$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Silingan (Part 1)

By: Einstein "I don't put cream on my coffee", sagot ko kay Papa habang inaabot niya ang garapon ng creamer sa akin. "...

Silingan

By: Einstein

"I don't put cream on my coffee", sagot ko kay Papa habang inaabot niya ang garapon ng creamer sa akin. "Okay, okay Archiboy", tsaka niya ginulo ang buhok at uminom ng tubig. Tumayo siya at hinalikan si Tita Lorna at nagtungo nang lumabas. Narinig ko ang pag gasgas ng bakal na gate sa concretong sahig ng garahe at busina ng kotse.

Dalawang linggo matapos ang graduation ay napagdesisyunan kong mamalagi na muna sa bahay ng aking ama. Tutol man ang aking ina sa aking desisyon ay wala nadin siyang nagawa nang ako na mismo ang makiusap. Nais kong lumayo na muna ng Cagayan de Oro sa dahilang gusto kong subukang mabuhay na malayo sa "comfort zone" ko. Pagkakataon na rin iyon upang makasama ko ang aking ama at makilala ang kapatid kong paminsan minsan ko lamang makita. Matagal nang hiwalay ang mga magulang ko, ngunit tanging ama ko lamang ang nagkaroon ng pangalawang pagkakataong makapag-asawa at makapagpamilya ulit.Noong una ay mahirap sa akin ngunit kinalaunan ay naging mas bukas na ako sa realidad na ang buhay ng tao hindi kailanman magiging perpekto.

Tulad ko.

"May napili ka na bang firm?", tanong sa akin ni Tita Lorna habang nasa hapagkainan kami. Masarap siyang magluto. Mukhang magkakasundo kami.

"I have already sent e-mails. No response yet.", sagot ko.

"It's okay. Take your time.", tsaka niya inubos ang kanyang kape at tumayo. Inayos na niya ang sarili niya at tumungo sa sala upang kunin ang kapatid kong naglalaro ng ipad niya. "Text mo ako pag may problema ah. Gala ka na din. Yung susi ng Adventure nasa cabinet".

"Opo tita.", bago sila makaalis ay nakipag hi-five muna ako sa apat na taong gulang kong kapatid. Sinabihan ko si Tita na ako na muna ang maghahatid kay Teo simula sa susunod na linggo. Wala naman kasi talaga akong ginagawa maliban sa kakanuod ng netflix. Hindi pa naman ako kino-contact ng firms na inapplayan ko. Pinayagan naman ako at gagawin ko ang paghatid-sundo kay Teo hangga't wala pang balita sa aking mga application.

Umakyat na ako sa thirdfloor upang ipagpatuloy ang panunuod ng isang Series sa netflix. Kung gaano kahigpit ang nanay ko ay ganuon na lamang ka galante at kaluwang ang tatay ko. Sa bahay ng nanay ko, iisa lamang ang telebisyon at sinadya niyang walang cable upang di daw ako maistorbo sa aking pag-aaral. Maging noon dese otso anyos na ako ay di parin nawala ang curfew namin sa bahay. Di ako malayang nakakapagmaneho ng sasakyan dahil pibapahatid-sundo niya ako. Ganoon siya kahigpit. Kaya naman nilasap ko na ang pagkakataong manirahan sa puder ng tatay ko. May sarili akong Smart TV sa aking kwarto. Iyon ay higit pa sa Sapat.

***

Nagising ako mula sa aking Siesta at dumungaw sa bintana. Nakaugalian ko nang magkape sa tabi ng bintana. Mag-iisang linggo narin na ganoon ang sistema ng aking buhay sa bahay ng tatay ko. Isang malaking Glass Window ang nagbibigay sa aking kwarto ng sapat ng liwanag at tanawin. Ngunit ang tanawin na dapat at ang kabuuan ng Metro Manila at bahagyang natatakpan ng isang may kalakihan ding bahay na mismo nasa tapat namin. Dalawang lane lamang ang kalsadang namamagitan sa aming mga bahay kaya naman di maikakailang nakikita ko ang loob ng bahay nila lalo na't halos puro salamin ito, partikular ang kwarto ng lalaking nakatira doon. Halos araw-araw ko siyang nakikita doon, at bukod sa kanyang kwarto ay nakikita ko din siyang pinapaliguan ang aso niya sa may garahe nang walang ibang suot na damit kundi shorts lamang. Hindi ko naman alam kung napapansin niyang may bagong salta siyang kapitbahay na dumdungaw palagi sa bintana. Hindi ko intensyon ang panuorin siya o ang ugaliing gawin iyon. Sadyang nakaharang lamang talaga ang bahay nila sa tanawin na dapat ay buo kong makikita ang syudad sa baba. Hindi ko naman inisip kung nakapagbigay ba ako ng maling impresyon sa tuwing nagkakasalubong ang aming mga mata, dahil una akong bumabaling ng tingin sa iba na para bang wala lang sa akin na nadadatnan ko siyang nagbibihis sa kanyang kwarto niya. Hindi ako ipokrito upang sabihing minsan ay hindi siya naging laman ng pantasya ko. Alam ko naman sa sarili kong hanggang inahinasyon ko lamang iyon.

Napansin kong nakabukas ang ilaw sa kwartong pinakamalapit sa akin, at kahit dalawang palapag lamang ang bahay nila ay kitang kita ko ang mga pangyayari mula sa itaas. Nangiwi ako bahagya dahil tumambad sa eksena ang isang lalaking hubo't hubad na may hawak na isang bote ng alak. Humiga siya sa kama at isang babaeng walang saplot ang biglang tumalon at nahiga sa kama. Doon ay nagpagulong gulong silang dalawa habang naghahalikan at naghihipuan sa bawat parte ng kanilang katawan. Tumigil silang dalawa at bumaba ang halik ng babae mula sa kanyang mga labi, leeg, dibdib, tiyan at tsaka sinunggaban ang nakatayo niyang pagkalalake. Napangiwi ang mama sa ginawa ng babae sa kanya.

Tila nasemento naman ako sa aking kinatatayuan habang pinapanuod sila. Nag-init ang aking katawan at bigla akong napasinghap ng biglang tumingin ang lalaki sa aking kinaroroonan at ngumiti na lamang.

Nahuli niya ako.

Agad kong inabot ang kurtinang nakatiklop mula sa gilid ng pader at hinila upang maisara iyon. Napasandal ako sa pader at inaalala ang lahat ng aking nasaksihan. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko at di ko mapigilang haplusin ang aking pagkalalake. Pinikit ko ang aking mga mata at bukod sa dilim, tanging mukha niya lamang ang aking nakikita. Maganda siyang lalake. Makinis, may kaputian, brusko at... Malaki.

Agad na bumalik ang aking katinuan nang marinig ko ang busina ng sasakyan ni Tita Lorna. Napaaga yata ang uwi niya.

***

Mag-aalas nuebe na nang mapagdesisyunan kong ipagpabukas na lamang ang natitirang episodes ng Stranger Things. Pinatay ko ang TV at lumapit sa bintana. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon parin ako ng kyuryusidad na tingnan ang kung ano man ang makikita ko mula sa aking bintana. Binuksan ko ang kurtina ko at nandoon siya, nakabukas ang isa sa mga sliding windows niya, nakabitin ang kanyang kamay na may hawak na yosi. Nakasuot lamang siya ng sandong puti at boxers na siyang dahilan upang mapatingin ako sa Tattoo niya sa braso niyang natipuno. Maganda ang hubog niya, tama lamang ang hulma at di nakakatakot tingnan tulad ng mga taong tigang sa kaka-gym. Biglaan ko lamang isinara ang kurtina nang mapagtanto kong nakatingin pala siya sa akin. Agad akong napatalon sa kama at pinikit ang aking mga mata. Hinawakan ko ang aking dibdib at sinubukang bilangin kung ilang beses bang kumabog ang dibdib ko.

" Please stop, Archi", bulong ko.

***

Makaraan ang ilang araw ay iniwasan ko na ang tradisyon kong magkape sa may bintana ko kada tapos ng aking siesta. Nahihiya ako kay SILINGAN (kapit-bahay). Hindi ko napigilang isipin na marahil ay nagdududa na siya sa akin. Hindi man kami magkakilala at di ko man sinasadya ang aking nakita ay alam kong nakakahiya parin iyon.

Bumusina ako at agad namang lumabas ang bantay ni Teo na si Maymay dala ang kanyang lunchbox. Pumasok na siya. Tumagilid ako at kinabit ang seatbelt ni Teo. "You good, Buddy?"

"Yeah. Are you picking me up later?", sagot nito habang nakatutok ang mga bilugan niyang mga mata.

"Sure"

"Are you going to stay with us Archi?"

Nguniti lamang ako at tumango. Wala sa akin kung tawagin niya akong kuya o hindi. Hindi naman din ako sanay na matawag ng ganoon.

"Let's go Kuya!", sabi niya. Napangiti ulit ako. Inihanda ko na ang sarili ko sa pagmamaneho. Malapit lamang ang pre-school ni Teo ngunit hindi ako sanay magmaneho sa lugar na bago sa akin. Ikinabit ko ang aking seatbelt nang biglang halos mapasigaw ako sa gulat dahil biglang sumulpot ang ulo ng isang lalake sa bintana ng kotse.

"Hi!", bungad niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata.

"H-Hi", pautal kong sagot.

"So, you're the new guy here, uh. Sup, Teo", binaling niya ang kanyang tingin sa aking kapatid.

"Hello Philip", walang emosyong sagot ni Teo na naging abala kakapindot ng ipad niya.

"I've been teaching him to call me Kuya. Tigas ng ulo", sabi ni Philip.

"I'm not pressuring him. He's just four", sabi ko nang di siya tinitingnan sa mata. "We gotta go. So... Um... Bye. Uh, Philip, right?", sabi ko. Ngumiti lamang siya at tumango. Sinara ko ang bintana at nag-umpisa nang magmaneho. Napatingin ako sa rearview mirror at nakita kong kumakaway kaway si Maymay sa likuran.

"Ang gwapo talaga niya, Kuya!", tili ni Maymay mula sa likod. Napatawa lamang ako ng mahina.

"Philip. Not a bad name", sabi ko sa aking isipan.

***

Dahan-dahan kong sinara ang pintuan ng kwarto ni Teo para bumaba. Tatlong oras lamang si Teo sa pre-school. Nakatulog siya sa byahe at inakyat ko pagkadating mismong bahay. Nakatulog din ako katabi niya. Nagising ako at nagtaka dahil mag-aala sais na at hindi parin nagluluto si Ate Aida. Nasa sala siya kasama ni Maymay at nanunuod ng isang teleserye. Mula sala ay tanaw ko ang mga tao na labas masok sa aming kapit-bahay, at mga sasakyan na nakaparada sa gilid ng sidewalk. Magtatanong na sana ako ngunit nakatanggap ako ng text mula sa tatay ko na magbihis daw ng maayos dahil may pupuntahan kaming salu-salo. Hindi ko naman alam kong anong klaseng salu-salo iyon kaya naman hindi na ako ng bihis at sinuot na lamang ang sanuk ko. Maayos naman ang pananamit ko. T-shirt na may kaluwagan at khaki shorts na above-the-knee. Inayos ko ang aking buhok na may kakapalan at nilagyan ng kaunting wax. Nagpunas ako ng mukha at nagsipilyo. Sinuot ko ang aking salamin. Naghintay ako sa kwarto ni Teo. Mahimbing siyang natutulog kaya naman tinawag ko si Maymay na tabihan na lamang siya dahil kailangan ko nang bumaba at naghihintay na si Papa at Tita.

***

Tama nga ang aking hinala. Sa kapit-bahay lang naman pala kami makikikain. Malawak ang sala ng bahay nila Philip, ngunit mas malawak ang kanilang hardin sa likuran kung saan naroon ang mga mesa at upuan. May kahabaan din ang buffet table kung saan naroon ang iba't ibang klase ng pagkain.

Nagbatian at nagyakapan sina papa, tita, at marahil mga magulang iyon ni Philip. Hinila ako ni Papa mula sa likod at pinaharap sa kanila.

"My son, Archimedes. He's finally staying with me.. Archi, meet your tito Alan and Tita Emily.", nakipagkamay ako sa kanila.

"Naku, manang mana sa Tatay", pinisil ni Tita Emily ang aking pisngi. Pinilit kon ngumit kahit na hihiya.

Napag-alaman kong nagbakasyon ang dalawa galing Germany at nanatili din doon ng dalawang linggo. Sinabay nila ang kanilang "pagbabalik bayan" sa kaarawan ng kanilang anak.

"Nasaan na ba si Phil?", tanong ng nanay niya.

"Phil!", tinawag ni Tito Alan si Philip mula sa kabilang table kung saan nakikipagtawanan at inuman siya. Marahil mga kaibigan niya ang mga kasama niya. Nakaakbay sa isang babaeng maganda na alam ko na kung saan at kailan ko unang nakita. Tumingin sa amin si Philip ngunit yumuko lamang ako at tiningnan ang aking sapatos. Naramdaman kong lumapit siya sa amin.

"Meet the birthday Boy, my son, Philip."

"Good Evening po Tito, Tita"

"Happy Birthday Phil"

"Phil, ito nga pala anak ni Tito Robert mo. Si Archi.", narinig kong sinabi ni Tito Alan.

"Uy. Musta! Philip nga pala", sabi niya tsaka inabot ang kamay niya upang makipagkamay. Tinaas-baba niya ang kanyang magkabilang kilay.

"Archi", sabi ko.

***

Naunang umuwi si Tita dahil pinuntahan kami ni Maymay dahil nagising bigla si Teo. Nais ko sanang sumama dahil naiilang ako sa lugar na iyon. Bukod sa hindi ako komportable sa mga ganoong okasyon ay wala din akong kakilala. "No. Dito ka lang. Ako na bahala kay Teo.", tsaka umalis si Tita. Wala akong nagawa at tumayo nadin. Tumungo ako sa isang bench na maliit sa gilid ng hardin kung saan wala masyadong tao. Dinahan dahan ko ang inom ng wine na hawak ko. Hindi ako sanay sa alak kaya naman pinag-aaralan ko muna kung paano iyon uubusin. Isang baso lang naman ngunit matindi ang lasa nito. Kinabit ko ang aking headset at mas pinili na lamang makinig ng musika habang sina papa at nga kaibigan niya ay nasa iisang table lamang, masayang nagkukuwentuhan.

"Archi...", biglang may humablot ng headset ko at isang boses ang biglang umalingawngaw sa tabi ko. "... How long have you been doing it", napalingon ako at nakita ko ang kanya g mukhang nakangiti. Umupo siya sa tabi ko. May hawak siyang bote ng beer.

"Sorry. Doing what?"

"Stalking me by your window", at kumindat siya sa akin.

"Sorry. It's not what you think.", umusog ako papalayo mula sa kinauupuan niya. Ikinabit ko ulit ang musika sa aking taenga at mas nilakasan pa ang volume. Agad naman niyang tinanggal muli.

"Usap tayo oh", sabi niya. Naiilang ako at hindi alam ang isasagot. Nanatili akong tahimik at nakatingin lamang sa kanya.

"Closet", sabi niya bago nagpakawala ng mahinang tawa na parang inaasar ako. Agad ko siyang tinitigan ng masama. "Don't deny", pahabol niya tsaka umakbay sa akin.

Tinanggal ko ang kanyang kamay na nakaakbay sa akin. Tumayo ako.

"Alam ba ng Daddy?", nagboses bata siya at patawa niyang sabi habang inaabot ang aking kamay ngunit iniwas ko iyon sa kanya.

"What do you want?", pasigaw kong tanong.

"Ikaw, what do you want, Stalker?", tumayo siya at tumutok sa akin. Likas siyang matangkad kaya napatingala ako at mistulang batang nakatunganga sa isang nakakatakot na mama. Napabuntong hininga ako ng malalim at ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Handa na akong suntukin ang ilong niya ngunit amoy na amoy ko ang alak mula sa kanyang hininga, kaya mas pinili ko na lamang na maglakad papalabas ng bahay at umuwi kaysa sapakin ang mukha niyang nagloloko.

"Teaching a drunk a lesson is never worth it", sa isip ko.

***

Alas kwatro ng hapon. Kakabalik ko pa lamang ng bahay matapos sunduin si Teo ay nagpunta ako ng roof deck upang doon na lamang namalagi. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang kabundukan. Mas mabuti na't dito na lamang ako tumambay kaysa doon sa kwarto. Bakal ang mga upuan doon kaya dinala ko ang dalawa kong unan. Nagbasa ako ng libro.

Nag-unat ako sandali nang magising mula sa aking pagkakatulog sa aking kinauupuan. Papalubog na ang araw at naramdaman ko ang sakit sa leeg ko. Sa pangalawang pagkakataon, ginulat na naman ako ng parehong tao.

"What are you doing here!", pasigaw kong tanong habang ang katawan ko ay halos parang nakarolyo na sa aking kinauupuan, gustong simiksik sa maliit na kanto ng bakal na upuan.

"Please, don't freak out! I just want to talk to you, Archi", mahina niyang sagot. Di siya makatingin sa akin na waring nahihiya.

"T--talk ab-out what", inayos ko ang sarili ko.

"Kagabi. Alam mo naman nakainom ako, diba? I'm so, sorry man"

"Sure. Ahem. You can go now.", sagot ko.

"Ayaw.", bigla na lamang siya nag-pout ng kanyang labi.

"Um. You're not cute. Stop that", pagbabara ko habang nakakunot ang aking noo, kahit alam kong epektibo ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit. "I'm going down.", hindi ako nakatayo dahil hinila niya ang kamay ko na siyang nagpabagsak sa akin. Sinalo niya ako at napayakap na lamang sa kanya. Binalot ako ng labis na kahihiyan. Daig ko pa ang mga pabebeng bida sa mga koreanobela pinapalabas ngayon sa TV.

"S-sorry"

"C'mon, Archi"

"Ano bang kailangan mo ha?", kumalas ako at tumayo ulit.

"Ikaw"

Inusisa ko ang paligid. Kaliwa. Kanan. Taas. Baba. Pader. Kanto. Lahat. Naglalaro ang isipan ko sa inaasal niya. Sumagi sa aking isipan na isang gabi ay mapapanuod ko na lamang ang sarili ko sa isang palabas ni Joey de Leon, at pinagtatawanan ng mga nanunood.

WOW, MALI!

"Whatever prank or joke this is, sorry I'm not buying this. You go home now and I'm taking a shower, okay?", hinila ko siya at napatayo naman siya. Tinulak ko siya papasok at pababa ng hagdanan. "Okay, okay na uwi ka na.", sabi ko habang tulak tulak ang likuran niya.

"T--teka lang uy", pagtutol niya. Nang makarating kami ng sala ay agad kong hinanap sina Maymay.

"Ate Aida! Maymay!", hinahanap ko sila. Walang tao ang bahay maliban sa aming dalawa. Tumakbo ako paakyat at tumungo sa kwarto ni Teo ngunit wala din siya. Naguguluhan man ay sinikap kong makabalik ulit sa baba. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala ang mga tao sa bahay. "Where are they?", tanong ko sa sarili ko.

" You were sleeping when Tita arrived. She took Teo and the rest for a grocery shopping. Technically, it's just the two of us now."

"And alam mo naman ang kwento tungkol sa third floor diba?", pahabol niya. Minsan naikwento nila Ate Aida na may isang babaeng nakaputi na kumakanta daw ang "lumalagi" sa thirdfloor. Di ko alam kung naniniwala ba ako sa mga ganoong bagay, ngunit alam kong napagalitan sila ng tatay ko dahil tinatakot nila si Teo. Maging mga kapit bahay ay nakikita din daw minsan ang babae sa third floor kahit na noong nasa America ang buong pamilya noong nakaraang buwan. Tutuo man o hindi, isang bagay ang mas nakakatakot, iyon ay ang maiwan mag-isa kasama si Philip.

"I don't care", sabi ko at sinikap na tumayo ng tuwid.

"Sure?", lumapit siya sa akin at hinawakan ang beywang ko. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin ngunit pumalag ako. "Are you sure?"

Pumalag ako kahit alam kong gusto ko din ang kung ano man ang pwedeng mangyari sa aming dalawa. Malakas ang impluwensya ng kyuryusidad at libog, ngunit mas nangibabaw ang kaba at takot sa akin. Ano ba ang motibo niya kung bakit niya ginagawa ang kanyang "pang-aakit" sa akin? Wala akong maisip na dahilan. Marahil ay sadyang palabiro or may angking kapilyuhan lang talaga itong si Philip at baka "good time" lamang itong ginagawa niya. Naitulak ko siya ng malakas.

"I ask you again. Why are you doing this!"

"I want You", matapos niyang sabihin iyong ay di na ako nakapanlaban sa ginawa niyang paghalik sa akin. Mapwersa ngunit mabagal. Pilitin ko mang kumalas ay di ko narin ginawa. Pinatong ko sa mga balikat niya ang mga kamay ko at mas naging madiin pa ang kanyang paghalik.

Pababa ng pababa ang halikan namin. Wala pa akong karanasan sa mga bagay na iyon at tanging sa internet ko lamang nakuha ang "knowledge" ko sa mga ganoong bagay. Ginaya ko na lamang kung ano ang pwedeng gawin. Kinakabahan man ay nagawa ko pa siyang yayain paakyat ng kwarto. Nag-aalala ako dahil ano mang oras ay maaring dumating sila. Halos patakbo kaming umakyat ng hagdanan. Binagsak niya ang pagsara ng aking pintuan at tsaka itinulak ako ng kama. Malakas ang pagbagsak ko sa kama at tumama ang likod ko sa headboard kaya napa-aray ako. Agad naman niya akong nilapitan.

"Oh. Sorry. Excited lang masydo", sabi niya. Natatawa ako ng kaunti dahil sa nangyari. Dapat nakakalibog ang eksena ngunit naging mustalang "Epic Fail" iyon. "Masakit ba? Sorry", pinatalikod nya ako, hinimas himas ang likod ko na para bang pinapagaling ang parte na tumama sa headboard. Hinalik halikan niya din iyon. Nakiliti ako kaya naman napatawa ulit ako. "You're tickling me"

"Masakit parin ba?", maamo niyang pagtanong na parang nakikipag-usap sa bata.

"Hindi na", sagot ko. Bigla na naman niya akong pinaharap sa kanya at sinunggaban ang mga labi ko. Nanlaban na rin ako. Unti unti kaming naghuhubaran ng damit. Wala nang usapang nangyari. Gumulong kami at ako na ang nasa ibabaw niya. Agad kong sinibasib ang kanyang mga utong na siyang nagpaungol sa kanya. Dinilaan ko ang kanyang tiyan na may katigasan, pababa nang pababa hanghang marating ko ang kanyang galit na alaga. Walang anu-ano ay agad ko iyon isinubo. Taas, baba, labas masok. Ilang minuto ko ding nilaro ang kanyang batuta na siyang nagpaungol sa kanya ng husto. Hindi pa ako nakuntento ay nilamon ko ng buo ang kanyang bayag. Bigla akong napatigil dahil hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at iniangat papalapit sa mukha niya. Hinalikan niya ako at nagsalita. "I think I love you"

"Haha. Whatever!", humalik ulit ako.

"You don't believe me?"

"Why me? I still d-mmff", hindi ako makapagsalita ng maayos dahil halos lamunin niya ang mukha ko sa halik.

"You don't even know me, Phil"

"Who cares"

"But Phi--mff"

"I want my dick inside you"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako nakasagot. Napapanuod ko ang ganoon sa mga porn videos ngunit di ko lubos maisip na gagawin ko iyon. Alam kong masakit iyon kaya napailing lang ako.

"Sorry, But-"

"I promise to be gentle", humalik ulit siya at inabot ang kanyang wallet mula sa kanyang pantalon. Humugot siya ng condom at tsaka ikinabit sa sarili. "Ready?", tumango lamang ako sa tanong niya.

Pinahiga lamang niya ako at pinabukaka. Dahan dahan ay pinapasok niya iyon sa akin sabay lagay ng lubricant. Nag-aalala ako sa kung ano mang pwedeng mangyari. May kalakihan siya, kaya naman baka mapunit o duguin ako sa gagawin niya. Hindi ko naitago ang sakit dahil sa mga ungol at reaksyon ko ngunit pinapatahan niya ako na parang nagpapatahan ng batang umiiyak.

"It hurts, Phil."

"Shhh. Malapit na.. Ayan na.. Aaaah"

At nakapasok na siya na siyang halos nagpasigaw sa akin. Huminto siya at hinayaan akong makapagrelax. Huminga ako ng malalim at pinikit na lamang ang aking mga mata. Nararamdaman ko ang dahan dahan niyang pagbayo sa akin. Masakit. Sobrang sakit ngunit tiniis ko na lamang iyon dahil nakikita ko sa kanyang mukha ang labis na sarap. May kung anong boses sa utak ko ang nagsasabing tiisin ko iyon sa ngalan ng pagbibigay sarap sa kanya. Ngunit ang sakit at napalitan din ng isang sensasyon na ayaw ko nang huminto. Habang kumakayog siya ay niyakap niya ako at ang mga paa ko ay nakayakap sa kanyang pwetan. Pabilis ng pabilis ang paglabas masok niya na siyang nagpatirik ng mga mata ko sa sarap.

"Ahh. Ahh"

"You like that huh?", tanong niya, habang hinahabol ang kanyang hininga.

Halos di ako makahinga dahil pagbilis ng pabilis ang kanyang pagbayo at sobrang higpit na ng yakap niya sa akin. Biglang kumawala ang isang matinding ungol nang hugutin niya ang kanyang matigas na batuta, tinanggal ang condom at pinasabog ang kanyang katas sa aking mukha. Nakailang putok din siya. Habang ungol parin siya ng ungol ay jinakol ko ang aking sarili at nagpasabog narin. Sinubo niya ulit ang kanyang batuta sa akin at halos makuryente siya sa sensyasyon dulot nito. Sensitibo ang ari kapag nilalabasan, kaya sinadya kong laruin ang ulo nito gamit ang dila at labi ko. Hindi ko na ininda ang nagkalat na katas sa aking bibig at mukha at maging siya din. Hinalikan niya ako at naghalo na ang tamod at laway sa mukha ko. Bumulong siya sa akin. "How long are you staying? Babalik ka pa ba ng Mindanao?", hinalikan ko siya at sumagot ako. "I don't know. I might stay here for good.", Nasaksihan ko ang mga ngiti niyang halos pumunit sa kanyang mukha. "Please. Dito ka na lang."

***

Bago umuwi si Philip ay nagpalitan kami ng numero. Nakatanggap ako ng text mula kay Tita na nagtake-out na lamang sila at pauwi na. Bago paman nakalabas ng bahay si Phil, niyakap niya ako mula sa likuran at hinalikan ang aking leeg.

"Archi?"

"Mm?"

"How old are you?"

"21. You?"

"Ah. Tanda ko na pala. I'm 26 eh"

"okay..."

"Archi?"

"Mm?"

"Alam mo namang dapat atin lang to, diba?"

Humarap ako sa kanya.

"Haha. You think I'm letting people know about this? I'd die if that happens. Sige na uwi na dahil gabi na. Tulog ka ng maaga.", Binuksan ko ang pintuan at tinulak ko siya papunta ng gate. Narinig ko siyang tumawa ngunit di ko siya pinansin. "Gusto kong nagtatagalog ka sa akin. Ang cute ng accent mo."

"Whatever".

"Text-text tayo, Boo", bulong niya.

"Yuck"

"Yuck ka diyan?"

"Boo? Ang jeje mo, Pre"

"Haha. Whatever, Boo."

***

Author's Note:

This is Author Aristotle, by the way. Hehe. Iniba ko lang ang name ko sa story na ito dahil dalawang magkasabay na kwento ang isinumite ko. Baka mahalatang sobrang bored na ako at dala-dalawa pa ang sinesend ko sa admin. Hahaha.

***

Maaga akong nagising at naghanda na upang pumunta ng Quezon City para sa isang interview. Ito ay para sa aking OJT. Si Tita na ulit ang maghahatid na muna kay Teo. Pagkasara ni Ate Aida ng gate ay inihanda ko na ang sarili ko para sa kauna-unahan kong "long drive". Sabi ng Waze, aabutin ako ng mahigit isang oras sa sa biyahe. Marahil ay hindi iyon tunay na long drive, ngunit sa sitwasyon ko, mas mahirap pa iyon kaysa Algebra. Bago paman ako makaalis ay nakita ko si Phil papalapit sa akin. Naka T-shirt at jersey shorts lamang siya. Tinago ko ang aking ngiti at pinigilan ang sarili ko.

"Maaga ata ang lakad ng Boo ko", tinaas baba niya ang magkabilang kilay niya. "Saan ang punta?"

"I texted you the other night... You seem to forget.", kaswal kong pagsagot. Marahil ay nagpapakipot at nagpapa-cute ako. Masyadong masagwa ngunit pinagpatuloy ko parin. Nag-umpisa na din akong maguluhan kay Philip. Malambing siya noong unang may mangyari sa amin ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit parang biglang nag-iba na lamang siya. Hindi niya tinupad ang sinabi niyang "text-text", dahil matapos ko siyang itext, tanging "Okay" lang ang kanyang reply. Hindi ko na sinubukan pang magtext ulit. Marahil ay nakuha na niya ang gusto niya. Siguro ay unang karanasan ko iyon, ngunit masasabi kong hindi ako inosente sa mga bagay na tulad nito. Nagbabasa ako ng mga libro, blogs at articles kahit saan. Bukas ang isipan ko sa mga bagay tulad ng sex. Napatanong ako sa sarili ko na baka "trip-trip" lang ang ginawa sa akin ni Philip. Pero di ko masyadong inisip iyon dahil binigyan ko siya ng "benefit of the doubt". Baka may pinagkakaabalahan lamang.

"A--oo naman. Nabasa ko kaya text mo. Sorry a", napakamot siya ng ulo.

"I'm going"

"Teka. Are you free... Tonight?"

"Why?"

"You know", tsaka niya ako kinindatan at naglakad papalayo, papasok ng gate nila. Bago siya pumasok ay lumingon siya at kumaway, sabay ngiti ng nakakaloko. Nanginig ako bahagya at tinapik ang dibdib kong kumakabog ng malakas.

"Okay... Archi... Relax", bulong ko sa sarili ko.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Silingan (Part 1)
Silingan (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiSBj89jPz0lZVz6XOsS_YU1IFRvmE73ZOlBz4Xc_cp9Sr0UQKU5SGI9bygaTBKRHD_CFvJ-8zylpta8HB9H2Tl218f8NygDwUS6u5T8rEp9e73ZedXbncwTTP3-q1zoDFkyy6Jyo38snwg/s1600/39248376_253440118831520_6341733316663705600_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiSBj89jPz0lZVz6XOsS_YU1IFRvmE73ZOlBz4Xc_cp9Sr0UQKU5SGI9bygaTBKRHD_CFvJ-8zylpta8HB9H2Tl218f8NygDwUS6u5T8rEp9e73ZedXbncwTTP3-q1zoDFkyy6Jyo38snwg/s72-c/39248376_253440118831520_6341733316663705600_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/08/silingan-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/08/silingan-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content