$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 18)

By: JB Hindi ko kailanman naisip sa buhay ko na makakasama ko sa isang hapagkainan ang pamilya ng magiging bf ko, kahit ang pagkakaroon n...

The Guy From PR

By: JB

Hindi ko kailanman naisip sa buhay ko na makakasama ko sa isang hapagkainan ang pamilya ng magiging bf ko, kahit ang pagkakaroon ng bf na katulad ni Rex ay hindi ko noon inaasahan. Masaya naman ang pamilya ni Rex, parehong madaldal si Rex at ang mama niya, kung ano-ano na lang ang maisipang topic na pwede pag-usapan, si Chester naman na alam na rin ang tungkol sa amin ni Rex ay mahilig makipag-asaran at makipaglokohan sa kuya niyang si Rex, ang mama niya ay madalas siyang pagalitan at pagsabihan sa kakabulakbol niya. Feel na feel ko na welcome ako sa bahay nila at ang gaan ng loob ko sa pamilya ni Rex

Nagprisinta akong maghugas ng kainan, si Chester ang inuutusan ng mama nila na maghugas pero sadyang tamad ito at laging naglalaro lang sa computer niya sa kwarto nila tuwing gabi. Habang naghuhugas ng mga kinainan ay nagkaroon ulit ang Mama Ellen nila Rex na kausapin ako at magtanong ng kahit anumang naisin niya. May itinanong siya na nahirapan akong sagutin at hindi ko alam kung paano ko sasagutin.

R M: Paano nga pala kayo nagkakilala ni Rex?

Ako: Paanoo? uhmmmm....

Ako: Paano ko po ba ieexplain. haha

Tinapik niya ako sa aking balikat nang hindi ko masagot agad ang tanong niya.

R M: Sige...isipin mo lang kung paano nga ba. haha

Bigla kong narinig na nagsalita si Rex mula sa likuran namin na hindi namin alam na nakikinig pala sa usapan namin ng mama niya.

Rex: Alam mo naman maa yung nakita mong app sa phone ko diba?

R M: Ahh..dun mo pala si Gab nahanap?

Rex: Hahaa oo maa. Pero dinelete ko na yung app sa phone ko.

Nakikinig lang ako sa usapan ng mag-ina, awkward sa feeling na pag-usapan ang tungkol sa app na iyon kasama ang mama niya. Bumalik ang pagkakatingin ng mama ni Rex sa akin.

R M: Ikaw ba Gab...binura mo na yung app?

Ako: oo naman po tita, hindi ko na kakailanganin yon.

Ngumiti ng bahagya ang mama ni Rex at mabagal na inilipat ang tingin kay Rex.

Umakyat kami ni Rex sa taas nila, sinamahan ko si Rex sa kwarto niya, pagpasok ko ay hinubad ko muna ang suot kong sapatos. First time kong masilayan ang loob ng kwarto niya, may airconditioner sa loob na nakapatay pa sa mga oras na iyon, may sarili siyang cr sa loob, may malaking hugis rectangle na salamin sa tabi ng pinto ng cr niya, kulay puti lang din ang wall sa loob ng kwarto ni Rex, meron siyang malaking aparador na kahoy at sa tabi nito ay nakabungad din ang mga nakasampay niyang mga damit na karamihan ay long sleeves na sinusuot niya kapag pumapasok ng trabaho, iba-ibang shade ng color blue na stripes ang katamtamang laki na kama ni Rex, may shelf din sa loob ng kwarto ni Rex na nakadikit sa mataas na bahagi ng pader malapit sa pintuan ng kwarto, nakadisplay dito ang mga collection niya ng iba't-ibang laruan na superhero, at mga libro na mga binabasa niya, may mga libro din siya ng tungkol sa field ng trabaho niya, sa may baba nito malapit lang din sa kama niya, nakapatong ang laptop ni Rex sa isang maliit na lamesa. May lampshade din sa loob na ginagamit niya kapag may inaasikaso pang documents at paper works tuwing madaling-araw. Binubuksan lang din daw ito ni Rex kapag matutulog na, mas nakakatulog daw kasi si Rex kapag nakapatay ang bulb light niya sa kwarto at nakabukas naman ang lampshade na nagbibigay ng kaunting ilaw sa dilim.

Ako: ito na pala yung kwarto mo mahal..

Napangiti si Rex sa akin na galing lang sa loob ng cr

Rex: oo...mag-isa lang ako dito.

Ako: si Chester, doon lang talaga sa kabilang kwarto, kasama ang mama mo?

Rex: oo..mawalak naman don. Dalawa ang kama don, hindi na tumatabi si Chester kay mama, binata na kasi. hahaa

Ako: ah haha ganun ba..

Nakaupo ako noon sa maliit na upuan sa may table niya, nakaupo si Rex sa kama niya. Nakasando siya at naka-boxer shorts, kita ko ang may kalakihan niyang braso at balikat at ang hita hanggang paa niya na medyo mabuhok, nakita ko na ito dati, kahit ang pinakatinatago niya ay nakita ko na rin pero nung napatitig ako sa kanya ay napapalunok ako at nakakaramdam ako ng init sa katawan.

Maya-maya lang ay tinawag ako ni Rex, sumenyas siya, pinapaupo niya ako sa tabi niya.

Rex: mahaal...tabi ka dito sa'kin.

Napanganga ako na parang tinatanong kay Rex kung bakit kailangan kong tumabi sa kanya. Iba kasi ang tingin at ngiti ni Rex, parang nang-aasar na naman.

Rex: sige naa..namiss kitaa...mag-uusap lang tayo.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumabi kay Rex, dumaan ang braso niya sa likod ko at humawak sa kabilang hita ko. Sa sobrang dikit namin ay napahawak lang din ako sa hita niya at di ko maiwasang hindi mapatingin sa bakat niyang alaga na nakatago sa kanyang boxer shorts.

Rex: pumunta ka dito mag-isa, alam mo na pala ang papunta dito.

Ako: oo nasabi mo na sa'kin kung paano e.

Rex: oo nga, buti naalala mo pa..

Ako: pinilit kong maalala, gusto kitang masurprise...parang pagbawi ko na rin.

Rex: ah..ito na pala yung pagbawi mo..

Ako: hindi ka ba natuwa sa ginawa ko?

Rex: natuwa ako, nagulat ako, nasurprise ako..

Ako: inisip ko rin kasi...ayaw kong maabala ka pa sa pagsundo sa'kin. Sobraa naman siguro kung lagi akong magpapasundo sa'yo.

Tumawa ng malakas si Rex sa aking sinabi, kasunod non ay kinurot niya ang pisngi ko.

Rex: ang bait talaga ng bf ko..

Rex: never kang magiging abala sa akin mahal..tandaan mo yan!

Ako: pero alam ko naman na maganda rin yung ginawa ko..

Rex: ok nga din...

Rex: Dyan ako mas lalong nainlove sa'yo e, sa kabaitan at pagkahumble mo although matampuhin ka.

Napayuko ako sa sweet na sinabi ni Rex. Napalapat sandali ang noo ko sa balikat niya.

Ako: hindi naman masyado mahal. haha

Rex: sa katunayann mahal...nagugustuhan ni Mama ang ugali mo at ang gaan daw ng loob niya sa'yo, nabanggit niya sa akin yon nung unang punta mo dito.

Napadiretso ang tingin ko sa kausap kong si Rex nang malaman ko iyon.

Rex: natuwa akong malaman yon mula kay mama. Di niya lang tayo tanggap pero parang...talagang gusto ka niya para sa'kin.

Ako: nakakatuwang isipin mahal..

Ako: ang tagal din naming nagkakwentuhan kanina, nakakatuwa ang mama mo, at actually ang gaan din ng loob ko sa kanya.

Rex: nagkakasundo kayo ni Mama..

Nagkaroon lang kami ni Rex ng masinsinang usapan non, napansin ko na lang ilang saglit lang ang kamay niya na pinipisil na ang hita ko, gumagalaw pataas ang kamay niya at hinahaplos ang bandang bewang ko malapit sa aking puwitan.

Ako: mahal?

Rex: bakit?

Ako: ang likot naman ng kamay mo. haha

Rex: haha..ayaw mo bang ginagawa ko to?

Ako: Hindi naman...napansin ko lang.

Patuloy ang ginagawang iyon ni Rex, lalong tumindi ang tingin niya sa akin, nilapit ni Rex sa akin ang kanyang mukha at mahinang nasalita.

Rex: yun lang ba talaga ang paraan mo para makabawi sa'kin.

Ako: bakit mahal? may iba pa bang paraan?

Pabulong na sumagot si Rex.

Rex: oo...meron mahal..

Pinarinig na naman ni Rex ang kanyang nakakabighaning pabulong na boses. Gumalaw ako at napausog ng kaunti palayo kay Rex.

Ako: Aaaaay! ayan na naman. Sinusubukan mo talaga akong iseduce ah!

Sa pagdistansya kong iyon ay pabiglang sumunggab si Rex sa katawan ko. Mabilis ang pangyayari at dahil sa mas malaki siya sa akin ay napahiga ako sa kama, nakapatong si Rex sa akin, ramdam ko ang bigat niya at ang katawan niya na nakadikit sa katawan ko, ang mga hita ko ay nakadikit sa bewang niya, ang mga kamay niya ay nakalapat nang maigi sa kama, sa magkabilang gilid ng ulo ko. Hindi ako makapiglas at napahawak na lamang sa mga braso niya.

Ako: Reeeeeex! makikita tayo ng mama moo..

Rex: Nakalock ang pinto Gab!

Hinalikan ni Gab ang dibdib ko na nakatago sa suot kong v-neck na shirt, umakyat ang mga halik niya patungo sa labi ko. Sinagot ko ang mga halik niya, tumindi pa ang paghahalikan namin, sa sandaling pagtigil namin ay pareho kaming tila naghahabol ng hininga. Hinaplos-haplos ko ang mga kamay ko sa pisngi niya at pabulong na kinausap si Rex

Ako: mahaal! alam mong hindi natin pwedeng ituloy to. Nasa kabilang kwarto lang ang mama mo.

Rex: alam ko mahal...namiss lang kita at ang labi mo.

Ako: nagpipigil lang ako mahal...pero ako..sobrang namiss kita at ang halik mo..

Kasunod non ay ang paghigpit ko sa pagkakahawak sa pisngi ni Rex at ang paghalik sa mapula niyang labi, sinagot niya ito ng mas matamis niyang halik. Nagpatuloy ang halikan namin habang nasa kama kami at magkapatong.

Naghahanda na akong umuwi dahil sa tumawag na ang mama ko, at pinapauwi na ako. Nagpaalam na ako sa Mama ni Rex at kay Chester. Inunahan ko pa si Rex sa pagbaba, huminto ako sa may pinto nila at gusto sanang magpaalam na kay Rex.

Ako: mahal...magcocommute na lang ako. Magpahinga ka naa

Gusto kong magpahinga si Rex, pansin ko na kasi ang bagsak niyang mga mata at pinipilit lang niyang ganahan ang kilos niya.

Rex: haa? ihahatid kita.

Ako: wag naa mahal, alam kong puyat at pagod ka.

Rex: hindi naman gaano.

Humawak si Rex sa likod ko at dinala sa garahe nila.

Rex: hindi pwede mahal, gagabihin ka na masyado mapapagod ka pa pag-uwi mo.

Ako: mabilis lang ang biyahe mahal, mga 10:30 makakarating na ako sa bahay.

Rex: pero ang sabi ko kasi kay mama..ihahatid kita. Bababa na nga si Chester para buksan yung gate.

Ibinalot ni Rex ang mga braso niya sa buong katawan ko at binigyan ako ng halik, hindi pa ako nakaangal pa sa pagpupumilit ni Rex, masarap lang talaga damahin at isipin na malaki na talaga ang care at pagmamahal ni Rex para sa akin.

Bago makasakay sa kotse ay naghintay pa kami ni Rex sa pagbaba ni Chester para buksan ang gate.

Napag-usapan namin ni Rex habang nasa biyahe ang muli kong pagdalaw sa bahay nila sa darating na Linggo at gusto ni Rex na sa susunod na pagpunta ko ay mag-overnight ako sa kanila.

Nakarating ako sa bahay ilang minuto after 10pm. Inalok ako ni mama kumain ngunit busog na ako dahil nga sa nakapaghapunan na ako sa bahay nila Rex. Pumasok na ako agad ng kwarto ko para makaiwas sa pagtatanong nila mama, magiging kasinungalingan na naman ang maisasagot ko kung sakali. Nang malamang nakabalik na si Rex sa bahay nila, nagkatext pa kami ngunit nagtagal lang iyon ng ilang minuto, inantok na kasi agad si Rex at natulog na. Hindi man sabihin ni Rex pero alam ko na nung nasa bahay pa lang nila ako..na pagod siya at antok na kaya ayaw ko rin sana non na ihatid niya pa ako pabalik malapit lang sa tirahan ko.

Nakahiga na ako at una kong inisip ang pagkakasundo namin ng mama ni Rex at ang mas gumagandang naming samahan, mabait lang kasi talaga ang mama ni Rex at masayang kausap.

Ang iniisip kong iyon ay natabunan na lang bigla ng tungkol sa romantic kiss na nangyari sa amin ni Rex sa kwarto niya, iniimagine ko pa rin si Rex na nasa ibabaw ko at parang hindi rin kasi nawawala sa pang-amoy ko ang pabango ni Rex, ang amoy niya na ang lakas makaappeal at makaattract. Pinipilit ko ring ipasok sa isipan ko ang moment na magkahalikan kami na halos kainin ko na ang mapula at malalambot na labi ni Rex. Hindi ko pinapakita pero nanggigil talaga ako sa bf ko na si Rex, bawat sandali na naiisip ko siya bago matulog ay napapayakap ako ng mahigpit sa malaki kong unan.

Sabado, ang araw bago ko kitain ulit ang bf ko at bisitahin ulit ang bahay nila. Habang nanonod ng TV sa sala namin ay naalala ko ang mga pagkakataon na halos magtalik na kami ni Rex, hindi isa o dalawa...ngunit tatlong beses na nangyari sa amin iyon ni Rex. Hindi natutuloy ang lahat ng iyon sa sex. Matagal na akong curious na makipagtalik sa isang lalaki, dumating na si Rex sa buhay ko, bf ko na siya, napakalakas ng sex appeal niya dahil sa kagwapuhan niyang taglay. Tila kinausap ko ang sarili ko at naglabas ng mga katanungan sa isipan ko "nasa iyo na ang pinangarap mong bf, gwapo at maganda ang hubog ng katawan pero bakit hindi mo pa magawang ibigay sa kanya ang virginty mo? bakit di mo gawin kasama siya ang inaasam-asam mo dati na sex? dapat siguro ay hayaan mo nang may mangyari sa inyo ni Rex".

Napapapikit ang mga mata ko habang nasa isip ko ang mga iyon, kung makagawa ako ng paraan na mapapayag ang mga magulang ko na mag-overnight sa ibang bahay, ay maaaring mangyari na sa kwarto ni Rex ang first experience ko. May pagdadalawang-isip pa rin ako kahit papaano dahil may bumabalakid pa rin sa isip ko, sumanggi sa isipan ko...na hindi iyon ang magiging tamang lugar o tamang panahon para pumayag ako at ibigay ang sarili ko kay Rex, nandon lang sa bahay nila ang mama ella niya, parang hindi naman siguro maganda kung may gawin kaming milagro ni Rex habang nandon lang siya sa kabilang kwarto na walang kaalam-alam.

Parang nababaliw ako sa kung ano-anong iniisip ko, para tumigil ang pag-iingay ng utak ko ay inisip ko na lang na...mangyayari rin sa amin ni Rex iyon sa tamang panahon.

Dahil mas lalong tumitindi ang pagkacurious ko sa sex ay nagkaroon ako ng isang ideya para naman may alam rin ako tungkol sa sex lalong-lalo na sa gay sex o male to male sexual intercourse. Nagsearch ako sa internet ng mga facts and realities about gay sex. Napunta pa ako non sa kung ano-anong sites; isang site na dinidiscuss at ipinapaliwanag ang mga internal at external parts ng anus, isang site na nagpapaliwanag tungkol sa HIV/AIDS Prevention & Awareness. Nabasa ko pa ang mga iyon hanggang sa mapunta ako sa isang website na nakalist ang mga "Do's and Don't's" before & while having anal sex with your partner, binasa ko nang maigi iyon, nafeel ko na kailangan kong basahin ang mga iyon, para if ever na may mangyari sa'min ni Rex ay may idea ako.

Narating ko rin ang isang site na nagsasabi ng mga facts about having gay sex for the first time, saktong-sakto sa akin ang article na iyon, talagang para sa akin ang mga nakasaad na impormasyon doon. Nalaman ko ang pakiramdam ng karamihan na nagpabottom sa unang pagkakataon, nabasa ko rin kasi ang ibang comments sa site, masakit daw talaga lalo na kapag virgin ka pa, sa unang pasok ay makakaramdam ka ng sakit na parang may matigas kang dumi na mahirap ilabas, at pagkatapos daw ay duduguin ka, natural lang daw iyon. Sa nabasa kong iyon ay bumilis ang takbo ng puso ko, nagkaroon ng takot sa akin.

Medyo nawala ang hindi magandang naramdaman ko na iyon nang mabasa ko ang katotohanan na...masakit man daw sa umpisa ay mararamdaman mo rin ang sarap habang tumatagal, kapag may partner ka at maraming beses niyo na ito ginagawa ay masasanay ka na lang.

Pagkatapos kong magsearch at magbasa ng mga iyon ay natawa na lang ako sa sarili ko, hindi ko alam kung parang tanga ba ako sa ginawa kong iyon o talagang normal lang sa mga katulad ko na gawin iyon. Masyado lang kasi akong nababahala sa magiging kahihinatnan ng first sex experience ko na possible na maranasan ko sa bf ko na si Rex.

Kinagabihan ay sinabi ko na kay mama at kay papa ang pag-oovernight ko.

Ako: Maa...Pa...may sasamahan kasi akong kaibigan bukas sa bahay niya. Nagpapasama kasi siya sa bahay nila at nagpapatulong din sa isang project niya.

Papa: O! e..kung kailangan naman talaga ng tulong niyo..edi puntahan niyo.

Ako: E..mag-oovernight kasi kami pa..

Madami pang tinanong ang mga magulang ko lalo na si mama, mabilis ang utak ko sa pag-iisip ng pwedeng idahilan hanggang sa mapapayag ko si mama at papa.

Mama: anak ahh..baka malaman ko na lang..nakabuntis ka na.

Ako: halaa! si mama naman.

Humagikhik ng tawa si mama at ang mga ate ko. Naisip ko lang...."Ako? makakabuntis? baka ako pa ang mabuntis. haha!"

Kinabukasan ng maaga bago makaalis ng bahay ay sandali pa kaming nagtalo sa phone ni Rex. Gusto ko kasing hintayin na lang ako ni Rex sa bahay nila at mamasahe na lang ulit ako papunta sa kanila. Pero sadyang mahina ako pagdating sa pakikipagtalo, sinundo ako ni Rex sa dating kitaan. Bumili ako ng dalawang boxes ng donut at mga pagkain para kay Rex at para sa mama niya at kay Chester, may malaki-laking pera pa kasi akong natitira sa allowance ko bago ang Christmas break. Unang bungad ko kay Rex ay ang pagpayag ng mga magulang ko na hindi makauwi ng isang araw sa bahay, labis iyon na ikinatuwa ni Rex. Habang magkausap kami ni Rex sa biyahe hanggang sa marating ang bahay nila ay hindi mawala ang kakaibang ngiti niya sa mukha.

December 22 ang muling pagpunta ko sa bahay ni Rex, simula na iyon ng limang araw na break niya sa trabaho. Pagpasok ko ng pinto ng bahay nila ay inasahan ko na makikita ko kaagad ang mama ni Rex o si Chester pero wala sila roon sa sala at kahit sa kusina, nilapag ko na lang ang pinamili kong pagkain sa lamesa nila.

3 donut na lang ang natitira sa isang box, kami lang ni Rex ang kumakain ng binili ko. Mag-iisang oras na at hindi pa rin bumababa ang mama ni Rex mula sa itaas nila, maging si Chester ay hindi ko pa nakikita.

Ako: mahaaal? tanghali na ba talaga magising ang mama mo at si Chester?

Rex: hindi...maaga nagigising ang mga yon.

Ako: E bakit hindi pa sila bumaba?

Inilapit ni Rex ang distansya niya sa akin sa puntong iyon at sinagot ang tanong ko.

Rex: Ahhh...mahal, wala sila dito e. Kahapon habang nasa work ako, umalis sila, pumunta sila ng Bicol...magbabakasyon.

Nagulat ako sa ipinaalam ni Rex, hindi niya ito sinabi agad sa akin, kataka-taka lang kung bakit. At alam ko na rin kung bakit si Rex lang din ang nagbukas at nagsara ng gate pagdating sa kanila.

Ako: Hindi mo agad sinabi sa'kin.

Rex: sinurprise mo'ko...edi isusurprise din kita...tayong dalawa lang dito sa bahay ngayon.

Napatingin ako sa mga pagkaing binili ko.

Ako: Ang dami pa ng binili ko.

Tumayo si Rex, pumunta sa likod ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap, napahawak ako sa mga braso niya na nakabalot mula sa likuran ko. Nakapatong ang mga ulo niya sa balikat ko at mahinang sinabi...

Rex: Ok lang yon....ang isipin mo muna ngayon, solo mo ako at solo rin kita.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 18)
The Guy From PR (Part 18)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/06/the-guy-from-pr-part-18.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/06/the-guy-from-pr-part-18.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content