$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

A Beautiful Artifice (Part 7)

By: Joshua Anthony Siguro ay madaling araw na iyon nang ako ay maalimpungatan dahil may kung anong mabigat na nakadagan sa akin. May li...

By: Joshua Anthony

Siguro ay madaling araw na iyon nang ako ay maalimpungatan dahil may kung anong mabigat na nakadagan sa akin. May liwanag na rin kasing maaaninag mula sa bintana ng aking kwarto at pansin kong hindi ito nakasara ng maayos. Patagilid kasi akong nakatulog, paharap doon. Alam kong si Seb iyon na nakahiga sa tabi ko’t nakaakap sa akin.

Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking batok at naririnig ko rin ang mahinang tunog ng kanyang paghinga.

Bahagya akong kumilos at iniaalis ang kanyang matipunong braso mula sa pagkakayakap sa akin, ngunit mas lalo lamang niya iyong hinigpitan at mas inilapit pa ako sa kanya. Mula sa aking likod ay ramdam ko ang paggalaw ng kanyang dibdib at tiyan dahil sa paghinga. Ramdam ko rin na gising na siya dahil sa gising niyang alaga na nadadaplis-daplis sa akin.

“Ayaw…” mahina niyang sabi na parang bata. “I won’t let go.”

Parang naiiyak naman ako noong mga oras na ‘yon lalo pa’t muli kong narinig ang kanyang boses. Umubo ako ng marahan upang klaruhin ang aking boses dahil may gusto akong sabihin.

“Seb, hindi maayos ang lagay ni Papa.” nararamdaman ko na mas bumibilis ang kanyang paghinga. Marahil ay kinabahan sa aking balita.

“What do you mean? Anong meron kay Papa?” tanong niya.

Hindi ko na napigilan na maiyak na naman. “May kumplikasyon daw siya sa puso eh.” mahinahon kong dagdag.

Inilusot niya ang kanyang kaliwang kamay at braso sa pagitan ng higaan at aking tagiliran upang maakap niya ako ng buo. Damang-dama ko ang higpit ng kanyang matitikas na mga braso.

“Shhh…” pagpapatahan niya. “He’s gonna be fine, okay?”

“Seb, hindi pa ako handa mawalan ng tatay o nanay.” sagot ko.

“Ano ka ba, Chard? Don’t say that. This, too, will pass, yeah?” sabi niya. “Do you understand?” tanong pa niya.

“Yeah.” tanging naging sagot ko.

Bumangon siya at nahiga sa harap ko. Pilit na inaaninag sa liwanag mula sa aking bintana ang aking pasa sa mukha. Hinahaplos-haplos niya ‘yon at bakas sa kanyang mukha ang pagsisisi.

Ako naman ay nakatitig lang ulit sa kanyang mukha, lalo na sa mapang-akit niyang mga mata na kulay dagat.

Lahat ng galit ko sa kanya dahil sa mga naging asal niya noong mga nagdaang araw ay parang bula na bigla na lamang naglaho. Oo, gusto ko pa rin marinig ang kanyang mga rason patungkol sa mga iyon at gusto ko rin siyang sakalin dahil susmaryosep naman, ang sakit kaya ng sapak niya sa akin.

Hindi ko sinasadyang matawa dahil sa naisip ko na sakalin siya. Bigla naman napunta sa aking mga mata rin ang kanyang paningin at nagtataka sa aking biglang pagtawa.

“Why?” tanong niya habang bahagyang nakakunot ang noo.

Umiling-iling lang ako. “Ang sakit ng suntok mo sa’kin.” mahina kong sabi.

Bigla namang napasimangot ang kanyang mukha at agad na naman akong niyakap. “Sorry, sorry, sorry, sorry, sorry, sorry!” sunod-sunod niyang sabi. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg at mas hinigpitan ang kanyang pagkakayakap.

Nakaramdam naman ako ng kaunting init sa katawan dahil doon. Nakakakiliti rin kasi sa pakiramdam ang init ng kanyang hininga sa aking leeg.

“Sorry sorry ka diyan.” biro ko. “Ang sakit kaya noon.”

“Hindi ko na ‘yun uulitin, Chard. Sapakin mo rin ako mamaya o kahit ngayon na. Kahit ilang sapak pa, Chard.” sabi niya.

“Madaya ka!” sabi ko. “Alam mong hindi ko ‘yun kaya.”

Bahagya niyang inialis ang kanyang mukha sa aking leeg, maging ang kanyang yakap, upang bumalik sa pagkakahiga. Patagilid ang higa niya at ginawang unan ang aking dibdib habang nakatingin pa rin sa akin na parang maamong tuta.

“Akala ko ba ikaw ang po-protekta sa akin? Alam mo namang hindi ako magaling sa mga suntukan na ‘yan.” seryoso kong sabi sa kanya. “Tapos ikaw pa pala unang makakagawa nun sa akin.”

“Ang gago ko lang talaga, ano? Hanggang ngayon, hindi ko mapatawad sarili ko dahil doon. Hindi ako magrarason ng kahit na ano upang i-justify ‘yung violent action ko na ‘yun, Chard. Pero I ask for your forgiveness. Give me another chance, please?”

Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinisil-pisil ang mga pisngi. Hinaplos-haplos ko rin ang kanyang mga kilay at nangingiti.

“Kalimutan na natin ‘yun. Tulungan mo na lang ako na alisin ‘tong pasa na ‘to sa mukha ko. Nakakasira sa cutie pie kong face eh.” sabi ko sa kanya na ikinatawa naman niya ng mahina.

“Patingin nga ng cutie pie face na ‘yan…” inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. “Cutie pie pa rin naman eh.”

“Gago.” sabi ko habang natatawa at nilalapirot pa rin ang kanyang mukha.

“I also talked to Zeke na rin.” sabi pa niya. “‘Yung mokong nagpalibre lang ng kape sa Starbucks tapos ay okay na raw kami.”

Natawa ako dahil ganun naman talaga si Zeke. Mabilis kausap.

“Hindi na rin ako talaga nagtataka kung bakit naging mas close kayo. Mabait na tao talaga ‘yung loko-loko na ‘yun eh.” dagdag niya. “Siya nga nagpilit din sa akin na pumunta agad dito.”

“Nagselos ka?” mahina kong tanong at iniwas ang aking paningin sa kanya. Nahihiya kasi ako sa tanong kong iyon.

Muli niya akong niyakap at inilapit ang bibig sa aking kaliwang tainga.

“Oo, sobra.” mahina niyang bulong. “Nakakahiya nga eh. Pero totoo…”

“Gago ka, ikaw naman original bespren ko diba?”

Bigla siyang kumawala ulit sa pagkakayakap at tinignan ako sa mata. Nakasimangot siya na parang nagaasal-bata na nagpatawa naman sa akin.

“Hmmm… Promise?” tanong niya habang naka-pout pa.

Tumango lamang ako at pinisil ang kanyang ilong. “Pangit mo!” sabi ko at nagtawanan kaming dalawa. “Anong oras ka dumating?” tanong ko.

“Kanina pa ako nasa bahay namin. Siguro mga afterlunch pa, kaso walang tao dito kanina eh.” sabi niya.

“Oo, namasyal kasi kami nina Mama at Papa eh.” tugon ko.

“Sayang, ‘di ako nakasama.” pagsisisi niya. “Nangisda kayo ni Papa?”

“Hindi nga eh. Sarado kasi. Puntahan ulit natin, tapos let’s go fishing?” paanyaya ko.

“Sige, sige!” sagot naman niya at nahiga ulit sa aking dibdib. “Diyan ako dumaan oh.” sabi niya sabay turo sa aking bintana. “Ganoon pa rin, hindi pa rin maayos ang ikutan ng lock kaya madali kong naiangat.”

“Buti kaya mo pang umakyat ng puno?” pang-aasar ko.

Agad naman siyang bumangon at naupo sa kama sa harapan ko. Hinila ang manggas ng suot na t-shirt at nag-flex ng braso.

“Nakikita mo ‘yan?” nangingiti niyang sabi. “Walang hindi kaya ‘yan!” pagyayabang niya.

“Oo, kahit mukha halos basagin niyan eh.” pang-aasar ko.

Bigla naman niya akong dinaganan at kiniliti ang aking tagiliran. “May pang-guilt trip ka na naman sa’kin ah.”

Siguro ay napalakas ang aking tawa at biglang kumatok si Mama sa pinto ng aking kwarto. “Chardy, anong nangyayari sa’yo diyan?”

Bigla naman tumawa ng malakas si Seb dahil sa pagtawag sa akin ni Mama ng Chardy. “Chardy-chardy ka nga pala, no? Hahahahaha!”

“Ulol ka. Ikaw nga eh…” bigla akong lumingon sa kinaroroonan ng pinto at sumigaw, “Wala po, Ma. Andito kasi si Sebby Boy at nangungulit!” at bigla akong tumawa ng malakas.

Tumawa rin ng malakas si Seb. “Sebby Boy, ang wala! Hahahahaha!”

Agad na pumasok si Mama at nakita kaming nagtatawanan ni Seb.

“Sebby Boy? Sa bintana ka na naman dumaan, ano?” natatawang tanong ni Mama.

Kahit na natatawa pa ay bumangon si Seb at lumapit kay Mama upang yakapin ito. “Opo eh. Sobrang na-miss ko po kayo, Mama!” Isinasayaw-sayaw pa niya si Mama habang yakap-yakap ito.

“Nako, ang mga batang ito. Kay aga-aga eh umpisa na agad sa mga kakulitan.” sabi ni Mama habang natatawa dahil sa pagsasayaw sa kanya ni Seb.

“Parang little sister ko lang kayo, Ma, ah.” wika ni Seb.

“Ay, nagyabang na naman si Sebby Boy dahil sa tangkad niya.” tugon naman ni Papa na nakasilip pala sa amin.

“Pa!” biglang sigaw ni Seb at lumapit kay Papa.

Lumapit naman sa akin si Mama at naupo sa aking kama. Nakahiga pa rin ako at lumapit din upang umunan sa kanyang hita. “Okay na kami, Ma.” mahina kong sabi sa kanya.

“Aba, dapat lang!” sabi ni Mama habang nakangiti at hinahaplos-haplos ang aking buhok. “Tara na, breakfast na tayo!”

Puros kasiyahan lang ang aming ginawa noong mga araw na ‘yun.

Kantahan sa videoke, laro ng board games, pasyal-pasyal, pagba-barbeque sa aming bakuran, pagbe-bake ng cake, kain sa labas, at kung anu-ano pa.

Minsan pa ay sabay din kaming kumain kasama sina Tita Liza at Tito Lance sa pamamagitan ng Skype. May kahirapan nga lang dahil may kaunting delay ang usapan, ngunit masaya naman. Mabuti nga at sembreak dahil maaaring sa bahay na lamang trabahuin ni Mama ang kanyang mga lesson plans at magreport na lamang sa pamamagitan ng e-mail.

Gabi-gabi naman ay sa kwarto ko o kwarto ni Seb sa kanilang bahay kami natutulog. Kung minsan ay nagkakantahan kami kasama ang pagtugtog ng aking ukulele upang makatulog. Kadalasan naman ay walang-sawa kaming nagku-kwentuhan tungkol sa mga karanasan namin noong kami ay mga bata-bata pa. Maging noong kami ay sabay na nagpatuli ay aming napag-usapan. Tanging mga masasaya at nakatatawang mga ala-ala na napakasarap balik-balikan.

“Ang daming memories ng lugar na ‘to, ano?” tanong ni Seb.

“Yeah. Sobrang dami!” sagot ko naman.

“Ilang taon na lang din at ga-graduate na tayo. Excited ka na ba?” tanong niya ulit.

“Oo naman.” maikli kong sagot.

“Makakasama ko na rin sila Mommy at Daddy sa London after grad!” magalak niyang sambit. “Hindi na rin kami magsasama-sama lang tuwing December or summer.”

Bigla siyang napahinto at tumingin sa akin ng seryoso. Hindi ko naman siya matignan ng maayos at direkta dahil naiilang ako.

“Matutupad na rin ang pangarap mo, Seb.” mahina kong sambit.

“Chard, sama ka sa akin?” paanyaya niya habang kumikinang ang mga mata kahit na sa dilim.

Tumawa na lamang ako ng mahina. “Alam mo naman na pangarap kong magturo sa isang pampublikong paaralan dito sa Pinas, diba?” tugon ko. “Isa pa, hindi ko naman kaya na iwan na lang dito sina Mama. Alam mo ‘yan.”

Napabuntong-hininga na lang si Seb at bumalik sa pagkakatihaya. “Baka ilang buwan lang din at bumalik din ako dito sa Pilipinas.” sabi niya.

“Huh? Bakit? Buo na kayo ng pamilya mo pagdating mo sa London! I’m sure it’s gonna so much fun, tol.” sabi ko naman.

“Para kasing…” mahina niyang sagot. “…para kasing ayaw din kitang iwan dito.”

Napatitig ako lalo sa kanya dahil sa sinabi niyang ‘yon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil doon.

“A-ano ka ba?” bigla kong tugon. “Sira ka ba? Pangarap mo ‘yun diba? Pangarap natin ‘yun pareho. Ikaw, sa London at ako naman, dito sa Pinas.”

“Paano ka? Paano kayo nila Mama at Papa?” tanong niya.

“Anong paano kami? Edi eto, ganito! Para ka na namang baliw diyan eh. Mga tanong mo!” natatawa kong sagot sa kanya.

“Parang pakiramdam ko kasi, iiwanan ko kayo dito. Ikaw…” seryoso niyang rason.

“Gago.” mahina kong sabi. “Hindi dapat ganyan ang iniisip mo. Dapat ang isipin mo, ‘yung pangarap mo na malapit mo nang maabot. Magiging maayos naman kami dito eh. Oo, malungkot. Pero ganun talaga, tol. Konting sakripisyo para sa pangarap.”

Bigla naman siyang natawa dahil sa sinabi ko. “Ayos, tol, ah! Parang pang-MMK ah! Lupet ng mga payo mo, parang si Papa Jack!”

Muli, tinopak ako dahil sa sinabi niyang ‘yon at tinalikukran na lamang siya. “Para ka talagang gago minsan.”

Itinanday niya ang kanyang binti sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran habang nakahiga. “Eto naman… Hindi na mabiro! Tampo-tampo agad! Hahaha!”

Iginigiya-giya ko na lamang ang aking balikat upang alisin niya ang kanyang yakap, ngunit mas hinihigpitan pa niya ito.

“‘Wag mo akong kakausapin hanggang bukas ah.” sabi ko.

“Okay lang. Hanggang bukas lang naman eh.” pang-aasar pa niya.

“Sige lang. ‘Wag ka lang tumigil diyan, gago ka.” pagbabanta ko.

“Joke lang! Joke lang!” bigla niyang bawi. “Chard naman, hindi ka na nasanay!”

Idiniin-diin niya ang kanyang mukha sa aking batok at kinikiliti-kiliti ako upang humarap ako sa kanya, ngunit hindi ko siya pinapansin.

“Huy! ‘Wag mo naman ako tulugan!” paglalambing niya. “Huy, Chardy!”

“Gago!” tanging sagot ko.

“Joke lang kasi. Para ka naman ano eh.” sabi niya.

“Parang ano? Gago ka, basag trip ka rin eh.”

“Joke nga lang!” sagot niya na natatawa-tawa pa rin. “Babalik na tayong Manila bukas oh. ‘Wag ka nang ganyan.”

“Mabuti para hindi na rin muna kita kibu-kibuin pagbalik.” pang-aasar ko naman.

“Hala! Nooooo…” pagaasal-bata niya ulit. “Ayaw ko ng ganoon!”

Patuloy pa rin siya sa pangingiliti at hindi ko na siya sinasagot.

Siguro ay napagod na rin siya sa pangungulit at nanahimik na rin ng ilang sandali. Gusto kong tignan kung natutulog na ba siya kaya’t dahan-dahan ko siyang nilingon at nakita siyang nakapikit. Pabalik na sana ako sa pagtalikod sa kanya nang bigla niya akong hinila at niyakap paharap sa kanya.

“Huli ka! Kala mo ah.” natatawa niya sabi. “May patampo-tampo ka pang nalalaman diyan, haharap ka rin pala!”

“Gago! Bitaw nga!” naiinis kong sambit kunwari, ngnunit ay nangingiti naman.

Iginulong niya kaming dalawa upang siya ang pumaibabaw sa akin.

“Ayaw! Ganito lang tayo hanggang bukas!” sabi niya. “Makulit ka kasi eh. Kapag sinabi kong harap, humarap ka agad dapat. Eh matigas ulo mo, kaya ganito lang tayo magdamag!” natatawa pa niyang dagdag.

“Sisigaw ako, lagot ka kina Mama.” pagbabanta ko.

“Ulol! Edi sumagaw ka.” sagot naman niya.

“Gago ka talaga!” bigla kong kinagat ang leeg at balikat niya, ngunit hindi pa rin siya bumibitaw.

“Kahit magdugo pa ‘yan, ayaw!” sabi niya.

Maya-maya ay napagod na rin ako kakagalaw upang makaalpas, kaya’t nanahimik na lang din ako. Tahimik din si Seb kahit na mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin. Muli niyang idiniin ang mukha sa aking leeg at inilapit ang bibig sa aking tainga.

“Dito ka lang sa akin.” mahina niyang sambit. “Tabi lang tayo lagi. Magkasama.”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: A Beautiful Artifice (Part 7)
A Beautiful Artifice (Part 7)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhxcC4toJyppBIzOxx_rMiPaPc7Iq_10B7Q7Bf38KfzmLstSsUOMt2pftCez2HXg8Ax9t7xswS6_bk5vjLawRR8HdcO_fXKRzmxb4q7U0TB0jaPkwgPxKh6ILVVBse6qrShmTTeUw6Wee9l/s1600/A+Beautiful+Artifice.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhxcC4toJyppBIzOxx_rMiPaPc7Iq_10B7Q7Bf38KfzmLstSsUOMt2pftCez2HXg8Ax9t7xswS6_bk5vjLawRR8HdcO_fXKRzmxb4q7U0TB0jaPkwgPxKh6ILVVBse6qrShmTTeUw6Wee9l/s72-c/A+Beautiful+Artifice.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/05/a-beautiful-artifice-part-7.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/05/a-beautiful-artifice-part-7.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content