Sumapit ang Sabado, napag-usapan namin ni Rex na hindi kami magkikita dahil kailangang mag-ot sya sa trabaho niya at nagsisimula na silang maging busy sa office, ang huling text lang ni Rex ay nung umaga pa, he said sa text na he'll try to call me after work, mukhang busy talaga si Rex sa work, naisip ko na wag na lang muna siyang gaanong istorbohin. Pagdating ng tanghali ay nagtext ako ng maikili kay Rex.

(On Text Message)

Ako: "Good afternoon mahal! kain ka na. :)"

Umasa pa rin ako na itetext niya ako...lampas tanghali at dumaan na ang hapon ay wala akong natanggap mula sa kanya, unang beses itong nangyari na ganon katagal siyang hindi nagreply. Gusto kong isipin na sobrang busy lang talaga niya, gusto kong ipaintindi sa sarili ko ang maaaring sitwasyon o kondisyon ni Rex sa trabaho dahilan kaya't di siya makapagparamdam sa akin at magtext man lang pero sadyang mabilis akong dapuan ng pagkatampo.

Nang araw na iyon ay napagdesisyunan kong makipagkita lang muna sa bestfriend ko na si Michaela na miss na miss ko na ring makabonding, mahigit isang buwan na at nung sem-break pa iyon nang huling magkabonding kami ng bestfriend ko, after magresume ng klase ay hindi na kami gaanong nagkakakitaan dahil bukod sa magkaiba kami ng course at parehong busy or busy-busyhan, ay halos magkapareho ang schedule namin. Nagpaalam ako sa parents ko na sa bahay lang ako ni Michaela pupunta na isang sakay lang mula sa amin. Pagkarating ko sa bahay nila Michaela ay agad ako nitong sinalubong at niyakap at ipinaalam sa akin kung gaano niya ako namiss, maraming kinwento sa akin si Michaela, tungkol sa school niya, sa mga nakasomething niya sa school at kung ano-ano pa Nakikinig lang ako sa kanya at tinitingnan habang dumadaldal siya. Pagsapit ng alas singko ng hapon ay lumabas kami at kumain sa isang fast food restaurant, mas marami siyang ginastos dahil mas marami naman siyang pera, hindi pinansin iyon ni Michaela, talagang galante lang siya bilang bestfriend. Nang nasa loob na kami at habang kumakain ay nagtanong itong si Michaela.

Michaela: Bakit parang tumahimik ka yata Gab?

Michaela: Parang ang tamlay mo ngayon? ano meron?

napanganga ako at napatingin ng diretso kay Michael, napansin pa niya sa mukha ko ang pagkatamlay kahit nasa kanya lang ang atensyon ko, totoong medyo natamlay ako dahil nga sa hindi pa pagpaparamadam nitong si Rex.

Ako: Ah...ganun ba. Sa stress lang siguro sa school.

Sa sagot kong iyon ay napaisip rin ako....wala pa nga palang alam ang bestfriend ko tungkol sa lovelife ko, hindi pa niya alam na may boyfriend na ako. Siguro ay magugulat si Michaela kapag nalaman niya at kapag nakita na niya ang hitsura ni Rex na bf ko. Pagkatapos kong sabihin kay Michaela ang dahilan ko ay agad itong nagsalita nang may pagkontra at napaatras ang kanyang ulo.

Michaela: Parang hindi naman dahil sa school.

Ako: ha? ano ba sa tingin mo?

Michaela: lovelife! baka may jowa ka na, di mo lang sinasabi sa akin. (sabay ikot ng kanyang mga mata)

Nabigla ako sa sinabi ni Michaela, ang alam ko ay wala naman siyang clue tungkol sa pagkakaroon ko ng jowa pero bakit tila alam niya at nararamdaman niya. Gusto ko na ring ipaalam kay Michaela ang katotohanan tungkol sa status ko pero hindi iyon ang tamang pagkakataon at hindi iyon ang tamang lugar, mas maayos ipaalam sa kanya kapag kaming dalawa lang sa isang lugar na tahimik o malayo sa ibang mga tao.

Ako: haaa? wala ah.

Michaela: Ewan ko sa'yo! malalaman ko rin.

Ako: Baliw!

Michaela: malalaman ko rin ang kalandiang ginagawa mo. hahaa

Ako: Grabee ka naman sa'kin! hindi ako malandi no! tulad mo'ko sa'yo!

Michaela: hoy! di ako malandi! sadyang maganda lang ako no. hahaa

Napahagikhik na naman ako sa pagpapatawa ni Michaela, madalas niya talagang ipagsiksikan ang kagandahan niya, minsan ay kumokontra ako at minsan ay sasang-ayon na lang ako para naman sumaya siya. hahaa!

Nagpatuloy lang ang pag-uusap namin ni Michaela na may kasamang nakakatawang biruan hanggang sa matapos na lang kami sa kinakain namin at makalabas na sa fast food restaurant. Paglabas ay wala na kaming ibang maisip na puntahan kaya't napatigil kami sa isang parke at umupo muna sa isang bench. Nang makaupo na kami ay pareho kaming naging busy sandali sa sari-sariling phone. Naglalaro lang ako ng isang app game sa android phone ko.. nang makaramdam ng pagkasawa ay nag-exit ako sa laro at naisipang magbackread sa mga text messages namin ni Rex, sa pagbabasa kong iyon ay napaisip ako sa kung ano na ang ginagawa ni Rex, kung busy pa siya o kung naiisip pa ba niya ako. Sa gitna ng pag-iisip ay napatigil ako, hindi ko napansin na sa saglit na pagkatulala kong iyon ay nakasilip at pilit na tinitingnan na pala ni Michaela ang mga texts na binabasa ko, napatingin ako kay michaela, bigla akong napatakip sa screen ng phone ko at napangiti. Pagkatingin kay Michaela ay pansin ko sa mukha niya ang malaki niyang ngiti na may kasamang pagkagulat.

Ako: bakit?

Sa tanong kong iyon ay umiling-iling lang si Michaela. Doon ko na naisip na maaaring may nabasa siya sa text message namin ni Rex at maaaring alam na niya na may jowa nga ako.

Ako: Micha? bakit nga?

Nanatiling nakangiti si Michaela at nagsalita.

Michaela: may nabasa akong "mahal". Sino si mahal?

Nagsimula na akong kabahan sa sinabi ni Michaela, napag-isip isip ko na wala na akong kawala at kailangan ko nang ireveal sa bestfriend ko ang totoo. Bago ako makapagsalita ay napahagod ako sa noo ko

Ako: Ahmmm....may jowa na nga ako Micha.

Nang inamin ko na ito kay Michaela ay napatayo siya at napatakip ng kanyang bibig dahil sa pagkagulat.

Michaela: Talaga ba? sabi ko na nga ba e. hahaa

Michaela: Pag nagkakasalubong kasi tayo sa school, ang fresh mo lang tingnan at halatang masaya, napaisip ako..."Naku may lovelife na yata ang bakla" hahaa

Napatawa lang ako ng mahina at nakaramdam ng kaunting pagkahiya habang pinapakinggan ko si Michaela at pinagmamasdan ang kanyang reaksyon

Ako: Ooh! okay na?? alam mo naa.

Michaela: Malandi kaa! paano kayo nagkakilala beks?

Ako: Makatawag naman ng malandi! Alam mo na naman yung app na ginagamit ko kapag humaharot diba? nagkachat lang kami don.

Michaela: ahhh...kailan lang naging kayo?

Ako: Nung December 1...

Michaela: Kinilala mo naman ng maayos yan? baka nagpatira ka lang dyan pagkatapos naging kayo na. hahaa

Malakas-lakas ang pagsasalita ni Michaela kaya't nanlaki ang mga mata ko at nahampas ng hindi inaasahan si Michaela na napa-aray at humalakhak lang.

Ako: Baliw ka Micha! ang ingay mo!!

Michaela: Hahaa sorry naman!

Michaela: pero pang-ilang meetup niyo bago naging kayo?

Ako: Pangatlo....pero puro weekends yon. Lagi din naman kami nakakapag-usap, mukha naman kasing mabait si Rex at sincere

Michaela: At Rex pala ang name ha! sana naman mabait yan at di ka lolokohin...

Ilang saglit lang ay dinikitan ako ni Michaela at muling nagsalita.

Michaela: Pero gab...anong feeling? masakit ba o masarap? haha

Ako: Hahaa sira ka talaga! wala pang nangyari na ganon!!

Michaela: Ahh ok..mangyayari pa lang ganon. hahaa

Napakamot lang ako ng ulo ko sa mga pinagsasabi ni Michaela, ilang segundo lang ay pinagpatuloy pa rin niya ang pagdadaldal at pagtatanong.

Michaela: May picture ka niya gab? patingin ako. Curious ako sa hitsura niya. Gwapo ba?

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at pinatingin ko sa bestfriend ko ang mga pictures ni Rex na nakasave sa phone ko.

Habang tinitingnan ni Michaela ang mga pictures ni Rex ay napapanganga siya at napapatakip ng bunganga, labis ang pagkamangha ng bestfriend sa kagwapuhan pa lang taglay ng boyfriend ko na si Rex, pagkatapos matitigan at mapagmasdan ni Michaela ang mga pictures ay napalakas na naman ang boses niya, napahila sa damit ko at inalog-alog ako.

Michaela: nakabingwit ka ng ganito kagwapoooo!! totoo ba na siya? wala kayong picture together?

Ako: Wala pa bes e. Siguro sa susunod pag nagkita ulit kami.

Muling napatingin si Michaela sa mga pictures ni Rex at paulit-ulit na binabanggit kung gaano ito kagwapo at ang swerte ko daw sa boyfriend ko. Napangiti na lang ako sa naging reaksyon ng bestfriend ko. Napakwento ako sa kanya ng lahat-lahat tungkol sa kung anong mga nangyari sa mga pagkikita namin. Hug at kiss lang ang sinabi ko kay Michaela na pinakaintimate na nangyari sa'min ni Rex. Habang kinikwento ko ang mga iyon ay hindi ko maintindihan kung kinikikig or natatawa si Michaela, pinagsisiksikan niya lang talaga na isa akong malandi na tinatawanan ko lang dahil sanay naman ako sa mga biro ng bestfriend ko, sanay na kami sa mga pang-aasar sa isa't-isa

---

10:30 pm na at habang naglalakad na kami ni Michaela papunta sa paghihintayan ko ng sasakyang jeep ay biglang nagring ang phone ko, ang akala ko ay si mama ang tumatawag ngunit laking tuwa ko nang si Rex pala.. napangiti ako at napatingin kay Michaela. Kahit natuwa ako sa pagtawag ni Rex ay parang meron sa loob-loob na ayaw ko itong sagutin, gusto kong maramdaman ni Rex ang pagtatampo ko sa hindi niya pagpaparamdam. Hindi ko nireject ang tawag at hinayaan ko lang na magring ngunit nagulat na lang ako nang biglaan itong hablutin ng bestfriend ko sa kagustuhang sagutin ko ang tawag. Nang makuha niya ang phone ko ay agad niyang sinagot ang tawag at sinimulang magsalita. Kukuhain ko na sana ang phone pero lalo pang lumayo si Michaela sa akin. Salita nang salita si Michaela.

Michaela: "Hello Rex!"

Michaela: "Ahh..kasama ko si Gab. Bakit?

Michaela: "Ano?"

Hindi ko na pinatagal ang pag-uusap nila ni Rex at nahatak ko ang phone ko sa pagkakadikit sa tenga ni Michaela. Napatingin ako sa bestfriend ko na may halong inis, hindi pa binababa ni Rex ang tawag at kinausap ko na lang. Sa pagkakataong iyon ay napatigil kami sa gilid ng kalye na nilalakaran namin, nakangiti sa akin si Michaela at tila inaasar ako.

(On Phone Call)

Ako: "Hello"

Rex: "Hello mahal!! sino yung sumagot? at bakit ang tagal mo sagutin?"

Ako: "bestfriend ko pala yun, e nakasilent kasi phone ko kaya di ko nasagot agad"

Rex: "bakit siya yung sumagot"

Ako: "hinablot niya kasi sa'kin e"

Rex: "ganon ba?"

Rex: "kakauwi ko lang galing office e, lowbat ako kanina kaya di kita natext"

Ako: "ah ok...sige maya na lang ulit tayo usap"

Rex: "hahaa bakit? saan ka ba?

Ako: "bastaa pasakay na ako ng jeep mamaya na lang"

Rek: "Ok sige"

Agad kong binaba ang tawag, nagpatuloy na kami sa paglalakad, tinapik ko ang ulo ni Michaela sa ginawa niya, hindi ko tuloy nagawa ang plano ko, gusto ko sanang malaman kung tatawag pa ulit si Rex kung di ko nasagot ang tawag.

Ako: baliw ka talaga e no!

Michaela: sorry naman! bakit kasi ayaw mo sagutin yung tawag ng mahal mo?

Ako: e kasi nga naglalakad pa tayo

Michaela: huh? e ano naman!

Ako: ewan!!

Kinurot ako ni Michaela sa braso.

Michaela: Parang galit ka at nagtatampo ka sa mahal mo e.

Ako: Hindi ah.

Michaela: Anong hindi? e halatang halata sa'yo nung magkausap kayo!

Ako: Haay! basta!

Michaela: Sus! ang arte mo! bakla ka!

Tumawa lang ako at tinuon ang atensyon sa dinadaanan namin. Nang malapit na kami sa kalsada at kita ko na ang mga dumadaang jeep ay bumukas na naman ang bunganga ni Michaela at muli akong kinausap.

Michaela: Gab! ang ganda ng boses ng jowa mo ah! ang lakas ng datingan!

Ako: Sexy ba? ganon?

Michaela: Ganun na nga! ang sarap pakinggan. Lalaking-lalaki.

Ako: kaya nga e. hahaa

Ako: bakit yung sa'kin. Hindi ba?

Michaela: hahahaa lalaki din yung boses mo pero parang bumibigay minsan. hahaa

Ako: siraa!

Ilang minuto lang nang makalabas na kami ng kalyeng nilalakaran namin ay nagpaalam na ako sa bestfriend ko at sumakay na ng jeep. Nakarating ako sa street namin ng mag-aalas onse na. Pinili kong hindi muna pumasok sa bahay at umupo muna sa labas para kapag tumawag ulit si Rex ay makapag-usap kami ng maayos.

Sampung minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin tumatawag si Rex, itetext ko na lang sana si Rex at sasabihing matutulog na ako, nagtatype pa lang ako nang makatanggap ako ng text mula kay Rex.

(On Text Message)

Rex: "Pede nba ko tumawag?"

Dahil gusto ko naman talaga makausap si Rex ay nireplyan ko agad siya, tumawag siya agad at agad ko ring sinagot.

Rex: "nakauwi ka na?"

Ako: "Oo, nasa labas ako"

Rex: "Ahh..nakapagdinner ka ba?"

Ako: "Oo kasama bestfriend ko, ikaw?"

Rex: "Oo kanina sa work.....alam ba ng bestfriend mo ang tungkol sa'yo at sa atin? kasi kanina.. "mahal" ako nang "mahal". Siya pala ang sumagot.

Ako: "Oo alam na niya ang tungkol sa'kin, matagal na. At kanina lang niya nalaman ang tungkol sa'tin"

Rex: "Ok mabuti naman...

Rex: "Bakit parang iba na ang pakikipag-usap mo sa'kin? hindi mo na ako tinatawag na "mahal"

Ako: "ikaw nga din e"

Rex: "hindi ah, ikaw nag-umpisa e"

Pansin na ni Rex na parang nagtatampo ako, dahil mahina lang akong magsalita at hindi ko ginagamit ang call sign namin bilang magbf.

Rex: "Feeling ko...may tampo ka sa'kin"

Ako: "Wala ah"

Rex: "nagtatampo ka e, kasi di ako nagtext at nakapagreply sa'yo kanina, wag mo na ideny"

Hindi ako makapagsalita at pinapakinggan ko lang ang mga sinasabi ni Rex. Kinakausap ako ni Rex sa mahina niyang boses.

Rex: "sinabi ko naman sa'yo ang dahilan diba? at alam mo na sobrang busy na ako sa work. Sorry na mahal"

Ako: "naiintindihan ko naman e, di ka man lang kasi nagtext, may lunch break naman kayo pero di ka nagreply sa'kin nung nagtext ako"

Rex: "lowbat nga ang phone ko, at di ko nadala charger ko, alam mo naman na nagmamadali ako kaninang umaga"

Ako: "Oo na, naniniwala ako sa'yo mahal"

Rex: "sinabi ko naman tatawagan kita, oh eto na tinawagan kita agad"

Rex: "wag ka na magtampo. Mahal naman kita e"

Mabilis na kabog ng dibdib ang naramdaman ko sa sinabi ni Rex, tila may gustong kumawalang kilig at umaapaw na saya mula sa akin nang marinig ko iyon mula sa mahina at seryosong boses ni Rex.

Ako: "oo na, di na ako nagtatampo mahal"

Rex: "patampo-tampo ka pa dyan, halikan kita e"

Ako: "hahaa gusto ko yon"

Rex: "ibibigay ko sa'yo yan, higit pa diyan ang ibibigay ko. Humanda ka lang mahal"

Ako: "kinakabahan naman ako diyan. hahaa"

Rex: "hahaa pero nasa sa'yo pa rin yan mahal kung gusto mo na"

Rex: "mahal, gusto kong bumawi sa'yo. Kita tayo bukas, mga 5pm, pwede ka?"

Ako: "pwede! pero may work ka diba?

Rex: "maaga out ko, puro overtime ako this week e, tsaka pinipilit ko talagang tapusin asikasuhin lahat ng mga documents sa office para naman may time ako sa'yo"

Ako: "Talaga mahal, nice naman"

Rex: "oo nga, medyo kaunti na lang ang aasikasuhin ko tsaka sa weekdays pa yata may mga clients na magpaparecommend"

Ako: "buti naman kung ganon, sige mahal! kita tayo bukas"

Rex: "Sige! anong gusto mong gawin natin? gusto mo bang kainin si Bicol Exp-REX? masarap siya at hot. hahaa"

Ako: "hahaa kung ano-anong naiisip!

Rex: "Ano nga gusto mo?"

Ako: "Nood na lang tayo ng movie mahal, tagal na natin pinag-usapan na magsisine tayo"

Rex: "Ok sige mahal, bukas ha! dating gawi lang"

Mag-aalas dose na ng matapos kaming mag-usap ni Rex. Pagkapasok ko ng bahay at pagkahiga ko sa aking higaan ay ramdam ko ang umaapaw na saya sa puso ko na pinalitan ang kaunting lungkot at lumbay na naramdaman ko nung umpisa at kalagitnaan ng araw na iyon.