December 2016

You Light My Fire

By: Lord Iris

Habang binubutones ko ang coat at nakatingin sa salamin ay hindi ko na kilala ang lalakeng nasa harap ko.

Bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Para akong isang bagay na walang laman. Kasal ko na pero hindi ko kayang ngumiti at maging masaya dahil si Kith ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Nag-drive na ako papunta sa simbahan at naglakad papunta sa harap ng altar para hintayin ang babaeng papakasalan ko.

Habang tumitingin ako sa paligid ay punong-puno ng mga puting rosas.

Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon dahil gulong-gulo na ang isip ko.

Naramdaman ko na lang ang kamay na humawak sa braso ko at...

"Insan kung hindi ka pa sigurado dito ay pwede pa namang umatras." Seryosong sabi ng pinsan ko na si James.

Paano pa ako aatras kung magapapakamatay naman si Alexa kapag ginawa ko iyon.

"Raypaul. Wag kang magpadala sa takot mo. Wag mo hayaan na habang buhay kang mag-sisi." Seryosong sabi ni Dennis.

Tama siya. Habang buhay kong pagsisisihan ang bagay na ito pero may magagawa pa ba ako?

Dumating na ang isang puting sasakyan na puno ng rosas sa harapan nito. Nandiyan na pala si Alexa.

Lumabas siya ng kotse. Napaka-ganda nga niya talaga pero hindi siya kagaya ni Kith dahil si Kith ang anghel sa buhay ko.

Unti-unti siyang naglakad palapit sa altar and canon in d was played by the church pianist. Naalala ko kung gaano kagaling mag-piano si Kith.

Kaya pala lahat ng kanta niya ay damang-dama ko dahil lahat ng iyon ay para sa akin.

Napakalaki ng ngiti ni Alexa nang makarating siya sa harapan ko.

"Wala kang pagsisisihan. Mamahalin kita ng totoo kagaya ng binigay sayo ni Kith." Nakangiti niyang sabi.

Pero iba si Kith. Binigay niya ang lahat sa akin. Binibigay niya pati ang kalayaan ko na hindi magawa ni Alexa para sa akin.

Nag-iiyakan na sila James pati sila Peter at nagsasalita na ang pari para sa I do ceremony namin.

"Raypaul Velasco, do you take Alexa Carter to be your wedded wife, to live together in marriage? Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as long as you both shall live?"

Hindi ako makasagot. Napalunok na lang ako at tumutulo ang mga luha ko habang pinapakinggan ang pari.

"Raypaul ano ba? Sumagot ka nga!" Galit na sabi ni Alexa.

Tumutulo lang ang mga luha ko at hindi ko kayang magsalita kaya tinitigan na lang ako ng masama ni Alexa.

"Father. Ako po muna ang unahin niyo sa I do." Nakangiting sabi ni Alexa sa pari.

"Okay. Alexa Carter, do you take Raypaul Velasco to be your wedded husband to live together in marriage? Do you promise to love him, comfort him, honor and keep him for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health and forsaking all others, be faithful only to him so long as you both shall live?"

"Yes! Of course father!" Nakangiting sabi ni Alexa.

"Kung ganun uulitin ko ang sa groom. Raypaul Velasco, do you take Alexa Carter to be your wedded wife, to live together in marriage? Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as long as you both shall live?"

Hindi ko talaga kayang magsalita at nangingnig ang mga kamay ko. Hindi ko kayang ituloy ito.

"Raypaul. Alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari kapag hindi ka pa sumagot." Galit na sabi ni Alexa.

Nakatulala na lang ako sa altar.

Tumitig ako sa kanya at kitang-kita ko ang malaking pagkakaiba nilang dalawa ni Kith. Alam ko na ngayon na hinding-hindi ako magiging masaya sa kanya.

"Raypaul kapag hindi ka pa sumagot pagsisisihan mo ito!" Sigaw ni Alexa at rinig yun sa buong simbahan.

"Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako." Umiiyak kong sabi.

"Ano ba? Sumagot ka na lang kasi!" Sigaw niya sa akin.

Unti-unti akong tumitig sa kanya.

"Totoo ba?" Yun na lang ang nasabi ko sa kanya.

"Ang alin? Ano ba Raypaul nahihibang ka na!" Sigaw niya.

"Alam ko na ang lahat. Gusto ko lang na manggaling sa bibig mo." Galit kong sabi sa kanya.

Natahimik siya at kitang-kita ko ang panginginig ng katawan niya.

"Totoo ba? Ikaw ang sumira sa buhay ko, ikaw ang sumira sa aming dalawa ni Kith at ngayon gumagawa ka ng paraan para mapagpatuloy ang kademonyohan mo?" Galit kong sigaw at halatang nagulat ang mga bisita.

Umiyak lang siya sa harap ko. Siguro nagpapa-awa siya sa akin.

"Raypaul. Naalala mo na ba ang lahat?" Umiiyak niyang tanong.

"Hindi ko na kailangang maalala ang lahat dahil ang kailangan ko lang ay ang katotohanan." Seryoso kong sabi habang lumuluha.

"Raypaul. Magiging masaya ka naman sa akin eh." Umiiyak niyang sabi sa akin.

"Masaya? Wag mo akong patawanin. Sinasakal mo ako. Si Kith ay ibibigay niya ang lahat para lang mapasaya ako kahit pa ang kalayaan ko!" Sigaw ko sa kanya.

"Raypaul anak! Wag mong sigawan ang mapapangasawa mo!" Sigaw naman ng mga magulang ko.

"Isa pa kayo! Itinago niyo ang lahat ng katotohanan sa akin! Hindi niyo ba alam na may tao na unti-unting namamatay dahil sa ginawa niyo." Galit kong sabi pero umiiyak ako.

Natahimik na lang silang lahat.

"Raypaul please. Wag mo akong iiwan." Humahagugol na sabi ni Alexa sa akin.

"Hindi ko kayang magpakasal sa babaeng sumira ng buhay ko, sa babaeng minulat ang mga mata ko sa kasinungalingan at sa babaeng walang kaluluwa."

Naglakad na ako palayo sa altar pero ng subukan kong humakbang ay bigla na lang sumigaw si Alexa.

"Hindi mo alam ang ginagawa mo! Pagsisisihan mo ito!" Sigaw niya.

Wala na akong pakealam. Kailangan kong makita si Kith at wala na akong pake kung ano ang tama dahil puso ko ang paiiralin ko ngayon.

Habang tumatakbo ako palabas ng simbahan ay rinig ko ang mga iyakan ng mga bisita.

Wala na akong pake sa kanilang lahat.

Si Kith lang ang laman ng puso at isip ko ngayon dahil siya lang ang nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal.

Sumakay na ako ng kotse papunta sa tagpuan naming dalawa ni Kith.

Natanaw ko siya na nakatayo sa dulo ng bangin. Halos lumabas ang kaluluwa ko ng makita ko siya.

Bumaba kaagad ako ng kotse at naglakad ako palapit sa kanya.

"Kith. Nandito na ako." Umiiyak kong sabi.

Lumingon siya sa akin at kita ko ang pagpatak ng mga luha niya.

"Dumating ka. Totoo ba ito? Hindi ba ako nababaliw?" Umiiyak niyang tanong sa akin.

Lumapit na lang ako para yakapin siya ng mahigpit.

"Patawarin mo ako. Dapat matagal na kitang pinili." Umiiyak kong sabi.

Humigpit din ang pagkakayakap sa akin ni Kith.

"Naalala mo na ba ang lahat?" Humahagulgol niyang tanong.

"Hindi. Pero ang sabi ng puso ko ay ikaw ang lalabs ko." Nahihirapan kong sabi kahit na umiiyak ay napangiti ako.

"Hindi na kita iiwan Kith." Umiiyak kong sabi.

"Maraming salamat Raypaul ko." Humahagulgol na sabi ni Kith.

Kumalas kami sa pagkakayakap at tinitigan namin ang mga luha ng bawat isa. Si Kith ang totoo para sa akin. Siya lang ang mahal ko.

Unti-unting naglapit ang mga labi naming dalawa. Ang lambot ng mga labi niya. Ramdam ko ang pagmamahal sa kanya. Hindi lust ang naramdaman ko kagaya ng kay Alexa.

Bigla na lang kaming may narinig na pumalakpak.

"Well well. Akala niyo ba papayag ako na maging masaya kayo?"

Napatigil kami sa paghahalikan ni Kith at nakita naming dalawa si Alexa na may dalang baril. Lumaki ang mga mata ko at napuno ako ng takot.

Sira-sira na ang wedding gown na suot niya at nakakatakot ang hitsura niya dahil sa kalat na make up.

"Itigil mo na ito. Kahit kelan hindi ka magtatagumpay." Seryosong sabi ni Kith kay Alexa.

"Wala na akong pake. Kung hindi mapupunta sa akin si Raypaul ay hindi rin siya mapupunta sayo!" Tumatawang sigaw ni Alexa.

Mukha na siyang nababaliw.

"It's over. Wag mong hayaan na mapuno ako." Seryosong sabi ni Kith.

Kakaiba si Kith. Mukhang hindi siya natatakot at parang walang emosyon sa mukha niya.

"Ano pa bang laban mo? Papatayin ko na lang si Raypaul para wala tayong pag-agawan."

Itinutok ni Alexa ang baril sa akin pero bigla na lang humarang si Kith at niyakap niya ako ng mahigpit. Sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko at isang tinig ang lumabas sa bibig ni Kith.

"Mahal na mahal kita. Raypaul ko."

Pagkatapos bumaril ni Alexa ay bigla na lang siyang tumakbo at sumakay sa kotse niya. Naiwan kaming dalawa ni Kith at nakahiga ngayon si Kith sa hita ko.

"Kith! Kith! Please. Wag kang bibigay." Humahagulgol kong sigaw.

"Ray. Hindi ako bibigay." Seryosong sabi ni Kith.

"Kith. Wag ka na magsalita nabaril ka eh dadalhin kita sa hospital!" Umiiyak kong sabi.

"Wag na. Hindi na kailangan." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Kith! Wag kang ganyan! Wag mong sabihin yan!" Umiiyak kong sigaw.

Hinawakan niya ako sa pisngi at pinunasan niya ang mga luha ko. Parang walang takot sa mga mata niya.

"Raypaul." Seryoso niyang sabi.

"Kith. Wag ka nang magsalita kasi nahihirapan ka na." Umiiyak kong sabi sa kanya.

"Raypaul. Naka-bullet proof ako."

Parang napahinto ako sa sinabi niya at tinignan ko ang likod niya. Tama nga siya naka-suot siya ng bullet proof na vest sa loob.

"Akala ko iiwan mo na ako eh." Umiiyak kong sabi.

Niyakap niya ako ng mahigpit at...

"Naisip ko na kasi na kung pipiliin mo ako ay baka patayin tayo ni Alexa kaya naghanda ako." Sabi niya.

Matalino nga talaga siya. Sobrang natakot ako. Akala ko mawawala na naman siya sa akin.

"Hindi kita iiwan. Pero dito ka lang muna kasi may importante akong gagawin." Seryoso niyang sabi.

"Huh? Ano naman yun?"

"Magtutuos kami nung demonya." Seryoso niyang sabi at nakakatakot ang mga mata niya.

Bigla siyang tumayo at hinablot niya ang susi ko.

"Uy Kith! Wait lang!" Sigaw ko.

Pumasok siya ng mabilis sa kotse ko at pinaandar niya kaagad ang makina.

"Kith ano ba? Anong gagawin mo?" Natataranta kong tanong habang tinatapik ang salamin ng kotse.

Binaba ni Kith ang salamin ng kotse kaya nakita ko ang mukha niya.

"Babalik ako. Oras na para maningil ako." Seryoso niyang sabi.

Parang ang sama ng tingin niya at lumalim ang boses niya. Napalunok na lang ako at bigla niyang pinaharurot ang kotse kaya naiwan na lang akong mag-isa dito sa tagpuan namin.

Alexa POV

Hahahhaha ang sarap pala sa pakiramadam! Akala ko si Raypaul ang mamamatay pero si Kith pala pero ok lang dahil kilala ko si Raypaul at siguradong magpapakamatay yun kapag nawala na si Kith.

Binilisan ko ang drive at nakarating kaagad ako dito sa bahay nilapag ko muna sa table ang dala kong baril.

Tumakbo ako papunta sa kwarto para kunin ang mga gamit dahil tatakas na ako papunta sa ibang bansa. Hinanda ko na ang lahat bago ang kasal dahil alam ko na posibleng mangyari ito.

Ano bang akala ni Raypaul?

Magpapakamatay ako para sa kanya?

Nakakatawa. Mahal ko siya pero hindi ako tanga para isugal ang buhay ko dahil lang sa kanya.

Naayos ko na ang lahat at nailagay ko na sa maleta ang mga gamit ko.

Umulan bigla ng malakas sa labas at ang lakas ng kulog at kidlat. Mukhang may bagyo ngayon.

May narinig akong malakas na putok ng baril. Alam ko na baril yun!

Sumilip ako sa bintana at nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko ang guard namin na duguan.

Tumitindi ang kaba ko. Walang ibang tao sa bahay at wala akong nakikita kundi ang duguang guard at ang bukas na gate namin.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at tahimik akong pumunta sa table pero lalong tumindi ang takot ko ng makita ko na wala na doon ang baril na dala ko kanina.

Nininerbiyos na ako sa takot.

Ano bang nangyayari ngayon dito?

Pagtalikod ko ay bigla na lang may sumulpot na dalawang lalake na naka-itim sa harapan ko at may dala silang mga baril.

Natakot ako ng sobra at tatakbo sana ako sa gilid pero meron ding mga lalake doon na may dalang baril at karamihan sa kanila ay puro tattoo.

"Anong gagawin niyo?" Kinakabahan kong tanong.

"Baishunpu!" Sigaw niya.

Ano yun? Hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi nung lalakeng may tattoo.

Naiiyak na ako sa takot. Narinig ko ang pag-yabag ng mga paa pababa ng hagdan kaya napatingin ako doon.

May lalakeng nakasuot ng jacket na may hood at may dala siyang katana tapos bumaba siya sa hagdan. Unti-unti niyang tinanggal ang hood at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha ni Kith.

"Bu.bu.hay ka? Paano?" Nauutal kong tanong sa kanya.

Lumapit siya sa akin. Nakakatakot at parang walang bakas ng sakit ang mga bala na binaril ko sa kanya kanina.

"How can you still stand?" Kinakabahan kong tanong.

"Hindi ako ang tao na kaya mong patayin alexa."

Ang lalim ng boses niya at ibang-iba siya ngayon. Dahil ngayon ko lang nakita siyang ganito.

"Anong gagawin mo?" Natatakot kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot at yung dating mukha niya na mala-anghel ay naging nakakatakot at kitang-kita ko na ibang tao na siya. Lumapit siya sa akin at napa-atras ako sa lamesa.

"Anong gagawin mo? Tulong!" Malakas kong sigaw.

Itinutok niya bigla ang hawak niyang katana sa leeg ko kaya napahinto ako sa pag-sigaw.

"If you dare to speak again. I'm going to cut your throat."

Nakakatakot siya. Napalunok na lang ako at nakatutok pa rin ang matulis na espada sa leeg ko kaya hindi ako makagalaw. Hawak niya ang baril ko sa kabilang kamay niya.

"I warned you before but you never listen to me."

Nakakatakot talaga siya! Mas nakakatakot pa siya kay Kagura dahil hindi ko inaasahang ganito siya.

"Please. Spare me." Naiiyak kong sabi sa kanya.

Bigla niyang hinampas ang baril sa ulo ko at unti-unti na lang akong nahilo dahil sa lakas nun.

"Isakay niyo siya sa kotse. Dalhin niyo siya sa special room ng casino."

Napapikit na lang ako at naramdaman ko ang pagbuhat sa akin ng mga lalake.

---

Unti-unti kong binubuksan ang mga mata ko pero wala akong maaninag dahil nahihilo ako. Naramdaman ko ang mahigpit na mga kadena sa mga kamay ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng tubig na binubos sa mukha ko.

"Good evening. Ms. Alexa Carter welcome to the darkest side of me." Nakangiting sabi ni Kith.

Nakakatakot ang ngiti niya. Parang ngiti na papatay ng tao.

"Please. Lalayo na ako pakawalan mo lang ako." Nagmamaka-awa kong sabi.

Naglakad siya palapit sa akin at pinapadaan niya ang sobrang talas na blade ng katana sa katawan ko dahilan para tumayo ang mga balahibo ko.

"Alam mo. Ok lang sana kung ako na lang ang binaril mo eh kasi expected ko yun pero si Ray ang tirada mo. Hindi kita papatawarin."

Nakakatakot talaga siya. Tumatayo ang mga balahibo ko dahil sa kanya.

"Papatayin ka ng papa ko kapag may ginawa ka sa akin!" Matapang kong sigaw kahit kinakabahan ako.

Tumawa lang siya ng malakas at...

"Hahahhahah too late for that. Nauna na siya sa impyerno."

Tumulo na lang ang mga luha ko at hindi ko matanggap na pinatay niya din ang papa ko. Bigla niyang tinutok ang baril ko sa ulo ko.

"Walang hiya ka! Pati papa ko dinamay mo pa dito!" Umiiyak kong sigaw sa kanya.

"No. Di ko siya pinatay. Inatake lang siya sa puso."

Napaka-sama niyang tao.

"Say hello to him."

Napapikit na lang ako sa takot. Tama mamamatay na ako ngayon.

Narinig ko na ilang beses niya kinalabit ang baril pero walang putok o di kaya bala na lumabas.

"Oh. Your so cute Alexa. Natatakot ka talaga." Natatawa niyang sabi.

"Ano bang gagawin mo? Patayin mo na lang ako!" Umiiyak kong sigaw.

"I will not waste a bullet for you. Your life is not worthy for my sword either." Seryoso niyang sabi.

"Patayin mo na ako!" Sigaw ko.

Umiiyak na lang ako sa takot. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at nanlilisik ang mga mata niya.

"I will give you a punishment more than death. I want to see you suffer." Nakangiti niyang sabi.

Nanginig ang katawan ko sa takot.

"I'm so rich! I'm very powerful man! Ang you're just a cheap whore who ruined my life." Sigaw niya sa akin.

"Hindi ako natatakot sayo!" Sigaw ko.

"Hahahhah really? Eh bakit nanginginig ka sa takot?"

"Ano ba kasing balak mo sakin? Patayin mo na lang ako." Umiiyak kong sabi.

"Sisirain ko ang katawan mo tapos sisirain ko ang pagka-babae mo at sisirain ko ang utak mo."

Nang-gigigil na siya. Bigla niyang sinalampak ang baril sa bibig ko. Halos masuka ako sa ginawa niya.

"Masarap ba sumubo alexa?"

Umiiyak na lang ako at diniin niya pa sa bibig ko ang baril. Unti-unti niyang tinanggal ito at hinampas niya sa bibig ko. Naramdaman ko ang pagputok ng labi ko sa sobrang sakit.

"Akala ko mabait ka pero hindi pala! Your a devil! Demonyo ka! Demonyo ka talaga!" Malakas kong sigaw.

"Of course I am!" Seryoso niyang sabi.

"Whenever I'm with my friends. I put a damper on my anger because I don't want them to see my true color."

"Tama na please. Maawa ka." Umiiyak kong sabi.

"Hindi pa ako nag-uumpisa."

Napatitig na lang ako sa kanya at puro galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Sobrang nakakatakot siya.

Sumenyas siya sa isang lalake at lumapit naman ito kaagad sa kanya.

"Get some heroin and crack cocaine."

Nanlaki na lang bigla ang mga mata ko sa narinig ko.

"No! Please wag! Alam ko ang epekto nun wag mong gawin please!" Sigaw ko habang nagpupumulit akong kumawala sa mga kadena.

Ngumiti lang siya sa akin at...

"Those drugs are for your main course. But now. I will give your appetizer."

Naglakad palayo si Kith at umupo siya sa isang upuan.

"Have fun with her. Manunuod lang ako dito."

Lumapit ang mga lalake sa akin at naghuhubad sila ng damit.

"Wait. Anong gagawin niyo? Wag! Wag niyong gagawin yan."

"Aaaaaaahahahhhhhhh!"

Third person POV

Makalipas ang isang linggo ay naging maayos na ang lahat at nagkita ang mga magkakaibigan sa cafe na dati nilang tambayan nung sila ang nasa college pa lang.

Malaki na ang pinag-bago ng bawat isa sa kanila at meron na silang kani-kaniyang buhay pero hindi pa rin nagbago ang samahan nila.

"Kith! Masaya ako na nakikita kita ngayong nakangiti." Masayang sabi ni Rogue kay Kith.

"Alam mo naman na si Raypaul ko lang ang magpapasaya sa akin eh." Nakangiting sabi ni Kith habang kumakain ng cake.

Biglang inakbayan ni Raypaul si Kith at hinalikan ng mariin sa pisngi.

"Ikaw lang din ang nagpapangiti sa akin lalabs ko." Nakangiting sabi ni Raypaul na ikinapula ng mukha ni Kith.

"Hoy! Wag nga kayong PDA nasa cafe tayo eh!" Biglang sabat ni James.

"Sus manahmik ka nga! Inggit ka lang sa amin ni Kith eh hahah." Tumatawang sabi ni Raypaul.

"Raypaul? Bumalik na ba ang memories mo?" Nagtatakang tanong ni Dennis.

"Hindi. Pero ang alam ko lang ngayon mahal ko si Kith." Nakangiting sabi ni Raypaul.

Ngumiti din si Kith at namumula na ang mga pisngi niya.

"Kith hanggang ngayon namumula ka pa din sa mga banat ni Raypaul?" Natatawang tanong ni James.

"Bakit ba? Eh si Raypaul lang naman ang nakakagawa nito sakin eh." Sabi ni Kith na parang bata.

"Hoy ikaw Raypaul ah! Umayos ka at kapag sinaktan mo ulit yan si Kith yari ka talaga sakin." Seryosong sabi ni Rogue.

"Di ko na gagawin yun." Nakangiting sabi ni Raypaul.

"Rogue. Malay mo malapit mo na mahanap ang para sayo. O malay mo katabi mo na pala." Natatawang sabi ni Kith.

Napatingin si Rogue sa katabi niya na si James at naisip niya na babaero ito tapos sa kabila naman ay si Peter. Namula bigla si Rogue nung napasulyap siya kay Peter.

"Aaaaayyyyyiiiieeee!" Sabay na sabi ng mga magkaka-ibigan.

Yumuko lang si Rogue at ganun din si Peter kaya parang may kakaiba talaga sa kanilang dalawa.

"Bagay kayo. Ang gwapo mo kasi Rogue mukha kang korean superstar kahit hapon ka tapos si Peter naman model na ng casino ni Kith." Nakangiting sabi ni Kagura.

"Hala! Namumula sila hahahah." Natatawang sabi ni Vincent.

Nagtawanan na naman silang lahat at hindi umiimik si Rogue at Peter sa mga upuan nila.

"Tama na nga yan! Ibang topic na nga lang ang pag-usapan!" Biglang sabi ni James na parang galit.

Natahimik silang lahat sa sinabi ni James at si Dennis naman ay sinisipat ang ugali ni James. Nagtataka si Dennis kung bakit nainis bigla si James sa pang-aasar nilang lahat kay Rogue at Peter.

"Ehem! Siya nga pala. Nabalitaan niyo ba yung nangyari kay Alexa?" Seryosong tanong ni Vincent.

Parang naging seryoso silang lahat sa tanong ni Vincent.

"Oo. Pero hindi ko nga alam kung ano nagyari sa babaeng yun eh." Sabi naman ni Dennis.

"Bakit? Ano ba nangyari kay Alexa?" Seryosong tanong ni James.

"Nabaliw daw siya tapos napag-alaman na nag-drugs pala siya kaya nasa rehab siya ngayon. Tapos sigaw siya ng sigaw na may papatay daw sa kanyang demonyo." Seryosong sabi ni Vincent.

"Siguro karma niya na yun!" Naiinis na sabi ni Raypaul.

Biglang napatitig si Kagura kay Kith at umiwas naman ng tingin si Kith sa kanya. Bigla na lang nagsalita si Kagura.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Seryosong tanong ni Kagura kay Kith.

Napatitig din silang lahat kay Kith pero naging seryoso lang ang mukha ni Kith.

"Hindi niyo gugustuhing malaman." Seryosong sabi ni Kith.

Nabalot sila ng pagtataka sa naging sagot ni Kith.

"Gumanti ka sa kanya?" Seryosong tanong ni Raypaul kay Kith.

"Kasi. Kasi tinangka ka niyang patayin. Ok lang sana kung ako eh. Hindi ko kayang manahimik sa pagtangka niya sa buhay mo." Seryosong sabi ni Kith kay Raypaul.

"I see. Naiintindihan kita at sobra na din ang ginawa ni Alexa sa atin." Nakangiting sabi ni Raypaul.

"You have a dark side inside you." Nakangiting sabi ni Dennis kay Kith.

Ngumiti lang din si Kith kay Dennis at parang sila lang ang nagkaka-intindihan kaya nagtataka ang magkakaibigan sa kanila.

"Ehem! Wait lang guys. May sasabihin akong importante." Kinakabahan na sabi ni Vincent.

Napatitig ang lahat kay Vincent at parang hindi mapakali si Vincent sa sasabihin niya.

"Ano yun? Sabihin mo na." Naiinip na sabi ni James.

"Uuhhhmmm kasi. Wag sana kayong mabibigla ah." Kinakabahan na sabi ni Vincent.

"Gosh! May gusto ka kay Alexa!" Biglang sigaw ni Peter.

"Tanga hindi! Imposible yun." Natatawang sabi ni Vincent.

"Binibiro lang kita. Ano ba ang importante na yan at kinakabahan ka talaga?" Natatawang sabi ni Peter.

"Kasi guys." Di matapos na sabi ni Vincent.

Nakatitig lang ang lahat sa kanya at huminga ng malalim si Vincent. Hinawakan niya ang kamay ni Kagura at bigla na lang.

"Ikakasal na kami." Nakangiting sabi ni Vincent.

Napa-nganga silang lahat at halatang gulat na gulat sila sa nabalitaan nilang lahat kay Kagura at Vincent. Nakayuko lang si Kagura at Vincent.

"Walang hiya ka Kagura! Punyemas ka akala ko ba magkapatid ang turingan natin ni Rogue? Bakit hindi mo sinabi sa amin? Hindi nga namin alam na may relasyon pala kayo niyan ni Vincent eh!" Mabilis na sabi ni Kith na halatang nabigla.

"Sorry. Ayokong sabihin sa inyo ni Rogue kasi nga ang drama niyo nitong mga nakaraang buwan pero alam naman ito ni papa. Payag siya." Nakangiting sabi ni Kagura.

"Kaya pala di ka nagpapakita sa amin ni Kith. Eh bakit di ka pumupunta sa condo ni Kith?" Tanong naman ni Rogue kay Kagura.

"Kasi. Kasi buntis ako baka makasama sa baby."

Lalong napa-nganga ang lahat sa sinabi ni Kagura at natahimik na lang sila bigla.

"Ang lufet niyo ni Vincent! Ni minsan hindi kami naka-halata." Natatawang sabi ni James.

"Ako din buntis na eh." Natatawang sabi ni Kith.

Natawa din silang lahat sa sinabi ni Kith at hindi sila tumitigil.

"Grabe lalabs! Wala pa nga nangyayari sa atin buntis ka na agad? Sino ang ama niyan? Umamin ka!" Natatawang sabi ni Raypaul.

"Eto naman! Joke lang yun!" Natatawang sabi ni Kith.

"Ano? Sino pa ba ang may dapat aminin dito?" Sabi naman ni Dennis.

"Huy James! Umamin ka na kasi!" Biglang sabi ni Raypaul.

Umiwas ng tingin si James sa kanila.

"Luh! May tinatago siya." Natatawang sabi ni Vincent.

Hindi na umiimik si James at parang may tinatago talaga siya.

"Guys. Halika na alis na tayo dito." Nakangiting sabi ni Raypaul.

"Raypaul ko. Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Kith.

"Secret. Hahahaahah." Sabay sabay na sabi nilang lahat.

Nagtataka lang si Kith at mukhang wala talaga siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.

Umalis na sila ng cafe at sumakay sila sa mga kotse nila. Pumunta sila sa isang tahimik na lugar.

Bumaba sila sa isang malawak na burol na puro bermuda. Malamig at malakas ang simoy ng hangin at papalubog na din ang araw.

"Aaaaayyiiieee! Mukhang kikiligin ako ng sobra dito ah." Nakangiting sabi ni Peter.

"Di mo moment to. So shut up na ka na lang." Sabi ni Raypaul.

Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Raypaul pero nagtataka pa rin si Kith sa nangyayari.

"Raypaul bakit nandito tayo?" Nagtatakang tanong ni Kith.

Hindi sumagot si Raypaul at naging seryoso lang ang mukha niya. Samantala naman ay tahimik lang ang mga kaibigan nila.

Bigla na lang may tumugtog na violin at lumabas ang mga musikero. Nagtataka si Kith sa mga nangyayari at napatitig siya kay Raypaul. Nakita niya na parang naiiyak si Raypaul.

"Kith. Una sa lahat gusto ko lang na humingi ng tawad sayo sa lahat ng pagkakamali, pagkukulang at mga pananakit ko sayo na hindi ko sinasadya." Naluluhang sabi ni Raypaul.

"Ray. Your all worthy. Kahit gaano kahirap titiisin ko para sayo, kahit gaano kasakit dadalhin ko para sa iyo. Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil mahal kita." Seryosong sabi ni Kith.

"Kith. Salamat sa lahat ng mga ginawa mo para sa akin. Ang tanga ko na hindi ko kaagad nakita kung gaano mo ako kamahal." Naiiyak na sabi ni Raypaul kay Kith.

"Wala kang dapat ipagpasalamat. Kahit maulit ulit ito ay gagawin ko makita ko lang ang mga ngiti mo." Naiiyak na sagot ni Kith.

Kinuha ni Raypaul ang kamay ni Kith at inilagay niya ito sa puso niya.

"Ngayon alam ko na. Kahit ilang beses pa akong magka-amnesia ay hindi ka makakalimutan ng puso ko dahil ikaw lang ang tinitibok nito. Hindi ko man maalala ang lahat ay gagawa tayo ng panibagong memories yung mas masaya yung. Yung hindi na tayo malulungkot." Sabi ni Raypaul at pumatak na ang mga luha niya.

"Raypaul naman eh. Naiiyak na ako sayo eh. Pero kahit ilang balde pa ng luha ay ibubuhos ko para sayo. Baliw na ako sayo. Mahal na mahal kita." Sabi ni Kith at pumatak na ang mga luha niya.

"I don't care if you have a dark side because I will love you forever. Yung buong-buo na ikaw. Lahat naman tayo may kamalian pero sa akin ay perpekto ka. Hindi ko inaasahan na maiinlove pala ako sa isang lalake. Pero ikaw yung lalakeng wagas magmahal. Wala akong pakealam kung hindi tayo magka-anak dahil ikaw palang ay sobra-sobra na para sa isang kagaya ko." Umiiyak na sabi ni Raypaul kay Kith.

"Raypaul ko. I don't care about your pervert actions, about your childish behavior and your naughty attitude. Because I will always love you in all your forms, in all your sins, in all our smiles and tears. The word happiness would loose it's meaning if it is not balanced by sadness." Umiiyak na sabi ni Kith kay Raypaul.

Hindi na rin mapigilan ng mga kaibigan nila ang maluha dahil sa emosyon ng dalawa at lalo pang nakaka-dagdag ang musika.

"Kith lalabs ko. Ikaw ang nagparamdam sa akin ng totoong kasiyahan. Ikaw ang anghel sa buhay ko at hindi mo ako iniwan kahit kelan kaya simula ngayon ay hinding-hindi na kita iiwan dahil gusto ko na maging akin ka lang at ako ay pagmamay-ari mo lang."

Lumuhod ang kanang tuhod ni Raypaul kahit na umiiyak siya at kinuha niya ang isang maliit na kahon na kulay pula sa bulsa niya. Binuksan niya ito at unti-unting iniharap niya kay Kith.

"Kith simula ngayon hindi na kita sasaktan dahil magsasama na tayong dalawa at simula ngayon ay ako naman ang magpapasaya sayo. WILL YOU MARRY ME?" Sabi ni Raypaul sa basag na boses.

Napatakip na lang ng mukha si Kith at humahagulgol na siya sa kaka-iyak dahil hindi siya maka-paniwala sa lahat ng nangyayari.

"Ray. Raypaul ko." Nahihirapang sabi ni Kith sa sobrang iyak.

"Please Kith. Sumagot ka na dahil simula ngayon ay ako na ang magsasakripisyo para sayo dahil mahal na mahal kita at ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay." Humahagulgol na sabi ni Raypaul.

"Oo. Syem.pre payag ako." Nahihirapang sagot ni Kith sa kakaiyak.

Tumayo si Raypaul at nangingnig ang mga kamay nilang dalawa ng unti-unti niyang nilagay ang singsing sa daliri ni Kith.

Nagyakapan lang nang mahigpit ang dalawa at hindi sila tumitigil sa kakaiyak dahil sa sobrang saya. Sila ang nagpatunay ng totoong ibig sabihin ng pagmamahal. Yung wala kang kinikilalang kasarian at yung isasakripisyo mo ang kaligayahan mo para lang sa taong mahal mo.

Hinarap ni Kith ang mukha niya kay Raypaul at hinawakan niya ito sa mga pisngi.

"Raypaul ko. Maraming salamat at hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Ikaw ang nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo. Ikaw ang lumitaw na bahag-hari pero nung nawala yun ay muli din palang lilitaw ang araw na magbibigay ng liwanag sa buhay ko." Umiiyak na sabi ni Kith kay Raypaul.

"Kith lalabs ko. Hindi ako matatakot na humarap sa kahit na anong bagyo dahil alam ko na nandiyan ka lang at hinding-hindi mo ako iiwan kahit kelan dahil mamamatay tayong magkasama. Till death do us part."

"Sige. Aagawin ko ang kalawit ni kamatayan kapag kinuha ka niya sa akin dahil hindi ako papayag. Mahal na mahal kita Raypaul at hinding-hindi ako magsasawa na sabihin yun ng paulit-ulit sa iyo dahil yun ang sinisigaw ng puso ko." Umiiyak na sabi ni Kith.

"Kith. Alam ko na hindi mali ang magmahal sa kapwa lalake at alam ko na may basbas tayo ng Maykapal dahil alam ko na kitang-kita niya kung gaano natin kamahal ang isa't-isa at wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama ka."

Pinunasan ni Raypaul ang mga luha ni Kith gamit ang kaniyang mga daliri at itinuro niya bigla ang dagat.

"Kith. Nakikita mo ba yung yatch na yun?" Tanong ni Raypaul.

Tumango lang si Kith at...

"Eto ang susi. Regalo ko yan sayo eh." Nakangiting sabi ni Raypaul.

"Grabe! Mahal yun ah!"

"Ok lang. Mahal kita eh." Nakangiting sabi ni Raypaul.

"Uuuhhmmmm. Nakikita mo ba ang mga isla na yun?" Tanong naman ni Kith kay Raypaul.

"Oo bakit?"

"I already bought this whole archipelago for our future."

Napanganga bigla si Raypaul.

"Se.seryoso ka?" Tanong niya.

"Oo naman. Dito natin itatayo ang mansion nating dalawa." Nakangiting sabi ni Kith.

Nagyakapan silang dalawa at naglapit ang labi nila sa isa't-isa. Kitang-kita ang nag-aalab na pagmamahal nilang dalawa sa bawat isa na walang makakapantay higit kanino man.

"I love you Kith. You light my fire."

"I love you more Raypaul Velasco. You set our hearts on fire."

The End

Author's Note

Hi everyone! Thank you po ulit sa lahat ng nagbasa at sumuporta. Sana po ay nagustuhan ninyo. I love you all and God bless us all.

You Light My Fire

By: Lord Iris

Maraming-maraming thank you po talaga sa lahat ng nag-aabang, sumusuporta at nagbabasa. Mahal na mahal ko kayong lahat.

This story is truly came from my heart. Sana magustuhan niyo itong ending. Let me offer you this finale.

Raypaul POV

Malapit na ang kasal ko at hindi ko pa rin nakaka-usap si Kith. Gusto kong itanong ang lahat ng dapat kong malaman. Gusto kong malaman kung ano ang tinatago nila.

Magkasama kami ni Alexa na pumipili ng bulaklak para sa kasal naming dalawa.

"Raypaul? Anong gusto mong flowers sa kasal natin? Sa akin kasi kahit ano basta kulay puti." Nakangiting sabi ni Alexa.

Bigla na lang akong napa-isip.

Parang bigla na lang akong may narinig na mga salita sa utak ko.

"Kung gusto mong pakiligin si Kith. Bigyan mo siya ng white roses."

"Kith para sayo to."

"Salamat.paano mo nalaman na gusto ko ng white roses?"

"Secret. Nagustuhan mo ba?".

"Syempre naman.gustong-gusto ko".

Nahihilo ako. Bigla na namang sumakit ang ulo ko kaya napahawak na lang ako dito.

"Raypaul? What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Alexa.

"Nahilo lang ako. Don't worry, I can handle this." Nakangiti kong sagot.

"So. Anong flowers gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"White roses. Because it symbolizes purity and innocence." Sagot ko at parang wala ako sa sarili.

"Wow! Saan mo naman nalaman?" Nagtataka niyang tanong.

"Ewan. Basta bigla ko na lang naalala." Naguguluhan kong sabi.

Parang nanlaki ang mga mata ni Alexa at napalunok siya.

"Bakit? May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya kasi mukha siyang di mapakali.

"Wala! Uwi na tayo kasi pagod na ako." Seryoso niyang sabi.

She act so weird. Hinatid ko na lang siya sa bahay nila at nag-drive na ako papunta doon sa bahay ko.

Bigla na lang may pulang Ferrari ang humarang sa kotse ko at mukhang ayaw akong padaanin.

Nakaka-inis! Sinadya talagang iharang yung kotse!

Lumabas ako at kakausapin ko yung tao sa loob nun. Nabigla ako ng lumabas din yung nasa loob at kay Rogue pala ang kotse na yun.

"What's your problem?" Inis kong tanong sa kanya.

Lumapit siya sa akin at bigla niyang hinablot ang kwelyo ko.

Nakakatakot. Bigla niyang nilapit ang mga mata niya sa akin at mukhang papatayin niya ako.

"I really really hate you!" Sigaw niya sa pagmumukha ko.

Naguluhan ako pero natatakot ako sa ginagawa niya.

Tinulak niya ako bigla kaya napasandal na lang ako sa kotse ko.

And the next thing I saw from him was tears.

Bakit umiiyak siya? Bigla na lang siyang umiyak kaya lalo akong naguguluhan sa kanya.

"Raypaul. Please kailangan kong magmaka-awa sayo ngayon." Umiiyak niyang sabi.

Galit siya kanina pero nagmamaka-awa siya sa akin?

He look so depressed.

"Si Kith. Alagaan mo siya. Kailangan ka niya ngayon." Humahagulgol niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko at bigla na lang akong nakaramdam ng kaba at matinding takot.

Naalala ko yung napanagnipan ko kaya nanginig bigla ang mga kamay ko sa kaba.

"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" Kinakabahan kong tanong.

"Pumunta ka na lang sa condo niya." Umiiyak na sabi ni Rogue.

Pumasok na siya sa kotse niya at ganun din ako.

Nag-drive kami papunta sa condo ni Kith at lalong tumatayo ang mga balahibo ko dahil sa kaba. Natatakot na naman ako.

Nang makarating kami sa building ay wala kaming kibuan ni Rogue hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto ni Kith.

Nanginginig ang kamay ko nang buksan ko ang pinto.

Pumasok kami sa loob at pumunta kami ni Rogue sa kwarto ni Kith.

Nakita ko si Kith na natutulog at merong tela na nakabalot sa wrist niya kaya naisip ko na.

"Kaninang umaga. Pagdating ko dito ay nagtangka siyang mag-suicide." Naluluhang sabi ni Rogue.

Hindi ko alam ang iisipin.

"A.nong gi.nawa niya?" Nauutal kong tanong kay Rogue.

Lalong bumuhos ang mga luha ni Rogue at.

"Nakita ko yung katawan niya na nakahiga sa ibabaw ng piano. Puro dugo dahil nilaslas niya ang pulso niya." Sabi ni Rogue na basag ang boses.

Tumitig na lang ako kay Kith.

Maluha-luha na din ako. He is so important to me. Mahal na mahal ko siya kaya ayokong nakikita na nagkakaganito siya. Nadudurog ang puso ko.

Nanginginig ang mga tuhod ko ng unti-unti akong lumapit sa kanya.

I sit on a chair beside him.

Tinitigan ko siya at bigla na lang tumulo ang luha niya kahit natutulog siya kaya parang napipilas ako.

Napatakip na lang ang kamay ko sa bibig ko at naramdaman ko ang sunod-sunod na patak ng mainit na luha ko.

Ayokong makita na ganito siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko iyon ng mariin. Pagkatapos ay nilagay ko ang kamay niya sa pisngi ko at naramdaman ko ang init sa mga palad niya.

I want to hold his hands forever.

"Ra. Ray." Bulong ni Kith habang natutulog.

Lalo lang akong naiiyak dahil binabanggit niya ang pangalan ko.

Dumilat ang mga mata niya at napatitig na lang siya sa akin. Pagkatapos ay umiwas na siya ng tingin at nakatulala siya.

"Kith. Bakit mo ginawa ito?" Naluluha kong tanong sa kanya.

"Ayoko na eh." Seryoso niyang sagot.

"Wag mo ng ulitin ha?" Sabi ko.

Wala siyang sagot at nakatulala lang siya sa ere. Alam ko na posibleng ulitin niya ulit ito.

"Kith. Aalagaan kita ngayon." Umiiyak kong sabi habang hinahalikan ang kamay niya.

"Pagkatapos. Aalis ka rin at iiwan mo rin ako." Seryoso niyang sabi habang nakatulala.

Parang lalo akong nadurog. Ang sakit pala marinig nun kasi galing sa kanya.

"Diba kahit kasal na ako ay magiging bestfriend pa din kita?" Nasasaktan kong tanong sa kanya.

Hindi na naman siya sumagot at nakatulala na naman siya sa hangin.

Unti-unti niya binawi ang kamay niya sa akin kaya napabitaw na lang ako.

"Raypaul. Kailangan mo ba ako?" Seryoso niyang tanong.

"Oo naman! Ayokong mawala ka." Umiiyak kong sabi.

Tumulo ang mga luha niya habang nakatulala at hindi kumukurap tapos bigla na lang.

"Do you really want to know the truth inside this lie?" Seryoso niyang sabi.

Napalunok na ako. Lalo akong kinabahan at napatitig na lang ako sa kanya. Gusto ko ng malaman ang lahat-lahat.

"Ano ba ang dapat kong malaman?" Naguguluhan kong tanong.

"You really love her right? I know. I can see it in your eyes because. You used to look at me like that before." Naluluha niyang sabi.

"What. Do you mean by that?" Naguguluhan kong tanong.

"Mahal mo ba ako?" Umiiyak niyang tanong sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Natahimik na lang ako bigla.

Yumuko si Kith at umiiyak na siya.

"Ako kasi. Mahal na mahal kita." Umiiyak niyang sabi.

Para akong binuhusan ng tubig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya at puno ng tanong ang utak ko.

Mahal na mahal kita. Paulit-ulit yun na narinig ko sa isipan ko. Hindi na ako makapag-salita at lalo lang akong naiiyak.

"Do you really love me?" Umiiyak kong tanong sa kanya.

"I really do. Mahal na mahal kita Raypaul ko." Humahagulgol niyang sabi sa akin.

Raypaul ko? Parang narinig ko na yun dati. Lalong bumuhos ang mga luha ko at naguguluhan na ako.

Should I say that I really love him?

"Pero sabi mo. May lalake kang mahal bago mo pa ako nakilala." Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Yes. And it was you." Seryoso niyang sabi sa akin.

Para akong hihimatayin sa sinasabi niya sa akin.

"All this time? It was me?" Tanong ko sa basag na boses.

"Oo. Yung lalakeng minahal ko ng sobra. Yung lalakeng gagawin ko ang lahat para lang sumaya at yung lalakeng ikakasal na." Nakatulala niyang sabi sa akin.

Yumuko ako at nanginig na ang katawan ko sa mga sinabi niya. Hindi na humihinto ang mga luha ko.

"But why? How?" Gulong-gulo na tanong ko sa kanya.

"Sabi mo. Gusto mong malaman ang totoo. Kaya ngayon sinasabi ko ito." Seryoso niyang sabi.

Mahal na mahal ko siya eh. Pero ikakasal na ako.

"You never know something about us. About our story." Seryoso niyang sabi sa akin.

Ayoko na. Natatakot akong malaman ang totoo.

"Hindi pwede. Ayoko ng marinig." Umiiyak kong sabi.

"Nagkakilala tayo nung senior high and I was amused with you on the first time I saw you in the hallway." Seryoso niyang sabi.

Sumakit bigla ang ulo ko.

"And then. We became bestfriends."

Ayoko ng marinig. Sumasakit ang ulo ko at nahihilo ako.

"Stop please!" Sigaw ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa tenga.

"And then. Your girlfiend cheated over you."

Biglang sumakit ng todo ang ulo ko at hindi ko na kaya.

"Ayoko ng marinig! Tama na!"

Tumakbo ako palabas ng condo niya at pumunta ako sa may kotse ko.

Gusto kong malaman ang totoo pero sobrang sumasakit ang ulo ko kapag may naririnig ako na tungkol sa nakaraan ko.

Ano na ang gagawin ko? Ang gulo-gulo dahil gusto ko talagang malaman ang totoo pero natatakot ako at sumasakit bigla ang ulo ko na parang binibiyak.

He already said that he loves me.

It was late. Ikakasal na ako.

Mahal na mahal ko si Kith. Ayokong nakikita na ganun siya lalo pa at ako pala ang may kasalanan. I want to comfort him and I want to show my love for him pero ayoko ding saktan si Alexa kahit pa mas mahal ko si Kith.

Kith POV

Akala ko kapag sinabi ko ang lahat sa kanya ay maayos ang lahat pero hindi pala dahil nakakasama lang yun.

Sumasakit ang ulo niya at alam kong hindi pa handa ang isip niya para malaman ang totoo. Siguro nga hanggang dito na lang ang lahat para sa aming dalawa.

Sinabi ko naman sa kanya na mahal na mahal ko siya pero ang masakit doon ay hindi manlang niya sinabi na mahal niya din ako at tumitig lang siya sa akin.

Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa ko para mahalin niya din ako?

Hindi ba talaga ako ang karapat-dapat para sa kanya?

Wala nang ibang mahalaga sa akin. Wala na akong dapat pang gawin dahil nagawa ko naman ang lahat.

Gusto ko ng mamatay pero paano si Rogue? Nakakaawa siya kapag sinusubukan kong magpakamatay dahil nasasaktan siya.

Hindi ko na kayang maging mabuting tao. Ayoko ng masaktan.

"Kith. Hayaan mo na siya dahil nandito naman ako." Umiiyak na sabi ni Rogue.

"Hindi ikaw ang kailangan ko! Hindi kita mahal!" Sigaw ko sa kanya.

Napahinto siya at tumitig na lang siya bigla sa akin.

"Pagkatapos ng mahabang panahon. Ngayon mo na lang ulit ako sinigawan ng ganyan." Kinakabahan niyang sabi sa akin.

"Wala na akong pakealam! Umalis ka na dito! Hindi ikaw ang kailangan ko!". Sigaw ko sa kanya.

"Hindi kita iiwan. Kung siya iniwan ka ako hindi." Sabi niya at tumulo na ang mga luha niya.

"Ayoko sayo! Lumayas ka dito!" Sigaw ko sa kanya.

Yumuko si Rogue at nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya.

Humarap siya sa akin at.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko. Bumalik na yung dating ikaw."

Parang bigla na lang akong natauhan sa sinabi ni Rogue. Mali yung mga sinabi ko. Mali yung ginawa ko.

"Rogue sorry. Hindi ko sinasadya." Umiiyak kong sabi.

"No. Wala kang kasalanan dahil naiintindihan ko naman." Sabi ni Rogue.

Binuksan niya ang pinto at mukhang lalabas siya habang umiiyak kaya tumayo ako para piglan siya.

Niyakap ko siya sa likod at.

"Mali yung sinabi ko. Mahal kita pero hindi kagaya ng pagmamahal ko kay Ray." Umiiyak kong sabi habang nakayakap sa likod niya.

"Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin yung mga sinabi mo?" Tanong niya sa basag na boses.

Hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya at.

"Alam ko naman kung anong klase kang tao dati. Pero please lang wag mo ng ibalik yung dating ikaw." Umiiyak niyang sabi.

"Ako pa rin to. Patawarin mo ako dahil ayoko lang na idamay ka sa problema namin ni Ray." Umiiyak kong sabi sa kanya.

Humarap na sa akin si Rogue at.

"Kakausapin ko lang si Raypaul." Sabi niya sa akin at lumabas na siya ng pintuan.

Kailangan kong kontrolin ang sarili ko at baka mamaya lalo pang gumulo ang lahat dahil sa akin.

Nakakainis! Nasaktan ko pa si tuloy Rogue. Marami na siyang ginawa para sa akin.

Raypaul POV

Hinabol ako ni Rogue sa kotse at nandito pala siya. Sumakay siya sa kotse at umupo sa tabi ko.

"Alam mo Raypaul. Mahal na mahal ka talaga ni Kith." Seryoso niyang sabi.

"Pero ikakasal na ako." Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Hindi mo ba siya mahal? Hahayaan mo na lang ba na maging ganyan siya palagi?" Naiiyak niyang tanong.

"Mahal ko rin siya. Pero kailangan kong gawin ang tama." Sabi ko at pumatak na ang mga luha sa mata ko.

"Kapag naalala mo ang lahat ay maiintindihan mo kung ano ang tama sa mali." Seryoso niyang sabi.

"Pero sumasakit ang ulo ko kapag inaalala ko ang nakaraan." Sabi ko kay Rogue.

"Ganito na lang. Kaya ba ng konsensiya mo na makitang ganyan si Kith. Yung taong mahal mo?" Seryoso niyang sabi habang naluluha.

"Ayoko. Pero masasaktan din si Alexa kapag pinili ko si Kith."

"Putang inang Alexa yan! Hindi mo alam kung gaano ka-demonyo ang babaeng yan!" Sigaw ni Rogue.

Napatitig na lang ako sa kanya.

"Kapag kinasal kayong dalawa at may nangyaring masama kay Kith. You will end up with a sticky situation." Seryoso niyang sabi.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit kaya nakakatakot.

"Anong gagawin ko?" Umiiyak kong tanong sa kanya.

Inuuntog ko na lang ang ulo ko sa manubela ng kotse.

"Gusto kong malaman lahat!"

"Stop being a stupid shit! Piliin mo kung sino ang mas mahal mo! Sino ba ang mas kailangan mo?" Sigaw niya.

"Sobrang hirap kasi. Ayokong makasakit ng tao." Umiiyak kong sabi.

"Hindi mo alam kung gaano ka kamahal ni Kith. Ibibigay niya ang lahat sayo kahit pa ang kalayaan mo." Seryoso niyang sabi at tumulo na naman ang mga luha niya.

"Mahal ko siya. Mahal na mahal pero ang gulo ng lahat!" Humahagulgol kong sigaw.

"You're such a coward! Kapag tinuloy mo ang letseng kasal mo, mabubuhay ka sa kasinungalingan at kapag naalala mo ang lahat. Hinding-hindi ka magiging masaya." Seryoso niyang sabi sa akin.

Binuksan ni Rogue ang pinto sa kotse at lumabas na siya.

"Habang-buhay mong pagsisisihan ang mali mong desisyon."

Bigla niyang sinara ang pinto sa kotse ng padabog.

Wala akong magawa kung hindi ang umiyak na lang. Ayokong nasasaktan si Kith pero ayoko din saktan si Alexa kung mali ang gagawin ko.

Umuwi na ako sa bahay ko at gulong-gulo na ang isipan ko sa mga nangyayari ngayon.

Nakaharap ako dito sa bintana at nag-iisip. Umamin na siya sa akin na mahal niya rin ako. Alam ko na meron kaming nakaraan ni Kith at gustong-gusto ko iyong maalala pero paano? Sumasakit bigla ang ulo ko.

Gusto kong malaman ang lahat-lahat bago ang kasal. Kaya pala nahuhulog ako sa kanya kasi minahal ko na rin siya dati pero ano ba talaga ang nangyari noon.

"Raypaul! Nakatulala ka na naman!"

Nabigla ako at tumingin ako sa giliran ko dito. Si Alexa pala.

"Alexa. Pasensya na at may iniisip lang kasi ako." Seryoso kong sabi.

"Galing ka daw kay Kith?" Tanong niya na may halong inis.

"Oo. Meron siyang sinabi sa akin." Sagot ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya at parang bigla na lang siyang kinabahan.

"A.no? Anong si.nabi niya?" Nauutal niyang tanong sa akin.

"Gusto kong malaman kung ano ang mga ala-alang nabura sa akin." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Raypaul! Baliw ka ba? Hindi na importante yun." Galit na sabi ni Alexa.

"Paano kung. Dapat pala na maalala ko ang lahat? Paano kung marami palang importante noon?" Naguguluhan kong tanong.

Hinawakan ako ni Alexa sa pisngi at.

"Raypaul. Ang mahalaga yung ngayon. Ang mahalaga ay ikakasal na tayong dalawa." Seryoso niyang sabi.

Binaba ko ang mga kamay niya na nakahawak sa pisngi ko at.

"Alexa hindi! Gusto ko na makumpleto ko ang lahat ng mga ala-alang nawala sa akin." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ano ba kasing sinabi sayo nung Kith na yun at nagkakaganyan ka?" Napasigaw niyang tanong.

"Gusto ko lang malaman ang lahat! Sabihin mo sa akin! Alam ko na may alam ka sa nakaraan ko!" Napasigaw ko ding sagot sa kanya.

"Sinisigawan mo na ako. Tama. Mahal mo rin talaga siya." Naiiyak niyang sabi.

Alam niya nga ang lahat at sigurado na ako doon.

"Ayoko munang ituloy ang kasal." Seryoso kong sabi.

Tumitig bigla sa akin ng masama si Alexa at parang nagbabago na ang ugali niya.

"Hindi mo pwedeng gawin yan! Dalawang araw na lang ikakasal na tayong dalawa!" Sigaw niya sa akin.

"Pero ayokong humarap sa altar ng naguguluhan ako kung ano ba ang tama sa mali! Gusto kong malaman ang lahat!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Alam mo ba ang mangyayari kapag di mo tinuloy ang kasal?" Tanong niya na puno ng hinanakit.

Napalunok ako sa sinabi niya at.

"Magpapakamatay ako!" Seryoso niyang sabi.

"No! Hindi mo gagawin yan!"

"I really mean it! Gagawin ko ang sinabi ko kaya kung ayaw mo ay magpapakamatay ako!" Sigaw niya habang umiiyak.

"Pero baka magpapakamatay din si Kith kapag tumuloy ako." Umiiyak kong sabi sa kanya.

"Kung ganon. Pumili ka na lang dahil gagawin ko ang sinabi ko." Seryoso niyang sabi habang lumuluha.

Natahimik kaming dalawa at lumalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang naiipon.

Hindi ko alam na ganito pala talaga ang ugali ni Alexa.

Mahal niya ako at hinding-hindi siya papayag na magkahiwalay kaming dalawa.

Si Kith. Mahal na mahal niya ako at kahit nasasaktan siya ay ibibigay niya ang lahat para sa akin kahit sobrang hirap para lang mapasaya ako.

Pero anong gagawin ko? Ano ba ang bagay na magpapasaya talaga sa akin?

Kahit sino ang piliin ko sa kanilang dalawa ay paniguradong may masasaktan, sigurado akong may mawawala at ang masama doon ay may isang mamamatay sa kanila kapag nag-desisyon ako.

Hindi ko kayang mamatay si Alexa ng dahil sa akin pero paano si Kith? Hindi ko na siya kailangang tanungin kasi ilang beses na siyang nagtangka na magpakamatay. Alam ko na sobrang nasaktan ko siya pero ano ba talaga ang dulo nito?

Ano ba ang kahihinatnan ng digmaang ito?

Gusto ko silang isalba pareho pero isa lang ang dapat kong piliin. Isa lang sa kanilang dalawa ang pwede kong mahalin at iligtas.

Lumilipas na ang mga araw at hirap na hirap pa rin ako sa desisyon na gagawin ko.

Ikakasal na ako bukas. Gusto kong linawin ang lahat lahat kay Kith. Mahal na mahal ko siya pero hindi kami pwedeng magsama dahil kay Alexa kaya kailangan ko siyang kausapin ng mabuti.

Nandito ako sa labas ng condo ni Kith at naka-awang lang ang pintuan. May naririnig akong tumutugtog ng piano. Binuksan ko ang pinto at naglakad ako sa loob nito.

Nakita ko si Kith na tumutugtog ng piano at puro lungkot ang mga mata niya kaya lalo akong nadudurog dahil alam ko na ngayon kung gaano kasakit sa kanya ang lahat ng bagay.

Malapit ang piano sa malaking bintana ni Kith kaya nasisikatan siya ng sunset.

Nagsimula ko na ding marinig ang tinig mula sa kanya.

And I'd give up forever to touch you

'Cause I know that you feel me somehow

You're the closest to heaven that i'll ever be

And I don't wanna go home right now

Ngayon alam ko na para sa akin pala ang lahat ng mga kanta niya kaya ramdam ko palagi ang sakit at pagmamahal.

And all I can taste is this moment

And all I can breathe is your life

When sooner or later it's over

I just don't wanna miss you tonight

 

And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am

Ang sakit na titigan siya. Ayokong ikasal pero kailangan. Mahal na mahal ko si Kith at hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang nakikinig sa mala-anghel niyang boses.

And you can't fight the tears that ain't coming

Or the moment of truth in your lies

When everything feels like the movies

Yeah, you bleed just to know you're alive

 

And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am

Alam ko na sobrang sakit nito para sa kanya. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Ngayon na ang huling beses na maririnig ko ang napakaganda niyang boses.

And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am

Lalo lang pala akong madudurog ngayon habang nakikita ko sa mga mata niya ang sakit. Yung sakit na ako pala ang may gawa at yung sakit na alam kong madadagdagan pa.

And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am

I just want you to know who I am

I just want you to know who I am

I just want you to know who I am

Humahagulgol na ako kahit tapos na siyang kumanta. Ayokong iwanan siya pero wala na akong ibang pwedeng gawin.

"Nakakalungkot ba na pakinggan ang boses ko?"

Napatingin ako kay Kith. Sinarado niya ang keys ng piano at lumapit siya sa akin. Humahagulgol na ako dahil hindi ko na kayang magpigil.

"Bakit nandito ka pa?" Malamig niyang tanong sa akin.

"Gusto lang kitang makita kahit sandali lang." Humahagulgol kong sabi sa kanya.

"Hindi kita maintindihan. Ginawa ko naman ang lahat pero hindi mo na ako minahal." Sabi ni Kith at halatang pinipigil niya ang mga luha niya.

"Patawarin mo ako. Naguguluhan na ako kung ano ang tama." Umiiyak kong sabi.

"Pwede ba Ray! It's not about me. It's not about Alexa! Ikaw! Ano ba talaga ang gusto mo?"

Nagulat ako sa lakas ng sigaw niya.

"Pero ayokong mawala ka." Sabi ko kahit nahihirapan akong magsalita.

"Wag mo akong alalahanin. Gusto ko lang na piliin mo ang magpapasaya sa iyo habang buhay." Sabi niya na basag ang boses.

"Hindi yun ganun kadali." Umiiyak kong sagot.

"Gusto ko lang naman na maging masaya ka. Minsan kailangan mong makasakit para ipaglaban ang gusto mo at minsan kailangan mong gamitin ang puso mo para malaman kung ano ang tama."

Kitang-kita ko na lumalabo na ang mga mata niya dahil pinipigilan niya ang mga luhang naiipon dito.

"Ray. Mahal na mahal kita at ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Kahit masakit sa akin dahil gusto ko lang makita ang mga ngiti mo. Yung mga ngiting bumihag sa akin."

Hindi na ako makapag-salita dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon sa harapan niya.

"Pwede ba kitang yakapin mahal ko?" Tanong niya sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at biglaan niya akong niyakap ng mahigpit. Niyakap ko din siya ng mahigpit dahil alam kong pagkatapos nito ay posibleng hindi na kami magkita.

"Dati nangako ako sayo na hinding-hindi na ako iiyak pero hindi ko na kaya eh." Sabi ni Kith at naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha niya sa leeg ko.

"Raypaul ko. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ginawa ko naman ang lahat ng kaya ko. Kinalimutan na nga ako ng isip mo pero pati ba naman yung puso mo ay kinalimutan na din ako."

Basag na basag na ang boses niya at lalong napipilas ang puso ko sa mga bagay na naririnig ko mula sa kanya.

Gusto kong sabihin na mahal ko siya at hindi siya kinalimutan ng puso ko pero nahihirapan ako at hindi na ako makapag-salita.

"Raypaul ko. Salamat sa lahat ng mga ginawa mo sa akin dati. Ikaw ang naging pag-asa ko sa buhay, ikaw ang naging ilaw ko sa madilim kong mundo pero alam ko na ang ilaw na iyon ay matagal ng napundi at hindi na pwedeng palitan."

Alam ko na ngayon kung gaano niya ako kamahal. Hindi ko maalala ang lahat pero ramdam ko ang sakit. Ramdam ko na totoo ang lahat ng bagay na mula sa kanya.

Lalo ko lang hinihigpitan ang pagkaka-yakap ko sa kanya. Hindi ko magawang magsalita. Nahihirapan na ako.

"Mahal ko. Aalis na ako, wag mo na akong hahanapin pagkatapos ng kasal niyo ni Alexa."

Kumalas ako sa pagkakayakap ko at tumitig ako sa kanya. Ito na ba yung nasa panaginip ko? Ayoko! Hindi ako papayag na mawala din siya!

"Kith please. Wag kang magpapakamatay." Natatakot kong sabi habang umiiyak.

"Ray. Kahit kelan hindi ako nagsinungaling sa iyo. Hindi ko alam kung makakaya ko pero kung sakaling mamatay ako. Wag kang lalapit sa katawan ko dahil hindi ko maigagalaw ang kamay ko para punasan ang mga luha mo."

"Kith hindi! Please. Wag mong gagawin yan! Wag mong sasabihin yan parang awa mo na!" Sigaw ko kahit hirap na akong magsalita.

"Mahal ko. Gagawin ko ang lahat para sa iyo pero."

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil ayokong marinig.

"Kith tumingin ka sa akin. Sabihin mo na hindi mo yun gagawin! Sabihin mo sa akin! Kamuhian mo na lang ako pero maawa ka. Wag mong tangkain na magpakamatay ulit!" Sigaw ko sa kanya sa sobrang takot.

Tumango lang siya sa akin. Kahit konti ay nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay may pinanghahawakan ako mula sa kanya na hindi niya yun gagawin.

Hinawakan ako ni Kith sa mga pisngi ko at tinitigan niya ako sa mga mata kahit pareho kaming umiiyak.

"Mahal ko. May ipapakita lang ako saglit. Promise huli na ito."

Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kaming dalawa sa kwarto niya. Umupo ako sa kama at may kinuha si Kith sa cabinet niya.

Nakita ko ang isang makulay na photo album na dala niya. Umupo siya sa kama malapit sa akin at binigay niya iyon sa akin.

"Mahal ko. Nandiyan yung mga masayang ala-ala nating dalawa. Regalo ko yan sa iyo nung 14th monthsary nating dalawa. Buksan mo please."

Ngumiti siya at alam kong pilit yun.

Nanginginig ang mga kamay ko nang buksan ko ang makulay niyang photo album at kinakabahan ako.

Sinubukan kong buksan ang unang pahina ng photo album at marami ngang masayang ala-ala ang nandito.

Nakita ko ang picture naming dalawa ni Kith na naka-uniform.

"Raypaul ko. Yan yung araw na nagsimula kang manligaw sa akin."

"Paano kita niligawan? Nag-break ba kami ni Alexa?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo. Pinagpalit ka niya sa iba at ako ang sumalo sa iyo." Seryoso niyang sabi at alam kong totoo yun.

"Tanungin mo pa sila James kung hindi ka naniniwala." Sabi niya.

Alam ko na kahit kelan ay hindi magsisinungaling si Kith sa akin.

All this time! Manloloko pala si Alexa at kailangan kong marinig sa bibig niya ang lahat!

"Yan naman yung time na sinagot kita sa aniversary ng parents mo."

Nakita ko ang isang picture naming dalawa na naka-upo at naka-akbay ako kay Kith.

Binuklat ko pa ito at nakita ko ang mga kasunod na larawan.

"Yan naman yung pinakilala kita sa papa ni Kagura."

Nakita ko ang picture namin ni Kith kasama ang isang lalake na puro tattoo ang katawan.

"Tapos yan ang first date natin."

Isang larawan naman namin ni Kith na magkahalikan ang tumambad sa akin kaya alam kong may relasyon talaga kami dati.

Nakita ko na may nakaipit sa album na tuyong rosas at alam ko na ako ang nagbigay nun kay Kith.

Binuklat ko pa at hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko.

"Nagbakasyon tayo. Nagkatampuhan tayo nun pero masaya pa din." Sabi niya na may pilit na ngiti.

Nakita ko ang isang larawan naming dalawa na nakasakay sa banana boat at nakayakap ako kay Kith.

"Nung sport fest. Nanalo ka sa contest na Mr. Campus star."

So. Nung senior highschool pala ay sumali ako sa pageant. Binuklat ko pa ang pahina ng album at.

"Nung 14th monthsary natin. Kinantahan mo ako at may binigay kang sulat sa akin." Maluha-luha ang mga mata niya ng sabihin niya yun.

Nakita ko ang isang larawan namin na nakahalik pa ako sa pisngi ni Kith at may hawak siyang cute ma stuffed toy tapos hawak ko naman ang makulay na photo album.

"Meron kang niregalo sa akin na letter. Gusto mo bang mabasa?" Naluluhang tanong ni Kith.

Hindi ako makapag-salita kaya tumango na lang ako sa kanya.

Sa photo album na iyon ay may kinuha si Kith na isang card kaya sinbukan ko iyong basahin. Alam ko na ako ang nagsulat kasi may pirma at font ko ito.

Dear Lalabs,

 

14 months na tayo at habang tumatagal eh mas lalo kitang minahal, you give me new hope and you give my life direction. Alam ko na seloso ako, childish at minsan possessive pero di mo ako kinaiinisan. Thank you sa pagmamahal na binibigay mo sa akin at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ikaw ang lahat sa akin. Sana wag ka nang magbago at lahat ng problema ay haharapin natin ng magkasama. Wag mo akong iiwan dahil mamamatay talaga ako. Gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita at ayokong makita na umiiyak ka kaya di kita sasaktan. Naalala mo ba yung sinabi ng manghuhula nung first date natin? Ang sabi niya ikaw daw ang gigising sa natutulog na apoy sa puso ko. I LOVE YOU AT MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA.

 

YOU LIGHT MY FIRE.

 

Nagmamahal,

 

Raypaul mo

Totoo nga ang lahat. Lalabs ang tawag ko kay Kith at hindi ko na mapigilan ang mga luha ko habang binabasa ko ang sulat na ito.

Binuklat naman ni Kith ang kasunod na pahina at nakita ko ang picture naming dalawa na magkayakap sa tapat ng puntod.

"Yan yung huling araw na magkasama tayong dalawa. Pinakilala kita sa pamilya ko." Naluluha niyang sabi.

Wala ng kasunod ang photo album kaya nagtataka ko sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit wala na?" Naluluha kong tanong.

"Nag-graduate na tayo ng senior high at may ginawa kang kasalanan." Seryoso niyang sabi habang naluluha ang mga mata niya.

"Anong ginawa ko?" Kinakabahan kong tanong.

"Niloko mo ako. Nakipag-sex ka kay Alexa sa harapan ko mismo." Sabi niya at umiyak na siya ng todo.

Kung ganun. Niloko ko pala si Kith pero bakit? Hindi ako manlolokong tao at paano ko yun ginawa?

"Nilagyan niya ng drugs ang alak na iniinom mo sa bar." Dagdag pa niya habang umiiyak.

"Kung ayaw mong maniwala ay may ibibigay ako na sulat mo sa akin."

Kinuha niya ang isa pang card na naka-ipit doon sa photo album at nanginginig ang kamay ko ng buksan ko iyon.

Dear lalabs ko,

 

Unang beses pa lang kitang nakita sa hallway ng school last 2 years ay akala ko talaga anghel ka pero nung nakilala kita, napatunayan kong hindi lang ang hitsura mo ang mala-anghel kundi pati ang puso mo. Nung niloko ako ni Alexa at muntik na akong mag-pasagasa ay nandiyan ka para pagaanin ang nararamdaman ko at never mo akong iniwan kaya doon nagsimula ang pagtingin ko sa iyo na hindi ko inaasahang mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa sarili ko. Nung araw na pinagtapat ko sa iyo ang pagmamahal ko at ang nakaraan ko ay akala ko lalayuan mo ako pero hindi nagbago ang pagtingin mo sa akin at naging mag-bestfriend pa tayong dalawa. Maraming beses kitang niligawan at hindi ako sumuko dahil alam kong mahal na talaga kita. Pina-kilala kita sa mga magulang ko at hindi ka natakot ipagtapat na mahal mo din ako kaya sobra akong humanga sayo. Hindi ko inakalang mamahalin mo din ako ng sobra-sobra kagaya ng pagmamahal ko sayo at maraming salamat dahil sayo nag-karoon ako ng panibagong pag-asa, binigyan mo ako ng kakayahang maging mabuting tao at higit sa lahat ay inalis mo lahat ng takot sa puso ko. Naging sobrang masaya ako sa tuwing kasama kita at lagi kong nararamdaman na kumpleto ang pag-katao ko sa tuwing mag-kasama tayong dalawa at pakiramdam ko, nasa langit ako sa tuwing kapiling ka. Minahal mo ako kahit na isip bata ako, kahit na sobrang seloso ko, kahit na possessive ako at kahit na malibog ako. Lagi mo akong pinag-papasensyahan at lagi mong iniintindi ang mga kapilyuhan ko. Lagi mo din akong inaalagaan at lagi kang nandiyan para protektahan ako sa mga taong may balak sa akin.

 

Sobrang tumagal ang relasyon natin at akala ko ay lagi lang tayong magiging masaya pero niloko lang kita at hindi ko nagawang kalabanin ang sarili ko kaya nasaktan kita ng harap-harapan. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko dahil alam kong kasalanan ko ang lahat ng dahilan kaya nangyayari ngayon ito sa ating dalawa. Nangako ako na mamahalin lang kita, Nangako ako na poprotektahan kita, Nangako akong hindi kita papaluhain at higit sa lahat ay Nangako akong hindi kita sasaktan kahit kelan pero di ko inaasahang ako pa pala ang mananakit sayo, di kita nagawang protektahan dahil hindi ko nagawang kalabanin ang sarili ko, di ko inaasahan na sa relasyon nating dalawa ay ako pa pala ang sisira ng lahat ng magandang pinagsamahan natin. Pero isa lang ang alam ko ngayon. MAHAL NA MAHAL KITA.

 

Napatawad mo ako pero di kita masisisi kung hindi mo na kayang ibalik ang tiwala mo sa akin at ang pagmamahal mo dahil hindi ako ang taong karapat-dapat para sa mga bagay na iyon. Salamat sa wagas mong pag-ibig dahil ikaw ang nagturo ng direksyon sa buhay ko kaya sobrang nadurog ang puso ko dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nabasag ang damdamin mo pero lagi mong tatandaan ang lahat ng ito kahit na anong mangayari. Sana mahanap mo ang taong magpapahalaga sayo at hindi ka lolokohin kagaya ng ginawa ko dahil humanda siya sa akin. Gusto kong makita ka na palaging masaya at palaging naka-ngiti. Pupunta ako sa isang malayong lugar na hindi kayang puntahan ng mga tao pero mula doon ay lagi kitang babantayan. Lagi mong tatandaan na ikaw lang ang mahal ng isang tao na nag-ngangalang Raypaul Velasco at lagi lang akong nasa tabi mo. I LOVE YOU SO MUCH.

 

Kith Castillo you are always my angel but starting now, I will be your guardian angel. Salamat sa lahat-lahat lalabs.

 

YOU LIGHT MY FIRE

 

Nagmamahal,

 

Raypaul Velasco

Lalong bumuhos ang mga luha ko pagkatapos kong basahin ang sulat na iyon at ramdam ko ang magkahalong pagmamahal at sakit sa sulat na iyon kaya lalo akong nadudurog.

"Anong nangyari pagkatapos nun?" Nahihirapan kong tanong.

Yumuko si Kith at nanginginig na ang katawan niya dahil sa pag-iyak niya at sinubukan niyang magsalita.

"Nagtangka ka na magpasagasa." Nahihirapan niyang sabi.

Parang bigla na lang lumitaw sa isipan ko ang isang puting track na humagip sa akin.

"Na-amnesia ka dahil sa aksidente." Humahagulgol na sabi ni Kith.

"Kung ganun. Nasaan ka nung apat na taon? Apat na taon kitang hindi nakita." Umiiyak kong sabi.

"Tinangka ko kasing iligtas ka. Nasagasaan din ako kaya na-comatose ako ng apat na taon." Humahagulgol niyang sabi.

Napatitig ako sa kanya at parang unti-unting gumuguho ang lahat ng nasa paligid naming dalawa. Ramdam ko ang sakit na dinadala niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad ang katotohanan?"

"Nakipag-kasundo ako sa parents mo at ilalayo ka nila sa akin kapag sinabi ko ang nakaraan." Humahagulgol niyang sabi.

Alam ko na totoo ang mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko alam na ganito pala niya ako kamahal.

"Ikakasal ka na bukas. Sana magbago pa ang isip mo." Humahagulgol na sabi ni Kith.

"Patawarin mo ako." Sabi ko sa basag na boses.

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad mahal ko. Matagal na kitang pinatawad." Umiiyak niyang sabi.

"May ibibigay nga pala ako." Sabi pa niya sa akin.

Tinanggal niya ang suot-suot niyang singsing at binuka niya ang kamay ko pagkatapos ay nilagay niya ito.

"Binigay mo yan sa akin. May ganyan ka din noon."

May nakasulat sa loob ng singsing na Raypaul love Kith.

"Raypaul. Pwede ba kitang halikan?" Seryoso niyang tanong.

Tumango lang ako sa kanya at lumapit na siya sa akin. Unti-unti niyang nilapit ang malambot niyang labi sa akin.

Ramdam ko ang init at ang pagmamahal sa halik niya na hindi ko naramdaman kay Alexa. Hindi ko inaasahan na ganito pala kaming dalawa dati.

Tumigil siya at tumitig sa akin.

"Bukas. Hihintayin kita sa tagpuan nating dalawa at kapag hindi ka dumating ay pupunta na ako ng Japan at hindi mo na ako makikita." Umiiyak niyang sabi.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at hindi ko na magawang magsalita. Ayokong masaktan at ayokong makasakit pero sa tagal pala ng panahon ay unti-unti ng namamatay si Kith dahil sa akin.

Hinawakan niya ako sa pisngi at.

"Lagi mong tatandaan na hindi nagbago ang pagmamahal ko sa iyo kahit kelan."

Hinalikan niya ulit ako ng mariin sa labi at umiwas na siya ng tingin sa akin.

Kith POV

Umalis na si Ray at umuwi na siya sa bahay niya. Napakasakit pala ng pagkakataon na ito. Kahit sinabi ko na ang lahat ng totoo ay wala pa rin siyang maalala sa lahat ng nangyari sa aming dalawa noon.

Habang naglalakad siya paalis ay binibilang ko ang bawat hakbang niya hanggang sa hindi ko na siya makita.

Lagi kong binabasa ang mga sulat niya at lagi kong tinititigan ang mga larawan naming dalawa na posibleng hindi na madagdagan.

Huli na ba ang lahat? Sana nakatulong sa kanya ang mga ala-ala na ipinakita ko.

Lagi ko lang siyang inaantay. Siya ang lahat sa akin at kahit ano pa ang sabihin ng mga tao ay wala akong pakialam.

Kahit sabihin niyo pang baliw ako.

Ang totoo lang naman ay nagmahal ako at hindi ko alam na ganito pala yun kasakit. Ayokong sumuko pero ano bang pinaglalaban ko?

Yung mga ala-ala ng kahapon na ako lang ang may alam.

O yung taong minahal ko ng sobra kahit na sinasaktan lang ako.

Wala na akong maramdaman kung hindi puro sakit at nabubuhay na ako sa kadiliman. Siya ang mundo ko. Kahit sabihin niyo pa na isa akong malaking tanga ay tatanggapin ko dahil para kay Raypaul ay magpapaka-tanga ako.

Sa kanya umiikot ang lahat para sa akin. Ang pagmamahal niya ang bumubuhay sa akin at humuhugot ako ng lakas sa mga ngiti niya.

Wala akong pamilya. Siya lang ang meron ako at siya lang ang nagpapasaya sa akin.

Natutunan ko na isang beses lang dadating ang taong nakatadhana sa iyo at yung tao na yun ay dapat mong mahalin ng sobra.

Durog na yung puso ko. Pero hindi ko inaasahan na kahit sa maliliit pala nitong piraso ay mamahalin ko parin siya ng ganito.

Pain is the only thing that is telling me that I'm alive. No one can replace him in my heart.

There are things in life that we don't want to happen but we need to accept. Things that we don't want to know but we have to learn and someone that we can't live without but we have to let go.

I know that the hottest love has the coldest end. I never hate him and I can't blame him because I love him.

I cry not because I'm weak but because my mouth can't explain this pain. Ano ba ang magagawa ko? Yung taong bumasag ng puso ko ay ang nag-iisang tao na pwede ring umayos nito.

Gusto ko lang makita ang mga ngiti niya sa akin.

Siya lang ang kailangan ko. Pero kung mawawala siya sa akin at makita ko pa rin siyang nakangiti at masaya ay magiging masaya na rin ako para sa kanya.

Natutunan ko na maging unselfish.

Sa buhay ko. Wala na akong dapat pang sisihin sa sarili ko dahil binigay ko na ang lahat lahat.

Ayokong maglihim. Ayokong magtago ng totoo pero nagsinungaling lang ako sa kanya nung sabihin ko na kapag hindi siya pumunta sa akin bukas ay pupunta ako ng Japan. Ang totoo ay magpapakamatay pa rin ako.

---

Finally. Dumating din ang araw na ito, ang araw na kinatatakutan ko. Ikakasal na ang lalakeng mahal ko sa babaeng hindi niya kilala, sa babaeng sumira ng pagkatao niya at sa babaeng niloloko lang siya.

Bumabalik sa akin ang mga ala-alang nagpapangiti sa akin. Ubos na ang mga luha ko para umiyak. Nakatulala lang ako at nag-iisa dito sa dati naming tagpuan ng taong mahal ko.

Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko habang pinagmamasdan ang magandang tanawin pero para sa akin ay wala ng buhay ang lahat.

Mula dito ay kitang-kita ko ang malaking simbahan na pagdadausan ng kasal nila. I'm here. Standing beside the cliff and after the wedding, I'm ready to jump.

Kitang-kita ko ang pagdating ng mga bisita sa simbahan. Mga masaya silang lahat kaya hindi ko kayang magpakita doon. Simula ng magising ako sa coma ay naging gloomy na ako, pilit na ang mga ngiti ko at pinag-aralan ko kung paano itago ang lahat ng katotohanan kay Ray para lang hindi siya kunin sa akin.

Gusto ko lang na makita si Ray na lumabas ng simbahan kasama ang babaeng mahal niya. Masaya at walang halong pagsi-sisi. Lagi kong naaalala ang mga ngiti niya. Yung mga ngiti na naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.

Ano pa ba ang ikakatakot ko?

Walang-wala naman na ako eh. Wala na akong pamilya at mga kabigan ko lang naman ang iiyak sa libing ko.

Tama na ang lahat para sa akin, sapat na ang matuto akong magmahal. Siya ang nagpabalik ng mga ngiti ko pero siya lang din pala ang may kayang sumira ulit sa akin. Binuo niya ang pira-pirasong pagkatao ko pero binsag niya lang din ako.

Dahil kay Raypaul nabakla ako.

Siya lang naman ang lalakeng gusto ko. Ang lalakeng mahal ko at kahit kelan hindi ko nagawang magka-gusto sa kahit kanino dahil siya lang ang pumapasok sa isip ko.

Miss na miss ko na ang kakulitan ni Raypaul ko. Yung kakulitan niya na dahilan kung bakit nabaliw ako sa kanya.

Araw-araw gumigising ako nang may luha sa mga mata ko dahil nauuhaw ako sa mga yakap at halik ng lalakeng mahal ko.

Miss na miss ko na yung mga pagkakataon na hinahawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Pati yung mga kabastusan niya miss ko na din.

Lagi kong hinihintay ang pagbabalik niya pero mukhang hindi na mangyayari yun. Ito na ang huling beses na aasa akong dadating siya.

Hindi naman ako sumuko at napagod na ipaglaban siya pero ano pa ba ang magagawa ko kung hanggang dito na lang talaga kami?

Minahal ko ang lahat sa kanya, minahal ko siya ng buong-buo kahit ang mga pagkakamali niya. Hindi ko inakala na ang pagmamahal pala ang papatay sa akin.

Mula sa dati kong buhay na puro bagyo ang nagdaan ay siya ang lumitaw na bahag-hari, ang lumitaw na pag-asa sa akin pero kagaya ng literal na bahag-hari ay unti-unti rin siyang nawala sa kalangitan ko.

By: Jam Camposano

Hindi ko alam kung ilang beses nang nasaktan ang damdamin ko sa iba't ibang dahilan. Nandyan ang pag-ibig, pamilya o di naman kaya ay mga kaibigan. Ang bagay na nararanasan ko ay natural lamang na pinagdaraanan ng isang tao. Given na ang lahat ika nga. Pero ikaw rin mismo ng nagsusubo sa sarili mo ng mga pighati. Kung sa una pa lang ay naiintindihan mo na ang takbo ng sitwasyon ay siguradong makakaiwas ka. Ang kaso lang, may pagkamanhid ako. Pikit-mata ko lang na tinatanggap ang mga mali, dahil gusto ko ang ginagawa ko.

Late 20's nako nakatungtong ng college. Trabaho ang inuna ko imbes na pag-aaral. Pero kahit naman gustuhin ko ay hindi pa rin maaari dahil kailangan kong kumayod para sa pamilya ko. Kaya nung makapasok ako ng kolehiyo ay parang nasisisi pa ako ng pamilya ko dahil nagkaroon pa kami ng malaking gastusin.

Nahihirapan ako sa kahit anong klase ng sitwasyon. Marunong naman ako pero ayaw na ayaw ko lang sa lahat eh, nasasaktan ako. Pero sa patuloy kong paghahanap ng kaligayahan ay palagi na lamang akong nasusuong sa mga bagay na magbibigay saken ng panandaliang saya at sakit na inaabot ng pangmatagalan. Pero hindi ko lubos naisip na sa isang libro ko lang pala matatagpuan ang kasagutan sa mga katanungan ko. Ang librong naglalaman ng isang kwento ng pag-iibigang sinubok ng mundo. Ang pag-ibig na hindi makasarili walang pag-iimbot. At ang pag-ibig na hinamak ang lahat, maging ang kamatayan.

Kasama ko noon si Lee sa isang project namen. Kaklase ko sya sa literature. Sa totoo lang matagal na akong may gusto sa kanya, ang kaso lang hindi ko maamin dahil baka masapak nya pa ako o di naman kaya ay masira ang pagkakaibigan namen. ayokong mangyari yun kaya mas mabuti nang ganun. Isikreto na lang hanggang mawala.

Naghahanap kami ng mga hindi kilalang literatura galing sa ibang bansa. Sa internet, sa library. Pero ang hindi namen alam ay makikita lamang namen ang libro sa isang lumang bookstore sa Recto.

Nakita ko ang libro na ito na natatabunan ng iba't ibang klase ng libro na mas kilala. Hindi ito napapansin dahil kahit ako ay hindi ko kilala ang author. Naisulat ang libro noong 1300's. Kaya iniisip ko kung bakit hindi sumikat ito. Samantalang si Shakespear eh kung saan saan nakabalandra ang libro. Ganun di si Miguel de Cervantes. Pero ang author na ito na nagngangalang 'Dantoin' (Walang apelyido) ay hindi man lang nakilala kahit papano. O baka ako lang ang walang alam tungkol sa kanya. Ewan.
Dahil hindi kilala ang author ay pinasya ko itong bilhin. Kung hindi kilala eh malamang sa malamang rare ito. Wala akong kahit anong ideya tungkol sa libro. Ang mahalaga lang saken ay hindi kilala ang author at muka itong luma. Sa sobrang dumi ng librong ito ay nagmistula na itong bagong hukay na kamote. Sabagay ganyan naman talaga ang mga tindahan dito sa Recto, basta hindi mabili eh pinapabayaan na. Buti na lang at interesante ang cover nito. Isang lalakeng nakahubad na nakahandusay sa lupa.

Matapos naming pumili ni Lee ng librong gagamitin namen sa project ay agad kaming tumuloy sa kanila. Upang umpisahan ang aming gagawin.

"Upo ka muna dyan dre, magbibihis lang ako." sabi ni Lee nang makarating na kami sa bahay nila.
"Sige lang. Uhm pwede makiinom?" tanong ko.
"Sige lang, feel at home." sabi nya sabay ngiti.
Ewan, sa tuwing makikita ko yung ngiti nya eh parang umiinit ang tenga ko. Ayoko nga masyadong tignan eh kasi, tuwing gagawin ko iyon eh, medyo nahihirapan akong alisin yung pagkakatitig ko doon. Yung singkit nya kasing mata eh lalong lumiliit sa tuwing ngitngiti sya. Tapos parang ang sincere sincere ng mukha nya. Mukhang inosente na ewan kung inosente nga ba..

Marahan akong naglakad papunta sa kusina. Medyo nagaalangan kasi ako dahil baka may makakita saken na kasama nya sa bahay at mapagkamalan pa akong magnanakaw.

Nang makarating ako sa kusina ay agad ko namang nakita ang ref. Sabi nya 'feel at home' edi feel at home nga. Pagkatapos kong makainom ng tubig ay tsaka ako dumiretso sa c.r. nila. Nasa kusina lang din ito banda. Hindi naman kalakihan ang bahay nila pero maayos. Madaling makita ang lugar na hahanapin mo.

Nang matapos ako ay tsaka ako ulit bumalik sa sala. Medyo natagalan sya sa itaas kaya naman medyo nabagot ako. Isinandal ko ang aking likod sa sofa at nagpumiling na nasa bahay ako. Medyo nakakaantok pero nagising ang diwa ko nang biglang marinig ko ang mga yabag sa hagdan. Napalingon ako sa hagdan at "Ehmerrgggerrrdd!" Nang makita ko syang naka-boxers lang at walang pang itaas.
"Ahy! Jusme!!" sabi ko sa isip ko. Ang ganda ng katawan nya. Hindi naman sya macho pero pucha! Pangkama ang katawan. Yung medyo may taba pero sakto lang. Maputi at higit sa lahat. Nyeta! Ang ano nya nakabakat. "Ahynakupo!!! goodluck sa project! Sana makapag concentrate ako."

"Pasenya na ah. Iniligpit ko pa kasi yung kama ko. Baka maabutan ni mama, pagagalitan na naman ako nun. Tara umpisa na tayo." sabi nya.

"Tara, umpisahan na naten para makarame." sabi ko.

"Asan na yung librong binili naten?" tanong nya sabay labas ko nung plastic na may lamang libro. Binuksan ko ito at tsaka ko inilabas yung dalawang libro. Umupo sya sa tabi ko at kinuha yung mga libro. Medyo nakakailang pero, pag-aaral ang ipinunta ko dito. hindi paglalandi!

"Viennois? Mukhang ayos yan ah." sabi nya.
"At hindi kilala ang author." sagot ko naman sa kanya.
"Unahin na nating gawin yan. Mukhang interesante yan kesa dito sa nabili ko. !700's lang eh. Mas luma yang sayo." sabi nya. Hindi na kami nagatubili pa at agad na naming binuklat ang librong una naming babasahin.

-Viennois, 1380 by Dantoin-
(Isinalin sa wikang tagalog)
——————————

"Ang kalayuan ng paglalakbay sa parang ng walang katapusang kawalan,
Sa pagal na katawan na ang natanto lamang ay pagdurusa, pighati at panimdim
Ang kadenang bakal ng nakalipas na nakagapos sa dibdib, na inadya ng kalawakan,
Sa aming pusong pinaglayo na umaasang magtagpo sa kamay ng madilim kong langit."

Ang malamig na samyo ng hangin sa akin ngang nanghihinang katawan na nagbibigay nginig sa buo kong kalamnan. Kasabay ng ilang patak ng ulan na nanggagaling sa nagbubukas sarang bintanang akala ko ay naisara ko na. Nag-uumpisa nang pumalahaw ang paparating na galit ng nagngingitngit na bagyo. Na pumupuno sa loob ng aking blangkong silid.

Umuusbong na ang kalungkutan na dinaramdam ko sa loob ng napakahabang panahon. Habang isinusulat ko ang laman ng aking isip sa isang mantsado nang papel. Nauupos na rin ang kandila at nagbabadya na itong pumanaw. Ngunit matiyaga ko itong ipinagsasanggalang sa ihip ng galit na hangin.

Kakaunti na lamang at matatapos na ang aking akda. Ngunit bigla na lamang pumalo ang malakas na hangin at tuluyang nagdilim ang paligid.
"Bakit?! Bakit?!" ang galit kong banggit sa bawat tanong.

Nag-umpisang tumulo ang luha ko dahil hindi man lang ako pinahintulutang tapusin ang aking isinusulat. Iilang linya na lamang ng mga salita ang aking iguguhit. Ngunit bigla na lamang pinatay ang ilawan ng isang galit na panahon. Malupit talaga ang mundo!
"Anong kasalanan ko sayo!!!" sambit ko na may nag-uumpisa nang manginig na boses.

"Nais mo nang wasakin ang lamesita sa harap mo ngunit malamyos pa rin ang iyong tinig. Iyan ang boses na kaytagal kong hinintay na muling marinig. Hanggang ngayon ay banayad ka pa rin sa pagkagalit." ang sambit ng isang boses sa hindi kalayuan. Ngunit hindi ako lumingon. Sapagkat hindi ko mapipigil ang aking sarili mula sa pagtangis. Nakikilala ko sya.

Nakapagtatakang huminto ang malakas na hangin na kanina lamang ay nagwawala sa apat na sulok ng mabatong silid. Pagdakay naramdaman ko ang init ng kamay na humipo sa aking balikat. Iyon na ang aking hudyat at tuluyan na nga akong lumuha.
"Inulila mo ako sa loob ng napakatagal na panahon? Bakit ngayon ka lang?" sambit ko.
"Tahan na. Paumanhin sa pagkaantala ng pagbalik ko. Ngunit masaya akong malaman na matiyaga kang naghintay sa akin." sabi nya.
"Kung hindi kita hihintayin? Sino pa ang maghihintay sa'yo?" tanong ko sa kanya. Napipi syang bigla sa aking itinuran.
"Wala akong inaasahang maghihinatay sa akin kundi ikaw. Sapagkat ikaw na lamang ang meron ako." malungkot niyang tinig.
"Patawarin mo ako. Nanabik lang ako ng husto." sabi ko at ako'y lumingon sa kinaroroonan nya. Marahan akong tumindig at siya naman ay untiunting ibinalot ang mga braso sa aking katawan.
"Natakot ka ba?" tanong niya.
"Ano pa bang katatakutan ko? Nariyan ka na, hindi ka na ba mawawala ulit?" balik tanong ko sa kaniya.
"Hindi na ako lilisan. Mananatili na ako sa tabi mo upang mahalin ka ng walang hanggan. Hindi ka na muli pang masasaktan." ang kaniyang pangako.

Tinitigan ko sya sa kaniyang mga mata at unti unting naglapat ang aming mga bibig. Inakay nya ako upang maupo sa isang malaking bato. Malayo sa malalamig na rehas ng piitang matagal ko nang itinuturing na silid.

Nang makasandal na kami sa pader ay tsaka niya ako muling niyapos. At pagdakay nakaramdam ako ng matinding antok.
"Matulog ka nang mahimbing. Maglalakbay na tayo sa lugar na wala nang maaari pang makapaghiwalay sa atin." sambit nya.
"Hintayin mo ako Vladimir." pakiusap ko sa kanya at nakita ko ang kaniyang matapat na pagsang-ayon.
"Naririto lang ako. Hindi ka na muli pang mag-iisa." sambit nya bago ko tuluyang ipikit ang aking mata.
———————————————————

Malamig na hapon nang lumipat kami sa isang nayon dito sa Pransya. Naglilingkod kasi ang aking ama kay Charles VI na kamakailan lamang ay kinoronahan bilang hari. Bilang sukli sa katapatan ng aking ama ay pinagkalooban kami ng malawak na lupain at malaking kongkretong bahay. At ginawaran din ang pamilya namin ng natatanging pagkilala. Mainit ang ginawang pagtanggap ng mga tao sa lupaing nasasakupan namin. Ngunit hindi ako nasisiyahan sa kanila. Akoy hindi pinalaki ng mga magulang ko na nakikihalobilo sa mga kagaya nila. Kaya iilang kaibigan lamang ang nakikilala ko sa buong buhay ko.

Nang matapos ang pagsasaayos ng aking silid ay agad akong nagtungo roon upang makapagpahinga. Matamlay akong nahiga sa aking higaan. May lungkot at pangungulila mula sa mga malalapit na kaibigan ang aking nararamdaman. Mas nanaisin ko pang bumalik sa aming dating tirahan. Maliit man ay may mga kaibigan naman ako. Ngayon ay wala na. At magsisimula na naman ako ng panibagong pakikisama.

Sa mura kong edad ay nakasanayan ko nang magkulong sa aking silid sa tuwing ako’y nakakaramdam ng kalungkutan. Dahil ang aking ina na dapat ay umaalo sa akin ay hibang sa pagmamayabang ng mga bagay na meron kami. Hindi ko gusto ang ugali n’yang iyon. Malupit sya sa aming mga tagapaglingkod at hindi sya kahit minsan nahabag sa kahit kaninong walang kakayanan sa buhay. Ang aking ama naman ay walang alam kundi ang sundin ang ipinag-uutos ng kanyang pinaglilingkuran. Halos lumaki ako sa kamay ng mga tagapaglingkod. Sila na nga ang itinuturing kong mga magulang. Ngunit sa tuwing makikita ako ng aking ina, na masayang nakikipag-usap sa mga naglilingkod sa amin ay agad syang nag-uumapoy sa galit. Ayaw nitong nalalapit ako sa kanila dahil mga alipin sila. Nais ko nga minsang ipaunawa sa aking ina; na ang mismong nagtataguyod sa aming pamilya ay isa ring alipin. Isang mataas na personalidad lang ang pinaglilingkuran ng aking ama, ngunit hindi maikakailang isa rin syang alipin. Hambog; yan ang aking ina.

Hindi ako nakatulog ng matiwasay dahil sa paninibago. Maagap akong bumangon. Mahimbing pa ang tulog ng aking mga magulang kaya naman lihim akong lumabas ng bahay para makapag-ikot. Nang makita ako ng isa sa aming tagapaglingkod ay binati ako nito at ipinaghanda ng makakain. Nang matapos akong kumain ay agad akong lumabas upang isakatuparan na ang aking nais gawin.

Sa labas ay marami ang bumati sa akin. Nginingitian ko lamang sila. Nais ko sanang may makausap sa kanila, ngunit ni isa ay walang naglakas loob na lumapit sa akin. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Kagaya ng nauna ko nang plano ay mag-iikot ako sa lupaing nasasakupan ng aking ama.

Napad pad ako sa kakahuyan. Tahimik. Napakapayapa. Huni ng ibon at ingay na gawa ng mga dahong hinahampas ng malamyos na hangin lamang ang naririnig ko. Hanggang sa masilayan ko ang isang malawak na kapatagan. Nakaramdam ako ng matinding kasiyahan. Nilanghap ko ang mabangong hangin na gawa ng tagsibol. Tumakbo ako. Tumakbo ako ng tumakbo sa labis na kaligayahan. Malaya ako rito. Walang tigil akong tumakbo at sumigaw. Masaya, tahimik, mapayapa at malaya, itong mga bagay na ito ang ninanais ko. Naglaro ako at inihayag ko sa kapaligiran ang aking musmos na kaisipan. Naglaro ako ng naglaro at walang ni isa man ang sasaway sa akin. Walang sinuman ang nakakaalam ng aking malawak na mundo. Ako lang ang naririto. Walang iba.

Napagod ako sa pagtakbo at paglalaro kaya naupo ako sa isang malaking bato para magpahinga. Hanggang sa makarinig ako ng isang kaluskos. Nahintakutan ako. Hindi kaya isa iyong mabangis na hayop? Tumayo ako at dumampot ng sanga. Dahan dahan akong lumayo sa pinanggagalingan ng kaluskos dahil sa takot. Pero handa ako sa anumang mangyayari. Hindi ako basta magpapalapa na lang ng hindi man lang lumalaban. Nagpakatapang ako. Nanginig naman ako sa takot nang makita ko ang isang lobo. Hindi ko maintindihan kung bakit may lobong lalabas ng umaga. Hinawakan ko ang sanga ng mahigpit habang umaatras ako. Dahan dahang lumalapit ang lobo sa aking kinaroroonan. Handang handa na ito upang ako’y salakayin. Ngunit isang batang sa tingin ko ay kasing edad ko ang lumabas mula sa likuran ng lobong nasa harapan ko. May dala itong patalim at agad n’yang inundayan ng saksak ang lobo sa leeg nito. Nagpumiglas pa ang lobo ngunit hindi na nito nagawang sakmalin ang bata dahil sa labis na dugong nawala rito. Hanggang sa unti unti nang bumagsak ang katawan ng lobo at namatay. Namangha ako sa batang iyon. Napakabilis nyang kumilos at higit sa lahat ay sigurado sya sa bawat galaw nya. Hindi ko kaya ‘yon.

Hindi man lamang ako nagawang tingnan ng batang iyon, bigla na lamang n’yang binuhat ang katawan ng wala nang buhay na lobo at tsaka umalis. Agad ko s’yang hinabol upang makilala. Marahil sa bigat ng kanyang dala kaya sya hindi makapagmadali, kaya agad ko s’yang naabutan.

“Ano ang iyong pangalan?” tanong ko sa kanya.

Huminto sya pansumandali at nagsalita “bakit mo nais malaman ang aking pangalan?”

“Dahil nais kong makapagpasalamat sa ginawa mong pagliligtas sa akin mula sa lobong tangan mo ngayon. Labis akong namamangha sa iyong husay at katapangan. Nais kong makipagkaibigan sa ‘yo.” Sambit ko sa kanya habang sya ay nakatalikod pa rin.

“Walang nagnanais na ako’y maging kaibigan. Base sa iyong pananamit ay nakikita kong nanggaling ka sa pamilyang may mataas na antas sa lipunan kaya bakit mo naman gugustuhing makipagkaibigan sa akin. Ang mga tulad ninyo ay mga hambog, na ang tingin sa mga taong may mababang uri ng pamumuhay ay alipin. At para sa kaalaman mo hindi ko iniligtas ang buhay mo. Kanina ko pa binabantayan ang lobong ito. Nangangaso ako para may makain ako sa katanghalian. Nagkataon lang na nagsilbi kang pain para lumabas ang lobong ito kaya hindi mo kailangang magpasalamat sa akin.” Sabi nya sa akin na may seryoso at malagong na boses.

“Patawarin mo ako kung ganun ang asal ng karamihan sa amin. Ngunit iba’t iba ang uri ang aming mga pagkatao. Hindi alipin ang tingin ko sa mga mahihirap. Ang tingin ko sa inyo ay kauri ko ring tao na mabubuhay at mamatay, pantay lang ang kalagayan natin dito sa ibabaw ng lupa. Kaya kung iyong mamarapatin ay nakikiusap akong ibigay mo sa akin ang iyong pangalan.” Hindi sya sumagot at tumuloy na sya sa paglalakad.

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal na sumusunod sa kanya. Pamisan minsan ay nililingon nya ako pero hindi naman nya ako pinipigilang sumunod sa kanya. Malayo layo na rin ang aming inilakad. Ni hindi man lamang nya nagawang magpahinga. Kung ako ngang walang kahit anong tangan ay napapagod na, marahil ay sya man. Napalayo na ako ng husto sa aming tahanan. Kung babalik akong mag-isa ay tiyak na maliligaw ako. Hindi ako sanay na malayo, lalo pa’t naririto ako sa lugar kung saan ako’y isang baguhan.

Sumapit na ang araw sa katirikan nito. Narito na ang takdang katanghalian ngunit hindi pa rin kami nakararating sa kaniyang tahanan. Napad pad kami sa isang napakagandang lugar. May batis, naglipana ang mga ligaw na sarwelas sa paligid at sa ‘di kalayuan ay matatagpuan ang isang yungib. Sa ikalawang pagkakataon ay huminto sya pansumandali at inilapag ang katawan ng lobong kaniyang pinaslang. Lumingon sya sa kinalalagyan ko.

“Isang napakalaking kahangalan ang sumunod sa isang estranghero. Naririto na tayo kung saan malayo sa kabayanan. Kung papaslangin kita ngayon ay walang sino man ang maka-aalam. Maliwanag pa, kaya umuwi ka na. Nakasisiguro akong hindi ka na makararating sa bahay ninyo ng buhay kung magpapagabi ka sa kakahuyan. Sa gabi naglalabasan ang mga mababangis na hayop. Lalapain ka nila at mamamatay ka ng walang pagsala kung aabutan ka ng hating gabi.” Itinuran nya na may seryosong mukha.

“Kung magkagayon man ay mas pipiliin ko na lamang na manatili dito. Hindi ko alam ang daan pabalik. Kung kanina pa ay sinambit mo na ang iyong pangalan, siguro ay kanina pa ako nakauwi.” Sambit kong tila pinahahagingan ang kaniyang konsensya.

“Vladimir.” Maigsi nyang sagot at tinitigan nya ako ng diretso sa aking mga mata. Tila humahagilap ng kung anumang reaksyon ang makikita nya sa akin.

“Steffan, iyan ang aking pangalan. Ikinagagalak kitang makilala ginoong Vladimir.” Ginawaran ko sya ng isang ngiti ngunit wala syang isinukli rito. Muli syang kumilos at ipinasan ang patay na lobo. Nagpatuloy sya sa paglalakad at ako naman ay nagpatuloy sa pagsunod. Hindi ko na talaga alam ang daan pabalik dahil sa napakalayo na ng aming narating. Pumasok sya sa yungib na nasa hindi kalayuan at ganun din ang ginawa ko.

Pagpasok ko sa yungib ay nakaramdam ako ng kaunting takot. Napakadilim sa loob. Wala akong makitang anuman. Maya maya pa ay narinig ko ang pag-uumpugan ng mga maliliit na bato. Nasisilayan ko rin ang mga mumunting kislap na mula roon. Gumagawa sya ng apoy. Ilang sandali pa ay nagningas na ang kumpol ng mga tuyong sanga at kumalat na ang liwanag sa buong yungib. Nagpatuloy lamang sya sa mga ginagawa nya na tila ba walang ibang tao sa paligid nya.

Tinanggal nya ang balat ng lobo. Inihiwalay nya ang mga balahibo nito at inumpisahang pira-pirasuhin ang mga laman nito gamit ang patalim na ginamit nya kanina para patayin ito. Naglinis sya ng isang sanga at dito nya itinuhog ang piniraso nyang laman ng lobo. Lumabas ito at tumungo sa batis upang hugasan ang karne ng lobo. Pagkatapos ay bumalik ito upang ihawin na sa apoy na nilikha nya ang karne. Ako naman ay hindi na makatagal sa sobrang katahimikan kaya kinausap ko na sya.

“Nag-iisa ka, nasaan ang mga magulang mo?” tanong ko sa kaniya. Natigilan ito at tsaka siya sumagot.

“Wala na akong mga magulang. Namumuhay akong mag-isa dito sa gitna ng kakahuyan.” Sagot nito.

“Papaano kang mabubuhay kung wala kang mga magulang? Nasaan sila at bakit hinahayaan ka nila dito?” muli kong tanong sa kanya. Napabaling sya sa akin at tinitigan ako nitong mabuti.

“Patay na sila.” Sagot niya at nagpatuloy na ito sa kaniyang ginagawa.

Hindi ko alam kung ano ang mga dapat kong maramdaman. Nalulungkot ako sa kalagayan nya pero sa kabilang banda ay nakararamdam ako ng inggit sa kalayaan nya. Ngunit sa kalayaang taglay niya ngayon ay ramdam ko rin ang pangungulila.

Ilang sandali pa ay naluto na ang karneng idinadarang niya sa apoy. Nag-umpisa na itong kumain. Nang makita ko syang kumakain ay napalunok na lamang ako ng laway dahil ako man ay nakararamdam na rin ng gutom. Napabaling siya sa akin at inalok nya ako ng pagkain.

“Alam kong gutom ka na. Malayo ang nilakad mo sa pagsunod sa akin. Halika at saluhan mo ako, kung wala ka ay hindi ko naman mahuhuli ang lobong ito kaya nararapat lamang na matikman mo ang karne ng lobong muntikan nang sumalakay sa iyo.” Sambit niya. Sa labis na gutom ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Lumapit ako sa kinaroroonan nya upang saluhan siya sa pagkain. Kumuha ako ng isang tuhog at inumpisahan ko na itong kainin. May katigasan ang laman nito. Malangis at matabang ito kumpara sa mga inihahain sa aming tahanan ngunit sapat itong pantawid gutom. Habang kumakain ako ay nag-iisip ako ng mga bagay na maaari naming mapag-usapan. Sumulpot na lamang sa aking isipan ang isang tanong.

“Anong naramdaman mo nung paslangin mo ang lobong ito?” tanong ko.

“Wala.” Maigsi niyang sagot.

“Hindi ka man lang ba nagdalawang isip?” muli kong tanong.

“Pagkain ang tingin ko sa anumang ligaw na hayop dito sa kagubatan. Dahil pagkain din naman ang tingin nila sa akin. Uunahan ko na sila bago pa man nila ako maging laman tiyan. Lamunan ang sistema ng pamumuhay dito sa kakahuyan. Kakainin ng malalakas ang mahihina. Kung nais mong mabuhay rito, kailangang malakas ka para hindi ka maging talunan.” Makahulugang sagot niya. Siya naman ang hinintay kong magtanong sa akin ngunit hindi sya nagtanong kaya naman hindi na ako nagpumilit pang kausapin sya.

Pagkatapos naming kumain ay tumayo na siya at lumabas sa yungib. Sinundan ko sya dahil ayaw kong maiwang mag-isa sa loob. Siya lamang ang nakaalam ng pasikot sikot sa lugar na ito kaya hindi ako maaaring mahiwalay sa kaniya. Paglabas namin ay tumungo kami sa batis tumayo lamang siya sa gilid noon at ako naman ay naupo sa tabi ng isang puno. Hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari. Walang pasubali niyang tinanggal ang kaniyang kasuotan. Mula sa kaniyang pang itaas hanggang sa kniyang pang ibaba. Hindi ako mapalagay sa kaniyang ginagawa kaya ibinaling ko na lamang ang aking paningin sa kung saan. Hanggang sa marinig ko ang paglusong niya sa tubig. Nang muli ko siyang pagmasdan ay nasa gitna na siya ng batis at nakaupo sa isang bato at nililinis ang kaniyang katawan. Nakasisiguro akong malamig ang tubig dahil tagsibol subalit natitiis niya ang lamig ng panahon. Pinagmasdan ko lamang siya habang nililinis ang kaiyang katawan. Hindi man ako mapalagay ay hindi ko na inilihis pa ang paningin ko sa kinaroroonan nya. May katagalan din siya sa ganoong kalagayan hanggang matapos na ito sa paglilinis ng katawan at aahon na. Tumayo siya sa batong kaniyang kinauupuan at naglakad patungo sa gawi ko. Sa tingin ko naman ay magkasing edad kaming dalawa ngunit pagdating sa katawan ay mas matipuno siya kung ikukumpara sa akin. Patuloy ko lamang siyang pinagmasdan hanggang sa makalapit na siya sa gilid ng batis. Hindi ko namalayan ang pagsulyap ng mga malalam-lam niyang mga mata sa akin. Muli ko na namang naibaling ang aking paningin sa kung saan. Nang makaahon na siya ay pinulot niya ang kaniyang mga kasuotan at tumungo sa lugar na nasisikatang mabuti ng araw. Doon ay hubo’t hubad pa rin siyang nahiga at pumikit. Ang pagkailang sa akin ay nawala na kaya naman sinamahan ko siya sa kinaroroonan niya. Humiga rin ako at pumikit. Nais kong maranasan ang pakiramdam ng mahiga sa damuhan habang nasisikatan ng araw. Napapawi ng init ng araw ang lamig na dulot ng tagsibol. Nakagiginhawa ng pakiramdam. Iminulat ko ang aking mga mata at bumaling ako sa gawi niya. Nakapikit pa rin siya at tila mahimbing na natutulog.

Hindi ko namalayan ang pagkakahimbing ko. Pagmulat ng aking mga mata ay wala na si Vladimir sa tabi ko. Agad akong napabangon at inilibot ang aking paningin. Namumula na ang langit na kani kanina lamang ay bughaw na bughaw. Tumayo ako at hinanap si Vladimir. Ngunit hindi ko sya matagpuan. Nag-ikot ako sa lugar upang makita ko sya subalit iniiwasan kong mapalayo ng husto sa yungib. Hindi ko kabisado ang daan at hindi makabubuti sa akin kung ngayon ako maliligaw sa gitna ng kakahuyan dahil malapit nang dumilim. Patuloy lamang akong nag-ikot upang matagpuan ko siya ngunit nabigo ako. Wala akong makitang kahit anong bakas nya.

Hindi ako tumigil sa paghahanap sa kaniya hanggang sa hindi ko napansin na napapalayo na ako sa yungib. Unti unti na akong nakakaramdam ng takot hanggang sa ang karuwagan ko ay tuluyan nang pumailanlang sa aking kaisipan. Nawawala na ang liwanag na dulot ng araw. Unti unti na ring naglalaho sa paningin ko ang aking nilalakaran.

Tuluyan na ngang naglaho ang araw at kumalat na ang dilim. Nasa gitna pa rin ako ng gubat. Halos nangangatog na rin ang aking katawan sa lamig ng paligid. Madilim. Nag-iisa ako. Paano na lamang kung bigla na naman akong salakayin ng mga lobo. Pinilit kong makabalik sa yungib, ngunit hindi ko talaga alam ang daan. Sinubukan ko ang bawat direksyon ngunit tuluyan na nga akong naligaw. Ito ang bunga ng kahangalan ko. Napad pad ako dito dahil sa sarili ko ring kagustuhan. Saan na ako paroroon? Nagpatuloy ako sa paghahanap ng daan hanggang sa makarinig ako ng kaluskos na nagmumula sa aking likuran. Isa. Dalawa. Tatlong lobo ang biglang nagsulputan sa aking harapan. Ang bawat isa ay kapwa handang sumalakay anumang oras. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Punong puno na ako ng takot. Dumampot ako ng sanga upang ipanlaban sa mababangis na lobong nasa harapan ko ngayon. Naririnig ko na ang pagngangalit ng kanilang mga bibig. Umatras ako ng umatras. Nanghihina na ang tuhod ko sa labis na takot. Isa pang hakbang paatras ay bigla na lamang akong natalisod at napaupo. At ang mga lobo ay sabay sabay na sumugod patungo sa akin. Hindi pa man sila nakalalapit ay iwinasiwas ko ang sangang hawak ko. Napasigaw ako sa labis na takot habang patuloy ang pagwasiwas ko sa hawak ko.

"TULUNGAN NYO AKO!!!" sigaw ko.

Mabilis ang kilos ng isang lobo at bigla itong lumundag sa akin at ako’y napapikit, hinihintay ko na lamang ang paglapat ng kaniyang matutulis na ngipin saan mang parte ng aking katawan. Ngunit walang lumapat sa akin na kahit ano. Nagtaka ako kaya naman napamulat ako at nakita ko si Vladimir na may hawak na sulo at iwinawasiwas nya ito upang palayuin ang mga lobo. Tumayo ako at nilapitan ko sya. Tinulungan ko sya upang mabugaw ang mga lobo. Napapaatras na ang mga lobo at nang sapat na ang layo nila ay mahigpit na hinawakan ni Vladimir ang aking kamay tsaka kami tumakbo.

“ ‘wag kang bibitiw sa akin. Ligtas hangga't nasa tabi mo ako.” Sabi nya hanggang sa makarating kami sa yungib.

Nang makapasok kami sa loob ng yungib ay agad niyang dinagdagan ang mga panggatong at mas lumiwanag pa ang paligid. Naupo sya sa isang tabi at pumunit ng tela mula sa kaniyang kasuotan. Ang napunit na tela ay itinali nya sa kaniyang braso. Doon ko lamang napansin na nasugatan pala sya. Piniga nya ang bahaging may sugat at pinadugo ito. Lumapit ako upang tulungan syang paduguin ito. Ngunit tinapik nya ang aking kamay. Maya maya pa ay huminto na sya sa pagpiga rito at sumandal na lamang sa pader. Pinagmasdan ko siya at kitang kita ko ang pag-inda nya sa sakit. Ang pawisan niyang mukha at ang malalim na paghinga nya. Tahimik lamang sya at wala man lamang kahit anong imik. Maya maya pa ay dinampot nya ang isang tuhog ng karne na kanina pa pala nakadarang sa apoy. Kumain sya at ganun din ang ginawa ko. Pagkatapos ay nahiga sya at tuluyan nang pumikit. Ako naman ay sumandal lamang sa pader at pinagmasdan ko lamang sya habang natutulog. Ngayon lamang sumapit sa aking isipan na baka nag-aalala na ang mga magulang ko at ipinapahanap na ako. Ngunit napagtanto ko rin na wala naman akong magagawa kundi ang maghintay na mag-umaga para makauwi. Nagpatuloy lamang ako sa pagtitig sa natutulog na si Vladimir.

Nakaidlip ako. Nang maimulat ko ang aking mga mata ay nakita kong nanginginig si Vladimir. Lumapit ako sa kanya at hinipo ang katawan nya. Nilalagnat sya at nangangatog sa matinding lamig. Kaya naman dinagdagan ko pa ang gatong sa apoy. Ganun pa rin, hindi nagbago, nanginginig pa rin sya. Kaya naman hinubad ko ang pangibabaw na kasuotan ko at ibinalot sa katawan nya. Hindi pa rin sapat. Kaya naisip kong tabihan sya at yakapin.

Malapit ang mukha ko sa mukha niya. Ngayon lamang ako nakakita ng isang mukha sa ganito kalapit na distansiya. Tinitigan ko ang bawat parte ng mukha niya. Ang mahaba niyang pilik-mata. Ang ilong niya, labi at ang kabuuhan ng mukha niya ay kaaya ayang pagmasdan. Napabangon ako ng kaunti upang mapagmasdan ko pang mabuti ang mukha niya. Pumintig ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko siya na mahimbing na natutulog. Isang pakiramdam na ngayon ko pa lamang naranasan. Ang malakas na pagpintig ng puso ko na nagdadala sa akin sa kawalan. Ang paninikip ng kalooban kong may kasamang kasiyahan. Ang pagkaaliw ng aking damdamin. Narinig ko ang isang ‘di pamilyar na tunog. Pinakakalma nito ang kaisipan at damdamin. Napangiti ako at muling yumakap sa kaniya.

Pagkagising ko kinaumagahan ay wala na si Vladimir sa aking tabi at ang kasuotang ibinalot ko sa kaniya ay sa akin na nakalagay. Bumangon ako at agad ko siyang hinanap ngunit bago pa man ako makatayo ay nasilayan ko na siyang pabalik sa loob ng yungib. May dala itong mga prutas. Naupo ito sa isang tabi at tsaka sya kumain. Inalok nya ako para kumain.

“Marahil ay nakararamdam ka na ng kalam ng sikmura. Halika’t kumain ka na rin.” Sambit nya. Lumapit ako sa kinaroroonan nya at tsaka dumampot ng prutas. “Pasasalamat ko yan sa iyong matiyagang pagbabantay kagabi.”

Patuloy lamang kami sa pagkain at pumailanlang na naman ang katahimikan. Nang pagmasdan ko siya ay nakatingin lamang siya sa labas ng yungib. Tila may hinihintay na dumating. Nais kong magtanong ngunit hindi ko na magawa. Hinayaan ko na lamang siya sa kanyang malalim na pag-iisip. Kahapon lamang kami nagkakilala at hindi lingid sa akin ang kasanayan niyang mag-isa. Mas makabubuti kung hindi ko siya gagambalain. Hindi ko mapapayagang makagalit ko ang nag-iisang taong nakaaalam ng daan ko palabas sa kakahuyang ito.

Ilang sandali ko pa siyang hinayaan sa pag-iisip nya at maya maya pa ay nagsalita na ako.

“Nais ko nang makauwi. Maaari mo na ba akong gabayan patungo sa aming nayon?” tanong ko sa kaniya.

“Maaari bang manatili ka muna kahit sandali? Sasamahan kita sa paglabas mo rito. Maaari bang samahan mo muna ako hanggang sa paglipas ng katanghalian?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa labas ng yungib. Katahimikan lamang ang isinagot ko sa kaniya at ako’y nahiga na lamang at sumulyap rin sa labas ng yungib.

Mencircle

{facebook#https://facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircle} {youtube#https://www.youtube.com/mencircle} {instagram#https://www.instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget