Secretly Bricks (Part 2)

By: Marc

Bigla itong gumalaw at bumaling sa kabilang direksyon.. bigla akong natauhan at saka bumalik na ng higa sa tabi nya.. buti na lang at hindi ito nagising kundi lagot ako.. baka end of friendship na kami at baka pa masuntok niya ako sa posibleng nagawa ko..

Kinaumagahan ay di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina..wala rin namn akong napansin na kakaiba sa kinikilos ni marvin..mukhang wala talaga itong idea sa muntikan ko nang magawa kaya pinilit ko maging normal sa harapan niya.. hinatid na kami ng mama namin sa school bago ito dumiretso sa office na pinagtatrabahuan nito..

Kinahapunan ay nagyaya ang mga lukaret gumala sa mall na malapit lang sa school.. so ayun sumama na kami tutal maaga pa nman
Habang naglalakad sa loob ng mall ay inakbayan ako ni marvin
Medjo namula ako at napansin yun ni marifee at napangisi siya..napasulyap din sina ken at sheena at may kung ano sa mga ngisi ng mga hayop..
Bumulong si marifee sa akin " sana all feeling jowa na"
Ako: sira ulo nakakailang nga eh..
Marifee: sus kunwari eh halatang gusto mo yan..
Marvin: ano bang binubulong nyo jan
Marifee: ah may tinatanong lang ako tungkol dun sa project natin na pinasa

Marvin: ganun ba.. hirap nga eh.. buti natapoz agad namin ng maaga
Ken: guys arcade tayo!!

So ayun bumili kami ng maraming token
Yung dalawang girls kung ano x nilalaro habang ang dalawang boys eh nasa basketball panay shoot ng bola..habang ako ay nanonood lang sa kanila ng lumapit si sheena
(Sheena): pambihira madaya yung machine na yun ( yung indiana jones tinutukoy nya )..inubos lang token ko wla naman akong napala :(
Ako: di ka lang marunong pumihit haha
Sheena: wow galing mo ah..nakatunganga ka nga lang jan..
Me: nako tama na nga yan at papagabi na rin.. uwi na tayo.. at tinawag na namin ang iba saka na lumabas ng mall at naghiwa hiwalay na..

Kinagabihan habang nakahiga ay naalala ko nanaman ulit ang nangyari kagabi..nalilito ako.. iba na rin kasi nararamdaman ko..kanina habang inaakbayan ako ang saya ng pakiramdam ko..parang ayoko ko na bitawan nya pagkaka akbay niya sa akin..parang lumipad ang pakiramdam ko..eto ba tinatawag nilang love? Oh baka naman masyado lang ako napaparanoid sa pagiging close namin dalawa..

Lumipas ang mga buwan at nanatili pa rin magulo ang utak at isipan ko sa kung ano nga ba talaga itong nararamdaman ko sa kanya.. wla nman nagbago sa pagiging close namin..
Kahit pa minsan ay natutulog siya sa kwarto ko ay niyayakap pa rin niya ako..

Birthday ko ngayun at mukhang walang nakaalala.. busy rin si mama dahil may hinahabol itong report kaya pag ganun ay maaga pa lang wala na ito sa bahay.. sa school ay ganun din.. tila di naalala ng mga lukaret kong kaibigan na bday ko ngayon eh alam na alam naman nila yun last yr nga eh may pa burger ang mga hayop.. maging si marvin ay tila di alam..eh nasabi ko na yun sa kanya dati kung kelan bday ko nung nagtanungan kami.. mabigat man ang loob ko pero pinilit ko maging casual sa kanila.. di rin kasi sila nakikipag usap sa akin ngayon ng madalas.. kinahapunan ay biglang nawala ang mga hayop maging si marvin ay di ako sinasamahan at sumama dun sa taga ibang section naming schoolmate.. naisip ko pumunta na lang ng mall at maglibot .. isi-celebrate ko na lang ng mag isa bday ko.. pumunta ako sa national book store at naghanap ng magandang libro na pede basahin..nang magsawa ay umalis na ako..habang naglalakad palabas ay may lalaking nagmamadaling naglakad at nabangga ako..napaupo ako at namilipit sa sakit..
Lalaki:nako sorry ha di ko sinasadya nagmamadali lang talaga ako( saka niya ako hinila patayo )
Me: mag ingat ka naman alam mo namang maraming tao dito sa mall.. ( tinitigan ko siya at nakilala ko siya.. di ko lang alam pangalan nito pero sigurado ako na sa ibang section lang ito.. ahead ito ng isang taon sa akin..
Me: taga section makabayan ka hindi ba?
Siya: ah uo..kaya pala familiar ka sa akin..nako pasensya na ..kelangan ko na umalis naghihintay na sila sa akin sa taas.. bryan nga pla..
Me: brix ( sabay handshake )
Bryan: pano aalis na ako.. pasensya na ulit at kita na lang tayo sa school
Me: okay cge..

Pagdating ko sa bahay ay tila walang ka tao x pero andon ang kotse ni mama ( baka nasa kanyang kwarto ) sa isip ko ...pumasok na ako sa gate at kumatok..wlang sumagot kaya sinubukan kong pihitin ang pintuan.. buti na lang di na lock..
Pagpasok ko ay biglang umandar ang ilaw..at may sumigaw

Supriiisee!!! Nagulat ako at nakita ko silang lahat na nag aantay sa akin may dalang cake si mama at andun din ang mga lukaret kong mga kaibigan.. agad lumapit mama ko.. happy bday anak.. sana ay napasaya ka namin ngayon..alam ko iniisip mo na nakalimutan namin bday mo..syempre di mangyayari yun sa nagiisang anak ko sabay halik sa akin..
Me: mama naman eh..kala ko kinalimutan nyo na ( sabi ko habang naiiyak)
Mama: bigboy ka na talaga anak.. ilang taon na lang binata ka na.. wla na babyboy ko..
Me: syempre naman mama eh..

Sheena/marifee/ken : happy bday brix..hahahaha kala mo ah..
Me: mga hayop kayu kaya pala di nyo ako kinakausap kanina may balak pala kayo..
Marifee: naman!!pwede ba naman makalimutan namin bday mo XD
Me: salamat ah..nagdamdam pa naman ako kanina
Sheena: bruha wag ka nang pabebe andun pla mga regalo namin sa tabi ng lamesa nyo
Me: nako salamat at nag abala pa kayo..
Ken: kain na tayo..kanina pa ako nagugutom
Me : kahit kailan talaga laging gutom hahaha
Ken: ansarap kasi mga niluto ng mama mo

Lumapit na kami sa lamesa at nagdasal..
Pagkatapos ay sinindihan na ang cake..matapos kong mag wish ay nagsimula na kaming kumain nang may naalala ako..

Me: marifee asan pala si marvin?
Marifee: aba ewan
Sheena: sinabihan ko na yun kanina sa school.. akala ko nga mauuna siya sa akin dito
Ken: baka may ginagawa pa sa bahay nila
Me: ganun ba.. sana makapunta siya
Marifee: oyy mukhang nagtatampo ang cinderella namin
Me: sira..syempre buddy kaming dalawa dapat andito siya
Sheena: darating yun..

Habang nagkukulitan kami apat sa sala ay biglang may kumakatok sa gate namin.. pinuntahan ito ni ate jessica ( kasambahay namin ) at pinapasok dumungaw ito sa pinto at nakita namin siya..
Sheena: oh ayan na pala siya
Marvin : happy bday brix
Me: thank you buti naman naalala mo bday ko
Marvin: di pa ako makakalimutin haha.. siya nga pala may kasama ako..ayaw kasi magpa iwan eh
Me: ha sino? Papasukin mo
Marvin: halika ka dito babe
( babe? Tama ba pagkakarinig ko? )
Marvin: brix si sofia gf ko taga ibang school siya

>itutuloy <

Post a Comment

[facebook]

Mencircle

{facebook#https://facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/men_circle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget