$hide=home

Kuya Armando (Part 10)

By: VersaDad Pagpapatuloy ng kwento ni Owen... "Bahay na ako. Anong oras ka pasok bukas? Sabay na tayo mag-agahan sa McDo?" ...

By: VersaDad

Pagpapatuloy ng kwento ni Owen...

"Bahay na ako. Anong oras ka pasok bukas? Sabay na tayo mag-agahan sa McDo?" Text galing kay Owen.

Gago talaga nito! Lalo akong kinikilig. Pero alam ko sa sarili ko na malabo ang iniisip ko. Di ko pa rin alam bakit at pano nangyari ang lahat sa van kanina pero ayokong managinip ng gising.

"Ok sige. Maaga naman ako palaging pumapasok kaya sabay na tayo!"

Kinabukasan, malayo pa lamang ay nakaabang na ako kay Owen. Tinext ko na sya na nasa McDo na ako at naghihintay. Maya maya pa ay tila ba may isang anghel akong pinagmamasdan na pumasok sa pintuan at patungo sa aking kinauupuan. Totoong abot langit ang ngiti ko. Kung wala mang malisya kay Owen ang lahat, ang alam ko lang sa sarili ko ay ibang saya ang naidudulot nito sa akin. Kakaiba sa sayang nararamdaman ko tuwing magtatalik kami ni Kuya Arman.

Naging masaya ang usapan at agahan naming dalawa. Puno ng kwento at tawanan. Minabuti kong umuhi muna bago kami umalis, "Sabay na ako Greg." Sambit ni Owen.

May kalakihan ang CR doon at may harang ang lababo at ang mga mga ihian kaya naman may pangalawang pintuan ito. Nauna akong umihi habang sya naman at naghuhugas ng kamay. Papunta na sana ako ng lababo ng tila ba binibiro ako ni Owen at hinaharangan ang aking daanan.

Noong una ay natatawa pa ako hanggang sa pabiro ko din syang hinawakan sa magkabila nyang balikat,

"Adik ka no? Hahahaha!" Sambit ko.

Tumawa lang sya at dahil mas matangkad si Owen sa akin ay unti unting bumaba ang mga kamay ko sa taas na bahagi ng dibdib nya. Biglang tila ba umakyat ang aking dugo. Napalunok ako dahil bahagya kong nararamdaman ang matipuno nyang dibdib. Napatingin ako sa mga mata nya at nakatingin din naman sya sa akin. Nasa ilang segundo rin kaming nasa ganung posisyon ng ako na mismo ang dahan dahang lumayo.

"Kapag tayo na-late sa trabaho ah!" Sabay ngiti ko at tungo ng lababo.

Nagpapatuyo na ako ng aking kamay sa hand dryer ng mapansin kong nasa likuran ko na sya. Nagulat na lamang ako ng ilagay nya rin ang dalawa nyang kamay sa hand dryer, sa ilalim ng mga kamay ko. Napatingin ako sa salamin at nakatingin din sya sa akin. Naramdaman ko na lang na nakadikit na pala ang mga palad nya sa likod ng mga palad ko. Tila ba sahod sahod ng mga kamay nya ang sa akin. Tila may kuryente akong nararamdaman sa pagdidikit ng mga balat namin. Napangiti ako sa kanya at ganun din sya.

"Wag kang mag-ilusyon!" Bulong ko sa sarili ko at dahan dahang inialis ang mga kamay ko.

"Tara na?" Tanong ko

"O sige." Sagot naman ni Owen

Halos hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa pagkalito ko sa mga nangyayari. Pilit kong inaalis sa sarili ko ang mga posibilidad na gusto nya rin ba ako. Alam ko sa sarili ko na mataas na pangarap lamang si Owen. Bukod sa natatangi ang kanyang itsura ay pareho kaming lalaki. Hindi ko lubos maisip na ang kagaya nya ay magkakagusto sa kapwa lalaki.

Natapos ang aming trabaho at halos lilima na lamang kaming natira sa opisina. Pauwi na sana ako ng kausapin ako ni Owen.

"Greg, sabay na tayo? Medyo madilim na at mahirap ng umuwi mag-isa." Yaya niya.

"Sige. Mas mabuti nga na kasabay kita. Van na lang tayo ulit ah?" Sagot ko naman.

"Ok sige pero magpapalit muna ako ng damit." Paalam ni Owen.

Sinamahan ko na rin sya sa CR at para makapagpalit na rin ako ng damit kahit wala sana sa plano ko iyon dahil gusto ko na lang makauwi.

Nagsimula na kaming magbihis at halos hindi ako makagalaw ng makita ko syang brief na lamang ang suot suot.

"Uy! Bihis na!" Tugon ni Owen.

Dali dali naman akong nagbihis na rin. Sa pagmamadali ko ay nauna pa akong makapagbihis sa kanya. Nasa harap na sya ngayon ng salamin at nagaayos ng kanyang damit at buhok.

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Pumunta ako sa likuran nya. Ipinasok ko ang dalawa kong braso sa pagitan ng mga braso nya.

"Ganito kasi ayusin ang damit mo..." Habang pabiro kong binubutones ang damit nya.

"Ahhh, salamat po!" Biro din naman nya.

Amoy na amoy ko sya. Pabango nya. Damit nya. Sinilip ko sya bahagya sa salamin mula sa gilid ng aming mga braso.

"Pogi na ba?" Tanong sa akin ni Owen.

"Hmm, poging pogi." Sabay ngiti ko sa kanya.

Nagulat na lamang ako ng bigla nyang ibaba ang dalawa nyang braso at ngayon ay ipit ipit ang mga braso ko. May konting higpit ngunit lalo itong nagdulot upang mas mapalapit ako sa kanya. Halos yakap yakap ko na si Owen.

"Hanep naman. Mababaliw na ako sa ganito. Ano ba talaga ang gusto ni Owen? Normal lang ba ito? Lalo lang akong nahuhulog sa taong ito habang tumatagal." Pakiwari ko sa aking sarili.

Sumasagi na sa isip ko na ibaba ang aking mga kamay papunta sa kanyang harapan. Tinatawag na ako ng aking laman sa mga sandaling iyon. Kaya naman napakapit na lang ako sa mga dibdib nya upang pigilan ang aking sarili. Ayokong biglang kumalas dahil ayokong isipin nya na hindi ko gusto ang nangyayari. Gustong gusto ko ito! Nakita kong napangiti si Owen sa aking ginawa at bigla naman akong nahiyang tumingin sa kanya. Kaya naman ibinalik ko ang aking mukha sa likuran nya at idinikit ito sa likod nya.

Walang imik si Owen. Nananatili sya sa kanyang posisyon at ipit pa rin ang aking mga braso. Kakaiba ang bango ni Owen at tila hinihila nito ang aking buong katawan papalapit sa kanya. Unti unti idiniin ko ang aking mga labi sa kanyang likuran.

Naramdaman kong bahagyang napaigtad si Owen. Ngunit idiniin ko ito pabalik gamit ang aking mga kamay na nakahawak pa sa kanyang mga dibdib.

Natauhan ako bigla sa aking ginagawa at nagsabi na "Tara na. Anong oras na? Kapag tayo walang nasakyang van, maglalakad tayo pauwi!"

Kumalas na kami sa isat isa, "Oo nga pala. Bilisan na natin. Haha!" Tugon naman ni Owen.

Kagaya kagabi, umuwi kami lulan ng van. Hindi kami magkahawak ng kamay. Hindi rin nakasandal ang ulo ko sa balikat nya. Ngunit napakasaya ko. Totoo pala yung sinasabi nilang lumulundag ang puso mo sa tuwa.

Kagaya rin kagabi, nagpaalam na kami sa isat isa ngunit halos mapunit ang mga labi ko sa sobrang ngiti ng sabihin nya na, "Greg, magtext ka sa akin kapag nakauwi ka na para alam kong ligtas ka. Wag mong kakalimutan ah. Magtext ka!"

"Opo, Tatay!" Sagot ko naman na may halong pang-aasar. Ngunit sa likod nun ay halos matunaw na ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ko syang naglalakad papalayo.

ITUTULOY ...

COMMENTS

/fa-thumbs-up/ Like us on Facebook

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=3$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0

Name

A Beautiful Artifice,6,Addicted,26,Ako at Ang Tatay ni Jenny,5,Alipin Ako ng Pinsan Ko,10,Alipin Ng Mga Bakla,3,Amistad Y Amor,3,Ang Biyenan Kong Libog,10,Ang Boss at ang Driver,13,Ang Kaibigan Kong Sarhento,7,Ang Kargador,18,Ang Lumang Shorts at T-shirt,5,Ang Makamundong Trip ni Aris sa Buhay,7,Ang Malaking Daga ni Uncle,2,Ang Pakikipagsapalaran ni Michael,6,Ang Pinsan Kong Inosente,10,Ang Tangi Kong Inaasam,30,Announcement,4,Apoy,11,Aramco Camp,7,Arkinberg Stories,5,Arranged,32,Articles,13,At Work,445,At Your Service Nikko,12,Axcel Sports,8,Bayaw,10,Because I Love You,4,Binatuta,1,Biniyak ni Uncle,9,Birthday Party,1,Bisikleta,4,Black Male,6,Brad Mahal Kita Matagal Na,17,Brandon's Story,7,Butas,5,Carlos and Miguel,2,CB Two Zero One,4,Close Friends,1317,Completed,36,Confused in Love,51,Daddy In The City,9,Di Inaasahang Pag-Ibig,5,Di Ko Mapigilan,7,Driver's Quarter,5,Elevator Truth and the Past,4,English,33,Enough is Enough,3,Entertainment,1,Etitser,5,Events,4,Fantasy,56,Featured,13,Fetish,16,Fireplace Song,10,Flicker,58,Foreigner,17,Forever's End,7,Four Seasons,4,Fresh Threesome,4,Gatas ng Lalaki,15,Gate Guard,7,Ginapang si Tiyo,5,Grand Eyeball,2,Group,8,Haba ng Buhok,3,Health,3,Here Beside You,26,Hey Mickey,9,Hihintayin Pa Rin Kita,12,Hindi Sinasadyang Pag-ibig,11,History,1,HIV Awareness,2,Homebased Call Center,11,Hospital Diaries,11,Hot,3,Hyacinthus,4,Ibang Klase Ka Third,6,Incest,904,Indie Films,22,Inspiring,10,Kahinaan ni Promes,9,Kakaibang Pagpapachupa,13,Katapat Barracks,6,Kung Kailangan Mo Ako,3,Kuya,5,Kuya Armando,14,Kwento Ni Jomed,4,Kwentong Coffee Shop,8,Lagalag Diaries,23,Laman,6,Lola's Boy,8,Love It Is,2,Love Stories,803,Lovers and Friends,12,Luke Conde,1,Majayjay Laguna,37,Malayo Pa Ang Umaga,12,Malibog Kong Estudyante,4,Manhid,3,Manibela,8,Manolo Pedro,2,Manyak Files,4,Mapanghamong Buhay ni Mike,11,Meet My Middle Finger,19,Mestiso at Balbuning Kaulayaw,31,Mga Hulog ng Langit,7,Mga Kalarong Sundalo,8,Mga Mansanas Sa Buhay Ni Adan,16,Miguel My First Love,4,Military,4,Mini Eyeball,2,Mr. Bikini Open,1,My Ex-Girlfriend's Boyfriend,18,My Innocent Lover,10,My Lover is A Gangster,6,Nabighani sa Pagdating,9,Nagpasukat Si Tito Mike,5,Neighbors,182,New Tutor,2,News,9,Ninong,17,Niyari ni Addy,20,Not Today,10,Outing,1,Paasa ang Bola,3,Pagwawalis,10,Pananabik Kay Daddy,6,Papa New Guinea,3,Pastor's Child,6,Paulo the Austrian,4,Payong Kaibigan,2,Pinagnanasahan Kong Batuta,2,Plot Twists,3,Professor Angelo,5,Room For Rent Katiwala,28,Roommate Romance,16,Sa Bisig ng Kapre,5,Sa Likod Ng Mga Bato,13,Sa Piling ng Pamilya ni Misis,21,Sa Silong Ng Bahay,4,Salsalisihan,5,Saltwater Room,14,Scholar Shit,7,Second Time Around,4,Series,125,Short Stories,107,Si Alex sa Construction,12,Singhap Sabay Takbo,6,Skyscraper,3,SM Southmall,8,Someone Else's Story,3,Speaking Out,15,Sports,11,Starlites,1,Strangers,759,Tales of Confused Teacher,21,Tambayan One,3,Tenth Floor,11,The Broments,5,The Guy From PR,30,The Jaguar Adventures of Jorge,7,The Jealous Twin,6,The Secret Circle,8,Tips,2,Titigan sa Dyip,6,Tito Greg,5,Tolores,3,Torchwood Files,23,Tropang Ulol,9,Tunay na Masarap,11,Twin Thing,4,Uhaw si Bayaw,12,Under Editing,5,Updates,3,Wakey Beki,3,Wild Abandon,281,Without You,8,You Light My Fire,26,Young Awakening,345,Zoom Inuman,3,
ltr
item
Mencircle: Kuya Armando (Part 10)
Kuya Armando (Part 10)
https://2.bp.blogspot.com/-2sQ_ADDwkcI/X0cjlBREjZI/AAAAAAAAGJ0/yyWBXCz81ZUSFJMdk5erOFfq7r1t6hYvwCK4BGAYYCw/s320/Kuya%2BArmando.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-2sQ_ADDwkcI/X0cjlBREjZI/AAAAAAAAGJ0/yyWBXCz81ZUSFJMdk5erOFfq7r1t6hYvwCK4BGAYYCw/s72-c/Kuya%2BArmando.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/09/kuya-armando-part-10.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/09/kuya-armando-part-10.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content