$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Flicker (Part 61)

By: Loverboynicks Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ako sa silid ko. Nagpaalam sa akin si Addy na may kailangan lang siyang gawin at...

By: Loverboynicks

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ako sa silid ko. Nagpaalam sa akin si Addy na may kailangan lang siyang gawin at susunod siya dito sa loob ng silid ko.

Sinigurado ko muna na nakadouble lock ang pintuan bago ako nagtungo sa kama ko saka ko kinalikot ang cellphone ko.

Nilagpasan ko yung unang dalawang video ko at isinunod ko ang nakalagay na Addy. Binuksan ko iyon at lalo akong nakadama ng pagkainis kay Gino dahil sa nasaksihan ko.

Si Addy naman ay sarap na sarap habang pinapapak ng haliparot na bakla na iyon ang katawan niya.

Nakadama rin ako ng pagkainis kay Addy dahil base sa video ay hindi siya mukhang biktima lang ni Gino. Ginusto niya ang mga nangyari.

Tumigas ang anyo ko. Hindi lahat ng sinasabi ni Addy ay totoo. May kasinungalingan pa rin sa mga pinagsasasabi niya sa akin.

Natapos ko ang video na puro pagkainis ang nadama ko. Hindi lang iisa ang video nilang dalawa. At sa bawat video ay makikita sa mukha ni Addy ang sarap habang nakikipagtalik siya kay Gino. Sa isang babae at-

"Fuck!" Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Si Natalie? Kailan pa niloloko ni Natalie si Kuya Kiel? Kailan pa ang video na iyon? At paano napunta ang mga ito kay Gino?

Binuksan ko pa ang ibang videos at hindi ko na kilala ang mga tao na naroon. At nang buksan ko ang pinakahuling video na may pangalan na New ay napasinghap ako.

Bago lang ang video na iyon at nasaksihan ko mismo ang eksenang iyon. Si Tita Ruth at si Tony magkatalik sa garden ng hotel na ito.

Pero paano nakuhanan ng video ni Gino iyon? Bakit hindi ko siya nakita sa lugar na iyon nang mga sandaling iyon.

Napakalapit lang ng pagkakakuha at kitang kita sa video ang mukha ni Tita Ruth habang sinusubukan niyang isubo nang buo ang burat ni Tony.

Habang nakatutok ang mga mata ko sa screen ay napangiti ako nang may maisip akong isang magandang plano.

Sinarado ko na ang mga videos sa cellphone ko saka ko iyon inilagay sa bulsa ko. Sakto naman na palabas na ako ng silid ko nang matigilan ako.

Si Kuya Kiel. Nakatayo sa harapan ng pintuan ko habang nakasandal siya sa katapat na pintuan.

"M-may kailangan ka ba?" nauutal kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay pinag-aralan niya ang anyo ko mula sa ulo pababa sa mga paa ko pagkatapos ay muling gumapang ang mga mata niya paakyat sa katawan ko hanggan sa muling magtama ang mga paningin namin.

Nakadama tuloy ako ng pagkailang kaya ako na ang unang umiwas ng tingin. Tumalikod ako sa kanya upang ilock ang pintuan ng silid ko saka ako naglakad palayo sa kanya.

Sinadya ko na wag siyang lingunin para hindi na kami magkaroon pa ng dahilan upang mag-usap. Sa totoo lang ay naaawa ako sa kanya dahil sa napanood kong video ni Natalie.

At mas lalo akong nawalan ng gana kay Addy dahil sa nalaman ko. Hindi siya tumupad sa usapan namin. At hindi lang si Gino ang pinatos niya. Pati asawa ng kapatid niya.

Tang-ina napakalandi rin talaga ng babaeng iyon. Hindi pa siya nakuntento kina Kuya Kiel at Kuya Jordan. Pati si Addy nilandi niya. Or baka naman baligtad?

Pero ano naman ang dahilan ni Addy para gawin iyon? Libog?

Napapailing ako dahil sa naiisip ko hanggang sa maramdaman ko na lamang ang napakahigpit na pagyakap sa akin ng matitigas na braso mula sa likuran ko.

Napahinto ako sa paglalakad at naamoy ko ang nakakaakit na halimuyak ng katawan at pabango ng pangahas na lalaking ito.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung gaano ako nababaliw sa napakabangong amoy na ito.

Naghahalo ang natural na amoy ng katawan niya at ang pabango na gamit niya. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko kung sino ito. Si Kuya Kiel.

Nang makabawi ako sa pagkabigla ay kumalas ako sa pagkakayakap niya saka ako galit na humarap sa kanya.

Pero nang maalala ko yung eksena sa video na napanood ko ay nakadama ako ng awa sa kanya. Malamlam ang mga mata niya habang nakatitig siya sa akin.

"K-kuya Kiel!" sambit ko sa pangalan niya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" seryosong sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang kabaliwan na pumasok sa utak ko at napatango na lang ako. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko na ikinapitpag ko.

Nakaramdam ako ng malakas na daloy ng kuryente mula sa parteng hinawakan niya patungo sa buong sistema ko.

Napalingon pa siya sa akin nang maramdaman niya ang pagkalas ng kamay ko sa kamay niya. Nagtatanong ang mga tingin na ipinukol niya sa akin.

"M-mauna ka nang maglakad. S-susunod ako sayo." nauutal kong sabi.

Ngumiti naman siya ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. "Okay! Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Doon tayo sa beach. Malayo sa mga tao na narito sa lugar na ito."

Tumango ako saka na siya nagsimulang naglakad. Habang naglalakad siya ay sinusundan ko naman siya.

Nakarating kami sa dalampasigan at huminto si Kuya Kiel saka siya humarap na madilim na karagatan.

Huminto na rin ako saka ko pinagmasdan ang matikas niyang katawan na nasusuotan lamang ng manipis na sleeveless shirt.

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya mapapansin na pinag-aaralan ko ang bawat kurba ng mga muscles niya sa braso.

Hindi nagtagal ay marahan siyang lumingon sa akin saka siya ngumiti. "Bakit napakalayo mo? Paano tayo mag-uusap niyan kung nasa malayo ka?" biro niya.

Umupo siya sa buhangin at naglakad na rin ako palapit sa kanya saka ako umupo sa tabi niya pero naglagay ako ng sapat na distansiya para hindi magdikit ang mga balat namin.

Hinintay ko siyang magsalita ngunit matagal na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hanggang sa mapansin niya na niyayakap ko na ang mga tuhod ko dahil medyo nilalamig ako.

"Malamig ang ihip ng hangin ngayon. Dapat pala nagdala ako ng jacket para hindi ka ginawin." bulong niya.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin saka niya ako inakbayan pagkatapos ay hinila niya ang katawan ko palapit sa kanya. Huli na nang mapagtanto kong nakayakap na siya sa akin.

Gumalaw ako upang magpumiglas sana pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin.

"Please Renz! Kahit ngayon lang. Hayaan mo ako na mayakap ka ng matagal." malambing na bulong niya.

Huminto ako sa paggalaw at napapikit ako sa sobrang sarap ng pakiramdam habang yakap ako ni Kuya Kiel.

Nawala na rin ang ginaw na kanina ay nararamdaman ko. Napawi iyon ng init ng katawan ni Kuya na nagdudulot sa akin ng labis na kaginhawaan ng pakiramdam.

Halos ilang minuto rin kami na tahimik na nakatanaw sa kadiliman ng malawak na karagatan habang nakayakap si Kiya Kiel sa katawan ko.

Hanggang sa naalala ko kung ano ang totoong sitwasyon namin at naglakas loob na ako na isatinig iyon.

"Bakit mo ginagawa ito? I mean pamilyado ka nang tao. Hindi mo na dapat ako nilalapitan pa." bulong ko habang nakatitig pa rin ako sa malayo.

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin saka niya ako dinampian ng masuyong halik sa leeg ko na halos ikabaliw ko dahil sa sarap na dulot ng pagdampi ng malalambot na labi niya sa balat ko.

"Sino ba kasing nagsabi sayo ng mga bagay na iyan?" malumanay na tanong niya. "Si Addy ba?" dagdag pa niya.

"Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga na lamang sa ngayon ay maitama natin ang lahat ng mali noon." sagot ko.

"Kaya nga ako nandito ngayon diba? Para maitama ang lahat?"

"Paano mo nasasabi na itinatama mo ang lahat kung nandito ka ngayon at nagtataksil sa asawa mo. Mula nang umalis ako sa bahay ninyo ay ipinangako ko na sa sarili ko na magpapakatino na ako. Hindi na ako kailanman papatol sa lalaking may pamilya na. Kaya mali itong ginagawa natin ngayon."

Gumalaw ako upang kumalas na sa pagkakayakap niya ngunit pinipigilan niya ako. Mas lalo pa siyang kumapit sa akin saka niya isinubsob ang mukha niya sa balikat ko.

"Para sa akin ay tama itong ginagawa natin ngayon Renz? Bakit? Dahil mahal kita at nararamdaman ko na mahal mo pa rin ako. Hindi mo maitatago sa akin iyon. Pinipigilan mo lang ang sarili mo. Alam ko at nakikita ko iyon."

"Kahit mahal natin ang isa't isa ay hindi pa rin tama ito Kuya Kiel. Ayokong maging dahilan ng pagtataksil mo sa pamilya mo. Bitawan mo ako. Babalik na ako sa hotel." utos ko sa kanya ngunit hindi niya ako sinunod.

Kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan upang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Kinagat ko ang kamay niya kaya napasigaw siya sa sakit.

"Putcha naman Renz hindi mo kailangan manakit!" galit na sigaw niya habang hinihimas ang braso niya na kinagat ko.

"Para sabihin ko sayo wala akong pamilya!"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Wala akong asawa at lalo akong walang anak! Hindi ko anak ang ipinagbuntis noon ni Natalie. Kay Kuya Jordan iyon! Inako ko lang para tuluyan na akong makabayad sa mga kasalanan ko sa kanya."

Hindi ako sumagot. Hindi pa rin tama ang lahat. Inako niya ang bata kaya kasal pa rin siya sa babaeng iyon.

"Sa sabado ay babalik na ako sa amerika. Hindi mo na ako makikita pa Renz. Kaya ngayon habang may pagkakataon pa tayo. Sana pagbigyan mo ako na makasama ka kahit isang gabi lang."

Parang sinuntok ng sampung beses ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makahinga at sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay parang sasabog iyon sa sobrang bigat.

Hindi ko napigilan ang emosyon ko kaya tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Bakit napakasakit marinig mula sa kanya na aalis na siya? Na maiiwan na naman ako na mag-isa?

Hindi ko matanggap na pagkatapos ng lahat ay iiwanan na naman niya ako nang basta na lamang.

Pero hindi ba at iyon naman ang gusto kong mangyari? Dahil alam kong iyon ang tama.

Dito ako maiiwan sa pilipinas na sugatan na naman ang puso habang siya ay babalik na sa pamilya niya sa amerika.

Nagpakawala ako ng mahihinang hikbi saka na ako tumalikod sa kanya at pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko.

Hindi pa ako nakakalayo ay hinila na niya ako saka niya ako niyakap ng mahigpit. Tuluyan nang nabuwag ang pader na itinayo ko sa pagitan naming dalawa.

Umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya habang siya naman ay nakayakap sa akin habang hinahaplos ang likod ko.

"Shhhhh! Wag ka nang umiyak okay? Hindi naman kita iiwanan kung gugustuhin mo lang. Sinabi ko lang na aalis ako dahil iyon ang plano ko sa ngayon." alo niya sa akin.

Lumipas ang mga sandali at ang sumunod ko na lang na namalayan ay nasa loob na kami ng kanyang silid.

Nakahiga kami pareho sa kama. Nakatagilid ako na nakatalikod sa kanya habang siya naman ay nakayakap sa akin.

Walang naganap na pagtatalik sa pagitan naming dalawa pero masasabi ko na ang mga sandaling ito ang pinakamasayang pakiramdam na nadama ko sa nakalipas na apat na taon.

Nakatulog na si Kuya Kiel sa tabi ko habang ako ay nakamulat pa rin ang mga mata at iniisip kung tama nga ba ang ginagawa kong ito.

******

Tulog pa rin si Kuya Kiel nang magising ako kinabukasan. Maaga pa iyon at inalis ko ang kamay niya na nakayakap pa rin sa katawan ko.

Bumangon ako saka na ako nag-ayos ng sarili ko. Pagkatapos ay lumabas na ako sa silid ni Kuya Kiel nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya.

Nakarating ako sa silid ko at doon ay humiga ako sa kama ko. Binuksan ko ang cellphone ko saka ko nakita ang napakaraming tawag ni Addy sa akin.

Binasa ko ang pinakahuling message niya na nagsasabi sa akin na hihintayin niya ako sa restaurant.

Nagreply naman kaagad ako na mag-aayos lang ako ng sarili ko pagkatapos ay magkita na lamang kami sa baba mamayang alas otso ng umaga.

May gagawin pa kasi ako.

Nang makapagready na ako ay nagtungo kaagad ako sa tapat ng silid ni Gino dala ang cellphone ko at nasa bulsa ko ang isang usb cord.

Kumatok ako sa silid niya at makalipas lamang ang ilang sandali ay bumungad sa akin ang bagong gising na si Gino.

"Good morning!" masiglang bati ko sa kanya.

Halata sa itsura niya na nabulabog ko siya mula sa mahimbing na pagkakatulog niya. Mabuti pa siya nakakatulog ng magimbing sa kabila ng mga kalokohan na pinaggagagawa niya.

"G-good morning din." sagot naman niya na tila hindi makapaniwala sa nakikita. "Ang aga mo yata ngayon?" tanong niya saka siya naglakad pabalik sa kama.

Ibinagsa niya ang katawan niya doon saka siya pumikit na tila ba hapong-hapo siya. "Inaantok pa ako." reklamo pa niya.

"Inaantok? Gino alas siyete na ng umaga. Magready ka na. Maligo tayo sa beach pagkatapos. Makakalangoy na ako." pagyayabang ko pa sa kanya.

Tinatamad siyang naghikab saka siya tumalikod sa akin. Napasimangot ako. Ang arte mong bakla ka akala mo naman napakaganda mo.

"Dali na. Naghihintay na sa atin si Addy sa restaurant. Walang kasabay magbreakfast yun." pangungulit ko sa kanya.

Nang marinig niya ang pangalan ni Addy ay mabilis siyang nagmulat ng mga mata. Nagsalubong ang mga kilay niya saka siya umupo at tumingin siya sa akin ng diretso.

"Hindi ba galit ka sa akin?" nagtatakang tanong niya.

Ngumiti naman ako ng napakamatamis saka ko siya sinagot. "Nainis ako dahil sa nalaman ko pero nagpaliwanag na si Addy sa akin. Hindi ko naman kayo mapipigilan kung gusto ninyo ang isa't-isa. Saka alam mong hindi ko totoong boyfriend si Addy."

"So ibig sabihin nito hindi ka na galit sa akin?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi na. Nakapag-isip na ako ng maayos. Papakawalan ko na si Addy."

Oo papakawalan ko na si Addy pero hindi ko hahayaan na mapunta siya sayo. Mabuting tao si Addy. Sadyang malibog lang talaga siya at napakadaling matukso. Kaya hindi ako papayag na kontrolin at pakinabangan mo siya.

"Paano? Magready ka na diyan at baka mainip sa paghihintay sa atin si Addy sa baba." sabi ko sa kanya.

Nataranta naman siya saka niya kinuha ang towel niya. "Magshower lang ako sandali. Hintayin mo ako diyan." sabi natutuwang sabi niya.

"Sige hihintayin na kita dito. Bilisan mo ha? Five minutes." sagot ko naman. Sana sa five minutes na iyon ay maupload ko kaagad ang video.

"Okay!" masiglang sagot ni Gino saka na siya pumasok sa banyo.

Mabilis kong kinuha ang laptop niya saka ko isinalpak ang cellphone ko gamit ang cord. Mabilis kong kinalikot iyon hanggang sa magloading na ang inuuoload kong video sa internet.

Hindi nagtagal ay naupload ko rin ang video. Ngayon ay buburahin ko naman ang ebidensya para hindi mahalata ni Gino ang ginawa ko.

Sakto naman na naisara ko ang laptop nang bigla na lamang lumabas ng banyo si Gino.

Halos mapatalon pa ako sa pagkagulat nang mabungaran niya ako paglabas niya.

"Oh bakit parang gulat na gulat ka diyan?" tanong niya.

"Wala may nalaglag kasi na butiki kaya napatalon ako sa pagkagulat." palusot ko.

Hindi naman siya nakahata. Mabilis siyang nakapagbihis at nang mapansin niya ang laptop niya na hindi ko na naibalik sa tamang lugar. Mabilis niya iyong dinampot at inilagay sa may mesa.

"Ginalaw mo ba ito?" tanong ni Gino sa akin.

Tumango naman ako saka ako mabilis na nag-isip ng idadahilan. "Oo muntik ko na kasing tamaan. Baka malaglag kaya nilipat ko ng lugar." palusot ko.

Nagdududa niya iyong binuksan at kinalikot pero wala naman siyang napansin dahil nabura ko na lahat.

Ilang sandali pa siyang nagkalikot sa laptop niya.

Nanlaki ang mga mata niya saka siya marahas na bumaling sa akin. "May pinakialaman ka ba dito?" galit niyang sita sa akin.

Sumeryoso naman ang anyo ko saka ko siya nilabanan ng titig. "Wala akong ginalaw diyan." sabi ko.

"Bakit? Bukod sa pang-aakit mo kay Addy, may tinatago ka pa ba diyan sa letseng laptop na yan na hindi ko pwedeng makita?"

Nagtagis ang mga bagang niya at hindi nakaligtas sa paningin ko iyon saka niya ako sinampal nang malakas sa pisngi ko.

"Pakialamero!" sigaw pa niya.

Nagulat ako sa ginawa niya at hindi kaagad ako nakabawi. Hinawakan ko ang pisngi ko na dinapuan ng kamay niya saka ako galit na tumingin sa kanya.

Nakipagtagisan pa siya ng masamang titig sa akin. Akala naman niya ay aatrasan ko siya. Pero nagkakamali siya dahil hindi ako basta magpapaapi sa isang kagaya lang niya.

Dahil sa sobrang pagkainis ko sa napakatigas niyang pagmumuka ay mabilis na nakadapo sa pisngi niya ang mga palad ko at pinagsasampal ko siya ng tatlong beses. Malalakas na sampal para mamanhid ang mukha niya.

Grabe para akong sumampal ng adobe. Napakatigas. Ako pa yata ang nasaktan.

Dahil sa tindi ng mga sampal na iginawad ko sa kanya ay halos mamanhid na nga ang panga niya.

"Yung unang sampal, para yun sa pang-aahas mo kay Addy. Yung ikalawang sampal, para yun sa mga videos ko na nakasave sa laptop mo. At yung ikatlo-" huminto ako sandali.

Naalala ko si Kuya Kiel. Ang masarap na pakiramdam na natulog kami sa iisang kama habang magkayakap magdamag.

Sumunod na pumasok sa isip ko ang eksena nila ni Gino sa restaurant. Kung paano siya landiin ng haliparot na bakla na ito.

"Para yun sa binabalak mong pang-aakit kay Kuya Kiel. At heto naman ay para sa ginawa mong pagsampal sa akin ngayon!" sigaw ko saka ko siya pinagsasampal kasunod ng pagsabunot ko sa kanya.

"Ahhhhh! Shit! Araaaayyyy! Tama naaaa!" sigaw niya habang hinihila ko siya hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Narinig ko pa ang paglagapak niya.

Kinakadkad ko siya saka ko siya binigyan ng isang malakas na tadyak sa tagiliran niya dahilan upang mapaungol siya sa sakit.

"Kulang pa yan sa lahat ng panggagagong ginawa mo sa akin. Napakatagal kong naging bulag sa totoong pagkatao mo. Hindi ako papayag na isang katulad mo lang ang sisira sa akin." galit na sigaw ko sa kanya.

Nakita ko ang galit sa mga mata niya at ang pagkuyom ng mga kamay niya saka niya ako binigyan ng napakasamang tingin.

"Tigilan mo na si Addy. Layuan mo rin si Kuya Kiel. Dahil sa oras na makita kita na umaaligid sa kahit isa man sa kanila ay hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin." banta ko sa kanya.

Natawa pa siya sa sinabi ko. Parang sira ulo na nasaktan na nga ay natutuwa pa sa sinapit niya.

"Sino ka naman sa palagay mo? Wala kang karapatan na bakuran ang magkapatid na iyon. At hindi mo ako mapipigilan sa paglapit sa kanila. Hindi mo sila pag-aari!" galit na sigaw ni Gino sa akin.

"Subukan mo ako!" sagot ko saka na ako padabog na naglakad palabas ng silid na iyon.

Pabalik na ako sa silid ko nang mapahinto ako sa paglalakad. Nakita ko si Kuya Kiel na nakatayo sa harapan ng silid ko.

Napalingon siya sa akin saka siya naglakad para salubungin ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko lalo na at napakagwapo niya sa plain white shirt na suot niya na sinamahan pa ng kulay itim na shorts.

Seryoso ang anyo niya saka siya huminto ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko.

"Hindi mo man lang ako ginising bago ka umalis." mababakas sa tinig niya ang pagdaramdam.

Hindi ako sumagot at tumitig lang ako sa gwapong mukha niya.

"Hindi nga siguro talaga ako mahalaga sayo Renz."

"Hindi naman sa ganun. Mahimbing pa ang tulog mo nang magising ako. Hindi na kita ginising dahil ayoko na maistorbo ka pa." sagot ko.

"Okay! Para makabawi ka sa akin. Sabayan mo ako magbreakfast." sabi niya.

"Pero may usapan kami ni Addy sabay kaming kakain ngayon." sabi ko.

"Sasabay ako sa inyo." mabilis niyang sagot.

"Ikaw ang bahala." sabi ko saka na ako naglakad patungo sa elevator.

Mabilis naman akong sinundan ni Kuya Kiel at napatingin pa ako sa kanya nang bigla na lamang niyang hawakan ang kamay ko habang pababa kami.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Flicker (Part 61)
Flicker (Part 61)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb_GyRn-e6NgB3biuivWIfIkzNJVTrovQSbWdiFSY-v3uIGjxlY9iM5XjmN62eGQVc63-n2h6Zd09bgF6qtUu_Jzb227BKTgO0bZRTzfkLTgNVyhOHyjkqFIQvzloN2bsn0GcDBDjO2F2V/s320/Flicker.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb_GyRn-e6NgB3biuivWIfIkzNJVTrovQSbWdiFSY-v3uIGjxlY9iM5XjmN62eGQVc63-n2h6Zd09bgF6qtUu_Jzb227BKTgO0bZRTzfkLTgNVyhOHyjkqFIQvzloN2bsn0GcDBDjO2F2V/s72-c/Flicker.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/04/flicker-part-61.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/04/flicker-part-61.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content