$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 11)

By: JB Kinabukasan ay maaga akong nagising, hindi tungkol sa school ang agad na pumasok sa utak ko, kundi si Rex, ang pagiging official n...

The Guy From PR

By: JB

Kinabukasan ay maaga akong nagising, hindi tungkol sa school ang agad na pumasok sa utak ko, kundi si Rex, ang pagiging official naming magbf kagabi lalong-lalo na ang nangyari sa'min sa loob ng sasakyan niya, yun na ang pinakaintimate na nangyari sa'min ni Rex. Sa pagbangon ko sa kinahihigaan ko ay napaisip pa ako ng ilang minuto tungkol sa mga pangyayari last night, hindi ko akalain na may ganoon nang nangyari sa akin, may bf na ako at halos lahat ng gusto ko sa isang guy ay nasa kanya na, di ako makapaniwala na nakahanap ako ng katulad ni Rex, wala na akong hihilingin pa. Ito ang unang umaga at ang unang araw na magbf kami ni Rex at ipinagdarasal ko na magtagal pa kami.

Pagkabangon ko ay agad akong naligo, bago kumain at pagtungo ko sa aming sala ay napaupo muna ako at napabukas muna ako ng fb account ko at doon ko na muling naalala na hindi pa pala kami friends ni Rex sa fb, pagkabukas ko ng fb ko ay nakita ko na agad na may 3 friend requests ako, unang tumawag ng pansin ko ang friend request ng isang "Xtian Rex Legazpi". Ganun na lang ang tuwa ko nang malaman kong naadd na pala ako ni Rex, agad kong inaccept ang friend request at pinuntahan ang profile niya, tinitigan ko ng ilang segundo ang profile picture niya, whole body ang profile picture niya at nakasuot siya ng black sando at white shorts, ang sexy ni Rex sa picture at talaga nga namang gwapo itong si Rex at ang lakas ng dating, mas nadadagdagan ang kapogian niya sa picture dahil napakaliwanag pa ng kuha, sinimulan ko nang iistalk ang profile ni Rex, namangha ako dahil meron na pala siyang 7,000+ na followers, nakakaanim pa lang siya ng palit ng profile picture, lahat ay puro magaganda ang kuha at syempre, ang popogi niya lahat dun at kahit naman talaga sa personal, nakita ko rin dun yung dalawang picture niya na sinend niya sa'kin sa PR before kami magkita, di na rin kagulat-gulat na inaabot ng daan-daang likes ang mga pictures ni Rex, siguro ay 400+ ang pinakamababang likes ng picture ni Rex, at makikita mo sa mga comments bukod sa mga compliments, na maraming may crush sa kanya na gusto ng atensyon mula sa kanya, ang iba tinatawag pa siyang "babe", "baby" at kung ano-ano pa, napakunot noo na lang ako at napatawa sa mga nababasa kong comments ngunit sa loob-loob ko ay nakaramdam na ako ng pangangamba sa pagiging famous nitong si Rex.

Dahil may kabagalan akong kumilos tuwing umaga ay tinigilan ko na ang aking ginagawang pang-iistalk at sinimulan nang kumain ng umagahan, hindi maalis sa isip ko si Rex at hindi lang talaga ako makapaniwala sa katotohanang boyfriend ko na ang pogi at hindi makakailang famous na si Rex, hindi ko na napansin na mabagal na pala ang pagkain ko, nasita na ako ni mama dahil lutang na pala ako... lutang dahil sa kakaisip na may kasamang pagtatanong sa sarili ko kung panaginip lang itong nangyayari sa lovelife ko bilang isang closeted gay.

Bago makaalis ng bahay ay naisipan kong itext ang siguro'y tulog pang si Rex

(On Text Message)

Ako: "Good Morning mahal! kain ka na agad paggising mo."

Hindi ko muna hinintay ang reply niya at nag-asikaso lang muna para makapasok ng maaga. Bago makaalis sa bahay ay nakatanggap agad ako ng reply mula kay Rex, na dali-dali ko namang ding nireplyan.

(On Text Message)

Rex: "good morning din mahal, kakagising ko lng, maliligo lng muna ako. Wag papalate sa school ah!"

Ako: "ok mahal, otw na nga ako sa school e. Ikaw din ha! wag papalate sa work"

---

Pagkapasok ko sa school at bago ang first class ay nagkatext pa kami ni Rex, ng bf ko na noo'y nasa bahay pa niya at nag-aayos na para pumasok sa work.

(On Text Message)

Rex: "di naman ako malate nito, aga ko nga e. Dyan kna school mahal?"

Ako: "buti nman! ingat ka mahal!"

Ako: "oo mahal hinihintay pa nmin prof."

Rex: "ok nman mag-iingat ako. Magmamahalan pa tayo. ;)"

Ako: "onga mahal e, fresh pa lang tyo"

Rex: "fresh at magiging matibay!"

Ako: "sana nga mahal"

Rex: "tiwala lng mahal!"

Ako: "basta khit ano mangyari, kapit klng mahal"

Rex: "di nman kta iiwan"

Ako: "ako nman din e"

Rex: "drama natin! ang aga aga. hahaa"

Ako: "ikaw ksi e, sinimulan mo!"

Rex: "ok na yon! para alam mong sincere ako sayo."

Ako: "I love you mahal."

Rex: "I love you! I miss you!"

Sa kilig ko ay wala akong mareply kaya't puro emojis at hearts na lang ang nareply ko kay Rex.

Rex: "wala pa prof. nyo?

Saktong pagkatanong ni Rex sa text ay dumating na nga ang professor namin ng first subject. Medyo nainis ako kasi gusto ko pang katext si Rex.

Ako: "andto na mahal, kakarating nga lng e."

Rex: "ganun. sige maya na lng ulit mahal."

Ako: "mayang lunch pa ulit tyo mkapag-usap"

Rex: "onga e paalis na rin ako mahal"

Ako: "Ok! take care mahal!"

Rex: "Ikaw din! aral ka mabuti."

---

Ayun ang unang palitan namin ng texts ni Rex sa unang araw namin bilang magbf, habang nasa school ay ramdam ko lang ang sarap sa pakiramdam dahil may tinatawag na akong "mahal", at mayroon na akong gagawing inspirasyon ko.

---

Pagkauwi ko galing school ay agad kong inupdate si Rex, ipinaalam na nasa bahay na ako, ito rin kasi ang isa sa mga naging usapan namin at kasunduan na rin bilang magbf na maguupdate kami sa isa't-isa, ipapaalam ko kay Rex ang mga nangyayari sa akin at ganun din siya.

Nang gabing iyon pagkatapos makakain ay tumawag agad si Rex sa akin.

(On Phone Call)

Rex: "Hi mahal"

Ako: "Hello mahal, musta naman araw mo?"

Rex: "eto medyo nabusy ako kanina e, alam mo naman na pag weekdays, umaga hanggang gabi, di tayo nakakapag-usap dahil nasa work pa ang mahal mo."

Ako: "oo naman, naiintindihan ko naman yon mahal, tsaka nasa school din naman ako e"

Rex: "ha? nasa school ka ba kanina?"

Napakunot noo ako sa tanong ni Rex, nagtatanong siya kung nasa school ako ng araw na iyon samantalang magkausap lang kami nung umaga"

Ako: "Oo! bakit mo tinatanong? e magkausap lang tayo kaninang umaga"

Rex: "Hala! pumasok ka ba talaga mahal?"

Ako: "Ayy! oo nga pumasok ako! nakalimutan mo ba na nag-usap lang tayo kanina?"

Rex: "talaga ba?"

Ako: "Ewan ko sa'yo"

Rex: "nasa school ka kanina? e magdamag kang nasa isip ko. hahaa"

Hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa, dahil may mga tao pa sa labas ay mahina lang ang tawa ko. Tinamaan masyado ang puso ko sa banat ni Rex.

Ako: "Ahh..hahaha. Akala ko kung napaano ka na. haha"

Rex: "Bakit mahal? akala mo may sakit na ako sa pag-iisip? or nababaliw na dahil sa mga gulo-gulong financial documents ko?"

Ako: "parang ganun na nga mahal!"

Rex: "Hindi naman ako mababaliw, ikaw lang siguro ang magiging dahilan para mabaliw ako. haha"

Ako: "ayieeeeh....dami mong alam!"

Ako: "miss na kita"

Rex: "ako, hindi kita miss"

Ako: "ano?"

Rex: "miss na miss"

Ako: "puro ka banat, pinakikilig mo'ko"-

Rex: "kung panget kaya ako...kikiligin ka pa rin?"

Ako: "hahaha siguro"

Rex: "talaga ba? bakit naman?"

Ako: "posible pa rin mahal kasi.....ang sexy sexy ng boses mo"

Rex: "ganun ba, yung sa'yo nga rin e"

Ako: "totoo?"

Rex: "Oo mahal, kahit naman sa personal"

Ako: "Ganun..."

Rex: "ikaw at ang boses mo, sexy!"

Ako: "Oo, sige na, tatanggapin ko na yang compliment na yan. hahaa"

Ako: "ikaw rin kaya mahal, sexy! at kitang-kitang pagkasexy mo sa profile picture mo sa fb"

napalakas ang boses ni Rex sa narinig niya, ngayon lang ulit niya naalala ang pag-add niya sa akin sa fb, napag-alaman ko na hindi siya madalas mag-online sa fb.

Rex: "oo nga pala mahal! inadd na kita sa fb. Nakita mo na pala"

Ako: "oo mahal, di ko inaccept e"

Rex: "sus! ako na gwapo at jowa mo na, hindi mo iaaccept?"

Ako: "hahaa of course inaccept ko. Famous ka pala masyado mahal"

Rex: "oo e, wala naman akong magawa, bigla lang akong naging famous nang ganon"

Ako: "e kasi nga, cute at gwapo ka..kaya ka naging famous"

Rex: "ayaw ko nga maging famous e. Ayaw mo ba sa mga famous mahal?"

Ako: "hindi naman, naloko lang ako sa mga commentors mo, mga fans mo. Yung iba, tinatawag ka pang babe or baby hahaa"

Rex: "Ahhh...di ko naman napapansin yung mga yon, bihira nga lang ako magfb diba"

Ako: "Ahhh.."

Rex: "Bakit mahal? nagseselos ka na ba agad?"

Ako: "huh? anong nagseselos? wala namang kailangan pagselosan!"

Rex: "Asuuus"

Ako: "Ano ka ba? puro babae naman yung mga yun e, pero may iba rin yatang mga gay or bi. papatol ka ba sa kanila kung sakali? hahaa"

Bigla ko iyong naitanong kay Rex dahil sa totoo lang ay di maalis sa akin ang mag-isip na maaaring tumingin pa rin siya sa iba, honestly, may kaunting selos at pangangamba akong naramdaman sa mga nakita kong nagpapapansin kay Rex sa fb lalo na yung mga gay na napansin ko na ang iba sa kanila ay may hitsura rin, paano kung harutin siya ng isa sa mga yon, at mapatulan ni Rex. Iniisip ko na sa gwapo ni Rex ay di malayong magawa niya yon. Dinedeny ko lang kay Rex na wala lang sa akin at ayaw ko lang sabihin na may kaunti akong takot at pangamba sa magiging kahihinatnan ng relasyon namin. Pinipilit kong maging masaya at ialis ang mga ito sa isipan ko, mas kagustuhan ko lang na isiping sincere sa akin si Rex at kailangang magtiwala lang muna ako sa kanya.

Sa tanong kong iyon ay mabilis ang pagsagot ni Rex

Rex: "Hindi ah. Bago tayo magkakilala, mas naaattract na talaga ako sa mga katulad mo"

Rex: "Bakit mo pa tinatanong yang mga yan? magbf na tayo, di na ako titingin pa sa iba. Andito ka na mahal!"

Kahit tinago ko pa at dinedeny kay Rex ang pangamba ko ay parang napansin pa rin niya ito. At sa sinabing iyon ni Rex, hindi lang kilig ang naramdaman ko, nakaramdam din ako ng gaan sa loob ko.

Ako: "Talaga ba? sana nga tama ang nararamdaman ko sa'yo mahal. Na sincere at loyal ka"

Rex: "Tama ang nararamdaman mo mahal, kita mo naman ang pagkapit ko at paghintay sa pagpayag mo na maging tayo"

Ako: "Naniniwala ako, I love you mahal"

Rex: "I love you"

Pagkatapos ng gabing iyon ay gabi-gabi na naman kami ni Rex nag-uusap sa phone, tuwing siya ay uuwi galing sa trabaho at kahit bumabyahe pa pauwi ay agad niya akong tatawagan, minsan naman sa tuwing naiinip ako sa kakahintay sa tawag niya ay hindi ako makatiis at ako ang unang tumatawag, masyado ko rin sigurong nagustuhan ang gabi-gabing pag-uusap namin ni Rex dahil ang sarap lang pakinggan ng boses niya, parang kinikiliti ka pag naririnig mo tapos kadalasan pa ay magbibiro na naman siya at lalo pa akong aakitin sa boses niya. Minsan ay magpapalitan pa rin kami ng text kapag pareho kaming nagpupuyat at may ginagawa. Sa pagdaan pa ng mga araw ay ito na ang nagiging routine namin ni Rex bilang magbf.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 11)
The Guy From PR (Part 11)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/05/the-guy-from-pr-part-11.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/05/the-guy-from-pr-part-11.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content