$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 8)

By: JB Kumakain kami ni Rex sa isang Pinoy restaurant na hindi familiar sa akin. Dito daw laging kumakain si Rex at hilig niyang kainin a...

The Guy From PR

By: JB

Kumakain kami ni Rex sa isang Pinoy restaurant na hindi familiar sa akin. Dito daw laging kumakain si Rex at hilig niyang kainin ang mabentang sisig dito at halo-halo. Saktong mahilig din ako sa sisig.

Ako: Ang sarap ng sisig nila. Dito na yata ang pinakamasarap na sisig na natikman ko

Rex: Diba sabi sa'yo e, masarap. Hinahanap-hanap ko nga ito lagi.

Ako: Iba talaga yung sarap.

Rex: Oo. Parang ako lang yan.....masarap. haha

Ako: hahaa yan ka na naman.

Rex: totoo naman e.

Ako: Oo na lang Rex!

Natapos na kami makakain at dahil wala nang maisipang magawa, nag-ikot na lang kami ni Rex sa loob ng mall. At tumingin-tingin kung saan-saan. Tumingin ng mga gadgets, ng cellphones, pumasok pa kami ng bookstore para magbasa-basa lang. Bentang-benta pa kay Rex yung mga lumang jokes na nabasa niya sa nadampot niyang maliit na book. Pumasok din kami sa kung saan-saang shop ng mga damit at sapatos, nakabili rin naman si Rex ng natipuhan niyang damit at kumunsulta pa sa akin kung maganda ba at bagay sa kanya ang damit, natanong pa niya kung may gusto rin akong bilhin at bibilhan niya ako, agad akong tumanggi, may kaunting hiya naman ako.

Naglakad-lakad pa kami ni Rex sa loob ng mall at pansin na pansin ko, mapabakla at mapababae na nakakasalubong namin ay napapatingin kay Rex, may isang bakla pa nga na pasimpleng humawak sa braso ni Rex, kahit magkasabay kami ni Rex maglakad ay kunwaring di ko na lang napapansin ang mga iyon, pilit ko lang iniisip na ang swerte ko at nakilala ko si Rex at kasama ko pa siya ngayon. Maya-maya lang ay nakakita kami ni Rex sa loob ng mall ng isang amusement arcade, nang makita iyon ni Rex, agad niya akong niyaya sa loob. Bumili si Rex ng tokens at hinamon akong maglaro ng basketball, pumayag ako at nakadalawang rounds pa kami, dalawang round na si Rex ang may mas mataas na nakuhang points, tinatawanan pa ako ni Rex dahil malayo-layo ang score ko sa kanya, naglaro pa si Rex ng ibang arcade games at pinanood ko lang siya.

Nakalabas na kami ng arcade, pumunta ng parking area para umalis na sa mall. Habang naglalakad kami papuntang parking area ay ramdam na ramdam ko ang tuwa, iba lang sa pakiramdam na ganito na kami Rex, mas nakakapagbonding na.

---

Nakalabas na ng parking area at nakalampas na kami ng mall at habang nasa biyahe ay sige lang ang kwentuhan namin ni Rex, nagsimula lang ang usapan sa pinaggagawa namin sa loob ng mall at sa baklang humawak kay Rex hanggang sa mapunta sa sensitive na topic, tungkol sa position o role sa sex.

Rex: anong role mo pag sa sex?

Ako: ha? ano yun Rex?

Rex: role..position..top ka ba? bottom? versa? alam mo naman yon diba?

Ako: hahaa oo, alam ko yun.

Rex: so ano nga?

Ako: wala pa akong experience Rex. hahaa

Rex: weh?

Ako: Oo promise wala pa. Wala pa nga akong naging jowa e.

Rex: pero saan mo nakikita sarili mo?

Ako: siguro versa. Curious naman ako sa lahat.

Rex: ahh....ako kasi versa pero mas gusto ko na maging top.

Medyo awkward sa akin ang topic namin ni Rex kaya't tinungu-tunguan ko na lang siya, gusto kong sabihin na nasa hitsura nga ni Rex ang pagiging top pero parang ayoko talaga pahabain pa ang topic kaya hindi na lang muna ako nagsalita.

Rex: pero malalaman mo naman yan pag nagkaexperience ka na.

Napansin ni Rex na hindi na ako gaanong nagsasalita at nakikinig na lang sa kanya. Nilapit niya ng kaunti ang mukha niya sa akin at muling nagsalita.

Rex: Sorry! virgin pala tong kausap ko.

Sa narinig kong iyon mula kay Rex, napatawa ako ng malakas at napakagat sa daliri ko. Feeling ko kasi pag nag-uusap kami ni Rex ng mga ganong bagay at maririnig ko ang sexy niyang boses, parang nakukuryente ako.

Malapit-lapit na kami at nakatigil muli sa isang intersection nang mapacheck ako ng phone ko at bumungad agad ang text ni Joyce, nagreply pa pala si Joyce kanina, 3 hours ago.

(On Text Message)

Joyce: Oo na gab! di ko na haharutin yang pinsan mo"

Kakabasa ko lang ng text ni Joyce nang biglang hablutin ni Rex ang phone ko sa kagustuhang malaman ang tinetext ko sa classmate ko. Pilit kong inaabot si Rex at kinukuha ang phone ko ngunit tumatalikod ito at ayaw ibigay agad sa akin ang phone ko, kinabahan ako na baka malaman niya na napag-usapan namin siya ni Joyce sa text. Tumigil ako sa kakapilit makuha kay Rex ang phone ko at nagsalita.

Ako: Reeex!! akin na yan! ibigay mo na!

Rex: bakit ba? may tinatago ka ba dito?

Ako: Wala!

Rex: Oh yun naman pala e.

Ako: Bigay mo na sa'kin! ano bang titingnan mo dyan.

Pagkatapos kong magsalita ng malakas ay tiningnan na ni Rex kung ano ang nasa phone ko. Wala na akong nagawa at pinanood na lang siya at hintayin ang magiging reaksyon niya. Ilang saglit lang ay ibinalik agad ni Rex sa akin ang phone ko, at nag-umpisang magdrive ulit nang makitang naka-go na ang traffic light.

Ako: O anong nakita mo?

Sa pagtatanong kong iyon ay ngumiti lang si Rex habang nakafocus sa pagdadrive.

Lampas isang minuto nang kausapin ulit ako ni Rex.

Rex: Joyce pala ang name ng kasama mong classmate kanina?

nanlaki ang mga mata ko nang tanungin ni Rex iyon. Nabasa niya nga yata ang convo. namin ni Joyce sa text.

Ako: ha? oo! bakit?

Rex: Wala.

Ako: nabasa mo ba yung convo. namin?

Rex: Oo

Ako: ganun ba.

Rex: pinsan mo pala ako ah. hahaa

Ako: wala akong naisip na pwedeng sabihin kay Joyce e.

Rex: pero pwede mo namang sabihing kaibigan mo ako

Ako: hindi ko naisip e. May problema ba don?

Rex: hahaa wala naman

Ako: parang meron kasi.

Rex: ano ka ba! wala! alam ko naman na umiiwas ka lang muna sa issue.

nakatingin ako kay Rex, nahalata niya na medyo nabahala ako kaya hinaplos niya ang braso ko at ipinatong ang kamay niya sa kamay ko.

---

Muli akong bumaba sa pinagbabaan ko nung unang meet namin ni Rex. Nagpaalam kami ni Rex sa isa't isa at muli niya akong pinaalalahanan na magtext kapag nakauwi na. Wala na akong load kaya't bago ako umuwi ay nagpaload muna sa bukas na tindahan.

---

Alas onse nang makauwi na ako ng bahay, gising pa ang mama ko at dalawa kong kapatid. Hindi lang sila umimik at nagsalita pa sa pag-uwi ko nang ganoong oras. Buo sa kaalaman nila na galing ako sa bahay ng classmate ko para sa isang thesis dahil pinuntuhan pa ako ng ibang classmates ko sa aking bahay nang umaga lang na iyon para sunduin at sabay-sabay nang umalis. Pagkabihis ko ng pambahay at pagkahiga sa aking higaan ay agad kong tinext si Rex para ipaalam na nakauwi na ako, sobrang inaantok na ako ng gabing iyon, ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa nagrereply si Rex kaya't tinext ko ulit siya, nag-goodnight at sinabi na matutulog na ako at sobrang antok na, saktong pagsend ko ay nalowbat ang phone ko.

Hindi ako nakatulog agad, parang nawala ang kaunting antok ko dahil ang utak ko ay napuno na naman sa kakaimagine kay Rex at nagkaroon pa ng katanungan sa isip ko kung bakit hindi na nagtanong pa ulit si Rex sa akin ng gabing iyon ng tungkol sa amin, gusto pa kaya niya na maging jowa ako, paano kung mawala si Rex sa akin, magsawa si Rex sa akin. Biglang dumami ang mga katanungan at pangangamba sa isip ko, hindi ko alam pero siguro'y nagsisimula na akong mabaliw kay Rex. Sa kakaisip ng kung ano-ano ay bigla ulit akong nadapuan ng labis na pagkaantok at nakatulog.

---

Kinabukasan linggo ng umaga at kakatapos ko lang mag-almusal nang maicharge ko na ang phone ko, dahil gusto kong malaman kung ano ang nireply ni Rex kagabi, binuksan ko kaagad ang phone ko kahit 2% pa lang ang battery. Pagkabukas ko ay tatlong messages mula kay Rex ang nabasa ko.

(On Text Message)

Rex: "Kakauwi ko lang Gab"

Rex: "Sge gab pahinga ka na, matutulog na rin ako maya-maya"

Rex: "Morning gab! pede mo ba ako samahan maya, dun sa mall na pinuntahan natin kagabi"

Kahit medyo masama ang pakiramdam ko ng umagang iyon ay napangiti ako, kapag una talagang nagtetext si Rex tuwing umaga ay nakakaramdam ako ng saya.

Namiss ko kaagad si Rex kaya pumayag ako na samahan siya at hindi na nagdalawang-isip pa. Alas kwatro ang napag-usapan namin ni Rex na pagsundo niya sa akin sa kung saan kami laging nagkikita. Pagkatapos ng merienda ay agad na akong nag-ayos at umalis. Mga lampas sampung minuto akong naghintay at nagpalamig sa convenience store bago ako masundo ni Rex. Hindi ko pa alam kung anong sadya ni Rex sa mall at bakit naisipan niyang pumunta ulit.

---

Nasundo na ako ni Rex at nasa loob na ng sasakyan, nakita ko na naman si Rex sa pangatlong pagkakataon.

Ako: bakit pupunta ka ulit sa mall na yon?

Rex: may pinabibili si mama tsaka may babalikan rin ako. May nakita kasi ako na jacket na gusto kong bilhin.

Ako: Ahhh...

Rex: nakaalis ka ng bahay niyo, ano naman ang pagsisinungaling na pinaalam mo sa bahay niyo?

Ako: grabee! binanggit pa talaga yung pagsisinungaling! pasalamat ka sinamahan pa kita!

Rex: hahahahaa pero ano ngang sinabi mo?

Ako: sabi ko may sasamahan lang akong friend ko na pupunta ng mall.

Rex: ahh..hindi ka naman pala nagsinungaling.

Ako: kaya nga! hinusgahan mo agad ako!

Rex: Sorry naman! (kasabay ng pagkurot sa pisngi ko)

---

Nang nasa loob na kami ng mall, seryosong naglalakad si Rex, nauuna siya at sinusundan ko lang. Nabanggit sa akin ni Rex na pinabibili siya ng mama niya ng bedsheet at comforter. Nung nasa 3rd floor na kami at naglalakad ay may nag-approach na agad kay Rex na babae..

Girl: Sir. pogi, andito po ulit kayo! may bibilhin po kayo? pasok po.

Rex: Yep! pinabibili ulit ako ni mama ng bedsheet, patingin nga ng mga bedsheets niyo dyan.

Nilingon ako ni Rex at sinabihan na hintayin siya. Nang tuluyan na siyang makapasok sa shop ay biglang dumami ang mga saleslady, yung iba'y nakatingin sa kanya, ngumingiti at parang nagpapacute, yung iba naman kahit may kausap na customer ay sumusulyap-sulyap kay Rex. Paano nga naman kasi na hindi mapapansin itong si Rex, ang lakas lakas ng dating niya at ang attractive. Siguro'y mga kalahating oras bago natapos makipag-usap sa mga sales lady si Rex at makapili ng mga bedsheets at comforter na ipinabibili ng mama niya, nagtagal si Rex makapili dahil hinahanap niya ang gustong design at kulay ng mama niya. Nang makalabas na siya at tutungo na sa akin ay nakita ko pa mga mahaharot na sales lady na magbubulungan at nagtatawanan, sumalabong na lang ang kilay ko at bahagyang napangiti bago ialis ang tingn sa kanila.

Rex: Gab halika na! masyado bang matagal paghihintay mo?

Ako: Ah oo! pero ok lang naman.

Rex: nahirapan kasi ako hanapin yung tipo ni mama na bedsheet.

Ako: ganun ba!

Ilang sandali lang sa paglalakad namin ay napatigil si Rex. Nakita niya pala agad ang jacket na sadya niya rin sa mall. Pumasok kami sa loob ng fashion shop na may mga sapatos, damit, at mga shorts at pantalon, agad na tinungo ni Rex ang jacket na kulay gray at black na nakaguhit sa mga gilid nito, at kinuha ito sa pagkakahanger

Rex: maganda ba gab?

Ako: oo! ganda ng kulay niya.

Rex: bilhin ko na ba?

Ako: ikaw? parang gustong gusto mong bilhin e.

Rex: sige! isukat ko nga.

walang atubiling tinungo ni Rex ang fitting room at mga ilang minuto lang ay lumabas siya na suot na niya ito.

Rex: ano gab. Ganda?

Napabulong na lang ako at nagsabi ng "oo" at mabilis na tumungo-tungo habang pinagmamasdan si Rex na suot ang jacket. Maya-maya lang ay hinubad niya rin ang jacket at pinapasukat din sa akin. Di naman ako nakatanggi agad at sinunod ang gusto ni Rex. Sinukat ko ito at pinakita kay Rex. Nakangiti si Rex na pinagmamasdan ako at nilapitan.

Rex: sakto lang din sa'yo. Parang tumaba ka pa nang sinuot mo!

tiningnan-tingnan ko lang ang sarili ko sa salamin at di nagsalita.

Nang mabayaran na ni Rex ang jacket na binili niya at nakalabas na ng shop. Sinundan ko lang si Rex at nagtungo kami sa parking lot ng mall. Nilagay niya ang mga pinamili niya sa loob ng sasakyan. Pareho kaming nakaramdam ni Rex ng pagkaihi, kaya't bumalik kami sa loob ng mall at nagcr muna. Nauna akong matapos kay Rex kaya nanalamin muna ako, nang matapos na si Rex ay nanalamin din siya sa tabi ko, walang tao sa cr non kaya't naramdaman ko na naman ang kamay ni Rex sa kamay ko, nais na naman niya magholding hands kami, sa sandaling nagdikit ang mga kamay at nagtiklop ang mga daliri namin ay napatingin ako sa kanya sa salamin, labis na lang ang pagkabog ng dibdib ko nang kindatan niya ako, napangiti na lang kaming dalawa habang nagtitinginan sa salamin. May pumasok bigla na lalaki sa loob kaya't bigla kaming napabitaw ng pagkakahawak sa kamay ng isa't-isa at lumabas na ng cr.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 8)
The Guy From PR (Part 8)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/05/the-guy-from-pr-part-8.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/05/the-guy-from-pr-part-8.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content