$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 9)

By: JB Mag-aalas sais na ng gabi ng makaalis kami ni Rex sa mall, dinatnan ng gutom si Rex kaya't huminto pa kami sa isang fast food ...

The Guy From PR

By: JB

Mag-aalas sais na ng gabi ng makaalis kami ni Rex sa mall, dinatnan ng gutom si Rex kaya't huminto pa kami sa isang fast food chain at bumili ng pagkain. Dahil walang mauupuan sa loob ay tinake-out na lang ni Rex ang mga binili niya at sinabing kainin na lang namin ang mga ito sa loob ng sasakyan niya. Naghanap pa si Rex kung saan siya pwedeng huminto at magparking muna at para makain ang mga biniling pagkain. Sa isang mabuhangin at madilim na lugar malapit sa isang gasoline station nakapagparking ng sasakyan si Rex. May iilang mga nakapark din sa tabi namin, pinili ni Rex na magpark sa dulo, sa pinakagilid ng maliit na parking area. Gutom rin ako ng gabing iyon pero hinintay ko lang si Rex na maunang kumain. Nang pareho na kaming kumakain ni Rex ay naisipan naming lumipat sa likod na bahagi ng sasakyan para mas komportable.

Rex: hayy! gusto kong kumain na lang muna at magrelax.

Pagkatapos ni Rex magsalita ay sumandal siya sa kinauupuan niya, unti-unting dumulas at tila gusto na niyang humiga. Tiningnan ko siya sa ganoong posisyon niya at doon ko nakita ang magandang korte ng katawan ni Rex, ang mga dibdib niya ay bumakat sa suot niya, nakashort siya kaya mas tumambad ang mga hita niya na medyo kalakihan at napansin ko na medyo mabuhok ang hita niya pababa sa kanyang mga paa, napatitig ako ng matagal kay Rex habang siya ay may kinakain. Ilang sandali ay bumangon siya at bumalik sa pagkakaupo, nagsimula na naman siyang magsalita at magkwento. Nagkwento siya tungkol sa katrabaho niya at mga ginagawa niya sa trabaho, nagkwentuhan lang kami ni Rex, kung saan-saan napunta ang usapan namin, napunta sa mga katatawanan at biglang nalipat sa mga movie na napanood na namin at gusto naming panoorin. Habang nag-uusap kami sa loob at nagbibiruan ay napaisip ako kung isingit ko sa usapan namin ang status namin ni Rex pero tila wala akong lakas ng loob na iopen kay Rex iyon.

Naubos na namin ni Rex ang mga pagkain namin at naubusan na ng kwento. Inakala ko na pupunta na si Rex sa driver's seat at magdadrive na, tumayo na ako at uupo na sana sa harapan ng sasakyan kung saan ako talaga nakaupo ngunit pinigilan ako ni Rex at pinaupo lang sa likod na bahagi ng kotse sa tabi niya.

Rex: Dito lang muna tayo.

Ako: Bakit hindi pa tayo umalis?

Rex: Relax relax muna tayo tsaka gusto ko lang muna makausap ka pa.

Tiningnan ko si Rex diretso sa kanyang mga mata..

Ako: ano naman ang pag-uusapan pa natin.

Rex: tungkol sa'tin.

Napabuntong-hininga ako. Alam ko na ang ibig sabihin ni Rex pero mas gusto kong linawin pa niya ang gusto niyang sabihin.

Ako: Ano?

Rex (with his killer smile): Tungkol sa'tin, kung ano na tayo?

Ako: ano ba sa tingin mo?

Umusog si Rex ng bahagya malapit sa'kin.

Rex: Gusto mo ba ako? kasi ako, gusto kita. Gusto ko na maging tayo na.

Hindi ko pa alam ang sasabihin ko, ang isasagot ko! gusto ko si Rex, gusto ko siya maging bf. Magpapakachoosy pa ba ako. Sobrang cute ni Rex at mukang mabait, ilang araw na kaming magkakilala ni Rex at sa ilang araw na yon ay mas marami akong nakitang magandang ugali at kabutihan kay Rex. Nararapat na siguro na pumayag na ako sa kagustuhan ni Rex na maging magbf kami. Gustong-gusto ko na talaga maging bf si Rex pero kinailangan ko lang na mas kilalanin pa siya.

Ako: uhmmm..

Rex: Ok lang kung ayaw mo or ayaw mo pa, sabihin mo lang.

yumuko si Rex habang hawak niya ang kamay ko. Inisip ko na napakabait ni Rex, nararamdaman ko na sincere siya, ayoko na siya paasahin at pahintayin pa kaya at that moment, hinawakan ko ang mukha niya, inalis sa kanyang pagkakayuko upang tumingin sa'kin. Mahina akong nagsalita.

Ako: Oo Rex, gusto kita, gustong-gusto.

Rex: huh? ano? ang hina.

Ako: Gusto kita!!

Ganun na lang ang laki ng ngiti ni Rex nang sinabi ko yun..

Rex: Talaga?

Ako: Ayy! Oo nga.

Rex: So ano na tayo?

Ako: Ano na nga ba? haha

Rex: Tayo na?

Ako: Ok sige, tayo na tara na. Magdrive ka na!!

Umusog pa lalo si Rex at dumikit sa'kin.

Rex: Ano nga?

Ako: Hindi ko alam sa'yo!

Rex: Ikaw dapat sumagot, ako yung nanliligaw sa'yo e!

Feeling ko tumatalon na ang puso ko sa tuwa at kilig. First time nangyari sa'kin ang ganito. Ayoko na magpakipot pa, hindi naman ako isang babae na nililigawan ng isang gwapo kaya nagsalita na ako at kinumpirma sa kanya kung ano na kami, kung ano na ang magiging status namin.

Ako: Ok sige na!

Rex: anong sige na?

Sa pagkakataong iyon ay dinikit na ni Rex ang labi niya sa kaliwang balikat ko at tila nakuryente na naman ako.

Ako: Sige na, tayo na.

Rex: Tayo na? magbf na tayo?

Ako: Oo.

Rex: Yess!!

bumangon si Rex sa tila pagkakahiga sa balikat ko. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko..iniangat ito at hinalikan.

Rex: Salamat at napapayag na kita, ang saya ko!

Ako: Ako rin naman e.

Rex: Ilang araw pa bago naging tayo.

Ako: ilang beses lang ba tayo nagkita? pangatlo pa lang to ah.

Rex: Oo nga, pero madalas tayong nagkakausap.

Ako: Hindi mo na rin kasi inoopen ang tungkol sa'tin.

Rex: Hindi ko inoopen pero pinaparamdam ko sa'yo na gusto kita. Hindi mo ba nararamdaman yon?

Ako: Di kasi ako nag-assume agad.

Sa sinabi ko na iyon ay muling ibinalik ni Rex ang tila pagkakahiga niya sa balikat ko at tinitigan ako.

Rex: Ngayon alam mo na!

Rex: Hindi mo alam na lagi kitang iniisip, kahit nasa trabaho ako.

Hindi ako makapagsalita at ngumingiti na lang sa mga sinasabi ni Rex.

Rex: Ako ba...lagi mo ba akong iniisip?

Ako: Oo lagi Rex, nakatira ka na yata sa utak ko. hahaha

ngumiti si Rex at inilapat pa lalo ang mukha niya sa balikat ko malapit sa aking pisngi.

Rex: Buti naman kung ganon, iniisip pala natin lagi ang isa't-isa.

sa sobrang titig ni Rex sa akin ay sinubukan ko rin na titigan siya, sa pagkakataong iyon ay malapitan ko nang nakikita ang hitsura ni Rex, ang kakapalan ng mga kilay niya, ang mga mata niya na matatalas ang tingin, ang matangos niyang ilong, ang mapupula niyang mga labi, ang facial hair niya, ang shaved niyang bigote at balbas na sinakop na ang ibang parte ng pisngi niya at bumaba rin sa mataas na parte ng kanyang leeg.

Muling nagsalita si Rex.

Rex: Paano nga ba kita napasagot at napapayag?

Ako: Kasi, nakita ko naman na mabait ka at seryoso ka naman.

Rex: Bukod ba yan sa dahil gwapo ako. (sabay ng paghagod sa kanyang mabuhok na balbas)

Ako: Hahaa oo ganun na nga.

Ako: Paano mo naman ako nagustuhan Rex?

napagalaw ang mga daliri ni Rex sa pagkakahawak sa kamay koat nakangiting sinagot ang tanong ko.

Rex: kasi alam mo ba Gab, una pa lang kitang nakita, nakuha mo na ako agad.

Ako: bakit naman?

Rex: kasi kahit malakas ang dating mo, ang amo naman ng mukha mo, tapos naramdaman ko na agad na napakabait mo.

napagalaw ang mukha ko at labis na napangiti nang marinig ko iyon kay Rex. Ganon pala ang naging impression niya sa akin.

Rex: at alam mo ba gab nung hindi ka agad pumayag na maging tayo nung first meetup natin, nalungkot ako pero mas naturn-on pa sa'yo. Alam mo ba kung bakit?

Ako: Bakit?

Rex: kasi dun ko na napagtanto na iba ka sa mga nakilala kong bi at gay, hindi ka kaagad na nagpadala sa akin, yung ibang nameet ko dati, sex agad ang gusto, hindi ako pumayag sa karamihan sa kanila kahit may taglay akong libog dahil di ko naman sila type at naturn off ako lalo. Yung iba sa kanila, kinukulit pa ako, hindi ko na lang pinansin hanggang sa magsawa na lang sila.

Humigpit ang hawak ni Rex sa akin at seryosong nagsalita muli.

Rex: Kaya dun ako humanga sa'yo, iba ka sa kanila, alam ko na mas pinili mo munang lubos akong makilala, bago ka pumayag na maging mag jowa tayo, bago naging tayo.

Labis na lang ang saya na naramdaman ko nang malaman ko iyon mula kay Rex, labis pala siyang naimpress sa akin kaya siguro'y kumapit siya at hindi sa akin bumitaw. Pero kahit ganon ay napaisip pa rin ako at nagkaroon ng katanungan sa aking isipan, di ako nag-atubiling tanungin kay Rex ang biglang gumulo sa isip ko.

Ako: Pero Rex...marami ka nang nakasex. Tama ba?

Rex: Inaamin ko gab, oo!

Ako: hindi mo ako masisisi na tanungin sa'yo to.

Ako: Uhmmm...

Hindi ko pa naitutuloy ang sinasabi ko nang biglang bumangon sa balikat ko si Rex at nagsalita.

Rex: Kung safe pa makipagsex sa akin?

Ako: Ahhm oo Rex, ganon nga ang tanong ko.

Nang malaman ni Rex ang katanungan ko ay kinuha niya ang phone niya sa inuupuan niya sa driver's seat at nakita ko na nagsaswipe siya ng mga pictures. Ilang segundo lang ay dumikit siya sa akin at pinakita ang isang parang poster na photo na may malaking nakasulat na "HIV/STD Testing Program".

Rex: Ayan Gab! nabother ako sa maaaring kalagayan ko kaya, nagpatest na ako. Last last week lang ito, a week before tayo magkita, makikita mo rin sa date, November 16.

Nagswipe pa ng mga picture si Rex at pinakita sa akin ang isang picture na may kasama siyang doctor.

Rex: eto pa gab, siya yung doctor na nagtest sa akin.

Ako: Ok Rex! so negative ka naman?

Rex: Yes Gab negative ako, don't worry.

Napatungo ako at muli pang umusog si Rex sa akin at sabay akong inakbayan.

Rex: Actually gab, niready ko talaga to for you kung sakaling magtanong ka at mag-alala. hahaa

Ako: Haha gusto ko rin naman makasiguro, mahal na ba naman kita.

Rex: Yiiiieh! talaga ba?

Ako: Papayag ba ako maging tayo kung hindi!

Pagbitaw ko ng mga salitang iyon ay nakaramdam ako ng kiliti sa tagiliran ko, Kinikiliti ako ni Rex. Napasigaw at napatawa ako ng malakas.

Rex: Ikaw ah! kailan mo pa ako mahal?

Ako: ahmm..matagal na. hahaa

Rex: Kailan pa?

Ako: Bastaaa

Ilang saglit lang habang nakaakbay si Rex sa akin ay inilapit niya ang mukha niya sa pisngi ko at mahinang nagsalita.

Rex: Gusto kong ulitin mo yung sinabi mo.

Napatingin ako kay Rex, nang hinarap ko si Rex ay ganon na lang kalapit ang pagitan ng mga mukha namin sa isa't-isa, ramdam ko ang paghinga ni Rex at kita ko sa mga mata niya ang pagkaseryoso.

Ako: Anong sinabi ko?

Rex: na mahal mo ako.

Diniretso ko ang tingin sa mga mata ni Rex at doon ko naramdaman ang sobrang bilis na pagtibok ng puso ko. Totoo na mahal ko na si Rex at gusto kong sabihin sa kanya ito at gamitin ang pinakaintimate moment namin na iyon. Mahina kong sinabi kay Rex ang tunay na nararamdaman ko.

Ako: I love you Rex.

agad na sumagot si Rex nang pabulong.

Rex: I love you too Gab.

Nang sumagot si Rex sa "I love you" ko ay napangiti ako, labis na lang ang naramdaman kong tuwa at patuloy sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.

Ang gabing iyon ay hindi lang palitan ng "I love you" ang naganap dahil ilang segundo lang habang akbay ako ni Rex at magkalapit ang mga mukha namin ay naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga labi ni Rex sa labi ko.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 9)
The Guy From PR (Part 9)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/05/the-guy-from-pr-part-9.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/05/the-guy-from-pr-part-9.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content