$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 15)

By: JB Nakaupo ako sa isang maliit na sofa sa sala ng bahay ni Rex. Iniwan ako sandali ni Rex dahil magpapalit lang siya ng damit sa kwar...

The Guy From PR

By: JB

Nakaupo ako sa isang maliit na sofa sa sala ng bahay ni Rex. Iniwan ako sandali ni Rex dahil magpapalit lang siya ng damit sa kwarto niya, ang kapatid naman niya ay nakahiga na sa mahabang sofa at nanonood sa malaki nilang flat secreen na TV. Natutuwa ako sa pagdala sa'kin ni Rex sa bahay nila ngunit may kaba sa aking dibdib dahil ilang saglit lang ay maaaring bumaba ang mama ni Rex na noo'y nagtutupi raw ng damit sa kwarto niya sa itaas. Habang hindi pa bumababa si Rex mula sa kwarto niya ay ginamit ko ang pagkakataon upang mapagmasdan ang loob ng bahay, malawak at malinis sa loob, maraming mga nakadisplay na paintings at mga awards at medals na siguro'y nakuha ni Rex o ng kapatid niya sa school at mga nasalihang contest. Mula sa sala ay matatanaw mo ang kusina na malinis at maayos ang pagkakalagay ng mga appliances at ang iba pang kasangkapan at kagamitang pangkusina. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas, habang busy-busyhan ako sa phone ko ay may narinig akong bumababa mula sa hagdan nila Rex, dahil hindi ko tanaw mula sa kinauupuan ko ang hagdan ay hinintay ko na lang kung sino man ang bubungad sa paningin ko, napahinga ako ng malalim ng marinig ko ang boses ng isang babae, mama ito ni Rex, tumungo ito sa kusina at pasigaw na tinawag ang atensyon ni Rex na Chester pala ang pangalan.

Rex's Mother: Chesteeer!! yung hugasan dito! Onti na nga lang to!!

Chester: sandali lang maa! tatapusin ko lang pinapanood ko!

Rex's Mother: Hay naku! lagi ka na lang nandyan sa TV!

Nang marinig ko ang mama ni Rex ay napaayos ako ng buhok at napadiretso ng upo mula sa pagkakasandal sa sofa. Muling nagsalita ng malakas ang mama ni Rex na noo'y naririnig kong hinuhugasan na lang ang mga pinggan at ibang hugasan nila ng gabing iyon.

R M: Dumating na ba ang kuya Rex mo? may narinig akong umakyat kanina sa taas.

napalingon sandali si Chester sa akin at sinagot ang mama niya.

Chester: Oo ma......may kasama siya.

R M: Ahh...may bisita pala siya. Bakit ang tagal naman bumaba ni Rex.

Napatingin ako sa phone ko at naglaro na lang ng games, napahinga ako ng malalim at nag-uumpisa nang makaramdam ng pagkahiya.

Maya-maya lang ay natapos na sa paghuhugas ang mama nila Rex at narinig ko na ang mga yapak nito patungo sa sala. Nakayuko ako at nakatingin sa phone ko nang kausapin ako ng mama nila Rex.

R M: Boy! kumain ka na ng dinner? kain ka muna.

napatingin ako ng diretso sa mama ni Rex na nakaupo na sa isa ring maliit na sofa na kadikit lang ng hinihigaan ni Chester. Nabanggit na sa akin ni Rex ang edad ng mama niya, 44 years old na raw ito pero nang makita ko na ang mama niya sa personal...mukang mas bata pa ito sa edad niya, mga 30+ pa lang siguro kung titingnan dahil bukod sa maganda ay makinis rin ang balat nito.

Ngumiti ako sa mama ni Rex at nagsalita.

Ako: Ah...opo kumain na po ako.

R M: San ka kumain? kumain na kayo ni Rex?

Ako: Sa.. bahay po..

R M: Sa bahay mo?? di ba kayo magka-officemate ni Rex?

Ako: Ah..hindi po.

R M: Akala ko kawork mo si Rex...Ano ka ni Rex? ngayon lang kita nakita ah.

Napabuntong hininga ako sa katanungan ng mama ni Rex, inisip ko pa ang isasagot ko...gusto kong sabihin na magkaibigan kami ngunit kapag sinabi ko yun ay parang dineny ko na ang relationship namin ni Rex, alam ko na out na si Rex pero ayoko lang biglain ang mama niya at ipaalam na bf ako ni Rex.

Nakatingin sa akin ang mama ni Rex at hinihintay ang aking sagot.

Ako: ah ano po...

Naudlot ang sasabihin ko dahil sa pagkakataong iyon ay nagulat kami nang may bumagsak na plato mula sa kusina, nabasag ito, labis na nataranta ang mama ni Rex at agad na napatayo para puntahan ang kusina, nakapatay na noon ang TV at umakyat na si Chester sa kanyang kwarto kaya walang ibang nautusan ang mama nila para damputin at itapon ang nabasag na plato. Pagtungo ng mama ni Rex sa kusina ay naisipan kong akuin na lang ang paglinis sa nabasag na plato, tumayo ako at naglakad patungo sa kusina, umaaksyon na noon ang mama ni Rex sa pagkuha ng mga malalaking pira-piraso ng plato nang kalmado ko siyang pinigilan.

Ako: ay..ako na po...ako na po ang magdadampot.

Napatingin sa akin ang mama ni Rex at napangiti ng malaki.

R M: Sige nga boy! ikaw na lang.

Napaatras siya at pinanood akong pinupulot ng dahan-dahan ang malalaking parte ng plato na nabasag at itinatapon sa sako ng basurahan sa loob lang din ng kusina. Winalis ko ang ibang maliliit na bubog sa sahig at ibang parte ng sahig na nabagsakan ng plato.

R M: Ayaan...salamat boy.

Kasabay ng pagngiti ko sa mama ni Rex ay ang mabilis na pagbaba ni Rex sa hagdan nila. Nakabihis na si Rex ng pambahay, napatingin siya sa akin at sa mama niya na kinakausap pa ako.

Rex: Maa! may narinig akong nabasag, di ako nakababa agad, kinukulit ako ni Chester sa taas e.

R M: May bumagsak na plato, ok na naman..nalinis naa. Nilinis ni......anong pangalan mo boy?

Sasabihin ko na ang pangalan ko nang maunahan akong magsalita ni Rex.

Rex: Gab maa.

Napahawak ang mama ni Rex sa braso ko at tumatawang binanggit ang pangalan ko.

R M: Ah haha...okay Gab pala name mo. Di ko naman kasi natanong agad.

Nagkatinginan kami ni Rex at nginitian ang isa't-isa.

Pagkatapos noon ay umakyat ang mama ni Rex, ipinaalam na ilalagay pa niya ang mga tinuping damit sa cabinet. Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa sa sala nila at si Rex naman ay kumuha ng plato at nagtungo sa lamesa nila para kumain. Bago pa siya kumain ay nilapitan niya ako at mahinang nagsalita.

Rex: mahaal! tara kain naa.

Ako: hindi..kumain na ako.

Rex: sigurado ka??

Ako: oo mahal, bago umalis ng bahay.

Kahit alam na ni Rex na nakakain na ako ng hapunan ay hinila pa rin niya ako sa kagustuhang tabihan ko lang siya habang kumakain. Habang kumakain si Rex ay agad niya akong tinanong tungkol sa first encounter namin ng mama niya.

Rex: nagkausap na kayo ni mama?

Ako: Oo...mukang mabait naman mama mo.

Rex: talaga? may tinanong ba siya sa'yo?

Ako: oo mahal..kung kumain na raw ba ako? haha

Rex: bukod don mahal?

Ako: kung...ano raw kita? akala niya kaofficemate mo ako.

Rex: anong sinabi mo?

Ako: hindi ko nasagot dahil nga nabigla kami sa nabasag na plato sa kusina niyo.

Napatigil si Rex sa pagkain, sinundan ng tingin ang mga mata ko na hindi nakatingin sa kanya.

Rex: ano ba dapat ang isasagot mo mahal?

napaharap ako kay Rex at napayuko.

Ako: actually, hindi ko talaga alam ang isasagot ko mahal..

Rex: bakit naman?

Ako: baka kasi mabigla yung mama mo pag sinabi kong magbf tayo

tumungo-tungo si Rex at muling bumalik sa pagkain. Pagkatapos niyang kumain ay umupo kami sa mahabang sofa nila sa sala at nag-usap.

Ako: ito pala ang pupuntahan natin na ayaw mo pang sabihin sa'kin.

Rex: oo mahal, baka kasi pag sinabi ko agad, magdalawang-isip kang sumama

Ako: hindi naman siguro mahal..

Rex: talagaa.

Hinawakan ni Rex ang kamay ko, muli kaming nagpalitan ng ngiti, at sa dala ng matamis na tinginan ay napahalik ako sa pisngi ni Rex. Habang magkahawak pa ng kamay...dnikit ni Rex ang braso niya sa akin, nilapit ang mukha niya at may ipinaalam sa akin na labis na nagpabilis ng kabog sa puso ko

Rex: mahal....

Ako: bakit mahal?

Rex: sasabihin na natin kay mama.

Ako: sasabihin ang ano?

Rex: ang tungkol sa'tin.

Ako: aamin na tayo...tungkol sa relasyon natin?

Rex: oo mahal. Yun ang dahilan kung bakit dinala kita dito ngayon.

Napaiwas ang tingin ko kay Rex habang damang-dama ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko, kahit napangungunahan ako ng kaba ay may saya ako na naramdaman, dahil sa gagawin naming pag-amin ay ipinakita ni Rex na seryoso siya sa akin at gusto niya na maging legal na kami sa magulang niya. Ayokong kumontra sa nais ni Rex, gusto kong maging positibo at gusto kong lakasan ang loob ko sa gagawin namin, inisip ko na para ito sa amin ni Rex at sana...sa gagawin naming iyon ay maging maganda at maayos ang kalalabasan.

Ako: sure ka na dito mahal? kinakabahan ako..

Humigpit ang hawak ni Rex sa kamay ko.

Rex: Ano ka ba....wag kang kabahan, out na ako, alam ni mama na nagkaboyfriend na ako, nakwento na rin kita kay mama, hindi siya nagreact non pero sa tingin ko naman, hindi tutol si mama dito sa kagustuhan ko.

Ako: nabanggit mo na ang pangalan ko?

Rex: oo mahal....pero medyo makakalimutin si mama e.

Ako: ganun ba....matatanggap niya ba talaga tayo agad?

Rex: sana mahal....ikaw ang unang jowa ko na ipapakilala ko sa kanya.

Ako: so paano natin sisimulan?

Rex: ako na bahala mahal..ako ang magsasabi.

Hinintay namin ang pagbaba ng mama ni Rex mula sa kwarto nito, parang gusto kong sabihin kay Rex na sa ibang araw na lang namin gawin ang pagreveal sa mama niya tungkol sa relasyon namin pero hindi ko na magawa dahil sa nakikita ko sa mukha ni Rex...na handang-handa na siya. Sa gitna ng paghihintay ay nagcr muna ako at umihi. Sa pagbalik ko ay nakita ko na si Rex at ang mama niya na nakaupo na sa malaking sofa sa sala. Tinawag ako ni Rex pagkakita niya sa akin na nakalabas na galing sa banyo.

Rex: Gaab! halika na dito.

Umupo ako sa tabi ni Rex, sa pag-upo ko ay nagsasalita na ang mama niya na tila nagtataka at nakatingin lamang kay Rex.

R M: Ano ba ito Rex?

Inilapat ni Rex ang kamay niya sa likod ko at nagsalita sa harap ng mama niya.

Rex: ah..ma...si Gab nga pala.

R M: Oo nga anak, alam ko na pangalan niya.

Rex: wala ka bang naaalala na nakwento ko sa'yo tungkol sa kanya?

R M: parang narinig ko na nga yung name na gab e, ikaw nga pala ang nagkwento non sa akin.

Tahimik lang akong nanonood sa mag-ina at humihinga ng malalim

Rex: oo ma...at sinabi ko sa'yo kung sino siya.

Napatigil saglit ang mama ni Rex, halata na iniisip niya ang sinabi ni Rex sa kanya tungkol sa akin, sa sinabi lang din sa akin ni Rex ng gabing iyon, naikwento na rin daw niya sa mama niya ang namamagitan sa amin isang linggo na ang nakakaraan, hindi sumagot ang mama niya non at nagpatuloy lang daw sa pagluluto.

Naghintay kami sa isasagot ng mama ni Rex. Nang parang maalala na niya ang sinabi ni Rex sa kanya ay napatingin siya sa amin ni Rex, tinitingnan ko ang hitsura ng mama niya, hindi ko maintindihan at mabasa kung ano ang nasa isip niya at kung ano ang nararamdaman niya, wala akong nakikitang expression sa mukha ng mama ni Rex, mabagal na gumalaw ang mga mata ng mama ni Rex, titingin sa akin at mabagal na ililipat ang tinging sa anak niya. Napayuko ako at sa pagkakataon ring iyon ay kinuha na ni Rex ang kamay ko, ipinatong sa kanyang hita at tiniklop ang mga daliri sa aking kamay.

Rex: Ma.

Inalis ko ang aking pagkakayuko at nakita ko na napatingin ang mama ni Rex sa magkahawak naming mga kamay at mahinang kinausap si Rex.

R M: Ok Rex....naalala ko na yung sinabi mo.

R M: Siya si Gab...at may namamagitan sa inyo.

Rex: tama nga ma.

R M: Ok...ah...so ano ngayon ang sasabihin mo sa'kin Rex.

sa puntong iyon ay nagkatinginan kami ni Rex, at ginawa na niya ang pag-amin. Tanging si Rex lang ang tinitingnan ko, hindi siya makatingin ng diretso sa mama niya.

Rex: ma....magbf kami ni Gab.

R M: bestfriend?

Rex: hindi ma. boyfriend.

mabagal na gumalaw ang ulo ng mama ni Rex sa nalaman, nawala ang tingin niya sa amin at napahawak siya sa kanyang leeg. Nakatuon lang ang tingin namin ni Rex sa mama niya, hinihintay ang magiging reaksyon nito. Siguro'y lampas isang minuto nang marinig naming magsalita ang mama niya.

R M: Inisip ko pa ang sasabihin ko Rex.

Patuloy lang ang pananahimik namin ni Rex, mahigpit lang ang hawak ng kamay ko sa kanya.

R M: Ano nga ba ang magagawa ko Rex...

bumalik ang tingin ng mama ni Rex sa amin at itinuloy ang pagsasalita.

R M: Matagal ko nang alam na ganyan ka at tanggap naman kita pati ng papa mo..

R M: Mama mo ako Rex at gusto ko lang naman na masaya ka...hindi ako kokontra sa kasiyahan mo Rex..

Napangiti si Rex sa sinabi ng mama niya, hindi pa ako makareact dahil maaaring may sabihin din sa akin ang mama niya.

Ilang sandali lang ay nakangiting tumayo ang mama ni Rex, napabitaw sa pagkakahawak ang mga kamay namin ni Rex sa hindi ko inaasahang pag-upo ng mama niya sa gitna namin. Pag-upo ng mama ni Rex sa pagitan namin ay inilapat nito ang magkabilang kamay niya sa mga hita namin ni Rex, tiningnan ako ng mama ni Rex at nagsalita.

R M: Gab..ilang taon ka na ba?

Ako: Ahmm..18 po.

R M: Ang bata mo pa. Sigurado ka ba sa anak ko? mahal mo ba talaga siya?

Labis akong napangiti nang kausapin ako ng mama ni Rex nang malapitan, sa tanong niyang iyon ay tiningnan ko si Rex na seryosong nakatingin sa akin.

Ako: Oo naman po..

R M: Anong nagustuhan mo sa anak ko...bukod sa gwapo siya? haha

Nakakaramdam na ako ng hiya sa mga itinatanong ng mama ni Rex, nakaramdam ako ng lamig at nilalaro-laro ko lang ang magkadikit kong mga palad sa pagitan ng mga hita ko. Ipinipilit kong ngumiti at sagutin ng mahinahon ang mga katanungan ng mama ni Rex.

Ako: uhmm...mabait po kasi siya..tsaka.....masipag po.

Napalipat ang tingin niya kay Rex at pabirong nagsalita.

R M: Haha talaga baa?

Napayuko si Rex at mahinang tumawa.

R M: totoo naman yon. Mabait at masipag talaga tong anak kong ito

R M: Ikaw Rex...mahal mo ba talaga itong si Gab?

Rex: Oo naman ma.

Mahinang tinapik ng mama ni Rex ang mga hita namin at nagsalita sa mas malakas na boses.

R M: E kung ganon, hindi ako hahadlang sa relasyon niyo!

Napahinga ako ng malalim at nakaramdam ng saya sa pagpapakita ng mama ni Rex ng pagtanggap sa relasyon namin ng anak niya.

R M: Ayoko lang na masaktan mo ang anak ko...Gab.

Ako: hindi ko po gagawin yon.

R M: Buti naman kung ganon, may past relationship kasi tong si Rex na iniyakan niya. Nakwento niya ba sa'yo.

Ako: Opo..

R M: Mukang mabait ka namang bata Gab.

Mas lumaki ang ngiti ko sa narinig ko. Tumayo ang mama ni Rex sa pagkakaupo sa gitna namin. Kasunod nito ay ang pagtayo rin ni Rex at pagyakap sa mama niya.

Rex: Salamat maa..

Ngumiti ang mama ni Rex at nang bumitaw na si Rex sa pagkakayakap sa mama niya ay hindi rin ako nag-atubiling magpasalamat.

Ako: Salamat po.

R M: O sige, aakyat na ako sa taas.

Sinundan namin ni Rex ng tingin ang mama niya, nakakailang hakbang pa lang ang mama ni Rex nang bumalik ito sa sala at kinausap pa ako.

R M: Gab...welcome ka lagi dito sa bahay namin, wag kang mahihiya.

Ako: Wow! thank you po.

R M: At tita Ellen na lang ang itawag mo sa'kin.

Ako: Ah haha. Ok po....tita.

Pag-akyat ng mama ni Rex ay napahawak ako sa mga pisngi ko. Hindi lang ako makapaniwala sa nangyaring iyon, labis ang tuwa na nararamdaman ko maging si Rex na kitang-kita ang ngiti sa mukha. Napalapit si Rex sa akin, itinaas at ibinuka niya ang kanyang mga braso, agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit na siya ring pagbawi niya ng mahigpit na yakap sa akin.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 15)
The Guy From PR (Part 15)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/05/the-guy-from-pr-part-15.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/05/the-guy-from-pr-part-15.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content