My Lover is A Gangster (Part 4)

By: X-Cupid

KINABUKASAN ay nilagnat ako at ramdam ko parin ang sakit sa may puwetan ko. Nabinat ata ito ng husto dahil sa limang malalaking titi na sunod-sunod na naglabas-masok sa butas ko kagabi. Until now, it’s still a mystery kung sinu-sino yung limang lalaki sa frat na tumira sa akin. Pagkagising ko ay naabutan ko si Marlon na pinupunasan ang katawan ko gamit ang isang tuwalya. Nagulat pa ako kasi wala na akong saplot sa itaas. Sa bawat paggalaw ng mga kamay ni Marlon sa katawan ko ay unti-unti na naman nabubuhay ang kalibugan ko. Ano ba yan? Bakit libog na libog ako dito kay Marlon? Muli kong tinitigan ang maamo niyang mukha na walang kahit anong ekspresyon. Maya-maya pa ay binihisan na niya ako ng damit.

“Bakit ikaw gumagawa nito insan?” tanong ko na nagtataka.

“Maaga kasing umalis si Mama at Papa kasi may mahalaga silang lakad. Ibinilin ka sakin ni Mama. Tsaka si Marjon malamang hindi ka nun maasikaso at hindi niya alam panu mag alaga ng may sakit.” Paliwanag naman sa akin ni Marlon. “Kukuhanan muna kita ng pagkain sa baba.”

Pagkasabi nun ni Marlon ay lumabas na siya ng silid ko. Hindi ko alam pero kinikilig ako sa ginagawa ni Marlon sa akin. Mabuti talaga siyang tao at maalaga, maswerte ang babaeng mapapangasawa niya – sana nga ako nalang iyon eh.

Kaso malabo iyong mangyari kasi nga hindi naman ako tunay na babae, kundi binabae. Tsaka bumalik na naman sa isipan ko ang plano ko na baguhin na yung sarili ko. Na magpaka-lalaki nalang ako for the benefit of everyone. Kaya kailangan ko na alisin itong pagnanasa ko sa kambal.

Maya-maya pa ay dumating na si Marlon na may dalang pagkain at gamot. Sinusubuan niya ako habang kumakain. Wala akong gana kumain kasi nawawalan ako ng gana kumain pag may sakit ako pero mabuti nalang at magaling sa sales talk itong si Marlon at napapakain niya ako. Naubos ko ang dinalang pagkain ni Marlon at pina-inom niya ako ng gamot.

NAGING MABUTI na ang kalagayan ko pagdating ng hapon. Salamat kay Marlon sa pag-aalaga niya sa akin. Minabuti ko na gumalaw-galaw muna sa bahay kasi nga wala si Tita baka maabutan niya na marumi ang bahay. Ngunit nagulat ako ng makita ko na malinis yung bahay. Walang kalat.

“Okay ka na Tsoy?” Sa boses pa lang at sa pagtawag ng palayaw ko, alam ko na si Marjon iyon.

Lumingon ako sa likod at si Marjon nga. “Okay na ako. Magaling na.” Sagot ko.

“Good at may pupuntahan pa tayo mamaya.”

“Saan?” tanong ko ng nabigla ako sa sinabi niya.

“Basta. Bago mag alas sais, aalis na tayo.”

ALAS SAIS na ng gabi ng sumakay kami ng jeep. Hindi ko pa din alam kung saan kami pupunta kasi wala namang sinabi sa akin si Marjon. Tahimik lang kami habang nasa loob ng jeep. Naka semi-formal si Marjon – itim na polo na may kaunting puti sa gilid at sa gitna, naka jeans na itim. Ang gwapo niya sa suot niya. Astig din niyang tingnan lalo na sa buhok niyang naka spike sa taas. Habang ako naman ay naka white na polo na may kaunting desinyo sa paligid, naka jean na itim at walking shoes. Ilang minuto lang at pumara na si Marlon at bumaba na kami.

Kaunting lakad lang at dumating na kami sa pupuntahan namin. Sa Headquarters pala kami ng frat. Ngunit nagulat ako kasi may mga sasakyan na naka-park sa labas at maraming tao sa loob ng HQ. May mga ilaw-ilaw pa na mapapansin mo sa labas.

“Welcome to the party!” sabi ni Marjon at pumasok na kami sa loob.

Sa loob, maraming mga tao nasa mahigit 30 siguro at puro lalaki pa lahat ang naroroon, wala akong nakita ni isang babae. Kaya naisip ko na baka miyembro ng frat ang mga ito. Namumukhaan ko ang ilan sa kanila, yung iba nakita ko na sa Engineering Building habang yung iba ay napapansin ko sa campus. Maraming gwapo sa paligid, parang naglipana ang lahat ng gwapo ng campus ngayon. Swerte ko kapag pumatol lahat ito sa akin.

“Doon tayo,” at dinala ako ni Marjon doon sa may sulok kung saan naroroon yung ilang ka-frat niya na kakilala ko na si Nico, si Rigor, at si Jin. May mga namumukhaan akong iba pero hindi ko pa alam ang mga pangalan nila. Nasa isang table na kami at masaya silang nag-uusap habang ang tugtog ng disco sa paligid ay napakalakas kaya para na silang nagsisigawan habang nag-uusap. At ayun nga, nasa gilid lang ako nag-iisa at walang kausap.

“Hi Hart!” si Jin na lumapit sa akin. “Can I sit with you?”

Tumango naman ako. Tumabi sa akin si Jin. Dikit na dikit yung balat ko sa balat niya. Nakaka-kuryente lalo na at bet ko pa naman itong chinito na ito. Ang gwapo talaga niya. Naka blue polo siya na may magarang design na medyo naka bukas pa ang mga butones sa taas. He looked so hot!

“Ready ka na ba?” tanong ni Jin sa akin.

“Hindi nga eh. Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ako. Basta sinama lang ako dito ni Marjon tapos ngayon na may kausap na siya iniwan naman niya ako dito.” Tugon ko. Nakaka-inis naman kasi itong si Marjon, dinala-dala pa ako dito tapos iiwanan lang din pala.

“Kaya nga ako nandito para may kausap ka. Anyway, this party is for you.” Sabi ni Jin.

“For me? Bakit naman?” nagtataka kong tanong.

“Welcome Party mo sa Frat. Ganito kasi sa frat, kapag may mga bago siyempre pinapakilala sa lahat ng miyembro ng frat. Kaya maghanda ka kasi mamaya tatawagin ka at magpapakilala ka sa harap ng lahat.”

Kinabahan ako sa sinabi ni Jin. Anong sasabihin ko sa harap ng napakaraming gwapong lalaki? Hi guys, I’m gay. Wanna fuck me? Ganun? Maya-maya pa ay may isang lalaki na nagsalita sa may maliit na platform na hugis bilog na nasa gitna ng dance floor. Namumukhaan ko siya, isa siya sa mga third year engineering student na ka-block ni Marlon kasi palagi silang magkasama. Bumati siya sa lahat ng kalalakihan doon at nagsimula na sa pagsasalita. Narinig ko na sinabi niya na magiging masaya ang gabing ito at makikilala na nila ang mga bagong miyembro ng frat.

“… And of course, our beloved Frat President will do the honor of introducing the new members of the frat. So, may I call our President to come to the stage right now and do the introduction.”

Nagpalakpakan ang lahat. Bumaba sa maliit na platform yung lalaki kanina at may bagong lalaki na naman ang umakyat doon. Medyo pamilyar sa akin ang lalaking ito kaso hindi ko masyadong mamukhaan dahil maraming mga naka-tayo na lalaki at nakapalibot sila sa maliit na stage. Kaya ginawa ko, tumayo ako mula sa aking kinauupuan at doon ko na nakilala ang lalaking nakatayo ngayon sa gitna.

“Si Marlon yan di ba?” tanong ko kay Jin.

“Yes. He’s the frat president.” Sagot ni Jin.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kasi akala ko si Marjon lang ang miyembro ng frat, pati pala ang kakambal niya.

“Ngayon ko lang siya nakita dito. Akala ko hindi siya miyembro ng frat.” Sabi ko kay Jin.

“Minsan lang naman yan pumupunta dito sa HQ kapag importante lang. Gaya nung initiation mo, nandito siya nun.” Sabi ni Jin.

Naguluhan ako sa sinabi ni Jin kasi ni anino ni Marlon ay hindi ko napansin sa HQ nung araw ng initiation ko. Naisip ko na kung totoo ngang nandun si Marlon nung araw na iyon ay alam na siguro niya ang ginawa sa akin nung initiation at yun ang isang bagay na ayaw kong malaman ni Marlon. Nasa gitna ako ng pag-aalala ko ng bigla akong tinabig ni Jin.

“Cheer up! Ipapakilala na kayo sa harap. And don’t worry, I know you can get over it.”

Pagkasabi nun ni Jin ay isa-isa nang tinawag ang mga bagong recruit sa SAB (Stitches and Burn). Akala ko ako lang ang bago pero may kasama pala ako. Atleast medyo nawala na ang kaba sa dibdib ko. Unang tinawag ang pangalang Frederick at nakita ko ang isang matipunong lalaki na may suot na polo shirt na itim at ripped jeans na umakyat sa may platform na bilog at nagsimula nang ipakilala ang kanyang sarili. Hindi ko kilala ang isang ito. Pagkatapos niyang magpakilala ay sunod namang tinawag ang pangalang George. Isang medyo chubby na naka suot ng polo na may kulay dilaw at itim na stripes. Para tuloy siyang bumblebee sa suot niya. Sumunod sa kaniya ay isang lalaking naka white shirt na may leather jacket na black na hindi naka bukas. Kilala ko ang isang ito kasi nakikita ko siya sa Engineering Building at sa pagkakaalala ko ay isa din siyang first year sa kabilang block. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya, siya pala si Angelo, ayun na rin sa pagpapakilala niya sa harap. Nagulat ako sa sunod na pangalan na binanggit kasi alam ko pamilyar ako sa pangalan na iyo. At hindi nga ako nagkamali, si Will nga, isa sa mga ka-block ko. Nagtaka ako kasi akala ko talaga nung una ay bakla siya kasi malambot siya kumilos at nararamdaman ko din kasi na kalahi ko siya, you know we have this what we call ‘gay radar’ na alam natin kung kalahi ba natin ang isang lalaki. Kaya laking pagtataka ko na sumali siya sa frat. Mali pala ang ‘gay radar’ ko. Pagkatapos niyang magpakilala ay tinawag na ako. Umakyat ako sa platform at nagpakilala. Pagkatapos kong magpakilala ay muling umakyat sa platform ang apat ko pang bagong kasama. At narinig nalang namin ang palakpakan at hiyawan ng mga kalalakihan na kasama na rin namin sa SAB.

“Let’s toss as a sign of welcome para sa mga bago nating members. Cheers!” wika ni Marlon. Narinig ko naman ang sagot na ‘Cheers!’ ng mga tao sa paligid at nag toss sila. Maya-maya pa ay muli namang tumunog ang disco at nagsimula na ang sayawan.

LUMALALIM na ang gabi at nandito pa rin kami sa HQ. Nandoon na naman ako sa table nila Marjon na ngayon ay may walo nang kalalakihan. Nag-iinuman sila doon at nasisiyahan na nagkukwentuhan. Ako naman ay nasa gilid lang nila katabi si Jin para maka-iwas na rin sa inuman. Ayaw ko kasing malasing dahil aware ako na kapag nalasing ako ay lumalabas ang kabaklaan ko and worst ang pagkamalandi ko. Kaya ayun nasa gilid lang ako at iniiwasan ang tumagay. Mabuti nalang at nandyan si Jin sa tabi ko na kahit kasama siyang umiinom sa kanila ay sa akin pa rin siya nakikipag-usap. Marami na din kaming napag-usapan ni Jin, halos lahat ay tungkol sa kwento ng buhay niya.

“Ah, Hart. Can you come over sa bahay tonight? May ipapakita lang ako.” Wika ni Jin. Unti-unti na akong nasasanay sa pagtawag sa akin ni Jin na ‘Hart’, para na tuloy kaming mag syota. And yes, gusto ko si Jin pero not totally na inlove na talaga ako, yung pa-fall palang ako sa kanya. Naisip ko nga na kapag pinagpatuloy pa niya itong pagtreat sa akin na ganito eh mahulog na loob ko sa kanya.

“Anong ipapakita mo sa akin?” tanong ko kasi nga na-eexcite ako kung ano ba ipapakita niya sa akin. Lalo na nung naisip ko na baka ang pagkalalaki niya ang ipapakita niya. Nagsimula na naman akong malibugan.

“It’s a secret. Can you come?” sagot ni Jin. Mas na-excite tuloy ako so I said “Yes”.

“Let’s go.” Tugon ni Jin at nagpaalam na siya sa mga kainuman niya. Nilapitan pa niya si Marjon at kinausap ito. Nakita ko naman ang pagtango-tango ni Marjon, nagpapahiwatig ng pagsang-ayon niya sa sinabi ni Jin. Biglang sumulpot si Marlon.

“Insan, nandito ka lang pala. I was looking for you. Mabuti naman at hindi ka lasing. Tara na, let’s go home”. Pagyayaya ni Marlon sa akin.

“Hey buddy! May pupuntahan muna kami ng pinsan mo. I’ll just show him something tapos ihahatid ko din siya sa inyo.” Sabi ni Jin nang lumapit siya sa amin.

“Saan kayo pupunta at ano ang ipapakita mo sa kanya?” inis na tanong ni Marlon.

“Well, it’s not for you to know. Sa amin nalang yun. Tsaka sa bahay lang naman kami.” Hinawakan ni Jin ang kamay ko. “Let’s go.” Sabi niya sa akin at lumakad na kami. Bigla naman hinablot ni Marlon ang isa ko pang kamay.

“I insist buddy! Kailangan na umuwi ni Reinhart.” Naka-kunot na ang noo ni Marlon. Alam ko na galit na siya.

Binitawan ko nalang ang kamay ni Jin. “Jin, next time nalang. Marami pa namang next time eh. Maipapakita mo pa yan sa akin kung ano man iyang gusto mong ipakita. But I guess right now, I need to go. Baka hinahanap na rin ako nila Tita.” Iyon nalang ang sinabi ko para maiwasan na magkagulo dito sa party. At sa pagkakakilala ko kay Marlon, iba ang ugali niya kapag naka inom.

“Promise Jin. Next time nalang.” I said that para hindi naman masaktan si Jin. Ilang beses na niya kasi akong ini-invite na sumama sa kanya kaso hindi talaga nagkakaroon ng oras. Ngayon sana na wala akong mahalagang ginagawa kaso ito namang si Marlon ang KJ lang.

“Let’s go!”. At lumabas na nga kami ni Marlon sa HQ at dumiretso na pauwi sa bahay.

MAG-AALAS-DOSE na ng gabi ay hindi pa rin ako makatulog. Laging sumasagi sa akin ang pangyayari kanina, ang nangyaring kaunting pagtatalo ni Marlon at ni Jin. At siyempre ang pag-aalala ko nung nalaman ko na nandoon pala si Marlon nung araw ng initiation ko. Paano kung alam niya ang ginawa ng mga kasamahan niya sa akin nung araw na iyon? Paano ko eexplain sa kanya kung bakit iyon ang pinili ko at nagpaubaya ako sa ginawa ng mga kasamahan niya?

Biglang natigil ang pag-iisip ko nang may narinig akong mga mahihinang katok sa labas. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakita ko sa labas ng kwarto ko si Marjon na basang-basa na ang polo na suot at lasing na lasing.

“I’m just…checking on you.” Tugon ni Marjon na nahihirapan pa sa pagsasalita.

“Ah salamat. Kanina pa kami naka-uwi ni Marlon. Mukhang napasarap ka ata ng inom ah.”

Biglang natumba si Marjon sa harap ko na siyang ikinagulat ko.

“Hey! Marjon. Marjon, wake up. Marjon.”

Tanging ungol lang narinig ko. Alam ko na down na itong si Marjon kaya ang ginawa ko ay hinila ko nalang siya papasok sa kwarto ko. Ang bigat niya, grabe! Buti nalang kinaya ng powers ko. Mahina ko siyang iniangat sa aking higaan para naman makapag-pahinga na siya doon. Basang-basa ang suot niyang polo at alam ko na magkakasakit lang siya kapag hindi ko siya linisan at bihisan. Alam kong mag-alaga ng lasing kasi ako tagapag-alaga kay tatay sa tuwing umuuwi siya ng bahay na lasing. Kumuha muna ako ng tuwalya at damit ko sa cabinet. Hinubad ko ang polo ni Marjon at lumantad sa akin ang namumutok niyang mga chest muscles at iba pang muscles sa katawan niya. Ang sarap ng katawan niya! Nagsisimula na naman akong malibugan kay Marjon pero pinutol ko iyong nararamdaman kong libog sa aking katawan kasi ayaw ko mag take advantage kay Marjon. Sinimulan ko nalang punasan ang katawan niya, mula sa kanyang masasarap na dibdib pababa sa kanyang anim na namumutok na pandesal. Habang nasa may abs niya ako ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Gising pa pala ang mokong!

“Ah eh, pinupunasan lang kita insan. Basang-basa ka kasi baka magkasakit ka. Hayaan mo papalitan na kita ng damit. May damit naman ako dito baka kasya sayo.” Sinabi ko iyon para hindi maisip ni Marjon na pinagsasamantalahan ko siya. Narinig ko naman ang pagsasalita ni Marjon kaso hindi ko iyon masyadong marinig kaya lumapit ako sa kanya.

“Ano yun insan? May kailangan ka?” tanong ko ng makalapit na ako sa mukha niya.

Bigla nalang niyang hinawakan ang mukha ko at unti-unti niyang inilapit sa mukha niya. Napako ako sa aking kinauupuan nang maramdaman ko ang mga labi niya sa mga labi ko.

Post a Comment

[facebook]

Mencircle

{facebook#https://facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/men_circle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget