Homebased Call Center (Part 10)

By: Mk

"Babe?... Punta lang akong mall mamaya," pagpapaalam ko kay Lance habang nakaupo ako sa kama niya at nakasandal sa headboard at siya naman ay nakaunan ang ulo sa hita ko at nakahigang pahalang sa kama na naka-de-kwatro. Sinusuklay suklay ko ang buhok niya ng mga daliri ko habang nagce-cellphone siya.

"Sino kasama mo?" tanong nito habang abala siya sa phone niya.

"Ako lang," sagot ko naman habang patuloy ako sa paghimas ng buhok niya. "Mag-Tshirt ka nga ang lamig lamig eh," sabi ko sa kanya dahil naka topless siya at nakapajamas lang.

"Mamaya na," sagot naman niya. "Anong gagawin mo dun?"

"May bibilhin lang," maiksing sagot ko.

"I'll go with you," sabi niya na parang hindi siya humihingi ng opinyon ko kung isasama ko siya o hindi.

"'Wag na, dito ka na lang, may lagnat ka pa," pag-alala ko naman sa kondisyon niya. "Mamaya mabinat ka."

"Please?" tumingin siya sa akin na para bang nagmamakaawa. "Babe sobrang bored na ko dito sa bahay. Maawa ka naman sa 'kin."

"Ang kulit nito," habang patuloy pa rin ang pagsuklay ko ng daliri ko sa buhok niya.

"Ang daya naman... Fine... Basta gamitin mo 'yung kotse, nandiyan sa drawer ng side table 'yung susi," casual naman niyang sabi habang patuloy pa rin sa pagce-cellphone.

"Wag na, baka may makakita pa sabihin bakit ko gamit 'yung sasakyan mo," tanggi ko naman.

"Kesa naman mag-commute ka, sayang pamasahe," pagpupumilit naman nito.

"Sira, mas sayang sa gas, haha!" natawa naman ako sa pambabara ko sa kanya.

"Basta bumalik ka agad ha?" sabi naman niya.

"Opo," sagot ko sabay halik sa noo niya.

Natahimik kami ng mga ilang minuto...

"Ano ba 'yang pinagkaka-busyhan mo jan?" usisa ko naman sa kanya dahil kanina pa siya nagce-cellphone.

"Wala, sumasagot lang ng mga PM," sagot naman niya.

"Sino naman nagp-pm sayo?" usisa ko pa.

"Mga fans hehe," nangingiting sagot niya.

"Wow! Nahiya naman ako," biro ko pa... "Babe, ina-add pala ako ni Nics..." parang hindi niya narinig 'yung tanong ko at deadma lang siya. "I-accept ko ba?"

"Ikaw?" walang ekspresyon ang mukha niya ng sumagot siya.

"Ewan ko nga eh," bigla kong dinampot ang cellphone ko at inopen ang FB. Pinakita ko sa kanya 'yung friend request ni Nics. "Ang awkward kasi 'di ba na i-add niya ako? Para kasing bakit niya ako i-add?... Alam ba niya na tayo?"

"Ewan ko," maiksi niyang sagot.

"Ang sungit naman nito," bahagya akong naasar sa mga pagsagot niya.

"Hindi ko nga alam!" parang wala siya sa mood sa topic na 'to.

"Eh bakit nagagalit ka?" tanong ko naman sa kanya.

"Hindi ako galit, okay?" sabi niya habang busy pa rin sa cellphone pero bakas ko sa mukha niya ang pagkairita ng binuksan ko ang topic about kay Nics.

"Anyway, sige 'wag na lang," sabi ko sabay lock ng phone ko at nilapag ko sa tabi ko. Natahimik ulit kaming dalawa habang sinusuklay ko pa rin ng daliri ko ang napaka-lambot niyang buhok. Parang kuntento na akong nakikita siyang ganito, behave hehe. Shit nabo-bored ako, tanghaling tapat kasi, parang may gustong gawin 'yung katawan ko pero tinatamad ka naman kaya napahikab tuloy ako.

"Oh bakit?" nagtapon naman siya ng tingin sa akin habang nakayuko ako sa kanya. "Inaantok ka na? Pahinga ka naman muna, wala ka pa ring halos tulog," paglalambing pa niya ng nilapag niya ang cellphone niya.

"Hindi naman," sabi ko naman sabay hikab ulit.

"okay basta kiss mo ko," sabi niya ng umaktong ngumuso pa at pumikit. At dinampian ko naman siya ng halik na mabilis. "Yun na 'yun?" sabi niya habang nakapikit pa rin. At yumuko ulit ako para abutin ang labi niya at medyo diniin ko ang halik ko at saka naman niya hinila ang batok ko na nagpadiin pa ng labi ko sa kanya. Hanggang sa gumaganti na siya ng halik na sinasamahan na ng dila. "Mmmm... Mmmm..." mahihinang ungol niya. Mainit ang naging palitan namin ng halik, literal na mainit dala na rin ng pagkakaroon niya ng lagnat dahil bahagyang nararamdaman ko ang init ng bawat hinga niya habang hinihimas ko naman nag dibdib niya at mga tulog pa niyang abs. Ang kinis ng katawan niya na damang damang ng palad ko.

Matagal din kaming naghahalikan hanggang sa bumangon siya sa pagkakahiga at naupong sumandal pa sa headboard habang kumandong naman ako paharap sa kanya. Itinuloy namin ang mainit at madiin naming paghahalikan habang hinihimas ko na ang bukol niya na bakat sa pajamas niya. Pina-plantsa ko ito ng aking palad na unti unti namang nagpapatigas at bumubuhay dito. Hindi nagtagal ay pinasok ko na ang kamay ko sa loob ng pajamas at briefs niya. Doon ko nasalat ang lumalaki na niyang ari. Marahan ko itong sinasalsal, lumalaki ito at tumataba sa aking mga palad, paminsan minsan ding kumikislot.

Ibinababa ko ang halik ko sa kanyang leeg... papuntang dibdib at nilaro ng dila ko ang magkabila niyang mga utong habang hinahagod niya ang buhok ko. "Ahhh... Shit...." ungol pa niya. Ibinaba ko ang aking mga labi sa kanyang abs at pinupog ito ng halik hanggang sa ibinaba ko ang pajamas niya kasabay ng briefs at isinabit ang garter nito sa ilalim ng kanyang mga itlog. Tumambad sa mukha ko ang kahabaan at kalakihan ng ari niya. Napakaganda nito at mabango, halos pinkish na namumula-mula ang ulo. Nakita kong may kaunti na siyang pre-cum na agad ko namang hinigop sa butas ng ari niya. "Ooh shiiit..." Ikinikiskis ko ang mga labi ko sa kahabaan ng ari niya, taas-baba at paminsang dinidilaan at hinihigop ang sobrang laman ng ari niya na nagpapabaliw naman sa kanya.

Hindi nagtagal ay sinubo ko na ang ari niya na hanggang kalahati lang muna habang hawak ng kamay ko ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kasabay ng pagsuso ko sa kanya ay ang paikot na pagsalsal ko sa ibabang bahagi nito. Mabaliw baliw siya sa giangawa ko... Mainit ang kanyang ari kumpara noong wala siyang sakit. "Babe ang init ng bibig mo... Aaahh..." Patuloy lang ako sa pagsuso sa kanya hanggang sa tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak dito at saka siya humawak sa ulo ko upang igabay ang pagsuso ko na sinasabayan niya ng mahingang pagbayo sa bibig ko. Hanggang sa napahinto na lang ang ulo ko sa pagtaas baba at siya na ang bumabayo sa bibig ko na paminsan minsan ay sumasagad sa lalamunan ko kung saan bahagya akong nabibilaukan. Mariring mo ang bawat paghigop ko sa ari niya na may kaunting laway na kasama.

Bumibilis na ang pagbayo niya sa bibig ko at para bang unti unti na siyang nanggigigil at madalas na itong sumasayad sa lalamunan ko. "Ugh! Shit! Aaahhh... Fuck ang saraaap... Aaahhh... Uhhmmm" Mga ungol niya....

"Ullk... ulk... ulk..." habang ako naman ay nabubulunan sa bawat pagkadyot niya sa bibig ko. Halos maluha luha na ako sa laki at taba ng ari niya ngunit hindi ko ito iniinda mapaligaya ko lang siya.

"Babe... Malapit naaaa..." sabi pa niya hanggang sa bumilis ng bumilis... at saka niya isinagad ang kabuuan ng ari niya na nagpaangat ng balakang niya habang sabunot niya ang buhok ko na idinidiin ang ulo ko sa ari niya. Doon ko naramdaman ang pagsambulat ng mainit niyang mga katas. Marami siyang inilalabas na katas na inipon ko sa bibig ko hanggang sa hinugot niya ang ari niya at hinila ang buhok ko na nagpatingala sa akin upang makita niya ang mukha ko. Binuka ko naman ang bibig ko at pinakita sa kanya ang mga katas niyang nasa bibig ko at saka ko nilunok na para bang bata. Nangingiti naman siya at ganun din ako. Ibinalik ko ang pagsubo sa ulo ng ari niya at sinimot ko pa ang katas na naiwan sabay lunok. "Ang saraaap... Aahhh..." Sinandal ko ang mukha ko sa singit niya na nakatapat naman sa ari niya. Sinampal sampal niya ang ari niya sa pisngi ko at kinikiskis sa labi ko.

Ilang minuto kaming nagpahinga at naghalikan ng muli ko siyang sinalsal upang tumigas saka ko siya muling sinuso sa pangalawang pagkakataon. "Babe, I want to fuck you," sabi niya habang sinususo ko siya na nakapatong ang kamay niya sa ulo ko at saka sabay luwa ko dito.

Tuluyan na niyang hinubad ang pajamas niya kaya nakahubo't hubad na siya sa harapan ko. Hinubad ko na rin ang shorts ko kaya halfnaked naman ako. Dahan dahan akong umupo sa ibabaw niya habang nakasandal siya sa headboard at inumpisahan kong magtaas baba sa ari niya habang nakakapit ako sa mga balikat niya at siya naman ay nakakapit sa balakang ko. Pinagbigyan ko siya ng tanghaling 'yon. Pinaligaya ko lang si Lance kahit may sakit siya...

-----------------------------------------------------

'Ang hirap namang pumili, ano ba yan?' Sabi ko sa sarili ko. Hindi naman kasi ako ganung maporma katulad ni Lance. Kanina pa ako paikot ikot dito sa department store, hindi ko alam ang ireregalo ko sa kanya para sa birthday niya bukas. Tumungo ako sa Vans section para kasing nahiya ako kung mumurahin lang ang ibibigay ko sa kanya, medyo na-pressure lang ako. Kung sakali hindi ko din pala alam ang size ng damit niya pati na rin ng paa niya. Parang susuko na ko... haaaist... Sana nga sinama ko na lang siya para isukat na niya ng diretso at siguradong magugustuhan niya din.

Siguro mahigit 15 minutes na kong nagpapaikot ikot. Para akong naghahanap ng wala hehe.

"Here, he would love this," sabi ng boses isang lalaki. Napatingin naman ako sa kanya ng ihinto ko ang paghahaluglog sa rack... Si Robbie pala.

"Oh Robbie?" gulat na sabi ko ng luampit na siya sa pwesto ko bitbit ang isang black na hoodie. "Ano'ng ginagawa mo dito? Sino kasama mo?"

"I'm alone, nagiikot lang din," sagot niya ng inabot sa akin ang hoodie. "Ito bagay kay Lance, he'll surely like this."

"Paano mo naman nasabing naghahanap ako ng damit ni Lance?" pagtataka ko naman.

"Birthday niya tomorrow 'di ba? So I just assumed, hehe," sagot niya sabay ngiti. Ngayon ko lang na-appreciate na ang gwapo talaga niya. Ang ganda pa ng mga labi niyang maninipis na mamula mula. Ang puti niya at halata mong anak mayaman, para siyang Fil-Am at ang tangkad pa. Naka-3/4 na shirt at fitted na pants, halos parehas sila ng pormahan ni Lance. Ngayon ko lang napansin na may hikaw pala siya.

"Ah oo, wala kasi akong maisip na iregalo," nangingiti lang ako. "Mukha ngang maganda 'to... Sige ito na lang..." habang pinagmamasdan ko ang damit. "Thanks ha, bayaran ko lang." Sumunod naman siya sa akin sa cashier at tumabi habang nakapila ako.

"Bakit 'di mo kasama si Lance?" tanong niya.

"Ah nilalagnat, hindi ko na pinasama," sagot ko naman.

"Ah yeah, nabanggit nga niya," sabi niya ng bigla niyang naalala. "Is he feeling better now?"

"Hindi pa masyado, medyo may sinat pa siya eh," casual na sagot ko naman.

"Ah okay..." sagot niya... "By the way, kumain ka na?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi pa actually, hehe," nangingiti ko namang sabi.

"Good," sabi niya.

"Ha?" nagulat naman ako sa sagot niya, meaning mabuti na hindi pa ako nakakakain?

"No, I mean, good kasi may makakasama akong kumain, nagugutom na kasi ako eh," nangingiting sabi niya na parang nabasa niya ang naiisip ko. "My treat."

"Wag na nakakahiya naman," tanggi ko naman.

"Para namang iba 'to oh," sabi pa niya. "Gerry's na lang, okay lang? I'm craving for Sinigang kasi hehe."

"Okay lang," sagot ko.

"Next na daw po," sabi ng babae sa likod ko. Bigla akong napatingin sa counter at iniintay na pala kaming dalawa. Lumapit naman kami ni Robbie sa counter at inabot ang damit habang natatawa naman kami kasi daldalan kami ng daldalan, kami na pala ang susunod.

"Dinadaldal mo kasi ako eh," biro ko pa sa kanya at natatawa lang siya. Napapansin ko din na hindi maiwasan ng mga empleyado sa cashier counter na mapatingin kay Robbie. Angat naman kasi ang kagwapuhan niya talaga at matangkad pa. Tipong mapapalingon o mapapatitig ka talaga sa kanya kapag makita mo siya.

Pagkatapos naming bayaran ay tumungo kami sa gift wrapping station at pinabalot ang damit. Mabuti at kami kaagad ang inasikaso dahil wala namang ibang nagpapabalot. Pagkatapos ay tumungo na kami sa Gerry's Grill, nagulat ako na parang kilala siya dito ng mga staff. Kakilala niya pala ang manager at madalas din siya dito. Umorder siya ng sinigang na baboy, lumpiang shanghai, at platter ng fried rice. Parang ang dami niyang inorder dalawa lang naman kami.

"I'll go with you later," sabi ni Robbie habang hinihintay namin ang orders niya. "Bisitahin ko si Lance."

"Kaso commute tayo, okay lang?" paliwanag ko naman sa kanya.

"It's okay, may dala naman akong kotse," ngiti naman niya. "Bili na lang tayo ng fruits later."

Sa totoo lang ay parang na-iilang pa ako sa kanya. Hindi naman kami ganoong ka-close kasi hindi naman kami halos nakapag-usap sa bar pero parang casual lang siyang nakikipag-usap sa akin na akala mo ay matagal na niya akong kaibigan. Mabait naman pala siya, dati kasi parang nai-intimidate ako sa kanya.

Dumating din ang foods at nag-umpisa na kaming kumain. Nagulat ako na parang ang lakas niyang kumain pero hindi naman siya mataba, ang ganda nga ng built ng katawan niya. Nakakatuwa siyang panoorin habang kumakain para kasing hindi bagay sa kanya.

"Sorry, I'm really hungry hehe," sabi niya habang nangingiti.

"Okay lang," ngiti ko naman.

"By the way, do you still have any plans after this?" tanong niya.

"Wala naman na," sagot ko naman.

"Okay lang ba samahan mo ko? Bili lang ako ng damit, may party kasi sa office sa Saturday eh," paki-usap naman niya.

"Sige," sagot kong nakangiti. "By the way, bakit hindi mo kasama girlfriend mo?"

"Girlfriend?" nangingiti pa siya. "I don't have a girlfriend..."

"Bakit naman?" na-curious tuloy ako. "Sa gwapo mong yan?"

"Please don't flatter me, hehe," biro naman niya. "I don't know? Maybe I am looking for someone na 'yung tipong pang-matagalan na. I'm not getting any younger na rin. Siguro wala pa hehe."

"For sure madami ka ng napa-iyak? hehe," pasimpleng biro ko naman.

"Sila nga nagpapa-iyak sa akin eh, hehe," sagot niya na natatawa.

"Ikaw iiyak sa babae? hehe," biro ko pa.

"Syempre naman 'no? hehe," napangiti naman siya. Natahimik siya bigla at mukhang naging seryoso habang nilalaro ng tinidor niya ang shanghai... "I hope that I'll find someone... hmmm... like you?" Nagulat naman ako sa sinabi niya at napatingin ako sa kanya habang nakayuko siya at tinititigan lang ang pagkain. Parang bigla siyang naging seryoso. "I mean, don't get me wrong... Someone like you na nagpapasaya kay Lance hehe... Wait pano ko ba i-explain? hehe... I mean it seems na sobrang saya sa 'yo ni Lance and ngayon ko lang din siya nakitang nag-stand sa isang taong mahal niya... Wait lang I mean hindi guy ang tinutukoy ko na hinahahanap ko, girl pa rin pero 'yung katulad mo na alam mo 'yun... Gulo ko 'no?"

Nangingiti lang ako sa kanya though nage-gets ko naman 'yung gusto niyang sabihin. "I understand, don't worry...hehe..." at nangiti lang din siya habang nakayuko pa rin.

"I haven't felt that kind of feeling in a long time... Actually parang never pa nga hehe," dagdag pa niya. Aba parang sobrang open naman niya sa akin at hindi siya naiilang. Sa lakas ng personality niya parang ngayon ko lang nakita ang emotional and serious side niya. "Somehow naiinggit ako sa bestfriend ko, both of you seems happy and contented with each other, while me? I don't know," ang weird nitong si Robbie sa loob loob ko.

"Makikita mo din 'yun, hehe," biro ko na lang para ma-lighten up ang mood.

"Bakit parang I am about to cry?! haha," biglang ngiti niya.

"Ewan ko ba sa 'yo? Hindi naman tayo umiinom ng alak ah? haha!" sabay tawa naming dalawa.

Hindi namin napansin na naka isang oras mahigit din kami sa restaurant sa pagku-kwentuhan namin ni Robbie at picture picture din. Grabe siya kahit anong anggulo gwapo, walang pinipili. Base sa pag-uusap namin, napansin ko na mabait siya at matalino. Madami kang matutunan sa kanya. Sa totoo lang parang ang humble nga niya eh iba sa first impression ko sa kanya noong na-meet ko siya sa bar. Pagkatapos naming kumain ay sinamahan ko siyang mamili ng damit niya at mabilis naman siyang nakapili.

"What do you think?" tanong niya sa akin ng lumabas siya ng fitting room. Ang gwapo niya sa sinuot niyang maroon na turtle neck tapos topped with fitted black coat.

"You look good with it," ngiti ko naman sa kanya. "Kahit ano naman yata isuot mo babagay sa 'yo eh," biro ko pa.

"'Wag mo na kong bolahin, hehe. Sige ito na lang, thanks ha?" sabi naman niya habang tinitignan ang sarili sa salamin.

"Para saan?" Tanong ko naman.

"Sa pagsama mo sa 'kin," casual na sagot niya.

"Ako nga dapat magpasalamat kasi tinulungan mo ko'ng makapili ng ireregalo kay Lance. Thanks din," bawi ko naman sa kanya. Pumasok na siya ng fitting room ulit. Hindi nagtagal ay lumabas din siya at bitbit na ang mga sinukat niya. Binayaran na namin ito.

"May bibilhin ka pa ba?" tanong ko naman sa kanya habang pinapasok sa wallet niya ang credit card na ginamit niya pati na rin ang receipt.

"Are you in a hurry ba?" kaswal na tanong naman niya habang palayo kami sa cashier.

"Hindi naman, bakit may bibilhin ka pa ba?" usisa ko pa.

"You know what, feeling ko ang dami nating nakain kanina," nangingiting sabi niya ng tinaasan ko siya ng kilay. "Okay, ako lang pala ang malakas kumain haha!... I know this is weird but..."

"Ano 'yun?" tanong ko habang pilit kong hinuhulaan ang gusto niyang sabihin.

"Uhm... wait... hehe..." halata mo sa boses niya para bang kinakabahan na nahihiya siya. "Can we go sa... uhm... arcade?" nahihiyang tanong niya.

"Arcade?" pagtataka ko naman.

"Yes, please?" parang batang pakiusap naman niya. "Since we're here na rin naman. Please? The last time I played at the arcade was with Lance pa. I've been wanting to do this for ages na. Haha. But if you're in a hurry, we can go home na, no pressure."

"San ba dito 'yung arcade?" nangingiti na lang ako.

"Woah! Thank you!... Here," excited naman siya habang nauna sa akin at tinuturo kung saan ang daan. Parehas nga sila ni Lance. No wonder na mag-best friend nga sila, parehas kasi silang parang mga bata.

Nang makarating kami sa arcade ay dumiretso kami kaagad sa cashier, "Ako na," sabi ko sa kanya habang naghahanap siya ng bills sa wallet niya. Dumukot na ako ng pera para mag-load ng cards namin.

"Nope ako na," pagpupumilit pa niya habang inaabot ang isang libo niyang hawak.

"'Wag na," pangiti kong sabi sa kanya habang hindi ko naman tinatanggap ang inaabot niyang pera.

Nakaktuwa siyang pagmasdan na akala mo'y isang bata na excited na excited. Masaya kaming naglaro. Bigla kong naalala si Lance sa kanya at bigla na lang akong napangiti. "Uy mamamatay ka na!" sabi naman ni Robbie habang naglalaro kami ng zombie shooting game na para bang naghila naman sa akin sa realidad. "Ayan tuloy namatay ka na... Hanap tayo ng ibang laro..."

"Sorry ha bigla kasi akong may inisip haha!" pabiro ko sa kanya. "Tatalunin kita sa next na game! Haha!" Sabay akbay naman siya sa akin at nagtungo kami sa basketball. "Naku hindi ako mahilig mag basketball."

"Kaya mo 'yan," pagpapalakas pa niya ng loob sa akin.

Nagpatuloy lang kami sa paglalaro, nakakaaliw siyang pagmasdan akala mo hindi nauubusan ng energy. Parang gusto yatang laruin lahat dito sa arcade. Nagbowling din kami at videoke. Magaling din siyang kumanta katulad ni Lance. Iisa sila ng mga hilig sa music.

"May natitira pa 'kong credits," sabi ko kay Robbie habang nagiisip siya ng susunod na lalaruin. "Ikaw na gumamit." Inabot naman niya ang card.

"Tara dito na lang tayo," sabay hila niya sa akin sa isang photobooth. Wala na rin naman akong nagawa kundi sumunod. Puro wacky lang na poses ang ginawa namin. Nang paglabas namin sa booth ay hinihintay ko namang lumabas ang photo strip namin ng biglang...

"Robbie?" tawag ng isang babae na papalapit sa amin. Parang ka-edaran lang din namin, maganda siya at payat, mahaba ang buhok na may shades pa na naka-headband sa ulo.

"Hey Kath!" bati ni Robbie sabay yakap. "It's been a long time."

"What are you doing here?" tanong pa niya. Pinakilala naman ako ni Robbie sa kanya at nakipag kamay naman ako habang nakangiti. Pinakilala lang niya ako bilang kaibigan at hindi na nag-elaborate pa na boyfriend ko si Lance kasi dati pala nilang ka-officemate si Kath at bestfriend ni Nics. Hindi ko nga alam kung alam ni Nics na kami na ni Lance kasi hindi ko naman alam 'yung pinag-usapan nila ni Lance sa bar noon.

"We're just playing here before going to Lance," sabi niya. "You? What brought you here?"

"Ah I'm with my family", sabay turo sa mag-ama niya sa bowling area. "I told to myself na I have to go down here and verify kung ikaw nga 'yan. hehe How's Lance? I missed him na," sabi pa ni Kath. "Nakwento nga sa akin ni Nics na nag-bar daw kayo last weekend. Mukhang nagkabalikan sila ha?"

Napakunot naman ako ng noo at nagtaka sa sinabi niya.

"I don't think so," nangingiting sabi ni Robbie.

"What do you mean?" pagtatakang tanong naman ni Kath. "Lance just updated his status ng 'In a relationship' sa Facebook. As in mga 1 hour ago lang yata. Check it."

"Change status?" bigla akong napatanong pero mahina lang at ako lang yata ang nakarinig. Napatingin naman sa akin si Robbie.

"Wait, let me check," sabi naman ni Robbie sabay bukas ng phone at nagtungo sa Facebook Profile ni Lance. Naghihintay naman ako ng sasabihin ni Robbie. "In a Relationship but he didn't tag her. Maybe he's referring to someone else?"

"Really? I thought they got back together or maybe they just don't want to broadcast it yet, hehe," sabi pa ni Kath.

"I don't know," tanging sagot ni Robbie. "I guess I have to ask him, I'm not informed."

"Anyway, mag-picture tayo tagal nating hindi nagkita eh," sabi ni Kath ng nilabas ang cellphone.

"Picturan ko kayo," sabat ko naman.

"No dear, sumama ka baka magselos pa asawa ko kay Robbie haha!" sabi pa niya na natatawa. Pumwesto naman kami, napapagitnaan namin si Robbie habang naka-akbay siya sa akin para mag-compress kami sa frame na nagpalapit naman ng mga katawan namin. Ang bango niya, lalaking lalaki ang scent niya. "Okay, I got to go, say Hi to Lance for me. It was really nice seeing you Robbie, it's been a long time. Let's hang out again with the gang, isama niyo ko ang daya niyo eh hehe."

"Sure," ngiti naman ni Robbie sabay yakap ulit. Nagpaalam din siya sa akin at nauna na siyang umalis.

"In a relationship?" tanong ko kay Robbie.

"It's you for sure," sabi naman ni Robbie habang namimili siya ng saging. "Bakit 'di ka naka-tag?"

"I don't know? Hindi pa namin napag-usapan actually about diyan, nagulat nga din ako," sagot ko na lang. "If ever din naman ayokong i-tag niya rin ako, it's not yet time. Hindi pa rin alam ng parents niya and relatives. I don't want him to get into any trouble with his family. Saka isa pa baka-asarin pa siya sa social media."

"Okay, at least he's proud of your relationship to the point the he even changed his Facebook status, that's really not his style haha," pag-comfort naman niya sa akin.

Pagkatapos namin sa arcade ay bumili na rin kami ng prutas at dumiretso na kami sa parking lot at tinungo ang sasakyan ni Robbie. Ilang sandali lang ay nakalabas na rin kami ng mall at papunta na sa bahay ni Lance. Habang nasa sasakyan ay naisip kong h'wag ipaalam kay Lance na bisita niya si Robbie para masurprise siya.

Habang nasa daan ay kinuha ko ang phone ko at napansin kong drain battery na pala ako. "Robbie pwede pa-charge?"

"Sure," sabi niya habang nakatuon pa rin sa daan habang nag-drive. "Here oh" habang inaabot sakin ang cord. Patuloy lang kami sa pagbyahe at madilim na rin, hindi ko napansin kasi na ginabi na pala kami ni Robbie.

---------------------------------------------

Maya maya pa'y nakarating din kami sa tapat ng bahay nina Lance, ako na ang nagdoorbell at hindi naman nagtagal ay may nagbukas din... si Lance. Naka-pajamas at mukhang kagigising lang.

"Bro?" gulat na sabi ni Lance habang kinukusot ang mata.

"Surprise!" ngiting bati ko naman ka Lance.

"Bro," bati ni Robbie ng bigyan niya ito ng akap pagbati.

"Doon tayo sa loob," pag-imbita naman ni Lance sa amin, pinauna niya si Robbie na pumasok habang kasunod kami at ako na ang nagsarado ng gate. Sumenyas naman sakin si Lance na parang napakunot ang noo ang tinutukoy ay si Robbie, para bang nagtatanong na anong ginagawa niya dito. Ngunit ngiti lang ang sagot ko.

Mag-isa lang si Lance sa bahay, wala sina Nanay Medy at ang tito niya. Hinanda namin ang mga prutas na dala namin sa mesa sa kusina at naupo kaming tatlo.

"Hindi na dapat kayo nag-abala," nahihiyang sabi naman ni Lance.

"Okay lang bro," pangiting sagot naman ni Robbie. "I was concerned din kasi na nagkasakit ka. Buti nga at nagkita kami sa mall, nahihirapan ngang bum..." at mabilis kong tinakpan ang bibig ni Robbie kasi gusto kong maging surpresa ang regalo ko para kay Lance. Nangiti lang ako kay Lance habang nakatingin samin na nagtataka.

"Nahihirapan na alin?" pagtataka pa niya.

"Ah wala, nahirapan lang akong hanapin 'yung store sa mall hehehe," hindi ako marunong magsinungaling pero sana kumagat siya. Gusto kong ibigay 'yung regalo sa kanya ng kaming dalawa na lang.

Patuloy lang kaming nagkwentuhan, tawanan. Minsan ay asaran din kami ni Robbie. Sa maiksing panahon parang naging best friend ko din siya. Nagkwento kami about sa pag-arcade namin kanina habang pinagmamasdan lang kami ni Lance.

Maya maya pa'y lumalim na ang gabi... Nauna na si Robbie umuwi at naiwan kami ni Lance. Habang nasa harap kami ng gate nina Lance pagkahatid kay Robbie, pagpasok ni niya sa gate ay akto namang papasok din ako ngunit... "May pasok ka pa 'di ba?" malamig na pagkakasabi niya. "Magpapahinga na muna ako."

Saglit akong natulala sa pagkakasabi niya. "Ah... eh... sige," hindi ko alam ang sasabihin ko. "Happy Birthday pala..." sabay abot ko ng regalo ko sa kanya at tinanggap naman niya na parang may pilit na ngiti.

"Thanks," maiksing sagot niya. "Mauna na ko..." sabay sarado ng gate sa harapan ko habang ako naman ay para bang napako ang mga paa sa kinatatayuan ko.

May nasabi ba akong mali? Anong nagawa ko at parang galit yata siya?... O baka naman masyado lang akong nag-iisip ng kung anu-ano at binibigyan ng kahulugan ang lahat ng bagay. Baka naman pagod lang talaga siya kasi may sakit pa siya. And then... I gave him the benefit of the doubt.

------------------------------------------------

Lumipas ang mga araw na para bang hindi ako mapakali. For the past few days, parang dalawang beses lang yata ako naka-receive ng message mula sa kanya: Isang "Medyo busy lang." noong niyaya ko siyang lumabas at "Nothing, I'm just tired. Sorry." noong tinanong ko kung may problema ba at hindi niya ako kinakausap. Ano kayang problema niya?

------------------------------------------------------------

"Wait lang pababa na 'ko," sabi ko kay Charles sa kabilang linya habang nagmamadali at kinuha ko ang itim kong bakcpack. Dali dali akong bumaba at nasa tapat na nga ng bahay ko ang sasakyan ni Robbie.

"Hey!" bati sakin ni Rina na nasa likod ng sasakyan habang si Charles naman ay katabi niya. "Sa harap ka na umupo." At agad naman akong umupo sa passenger seat katabi ni Robbie.

"Sorry ha, medyo na late ako ng gising, galing kasi akong shift," habang inaayos ko ang sarili ko.

"No worries," sabi naman ni Robbie ng makaalis na kami.

"Dapat yata nagpaalam ako kay Lance?" kabadong pagkakasabi ko naman. Kinwento ko kasi sa kanila na sobrang busy lately ni Lance at hindi kami ganung nagkikita.

"Hayaan mo siya," pabirong sagot ni Rina.

"Unwind lang tayo ngayon," sabi pa ni Charles. "Walang boyfriend-boyfriend at girlfriend muna! 'Di ba?"

"Of course!" sabay tawa ni Rina. "Robbie nakita ko sa picture 'yung private resort niyo sa Antipolo, ang ganda! Sigurado ka bang pwede tayo dun?"

"Oo naman," sagot ni Robbie habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagmamaneho. Ngayon ko lang napansin na hindi pala nakasara ang ilang butones ng polo niya kaya naman kitang kita mo ang may kaumbukan niyang dibdib gawa ng pag-gym niya siguro. Makinis talaga siya. Ano ba 'tong naiisip ko?! hahaha!

-----------------------------------------------------

Maya maya'y nakarating kami sa isang Starbucks. Kanya kanya naman kami ng bayad at sandaling naupo. "Guys solong solo natin 'yung resort wala kasi 'yung caretaker namin kaya naman kahit anong gawin natin okay lang! haha! Kahit magwalwal pa tayo! haha!"

"Basta 'wag mo kong gagapangin Robbie ha?!" biro naman ni Charles. At sabay sabay naman kaming natawa.

"Baka ako gapangin mo! haha!" pabirong banat ni Robbie. "Guys let's take a picture." Tinaas naman ni Robbie ang phone niya gamit ang front cam upang kumuha ng groufie. Ang ayos namin ay si Charles, Rina, Ako at si Robbie. Bigla akong nagulat ng umakbay si Robbie sa akin-- nangiti na lang ako.

Hindi rin kami nagtagal at dumiretso na kami sa private resort nina Robbie. Ang ganda nito at ang laki habang over looking ang makikita mo. May swimming pool sa bandang loob. Dito ko napatunayan na may kaya talaga sila sa buhay. Itinuro ni Robbie samin ang magiging kwarto na tutulugan namin. Isang malaking kwarto na may 2 queen size na kama. Sina Rina at Charles na ang nagtabi habang kami naman ni Robbie sa isang kama.

"Guys pagdugtungin na lang kaya natin 'yung kama para sama-sama tayo? hehe," suhestyon ko sa kanila dahil medyo naiilang ako at ayokong baka makita pa ni Lance 'to sa post at baka kung ano pa ang isipin niya.

Ganun naman din ang ginawa nila. Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit namin ay naghanda na rin kami ng mga pulutan at alak. Nag-set up kami sa isang picnic table sa tabi ng pool. At maya maya pa'y nagumpisa na ang inuman.

Makukulit silang lahat at puro asaran, madalas nakikinig lang ako at nakikitawa. Minsan pang tinulak ni Robbie si Charles sa pool at lahat kami'y nagtawanan at sinundan na rin ng talon ni Robbie sa pool. Kabi-kabilang pictures, kantahan at kwentuhan ang gabing 'yon.

Maya maya pa'y naglabas ng cards si Robbie habang kami ay nakaupo sa picnic table, Charles, Rina, Ako then Robbie. "Okay guys, ito 'yung sinasabi ko sa inyong game, truth or dare but without the bottle. This is a stack of cards which consists of different dares," pagpapaliwanag ni Robbie.

"Pa'nong naging truth or dare kung puro dares? hehe," biro naman ni Charles na parang medyo tipsy na.

"Wait lang," pagtaas ng dalawang kamay ni Robbie na medyo parang tipsy na rin. "Ito pa 'yung roulette," at nilapag naman ni Robbie ang isang board na may rotating hand kung saan pwedeng mag-point sa truth or dare kapag pinaikot mo. "So isa-isa tayong magpaikot then kung kanino tumapat 'yung arrow, 'yung nagpaikot ang magtatanong kung truth or dare, kapag dare bubunot 'yung na tapatan ng arrow then so on and so forth, okay? Then para may twist, kung sino 'yung nagspin at yung natapatan at napili ay dare, silang dalawa lang ang pwedeng makabasa nung nasa card para surprise sa iba kung ano 'yung dare."

At nag-umpisa nga kaming maglagro... Nandyan 'yung na-dare si Charles na magskinny dipping sa pool kaya panay kami tawa, nandyan din 'yung truth kay Rina kung saan tinanong siya ni Robbie kung 'di na daw siya virgin? Kasi ang parang press release niya palagi is wala pang nangyayari sa kanila ng boyfriend niya... Usually puro naughty 'yung questions and medyo extreme 'yung dares and so far hindi pa rin tumatapat sa akin... And it finally landed on me kung saan si Robbie ang nagpa-ikot... "Truth of Dare?" medyo devilish 'yung ngiti ni Robbie halatang mga nakainom na kasi in between games, shuma-shot sila.

"Truth," mabilis kong sagot.

"Ano ba 'yan?! Dare na lang!" kantyaw pa ni Charles. "Ang dami na naming ginawa dito oh. Haha! KJ naman hehehe."

"Sige na nga dare na," napilitang sagot ko na lang habang nangingiti. Sabay bunot ng card sa ibabaw ng deck... Medyo natigilan ako ng mabasa ko 'yung dare at napatingin kay Robbie habang sila naman ay naka-abang kung ano 'yung dare.

"Ano nakalagay?" usisa ni Rina na parang sinusubukang silipin 'yung card na hawak ko.

"Ah... eh..." nauutal kong sabi sabay abot ko kay Robbie ng card at binasa naman niya 'to. Pansin kong natigilan din siya matapos niya itong basahin hanggang sa parang nagkakatitigan na lang kami at out of nowhere ay bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi... Diniin niya ang mga labi niya sa mga labi ko na para bang mariin na smack... Parang nabigla ako at nanigas sa kinauupuan ko... Hindi ko namalayan na hawak niya na pala ang batok ko na lalo pang nagpadiin ng halik niya... Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ba 'yon dahil parang nawala ako sa sarili ko hanggang sa parang igagalaw na niya ang mga labi niya ngunit mabilis ko siyang naitulak. Para bang bumalik kami sa realidad.

"Oh shoot!" gulat ni Rina na nandidilat pa ang mga mata pati si Charles.

"I'm sorry," mahinang sabi ni Robbie ngunit narinig ko 'yun. "May tama na yata ako guys hehe... I'll go ahead... Tomorrow na natin iligpit 'to... hehehe..." sabi pa niya sabay tayo at nilapag ang card na hawak niya na habang ako ay parang may di pa maka-recover sa nangyari.

"Iba din 'no?" biro ni Charles na akala mo'y teenager na kinikilig. "Wala na tapos na ang laban... Tagal ko ng may crush diyan kay Robbie tapos mauunahan mo lang ako mahalikan siya! Nakakaloka 'to! Haha!"

Wala pa rin akong masabi... Niligpit na rin namin nina Rina at Charles ang mga kalat saka pumasok sa kwarto ngunit si Robbie ay inabutan na sa sofa... Hilo na rin ako sa antok at sa alak, hindi naman kasi ako sanay uminom. "Guys ako na magpapasok kay Robbie baka sinpunin siya dito sa labas," sabi ko kina Rina at Charles habang sila ay nagtungo na sa kwarto at halata na ring mga hilo na sa kalasingan. Nilapitan ko si Robbie...

"Robbie... Robbie..." mahinang paggising ko sa kanya habang bahagya kong niyuyugyog ang braso niya.

"Hmmm..." pag-ingit naman niya habang nakapikit pa rin.

"Doon ka na sa kwarto matulog, malamig dito baka sipunin ka pa," mahinang sabi ko naman sa kanya.

"Dito na lang.... tayo... matulog..." sabi pa niya habang nakapikit pa rin dala ng sobrang kaantukan.

"Tara na," pagpupumilit ko pa. At saka ko hinawakan ang batok niya upang buhatin siya ngunit mabigat siya at hilo na rin ako sa antok...

-----------------------------------------------------

"Ay iba rin naman pala no?!" alam kong si Charles 'yung nagsalita. Ang sakit ng ulo ko... "Aba'y bangon na po at ready na ang breakfast..."

Napadilat naman ako at umaga na pala at mataas na ang sikat ng araw. Napansin kong nasa sala pala ako at hindi ko alam na dito pala ako nakatulog. Nagkasya kami ni Robbie sa sofa habang magkatabi pala kaming nakatulog ng nakayakap pa siya sa akin buhat sa likod dahil nakatagilid kaming dalawa na nakatalikod naman ako sa kanya. "Robbie... gising na..." pag-alis ko naman ng braso ni Robbie sa akin.

"Akala ko ba bawal ang boyfriend dito..." mahinang asar ni Charles ng papunta siya sa kusina at sabay bangon ko naman. Grabe ang sakit ng ulo ko...

Nagkape ako at para bang nang-aasar ang mga tingin ng dalawa.

"Iba naman pala ang friendship natin no?" asar ni Rina, Naguguluhan ako, 'yung tungkol ba sa dare kagabi?

"Ano ba kayo dare lang 'yun," sabi ko naman sabay higop ng kape. "Robbie kape mo oh..." sabi ko kay Robbie na parating, ganun pa rin ang itsura niya, shorts lang at nakatopless. Medyo namumula pa rin siya... Kahit kagigising lang niya ay bakas pa rin ang ganda ng hubog ng katawan nito at sobrang kinis at puti pa ng kutis nito. Ngayon ko lang napansin na may maliliit palang buhok sa dibdib si Robbie at pati na rin sa bandang ibaba ng pusod niya.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang ng kaunti at mga bandang after lunch ay naligo muli sila sa pool habang ako ay nakatanaw lang. Ng mag-gagabi na ay nilisan na rin namin ang resort.

Naihatid namin sina Rina at Charles sa kanila... Nagpumilit naman si Robbie na ihatid na rin ako sa amin... Maya maya pa'y nagpark muna si Robbie sa isang malapit na 7-Eleven sa amin, bibili lang daw siya habang ako ay nag-paiwan na lang sa sasakyan. Habang iniintay ko siya ay biglang napadaan sa newsfeed ko ang isang post na para bang nagpakabog ng dibdib ko... Nakita kong nagpost si Nics ng picture nilang dalawa ni Lance na magkasama, tinag niya si Lance kaya siguro dumaan sa feed ko, parang sa isang bar at may alak sa mesa nila. Pamilyar ako sa lugar na 'to... Parang alam ko kung saan ito... At dumating na si Robbie.

"Robbie," tawag ko naman sa kanya.

"Bakit?" pagtataka niya.

"May gagawin akong isang bagay na hindi ko alam kung tama," pagkataranta ko naman.

"Why? What happened?" ngayon ay parang concerned na ang tunog ng tanong niya. Pinakita ko sa kanya 'yung post ni Nics.

"Halos ngayon lang yan," tuloy ko pa. "Sa tingin mo kailangan ko siyang puntahan?"

"Tawagan mo kaya muna si Lance?" medyo kumalma na si Robbie. At 'yun naman ang ginawa ko. Maka ilang beses ko ding sinubukang tawagan siya pero hindi niya ito sinasagot hanggang sa naging unattended na.

"Puntahan kaya natin?" halatang hindi na ako mapakali.

"Anong gagawin natin? Susugudin natin sila? We don't even know kung saan 'yan, hindi naman nag-tag si Nics kung saan sila," sabi ni Robbie. "Let's say mapuntahan natin, what are you gonna do? Make a scene? Di ba parang mas nakakahiya?"

"Ewan ko," naguguluhan ako kung anong gagawin. "Basta ang gusto ko lang ay makita siya. Bakit ba niya 'to ginagawa?"

"I honestly don't know," sagot naman ni Robbie. "Ano ba'ng pinag-awayan niyo?"

"Wala naman," habang nag-iisip ako ng dahilan kung bakit ba ganito ang kinikilos ni Lance.

"You know what? Don't you ever go there at any cost," seryoso na ang tono ni Robbie. "That would be a desperate move."

"Anong gagawin ko? Hayaan ko na lang sila?" hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Bakit ka ba kasi nagkakaganyan Lance? Ano ba'ng gagawin ko?

Kailangan kong sundin ang gusto kong gawin kaya wala ding nagawa si Robbie kundi puntahan namin kung saan nagiinuman sila Lance at Nics... Maya maya'y nakarating din kami sa Marco Polo...

"How can I help you sir?" tanong ng receptionist kay Robbie.

"Vu's Sky Bar please," sagot naman ni Robbie. Halatang sanay siya sa mga ganitong transaction. "I was the one who called just a while ago for the reservation."

Mabilis naman kaming inasikaso ng recpetionist at hindi nga nagtagal ay nakasakay na rin kami sa elevator papunta kung nasaan ang bar. Kinakabahan ako... Halos hindi kami nag-uusap ni Robbie.

"Are you okay?" concerned na tanong ni Robbie.

"Yeah, medyo kinakabahan lang," halatang kabado ang tono ng boses ko.

"Whatever happens I'm just here okay," paniguradong sabi naman ni Robbie.

Hanggang sa nakarating na nga kami at marahang tinungo ang balcony habang gina-guide kami ng isang waiter. Sa malayo pa lang ay natanaw ko kagad sila Lance at Nics na nagku-kwentuhan kaya bigla akong napahinto.

"What's wrong?" tanong ni Robbie.

"Nandun sila," kinakabahang sagot ko habang nakapako ang tingin ko sa kanila. "Wag na kaya tayong tumuloy..."

"We're good, thanks," sabi naman ni Robbie sa waiter na naghihintay sa amin at umalis na rin.

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita kami ni Nics na nakaharap ang upo mula sa kinatatayuan namin kaya naman si Lance ay nakatalikod.

"Hey Robbie!" tawag ni Nics biglang tayo at kumaway. Hindi nagtagal ay napalingon si Lance sa direksyon namin... Bakit ganun blanko ang ekspresyon ng mukha niya... "Join us!"

Hindi na kami nakatanggi at lumapit na rin. "Don't worry," bulong ni Robbie sa akin habang tinutungo namin ang pwesto nila. Naiba ang posisyon ng upo nila. Tumabi si Nics kay Lance habang magkatabi naman kami ni Robbie sa couch na katapat nila.

"Bro," mahinang sabi ni Lance ng tumayo siya at umakap kay Robbie.... "Hi..." sabay akap din niya sa akin...

"What a coincidence?" ngiting sabi ni Nics.

"Yeah," naiilang na sagot ni Robbie. "Actually, we're about to go home na from Antipolo and we saw your post na you're here pala, since it's on the way naman, we decided to join you guys, if that's okay?" palusot na lang ni Robbie. Ang galing niya sa pagiging kaswal at parang normal lang kaya kailangang sakyan ko ang ginagawa niya.

"Yeah, I saw you had fun sa mga posts niyo," sabi pa ni Nics. "Hindi man lang kayo nagyaya," at parang naglungkut-lungkutan ang mukha ni Nics.

"Sorry, biglaan lang," kaswal na sagot ni Robbie. "Next time don't worry."

"Anyway, ito kasing si Lance is nagyaya uminom," patuloy pa ni Nics habang si Lance ay diretso lang ang titig sakin na akala mo tinititigan ang buong kaluluwa ko. Hindi ko siya mabasa. "Honey can we have another 2 glasses over here? And I would like to follow up the calamari please? Thanks darling," utos naman ni Nics isang waiter na nakatayo malapit sa amin.

"Bakit 'di ka nagyaya bro?" biro ni Robbie kay Lance na nakatitig na lang sa baso niya na may alak at nakayuko.

"Well I thought you're busy?" parang medyo sarcastic 'yung sagot ni Lance na napansin naman ni Robbie but he kept his cool.

"You could've let me know para sumunod ka sa resort," pabiro na lang na sagot ni Robbie. "What seems to be the problem ba bro?"

"Nothing," pangisi pang sagot ni Lance.

Kwentuhan lang sila, especially sina Robbie at Nics, hindi kami ganung kumikibo ni Lance. Minsan ay nahuhuli kong nakatingin siya sa akin na para bang binabasa ako.

"Are you okay?" Pagcheck naman sa akin ni Robbie. "Let me know if you need anything, okay?" Bulong pa niya sa akin habang pinagmamasdan lang kami ni Lance.

"I'll just go to the washroom," sabi ni Nics at biglang tumayo at mukha namang nagkahalata si Robbie na we need to be alone.

"Me too," sabi ni Robbie sabay tayo at sumunod naman kay Nics.

Naiwan kami ni Lance at parang awkward at tahimik lang kaming dalawa...

"May problema ba tayo?" bigla ko na lang nasabi kay Lance pero tumingin lang siya sa akin ng saglit at muling binaling ang atensyon sa iniinom niyang alak. "Hey talk to me..." pagmamakaawa ko naman sa kanya.

"Not now," sagot lang niya pero hindi siya tumitingin sa akin. At nagsindi siya ng sigarilyo na ngayon ko lang nakitang ginawa niya na ikinagulat ko naman kaya agad ko itong kinuha sa bibig nya at tinapon sa ashtray at wala naman syang nagawa kaya padabog niyang nilapag ang lighter.

"Ano ba'ng problema?" pakikiusap ko pa rin sa kanya. "Hindi kita maintindihan. This doesn't work like this Lance... You have to talk to me... Kausapin mo ko kung may problema ka sa 'kin? Ano bang ginawa ko?" pigil ang lakas ng boses ko pero halatang frustrated na ako sa mga kinikilos niya.

Hindi pa rin siya kumikibo at super frustrated na ko... "Fine! Kung ayaw mong makipag-usap, so be it... Ang hirap mong basahin... Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan... Hindi naman ako manghuhula para malaman kung ano tumatakbo sa isip mo... So... Fine!" para bang nailabas ko ang gusto kong mga sabihin pero nakatuon pa rin ang pansin niya sa basong hawak niya. "So ano? Wala talaga?... You know what? Instead of going to me and talk to me face to face, what did you do? Inuna mo pa siyang lapitan? Relationships doesn't work like this... We need to be transparent and honest sa isa't isa for this to work!" Medyo tumataas na ang boses ko. "I'm with this bullshit."

"Evrything's okay?" sabi naman ni Nics na papalapit sa amin. "Something wrong?"

"Ah wala naman," ngiti ko lang sa kanya at sabay tayo ako. "I'm sorry but I have to go, medyo masama lang pakiramdam ko, puyat kasi kami from swimming and may konting hang over pa... Mag-stay ka ba?" tanong ko naman kay Robbie na nasa likuran lang ni Nics.

"No, I'll drive you home. I'm tired na rin and I think I had quite a few shots na rin," sabi ni Robbie at nauna lang ako ng lakad paalis at kasunod ko rin siya... Nakarating kami ng elevator... Hindi ko alam na umiiyak na pala ako... "Hey what happened back there?"

"Hindi ko siya maintindihan Robbie," sagot na habang pinapahid ko ang luha ko.

"Here," sabay abot ng panyo ni Robbie. "I told you 'di ba na this may not be a good idea..." at napatango na lang ako sa kanya bilang pag-sang-ayon...

Nasa entrance na kami habang nag-hihintay sa valet.

"Robbie, naiwan ko yata 'yung phone ko sa taas?" aligagang sabi ko naman habang kinakapkap ko ang mga bulsa ko habang hindi pa rin mapigil ang pag-agos ng luha ko.

"Are you sure?" pag-aalala naman niya. "Sige ako na ang papanik. Stay here."

Umalis si Robbie at dali daling tinungo ang elevator... Maya maya pa'y...

"Here..." sabay abot ng phone ko habang nagpapahid ako ng luha ko gamit ang panyo na bigay ni Robby.

Post a Comment

[facebook]

Mencircle

{facebook#https://facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/men_circle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget