$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Flicker (Part 31)

Season 3 - Sinner or Saint By: Loverboynicks Special Chapter Jordan's POV Part 1 Napangisi ako nang makita ko ang nakasimangot na ...

Season 3 - Sinner or Saint

By: Loverboynicks

Special Chapter

Jordan's POV Part 1

Napangisi ako nang makita ko ang nakasimangot na mukha ni Kiel habang pababa siya sa hagdan.

“Parang mainit pa rin ang ulo mo ngayon bro!” usisa ko.

“Wala ako sa mood makipag-gaguhan sayo. Wag mo akong simulan.” masungit na sabi niya habang tuloy siya sa paghakbang pababa.

“Nagtanong lang ako bakit ba pati sa akin ay nagagalit ka?” sagot ko naman.

“Tigilan mo ako gago alam kong ikaw ang nagsumbong kay Mama ng tungkol sa pagkakakulong ko.”

Natawa naman ako pagkatapos ay tumayo ako at sinalubong ko siya. “Relax! Hindi ako ang kaaway mo dito okay? Ayoko lang magsinungaling kay Mama kaya sinabi ko ang totoo.”

Hinawakan ko siya sa balikat at kunwari ay nakikisimpatya ako sa sinapit niyang kamalasan sa buhay.

“Alam mo mabuti pa samahan mo na lang akong mag-gym. Baka sakaling humupa yang init ng ulo mo.” cool na yaya ko sa kanya.

Pero hinawakan niya ang kamay ko na nasa balikat niya saka niya iyon marahas na inihagis palayo.

Puta masakit din yun ah. Naglakad na palayo sa akin si Kiel kaya sinundan ko na lang siya ng napakatalim na tingin.

Hindi magtatagal ay lulugmok ka na rin. Gago!

Naglakad na ako paakyat sa silid ni Renz na dating silid ko saka ko sinilip mula sa bintana ang paglabas ng kotse ni Kiel sa bakuran namin.

Mula sa papalayong sasakyan niya ay muling bumalik sa alaala ko ang lahat ng kagaguhang ginawa niya sa akin.

Nagtungo ako mula sa isang nakalock na drawer na tanging ako lamang ang may susi. Binuksan ko iyon saka ko inilabas ang larawan ng babaeng sumira sa magandang samahan namin ni Kiel.

Natalie Serrano

Hindi ko inasahan na magkikita pa rin kami ng babaeng minahal ko sa loob ng napakahabang panahon. At nangyari iyon noong nakaraang linggo lang. Sa loob pa mismo ng restaurant ni Kiel.

Mabuti na lamang at wala si Kiel sa lugar na iyon dahil abala siya sa pakikipaglandian kay Renz na inilabas pa niya ng maynila upang maisagawa lamang ang mga kababuyan nila.

Muli na naman tuloy nanariwa sa isipan ko ang lahat ng sakit na dulot ng pagtataksil nila sa akin ng magaling kong kapatid.

Akala ko ay napatawad ko na Kiel pero hindi pala madaling gawin iyon. Lalo na ngayon na nagbalik si Natalie at may plano pa yata itong makipagbalikan kay Kiel.

Hindi ko papayagang mangyari iyon. Sisirain ko muna ang buhay ni Kiel bago niya muling maagaw sa akin si Natalie.

Makikipaghiwalay na ako kay Riza at kukunin ko custody ng anak namin. Pagkatapos ay malaya ko nang mababalikan si Natalie.

Kaya magpakasaya ka na ngayon Kiel. Dahil malapit na kitang singilin sa lahat ng kasalanan mo sa akin.

Dahil sa pagsiklab muli ng galit ko sa kanila ay muli na namang nagbalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari sa nakaraan.

4 Years Earlier

Masaya kaming dumating ni Natalie sa bahay nang araw na iyon. Kagagaling lang kasi namin sa out of town kasama ang pamilya niya.

Kasalukuyan pa noong nagluluto si Kiel sa kusina namin dahil na rin sa request ko sa kanya na ipagluto kami.

Napakamot pa siya ng ulo nang makita niya ako na papasok sa kusina kasama ang nobya ko.

“Kuya napakaaga naman ng dating ninyo. Hindi pa nakahanda ang mesa.” nakasimangot na reklamo niya na ikinatawa ko naman.

Napasulyap si Kiel kay Natalie na sinundan ko rin ng tingin at napansin ko kung paano ito mangiti habang malalagkit na titig ang binibigay nito sa kapatid ko. Nakadama ako ng pagkainis pero sinarili ko na lamang iyon.

Napalunok na lang si Kiel at nagpatuloy na siya sa pagluluto. Hindi na niya pinansin pa ang kakaibang kilos ng girlfriend ko na ikinatuwa ko naman.

Pero kahit hindi siya pinansin ni Kiel nang araw na iyon ay nagsimula nang mabuo ang lamat sa pagitan naming magkapatid.

Mula pagkabata ay kadikit ko na si Kiel. Magkasundo kami sa lahat ng bagay at kapag napapagalitan kami ni Dad ay nagtatakipan kaming dalawa.

Hanggang sa magbinata kami ay wala kaming pinag-awayan ni Kiel na umabot sa seryosong awayan.

Madalas ay ako ang nagbibigay dahil ako ang panganay at may ugali si Kiel na kapag ginusto niya ay ginusto niya.

Mahilig din siyang magtampo at hindi na iniimik ang sino mang nakakagalit niya lalo na ang mga magulang namin sa tuwing napapagalitan siya. Kung hindi pa siya susuyuin ay hindi ka na niya kikibuin pa.

Kaya kami na lang ng mga magulang namin ang nag-aadjust sa kanya. Malambing at napakabuting kapatid naman kasi niya kapag nasusunod ang mga gusto niya.

Hindi mo siya kakikitaan ng masamang pag-uugali maliban sa pagiging moody niya.

Nang makapagluto na siya ay sinabihan ko siya na hayaan na sa katulong ang paghahanda ng pagkain para sa amin ni Natalie.

Hindi naman siya nagtanong pa at magalang naman siyang sumang-ayon saka na siya umakyat sa silid niya.

Nang gabing iyon ay hindi nakauwi ang parents namin dahil nasa one week trip sila para sa silver wedding anniversary nila.

Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon at magdamag kaming nagtalik sa loob silid ko. Nagpunla ako ng napakaraming katas ko sa loob ng puke niya dahil plano ko na siyang buntisin upang hindi na siya makatanggi sa proposal ko na dalawang beses na niyang pinigilan.

Dahilan niya ay hindi pa raw siya handa na magsettle down. Hindi pa raw niya nagagawa ang mga gusto niyang gawin para sa sarili niya.

Sinabi ko naman na kahit mag-asawa na kami ay hindi ko naman siya pipigilan sa mga gusto niyang gawin dahil ang gusto ko lang ay masecure ko na ang future namin at siya na talaga ang babaeng gusto kong makasama sa buhay.

Pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan ay palagi na lamang niya akong nirereject sa tuwing binubuksan ko ang tungkol sa plano ko na magpakasal kami.

Sa huli ay hinayaan ko na lamang siya at hindi ko na kinulit pa dahil baka maging dahilan lamang ng pag-aaway namin na ayokong mangyari.

Lumipas ang mga araw at hinintay ko ang resulta ng ginawa kong pagpunla ng binhi ko sa sinapupunan niya pero lumipas na ang ilang buwan ay hindi pa rin siya nagbubuntis.

Hanggang sa isang araw ay naisipan kong halungkatin ang mga gamit niya nang minsan ay magtalik kami sa loob ng silid niya.

Nagulat ako sa nakita ko. At the same time ay nakadama ako ng galit at sobrang pagkainis pero pinigilan ko ang sarili ko na ipakita iyon sa kanya.

Kaya pala hindi siya nagbubuntis ay dahil nagtetake siya regularly ng pills. Hinayaan ko siya at sinikap ko pa rin na isalba ang relasyon namin ngunit habang tumatagal ay lalo naman iyong rumurupok.

Hanggang sa isang araw ay nagsimula na rin siyang manlamig sa akin na halos hindi na siya nakikipagtalik.

Sinikap ko pa rin siyang intindihin pero hindi ko inasahan na darating kami sa punto na napapadalas na ang nagiging pag-aaway namin.

Dahilan niya sa akin ay palagi siyang pagod sa trabaho. Putang inang trabaho yan. Kung naging matagumpay lang sana ang sinimulan kong negosyo noon ay hindi ko na sana kailangan pang manliit sa kanya.

Lumipas pa ang mga araw at buwan ay halos mawalan na ng panahon sa relasyon namin si Natalie. Palagi na lamang ay sinasabi niya sa akin na may kailangan siyang asikasuhin kaya hindi siya makakasipot sa mga lakad namin.

Nagsimula na rin akong magtaka sa mga ikinikilos niya kaya sinimulan ko siyang manmanan.

Pero hindi ko inasahan ang nakita ko. Pumarada sa tapat ng bahay nila ang sasakyan ni Kiel. Nakadama ako ng galit pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

Kinuha ko ang cellphone ko saka ko tinawagan si Natalie pero hindi niya iyon sinagot. Ilang sandali pa ay nakita ko ang paglabas niya sa gate nang may ngiti sa mga labi.

Mabilis siyang humalik sa mga labi ni Kiel. Ang gagong kapatid ko naman ay nangiti sa ginawa niya saka na siya inakay ni Natalie papasok sa gate. Nakaangka pa siya sa kapatid ko habang masaya silang naglalakad.

Kumuyom ang mga kamao ko dahil sa sobrang galit sa nasaksihan ko. “Paano mo nagawa sa akin ito Kiel?” galit na sigaw ko habang nasa loob ako ng kotse saka ko pinagsusuntok ang kung ano mang parte ng kotse na matamaan ko.

Nagpalipas ako ng ilang sandali na nag-iisip ng gagawin bago ako mabilis na lumabas ng sasakyan at naglakad ako papasok sa bahay na iyon.

Marahan kong binuksan ang main door na hindi naman inilock ni Natalie dahil alam niyang wala naman papasok doon.

Sa sala ay naabutan ko sila. Wala nang suot pang-itaas si Kiel samantalang si Natalie ay nakapatong sa kandungan niya habang malanding nagpapagiling sa pagkalalaki ni Kiel.

Hindi nila ako napansin dahil sa init ng kanilang halikan. Hanggang sa mandilim ang paningin ko at mabilis akong lumapit sa kanila.

Hinila ko ang buhok ni Natalie na ikinabigla nila pareho. “Awwww!” tili niya saka siya marahas na sumulyap sa akin.

Lumarawan ang labis na pagkabigla sa magandang mukha niya at tila nawalan siya ng kulay.

“J-jordan?” nauutal na sambit niya sa pangalan ko.

“Kuya!” nabibigla ring sabi ni Kiel na noon ay umayos na ng pagkakaupo sa sofa.

Dahil sa galit ko ay itinulak si Natalie palayo sa amin. Bumalandra siya sa sahig at napapatili sa ginawa ko sa kanya.

Nagtangka namang abutin ni Kiel ang tshirt niya sa di kalayuan ngunit bago pa niya iyon nahawakan ay sunod-sunod na suntok na ang pinakawalan ko sa mukha niya.

“Tarantado ka kaya pala hindi na ako magawa man lang kitain ng girlfriend ko sinusulot mo na pala siya.” galit na sigaw ko habang walang tigil ako sa pagsuntok sa kanya.

Nakalapit naman sa amin si Natalie at pilit niya akong inilalayo kay Kiel pero mas malakas ako sa kanya.

Nakabawi ng balanse si Kiel at nang makatayo siya ay pinunasan niya ang dugong kumalat sa gilid ng putok niyang labi.

“Hindi na masaya sayo ang girlfriend mo kaya tantanan mo na siya. Tanggapin mo na lang na ako na ang gusto niya at hindi na ikaw.” galit din niyang sigaw sa akin.

Lalo naman nag-init ang ulo ko saka ko siya muling sinugod ng suntok pero sa pagkakataong iyon ay gumanti na siya sa akin.

Nakarating sa mga magulang namin ang nangyaring gulo sa bahay ng mga Serrano. At ang pinakamamahal kong si Natalie ay ipinatapon ng mga magulang niya sa ibang bansa.

Hindi nila binanggit sa akin kung saan siya dinala pero nakakasiguro ako na kumokontak pa rin siya kay Kiel. Mula noon ay hindi na ako nakarinig pa ng balita tungkol sa kanya.

Pinilit naman kaming pagbatiin ng mga magulang namin pero umabot din ng ilang buwan bago ko kinausap si Kiel.

Nanghingi naman siya ng tawad sa akin at sinubukan niyang magpaliwanag sa nangyari pero hindi ko na siya pinayagan pa na ituloy iyon.

Sinabi ko na lang na wala na sa akin ang lahat lalo na at hindi rin naman sila nagkatuluyan ni Natalie.

Nagbukas ang restaurant ni Kiel at lumipas lamang ang ilang buwan ay umunlad iyon. Bagay na ikinainis ko.

Bakit palagi na lamang si Kiel ang mas nakakaangat sa aming dalawa? Hindi ba pwedeng kahit minsan ay ako naman?

Napansin ni Daddy ang pagdaramdam ko dahil sa success ni Kiel kaya tinulungan niya akong magtayo muli ng sarili kong business. Binigyan niya ako ng puhunan at muli naman akong nagtayo.

Hindi nagtagal ay muli na naman akong nabigo dahilan upang lalong lumalim ang inggit at pagkainis ko sa kapatid ko. Pero hindi ako papayag na pagtawanan niya ako.

Hindi ko sinabi sa kanila na bumagsak na naman ang business ko. Gumawa ako ng paraan upang muli ko iyong maibangon. Hanggang sa makilala ko si Albert Morales.

Tunog ng cellphone ko ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Mabilis kong kinuha iyon mula sa bulsa ko. Napasimangot ako nang makita ko kung sino iyon.

Naiinis kong pinindot ang answer button.

“Hello!” bugnot na sagot ko.

“Pumunta ka sa unit ko ngayon na.” maawtoridad na utos ng nasa kabilang linya pagkatapos ay binaba na nito ang tawag.

“Putang ina!” sigaw niya saka niya pinagsusuntok ang pader.

Nakatitiyak ako na pagsasawaan na naman ng hayop na baklang pinagkakautangan ko ang katawan ko.

“Hayop ka talaga Albert kung alam ko lang ang kapalit ng lahat hindi na sana kita pinagkatiwalaan pa. Gago!” galit maktol ko bago ako naglakad palabas ng silid na iyon.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Flicker (Part 31)
Flicker (Part 31)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb_GyRn-e6NgB3biuivWIfIkzNJVTrovQSbWdiFSY-v3uIGjxlY9iM5XjmN62eGQVc63-n2h6Zd09bgF6qtUu_Jzb227BKTgO0bZRTzfkLTgNVyhOHyjkqFIQvzloN2bsn0GcDBDjO2F2V/s320/Flicker.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb_GyRn-e6NgB3biuivWIfIkzNJVTrovQSbWdiFSY-v3uIGjxlY9iM5XjmN62eGQVc63-n2h6Zd09bgF6qtUu_Jzb227BKTgO0bZRTzfkLTgNVyhOHyjkqFIQvzloN2bsn0GcDBDjO2F2V/s72-c/Flicker.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/09/flicker-part-31.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/09/flicker-part-31.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content