$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Flicker (Part 38)

By: Loverboynicks Kinabukasan ay maaga akong pumasok da school. Kung dati ay sumasabay ako kay Addy sa pagpasok. Ngayon ay iniwanan ko n...

By: Loverboynicks

Kinabukasan ay maaga akong pumasok da school. Kung dati ay sumasabay ako kay Addy sa pagpasok. Ngayon ay iniwanan ko na siya.

Hindi ko kasi gusto ang aura ngayon sa bahay. Mabuti na lamang at hindi rin sumabay sa almusal si Kuya Kiel kanina.

Hindi ko rin kasi siya gustong makaharap matapos ang masasakit na salita na sinabi niya sa akin kagabi.

At si Tita Ruth. Animo walang nangyari at parang napakanormal lamang ng lahat katulad ng dati. I wonder kung gaano katagal na niyang ginagawa ang natuklasan ko sa kanya kagabi.

Hindi ko rin naman siya masisisi dahil si Rudy ang klase ng lalaki na pagnanasahan talaga ng mga babae at may pusong babae kaya hahayaan ko na lang muna siya sa mga kalokohan niya.

Minsan ko na rin kasing naguli si Tito Benjie na may kinakantot na babae sa mismong silid pa nila kaya patas lang din siguro sila.

Ang pagkakamali ko lang ay hindi ko nakuhanan ng ebidensya ang pangangaliwa ni Tita dahil nataranta ako nang malaman kong nakikita pala ako ni Rudy habang binobosohan ko sila sa kanilang makamundong gawain.

Dahil sa dami ng mga iniisip ko ay hindi ko ay hindi ko namamalayan na may kasalubong pala akong estudyante na my dalang mainit na sopas.

Nagkabanggaan kami at nabuhos sa isang nakaupong estudyante malapit sa amin ang dala nitong pagkain. Napalingon ang lahat ng tao sa loob ng cafeteria sa gawi namin nang mapasigaw sa pagkapaso dahil sa mainit na sabaw.

Mabilis kaming nanghingi ng paumanhin ng babaeng nakabanggaan ko ngunit kalat na kalat na sa damit ng lalaking nabuhusan ang sabaw ng sopas.

Hindi ito magkamayaw sa pagpupunas at dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay napatanga na lamang ako sa kanya.

Nagulat pa ako nang may isang matangkad at gwapong lalaki na lumapit sa kanya at pinunasan nito ang nagkalat na mantsa sa damit ng nakasalamin na lalaki.

Noon ko lang napagmasdan ang mukha niya at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang taong nabuhusan ko ng mainit na sabaw.

Hindi ako maaaring magkamali. Siya yung nerd na kasa kasama ng grupo ni Addy minsan kapag nakikita ko sila dito sa school. At ang lalaking lumapit sa kanya ay kaibigan ni Addy.

“Ayos ka lang ba ha?” tanong ng gwapong lalaki habang patuloy ito sa pagpupunas sa nerdie na lalaki.

“Okay lang ako. Salamat.” sagot naman nito saka niya pilit na nginitian ang kasama niya.

Nang mapasulyap siya sa akin ay kaagad na akong humingi ng pasensya sa kanya pati na rin sa babaeng nakabanggaan ko.

Sa halip na sagutin ako ay seryoso lang siyang tumingin sa akin. Hindi ko mawari kung galit ba siya o ano. Basta napakahirap basahin ng emosyon sa mukha niya.

Ilang sandali kaming nagkatinginan bago nagsalita ang gwapong lalaki na kasama niya. “Tara na sa CR Pao. Doon ka na maglinis ng sarili mo. May extra uniform ako sa kotse ko.”

Sumulyap pa sa akin ang gwapong lalaki at mahahalata mo ang pagkainis sa anyo niya hindi katulad ng lalaki na tinawag niyang Pao na blanko talaga ang ekspresyon.

“Naglalakad kasi nang nakatanga.” bulong pa ng lalaki bago niya inakay si Pao palayo sa lugar na iyon.

Napasimangot naman ako dahil sa inasta ng lalaki. Gwapo nga sana kaso may pagkamaldito ang loko.

Mabilis namang naglakad pabalik sa counter ang babae na nabangga ko upang marahil ay umorder ulit ng pagkain. Sinundan ko siya at nag-offer ako na babayaran ko na lang ang bibilhin niya.

Ngumiti naman siya at sinabing okay lang daw dahil hindi ko naman sinadya at nanghingi rin naman daw ako ng paumanhin.

Napatingin pa ako sa isang tauhan ng cafeteria na may dalang mop. Nang magsalubong ang mga tingin namin ay inirapan niya ako saka siya mabilis na lumapit sa area na natapunan ng sopas.

Nang makaorder na ako ng almusal ko ay naghanap na ako ng mauupuan ko. Marami namang bakante kaya hindi na ako nahirapan na maghanap pa.

Kasalukuyan na akong kumakain nang pumasok sa entrance si Pao at ang gwapong lalaki na kasama niya.

Nakauniform na si Pao na marahil ay uniform nga nung kasama niyang lalaki. Yung lalaki naman ay nakasuot na lamang ng sandong puti kaya litaw na litaw ang alaga sa gym niyang mga braso at ang malapad na pecs niya na may malalim na hiwa sa bandang gitna.

Shit! Masarap din ang lalaking ito. Pero badtrip ako sa kanya dahil sa inasta niya sa akin kanina. Nagpasorry naman ako sa kasama niya. Mabuti sana kung hindi.

Napasulyap siya sa akin at tumigas ang anyo niya nang mapansin na pinag-aaralan ko ang bawat kurba ng maskuladong katawan niya.

Dahil sa pagkapahiya ay naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko kaya mabilis na ako g umiwas ng tingin at nagfocus na lamang ako sa pagkain ko.

Ilang minuto rin ako na parang may stiff neck at hindi man lang maiangat ang ulo dahil baka nakatingin pa rin ang lalaking kasama ni Pao.

Nang igala ko na ang paningin ko sa buong paligid ay hindi ko na sila nakita pa sa loob.

Nakahinga ako nang maluwag at nagpatuloy na sa pagkain.

Dahil sa hindi magandang aura sa bahay kanina ay morning isang toasted bread lamang ang kinain ko pagkatapos ay nagpaalam na ako na papasok na.

Dinahilan ko na lamang na may importante pa akong aasikasuhin dito sa school kaya nagmamadali ako na umalis.

Kaya ngayon tuloy ay nakakain ako ng marami dito sa cafeteria ng school. Patapos na ako sa pagkain ko ng inorder kong spaghetti nang may biglang umupo sa katapat ko na upuan.

Mabilis akong nag-angat ng tingin at ang seryosong mukha ni Addy ang bumungad sa akin.

Napahinto ako sa akmang pagsubo at sinalubong ko ng tingin ang nagtatanong niyang mga mata.

“Bakit hindi mo ako hinintay? Hindi ba nagtext ako sayo kagabi na sabay tayong papasok ngayon?” aniya nagtatampong tono.

Nagpatuloy na ako sa pagsubo saka ako ngumuya habang nakatitig sa gwapong mukha niya.

Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti si Addy. Kung noon ay si Kuya Kiel ang may bad boy looks sa kanilang magkakapatid dahil sa balbas sarado ito.

Ngayon ay mas maangas na ang dating ni Addy kahit hindi siya magpatubo ng bigote. Mula sa singkit niyang mga mata patungo sa matapang niyang anyo na kinatatakutan ng mga estudyante lalo pa at leader pala siya ng isang sikat na fraternity dito sa school.

“Tinatanong kita Renz!” may halong pagkainis na ang tono niya.

Huminto ako sa pagnguya saka ako sumipsip sa orange juice na inorder ko bago ko siya sinagot. “Kailangan pa ba kitang hintayin? Hindi ka naman maagang bumangon.”

Tumaas ang isang sulok ng labi niya saka niya inangat ang kamay niya papunta sa akin. Napaiwas pa ako. Akala ko ay sasaktan niya ako pero aalisin lang pala niya ang dumikit na sauce sa ibabang parte ng labi ko.

Napahalakhak ang loko dahil sa ginawa ko na ikinalingon ng ibang tao na naroon. Nakadama tuloy ako ng pagkailang kaya mabilis kong nilayo ang kamay ni Addy sa akin.

“Ang tanda tanda mo na hindi ka pa rin marunong kumain ng spaghetti. Saka bakit ka umiwas? Akala mo ba sasaktan kita?” natatawang sabi niya kasunod ng malakas ulit niyang halakhak.

Loko loko talaga ang lalaking ito. Pero bakit ang cute niyang pagmasdan habang humahalakhak siya? Ngayon ko lang siya nakita nang ganito.

Noon ay madalas kong makita ang mga nakakalokong ngisi niya sa tuwing may kalokohan siyang naiisip pero ngayon ay kakaiba ang halakhak niya.

Sumimangot ako saka ko na inubos ang natitirang pagkain sa plato ko pagkatapos ay kumuha ako ng tissue at ako na ang nagpunas ng bibig ko.

Nang huminto sa pagtawa si Addy ay sinubo niya ang daliri niya na may sauce ng spaghetti galing sa labi ko. Napanganga ako sa ginawa niya at napagala ang tingin ko sa paligid.

May mangilan-ngilan na nakatingin sa amin at ang iba ay nagbubulungan pa. Shit! Addy ano bang ginagawa mo?

Halos matunaw na ako sa kahihiyan.

“Masarap ang sauce nila ah. Dahil kaya sa cook o dahil galing sa labi mo?” nakangising tanong niya.

“Ewan ko sayo.” inis kong sagot.

Tumayo na ako at dinampot ang bag ko pero mabilis na nahila ni Addy ang kamay ko at ibinalik niya ako sa pagkakaupo ko.

“Oops! Hindi ka pa pwedeng umalis. Nag-uusap pa tayo. Bastos ka ah!” nakangising sabi niya.

Pilit kong inaalis ang kamay niya sa palapulsuhan ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

“Kakain din muna ako. Hindi ako kumain sa bahay dahil sa kakamadali. Gusto ko samahan mo ako habang kumakain ako.”

“Hindi ka ba makakakain nang wala ako? May gagawin pa ako kaya maaga akong pumasok ngayon.” pagdadahilan ko.

“Wala akong pakialam sa gagawin mo. Ang gusto ko dito ka lang habang kumakain ako. Subukan mong umalis sasabihin ko kay Mama na nagkita kayo ni Kuya Kiel kahapon.” nakangising banta niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Addy. “P-paano mo nalaman?” kinakabahang tanong ko.

Inalis na ni Addy ang kamay niya sa braso ko ngunit hindi ko naman magawang tumayo dahil sa sinabi niya. Paanong nalaman ni Addy ang tungkol doon?

Nakakaloko ang mga ngisi ni Addy bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya. “ Oorder lang ako ng pagkain ko. Kapag umalis ka diyan alam mo na ang mangyayari.” muli ay banta niya bago siya papito-pito pa na naglakad patungo sa counter.

Hindi nagtagal ay nakabalik na si Addy sa mesa namin at nakangisi siyang umupo sa harapan ko saka na siya nagsimulang kumain.

Spaghetti rin ang inorder niya na may kasamang orange juice. Dinagdagan rin niya ito ng ******** at mainit na sopas.

Naalala ko na naman tuloy yung palagi niyang kasama na nerdie na natapunan ko ng sopas kanina. Sino kaya iyon at bakit ito napasama sa grupo nina Addy?

Puro makikisig na lalaki ang barkada ni Addy at tanging si Pao lamang ang medyo malamya at idagdag pa na hindi siya mukhang badboy kagaya nina Addy.

Nakatunganga lang ako sa harapan ni Addy at naglalakbay ang diwa ko sa mga bagay bagay na tumatakbo sa utak ko.

Hindi ko namamalayan na sa loob lamang ng limang minuto at tapos na agad siya sa pagkain. Natauhan lang ako nang pumitik siya sa harapan ng mukha ko.

Napapitlag pa ako at tumingin sa nakangising mukha niya.

“Kumain lang ako sandali ang layo na ng narating mo diyan. Iniisip mo ba kung paano ako iseseduce?” natatawang sabi niya.

Sumimangot ako saka na ako tumayo at binitbit ang bag ko. “Kung tapos ka na papasok na ko sa klase ko.”

Naglalakad na ako palabas ng cafeteria nang akbayan niya ako. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko saka siya bumulong.

“Sasabay ka sa akin pauwi mamaya. Kapag hindi mo ginawa alam mo na ang mangyayari.”

Napahinto ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya. Nakangiti na naman siya at kumindat pa sa akin. “Dito mo na rin ako hintayin mamaya.”

Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay mabilis na siyang namulsa at naglakad palayo sa akin. May nakasalubong pa siyang kakilala niya na binati pa siya.

Napatingin naman ako sa grupo ng mga babae na malapit sa kinatatayuan ko. Nakatingin silang lahat sa akin at nagbubulungan. Mababakas sa mga mukha nila ang pagkainis habang nakatingin sa akin.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas sa lugar na iyon. Dumiretso na rin ako sa classroom namin at doon ay naabutan ko na ang ibang mga kaklase namin kabilang sina Kevin na sa akin nakatingin nang pumasok ako.

Dahil wala pa si Jane ay agad na lumapit sa akin si Kevin nang makaupo na ako sa upuan ko. Siniko naman ako ni Liza at sumenyas siya sa akin. Tinatanong kung bakit ako nilapitan ni Kevin.

Nagkibit-balikat na lamang ako at hinarap ko na ang noon ay katabi kong lalaki sa upuan.

“May kailangan ka ba?” friendly na tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya. “Iinvite lang sana kita sa birthday ko next week. Pool party sa bahay namin.”

“Ako lang?” sabi ko saka ako sumulyap kay Liza. Umiling si Liza pero hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Kevin.

“Oo ikaw lang Renz. Kahit imbitahin ko yung mga kaibigan mo dito sa classroom ay hindi naman sila pupunta.” sarkastikong sab niya habang nakatingin kay Liza.

Inirapan naman siya ni Liza bago ito bumaling sa kabilang parte ng classroom. “Hay naku Renz kung ako sayo hindi ako pupunta. Baka kung ano pa ang gawin sayo ng mga yan.” sabi niya habang nakatingin sa kabila.

“Grabe ka naman sa amin. Kinaibigan na nga namin itong si Renz dahil ayaw namin na may kaaway dito sa classroom. Sa totoo lang invited naman lahat kayo dito eh. Kaya kung gusto mo rin sumama ay welcome ka rin naman sa party ko.” paliwanag ni Kevin.

Hindi na siya sinagot ni Liza kaya sa akin na ulit siya tumingin. “Paano aasahan kita ah? Bibigyan ko na lang kayo ng invitation para alam ninyo ang oras at lugar.”

Tumango na lang ako at nakangiti pang sumaludo sa akin si Kevin bago siya bumalik sa mga barkada niya.

“Sinasabi ko sayo. Magsisisi ka kapag pumunta ka sa party na iyon.” masungit na sabi sa akin ni Liza na ikinalingon ko sa kanya.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Flicker (Part 38)
Flicker (Part 38)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb_GyRn-e6NgB3biuivWIfIkzNJVTrovQSbWdiFSY-v3uIGjxlY9iM5XjmN62eGQVc63-n2h6Zd09bgF6qtUu_Jzb227BKTgO0bZRTzfkLTgNVyhOHyjkqFIQvzloN2bsn0GcDBDjO2F2V/s320/Flicker.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb_GyRn-e6NgB3biuivWIfIkzNJVTrovQSbWdiFSY-v3uIGjxlY9iM5XjmN62eGQVc63-n2h6Zd09bgF6qtUu_Jzb227BKTgO0bZRTzfkLTgNVyhOHyjkqFIQvzloN2bsn0GcDBDjO2F2V/s72-c/Flicker.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/10/flicker-part-38.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/10/flicker-part-38.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content