$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 1)

By: Gab My name is Gab, I considered myself before as bisexual pero unti-unti kong narealize na sa lalaki na lang talaga tumitibok ang pu...

The Guy From PR

By: Gab

My name is Gab, I considered myself before as bisexual pero unti-unti kong narealize na sa lalaki na lang talaga tumitibok ang puso ko. I'm 22 years old, I'm an IT graduate at tumutulong na sa mga gastusin sa bahay sa pamamagitan ng aking pagtatrabaho sa isang insurance company. I'm happy with my family, masaya at strong pa rin kahit dinaanan pa ng maraming pagsubok at problema.

Mahal na mahal ko ang pamilya ko, I'm very family oriented, hangga't maaari, ayaw kong makita ang sinuman sa amin na nasa hindi magandang kalagayan at gusto ko maayos at masaya lang kami.

I'm kind of a manly gay at di mo mahahalata agad sa kilos ko na gay ako, I don't know kung may hinala na ang sinuman sa pamilya ko na gay ako, matagal ko nang tinatago sa kanila ang sexuality ko, hindi ko alam pero, pinangungunahan ako ng takot at pag-alala kaya hindi maka-amin amin sa kanila, natatakot ako na kapag ibinunyag ko na sa kanila na bakla ako, magbago ang pagtingin nila sa'kin, maging ang trato nila, at hindi nila ako matanggap, lalo na ng papa ko....In fact, ako lang ang kaisa-isahang anak na lalaki sa pamilya kaya ako lang ang makapagdadala ng apelyido ng pamilya, hindi naman sa hinuhusgahan ko sila, ang pamilya ko..tungkol sa pananaw nila sa mga bakla o sa mga kabilang sa LGBT pero ang sinasabi kasi ng puso at isip ko..."hindi pa ako handa", at ito ang mas nakabubuti para sa ngayon.

---

As a gay man, syempre I'm attracted to good-looking guys lalo na yung mga complete package, handsome, sexy and intelligent, I know na mahirap makahanap na ganong klase na ideal man, at kung may gay or bisexual guy nga ba na nagtataglay ng ganoong klase ng katangian na hinahanap ko? probably...meron! sa panahon ngayon, marami na talagang bumibigay. May movie nga si Anne Curtis na ang title "Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend" it says a lot sa generation natin ngayon, marami na talagang beki at paminta, ang ilan sa kanila, hindi ko masasabing "karamihan"...pero iilan talaga ay pogi!! Sino ba naman ako para umasa na makakakuha ako ng boyfriend na gwapo, hot at matalino, hindi naman ako kagwapuhan, simple lang ako and I'm just a regular guy living in the city, yung mga gay at bi kasi na gwapo, mostly may standard sa pagpili ng jojowain, gusto nila gwapo rin katulad nila. Iniisip ko nga, siguro hanggang daydreaming na lang ako at tingin o titig sa mga gwapo.

---

Meron akong bestfriend na babae, si Michaela, medyo kalog at madaldal na babae, alam lang naman niya na gay ako, siya pa lang nakakaalam at medyo kinakabahala ko yon. One time nga, nasigawan nya ako ng "beks" sa harap ng mga classmates ko, kinabahan ako non at nilakihan ko siya ng mata, effortless din yon kasi may pagkalaki naman talaga mata ko haha! sinasabihan ko siya lagi na wag nang uulitin yon, pero di niya mapigilan minsan sa harap ng mga common friends at ng kung sino-sino, nagagalit na nga ako minsan, ayoko lang kasi muna talaga na may ibang makaalam, hangga't maaari ako ang magrereveal sa pamilya ko at sa mga kamag-anak ko ang tungkol sa sexuality ko pero..sa takdang panahon pa mangyayari yon, kailangan ko maging handa. Yung bestfriend ko, matagal na niya akong tanggap, nung una medyo nanghihinayang sa'kin pero mahal ako eh! lagi ba naman kami magkasama, di talaga namin matitiis ang isa't isa, swerte ako sa bestfriend ko.

---

I had my first boyfriend when I was 18, 3rd year college ako noon, Bago ko pa man makilala ang magiging bf ko ay napaisip ko, matagal na akong may bestfriend, 3 years na kami. Ano naman kaya ang feeling ng may boyfriend, yung magcecelebrate kayo ng monthsary at anniversary. Marami akong nawiwitness magjowa na bi or gay na kulang na lang langgamin sa kasweetan sa isa't-isa, madami na akong nakita niyan both sa social media and sa public places na napapasyalan ko, naiinggit ako non pero may halo ring kilig, minsan nabibitter ako at sinasabi ko sa isip ko na "maghihiwalay din yan, maghihiwalay din kayo!" pero at that time, curious na talaga ako kung ano ang feeling ng magkajowa kaya nag-isip ako ng ideya, gumawa ako ng account sa mga gay dating/hookup sites. Syempre I uploaded my best pictures and selfies sa profile ko para naman maattract yung ibang gay or bi users at imessage ako. I tried to sign up sa iba't ibang dating app/sites at ang pinaka-naenjoy ko ay ang "Planet Romeo app" tadtad kasi ako ng mga messages na natatanggap don, at aaminin ko, gusto ko rin yung mga kalibugan ng karamihan ng Planet Romeo users, may mga decent guys pa rin naman at may mga tinatawag na "tripper" sila yung mga straight guys na mga tigang siguro at gusto lang ng parausan, dito ko na rin natutunan at nalaman yung mga terms na "top", "bottom", "versatile". I wasn't still sure before kung saan ako dyan pero I'm a bit certain na ngayon. Dahil dito, lalong lumawak ang curiosity ko hindi lang about having a relationship with a guy but also about having sex with a guy, maraming klase ng messages ako na natatanggap sa account ko like..

"Taga san ka?", "San ka ngayon?"

"Anong hanap mo?"

"Anong trip mo?", "Tara trip!"

"Sex?", "Top or Bottom?"

"Punta ka dito sa bahay"

"Meet?"

"Anong number mo?"

At kung ano ano pa, yung ibang may mga indecent proposals at nagyayaya, nirereplyan ko, yung iba napapaasa ko pa, madalas talaga trip ko lang sila kausapin pero ayoko naman talaga makipagkita, hindi ako handang makipagkita sa kanila, may takot at kaba sa loob, mahirap kasi makipagmeet sa mga strangers pa at di mo pa gaanong nakikila at bukod don, di talaga ako confident sa sarili ko, di ko alam kung magugustuhan pa ba nila ako kapag nakita na nila ako in person. Ilang months na rin ako noon na gumagamit ng PR account ko at wala pang namimeet nang may nakausap akong guy, mahaba ang usapan namin, his name is Rex 24 years old, he's so nice to talk to, he told me na matagal na rin siyang single at naghahanap ng partner, nalulungkot siya kasi hindi pa rin dumarating yung tama para sa kanya, ang tagal ng conversation namin sa PR, ginawa namin fb messenger, I told him sa convo namin na never pa ako nagkabf at curious ako magkapartner, kung saan saan napunta non yung convo namin hanggang sa sinabi niya sa'kin na type niya ako. Bumilis tibok ng puso ko at that moment, type ko rin kasi siya, iba kasi dating niya, I was looking at his pictures, ang cool lang niya, malakas ang appeal, daddy type siya, ang lakas makalalaki ng shaved na bigote at balbas niya na hanggang leeg. After telling me na type niya ako, he asked me kung pwede ba daw niya ako na makita personally so gusto niya akong mameet. I was so hesitant sa sasagutin ko, gusto ko na ayaw ko kasi hindi pa ako ganon kahanda pero iniisip ko, bakit pa ako gumawa ng account ko kung di naman ako makikipagkilala ng pormal at personal sa mga nakakachat ko, at gusto ko rin magkajowa, di ako magkakabf kung di ako magiging handa sa pakikipagmeet, Thinking about that made me realize na kailangan ko nang maging positibo at handa, kailangan ko na lakasan ang loob ko para makuha ang gusto at kasiyahan ko as a gay. At pumayag na nga ako makipagkita sa guy na nakachat ko, we exchanged cellphone numbers at nagset kami ng araw kung kailan kami magkikita, he was so excited, ako naman...excited na kinakabahan.

---

Dumating na yung araw na magkikita kami ni Rex, nag-ayos ako at pumorma, hapon ang pinag-usapan naming oras at di ko pa pala nababanggit, may car siya at susunduin niya ako sa harap ng pinag-usapan naming lugar kung saan ko siya hihintayin. I was sitting on a bench non habang hinihintay siya, mga ilang minuto lang after kong makapunta sa waiting place..tumawag siya, first time kong maririnig ang boses niya, sexy ang voice niya sa phone at mala-atenista ang boses niya. Well! he told me, sa Ateneo naman talaga siya nagcollege at grumaduate. Balik sa eksena....he called me on phone and he was trying to make sure kung tama ba yung dinadaanan niya, di na siya gaanong familiar sa place, we were just talking non hanggang sa makarating na siya sa meeting place, kinakabahan ako non habang naglalakad ng mabilis papunta sa sasakyan niya, he was looking at me na noon sa bintana at minamadali akong pasakayin sa car niya, when I opened the car, I looked at his face at nakita ko na siyang siya nga yung nakausap ko sa PR, walang pinagkaiba sa mga pictures niya, ang napansin ko lang slim pala siya, I was expecting na medyo chubby siya! pagkaupo ko sa loob ng car niya, katabi lang niya sa front seat, the first thing he said was......"fasten your seatbelt" di ba! ang sweet agad! haha pero after that while he's driving...

Rex: Nahihiya ka ba?

Ako: Oo e.

Rex: Ngayon lang yan, magiging close din tayo.

Nginitian ko lang siya at kunwaring may kinakalikot sa phone.

Nagsalita ulit siya...

Rex: Mas payat ka pala sa personal, pero yung tamang payat lang.

Ako: Ah ganun... Ako naman, akala ko medyo chubby ka, slim ka rin pala.

Rex: Sa picture lang yon. Ayaw mo ba?

Ako: Hindi naman.

Rex: Anong hindi naman?

Ako: I mean gusto ko naman, bagay nga sa'yo e.

Rex: Ah...

Natahimik kami saglit, nagkunwari ako na busy ako sa phone ko pero sumusulyap sulyap ako sa kanya. Iba ang appeal niya. Ang cute niya talaga.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 1)
The Guy From PR (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/04/the-guy-from-pr-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/04/the-guy-from-pr-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content