$hide=home

Hihintayin Pa Rin Kita (Part 1)

The original title of this story is "G.I. John". Please disregard this story if you already read it. We had just organized and arranged it for better reading.

By: Lester

Simula nang matanggap ko sa aking sarili na ganito ako….. alam nyo na yun…. lalaki sa labas pero paminsan-minsan ay lalaki din ang hinahanap…. basta yun na ako….. malaking turn-on sa akin yung mga unipormadong lalaki na tagapagtanggol ng kapayapaan ng ating bansa. Lalo na yung mga makikisig ang tindig at lalaking-lalaki talaga tignan kahit sa anong anggulo. Marami na rin kasi ang tulad ko dito sa Makati na naka-longsleeves at kurbata na may makikinis na kutis ay tulad din pala nila ang hanap. Ang masakit pa doon ay madalas magpapalit-palit ng kandungan na para bang paru-paro na matapos masimsim ang katas ng bulaklak ay lilipad na naman sa ibang bulaklak. Hindi ba nakukuntento sa buhay. Na tila ba isang laro lamang ang salitang pag-ibig at puro libog lang talaga ang nananalaytay sa kanilang dugo.

Isa rin akong yuppy dito sa Makati. Mataas ang pinag-aralan. Mataas na rin ang katungkulan. Pero mataas pa rin ang nais marating. Kahit gaano ako ka-successful sa aking career ay tila kabaligtaran naman sa lovelife. Girlfriends? Ilan na rin ang dumaan sa aking buhay. Kasal? Muntik na. Nagkaroon lamang kami ng malaking suliranin kaya ipinagpaliban na nauwi sa hindi pagtuloy ng aming kasal. Boyfriend? Siguro mas okey kung lover na lang ang itawag natin. Meron na rin ilan. Pero tulad ng nasabi ko sa ibang katulad ko ay para silang paru-paro na palipat-lipat ng bulaklak. Kaya marahil walang tumatagal akong relasyon sa tulad ko. Kaya naman pinangarap ko na lamang na makakita ng isang tunay na lalaki na pwede rin umibig sa isang tulad ko.

Isang maulan na gabi iyon ng napilitan akong mag-overtime. Sira kasi ang aircon ng sasakyan ko kaya mahirap sumuong sa malakas na buhos ng ulan. Hinintay ko itong tumila kaya sa halip na tumunganga ako sa opisina ay nagtrabaho na lamang ako. Alas ocho na ng gabi pero tila ayaw pa rin huminto ang ulan. Kaya naman naisip kong mag-order na lamang ng pagkain sa isang restaurant sa ibaba ng building kung saan naroroon ang aming opisina. Matapos kumain ay malakas pa rin ang ulan. Alas-dyes na ng mapansin ko na tumila na ang ulan. Sinamantala ko ang pagkakataon upang makauwi na.

Tinahak ko ang Chino Roces Ave. sa Makati hanggang makarating ako sa Gate 3 ng Fort Bonifacio. Sa The Fort pala ako nakatira sa isang studio type condominium unit doon. Subalit pagkapasok ng pagkapasok ko sa Gate 3 ay bigla na namang bumuhos ang malakas na ulan. Dali-dali kong sinara ang mga bintana ng aking sasakyan. Syempre, biglang nagkaroon ng mist ang windshield. Syempre, tabi ako agad kasi hindi ko makita ang kasalubong ko. Medyo naaninag ko na malapit na rin ako sa isang waiting shed. Pinilit ko na lang makalapit sa waiting shed na iyon para makalabas ako ng sasakyan dahil nagsimula ng uminit sa loob ng sasakyan ko.

Pagtapat ng sasakyan ko sa waiting shed ay pinatay ko ang makina at lumabas agad sa aking sasakyan. Grabe talaga ang lakas ng ulan. Sinasabayan pa ng malalakas ng kidlat at kulog. Wala na rin gaanong dumadaang sasakyan sa gawing iyon ng Fort Bonifacio. Laking gulat ko ng malaman ko na hindi pala ako nag-iisa sa waiting shed na iyon. Isang unipormadong lalaki ang nakasilong din sa waiting shed na iyon. Sa paminsan-minsang liwanag na dulot ng kidlat ay naaninag ko ang itsura na lalaking ito. Mukhang isang miyembro ng Army ang sundalong ito dahil sa suot niyang camouflage na uniporme. Humihithit din siya ng yosi.

Sa tuwing kumikidlat ay lumiliwanag ng kaunti at ako naman ay todo sa pagmamasid sa mamang kasama ko sa waiting shed. Medyo kabado kasi ako kaya inaabangan ko ang mga susunod niyang gagawin para naman makatakbo ako agad kung kinakailangan. Marahil ay nakahalata ang mamang iyon na lagi akong nakatanaw sa kanya.

“Bro, may sasakyan ka naman bakit ka pa tumigil dito sa waiting shed?” ang tanong sa aking ng sundalong iyon na medyo may magpagkabrusko ang boses.

“Ah… eh…” tila hindi ako makasagot dahil sa aking kaba na baka may gawin sa aking masama ang sundalong iyo. Pero sa loob ko ay pinalalakas ko ang aking sarili sa pagsasabing isang sundalo itong kasama ko at wala siguradong masamanag balak ang taong ito sa akin.

“Si…si . . .sira ang aircon. Mahirap magdrive kasi lumalabo ang windshield kapag nakasara ang mga bintana.” medyo lumakas ang loob ko kaya sinagot ko siya at para hindi niya mahalata ang aking takot.

“Pesteng ulan kasi ito. Mag-iisang oras na ako dito tapos wala din taxi na dumadaan. Nakakainis talaga.” ang sabi naman ng sundalong iyon.

“Oo nga po sir. Malapit na nga ang inuuwian ko pero delikado kung pipilitin kong magdrive.” ang sabi ko naman.

“Pinagreport kasi ako ng non-commissioned officer namin dyan sa headquaters after duty hours ko. Ang tagal kong hinintay yung taong kakausapin ko. Tapos may mga pinagawa pa sa akin na paperworks.” ang inis na kwento ng sundalong iyon.

Medyo nagtaka ako sa kanya. Sino ba naman ako sa kanya at ikinikwento na niya sa aking iyon. Feeling nya siguro ay close na kami. In the first place, hindi pa namin kilala ang isa’t isa. Ni hindi ko alam ang pangalan nya. Pero pinilit ko pa rin makipagkwentuhan sa kanya para naman hindi siya mapahiya sa akin kung mananahimik ako. Baka mainis din sa akin ay pagbunutan ako ng baril. Buti sana kung ang sandata niyang buhay ay ilalabas niya. He he he….

“Ganoon ba sir. Ako rin pagod na sa overtime pero hindi pa rin ako makauwi para makapagpahinga.” ang naging tugon ko sa kanya.

“Ako nga pala si John.” ang pakilala niya sa akin habang papalapit sa aking kinatatayuan sabay abot ng kanyang kamay.

“Lester po sir ang pangalan ko.” ang pakilala ko naman at nakipagkamayan na rin ako sa kanya.

Sa liwanag din na dulot ng mga sunud-sunod na kidlat ay napagmasdan ko ang kanyang mukha. Gwapo naman pala ang mokong na ito at hindi mukhang galing na sa ilang ng giyera ang itsura. Higit sa lahat ay mukhang maginoo siya.

“May isa pa nga akong problema. Sarado na ang barracks namin nito kasi simula na ang curfew hours.” ang nasabi pa niya. “Grabeng kamalasan naman yata ito. Makikitulog na naman ako nito sa isang kaibigan ko. Kaya lang gabi na rin at nakakahiya na sa pamilya nya.” ang dugtong pa niya.

Parang nakarinig ako ng kalembang ng kampana at nakakita ng green light sa aking narinig. Ako pala ang pwedeng mambiktima sa kanya, he he he. Naisip ko kasi bigla na yayain siya sa condominium unit ko at syempre didiskartehan ko siya para matikman ko sya.

“Ganoon ba sir. Kung okey lang sa inyo ay doon muna kayo magpalipas ng gabi sa tinitirahan ko.” syempre di ko muna sinabi kung saan at kung nag-iisa lang ako. Di pa kasi ako sigurado na wala siyang masamang balak sa akin. Di ko rin naman kasi sigurado kung sundalo nga siyang tunay.

“Huwag na. Kakapalan ko na lang ang mukha ko sa kaibigan ko. Dyan lang naman sa labas ng gate iyon nakatira.” ang tugon naman ni John. “Tsaka, wag mo na akong tawaging sir. Magkasing-edad lang naman yata tayo.” ang dugtong pa niya.

“Don’t worry John. Nag-iisa rin lang ako sa tirahan ko. Walang maiistorbo sa tirahan ko.” ang pagpilit ko sa kanya kasi lalo kong napagmasadan ang kabuuan ng katawan niya na napakakisig sa suot niyang uniporme. Kahit naka-tuck-out ito ay halata na maganda ang kanyang katawan dahil may parang pang-ipit ang uniporme nila sa dalawang gilid nito kaya nagmumukhang hapit ang pang-itaas na uniporme. Medyo may kalaparan ang balikat at mukhang maganda ang hubog ng puwet. Habang nag-uusap kami ay pinagnanasaan ko na siya.

Hindi nagtagal at tumila na rin ang ulan.

“Sakay na John at baka bumuhos muli ang malakas na ulan.” ang anyaya ko sa kanya.

“Huwag na Lester. Sa kaibigan ko na lang ako tutuloy.” ang tugon naman niya.

“Tara na. Huwag ka ng mahihiya.” ang pagpilit ko sa kanya.

“Sige na nga.” sa wakas napilit ko rin siya at binaybay na namin ang daan patungo sa aking tirahan.

Namangha si John ng ipasok ko sa isang mataas na gusali ang aking sasakyan.

“Dito ka pala nakatira.” ang biglang nasabi ni John.

“Oo. Mga 2 years na rin. Dito napunta ang pinaghirapan ko ng ilang taon.” ang tugon ko naman.

Nagpark kami sa basement ng building at sumakay sa elevator. Pagpasok namin sa aking unit ay sinabihan ko siyang huwag siyang mahihiya.

“Feel at home, John. Tayo lang ang tao dito. Medyo maliit itong unit ko kasi ito lang nakayanan ng budget ko at nag-iisa lang naman ako. Alam mo na, nag-eenjoy sa pagkabinata.” ang nasabi ko kay John.

“Ang ganda nga ng unit mo. Kaya lang papaano kung magkakaroon ka na ng pamilya?” ang tanong ni John.

“Ah…. Eh….” parang di ko alam ang isasagot. Naibulong ko tuloy sa sarili ko: Walang hiya ang damuhong ito, pati ba naman personal na ay tinatanong pa. “Bahala na si batman kung kalian nya ako bibigyan ng asawa’t anak. Doon ko na lamang iisipin kung saan ko sila ititira.” ang una kong naisip na isinagot.

“Bakit, wala ka pa bang balak mag-asawa? Wala ka bang girlfriend sa ngayon?” ang sunud-sunod na tanong ni John.

Grabe talaga itong kolokoy na ito. Ang daming gustong malaman tungkol sa akin. Pakialam ba niya kung meron o wala akong girlfriend. Gusto ko na sana siyang tarayan kung bakit napaka-usisa siya. Subalit baka hindi ako magtagumpay sa nais kung gawin sa kanya. Sa halip ay iniba ko na lamang ang usapan. Kumuha na rin ako ng tuwalya at iniaabot sa kanya dahil baka nais niyang maligo o maghilamos man lamang. Nanghiram na rin siya ng shorts at t-shirt para may pampalit siya sa medyo basa niyang kasuotan. Sinadya kong ibigay sa kanya ang isang manipis na boxer shorts at sandong parang wala na ring tinatakpan sa katawan. Marahil ay hindi niya ito napansin dahil wala siyang tanong kung bakit ganoon iyon at agad din siyang pumasok sa banyo.

“Bro, ang presko naman ng naipahiram mong damit sa akin. Parang wala din akong suot.” ang biro sa akin ni John paglabas niya ng banyo makalipas ng 15 minutes.

“Pasensya na John. Ganyan talaga ang mga damit ko. Tama ka presko iyan at tayo lang naman ang nandirito. Hayaan mo ganyan din ang isusuot ko mamaya para pareho na tayo.” ang naging tugon ko sa kanya.

“Okey lang ito. Tayo lang naman ang nandirito at pareho naman tayong lalaki.” ang pagsegunda naman ni John.

Habang nagsusuklyan siya sa harap ng salamin ay sinimulan pagmasdan ang buong katawan niya mula ulo hanggang paa. Ang gandang lalaki talaga ni John at talagang lalaki siya. Matipuno ang kanyang katawan marahil ay bunga ng mga training na kanyang nadaanan. Ang sandong suot niya ay halos hanggang baywang lamang niya dahil mas mataas siya sa akin ng ilang pulgada. Kaya naman hindi nito natatakpan ang harapan ng boxer shorts na suot niya. Sa parteng iyon ako mas natagalan ang aking paningin. Bakat na bakat ang kanyang ari at sa tuwing gagalaw siya ay sumasabay ang ari nito dahil hindi na niya isinuot ang brief niya. Takam na takam ako sa aking nakikita subalit pinigilan ko pa rin ang aking sarili at maghihintay na lamang ako ng tyempo na gawin ang balak ko.

“Maliligo lang ako John. Bahala ka muna dyan. buksan mo ang tv kung gusto mong manood.” ang paalam ko kay John bago ako pumasok ng banyo.

“Sandali lang bro. Nilabahan ko pala ang brief ko para may maisuot pa ako bukas. Pahiram na rin ng hanger para maipatuyo ko ito sa likod ng ref mo.” ang pakiusap ni John.

“Meron naman dryer dyan sa may utility area at pwede mong patuyuin agad yang brief mo.” ang tugon ko sa kanya.

Inabutan ko siya ng hanger at kinuha niya ang basang brief sa loob ng banyo. Pati na rin ang uniporme niya ay kinuha na rin niya sa loob ng banyo. Agad na rin akong pumasok sa loob ng banyo upang maligo. Matagal talaga ako kung maligo kasi pati ang pagbabawas ay isinasabay ko na para hindi ako abutin sa alanganing oras. Marahil ay kulang-kulang na isang oras bago ako lumabas ng banyo. Napansin ko sa aking paglabas na naka-upo siya sa sopa at nakatakip sa harapan niya ang isang throw pillow.

“Pare, bading ka ba?” ang tanong nya agad sa akin.

“Ah…. Bakit mo naman naitanong iyan?” tanong din ang sagot ko sa tanong niya.

“Nakita ko kasi sa mga vcd at dvd mo ang mga porno movie na lalaki sa lalaki. Siguro may masama kang balak sa akin kaya mo ako niyaya dito.” ang medyo pagalit niyang naisabi sa akin.

“Eh ano ngayon kung ganoong nga ako.” ni hindi ko masabi ang salitang bading sa harap niya. “At kung iniisip mo na hahalayin kita sa loob ng condo unit ko, pwes nagkakamali ka. Hindi ako ganoon. Nagmamagandang loob lang ako sa iyo. Kahit gwapo ka, hindi kita type.” ang pagtataray ko sa kanya habang nagbibihis ako.

“Salamat na lang bro sa pagmamagandang loob mo. Uuwi na lang ako.” ang sabi ni John sabay kuha ng mga damit niya.

“Hating-gabi na at mahihirapan ka na makakuha ng taxi kasi malakas uli ang ulan. Isa pa, wala ka naming matutulugan. Kaya bukas na lang ng madaling araw ka umalis.” kahit medyo nainsulto ako sa kanya at ipinakita ko pa rin na concern ako sa kaligtasan niya.

“Para makasigurado na walang mangyayari sa atin, sa kama ka na lamang matulog at ako na lang dito sa sopa.” ang dugtong ko pa.

“Nakakahiya naman yata. Ako na lang sa sopa at ikaw na sa kama mo.” ang tugon naman niya.

Aba, nahiya pa ang damuho. Buti na lang at pinili niyang matulog sa sopa. Di kasi ako sanay matulog sa hindi kama. Nagyaya na akong matulog sabay patay ng lahat ng ilaw. Subalit humiling siya na iwan na lamang bukas ang lampshade sa tabi ng sopa. Di daw siya sanay ng walang ilaw. Pero biniro ko siya na takot pa rin siya sa akin dahil baka sa dilim ay gapangin ko siya. Kahit hindi ako sanay na matulog na may liwanag ay pumayag na lamang ako upang mapagbigyan ang aking bisita.

Dahil sa pagod ay agad na rin kaming nakatulog. Subalit nagising na lamang ako dahil sa lakas ng hilik ng aking bisita. Pati na rin ang liwanag na galing sa lampshade ay nakadagdag sa hindi ko na naman pagtulog. Maliwanag ang sopang tinutulugan ni John kaya kitang-kita ko siya. Tulog na tulog na siya at nakatihaya. Nang bahagya siyang kumilos ay nahulog sa sahig ang unan na pinantatakip niya sa kanyang harapan kaya kitang kita ko na ang kanyang kanina pa tinatakpan. Lumapit ako sa tapat niya at noon ko napansin ang kanyang ari na bakat na bakat sa suot niyang shorts. May kanipisan iyon kaya halos wala na siyang maitatago sa akin. Pati ang mga hibla ng mga buhok na nakapaligid doon ay naaaninag ko na rin.

Grabe ang tuksong pumapasok sa kokote ko ng mga oras na iyon. Subalit nagtatalo ang aking isipan na baka bigla nito akong sapakin kung magtatangka ako sa kanya. Nais ko sanang hipuin ang nang-aakit na kapirasong karne sa kanyang harapan subalit baka magkalasag-lasag ang aking katawan kung magising ko siya at mabugbog ako. Nakuntento na lamang ako na pagmasdan siya. Habang pinagmamasdan ko siya ay nakaramdam ako ng konting lamig. Kaya naisip ko na bigyan siya ng kumot dahil baka nilalamig na siya. Kinuha ko ang isang kumot at inilatag ko sa buong katawan niya.

“Salamat sa kumot. Kanina pa ako nilalamig.” ang mahinang nasabi ni John.

Hindi na ako nakasagot sa kanya. Gising pala ang mokong. Marahil ay hinihintay nya lang ako na gumawa sa kanya ng binabalak ko bago niya ako tuluyang sapakin o kung ano man ang kanyang binabalak. Bumalik na rin ako sa aking kama at sa aking pagtulog. Maaga pa ay naramdaman ko na ang pagkilos ni John sa loob ng aking unit. Nang ibuklat ko ang aking mga mata ay nakita ko si John na nakagayak na at handa ng magpaalam. Alam ko na sobrang aga pa ng mga oras na iyon dahil hindi pa tumutunog ang aking alarm clock. Nang magpaalam siya ay hinayaan ko na laman siyang umalis na hindi man lamang inaalok na magkape. Di na ako tumayo sa kama at sinabihan ko na lamang siya na i-lock ang pinto at tatawag na lamang ako sa security desk para hindi siya sitahin sa pag-alis niya ng building. Agad din akong nakatulog ng makaalis siya.

COMMENTS

/fa-thumbs-up/ Like us on Facebook

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=3$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0

Name

A Beautiful Artifice,6,Addicted,26,Ako at Ang Tatay ni Jenny,5,Alipin Ako ng Pinsan Ko,10,Alipin Ng Mga Bakla,3,Amistad Y Amor,3,Ang Biyenan Kong Libog,10,Ang Boss at ang Driver,13,Ang Kaibigan Kong Sarhento,7,Ang Kargador,10,Ang Lumang Shorts at T-shirt,5,Ang Makamundong Trip ni Aris sa Buhay,7,Ang Malaking Daga ni Uncle,2,Ang Pakikipagsapalaran ni Michael,6,Ang Pinsan Kong Inosente,10,Ang Tangi Kong Inaasam,30,Announcement,4,Apoy,11,Aramco Camp,7,Arkinberg Stories,5,Arranged,32,Articles,13,At Work,435,At Your Service Nikko,12,Axcel Sports,8,Bayaw,10,Because I Love You,4,Binatuta,1,Biniyak ni Uncle,9,Birthday Party,1,Bisikleta,4,Black Male,6,Brad Mahal Kita Matagal Na,17,Brandon's Story,7,Butas,5,Carlos and Miguel,2,CB Two Zero One,4,Close Friends,1317,Completed,35,Confused in Love,51,Daddy In The City,9,Di Inaasahang Pag-Ibig,5,Di Ko Mapigilan,7,Driver's Quarter,5,Elevator Truth and the Past,4,English,33,Enough is Enough,3,Entertainment,1,Etitser,5,Events,4,Fantasy,56,Featured,12,Fetish,16,Fireplace Song,10,Flicker,58,Foreigner,17,Forever's End,7,Four Seasons,4,Fresh Threesome,4,Gatas ng Lalaki,15,Gate Guard,7,Ginapang si Tiyo,5,Grand Eyeball,2,Group,8,Haba ng Buhok,3,Health,3,Here Beside You,26,Hey Mickey,9,Hihintayin Pa Rin Kita,10,Hindi Sinasadyang Pag-ibig,11,History,1,HIV Awareness,2,Homebased Call Center,11,Hospital Diaries,11,Hot,3,Hyacinthus,4,Ibang Klase Ka Third,6,Incest,904,Indie Films,22,Inspiring,10,Kahinaan ni Promes,9,Kakaibang Pagpapachupa,13,Katapat Barracks,6,Kung Kailangan Mo Ako,3,Kuya,5,Kuya Armando,14,Kwento Ni Jomed,4,Kwentong Coffee Shop,8,Lagalag Diaries,23,Laman,6,Lola's Boy,8,Love It Is,2,Love Stories,801,Lovers and Friends,12,Luke Conde,1,Majayjay Laguna,37,Malayo Pa Ang Umaga,12,Malibog Kong Estudyante,4,Manhid,3,Manibela,8,Manolo Pedro,2,Manyak Files,4,Mapanghamong Buhay ni Mike,11,Meet My Middle Finger,19,Mestiso at Balbuning Kaulayaw,31,Mga Hulog ng Langit,7,Mga Kalarong Sundalo,8,Mga Mansanas Sa Buhay Ni Adan,16,Miguel My First Love,4,Military,4,Mini Eyeball,2,My Ex-Girlfriend's Boyfriend,18,My Innocent Lover,10,My Lover is A Gangster,6,Nabighani sa Pagdating,9,Nagpasukat Si Tito Mike,5,Neighbors,182,New Tutor,2,News,9,Ninong,17,Niyari ni Addy,20,Not Today,10,Outing,1,Paasa ang Bola,3,Pagwawalis,10,Pananabik Kay Daddy,6,Papa New Guinea,3,Pastor's Child,6,Paulo the Austrian,4,Payong Kaibigan,2,Pinagnanasahan Kong Batuta,2,Plot Twists,3,Professor Angelo,5,Room For Rent Katiwala,28,Roommate Romance,16,Sa Bisig ng Kapre,5,Sa Likod Ng Mga Bato,13,Sa Piling ng Pamilya ni Misis,21,Sa Silong Ng Bahay,4,Salsalisihan,5,Saltwater Room,14,Scholar Shit,7,Second Time Around,4,Series,125,Short Stories,101,Si Alex sa Construction,12,Singhap Sabay Takbo,6,Skyscraper,3,SM Southmall,8,Someone Else's Story,3,Speaking Out,15,Sports,11,Starlites,1,Strangers,757,Tales of Confused Teacher,21,Tambayan One,3,Tenth Floor,11,The Broments,5,The Guy From PR,30,The Jaguar Adventures of Jorge,7,The Jealous Twin,6,The Secret Circle,8,Tips,2,Titigan sa Dyip,6,Tito Greg,5,Tolores,3,Torchwood Files,23,Tropang Ulol,9,Tunay na Masarap,11,Twin Thing,4,Uhaw si Bayaw,12,Under Editing,5,Updates,3,Wakey Beki,3,Wild Abandon,281,Without You,8,You Light My Fire,26,Young Awakening,344,Zoom Inuman,3,
ltr
item
Mencircle: Hihintayin Pa Rin Kita (Part 1)
Hihintayin Pa Rin Kita (Part 1)
The original title of this story is "G.I. John". Please disregard this story if you already read it. We had just organized and arranged it for better reading.
https://1.bp.blogspot.com/-oE7zz72boaM/X1C4F8ggHfI/AAAAAAAAGPI/xCfbhb-b3TIhYn0Oqx7FH_W9gEvHpMdkACLcBGAsYHQ/s320/Hihintayin%2BPa%2BRin%2BKita.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-oE7zz72boaM/X1C4F8ggHfI/AAAAAAAAGPI/xCfbhb-b3TIhYn0Oqx7FH_W9gEvHpMdkACLcBGAsYHQ/s72-c/Hihintayin%2BPa%2BRin%2BKita.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/09/hihintayin-pa-rin-kita-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/09/hihintayin-pa-rin-kita-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content