$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Flicker (Part 28)

By: Loverboynicks Napalingon ako kay Kuya Kiel nang mapagtanto ko kung saan kami patungo. Tahimik lang siyang nagdadrive at pinagmasdan ...

By: Loverboynicks

Napalingon ako kay Kuya Kiel nang mapagtanto ko kung saan kami patungo. Tahimik lang siyang nagdadrive at pinagmasdan ko ang matipuno niyang mga braso habang gumagalaw ang mga iyon sa bawat pag-ikot niya ng manibela.

"Sa tagaytay ba ulit tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

Sumulyap naman siya sa akin saka siya ngumisi. "Hindi ko kailanman dinadala sa magkaparehong lugar ang mga idinedate ko unless irequest nila." sagot naman niya.

Nakadama ako ng kakaibang kilig nang marinig ko ang sinabi niya. Date? Tama ba ang narinig ko? Date ang sinabi niya?

Kinikilig man ay hindi ako nagpahalata. Matapos ang mga pagsusungit niya sa akin nung mga nakaraan ay hindi ko pa rin siya tuluyang napapatawad. Lalo na at hindi pa rin niya ako binibigyan nang maayos na paliwanag. Hindi nga niya nagawang magsorry sa akin eh.

"Date na pala ang tawag mo sa ganito ngayon?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Bakit ano ba dapat?" balik tanong naman niya.

"Out of town." sagot ko naman.

"Eh sa date gusto kong itawag. Wala kang pakialam." nakangising sagot niya na nagpalitaw na naman ng brusko pero nakakaakit na kagwapuhan niya.

"Okay!" kunwari ay tinatamad kong pagsuko pero deep inside ay halos maihi na ako sa sobrang kilig.

Tang ina nitong lalaki na ito napakagaling mambola. Ilang babae na kaya ang naloko nito?

Hindi na ako nangulit pa dahil hindi rin naman niya sasabihin sa akin ang gusto kong malaman. I hate surprises pero kung manggagaling kay Kuya Kiel ay hindi na ako mag-iinarte pa.

Nakarating kami sa tagaytay at todo ang excitement ko. Ineexpect ko kasi na pinaglololoko lang ako ng lalaking ito at sa resthouse din naman talaga ang bagsak namin mamaya.

Nag-imagine na tuloy ako ng mga posibleng mangyari. Gaano kasarap kaya ang magiging pagtatalik namin mamaya? Tanong ng malanding bahagi ng isip ko na agad ko namang sinaway.

Panira naman kasi si Mama kanina timing na timing pa ang pagtawag. Hindi tuloy niya naipagpatuloy ang ginagawang pagseduce ni Kuya sa akin sa kama.

Hinihintay ko na ang pagliko ni Kuya sa isang way na dinaanan namin noon pero dumiretso siya at nilampasan iyon dahilan upang mapakunot ang noo ko.

"Saan ba talaga tayo? Lampas na tayo sa resthouse." sabi ko sa kanya.

"Relax ka lang diyan." sagot naman niya kaya lumabi na lang ako.

Lumampas na nga kami sa tagaytay at nadadaanan namin ay puro mga bahay na. Hanggang sa mapadpad kami sa isang resthouse malapit sa beach.

Napasulyap ako kay Kuya Kiel. "Kaninong bahay ito?" tanong ko sa kanya.

"Sa kaibigan ko. Nakiusap ako na kahit isang araw lang ipahiram muna sa akin." cool na sagot niya.

Kinuha niya ang dufflebag niya sa likod ng kotse saka na niya ako pinauna sa loob ng bahay. Inabot niya sa akin ang susi saka na ako naglakad patungo sa main door.

Nang makapasok kami ay sumulyap ako sa balkonahe at natanaw ko ang kulay asul na dagat.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Kuya Kiel mula sa likuran ko dahilan upang mapalingon ako sa kanya pero labi na pala niya ang nakaabang doon.

Isang napakainit na halik ang iginawad niya sa akin bago ako nagpasyang muling tumanaw sa dagat.

"Bakit mo ako dinala dito?" bigla ay tanong ko sa kanya. Bumilis din ang tibok ng puso ko habang yakap niya ako. Nakatalikod ako sa kanya at pareho kaming nakatanaw sa dagat.

"Dahil gusto ko." masuyong bulong niya sa tenga ko saka niya ako hinalikan sa pisngi. Namula naman ako pero hindi ko iyon ipinahalata. Mabuti na lamang ay nakatalikod ako sa kanya.

Dahil gusto niya? Pero bakit niya gusto? Yun ang nais kong itanong sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong maspoil ang napakasarap na pakiramdam sa mga bisig ni Kuya Kiel.

Gumapang ang mga kamay niya sa mga braso ko saka niya hinawakan ang mga kamay ko bago niya muling iniyakap ang mga iyon sa katawan ko.

Malakas na hangin ang umiihip sa amin sa mga sandaling ito. Kapwa lang kami tahimik at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Nagustuhan mo ba ang lugar?" tanong niya.

"Oo naman." sagot ko.

Inangat niya ang kanang kamay niya na nakahawak sa kamay ko saka niya dinampian iyon ng masusuyong halik.

Napatanga naman ako sa kanya. "Anong ginagawa mo?" tanong ko.

Sa halip na sumagot at iniharap niya ako sa kanya saka niya ako masuyong hinalikan sa labi. Napapikit ako at ninamnam ko ang kakaibang sarap sa tuwing si Kuya Kiel ang humahalik sa akin.

Hindi ko maipaliwanag pero para akong nawawala sa katinuan sa sandaling magtama na ang aming mga labi.

Ilang sandali rin siyang nanatili sa paghalik sa akin bago siya huminto at nakangiting tumingin sa mga mata ko.

"Masaya ako kapag kasama kita Renz. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap kong pinigilan ang sarili ko na lapitan ka nang dahil sa inis ko sa inyo ni Addy." seryosong bulong niya sa akin.

Hinaplos ko ang pisngi niya saka ko pinaglaro sa mga daliri ko ang mapulang labi niya. Gusto ko ulit iyong halikan pero pinigilan ko ang sarili ko. May nais kasi akong itanong sa kanya.

"Bakit ka ba kasi naiinis sa amin ni Addy? Hindi ba pareho lang naman kayo? Papansinin lang ako kapag gusto ninyong magparaos?"

Tumigas ang anyo niya nang dahil sa sinabi ko pero nakita ko ang pagpipigil niya na mainis at sa halip ay muling lumambot ang anyo niya.

"Hindi kami magkatulad ni Addy. Dahil iba ang intensyon ko sayo. Lahat ng ginagawa ko. Lahat ng pinapakita ko sayo totoo."

"Alin ang totoo Kuya? Na isa lang din ako sa mga naging babae mo noon? Na parausan mo lang din ako ng libog mo katulad ni Addy?" sarkastikong sagot ko sa kanya.

Naiinis na kasi ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. He's always talking in riddles.

Kung may gusto siyang sabihin bakit hindi pa niya sabihin nang diretso? Kaysa naman para akong tanga na umaasa na marinig mula sa kanya ang isang salita na matagal ko nang gustong marinig.

Seryoso siyang nakatingin sa akin pagkatapos ay sumulyap siya sa malayo kasabay ng paglunok niya. nakita ko pa ang paggalaw ng adam's apple niya.

Ilang sandali pa ay muling natuon sa akin ang nangungusap niyang mga mata at sa isang kisap ay tila huminto ang mundo ko sa mga salitang binigkas niya.

"Matagal ko nang pinag-iisipan kung ano nga ba talaga ang nararamdaman kong ito sayo Renz. Simula pa lang nang mahuli kita na sinisilipan si Dad habang nagbibihis siya ay nakadama na ako ng pagkainggit sa kanya. Gusto ko na ako lang ang pagnasahan mo imbes na si Dad."

"Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang pagnanais ko na mapansin mo kaya nang marealize ko na may kakaibang nagaganap sa inyo ni Addy ay kaagad akong gumawa ng paraan upang mabaling sa akin ang atensyon mo."

"Nung araw na tanggihan mo ako sa silid ko ay labis akong nagalit sayo. Naisip ko tuloy kung ano ba ang meron si Addy na hindi mo makita sa akin. Iniwasan kita pero ikaw ang lumapit."

"Kaya nang makahanap ako ng pagkakataon ay dinala kita sa resthouse namin sa tagaytay. Naging napakasaya ng mga sandaling iyon para sa akin Renz. At noon ko na rin naisip kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sayo."

"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya noon. Sa bawat halik. Sa bawat pagtatalik na namagitan sa ating dalawa. Hindi ko kailanman naranasan iyon sa mga babaeng nagdaan sa buhay ko."

"Bumalik tayo sa maynila na baon ko sa aking isipan na sa akin ka na at hindi na muli pang babalik kay Addy pero nagkamali ako."

"Nang umagang nalaman ko na doon ka natulog sa silid niya ay labis akong nasaktan Renz. Para mo akong sinampal sa ginawa mong iyon. Saan nga ba ako nagkulang at si Addy pa rin ang binabalik-balikan mo?"

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa kanya. Magulo pa ang utak ko nang mga sandaling iyon. Naging mahina rin ako sa tukso nang simulan na akong iseduce ni Addy sa kusina. Kaya wala akong maidadahilan sa kanya dahil ang totoo ay napakalandi ko.

"Sinubukan kitang muling iwasan Renz pero sa bawat sandali na nakikita ko kayong magkasama ni Addy. Masaya at nagtatawanan ay hindi ko mapigilan ang galit at panibughong nararamdaman ko para sa inyong dalawa.

"Hindi ko alam kung bakit patuloy akong nasasaktan ng ganito. Alam kong mali ito dahil pareho tayong lalaki at pinsan pa kita. Pero wala akong magawa. Nilalamon na ako nang tuluyan nitong nararamdaman ko sayo."

"Kaya kaninang umaga nang malaman kong wala si Addy sa bahay ay sinunggaban kong muli ang pagkakataon ko dahil hindi ko na kayang lumipas pa ang isang araw nang hindi kita nakakasama."

"Halos mabaliw na ako sa tuwing naiisip ko kayo ni Addy. Nakahanda akong muling sumugal Renz maging akin ka lang. At sana sa pagkakataong ito ay hindi mo na ako muli pang bibiguin."

Humugot siya nang napakalalim na paghinga saka siya seryosong tumingin muli sa mga mata ko na noon ay halos hindi na kumukurap sa pagkabigla.

"Renz, Mahal kita!" masuyong bigkas ni Kuya Kiel.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Flicker (Part 28)
Flicker (Part 28)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb_GyRn-e6NgB3biuivWIfIkzNJVTrovQSbWdiFSY-v3uIGjxlY9iM5XjmN62eGQVc63-n2h6Zd09bgF6qtUu_Jzb227BKTgO0bZRTzfkLTgNVyhOHyjkqFIQvzloN2bsn0GcDBDjO2F2V/s320/Flicker.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb_GyRn-e6NgB3biuivWIfIkzNJVTrovQSbWdiFSY-v3uIGjxlY9iM5XjmN62eGQVc63-n2h6Zd09bgF6qtUu_Jzb227BKTgO0bZRTzfkLTgNVyhOHyjkqFIQvzloN2bsn0GcDBDjO2F2V/s72-c/Flicker.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/08/flicker-part-28.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/08/flicker-part-28.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content