$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Hilot (Part 3)

By: Lito Cedric’s POV Tinanghal na winner si Mandy sa katatapos lang na patimpalak ng aming eskwelahan. Syempre, hindi lang siya ang m...

By: Lito

Cedric’s POV

Tinanghal na winner si Mandy sa katatapos lang na patimpalak ng aming eskwelahan. Syempre, hindi lang siya ang masaya, kundi kami ring nga supporter niya. Pag-uwi namin ay naghanda pala ng konting salo salo si Nanay para sa tagumpay ni Mandy.

Pagkakain ay naginuman pa kami. Kasama sa umpukan si Mang Enteng, ako, si Kuya Karlo at ang man of the hour na si Mandy. Papatapos na ang inuman ng makaramdam ako ng pagihi kaya pumasok muna ako sa bahay para umihi. Nagtagal ako sa kobeta dahil sa dami ng aking inihi. Pagbalik ko ay naaninag ko sa bintana na tila naghahalikan na ang dalawa. Kita ko ang batok ni kuya at ang kanyang kamay na nakahawak sa pisngi ni Mandy. Kitang kita ko na magkadikit ang kanilang mukha. Hindi maipagkakailang naghahalikan talaga sila.

Nanikip bigla ang aking dibdib. Waring may kung anong bagay na tumusok sa loob ng aking dibdib. Hindi ako agad nakalabas. Parang naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang aking nararamdaman. Wala naman kaming unawaan ni Mandy at hindi ako bakla. Kilala ko ang aking sarili. Pero bakit ako nasasaktan.

At si Kuya. Wala naman siyang ipinakikitang kabaklaan. Nagka GF naman siya dati, ngayon lang wala simula ng magtrabaho. Akala ko ay nalibang lang sa trabaho kaya hindi na nakapanligaw. Ambisyoso si Kuya at gusto nitong magka position ng mataas sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Wika niya dati ay hindi siya mag-aasawa hanggat hindi siya nagiging vice president o manager man lang. Hindi pala iyon ang dahilan. Lalaki pala ang gusto niya.

Matagal tagal din ang halikan nila. Nang kumalas na sila pareho ay saka lang ako lumabas. Ayaw ko kasing madatnan sila sa ganong kalagayan at baka mapahiya.

“Kuya tama na. Ihatid mo na lang siya sa kanila. Lasing na siya Kuya at ngayon lang talaga siya nakapaginom ng marami.” Wika ko kay kuya. Pumayag naman si Mandy na ihatid siya ni kuya.

Inimis ko muna ang ang aming pinaginuman at inilagay sa kahon ang mga basyo at ipinasok sa kusina ang ginamit naming baso at pinggan na pinaglagyan ng pulutan saka ako umakyat at nahiga na. Agad din akong nakatulog. May araw na nang ako’y magising. Wala sa higaan si Kuya. Pagbangon ko ay hinanap ko kaagad si kuya kay Nanay na noon ay nag-peprepara ng lulutuin para sa aming tanghalian.

“Wala na ba sa kwarto ninyo. Hindi ba dito natulog? Hindi ko pa siya nakikitang bumaba dito.” Tugon ni Nanay.

Pinapunta ako kina Mandy para tignan kung duon nga natulog si kuya. Nagmumog lang ako at naghilamos saka tinungo ang bahay nila sa bukid. Malayo pa ako ay tanaw ko na ang dalawa ni Kuya at Mandy na masayang nagkukulitan. Nakaupo sila sa mahabang upuang kawayan, nakaakbay pa si kuya at kinuha ng isang kamay ang palad ni Mandy. Holding hands pa ang dalawa. Wala siguro si Mang Enteng kaya nakakapaglandian sila.

Tumalikod na ako pabalik ng bahay. At sinabi kay Nanay na naroon si Kuya at hindi na ako tumuloy dahil nakita ko na siya.

Ewan ko kung bakit ganon na lang ang aking naramdaman. Hindi ko na alam kung ano ba ako. Nalilito na talaga ako. Para akong nagseselos. Sabagay ay nakadarama na ako dati ng selos kahit sa aking malapit na kaibigan. Gusto ko kasi ay ako lagi ang kasakasama, kausap at uunahin ako bago ang iba. Haaay buhay. Ayoko ng ganito.

---------------oo00oo---------------

Simula ng makita ko ang pagiging close na ni Mandy at Kuya ay umiwas na ako na masyadong malapit kay Mandy. Dati rati ay hinihintay ko siya sa pagpasok sa paaralan. Ngayon ay sadya na akong pumapasok ng maaga para hindi na siya makasabay, ganun din sa paguwi, nauuna akong lumabas na parang laging nagmamadali. Maging si Jenny ay nagtataka na sa ikinikilos ko.

Napansin ko rin si Kuya na nadadalas na ang paguwi, halos lingo lingo na siyang umuuwi. Dati rati ay minsan sa isang buwan siya nauwi. May time pa nga na inaabot siya ng dalawa hanggang tatlong buwan bago umuwi dito sa probinsya. Pag-umuuwi naman siya ay palaging kina Mandy ang punta at ang dahilan niya ay magpapamasahe. Sobrang galing daw kasing magmasahe ni Mandy, at masarap.

---------------oo00oo---------------

Mandy’s POV

“Aling Sonia, nandiyan pa po ba si Cedric. Pakisabi po na sabay na kami sa pagpasok.” Sabi ko kay Aling Sonia, pero kanina pa raw nakaalis.

Pagkatapos ng patimpalak ay napansin ko na parang umiiwas na sa akin si Cedric. Wala naman akong alam na dahilan para iwasan ako. Halos magiisang linggo na hindi ko man lang siya nakasabay pumasok at umuwi. Nag-iisip tuloy ako kung may nagawa akong mali para ikagalit niya.

Kinabukasan ay nagpaaga na ako ng pasok. Nakita ko na siya na papalabas pero pumasok uli ng bahay. Siguro ay may nakalimutan kaya pagdaan ko sa bahay nila ay tinawag ko na siya. Walang sumasagot. Si Aling Sonia ang lumabas at sinabing kaaalis pa lang. Alam kong nagsisinungaling si Aling Sonia. Talaga lang iniiwasan ako ni Cedric sa hindi ko alam na kadahilanan.

Umalis na ako, pero inabangan ko siya sa may kanto. Nagtago muna ako para hindi na siya makaiwas pa. Pagdaan niya sa kanto ay tinawag ko ang kanyang pangalan. “Cedric, sabi ng nanay mo ay kaaalis mo pa lang, iniiwasan mo ba ako?”

“Ha! Hindi siguro alam na nasa bahay pa ako. Maaga kasi akong umaalis ng bahay eh.”

“Pansin ko nga. Hindi mo na ako hinihintay sa pagpasok, maging sa uwian. Iniiwasan mo ba ako? Inagahan ko na talaga para masundo kita. Nakita na nga kita na lumabas, kaya lang ay pumasok ka uli. Tinawag kita pero hindi ka tumutugon. Tapos ay pinagsinungaling mo pa ang nanay mo na nakaalis ka na. Bakit ba?”

Hindi makasagot si Cedric. Sukol na kasi siya. Walang masabi.

“Pasensya ka na kung may nagawa akong hindi mo nagustuhan. Sana sinabi mo sa akin para maituwid ko. Ang nakakasama kasi ng loob ay ang umiwas ka na lang basta. Sige, mauna na ako at baka talagang ayaw mo na akong maging kaibigan.”

Tinalikuran ko siya sabay lakad papalayo. Hindi ko man lang siya nilingon. Sa uwian ay nakita ko siya malapit sa aming room. Sinadya kong sabayan ang iba kong kaklase at makipag-harutan para kunwari ay hidi ko siya napansin. Nilampasan ko siya at paglabas ng gate ay nagtago agad ako sa kabilang pader ng paralan. Nakita ko pa siya na patanaw tanaw sa kung saan. Siguro ay hinahanap ako. Wala na naman saysay kung maguusap pa kami. Hindi naman talaga kami bagay na maging magkaibigan.

---------------oo00oo---------------

Hindi na talaga kami nagkibuan pa ni Cedric, kahit gustong gusto ko na siyang kausapin ay hindi ko talaga ginawa. Wala naman akong kasalanan sa kanya para suyuin siya. Siya na lang ang basta umiwas sa akin eh.

Uwian na naman, araw ng byernes. Naglalakad na ako pauwi ng may tumawag sa akin. Si Ome pala kasabay si Pons at Cedric.

“Tol! Naglalaro ka ba ng basketball? Sama ka sa amin, laro muna tayo, Byernes naman eh.” Aya ni Ome

Pagdating namin sa court ay naghanap muna si Pons ng makakapustahan. Mayroon sana kaya lang ay kulang ng isa. Tatluhan kasi ang laban at isang ring lang ang gagamitin.

“Para matuloy lang ay sa kanila ako kakampi, kung okay sa inyo. Sports lang naman ang labanan hindi ba?”

“Baka naman ipatalo mo ang laban. Parang mahirap ang ganon, kaibigan mo sila eh.” Sabi ng isa na Rey ang pangalan.

“Bakit! Hindi ba ninyo sila kaibigan. Magkakaibigan naman tayong lahat dito ah, pero syempre sa larong basketball ay may magkakampi at magkalaban. Pagkatapos ng laro, magkakaibigan uli.” Pagrarason ko.

Hindi man lang kumibo si Cedric. Natuloy ang laban. Laban talaga, walang kaikaibigan. Minsan nga ay nagkakabungguan kami ni Cedric. Alam kong napipikon na siya dahil palagi ko siyang nasasagi. Ako kasi ang bantay niya. Ang cute talaga niya kapag naiinis. Ginalingan ko talaga ang aking laro kaya kami ang nanalo.

Bayad sila. 300 ang pusta kaya tig 100 kami ng panalo.

“Pre sige, sa susunod, sa amin ka uli kumampi” - si Rey.

Naglakad na kami papauwi, malapit lang pala sa court ang bahay nina Ome at Pons kaya naiwan na kaming dalawa ni Cedric. Wala pa rin kaming kibuan hanggang sa makarating na siya sa kanilang bahay.

Nasa labas ang kanyang Kuya Karlo, binati ko siya.

“Tol, masakit na naman ang katawan ko. Pamasahe uli ako sa iyo bukas ha.”

“Oo tol, basta ikaw, nanginginig pa hehehe.”

“Kuya, kapag nauwi ka dito eh palagi na lang masakit ang katawan mo. Ano ba talaga ang trabaho mo sa Manila, kargador. Baka naman gusto mo lang makita si Mandy?” wika ni Cedric, nakasimangot. Cute na cute talaga siya kapag may inis. Ang sarap halikan ng labi hehehe.

“Inggit ka lang, pamasahe ka rin. Tol, punta ako sa inyo mamaya ha, inom tayo, ayoko dito, me asungot.” Si Kuya Karlo at inasar pa talaga si Cedric. Lalo pa itong naging Cute at ang ganda ng nguso. Tumalikod na ito at pabalabag na isinara ang pinto. Tawanan lang kami ni Kuya Karlo.

---------------oo00oo---------------

Cedric’s POV

Hindi ko akalain na makakasabay namin sa pag-uwi itong si Mandy. At itong mga kaibigan kong ewan ay inaya pa na sumama sa amin para makipagpustahan sa larong basketball. Ang nakakainis pa ay sa palagi naming kalaban kumampi. Sabagay ay kulang sila ng isa at tama rin naman siya, sports lang naman at kaibigan naman kami lahat. Pero ang galing niya, ang liksi. Lalong kumisig sa aking paningin dahil nang mabasa ng pawis ang tshirt ay kitang kita na ang maganda niyang katawan.

Talo kami dahil sa kanya, ang dami niyang nagawang puntos. Umuwi na rin kami matapos ang laro. Kami na lang ang naiwang naglalakad dahil malapit lang naman ang bahay nina Pons sa court. Wala kaming imikan. Tinitignan ko siya ng palihim, pangiti ngiti lang siya, parang nang-aasar. Ano kayang iniisip ng sira ulong ito at panay ang ngiti. Inis na inis talaga ako. Nadagdagan pa ang inis ko dahil nasa bahay na si Kuya at agad ang bati kay Mandy. Ayun! Tulad ng inaasahan ko ay magpapamasahe na naman kay Mandy at nagsabi pa na pupunta sa kanila para maginom. Naisalpak ko tuloy ang pinto pagpasok ko ng bahay.

Sa totoo lang ay hindi na ako masaya kapag nauwi si Kuya. Hindi dahil sa ayaw ko siyang umuwi sa amin kundi dahil sa kanyang tunay na dahilan kung bakit dumadalas na ang paguwi uwi niya ng bayan namin. Pangarap ni nanay na magkaroon ng maraming apo mula sa amin, pero paano kung ang kanyang anak ay lalaki ang gusto at hindi babae. Kung malalaman lang ni Nanay ang ginawa nila ni Mandy noon. Wala lang akong ebidensya kung mas higit ang nangyari sa kanila noong unang matulog siya sa bahay nina Mandy ng malasing siya.

Gusto kong malaman kung ano na talaga ang ugnayan ng dalawa. Wala naman akong matibay na ebidensyang pinanghahawakan. Yung sinasabi kong halikan ay hindi ko naman talaga nakita dahil likod lang ni kuya ang nakita ko at hindi ang halikan mismo. Pero sa ayos ng kanilang mukha ay paniguradong naghalikan sila.

Nag-isip ako ng plano kung paano ko sila bubukohin na hindi makakatangi. Dapat ay makuhanan ko ng video o picture man lang sa hindi kaaya ayang tagpo. Wala naman akong maisip. Ayaw ko naman may makaalam na iba at kahit kay Jenny na nasasabihan ko ng aking sikereto ay hindi ako nagkukuwento.

---------------oo00oo---------------

Nagpaalam na si Kuya na pupunta kina Mang Enteng para makipagkwentuhan daw. Wala namang say si Nanay sa ganong bagay. Hinahayaan na lang niya kami, lalo na si Kuya na nagtatrabaho na at nasa tamang edad na. Nagtungo na lang ako sa aming kwarto pagkaalis ni Kuya. Nag babrowse ako ng FB ng may tumunog na CP. Hindi pala dinala ni Kuya ang kanyang CP. Text lang naman iyon kaya hindi ko pinansin. Tumunog uli kaya pinakialaman ko na para malaman kung sino ang nagtetext. Sa isang Mjay galing ang Text. Ibabalik ko na sana sa bulsa ng may maisip ako. Gusto kong malaman kung nagkakausap ang dalawa kahit sa text lang o messenger.

Binuksan ko pero may passcode. Alam ko naman ang palagi iyang ginagamit na passcode. Initial niya at number ng bahay namin. Nakita ko na ginamit niya iyon. Sinubukan ko at success hehehe.

Hinanap ko ang pangalan ni Mandy sa friends list niya sa FB, wala. Hinanap ko kung nasa phone book, naroon. Tiningnan ko ang call history. Madami. Tiningnan ko rin ang mga Text. Meron pero wala naman kadudadudang mga text. Simple lang na nagtatanong, kumusta. Ibabalik ko na sana sa dati nag CP ng may nagtext uli at galing kay Mjay.

“Nasaan ka na. Akala ko ba ay pupunta ka dito para mag-inom.” Text ni Mjay. Hala! Kanina pa umalis si Kuya, at sino itong Mjay na nagtetext sa kanya. Nag isip ako at baka kakilala ko rin. “Mjay, Mjay, Mjay” paulit ulit kong bigkas. “Mjay, Mjay. Mandy, Mandy. Mandy Jacinto. Tama, si Mandy siguro at Jacinto ang apelyido niya kaya Mjay ang nakalagay” Excited kong bulong sa sarili. Agad akong nagbrowse ng mga text. “Confirmed” malakas kong bigkas.

Binasa ko ang ilan sa text galing kay Mjay.

Miss you. I love you. Mwah mwah.

Pamasahe ka ba? Masarap akong magmasahe di ba. Love you.

Uwi ka na. Gusto na kitang makita. Ihanda ko na ang kakainin mo. Mainit init pa.

Nasarapan ka ba kagabi?

Ilan lang yan sa mga text galing kay Mjay. Ang babastos, nakakadiri talaga ang Mandy na iyon. Sa sobra ko talagang inis ay napagsusuntok ko ang aking unan.

Simula na madiskubre ko ang palitan nila ng text ay lalo akong nagtanim ng tampo kay Mandy. Kinopya ko sa aking mga contact ang number ni Mjay dahil alam kong magagamit ko itong ebidensya. Pinikturan ko rin ang ilang text, lalo na yung mahahaba na para silang nagsesex sa text. Ang babastos lalo na si Kuya.

---------------oo00oo---------------

Nagsimula akong subaybayan ang bawat kilos ni Kuya. Alam kong magpapamasahe siya sa umaga. Maaga akong gumising. Aba! Wala na sa higaan at pagbaba ko ay naliligo na. Maaga namang masyado ang pagpapamasahe.

“Ang aga mo ah. Saan lakad Kuya?” bati ko sa kanya nang lumabas ng banyo.

“May date ako hehehe. Sama ka?” sagot niya. Tamo ito, nakuha pang magbiro.

“Galingan mo kuya ha. Magaling siyang magmasahe di ba?”

“Champion!” saka siya tuluyang umakyat.

Ilang minuto na ang lumipas nang mapadungaw ako ng bintana. Aba! Si Mandy at pusturang pustura din ha. Ang gwapo sa suot na hapit na maong. Ang ganda ng umbok, umbok na umbok ang muscle sa braso dahil hapit din ang tshirt na suot. Maglalaway si kuya panigurado. Alam kong magkikita sila sa kanto kaya paglabas ni Kuya ay palihim ko siyang sinundan. Tama ako. Naroon si Mandy at naghihintay. Akbay agad si kuya kay Mandy. Kinuhanan ko sila ng picture, yun nga lang ay nakatalikod sila pareho. Gusto ko sana silang sundan kung saan talaga pupunta, kaya lang ay hindi ako nakapagready. Sa susunod ay talagang maghahanda na ako.

---------------oo00oo---------------

Masayang masaya si Kuya Karlo pagdating kinahapunan. Pasipol sipol pa. Malamang ay naka score na naman.

“Kuya! Parang nagenjoy ka nang husto diyan sa ka date mo ah. Sino ba siya? Pakilala mo naman sa amin ni Nanay.” Puna ko sa kanya.

“Oo nga naman anak. Sino ba ang dahilan ng madalas mong pag-uwi ngayon. Wala ka namang pinakikilalang babae sa akin. Karlo, nagkakaedad ka na ha. Gusto ko na nang maalagaang apo. Kelan ka ba mag-aasawa.”

“Kayo naman Nay, masyado nagmamadali. Darating din tayo roon.”

“Bakit, Pwede ba ikasal ang parehong lalaki, saka hindi naman pwedeng manganak ang lalaki.” Sabad ko.

“Ikaw naman Cedric. Ano tingin mo sa kuya mo, bading?”

“Eh nay, pano magpapakasal yan ay si Mandy naman yata ang nililigawan niyan. Hindi nyo ba napapansin na panay ang pamasahe kay Mandy, tapos laging napunta kina Mandy, laging kainuman ay si Mandy. Tuloy ay naghihinala na ako na siya ang last minute buyer ng tiket noon contest sa school eh. Hindi ba dumating yan noon at nanood. Kaya nanalo si Mandy dahil malaki ang biniling tiket.”

“Ikaw Cedric, parang hindi mo kaibigan ang taong yun. Deserve naman talaga niyang manalo, gwapo, talented. Lakas nga ng palakpak mo ng matapos kumante eh. Siguro ay nagseselos ka lang. Yaan mo, ilalakad kita sa kanya.”

“Neknek mo. Ikaw itong laging nakabuntot sa kanya eh.”

“Sandali nga Cedric, bakit nga ba hindi na kayo magkasabay napasok at nauwi ni Mandy? Nag-away ba kayo?” tanong ni Nanay. Hindi ako nakasagot. Natameme na lang ako basta.

“Nay, nagseselos nga kasi. Maniwala ka sa akin.” Pambubuska ni Kuya.

“Kuya ha, sumosobra ka na.”

“Tama na! Tama na! Magkakapikunan pa kayo niyan. Tigilan na yan Karlo.” – si Nanay.

---------------oo00oo---------------

Bumili ako ng bagong “SIM Card”, gusto ko kasing itext si Mjay. Dual Sim naman ang aking phone. Ayun nga, pagkabiling pagkabili ko ay nag text ako kay Mjay.

“Kumusta ka na. Masayang masaya ka lately ah. Kayo na ba ni Karlo.” Sabi ko sa text. Aba agad may reply. “Hu u. Sorry ha, hindi pamilyar ang number mo.”

“Ah officemate ako ni Karlo at palagi kang nakukwento. Masaya lagi eh kaya siguro ay sinagot mo na siya. Masayang masaya eh.”

“Ah ganun ba. Oo kami na nga. Pero secret pa muna namin. Complicated kasi eh. Wala nga kaming pinagsasabihan kahit sa pamilya ni Karlo.”

“Syanga pala, huwag mo na lang mabanggit kay Karlo na nag ka usap tayo sa text ha. Baka kasi isipin na tsismoso ako masyado. Sige baka naabala na kita.”

Para akong binagsakan ng mabigat na bagay sa aking dibdib. Mismong sa bibig, hindi pala sa text ni Mandy/Mjay ko nalaman ang totoo. Sinubukan kong idial ang number para mas mapatunayan ko na si Mandy nga ang Mjay sa buhay ni Kuya. Matagal na nagring bago may sumagot. Agad ko ring ibinaba pagkarinig sa boses sa kabilang linya. Si Mandy nga. Hindi ako maaring magkamali, siya iyon. Ibinaba ko ang phone dahil baka malaman niya na ako ang nagtetext sa kanya.

---------------oo00oo---------------

Biyernes na naman, Nasa bahay na si Kuya at kakwentuhan si Nanay. Hindi muna ako pumasok, nakinig muna ako sa usapan nila. Baka kasi may madinig akong karagdagang inpormasyon. Wala naman. Pangkaraniwang usapan lang naman.

“Nay magsashower lang muna ako. Ang baho ko na, amoy pawis na ako.” ang nadinig kong sabi ni Kuya habang nagpapalit ako ng damit. Pumasok sa silid si kuya at kumuha ng twalya.

“Magsashower ka kaagad kuya. Hindi ba kadarating mo lang? Baka pasma ang abutin mo niyan,” paalala ko.

“Concern si bunso ah. Kanina pa naman ako, nakapahinga na rin. Kumusta ang pag-aaral mo. Bati na ba kayo ni Mandy.” Ewan ko kung bakit natanong iyon ni Kuya. Ano kayang sinabi sa kanya ni Mandy.

“Hindi naman kami nag-aaway kuya. May sinabi ba siya sa iyo?”

“Wala naman. Basta pakiramdam ko ay may tampuhan kayo eh. Ligo muna ako.”

Tumunog ang CP ni Kuya. Tinignan ko. Si Mjay at sinasabing magkita raw sila. Wala daw si Lolo sa bahay. Grabe talaga itong si Mandy. Bwisit!!!

Nagtext ako kay Mjay. “Umuwi si Karlo, alam mo ba?”

“Oo. Salamat sa info. Magkikita kami mamaya. Thanks.”

Maaga kaming kumain ng hapunan. Pagkakain ay agad nagpaalam si Kuya at pupunta raw kina Mandy at makikipagkwentuhan.

“Aakyat ka ba ng ligaw Kuya.” Biro ko.

“Hindi na. Kami na kasi eh. Me nangyari na nga sa amin eh hehehe. Sige bunso.”

Aray ko. Ang sama sama talaga ni kuya. Hindi ba niya alam na nakasasakit siya ng damdamin? Damdamin nino? Ako? Bakit? Kami ba? Haayyyyyyyyy para akong sira. Ano ba naman ako? Bakit ako affected. Makatulog na nga lang.

Nag browse na lang ko ng aking FB. Hindi ako mapakali, kasi ang sama sama ng nasa isipan ko. Babangon, hihiga, tatayo, lalakad. Sira na talaga yata ako. Hindi ko namalayan na naglalakad na ako patungo kina Mandy. Nang malapit na ako ay nag-alangan ako. Nakita ko sila na nakaupo sa dating upuan na kawayan, may tangan na bote ng beer.

Nag-isip ako kung tutuloy pa o babalik na lang ng bahay. Tumayo si Kuya at inilapag ang bote sa mesa saka pumasok na ng kubo. Naiwan si Mandy na pinupulot ang mga bote saka pumasok na rin ng kubo. Ilang minuto na ang lumipas ay hindi na muling lumabas si Mandy. Nagpasya akong lumapit na ng kubo.

Dahan dahan ako para hindi makagawa ng kahit konting ingay. Nasa may gilid ako, malapit sa silid nina Mang Enteng. Natigilan ako ng makarinig ako ng bulungan. Hindi ko naman maintindihan dahil sobrang hina. Lumapit pa ako. May nadinig ako na tunog ng naghahalikan. May konting siwang akong nakita. Sinilip ko ang nasa loob. Si kuya at wala nang suot ng pangitaas. Nakatalikod siya sa akin, nakapatong sa kung sino ay hindi ko maaninag. Madilim kasi. Kilala ko naman ang katawan ni Kuya at sigurado akong may katalik siya. Kinuhanan ko ng picture, nagbakasakaling kahit madilim ay may pagkakakilanlan.

Mahinang ungol ang nadinig ko, hindi ko lang mapagtanto kung si Kuya o si Mandy. Hindi ko na kinaya at umalis na ako. Maluha luha talaga ako sa nasaksihan. Sinamantala nila na wala si Mang Enteng para isagawa ang kababuyang iyon, doon mismo sa silid nila.

Pagdating ko ng bahay ay agad akong nagkulong sa silid at inilock ang pinto. Mahimbing pa rin ang aking tulog at umaga na ako nagising. Naka lock pa rin ang pinto ng lumabas ako. Kung gayon ay hindi na umuwi si Kuya. Magdamag silang naglunoy sa kaligayahan.

Pagbaba ko ay nasa sofa si Kuya at tulog na tulog pa. Bakit hindi siya kumatok. Buti nga sa kanya hehehe.

Dahil sa aking yabag ay nagising yata si Kuya. Para hindi halata na sinadya ko talagang ilock ang pinto ay nagtanong ako kaagad sa kanya. “Bakit diyan ka natulog Kuya?”

“Paanong hindi ako dito matutulog ay naka lock ang pinto. Katok ako ng katok ay hindi ka magising. Bakit ba naglock ka ng pinto?”

“Kuya! Hindi ako naglolock. Bakit naman ako maglalock ay alam kong narito ka.”

“Bunso, kasi sabi ni Mandy ay parang nakita ka niya doon sa kanila. Galing ka ba kina Mandy? May nakita ka ba o nadinig? Magtapat ka na. Nagpunta ka doon ano.” Usisa ni Kuya.

Nag-isip ako kung aamin o tatanggi. Mas nanaig na umamin ako. “Oo kuya, at may nakita ako.”

‘Sssshhhhhhhhhh, huwag ka maingay bunso, baka marinig ka ni Nanay, lagot ako. Secret na lang natin muna please.”

“Bakit naman ninyo isisikreto pa. Ano bang masama kung malaman ni Nanay.”

“Basta bunso, wala pa kasi sa tamang panahon. Sasabihin ko rin naman eh pero hindi pa sa ngayon. Please naman bunso. Anong gusto mo bunso, kahit ano, ibibili kita huwag ka lang munang maingay.” Si kuya, alalang alala sa kanyang ginawa at baka nga naman magsumbong ako ay lagot siya. Nanunuhol pa.

“Gusto ko ng iPhone yung latest model.” Sabi ko.

“Bunso naman. Sobrang mahal naman noon. Hindi pa pwede na yung Oppo o Vivo basta yung hindi masyadong mahal.” Pakiusap ni kuya. Nagbibiro lang naman ako. Alam ko naman na sobrang mahal iyon at baka wala nang matira sa sweldo ni kuya at walang maibigay kay Nanay. Si Tatay naman ay hindi pa nakakapagpadala itong buwan na ito mula sa Dubai. “Sige kuya, bigyan mo na lang ako ng pambili at ako na ang bibili sa bayan.”

“Ako na lang bunso. Sa Manila na lang ako bibili. Hindi pa namin sweldo eh. Promise ibibili kita. Basta huwag ka munang maingay ha.”

Ang sama ko na talaga. Kinukunsinti ko pa ang kalokohan ni Kuya. Nakuha ako sa suhol. Tumahimik muna ako.

---------------oo00oo---------------

Mandy’s POV

Ang tagal ko nang hindi man lang nakakausap si Cedric. Ano ba talaga ang ikinagagalit niya sa akin. Ang ganda ganda ng samahan namin bago pa ako makasali sa contest tapos ng makaraos ay saka naman nagkaganito.

Kinausap ko na rin si Jenny dahil malapit na kaibigan siya ni Cedric, pero wala ding masabi.

“Nag-away ba kayo? Anong pinagawayan ninyo?” – si Jenny.

“Wala akong alam, magtatanong pa ba ako sa iyo kung alam ko. Basta na lang siya hindi kumibo at iniiwasan ako.”

“Baka nagseselos o may pinagseselosan. Seloso iyon kahit na sa kaibigan. Sa akin nga, hindi ko lang nasamahan minsan at sa iba ako sumama ay ang sama sama ng loob kaagad sa akin eh. Ang tagal ko kayang sinuyo. Akala tuloy ng iba ay kami.”

“Sino naman ang pagseselosan niya, saka bakit siya magseselos ay palagi naman siya ang kasabay ko. Ito lang talaga pagkatapos ng contest nagbago ang pakisama niya sa akin. Ewan ko ba dun, parang babae, hindi naman maganda.”

“Alam mo, bagay kayong dalawa. Uso naman ngayon ang BL eh. Ako ang magiging unang tagahanga ninyo hehehe.”

“Sira ka din ano. Diyan ka na nga.”

Habang naglalakad ako pauwi ay naka receive ako nang tawag mula kay Kuya Karlo.

Karlo:Mandy tama ka, nagpunta nga kagabi si Cedric at nakita niya ang nangyari. Napakiusapan ko naman siya na manahimik muna. Magagastusan tuloy ako, sinuhulan ko lang ng bagong CP para huwag mag-ingay.

Mandy:Naku lagot. Lalong magagalit siya sa akin. Hindi ko pa nga nakakausap para makipag-ayaos ay eto na naman ang problema.

Karlo:Ano ba talaga ang pinagkasira ninyo.

Mandy:Hindi ko nga alam eh. Basta na lang hindi kumibo.

Karlo:Basta ha Mandy. Bantayan mo pa rin si Cedric. Baka magsumbong eh lagot tayo pareho. Aaminin ko naman na eh, hindi pa lang sa ngayon.

Mandy:Sige. Sana lang ay hindi talaga dumaldal ang lalaking iyon.

Ano ba itong napasukan ko. Paano ko kaya siya makakausap ng matino. Pag nilalapitan ko ay panay naman ang iwas. Para kasing babae kung makapagtampo, susuyuin pa. Pero ang cute cute talaga niya kapag naiinis sa akin hehehe. Siguro dapat ay lapitan ko ng lapitan para mainis at nang makita ko naman ang kacutan niya. Nakakainlove naman talaga eh. Ligawan ko kaya. Naku, may problema pa nga ako kay Kuya Karlo ay kung ano ano na naman ang nasa isip ko.

Palabas na ako ng gate, nagbabasa pa ako ng text ng may masagi ako. Sa lahat naman ng masasagi ay si Cedric pa.

“Ano ka ba bulag? Ang lakilaki ko ay hindi mo ako nakita! Nananadya ka ba.” Galit na bulyaw ni Cedric sa akin. Nanlilisik ang mga mata, namilog.

“Wow ha! Kasalanan ko ba eh haharang harang ka sa daan!” sagot ko dahil gusto ko siyang magalit. Kanina ay ang ganda ganda ng mata, namimilog sa galit pero ang cute talaga, gusto ko nang halikan eh hehehe.

“Ano ba kayong dalawa, maliit na bagay ay pag-aawayan. Pinagtitinginan na kayo ah. Hindi ba kayo nahihiya! Kalalaki ninyong tao eh madada. Gusto ninyo sapakan na eh.” Si Jenny na nagpakita na ng inis. Tuloy ay baka nga manuntok itong mokong na ito eh hindi ko siya uurungan. Hahalikan ko siya talaga kapag nanapak siya.

“Siya kasi eh. Siya na ang nakabangga eh hindi man lang magsorry. Mangaaway pa.” sagot ni Cedric, nakasimangot at may pag irap pa.

Shet!! Malalaglag ang mata ko nito eh. Kung wala lang makakakita ay talagang nirape ko na ang lalaking ito, ang gwapoooo. Haaayyyyy. “Magsosorry naman ah, kaya lang ay agad kang nakabulyaw. Ugali mo ba talaga ang basta na lang magagalit? May ginawa ba ako sa iyong masama?”

“Meron. Gusto mo ibroadcast ko dito ha. Sige, galitin mo pa ako.”

“Sige nga, ano yung ibobroadcast mo. Sige nga. Akala mo ha!” Nagtapang tapangan lang ako, pero ang totoo ay kinabahan talaga ako. Baka nga madulas ay masabi niya ang lihim namin ni Kuya Karlo. Malalagot ako nito kay Lolo.

“Umalis ka na nga. Pinaiinit mo ang ulo ko.” – si Cedric

“Talagang aalis na ako. Dyan na nga kayo.” Tinalikuran ko na sila. Mabilis na akong naglakad, halos patakbo na nga eh. Nang makalayo na ako ay agad kong tinawagan si Kuya Karlo at sinabi ang nangyari. Sinabi na suyuin ko raw para hindi na magalit. Bigyan ko raw ng chocolate o bulaklak.

Ako/Mandy:Kuya, para naman akong nanliligaw pag ginawa ko iyon.

Karlo:Irerefund ko naman sa iyo ang papambili mo. Sige na.

Ako:Ewan ko kuya, parang hindi ko kayang manuyo. Baka masuntok ko pa iyon. Ang arte kasi ng kapatid mo. Kung hindi ko lang…basta.

Hanep, muntik na ako doon ah. Muntik ko nang masabi na kung hindi ko lang mahal ang kapatid niya. Buti at nakapagpigil ako kundi ay problema na naman. Baka kung ano pang isipin niya.

Karlo:Nakukuha naman iyon sa suhol. Subukan mo lang.

Ako:Sige Kuya, susubukan ko.

Hinintay ko siya talaga na makauwi. Nagtago muna ako sa kanto para hindi siya makaiwas. Alam kong iiwas siya. Nang magdaan na nga ay hinawakan ko ang braso niya at sinabing “Mag-usap nga muna tayo. Magkaliwanagan na nga tayo.”

Parang natakot siya. Mahigpit kasi ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Alerto naman ako dahil baka biglang manuntok. Mag-sing tangkad lang kami at maaring talunin niya ako.

Durugtungan

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Hilot (Part 3)
Hilot (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg5uC8bsHliOtUaKCELCNramFtGB8bj2UFQxL__q7M7fEqUAGM_1OQJvM8h7UySiAarYvSkxlUSp-vxWy9TgG1MmjzOlNifueN9O26M9INX4Fg2uO6BUFAIeOfCiLVQb4IifMgvWi_sTRzmiQsfA9kPHKlfDRpiOhZASaK2IDAZ-ZRKR28sjNI2yNRqpvj_/s600/Hilot.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg5uC8bsHliOtUaKCELCNramFtGB8bj2UFQxL__q7M7fEqUAGM_1OQJvM8h7UySiAarYvSkxlUSp-vxWy9TgG1MmjzOlNifueN9O26M9INX4Fg2uO6BUFAIeOfCiLVQb4IifMgvWi_sTRzmiQsfA9kPHKlfDRpiOhZASaK2IDAZ-ZRKR28sjNI2yNRqpvj_/s72-c/Hilot.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2024/01/hilot-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2024/01/hilot-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content