$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 23)

By: JB Bumaba ako ng sasakyan ni Rex nang matamlay, at labis na nababahala sa away namin, sinubukan kong magpakumbaba pagkatapos ko siyan...

The Guy From PR

By: JB

Bumaba ako ng sasakyan ni Rex nang matamlay, at labis na nababahala sa away namin, sinubukan kong magpakumbaba pagkatapos ko siyang pagtaasan ng boses pero sobrang nasaktan si Rex sa ginawa ko. Nasa harap na namin si Papa noon ngunit hindi ko kinayang iharap si Rex sa kanya kahit ipakilala man lang si Rex bilang kaibigan. Hindi lang kasi magandang ideya para sa akin ang pagpapakilala ko kay Rex bilang isang kaibigan ko lang, matagal ko nang sinasabi kay Rex na kapag ipapakilala ko na siya sa pamilya ko ay handa na ako at ipapakilala ko siya bilang bf ko. Hindi ko lang inaasahan na darating sa puntong kailangan kong itulak si Rex papalayo sa paningin ng magulang ko.

Hindi ko naisipang umuwi agad, pumasok ako sa loob ng convenience store, bumili ng inumin at nag isip-isip. Malungkot lang ako hanggang sa pag-uwi ko sa bahay. Nag-usap pa kami ni Rex pero inabot lang iyon ng ilang minuto at pansin na pansin ko sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin at sa tono ng boses niya na wala na siyang ganang kausapin ako

Madilim sa aming kwarto, lahat ng kapatid ko ay tulog na at ako naman ay hindi makatulog sa kakaisip sa away at tampuhan namin ni Rex. Napapaluha ako kapag naiisip ko si Rex na sobra ang lungkot na ipinakita sa akin pagkatapos ko siyang ilayo sa akin nang makita ko si papa. Madaling araw na ako nakatulog at sa paggising ko ng tanghali ay si Rex pa rin ang laman ng utak ko, ang puso ko ay parang babagsak sa hindi mawalang bigat na nararamdaman.

Sa isang araw ay hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagtext kay Rex, sa unang text ko ay naghatid ako ng paghingi ng sorry mula sa kanya at sa mga sumunod na texts ko ay puro sweet messages na. Pagsapit ng gabi ay hindi kami nakapag-usap ni Rex, pagod daw siya at gusto lang matulog, ilang araw naging malamig sa akin si Rex, minsan nga ay parang gusto ko na siyang iconfront at pagtaasan ulit ng boses pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayaw kong mas lumala ang sitwasyon.

Ipinilit ko munang ibaon sa limot ang hindi namin pagkakaayos ni Rex, mas pinili kong magconcentrate sa summer class ko. Isang araw ay may nalaman akong balita mula sa mama ni Rex. May lagnat daw si Rex at ayaw magpa-checkup, hindi siya nakapasok ng araw na iyon dahil sa pagkakasakit niya. Sa nalamang iyon, ay napagpasyahan kong pumunta sa bahay nila Rex pagkatapos ng afternoon summer class ko, hindi alam sa bahay namin na hindi ako makakauwi agad ng hapon, hindi ko na naisip na iinform agad sila mama, gusto ko lang makita ang kalagayan ng bf ko. Gusto ko siyang tulungang magpagaling. Nang marating ko na ang street ng bahay nila Rex ay binilisan ko ang lakad ko na halos tumakbo na ako, gabi na ng makarating ako, ang kapatid ni Rex na si Chester ang nagbukas ng gate nila.

Ako: Chester, kamusta yung kuya mo?

Chester: Nasa kwarto pa po niya, mataas yung lagnat.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay nila ay nakita ko kaagad si Tita Ellen na kakababa lang mula sa itaas nila at may dala-dalang tray na may mangkok at plato.

Ako: Tita...good evening po..ano na pong nangyari kay...Rex?

T. Ellen: gab, pumunta ka nga! nakapagpaalam ka ba sa parents mo?

Ako: uhh..hindi pa nga po e...eeeh gusto ko pong makita si Rex.

T. Ellen: magtext ka sa kanila...si...Rex, mataas-taas pa rin yung lagnat,

T. Ellen: eto nga...pinakain ko, hindi niya naubos, sabaw lang ang naubos niya, pinainom ko na rin ng gamot.

Ako: ganun po ba, akyatin ko na po siya.

T. Ellen: wait lang....dalhin mo na rin ito pag-akyat mo.

May dala ako sa pag-akyat ko ng isang maliit na batya na may malamig na tubig at maliit na tuwalya, ipapahid ko iyon sa iba't-ibang parte ng katawan ni Rex, utos na rin iyon sa akin ng mama niya.

Paghakbang ko sa loob ng kwarto ni Rex ay napatigil pa ako habang hawak hawak ang batya, napahinga ako ng malalim at nalungkot nang makita ko si Rex na nakahiga sa kama niya, balot na balot ng kumot at dinig ko ang hanging lumalabas mula sa kanyang ilong. Tulog si Rex at dahan-dahan akong umupo sa kama malapit sa kanya, nang malapag ko na ang batya ay hinawakan ko ang natutulog na si Rex sa kanyang pisngi, pinagmamasdan ko ang mukha niya, masaya...na nakita ko siya at makakapiling ko siya ulit, lumakas ang kagustuhan ko na alagaan siya at iparamdam kung gaano siya kaimportante sa akin.

Nakapikit lang si Rex, kinakapa ko ang noo at leeg niya nang dumilat siya, namumula na mamasa-masa ang kanyang mga mata, halata sa hitsura niya na meron siyang sakit dahil sa namumutla ito at talagang matamlay. Sa pagbukas ng kanyang mga mata ay nagkasalubong ang mga ngiti namin, nang makita ako ni Rex ay bigla niyang pinilit bumangon. Medyo hirap siyang bumangon kaya't napahawak ako sa dalawang braso niya para alalayan. Kahit maysakit ay hindi mapigilan ni Rex mapangiti, nilalayo pa niya ang tingin niya sa akin para lang hindi ipakita ang pagngiti niya

Ako: mahaaal..

Sa pagsambit ko ng tawagan namin ay bumalik ang pagkakatingin niya sa akin, bahagyang napapagalaw ang gilid ng labi ni Rex, at tila nagpapakipot pa.

Ako: Bakit ka naman nagkasakit?

Rex: pagod siguro tsaka...lungkot.

Batid ko ang hina at may pagkapaos na boses ni Rex dahil sa pagkakasakit niya, isinama niya ang lungkot na isa raw sa dahilan ng pagkakasakit niya, mabilis na bumagabag sa akin ang tungkol sa pag-aaway namin lately na talaga nga namang nagpalungkot sa kanya at sa akin.

Ako: mahaaal...maging ok na sana tayo.

Rex: hmmm...ok naman tayo e.

Ako: Eeh! hindi naman e.

Hindi ko nakontrol ang emosyon ko at tumulo na lang ang luha ko, naiyak ako hindi lang dahil sa nakitang kalagayan ni Rex kundi dahil nasa isip ko pa rin ang maling nagawa ko kay Rex, nasaktan ko siya, dahil sa pagiging makasarili ko.

Ako: sorry mahal.....sorry kasi nasaktan kita....

Ako: sorry kasi di ko pa mabigay yung gusto mo....parang nagiging madamot ako at unfair. Hindi ko naman din gusto to.

Mabagal ang pag-angat ng kamay ni Rex, pinunasan niya ng kamay niya ang mga luha ko sa aking mga pisngi at mahinahon akong kinausap.

Rex: wag ka na umiyak...wala na sa akin yon ngayon. Ok na tayoo....mahal.

Ako: salamat mahal..

Hindi rin nagtagal ang emosyonal na eksena na iyon, mabilis ang sobrang pagkagaan ng pakiramdam ko, ibang-iba iyon sa pakiramdam ko nung mga huling araw pagkatapos may mabuong away sa amin ni Rex.

Rex: may klase ka kanina diba? napapunta ka pa tuloy dito.

Ako: syempre, may sakit ka...kailangan kita puntahan.

Inilabas na ni Rex ang malaki niyang ngiti, sa pagbigay niya sa akin ng ngiting iyon na matagal ko nang hindi nakita ay hinawakan ko ang kamay niya at dinama ang malambot niyang palad.

Rex: salamat mahal....sa pagdalaw mo sa akin.

Masarap sa pakiramdam na marinig mula kay Rex ang pasasalamat niya, nasimulan ko nang makita ang pagkaappreciate niya sa pagdalaw ko sa kanya at pageffort sa pagpunta sa bahay nila.

Hawak ko na rin ang kamay ni Rex kaya't sinimulan ko na ang pagpunas sa kamay niya pataas sa kanyang braso at lumipat sa may binti niya pababa sa paa niya, inalagaan ko si Rex, pinainom ng gamot niya, pinilit pa siyang pakainin, inalalayan papunta sa cr kapag susuka siya o iihi. May mga sandali na napapayakap ako kay Rex kahit mainit pa ang katawan niya, sa di kasi namin pagkakaayos ng ilang araw ay mas dumodoble ang pagkamiss ko sa kanya. Nakailang "I love you" rin ako sa kanya na binabawian naman din niya ng sagot.

11pm na nang magbalak akong umalis para makauwi, tumawag na rin ang mama ko sa akin ng alas otso at hinahanap ako, nagdahilan lang ako para payagang makauwi ng late, nawili rin kasi ako ng sobra sa pag-alaga kay Rex at kwentuhan lang siya ng kwentuhan.

Rex: anong oras ka na tuloy makakauwi nyan.

Ako: worth it naman...naalagaan ko yung bf kong may sakit.

Pumasok si Tita Ellen sa kwarto ni Rex at kinausap ako.

T. Ellen: ano gab? dito ka na matutulog?

Ako: kung pwede nga lang po.

T. Ellen: bakit hindi ka na lang dito matulog?

Ako: pinapauwi na po ako ng papa ko e.

T. Ellen: Oh! anong oras na anak, uwi ka na sa inyo.

Ako: oo nga po, aalis na po ako tita. Mabilis na lang naman po yung biyahe.

T. Ellen: sigee...ako na bahala kay Rex.

Bumaba sandali si Tita Ellen, nilapitan ko si Rex at hinalikan.

Ako: mahaal.. alis na ako, pagaling ka, babalik ako bukas. I love you.

Rex: sige mahal, I love you.

Bago makalampas ng gate ay nagpasalamat pa si Tita Ellen sa pagdalaw ko.

T. Ellen: Gab, salamat talaga.

Ako: ayy wala po iyon, obligasyon ko po to.

Ako: sige po..babalik rin po ako bukas.

T. Ellen: sigeee, mag-ingat ka.

Kinabukasan ay walang pasok, maaga akong umalis ng bahay, muli kong dinalaw si Rex na mukhang pagaling na rin, balik kami sa normal; asaran, tawanan, lambingan. Sobrang namiss ko iyon na ginagawa namin ni Rex. Mas iba na rin ito ngayon dahil pinapanood pa kami ni Tita Ellen na tuwang-tuwa pa sa amin, si Chester naman na kapatid ni Rex ay mas nagiging kasundo ko na rin, hindi lang si Rex ang minamahal ko kundi ang pamilya niya.

Masaya lang ng mga sumunod na araw, nag-outing kami ng pamilya ko at ibang kamag-anak at family friends, kahit nag-eenjoy ay sige lang ang text at pagupdate ko kay Rex, dalawang linggo ang nagdaan ay pamilya naman ni Rex kasama ang mga kamag-anak niya ang nagkaroon ng outing, nakakahiya man pero sumama ako sa outing nila, kinumbinsi kasi ako ni Rex pati ni Tita Ellen na sumama, pinilit nila ako hanggang sa wala na akong maidahilan at napapayag rin.

Ginamit ang kotse ni Rex sa pag-alis, nasa harapan ako katabi ni Rex ngunit nakasiksik rin sa tabi ko ang tito niya na nakwentuhan ko rin habang nasa biyahe, hindi naman ako makasabay sa pagkakatuwaan at pagbibiruan ng mga kamag-anak nila Rex, dinadaan ko na lang sa tawa para hindi makaramdam ng pagka-OP.

Overnight ang outing nila at ang resort na pupuntahan ay kaibigan ng relatives nila Rex, dahil doon ay nagkaroon sila ng discount sa entrance fee maging sa room accomodation. Ipinaalam sa akin ni Tita Ellen ang tungkol sa kaalaman ng ibang mga kamag-anak niya tungkol sa relasyon namin ni Rex, sa nalaman kong iyon ay mas tumindi ang tinatago kong hiya, kapag magkasama kami ni Rex ay pinapakiramdaman ko ang ibang kamag-anak niya, baka kasi biglang iopen sa amin ang tungkol sa namamagitan sa amin ni Rex at magtanong, pati ang mga mapapadaan sa harap namin ni Rex na mga babae or beki ay pinapakiramdaman ko rin, karamihan ay napapatingin sa nakahubad at nakasunglasses na si Rex, kapag napapansin ko na may napapatingin sa kagwapuhan ni Rex ay titingnan ko rin siya at tatawa na lang.

Nagkaroon naman din kami ng pagkakataon ni Rex na magkasama nang kami lang, pupunta kami sa dagat at pagmamasdan ang ganda ng view, maya't-maya din ang pagkuha namin ng picture na magkasama. Nang lumusong na kami sa kulay asul na dagat ay napapatigil ako sa panonood kay Rex, pinagmamasdan ko ang hubad at nakaboxers lang na si Rex, nahawakan at nakita ko na ng ilang beses ang katawan ni Rex, ilang beses ko na rin natikman...pero hindi pa rin ako nagsasawang magnasa kay Rex na parang hindi ko lang siya kilala at pinagpapantasyahan ko ng sobra.

Pagdating ng gabi ay nagkaroon ng inuman, inabutan din ako ng mga kamag-anak ni Rex ng alak. Tuwang-tuwa ako sa mga kamag-anak ni Rex dahil sa kung ano-anong mga katatawanan na pinaggagagawa, nang matapos ang inuman ay hindi ako tinablan ng kalasingan dahil sa kaunti lang naman ang ininom ko, si Rex ay nalasing ngunit nakakausap naman ng maayos, pinili namin ni Rex na matulog sa isang may kaliitan na room kung ikokompara sa ibang rooms sa resort ngunit malinis at maganda ang loob. Sa room dapat nila Tita Ellen si Rex pero nagpumilit na samahan ako which is...gustong-gusto ko rin naman. Nang pumasok kami sa room ay agad na humiga si Rex sa puting kama, ibinagsak niya ang sarili sa kama at hinihila pa ako para tumabi sa kanya, pinili ko munang hindi humiga at umupo lang sa kama, Ilang minuto lang ay tumayo ang lasing na si Rex, napatayo ako at sinundan siya, lumabas siya ng room at nagcr, hinintay ko siya sa may pinto ng room namin, pagbalik niya ay inakbayan niya ako at sabay kaming bumalik sa room. Pinauna ako ni Rex makapasok sa loob ng kwarto, siya ang nagsara ng pinto at nilock ito. Pagkalapit ni Rex sa akin ay humawak siya sa bewang ko at mahinang nagsalita.

Rex: mag....aano dapat ako sa cr e, naisip ko nandito ka naman pala..

Lumagkit ang tingin sa akin ng bf ko, sinusubukan kong pigilan ang sarili ko at hindi sakyan si Rex sa gusto niya pero sadyang nakakapang-akit si Rex, sa katawan niya pataas sa kanyang napaka-attractive na mukha ay talagang gaganahan ka. Sa malagkit na tingin ni Rex ay tila lumulutang ako at natatablan ng animoy isang hipnotismo. Sinunggaban ko si Rex na parang isang ahas na nanuklaw, kasabay ng paggalaw ng mga ulo namin ay ang pag-atras ko dahil sa pilit na pagdala sa akin ni Rex papunta sa kama, sa puwersang binibigay ni Rex ay napabagsak kami sa kama.

Patuloy lang ang halikan namin, mabilis ang pagtanggal ni Rex ng boxer shorts niya at ng suot kong sando at shorts, nang pareho na kaming hubad ay di ko na lang namalayan na pinapasok na ni Rex ang tigas na tigas niyang alaga sa tumbong ko, hindi ganoon kalakas si Rex dahil siguro sa nakainom siya, hinihinaan ko lang ang pag-ungol ko, napapatigil na lang ako sa pag-ungol kapag humahalik na sa akin si Rex, pansin ko na pagod na si Rex at naubusan na ng enerhiya kaya't ako na lang ang nageffort at pumatong sa kanya, sabik na sabik ako sa katawan ni Rex, matindi ang paggalaw ko habang kinakabayo siya, sinigurado ko na sarap na sarap ang bf ko sa ginagawa ko na nakikita ko naman..dahil sa mahina niyang pag-ungol at paggalaw. Nakaraos kami pareho ni Rex sa posisyon na iyon, napagod ako sa ginawa namin, nakatulog kami agad ni Rex at nagising sa isang maaliwalas at panibagong umaga.

Nagbiruan kami ni Rex pagkatapos maligo ng umaga, pinaalala niya ang nangyari sa amin ng huling gabi.

Rex: ikaw mahal ah!! nalasing lang ako kagabi...ginahasa mo na ako.

Ako: halaa! gusto mo naman e.

Rex: ang sarap non ah.

Ako: talaga ba?

Rex: oo nga! gumaling ka na lang dahil sa akin. hahaa

Ako: hahaa baliw!

Natigil ang biruan namin ni Rex nang tawagin kami ni Tita Ellen, sabay-sabay kasi kami kakain sa labas kasama ang mga kamag-anak ni Rex.

Pagabi na rin nang makabalik kami ng Maynila, hindi ko man gaanong nakasalamuha ang ibang relatives nila Rex ay naging masaya pa rin dahil napagbigyan ko ang gusto ni Rex na sumama ako sa outing nila at nagkaroon pa rin kami ni Rex ng oras na magkasama. Tito na ni Rex ang nagdrive pauwi, magkatabi kami ni Rex sa harapan kaya't nakakapuslit din kami ng paghoholding hands.

Nagstay sa bahay nila Rex ang karamihan sa mga relatives nila, napagpasyahan ko na umuwi na at mamasahe, hindi nangyari ang kagustuhan kong iyon dahil sa pagpupumilit ni Rex na ihatid ako. Maaga akong nakauwi ng gabing iyon, huli ko nang nalaman na may naiwang mga gamit si Rex sa bag ko. May naiwan siyang isang boxer shorts niya at shades, hindi ako nabigla ngunit natuwa pa nang makita ko ang mga iyon sa bag ko.

(On Phone Call)

Ako: Hello mahaaal...may mga naiwan ka pala dito sa akin.

Rex: haa? ano?

Ako: may boxer ka dito tsaka yung shades nandito sa loob ng bag ko.

Rex: ahhh...yung boxer shorts na yan..yan yata yung suot ko before and after tayo mag....ughh!

Ako: hahaa oo nga, may remembrance tuloy ako.

Rex: sa'yo na yan mahal.

Ako: hindi ko na nga talaga balak ibalik sa'yo to! marami ka namang boxer shorts e.

Rex: hahaa susuutin mo yan lagi.

Ako: baka araw-araw pa. hahaa

Rex: hahahaaa! ako mahal, di mo man lang bibigyan ng remembrance?

Ako: kapag nagkita ulit tayo.

Ilang araw ang nakalipas nang magpost si Rex sa fb ng mga pictures ng last outing namin sa Laguna kasama ang mga relatives niya, nakatag ako sa post niya at sa mga picture na magkasama kami, hindi ko ikinabahala nung una ang pagtag sa akin ni Rex ngunit nag-umpisa na akong mabahala nang makita ito ng ate ko sa fb. Isang gabi pagkauwi ko galing sa school ay inopen sa akin ito ng Ate Giselle ko.

Giselle: Gab..nakita ko yung mga pictures niyo nung Christian ba yon? ang gwapo naman non.

Ako: huh? nakita mo?

Giselle: oo, nakatag ka e, syempe makikita ko, ang ganda rin ng pinuntahan niyo ah.

Doon ko na naisip na makikita nga pala ng mga friends ko sa facebook ang mga pictures na nakatag sa akin, hindi lang si Ate Giselle ngunit lahat ng fb friends ko maging ang parents ko ay pwedeng makita ang mga pictures na iyon. Habang nagsasalita pa si ate ay nagfb ako at pinuntahan ang posts ni Rex. Lalo akong nabahala sa mga comments na nakita ko, halos lahat ay pinupuna ang kagwapuhan ni Rex ngunit may mga pumansin sa mga pictures namin ni Rex, mga gay ang nagcomment, tinatanong kung kaano-ano ako ni Rex at ang iba ay kinukumpirma na magjowa kami ni Rex. Sa takot na makita iyon ng mga magulang ko ay inalis ko ang pagkakatag sa akin na hindi pinapaalam kay Rex.

Giselle: hoy Gab!!

Ako: huh? ate bakit?

Giselle: ano bang name non?

Ako: nino?

Giselle: yung kasama mo nung outing niyo?

Napasalubong ang kilay ko sa tanong ni Ate Giselle, interesadong interesado siya kay Rex na hindi niya alam na bf ko.

Ako: hindi mo ba nakita sa post.

Giselle: Christian lang naalala ko.

Ako: O! yun na yun.

Giselle: ahh ok...parang close kayo nun. Kaano-ano mo ba yun Gab?

Ako: uhh..eh...oo..close kami.

Giselle: talaga? dalhin mo naman yun minsan dito, para makilala naman namin. Madami ka nang sinama dito na friends mo bakit yung gwapo tuloy...hindi mo dalhin.

Ako: haay naku si ate! diba may bf ka na?

Giselle: wala ah! hindi ko naman siya haharutin, gusto ko lang makilala, eto naman!

Giselle: baka naman jowa mo na pala yun ah..kaya ganyan ka rin kung makareact. hahaa

Kinabahan ako sa sinabi ni ate, nakatalikod ako kay Ate Giselle at napapikit nang marinig ko iyon, hindi ko alam kung may alam na siya tungkol sa tinatago ko pero hindi ko pa rin hinayaan na makahalata siya.

Ako: hahaa kung babae lang sana siya.

Giselle: hahaa sira! basta...pag may time siya, pabisitahin mo dito sa bahay.

Pagkapasok ko ng kwarto ng gabing iyon ay lubos akong napaisip, nakita na ng isang kapatid ko sa picture si Rex na sinabi kong close friend ko lang, hindi ko alam kung biro lang talaga ang kantyaw ni Ate Giselle sa akin pero seryoso siya na gusto niya rin itong papuntahin sa bahay at ipakilala ko sa kanila, malamang ay sasabihin niya rin ito sa isa ko pang kapatid, kahit maging sa parents ko.

Sa kaganapang iyon ay gumulo ang isip ko..hanggang sa tuluyang mapagdesisyunan ko na isama sa mga plano ko ang paggawa ng paraan para sabihin na sa pamilya ko ang katotohanan tungkol sa pagiging gay ko, aamin ako sa kanila, at kapag nagawa nila akong matanggap ay ipapakilala ko na si Rex sa kanila, hindi bilang isang close friend kundi isang boyfriend. Hindi ko iyon basta-basta gagawin, maghahanap ako ng tiyempo hanggang sa maibunyag ko na sa kanila ang lahat. Isa iyong pagtetake ng risk para sa akin, may takot pa rin pero iniisip ko na lang na hindi ko naman ito ikamamatay at hindi lang naman ito para sa akin, para rin sa pamilya ko at lalong-lalo na kay Rex.

Kinabukasan ng gabi ay napagpasyahan kong sabihin kay Rex ang plano ko, naisingit ko iyon sa pag-uusap namin sa phone.

(On Phone Call)

Ako: ahh...mahal...may sasabihin nga pala ako sa'yo.

Rex: ano yun mahal?

Ako: nakita kasi ng ate ko yung picture natin...yung sa outing?...sinabi ko sa kanya na kaclose lang kita.

Ako: eeh, gusto niya dalhin daw kita sa bahay.

Rex: Ok...tapos?...

Rex: ahh alam ko na...ayaw mo pa! at ayaw mo akong ipakilala sa kanila as your friend lang. Alam ko na yan!

Ako: hindi mahal, napagisip isip ko na...ipapakilala na kita sa kanila.

Lalong lumakas ang boses ni Rex, naramdaman ko ang excitement niya.

Rex: huh? mahal...sure ka?......sige! mabuti kung ganon!

Rex: kung ganon...paano mo naman ako ipapakilala? ayaw mo akong ipakilala bilang kaibigan mo lang diba?

Ako: yun nga mahal..

Ako: Ibubunyag ko muna sa kanila yung tungkol sa'kin. Aamin na ako.

Mula sa malakas na boses ay humina at huminahon ang boses ni Rex, bigla siyang nag-alala sa ipinaalam ko sa kanya.

Rex: handa ka na nga ba talaga? sana maging maganda naman yung kakalabasan niyan...sana matanggap ka nila at....ako.

Ako: mahal...anytime soon, aamin na ako, pwedeng bukas, sa makalawa, this week? hindi ko na patatagalin.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 23)
The Guy From PR (Part 23)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/06/the-guy-from-pr-part-23.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/06/the-guy-from-pr-part-23.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content