72-c/31709155_219972705445954_7332199912387379200_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/05/the-other-daddy-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/05/the-other-daddy-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content