SM Southmall (Part 1)

By: Carl

Sobrang hirap umibig lalo na kung sa ipinagbabawal na paraan. Alam kong isa rin kayo sa nakaranas ng ganitong pakiramdam, yung tipo na wala kang lakas ng loob na sabihin sa taong mahal mo kung gaano mo siya ka-mahal. Gusto mo mang ipagsigawan sa mundo ngunit pinapangunahan ka ng takot. Oo tama kayo, sobrang hirap magkagusto sa kaibigan mo. Dahil hindi lang ang feelings mo ang nakasalalay rito pati ang pinagsamahan ninyo.

Nais ko lang ipaalam sa inyo na, lahat ng ito ay naka-base sa totoong buhay. In short lahat ng ganap, lugar, pangyayare sa istoryang ito ay totoo. Silent reader ako sa website na ito, pero inaamin ko pili lang ang istoryang binabasa ko. I hope na maintindihan nyo, kase first time ko palang gumawa and mag-submit ng story dito. So bale, hindi ko na po papatagalin pa,

Ako si Carl (Hindi ko tunay na pangalan) 18yrs old, matangkad, sakto lang ang pangangatawan, makapal ang kilay, matangos ang ilong, at maputi. In coming College this SY, in short; Senior High palang ako. Nag-aaral ako sa kilalang private school sa Las Piñas. Masasabi kong straight ako, dahil naka ilang Girlfriend na ako, at inaamin ko na halos lahat ng naging Girlfriend ko ay nagalaw ko. Bago ang lahat hayaan nyong ipakilala ko muna ang mga kababata ko. Sila Lerwick, John, Jobert, Lucas. Pero sa kanilang apat si Lerwick lang talaga ang pinaka-kadikit ko, maski sa kahit anong bagay, si Lerwick lang talaga ang kasangga ko. Mapa-Basketball man, sa Computeran, sa Kainan, kahit sa Ka-gaguhan. Siya kase ang una kong naging kaibigan paglipat na paglipat namin dito sa village na tinitirahan namin. Iisang anak lang ako, ganon din siya, kaya parang kapatid na talaga ang turingan namin sa isa't isa. To the point na, kung anong meron ako nung bata kami, meron din siya. Anak na kung ituri siya nila Mama at Papa. Ganon din naman saken sila Tito't tita. Sya' nga pala, let me describe his looks; Magkasing tangkad lang kami, parehong 5'9 i guess. singkit siya, moreno, sakto lang din yung pangangatawan, matangos ilong, straight. Hindi ko din alam kung bakit nagka-ganon, pero i think yun ang rason bat ganito, siguro nadala lang ako sa pinaramdam niya kaya nahulog ako sa kaibigan ko.

Nagsimula lahat nang yon last 2018. Nalaman ko kaseng may nililigawan si Lerwick. Grade 11 kami noon, and ka schoolmate namin yung babae.

Si Vien, sobrang ganda naman kase ni Vien. Aaminin ko maski ako nagkagusto kay Vien, feeling ko kase sobrang solid niya maging jowa. Pero sobra akong nanibago kase naging iba pakikitungo samin ni Lerwick nung nakilala niya si Vien. Siguro nasanay lang ako? Kase halos lahat ng atensyon ni Lerwick sa amin niya lang binabaling.

"Ano Iwi? Sinagot ka na ba ng babae mo?" Tanong ni Lucas kay Lerwick, habang inaalis ang pagkakasintas ng kaniyang rubber shoes. Iwi ang nakasanayang tawag namin kay Lerwick dahil yun ang kanyang palayaw.

"Basta pag nag pa inom ako, matik na yun Luc." Sagot ni Iwi habang abot teynga ang ngiti.

Kakatapos lang ng training namin non sa Basketball, Ilang weeks nalang kase at Uweek nor Sportsfest na namin. Bago kami umuwi nagkayayaang mag mang inasal, dahil narin sa gutom. Ganadong ganado akong mag inasal nung time na yon, kase dalawang burger lang ang kinain ko nung lunch break namin. Medyo malayo ang Mang Inasal sa school namin, isang sakay pa bago makarating. Habang nag aabang kami ng jeep hindi ko din alam kung bakit bigla nalang akong napakapa sa bulsa ng bag ko, yung bulsang madalas na pinaglalagyan ng baunan ng tubig. Doon ko kase madalas sinusuksok yung wallet ko.

"Gago tol, teka yung wallet ko." Halos kabado nako kase nandoon sa wallet ko yung allowance na kakabigay lang saken ni erpat, pati ang atm savings ko. Sigurado akong di lang bunganga ang aabutin ko kay erpat pag hindi ko nahanap yon. Nagmumuka na akong tanga kakakapkap sa bag ko, halos naka upo nako sa sahig para lang macheck ng maayos ang nasa loob ng bag ko. "Tulong naman mga gago!" Pakiusap ko sa kanila habang patuloy na hinahanap ang wallet ko. Bigla nalang akong natauhan nung binatukan ako ni Lerwick

"Haha, Kanina pa nasakin wallet mo tarantado ka" sabat ni Lerwick sabay halakhak. Ibinigay niya sakin ang kaniyang kaliwang kamay upang tulungan akong makatayo. Hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam ko sa mga oras na yon. Hindi ko alam kung matutuwa din ba ako o magagalit, Halos maluha-luha na ako sa sobrang kaba. Pagkarating namin sa Mang Inasal, agad akong umupo sa pinaka malapit na bakanteng pwesto na para bang wala akong paki-alam sa paligid ko, dahil narin siguro sa nangyare. Akmang uupo si John sa tabi ko ng bigla syang tapikin ni Lerwick

"Ako dito tol, dun ka sa kabila." Pakiusap niya. Si Lucas at Jobert ang umorder ng lalapangin namin. Habang nakaupo at naghihintay, hindi parin maalis sa utak ko ang nangyare kanina. Rason kung bakit nakatingin ako sa malayo at tila bang walang naririnig. Bigla akong natauhan sa isang malakas na tapik.

"HUY!! ANG SABI KO KUNG ANO BANG PROBLEMA?!!" Pasigaw na tanong ni Lerwick, bakas sa muka nya ang pagtataka at pagkainis.

"W-wala, *sabay ngisi* Wala akong problema. Alisin mo kamay mo sa braso ko pota kanina pa yan ngalay!" Sagot ko

Nakita ko sa muka nya ang pagkadismaya, at agad niyang inalis ang pagkakaakbay niya saken. "Sige, huwag ka nang magkkwento sakin HABANG BUHAY! Panindigan mo yan. Solohin mo mga problema mo" Sagot niya habang nakakunot ang kilay

Hindi na talaga maaalis sa kanya ang pagiging matampuhin, at iyon ang isang rason bakit madalas kaming nagkakasagutan maski sa maliit na bagay. Habang tinitignan ko siyang inaayos ang pagkkapwesto ng mga chicken oil, toyo, at suka. Bakas parin sa kaniyang maaliwalas na muka ang galit, para bang yung muka ng isang batang Lerwick na hindi pinahiram ng gameboy.

Agad akong umakbay sa kanya, "Alam mo Iwi, wala nga akong problema. Kung meron naman nag sasabi ako diba? Pota ikaw lang naman unang nakakaalam sa lahat ng ganap ko sa buhay." Pag papaliwanag ko. Pero ibinaling niya sa cellphone nya ang kanyang atensyon na para bang walang narinig. Umupo siya ng diretso dahilan para alisin ko ang pagkakaakbay ko sa kanya. Huminga na lamang ako ng malalim at ibinaling ang aking atensyon sa iba.

"TARA KAIN NA MGA MOTHERF*CKRS!!" Sigaw ni Lucas, habang bitbit-bitbit ang mga pagkaing inorder nila. Agad na nilapag ni Jobert ang mga Softdrinks at nagmamadaling umupo. "Anyare jan?" Tanong ni Jobert sabay turo kay Lerwick gamit ang nguso.

"Baka di nireplyan ni Vien? hahaha" Sabat ni John habang tinataktak ang bote ng chicken oil sa kanyang kanin. Naka-ilang kanin din kami. Daig pa namin ang lumaklak ng isang galon ng tubig, sa sobrang bigat ng tiyan namin.

"Magsusunog baga lang ako mga tol" Tugon ni Lucas. Agad namang sumunod si John. "Teka maghuhugas lang ako ng kamay, kayo ba?" Tanong ni Jobert. Sumenyas ako ng thumbs-up, habang iniinom ang natirang softdrinks sa aking baso.

Tinapik ko ulit si Lerwick sa pangalawang pagkakataon "Ikaw ba hindi ka mag huhugas?" Tanong ko kay Lerwick. Lumingon sya saken habang nakakunot ang kilay tila bang yamot na yamot siya sa tanong ko.

"Hindi naman ako nag kamay diba?! Anong huhugasan ko?" Sagot ni Lerwick.

"Malay ko sayong isip bata ka. Sige na, Maghuhugas na ako ng kamay. Pahingi naman ng Pride mo, pansasabon ko lang sa kamay ko." Tugon ko. Napatingin siya sakin na para bang nagpipigil ng tawa, sabay sapak sa braso ko. "Tumayo ka na jan mag hugas ka na din ng kamay! Pano mo maffinger Chikas mo niyan kung madumi kamay mo?" Dagdag ko sabay ngisi.

Tumayo siya ng sapilitan sabay sumunod saakin papunta sa lababo. Habang hinihintay ko siyang matapos maghuhas nagulat ako ng bigla niya akong tanungin "Hoy. Samahan mo ako, gusto ko kaseng bumili ng sapatos. So bale, wag kang maingay sa kanila. Kase gusto ko tayong dalawa lang dapat! G ka ba? Ano?" Tanong niya sakin.

Hindi parin mag sync-in sa akin mga sinabi niya, tila para akong natameme at natutuwa.

"Well kung ayaw mo naman akong samahan ok lang din. Pero wag kang umasang kakausapin pa kita. Ano?" Tanong ni Lerwick habang patuloy na hinuhugasan ang kanyang mga kamay. Hindi ko mapigilang mapangiti sa inasta niya.

"Nangonsensiya ka pa ah, sikuhin ko leeg mo diyan eh. Oo sasamahan kita." Sagot ko

Kinabukasan, Sabado. Maaga akong gumising dahil nagpasama nga sa akin si Lerwick na bumili ng sapatos sa SM Southmall. Napag-usapan na din naming doon nalang mismo magkita sa SM, dahil may dadaanan pa daw siya. Sa sobrang excited ko na makagala at makita ang gagong yon, Around 11am palang umalis na ako sa bahay, nakarating ako sa southmall ng 12. Habang papasok ako sa entrace, chinat ko si Lerwick kung nasan na siya; pero 1hr ago siyang active. Hindi na bago saken yon kase saming magttropa siya talaga madalas na hinihintay. So napagisipan kong bumili na muna ng milktea sa Coco, sabay ikot-ikot pansamantala. Habang nag lilibot nakaramdam ako ng gutom, naalala kong hindi pala ako nakapag-almusal, at alas dose na. Pero kahit pa, tiniis ko nalang ang gutom. Mas masarap kaseng kumain ng may kasama, at balak ko rin kaseng magpalibre kay Iwi para tipid at less gastos.

Around 3pm chineck ko ulit cellphone ko, nagulat ako kase 1pm pa pala niya na seen mga chat ko, pero wala akong nareceive na reply. Medyo nagiinit na ulo ko non, to the point na gusto ko na umuwi, dahil na din sa kagutuman at pagkabagot. Naisipan kong pumunta sa Department Store baka kase nandon si Iwi. Pag pasok na pagpasok ko ng Department store nakita ko yung sombrero niya. Hindi na ako nag dalawang isip pa, at nagmadali akong maglakad papunta sa kinaroroonan niya para mabatukan siya ng sobrang lakas, yung tipong makikita niya ang impyerno sa sobrang sakit; ngunit hindi ko nagawa. Lahat ng naramramdaman ko, ilang minuto bago ko siya makita ay nag iba. Yung galit, pagkainis, pagkagutom, at pagkabagot. Lahat ng iyon ay napalitan ng Lungkot.

"Si Carl oh!" Saad ni Vien habang naka ngisi saakin. Bumawi ako ng ngiti, para maipakita ko kay Vien na masaya ako. Bakas sa muka ni Lerwick na nagguilty siya, na para bang may pag-ka awkward na dating.

"Kanina pa kayo dito?" Tanong ko. Pinipilit ko ang sarili kong kumalma even though at the back of my mind gustong gusto ko nang sapakin ang kaibigan ko sa mukha.

"O-Oo mga 12 pa haha, halika tignan mo nabili kong sapatos." Sagot ni Lerwick. Tila bang pinipilit niyang pagaanin at alisin ang negatibong enerhiya sa paligid. At dahil may kakaonti pa namang pasensyang natitira saakin, huminga nalang ako ng malalim. Nagmamadali siyang buksan ang box ng sapatos para mapakita saken kung anong itsura nito pero tinapik ko pababa ang box pa-senyas na hindi ako interesadong makita. "Bayaran mo na kaya yan! Simpleng yabang ka nanaman." Saad ni Vien sabay tawa

Nung mga panahong iyon habang kasama ko silang dalawang nag iikot sa mall, pinipilit kong mag bingi-bingihan sa mga pinaguusapan nila. Nakakapabinago dahil hindi ko lubos maisip na ibang-iba yung ipinakitang ugali saakin ngayon ni Iwi. Kumukulo na naman ang tiyan ko, sinipat ko ang oras sa aking cellphone. Shoot! It's already 4pm na, sa sobrang kagutuman ko kinapalan ko na muka ko kahit na may iba kaming kasama, pero sa tingin ko naman walang masama sa itatanong ko.

"Hindi pa ako nagtatanghalian, kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang pinipilit na magmukang positibo.

"K-Kumain na kami. Kanina pa pagdating palang. Ahm, ikaw ba Vien gutom ka pa ba?" Tanong ni Lerwick kay Vien. "H-Hindi, busog na ako Ahahaha" Sagot ni Vien

Sa mga sandaling iyon, hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko lubos maisip, tila naguguluhan ako, tila ibang iba itong Lerwick na kasama ko ngayon. Hinihintay kong tanungin niya ako kung saan ko gustong kumain, kung kumain na ba ako, pero wala akong narinig ni isang salitang galing sa kanya. "I need to go home na dude, aalis pala si erpat." Nagmamadali kong tugon para mapaniwala silang totoong may lakad talaga ang dad ko. Hindi ko na kaya, gutom na ako, and at the same time, hindi ko pinangarap maging third wheel. Ginawa ko ang best ko para maipamukha sa kanilang wala akong iniindang sakit. Sa mga oras na yon, alam ko sa sarili kong mali. Alam kong kaya ako nakakaramdam ng galit at inis dahil, gutom ako at pinaghintay ako ng matagal. Pagkarating sa bahay, agad agad akong dumiretso sa kusina para mag hanap ng makakain. Binuksan ko ang isang lata ng Century Tuna at nagsimula nang kumain.

"Oh? Saan ka galing nak? Bat parang gutom na gutom ka?" Tanong ni Dad habang pababa sa hagdan bitbit ang isang mug na walang laman.

"Gutom na gutom talaga ako pa! Kaya mamaya mo na ako kausapin" Sagot ko. Inilagay ni erpat ang mug sa lababo sabay ginulo ang buhok ko. "Nakita ko na grades mo sa portal nak, masyado mo nanamang ginalingan! Im so proued of you! So, what's the catch lil buddy?" At dahil sa tanong na yon di ko mapigilang mabulunan, at dali-dali kong nilagok ang tubig na nasa tabi ng plato ko. Sinigurado kong wala ng laman ang bibig ko bago ako tuluyang nag salita.

"Pa alam mo naman kung ano yung matagal ko nang nirerequest sa inyo ni Mama diba? Kahit yun lang pa, pero naiintindihan ko naman po kung hindi pa rin talaga kaya. Pero Pa, kaya ko namang maghintay." Pagpapaliwanag ko. Halos maluha-luha ako habang patuloy na nagpapaliwanag. By the way, Lumaki ako sa piling ng tita ko, bunsong kapatid ni Papa. Sa America kase nagttrabaho ang parents ko, kaya simula't sapul si Tita Jeshy na yung nag alaga saakin. Pero last February 2018, kinasal si tita sa boyfriend niyang Foreigner na kaibigan ni Papa sa America. Simula noong nag migrate si Tita Jeshy sa America; si Lola na at dalawang kasambahay ang nakakasama ko sa bahay. That time umuwi si Papa sa pinas while si Mama ay naiwan sa America, may aasikasuhin daw kaseng documents si Papa na need para sa trabaho niya kaya napauwi siya ng biglaan.

Pagkatapos na pagkatapos ko kumain, agad agad akong pumunta sa kwarto ko. Patuloy ko parin iniisip ang nangyari kanina. Dinaan ko nalang sa pagpaparaos lahat ng naganap kanina. Kinuha ko ang Laptop ko at pumunta sa kilalang site at tuluyang nanood ng porn. Hinubad ko ang Tshirt ko at ginawa kong unan ang kaliwa kong kamay. Patuloy kong jinakol ang burat kong tigas na tigas, nag-iinit ang aking katawan. napapaungol ako sa sarap na aking nadarama, kasabay nito ang pag-ungol na naririnig ko sa videong pinapanood ko. Tila napapakagat ako sa labi, habang patuloy kong jinajakol ang aking burat patuloy kong nilalaplap ang aking braso na para bang labi ng kasex ko. Basang basa ng laway ang braso ko, maski ang kilikili ko pati na rin ang labi ko. Hindi ko na kinaya, tuluyan ko nang pinutok lahat sa aking kamay. Nagkalat ang tamod ko aking tiyan at dibdib, at agad ko itong pinunasan ng tissue. Maya-maya nakaramdam ako ng pagod, na nag dala saakin sa pagkakaantok. Nagising ako sa vibrate ng cellphone ko, kinusot ko ang aking mga mata at tinignan kung sino ang tumatawag saakin. Si Lerwick.

Alas-otso na ng gabi, naka-ilang tawag na pala siya saakin, at naka-ilang message na din. Nilapag ko ang aking cellphone sa bed-side table, hindi parin maalis yung inis at galit ko dahil sa nangyare kanina.

"Yung bobong yon! Pasabi-sabi pa siyang huwag kong sasabihin kila lucas kase kami lang dapat dalawa ang aalis. Haaay" Bulong ko sa sarili ko. Sabay takip ng kanang braso sa aking mga mata. Bigla akong matauhan sa apat na mabibilis na katok mula sa aking pintuan

"Carl? Nak? Baba na. Early dinner mo na ba yun kanina?" Tanong ni Papa

"Hindi Pa, kakain pa po ako." Sagot ko. Sabay tayo ng mabilis sa kama at pagpag ng tshirt.

"Ayos yan. Bilisan mo na. Sigurado akong gutom na din yon si Iwi, kanina ka pa hinihintay nun sa baba." Dagdag ni Papa.

Post a Comment

[facebook]

Mencircle

{facebook#https://facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/men_circle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget