$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 16)

By: JB Hindi ako gaanong nagtagal ng gabing iyon, almost 10pm na at kailangan ko nang makauwi, sinamahan ako ni Rex sa second floor ng ba...

The Guy From PR

By: JB

Hindi ako gaanong nagtagal ng gabing iyon, almost 10pm na at kailangan ko nang makauwi, sinamahan ako ni Rex sa second floor ng bahay nila at kinatok ang kwarto ng mama niya at ni Chester. Nang malamang gising pa ang mama niya ay agad naming ipinaalam na uuwi na ako.

Rex: Maa! uuwi na si Gab.

may narinig akong papalapit na yapak mula sa loob ng kwarto, binuksan ng mama ni Rex ang pinto.

Rex's Mother: ay sige Gab, gabi na rin..ingat ka.

Rex: ihahatid ko siya ma.

R M: O sige, mag-ingat kayo ah.

Ako: Sige po.....bye po! salamat po ulit......tita.

Iyon ang unang pagkakataon na kusa ko nang tinawag na tita ang mama ni Rex, hindi pa komportable sa pakiramdam, may hiya sa loob ko pero gusto ko nang umpisahan hanggang sa masanay ako.

Sa pagsambit ko ng "tita" ay nakita ko ang ngiti sa mukha ng mama ni Rex, kita ko naman din ang tuwa sa bf ko na si Rex na napatingin lang sa mama niya na nagbigay ng makahulugang ngiti.

R M: Sigee Gab. Balik ka na lang ulit dito.

Ako: haha sige poo!

Mula sa pagbaba namin hanggang sa pagsakay ng kotse ay iniisip ko pa rin ang mabilis na pagtanggap ng mama ni Rex sa relasyon namin, bawat tinginan namin ni Rex ay palitan lang namin ng kakaibang ngiti.

Rex: anong pakiramdam mahal?

Ako: ang saya mahal, natanggap tayo agad ng mama Ellen mo.

Rex: hindi ako sigurado kanina kung anong magiging reaksyon ni mama, pero alam ko naman kasi na ok lang sa kanya kung maging lalaki man ang jowa ko.

Ako: mabait at sobrang mapagmahal lang talaga ang mama mo Rex.

Ako: makita o maramdaman ka lang niyang masaya, ok na ok na siya. Ang swerte mo dahil malaya ka mahal.

Kalagitnaan na iyon ng pagmamaneho ni Rex at sa pag-open ko ng tungkol sa mama niya ay sumanggi sa isip ko ang tungkol sa pagiging closeted gay ko. Wala pang alam ang mga magulang ko tungkol sa sexuality ko. Hindi pa ako totally free, lahat ng "gay thing" na ginagawa ko ay kailangan patago at palihim. Alam ko na mahal ako ng mga magulang ko at ng pamilya ko pero hindi ko pa talaga naiisip na kumawala sa hawla ko, hindi pa rin ako handang malaman ang maaaring magiging kahihinatnan kung sakaling umamin ako sa pamilya ko.

Nakasandal lang ako sa inuupuan ko habang seryosong nagdadrive si Rex, di ko napansin na hawak pala ni Rex ang kamay ko, natahimik ako habang napaisip sa mga nakakabahalang katotohanan tungkol sa akin.

Rex: Mahal..

Mabilis na napukaw ang atensyon ko sa boses ni Rex.

Ako: mahal?

Rex: ano kaya kung sunduin ulit kita next week after ng work ko. Dun lang tayo sa bahay?

Ako: sigurado ka? diba magiging busy ka na before ng break mo?

Rex: hmmmm oo....itatry ko mahal para sa'yo.

napahawak ako sa dibdib ko sa sinabi ni Rex.

Ako: Naku! ang sweet mo naman masyado.

Rex: haha! hindi ka pa nasanay mahal, ganito naman talaga ako sa'yo.

Ako: nasanay na ako na kiligin sa'yo.

Iniwas ko na ang tingin ko kay Rex at sinundan ko ulit ng pabulong na salita.

Ako: Bakit kasi ang gwapo mo.

Rex: huh? ano mahal?

Ako: ah wala...gusto ko lang sabihin na....wag mo namang pilitin na sunduin pa ako next week, mas maganda kung magpapahinga ka na agad pagkalabas mo galing trabaho.

Rex: sure ka mahal? hindi ka magtatampo.

Ako: magtatampo lang naman ako kung hindi ka mag-uupdate sa'kin e.

Rex: oo naa..sasabihin ko na lang sa'yo kung kakayanin.

Nakababa na ako at naglalakad pauwi, dinadama ko pa ang mga halik ni Rex sa akin bago kami maghiwalay. Ilang minuto lang pagkauwi ko ay tumawag agad si Rex sa akin na nagmamaneho pa, ang pagiging legal namin sa mama niya ang bungad niya sa akin sa tawag. Labis lang ang saya na nararamdaman niya.

(On Phone Call)

Rex: "sana naman walang bibitaw mahal, sayang naman pagiging legal natin sa mama ko"

Ako: "syempe, hindi ako bibitaw"

Ako: "ang sarap lang sa pakiramdam na mameet ko ang mama ng bf ko at maging legal tayo sa kanya"

Rex: "oo nga e, mas masarap siguro kung magiging legal din tayo sa pamilya mo"

Sa narinig kong iyon mula kay Rex ay napatulala ako, eto na ang kinababahala ko. Maaaring hilingin nga ito ni Rex. Buo na sa isipin ko na hindi pa mangyayari yon, sana ay maging ok lang kay Rex na hindi muna kami maging legal sa pamilya ko, yun na lang muna ang gusto kong mangyari.

(On Phone Call)

Rex: "mahal? are you still there?"

Ako: "oo mahal"

Rex: "narinig mo ba yung huling sinabi ko?"

Ako: "ah oo narinig ko"

Ako: "e kasi mahal....alam mo naman diba? na...hindi ako out sa pamilya ko"

Rex: "naiintindihan ko naman, sinasabi ko lang na mas maganda kung ganon"

Ako: "sana nga mahal, mangyari yon balang-araw"

Rex: "kailan mo ba balak umamin sa kanila"

Ako: "Hin...di ko pa alam mahal"

Rex: "Magiging ready ka naman someday"

Ako: "Ok naman siguro to na sa mama mo muna tayo legal"

Mahinang boses lamang ang narinig ko mula kay Rex, hindi ko malaman kung sumang-ayon siya sa sinabi ko pero satisfied na ako sa sinabi niya sa akin na..naiintindihan niya ako.

Malapit nang makauwi si Rex sa bahay nila nang ibaba niya muna sandali ang tawag, muli siyang tumawag makalipas lang ang ilang minuto.

(On Phone Call)

Ako: "ano mahal? dyan ka na sa bahay niyo?"

Rex: "oo mahal, nasa kwarto na ako"

Rex: "wala ka nang pasok next week diba?"

Ako: "oo mahal, pero may mga event pa sa school"

Rex: "sabi kasi ni mama..punta ka raw ulit dito next week kung kailan ka pwede"

Ako: "sinabi niya yon? sigee"

Rex: "sa Thursday mahal, maaga-aga ako para masundo rin kita"

Ako: "sure yan?"

Rex: "oo! gusto ka raw makakwentuhan ni mama"

Ako: "talaga?"

Rex: "sabi niya e"

Ako: "haha sige mahal, sa Thursday ulit"

Natapos ang gabing iyon, inisip ko ang mga positibo at negatibong nangyayari at maaaring mangyari sa relasyon namin ni Rex. Sa malalim na pag-iisip ko ay magkahalong saya at pangamba ang dumapo sa pakiramdam ko.

--

--

Nagdaan ang isa, dalawa at tatlong araw. Tanging texts at mga tawag muna ang naging daan namin ni Rex para magkausap at mapawi ang pagkamiss sa isa't-isa. Agad sa aking ipinapaalam ni Rex kung masyado siyang magiging busy at maaaring hindi muna makapagtext sa akin. Kahit ilang oras pa siyang hindi makapagtext o magparamdam ay lubos ko na lang na inintindi at pinilit na hindi magtampo. Malaking adjustments ang ginawa namin ni Rex para mapanatiling maayos ang relasyon namin.

Pagdating ng lunes ay pumunta pa rin ako ng school, Christmas party ng buong school at may Christmas program din. Mas nakabonding ko ang mga classmates at close friends ko, wala nang klase at wala na kaming gaanong iniisip na kailangang maaccomplish. Nag-enjoy lang kami sa mga pakulo ng school, may mga contest ng paggawa ng Parol, Christmas Tree at Posters. May dance contests din at may mga special number. Todo cheer pa kami sa isang classmate namin na kumanta at tumugtog ng gitara sa Christmas program, masaya ang araw na iyon kaso nga lang ay medyo nahuhuli ang pagrereply ko sa mga texts ng bf ko na si Rex, inisip ko na lang na busy naman din siya at babawi na lang ako sa pag-uwi ko. Bago matapos ang program sa school ay nagkitaan kami ng bestfriend ko na si Michaela na kasama rin ang isang close friend niya na Sophia ang pangalan, nagkasalubong kami sa lobby ng school. Kasama ko pa non na naglalakad ang closest guy friend ko na si Matteo.

Michaela: Matteo, usap lang kami ni Gab ah!

Matteo: Ok!

Matteo: Gaab! dito lang kami sa may canteen.

Nagpatuloy sa paglalakad si Matteo at ibang classmates ko, hinila ako ni Michaela sa isang gilid.

Michaela: Hoy Gab! anong balita?

Ako: balita? bakit hindi ka manood sa TV nang malaman mo ang balita! haha

Sophia: Hahahaa tama ka dyan Gab! Oo nga naman Micha!

Michaela: siraulo!! I mean balita...sa'yo!

Ako: etoo..kita mo naman diba buhay pa.

Nanlaki ang mga mata ni Michaela at nagtanong tungkol sa'min ni Rex

Michaela: kamusta na kayoo?

Sumingit si Sophia sa pag-uusap namin ni Michaela.

Sophia: Oy si Gab!! luma-lovelife!

Ako: Hoy siraa!

Sophia: E ano tong tinatanong ni Micha?

Napagalaw ang mga mata ko at tumingin kay Michaela, binawi niya agad ang tanong na binitawan niya.

Micha: Intrigera ka Sophia..ang tanong ko lang naman kay Gab ay kung...kamusta na siya!

Sophia: ahh..akala ko may lovelife na e.

Sa kabutihang palad ay may tumawag ng pansin kay Sophia at nilisan muna kami ni Michaela, agad kaming napaakyat ng bestfriend ko sa third floor ng school at pumasok sa isang classroom. Gusto ko rin talagang ikwento kay Michaela ang tungkol sa amin ni Rex, wala kasi akong mapaglabasan ng saya na nararamdaman ko tungkol sa lovelife ko.

Michaela: ano na Gab...kwentuhan mo na ako.

Ako: going strong naman kami ni Rex.

Michaela: talaga ba? may nangyari na sa inyo no?

Ako: haa? walaaa

Michaela: asus! sa gwapo niyang bf mo, hindi mo nayaya. Kalokohan!

Ako: ano ka ba! wala ngaa!

Napaisip ako sa nangyari sa amin ni Rex noon sa loob ng kotse niya, oral sex lang naman yon, at ayaw ko na rin sabihin sa bestfriend ko ang tungkol don.

Ako: yung huling meetup namin, dinala niya lang ako sa bahay nila at nakilala ko na yung mama niya.

Napakapit ang isang kamay ni Michaela sa sandalan ng inuupuan niya nang malaman niya iyon mula sa akin.

Michaela: talaga ba? e yung papa niya?

Ako: wala na nga yung papa niya diba

Michaela: oo nga pala, nakalimutan ko.

Michaela: so paano yon? anong pakilala niya sa'yo?

Ako: umamin na kami sa mama niya, out naman siya e.

Tinakpan ng bestfriend ko ang bibig niya na napapanganga sa mga ibinubunyag ko sa kanya.

Ako: natanggap naman kami agad ng mama niya. Legal na kami ngayon ni Rex sa kanila.

Michaela: OMG!! Daig mo pa ako....iba ka bestfriend.

napayakap sa akin ang bestfriend ko at hindi ko maintindihan ang reaksyon niya. Parang natatawa siya na naiiyak. Nakangiti lang ako sa mga oras na iyon.

Michaela: ok lang talaga sa mama niya?

Ako: Oo, tita nga ang gusto niyang itawag ko sa kanya at welcome lang daw ako lagi sa bahay nila...ang sarap sa pakiramdam Micha! parang ayoko nang pakawalan si Rex.

Michaela: Grabeeee....wag mo talaga pakawalan Gab, malaking kawalan siya sa'yo

Ako: Oo nga e.

Michaela: Nabanggit mo na sa'kin yung profile name niya, kaya ayun..inistalk ko ang profile niya sa fb. Ang gwapo niya talagaa, at parang straight siya kung tititigan. Ang swerte swerte mo naman Gab. haha

Ako: ewan ko ba, hindi naman ako kasing gwapo niya. Hindi nga ako makapaniwala na bf ko na pala ang katulad niya.

Michaela: Haaay! maghahanap nga ako ng katulad niyan. San mo ba nahanap yan?

Ako: sa PR Micha, yung gay dating & hookup site na gamit ko.

Michaela: hahahaa so gagawa ako non?

Ako: bahala kaa! hahaa

Sa gitna ng tawanan namin ay napabukas ako ng phone ko. Hindi pa nagreply si Rex sa huling text ko. Habang nakatitig sa phone ay naalala ko na nagtatanong pala si Michaela kung may pictures na kami ni Rex together, may ilang pictures na kami ni Rex sa loob ng kotse niya at ang pinakamarami ay yung nasa loob kami ng bahay niya, sa sala nila. Pinakita ko iyon kay Michaela, sa sobrang tuwa at pagkamangha ay nakukurot na lang ako ni Michaela habang nagsaswipe ng mga pictures namin ni Rex sa gallery ng phone ko. May halo mang pagkainggit ay labis lang talagang masaya ang bestfriend ko para sa akin.

Pagkatapos ng kaganapan sa school ay nagpasya akong umuwi, nakauwi na non ang bestfriend ko. Nang magpaalam na ako ay pinigilan ako ng isa sa mga classmates ko at kagrupo ko sa thesis na si Andrea.

Andrea: Gaab! wag ka muna umuwi, maaga pa naman sama ka sa'min!

Ako: saan naman tayo pupunta?

Andrea: sa bahay nila Joshua. Iinom tayo. Treat niyaa

si Joshua ay kaschoolmate ko lang, sa ibang course siya ngunit madalas rin kami magkausap about important matters lang sa school.

Joshua to Andrea: hoy Andrea! ambagan tayoo! sa akin na yung bahay tapos libre ko pa lahat!

Andrea to Joshua: haha akala ko naman libre mo lahat.

Joshua: Sige na Gab! sama ka, sasama si Matteo.

Ako: wala akong pang-ambag!

Agad ang pagkontra ni Andrea sa idinahilan ko.

Andrea: Hoy! nakita ko lang kanina nung bumibili ka, naglabas ka ng 500!

Aayaw pa sana ako nang biglang umakbay sa akin si Matteo.

Matteo: sama na tayo Gab., minsan lang naman to!

Ako: Sige na nga.

Nahirapan na akong makatanggi, lahat kasi ng gustong sumama ay nakahanda nang umalis, hinintay pa nila ako na galing pa noon sa faculty room para kausapin ang isa kong professor. Hindi ko na rin inayawan dahil halos lahat ng close friends ko ay sasama, baka matawag pa nila akong "KJ" kapag hindi ako sumama.

6pm siguro nang makarating kami sa bahay ni Joshua, chineck ko ang phone ko kung may text. Wala pa ring reply si Rex, masyado pa yata siyang busy, mga 11pm siguro ay makakatext na siya or makakatawag, hinayaan ko na lang muna ang hindi pa pagreply ni Rex, ang ginawa ko ay tinext ko na lang ang mama ko at sinabi ko na nasa bahay ako ng kaibigan ko, magkakasiyahan lang at magcecelebrate dahil start na ng 2 weeks na bakasyon. Lampas isang oras at nakakailang shot na ako, di ko pa rin mapigilan ang sarili ko na hindi sumilip sa phone ko, kahit hindi pa nagrereply si Rex ay tinext ko na lang siya at ipinaalam din kung nasaan ako at sinabi ang parehong dahilan na itinext ko sa mama ko.

Hindi ko inaasahan na labis kaming magkakatuwaan sa simpleng inuman na iyon sa bahay ni Joshua, sa katunayan ay may videoke pa sa bahay nila. Nag-enjoy ako masyado sa kasiyahan namin. Biruan, tawanan, halakhakan, kuhaan ng pictures at selfies, pataasan ng score sa videoke at kung ano-ano ang ginawa namin at mga nangyari ng gabing iyon, hindi na namin napansin ang pagtakbo ng oras, hindi ko na nga rin alam kung nasaang kamay na ang cellphone ko dahil pinagpasa-pasahan pa ito, pinaglaruan ng mga games ng ibang classmates ko at ginamit din sa pagkuha ng mga pictures.

12:00am nang matapos ang kasiyahan namin, may mga classmates ako na nakatulog na sa kalasingan, ako naman ay nakaramdam na ng matinding pagkahilo, alam ko pa naman ang mga nangyayari at di ako sobrang nalasing.

Paalis na kami ng makabalik sa akin ang phone ko na nalapag pala sa kung saan-saan, kahit nahihilo ay pinilit kong maglakad ng normal, bago makauwi ay hinatid pa namin si Andrea sa bahay nila, siya kasi ang pinaka-nalasing sa amin.

Nakasakay ako ng jeep nang buksan ko ang phone ko. Malapit nang mag-1am, nagulat ako dahil marami akong missed calls, pinakahuling sumubok tumawag ay si mama. Saktong titig na titig ako sa phone ko nang tumawag ulit si mama. Mahinahon lang naman ang boses ni mama, tinanong lang niya kung nasaan na ako at nag-aalala siya, ipinaalam ko sa kanya na pauwi na ako, napasabak lang sa inuman pero hindi naman gaanong lasing, nang malaman na ni mama na pauwi na rin ako ay sinabihan niya na lang ako na mag-ingat at susian na lang ang doorknob pag nakauwi na dahil patulog na siya. Pagkatapos kong tawagan si mama ay tatawagan ko na sana si Rex na may lampas sampung missed calls sa akin, bago ko pa magawa yon ay nakuha ng atensyon ko ang mga texts niya. Nabahala ako at parang bumagsak ang puso ko sa nakasaad sa mga texts niya at lalong umigting ang pagkabahala ko nang malaman kong hindi nagsend ang huling text ko sa kanya sa kadahilanang nag-expire na ang load ko bago ko pa siya matext.

(On Text Message)

Rex: "mahal kkauwi ko lang"

Rex: "mahal nkauwi kna ba? di k nman nagrerep."

Rex: "hoy!! mahal?"

Rex: "di mo sinasagot tawag ko"

Rex: "Gab?"

Rex: "nakakailang tawag na ako"

Rex: "makapagPR na nga lang"

Rex: "di ka ngrerep. di mo din sinasagot mga tawag ko, nsaan kba?"

Rex: "kaya nman pla! nagtry ako mag-ol sa fb. Ksama mo pla mga tropa mo, di mo man lng ako sinabihan..may nakaakbay pang lalaki sa'yo sa pic. na nakatag sayo"

Rex: "sge tulog na ko mukang nageenjoy ka!"

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 16)
The Guy From PR (Part 16)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/06/the-guy-from-pr-part-16.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/06/the-guy-from-pr-part-16.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content