Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 6)

By: GuessWho

Before anything else po.

Sorry kung mejo naguguluhan kayo. Kasi ang first 3 parts ng story ay POV ni Zion, tapos yung mga sumunod ay 3rd person na ang nag nanarrate.

Well, I know mejo confusing nga. Tsaka tama naman po na mas maganda nga ang POV kasi mas ramdam mo yung emotion. Pero sinadya ko po ito, though risky tlaga. Ang reason ko is ihide muna yung ibang emotion ng bawat character. Lalo na kay Luke. I want the readers think kung anu ba talaga ang nararamdaman ni Luke. Don't worry, sa mga susunod na Chapters, POV na naman po ang gagamiting kong style. Kasi dun na yung revelations.

Kahit ano pa man, maraming salamat parin sa pagtangkilik.

Love,

Kuya Ryan

Sa pinakalikurang bahagi ng bus sila nakaupo. Pangtatluhang upuan ang napwestuhan nila. Sa tabi ng bintana si Zion at sa tabi naman ng aisle si Luke. Gustuhin man ni Zion na magtabi sila, ngunit sadyang napaka-ilap nitong si Luke na sinadyang maglaan ng espasyo sa pagitan nila.

Halos mapuno na ang loob, tatlong upuan nalang ang bakante, saka ito lumarga.

Hindi naman nagtagal ay muling huminto ang bus upang magsakay ng nag-aabang na pasahero.

Tatlong tao ang pumasok. Ang isa ay sumulyap sa gawi nila. Matangkad ito, maputi at may itsura. Ngunit mapapansin mong may pagkamalamya ang kilos. O tinatawag sa panahon ngayon na 'Paminta'

Napansin ni Zion ang mga tingin nito na animo'y gustong lapain ng buhay ang baby Luke niya. Kaya hindi siya mapakali.

Nang makalapit na ito sa kinaroroonan nila ay isiniksik ang sarili upang pumwesto sa gitna nila.

Maagap naman itong si Zion kaya pinigilan niya itong tuluyang makaupo. Pwersahang hinatak ang braso ni Luke at sumenyas dito na umurong sa tabi niya.

"Aray!" Angal ni Luke.

"May uupo, umurong ka dito." mahina pero puno ng otoridad ang boses ni Zion.

Tumingin muna si Luke sa taong nasa harapan niya. Saka muling binaling ang tingin kay Zion.

"Pwede naman siya sa gitna ah." Pagrereklamo ni Luke.

"Hindi ka uurong?." Sabi niya na may seryosong mukha.

Hindi pa man nakasagot si Luke ay ubod ng pwersa siyang hinatak ni Zion at nagtagumpay naman ang huli sa gusto nitong gawin.

Napamura nalang sa isip itong si Luke at inayos ang sarili. Kunot noo at pakibotkibot ang bibig na wala namang boses na lumalabas.

Saka marahan na pumuwesto ang ground black pepper.

Sa biyahe ay payapang nakasandal si Luke na nakapikit ang mata. Habang si Zion naman ay hindi maipinta ang mukha sa tuwing nakikita niyang sumusulyap ng may pagnanasa kay Luke ang katabi nito.

Sa tuwing magsasalubong ang tingin nila ay tinitingnan niya ito ng masama. Titigil sa ginagawang pag sulyap ngunit maya-maya rin ay susulyap ulit.

Hindi matagalan ni Zion ang ganoong sitwasyon. Kaya ginising niya si Luke.

"Brad..brad." Tinapik niya ito sa hita.

Nagmulat naman ng mata si Luke.

"Bakit?" Tamad na sagot nito.

"Palit tayo ng pwesto."

"Bakit?"

Hindi agad nakaimik si Zion at bahagyang napaisip.

"Ah.. kasi nangangalay na ata ako dito sa pwesto ko."

Nagtataka man ay sumunod nalang si Luke dahil sa antok.

Tuluyang nakalipat si Luke at isinandal ang ulo sa may gilid ng bintana.

Bago pa man umupo si Zion. Tinapunan niya ng nagbabantang tingin ang ground black pepper. Nakuha naman agad nito ang mensahe niya kaya tumigil ito sa ginagawang pagsulyap kay Luke.

Nakahinga ng maluwag si Zion.

Maya't maya niya sinusulyapan si Luke. Hindi niya mapigilang mapangiti. Napakagaan ng pakiramdam niya kapag kasama si Luke. Lalo ngayon, nakikita niyang mahimbing na natutulog.

Kinuha niya ang cellphone sa bag upang kuhanan ng picture ang natutulog na si Luke. Hindi niya maiwasan ang mangiti habang ginagawa yun.

Maya-maya'y nilagyan niya na ng earphone ang magkabilaang tainga. Kinalikot ang spotify at nagpatutog.

Ang dating rock music playlist na pinapatugtog ay napalitan ng love song.

There are days

I wake up and I pinch myself

You're with me, not someone else

And I am scared, yeah, I'm still scared

That it's all a dream

Sinilip niya ang natutulog na si Luke. Mahimbing pa rin ito. Pinagmasdan niya ang payapang itsura nito. Pinag-aralang maige ang bawat detalye.

Napansin niyang na uuntog-untog ito sa bintana.

Marahan niyang inilipat ang pagkakasandal ng ulo nito sa balikat niya.

Ngumiti siya.

'Cause you still look perfect as days go by

Even the worst ones, you make me smile

I'd stop the world if it gave us time

'Cause when you love someone

You open up your heart

When you love someone

You make room

If you love someone

And you're not afraid to lose 'em

You probably never loved someone like I do

You probably never loved someone like I

Payak na sandali ngunit napakasarap sa pakiramdam ni Zion. Narealize niya, sa piling ni Luke matatagpuan ang kakaibang saya, gising man ito o tulog.

'Sana alam mo kung gaano ako kasaya sa mga sandaling ito' sa isip niya.

Hindi niya mawalawala sa mukha ang ngiti.

Humigit-kumulang isang oras din ang naging byahe nila, saka nila narating ang bahay ng pamilya ni Zion.

Matataas ang bakod nito na gawa sa kongkreto. Bago pumasok ay dadaan ka muna sa gate na sadyang ginawa para sa tao, katabi lang mismo ng gate na dinaraanan ng sasakyan.

"Kuya Efren! Kamusta?" Magiliw na bati ni Zion sa gwardyang nakabantay.

"Sir Zi! Naparito ata kayo?" Nakangiti naman nitong tugon.

"May kukunin lang ako kuya, uuwi din kami mamaya... kaklase ko pala.. si Luke." Masayang pagpapakilala niya.

"Good morning po." Nakangiting bati naman ni Luke.

Tiningnan siya ng gwardiya na parang may inaalala.

"Good morning din po sir Luke.. Parang pamilyar po kayo sa akin sir.."

"Po?" Tanong ni Luke.

Mayamaya'y gumuhit ang pagkabalisa sa mukha niya. Napansin naman ito ni Zion, kaya napakunot ng noo ang huli.

"Ba.. baka may kamukha lang po ako." Depensa niya na sinabayan ng pilit na ngiti.

"Ah.. baka nga po sir." Magiliw na sabi ni kuya Efren.

"Nandito ba sila mommy?" Sabat naman ni Zion.

"Opo sir nasa office niya po sa itaas ang mommy niyo. Ang daddy mo naman umalis, sa martes po ata ang balik."

"Sige kuya, pasok na kami."

Naglakad na sila papasok.

Modernong dalawang palapag ang bahay nila Zion. Bago ka makarating sa mismong bahay ay dadaan ka muna sa garden. Maganda ito, makikita mo ang landscape na may iba't ibang bulalak at orchids at man made na falls na nakadikit sa mataas na pader.

Sa kanang banda naman ng lugar na yun, may hindi kalakihang swimming pool pero sapat na upang paliguan ng isang buong pamilya. Maganda rin ang nature inspired design nito.

"Hindi mo naman sinabi brad, ganito pala kayo kayaman." Manghang sabi ni Luke.

"Hindi naman, may kaya lang. Tsaka hindi ko naman kailangang ipagkalat na may kaya kami.. hindi ko naman pera ang pinangpagawa ng mga iyan." Humble na pagkakasabi ni Luke.

Sabagay, pansin rin naman ni Luke na hindi nagyayabang ng mga materyal na bagay itong si Zion.

Napahanga lalo si Luke nang makapasok sila sa loob ng bahay. Napakalawak nito at napakaaliwalas ng disenyo.

Pinaupo muna siya ni Zion sa sofa sa may salas. Nagpaalam itong pupuntahan ang mommy niya.

Pagkababa ni Zion ay kasama na ang mommy nito.

Kung tatantiyahin, mukhang nasa sengkwenta na ito. Maganda parin at professional ang dating. Nabanggit nga ni Zion dati na presidente ang mommy niya sa kilalang university sa lugar na yon. Mediyo may pagkakahawig ito kay Zion.

Napansin ni Luke na mukhang mabait ito dahil malumay magsalita at palangiti. Pinakilala ni Zion ang dalawa sa isa't isa. Winelcome naman si Luke ng mommy ni Zion. Wag daw siyang tawaging Ma'am, Tita nalang daw.

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam itong babalik sa trabaho niya sa taas. Bago tuluyang umakyat nagtanong muna ito kung kumain na ba kami. Nasabi naman namin na tapos na.

"Tara." Pag-aaya ni Zion.

"Saan?"

"Sa kwarto ko." Sinabayan pa nito ng pagkindat at ngiting nang-aakit.

Napakunot ang noo ni Luke.

"Bakit ka kumikindat diyan?"

Tumawa lang si Zion. Saka nagdahilan.

"Tanga..napuwing lang." Sabay hawak sa mata.

"Aw.. natanga pa ako." Umiling si Luke. "Akalain mo yung ganung ginang may anak pala na ganito ang ugali?" Saka tumawa.

Malaki ang kwarto ni Zion. May sariling sala set sa loob at malaking LED TV sa harap nito. Isang buong glass wall na natatakpan ng kurtina ang nagsisilbing bintana ng kwartong yun. Mula roon tanaw mo ang hardin at swimming pool sa baba. Maganda naman ang pagkakaayos ng queen size bed na animo'y nasa isang hotel. Hindi naman nakakapagtaka yun dahil may katulong sila.

Umupo si Luke sa sofa na naroroon.

Naghubad naman ng damit si Zion at tanging brief lang ang natira. Tila proud na proud itong ibalandra ang kamachohan.

Hindi naman nakalagpas sa paningin ni Luke yon. Sa pagkailang ay ibinaling niya sa ibang direksyon ang paningin.

Mayamaya'y pinukol ni Zion sa ulo ng damit si Luke at ikinagulat nung huli.

"Magbihis ka muna." Wika ni Zion.

Kulay puting magkapares na jersey yon na may nakatatak na numerong trese.

"Wag na okay na itong suot ko."

Tukoy ni Luke sa suot niyang walking short at simpleng blue t-shirt na pinaresan ng Jordan shoes.

"Pagpapawisan ka! Wala kang pamalit." Sabi ni Zion na noo'y nagbibihis ng katulad rin ng jersey na hinagis niya.

Sumunod nalang din si Luke. Tumayo ito at tumungo sa may gawing banyo.

"Oh san ka pupunta? Dito ka na magbihis. Pareho naman tayong lalake."

Tumuloy pa rin sa banyo si Luke. Bago isara ang pinto ay nagsalita ito.

"Dito na ako sa banyo. Manyakis ka eh, baka manyakin mo pa ako." Tumatawang isinara nito ang pinto.

Mayamaya ay kumatok si Zion.

"Bakit?" Pasigaw na tanong ni Luke upang marinig siya nito.

"Buksan mo! Tingnan natin kung kanino mas malaki!" Sinabayan ng halkhak.

"G@GO!"

Bago lumabas ng banyo, naulinigan niyang may kausap si Zion sa phone.

"Pare sige na, ngayon lang to."

'Ano kaya pinag-uusapan nila' sa isip ni Luke.

Hindi muna siya lumabas, dinikit niya ang tainga sa pinto upang mas marinig niya si Zion.

"Sige na pare! Ngayon nga lang ulit ako nagyaya sa inyo ng basketball. Isama niyo nalang mga kakilala niyo. Mapapahiya ako sa kaibigan ko. Nandito siya sa bahay ngayon." Pangunglit ni Zion sa kausap sa phone.

'Akala ko ba may nag-aya sa kanya ng basketball? Ibig sabihin ba gawa-gawa niya lang yung sinabi niya kagabi?' Tanong ni Luke sa isip.

"Ayos!! Sige kita nalang tayo sa court.. Oo yung court malapit dito sa amin... sige pare!" Pagpapaalam niya sa kausap.

Saka lumabas si Luke. Hindi siya nagpahalata na narinig niya ang usapan.

'May NAGYAYA ka pang nalalaman kagabi, hindi mo nalang ako derechahin' sa isip niya.

Sa court.

Bale anim lang silang manlalaro, hindi kasi pwede ang ibang kaibigan ni Zion. Si Brenan at Carlo lang ang kakilala niya. Ang dalawa ay mga kaibigan lang din ng mga kaibigan niya.

Full covered court ito ngunit half court lang ang pwede nilang paglaruan, dahil sa gitna nito ay may nakaharang na volleyball net.

Warm up muna saka sila nagsimulang maglaro.

Si Brenan at Luke ang nasa kupunan ni Zion.

Nadiskubre ni Zion na magaling rin palang maglaro si Luke. Malinis gumalaw at may mga diskarte itong hindi kaagad nababasa ng kalaban.

Sa loob kasi ng kulang-kulang dalawang taon nilang pagkakaibigan ay hindi niya pa nakasama itong maglaro. Panay kalokohan, inom at gala lang kasi ang inaatupag nila.

Lalong humanga si Zion kay Luke at mas ginanahang maglaro.

Halos hindi makahabol ng puntos ang kabilang kupunan. Bakas sa mga mukha nito ang disappointment. Yung tipong gugustuhin ng daanin sa dahas para lang maka puntos.

Kalagitnaan na ng laro at mas lalong pinag-igihan nila Zion.

Drinible ni Zion ang bola, pinasa ito kay Brenan. Dribble ulit at humanap ng tyempo na maihagis ito kay Luke na noon ay malapit sa ring. Nang makahanap ng tyempo ay hinagis niya ito kay Luke. Mediyo napataas ang pagkakahagis kaya kailangang tumalon ni Luke upang saluhin ang bola.

Sa di kalayuan ni Luke ay may nagbabantay na desperadong kalaban. Nang makita niyang lulundag na si Luke ay mabilis niya itong nilapitan at sadya niyang itinulak si Luke gamit ang braso at siko.

Dahil nasa ere na itong si Luke hindi niya na nagawang depensahan ang bola dahil tumilapon na siya sa lakas ng pagkakatulak ng kalaban.

Masakit ang pagkakalapag ni Luke mula sa pagkakatilapon. Bumagsak siyang nakaupo at alanganing naitukod ang kanang kamay at nagdulot ito ng sakit.

"AAAHHH!!" Halos mamilipit sa sakit na sigaw ni Luke.

Samantalang tuloy-tuloy pa din sa pag dunk ang kalaban na animo'y walang pakealam sa ginawa niyang pagtulak kay Luke. Nakapuntos ito.

Mabilis namang dinamayan ni Zion si Luke.

"Brad! Ayos ka lang?" Puno ng pag-alala ang boses nito.

Hinimas niya niya ang kanang kamay ni Luke upang maibsan ang sakit. Inalalayan niya itong makatayo. Nang makatayo na ay agad na tumalikod upang harapin ang taong gumawa nito kay Luke.

Salubong ang kilay at nagbabaga ang tingin. Malalaking hakbang ang ginawa niya upang mabilis na makalapit sa kalaban.

"ANONG PROBLEMA MO??!!!" Tila kulog na dumadagundong na sita ni Zion sa kalaban at sinabayan ito ng malakas na pagtulak na naging sanhi ng pagkatumba ng kalaban.

Mas matangkad ito at mas malaki ang katawan. Pero hindi mo makikitaan ng pagkatakot ang mukha ni Zion.

Mabilis na tumayo ang kalaban at sinugod ng suntok si Zion. Nailagan naman ito ng huli. Mabilis na bumawi at malakas niyang sinuntok sa sikmura ang hunghang.

Agad namang umawat ang mga kalaro nila, maging si Luke na noon ay may iniindang sakit ay nakiawat na din.

Ayaw pa sanang magpaawat ni Zion, dalawa ang pumipigil sa kanya pero halos hindi siya kayaning awatin ng dalawa. Tumigil lang siya nang maramdaman niyang payakap siyang inaawat ni Luke. Ang kanang kamay nito ay nakaalalay sa leeg niya habang ang kaliwa ay nasa bandang tiyan niya. Mas huminahon siya nang maramdaman ang katawan ni Luke na nakadampi sa likod niya.

"Tama na brad, laro lang to." Pagpapahinahon ni Luke.

"Bitawan niyo ko!" Matigas niyang sabi sa tatlo.

Hindi na sumugod ngunit matatalim na titig ang pinukol niya sa kalaban, tila nagbabanta ito. Saka tumalikod at naglakad palayo. Sumunod maman si Luke, dinaanan niya muna ang water bottle na nakalagay sa gilid ng court saka patakbong sinundan si Zion.

Habang naglalakad sila ay sumagi sa isip ni Luke ang ginawa ni Zion kanina. Hindi kasi ugali ni Zion ang umatras sa suntukan ng hindi napupuruhan ang kalaban. Kahit gaano pa ito karami at kahit gaano pa karami ang umawat sa kanya.

Pero hindi naman dapat gawin ni Zion yon. Laro lang naman yon at normal na sa laro ang mga ganoong dayaan.

Pakiramdam niya ay napaka protective ni Zion sa kanya at nahimigan niya na sincere ang pag-aalala nito sa kanya kanina.

'Wag ka nga masiyadong mag-isip diyan, normal lang na gawin ni Zion yun dahil dayo ka sa lugar nila at kaibigan ka niya.' Sa isip niya.

Sabagay nga naman.

Winaksi niya na sa isipan ang mga isipin na yon.

Habang naglalakad ay may nadaanan silang sari-sari store. Sinabihan siya ni Zion na umupo muna sa may bench sa gilid ng tindahan na naliliman ng malagong puno. Saka ito nagtungo upang bumili.

Pagpunta nito sa pwesto niya ay may dala na itong yelo. Tumabi ito sa kanan niya at inabot ang kanang kamay niya.

Nang mawari niya kung ano ang gagawin nito ay tumanggi siya.

"Ako na gagawa niyan." Pagtanggi niya.

"Wag kang malikot diyan! Ako na!" Pagmamatigas nito.

Hinayaan niya nalang.

Dahandahan nitong inilapat ang yelo sa kamay niya na noon ay mediyo namamaga na.

Tinginan niya nalang ang ginagawa nito. Hindi maman nakatakas sa kanya ang seryosong mukha ni Zion. Tinitigan niya ito.

Hindi malabong mainlove ang mga babae dito, presence palang ni Zion ay naghuhumaling na mga kababaihan, paano nalang kaya kung makaranas sila ng pag-aalagang tulad nito.

Ngumiti ang puso niya.

'May ganitong ugali naman pala si Zion.' Sa isip niya.

"Masakit pa ba?" Wika nito na nakatingin pa din sa ginagawa.

"Hindi na masiyado." Tipid niyang tugon.

Nakatitig pa rin siya kay Zion.

"Tigilan mo na yang pagtitig sa akin, baka mainlove ka." Seryosong biro nito.

Pakiramdam tuloy ni Luke namula siya. Guilty kasi siya, nakatitig naman talaga siya kay Zion.

'Paano niya nalamang nakatitig ako sa kanya? May mata ba siya sa bumbunan?' Sa isip niya.

"Kapal mo brad! Tingin mo maiinlab ako sayo? Lakas!!" Depensa niya upang matago ang kahihiyan.

"Sa ngayon hindi pa, malay mo bukas o sa susunod na araw." Tumawa ito.

"Bwisit!!" Nakitawa nalang din siya upang hindi mahalata.

Katahimikan..

"Brad yong kanina... hindi mo dapat ginawa yon. Laro lang naman yon."

Seryosong tiningnan siya ni Zion.

"Eh sinaktan ka ng g@gong yon! Sa tingin mo tatahimik na lang ako?!" Galit nitong sabi.

"Normal lang yon sa laro." Segunda niya.

Tintigan lang siya nito. Yumuko at itinuloy ang ginagawa.

"Sa halip na mag thank you, kinampihan mo pa ang g@gong yon." may himig na pagtatampo sa boses nito.

"Hindi naman sa ganon."

Hindi na ito umimik.

Hinayaan niya nalang din. Tingin niya wala namang mapupuntahan ang usapan na yon.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad, mag-aalas dose na kasi ng tanghali kaya mediyo masakit na sa balat ang sinag ng araw. Kahit sa gilid ng daanan sila naglalakad, kung saan may mangilanngilang lilim ng puno silang nadadaanan, ay marami pa ding parte ang hindi nalililiman.

Naghubad si Zion ng jersey shirt. Pinagpag at marahan niya itong inilagay sa ulo ni Luke.

Nailang naman si Luke sa inasta ni Zion.

"Wag na!" Pag tanggi niya.

"Tanga mainit! Sakitin ka pa naman." Seryosong sabi nito.

"Ambaho kaya ng pawis mo!" Kunwari niyang sabi.

Ang totoo niyan, hindi ito mabaho. Naghalo ang amoy araw, lalaking-lalake na amoy, mamahaling deodorant at sabon na ginamit ni Zion kanina. Mabango naman talaga ito sa pang-amoy ni Luke.

"Ang arte mo! Hahanap-hanapin mo din yang amoy na yan loko!"

Tumawa nalang si Luke.

Ang totoo niyan ay na-touch siya sa ginawa nito.

'May kasweetan din pala ang damuhong ito.' Sa isip niya.

Napangiti nalang siya.

Naglakad tuloy si Zion na walang pang-itaas na damit. Sabagay sa ganda ba naman ng katawan niya, hindi dapat ikinakahiya yun.

Napansin niyang napapadalas ang paghawak ni Zion sa batok. Marahil ay nararamdaman nito ang tindi ng init ng araw. Namumula na rin kasi ang batok nito.

Hinubad niya rin ang jersey niya, pinagpag at marahan na inilagay sa ulo ni Zion.

Nagulat man ay hindi maitago ni Zion ang mga ngiti sa ginawa ni Luke.

"Ang sweet mo ah.!" Nakangiting sabi ni Zion.

"Baka mangitim ka at pumangit, kaya wag ka ng umarte diyan." Seryosong sabi ni Luke na halata namang nagpipigil ng ngiti.

"Thanks babe!" Sabay kindat na wika nito.

"FU{K YOU!" Bulalas ni Luke. "BABE." Dugtong niya.

Minura ngunit tinawag ding babe sa huli.

Nagtawanan nalang sila.

Hindi man ganoon kalaki ang katawan ni Luke, ngunit maganda naman ito at pwedeng pwede ipagmalaki.

Pinagtitinginan tuloy sila ng mga dumadaang sasakyan at mga taong nadadanan nila habang naglalakad.

---

Matapos nilang mananghalian ay nagyaya si Zion na pumanik ng kwarto. Upang ihanda ang damit na susuutin niya para sa play nila bukas.

"Tulungan mo akong mamili dito."

Tawag pansin niya kay Luke na noon ay nakaupo sa sofa at naglalaro ng cellphone.

"Ikaw na, kaya mo na yan. Tapusin ko lang tong isang game." Wika nito habang tutok na tutok ang mga mata sa cellphone.

"Mamaya ka na maglaro." Diing sabi ni Zion.

Nasa harapan siya ng kabinet niya, isa-isang tiningnan ang mga damit na nakasampay roon.

"Wag kang magulo.!..shit!! Shit!! Fuck!!" Malulutong nitong mura na tutok na tutok pa rin sa nilalaro. Lamang kasi ang kalaban nila..

Napatingin si Zion kay Luke.

"Ah puta!! Pinagtulungan ako.. ang ingay mo kasi, namatay tuloy ako.!" Paninisi nito kay Zion dahil sa pagkamatay niya sa laro.

Aburido ang mukha nito.

"Maya ka na. Tutulungan kita. Tapusin ko lang tong isang game." Sabay balik tingin sa nilalaro.

Napailing nalang si Zion at ibinalik ang tingin sa ginagawa.

Hindi niya talaga malaman kung ano ang susuutin. Kailangan niya ng opinion ni Luke. Kaya iniwan niya muna ang ginagawa at nagtungo sa kama at padapang ibinagsak ang katawan. Nag-browse nalang siya ng facebook sa phone habang hinihintay matapos si Luke.

Mayamaya ay natapos din si Luke sa nilalaro. Mukhang talo ang team nila dahil nakabusangot ito. Tumayo at nagtungo sa kinaroroonan ni Zion.

"Halika na, tulungan na kita." Pagtawag nito kay Zion.

"Teka brad, mayamaya. Maaga pa naman." Wika ni Zion na abala sa pagba-browse ng cellphone.

Napatingin si Luke sa wallclock na nakasabit doon. Ala-una y media palang.

Iginala nalang muna ni Luke ang paningin sa kwarto ni Zion.

Napadako ang tingin niya sa bookshelves na nakalagay dalawang metro mula sa kama ni Zion. Katabi lang din ito ng computer table.

Lumapit siya doon at tiningnan ang mga nakalagay roon. Isa't kalahating metro ang lapad nito. Halatang mamahalin dahil sa uri at texture ng kahoy na ginamit para mabuo ito.

Sa dalawang shelves sa ibabaw ay may mga nakaayos na encyclopedia. Tingin niya, nilagay lang ito roon bilang display, mukha kasing hindi pa nagagamit.

Sa pangatlong shelf naman ay may mga collection ng Justice League superheroes. May maliliit, malalaki at may mga nasa kahon pa. Organisado itong nakasalansan.

Napangiti si Luke. May collection din kasi siya nito sa bahay nila. Katunayan nga tatlong school bags niya ay may disenyo ng Justice League.

"Mahilig ka rin pala mangoleksyon ng Justice League?. Astig!" Nakangiti niyang tanong kay Zion. Nakatuon pa rin ang pansin niya sa collection.

Agad namang bumangon si Zion at lumapit sa kanya. Tila excited na inabot ang isa sa mga nakakahong super heroes. Pagkakuha ay nagsalita ito.

"Tingnan mo tong isang to." Excited na sabi ni Zion habang dahan-dahang inilabas sa kahon ang super hero.

Nang mailabas niya na ay inabot ito kay Luke na noon ay busy sa kakatingin ng collection.

Napatingin naman si Luke sa bagay na inabot sa kanya at dali niya itong inabot.

Nanlaki ang mata ni Luke sa pagkabigla.

Pigura ito ni superman na may sukat na four inches. Maganda ang pagkakagawa nito at mukhang mamahalin.

Nang mahimasmasan ay napangiti si Luke. Makikita mo ang sobrang saya na nakarehistro sa mukha niya, na tila bang may naalala siya sa bagay na yon.

Naaliw naman si Zion sa reaksyon ni Luke.

"Di ko alam na mahilig ka rin pala sa ganito." Wika ni Luke.

"Thank you gift sa akin yan." Masayang wika ni Zion.

"Actually, hindi naman talaga ako mahilig manguleksyon niyan. Mula noong binigay sakin yan, nagsimula na akong nagkainteres." Tila ba may sentimental value ito sa kanya.

"Astig!" Pagpuri ni Luke. Nakangiti parin ito.

Binalik ito ni Luke sa kanya at agad niya naman pinasok sa kahon at maayos na ibinalik sa dating kalalagyan.

Bibihira lang ang mga pagkakataon na makita ni Luke ang kakaibang side na inaasta ni Zion. Tila ba nagiging childish ang dating tigasing Zion. Maswerte siya at isa siya sa mga taong pinapakitaan ng ganoong ugali nito. Ibig sahihin lamang ay kumportable itong makasama siya.

"Tara na, tulungan mo na akong maghanap ng masusuot."

Sumunod naman si Luke.

Matapos silang maghanap ng maisusuot, napadako ang tingin ni Zion sa labas ng glass wall.

Biglang sumama ang panahon. Makulimlim sa labas at umaambon.

"Patay, uulan ata ng malakas brad.! Magpatila muna tayo bago umalis." Wika ni Zion.

"Ano pa nga ba."

Nag-isip si Zion ng mapaglilibangan habang hinihintay na tumila ang ulan. Tantiya niya kasing magtatagal pa ang buhos ng ulan.

Mayamaya ay naglakad ito patungong kabinet. May kung anong dinukot ito sa loob.

Isang bote ng alak.

Tumingin ito kay Luke at ngumisi habang minumwestra ang hawak na alak.

Napangisi na rin si Luke at nagbigay ng tingin na para bang sinasabing "Why not!"

Bumaba muna si Zion para kumuha ng mga gagamitin, chichirya at ice cubes. Inayos naman ni Luke ang center table na pagpapatungan nila ng iinumin.

Nang maihanda na nila ang lahat, pumuwesto sila sa magkabilaang side ng center table at pasalampak na umupo sa sahig.

Mag-aalas kwatro pa lang ng hapon pero eto sila nagsisimula nang mag-inuman.

Nagsalang sila ng mapapanood na pelikula, ngunit nang mabagot ay pinatay na nila ito at minabuting magkwentuhan nalang.

Kung anu-anong bagay lang ang pinagkukwentuhan nila.

Nalaman ni Zion na dati palang taga Bulacan si Luke at lumipat lang ng Zambales.

"Talaga? Katagal na nating magkakilala hindi mo man lang sinabi sakin." Manghang tanong ni Luke.

"Di ka naman nagtanong. Tsaka di naman mahalaga yon."

"Bakita nga pala kayo lumipat sa Zambales?" Segunda ni Zion.

"Ako lang ang lumipat, sa bahay ni Lola... Mediyo mahabang kwento.. Family problem.. basta." Sagot ni Luke.

Nahimigan naman ni Zion na parang ayaw ni Luke na pag-usapan pa.

"Maiba tayo brad. Marunong ka bang mag gitara?" Tanong ni Zion.

"Sakto lang.. bakit may gitara ka ba?"

Agad namang tumayo si Zion at lumabas. Pagkabalik ay may bitbit na itong gitara.

Bumalik sa pagkakaupo at inayos ang tono nito.

"Basic lang alam kong tugtugin." Wika ni Zion habang nakatutok sa ginagawa.

Tingnan lang siya ni Luke.

Nang matapos ayusin ni Zion ang gitara ay iniabot niya ito kay Luke.

"Oh. Ikaw muna."

Alanganin naman itong abutin ni Luke.

"Basic lang din alam ko dito." Sabay kapa sa strings. "Ano ba gusto mong kantahin?" Dugtong ni Luke.

"Tunog lata boses ko brad." Si Zion.

"Alam ko hahaha.. di ko naman sinabing kailangan galingan mo. Halos mawalan nga ng customers yung videokehan na pinag iinuman natin kapag kumakanta ka." Sinabayan ng halakhak.

"Puta! Dinurog mo ako dun ah.. pakayabang mo!" Tumatawang sabi ni Zion.

"Dali na, wag ka nang magdrama diyan. Anong kakantahin mo?"

Nag-isip muna si Zion.

"Iris"

"Goo goo dolls?... sige kapain ko muna."

Matapos alalahanin at kapain ang chords.

"Sige game."

Napahanga naman itong si Zion. Hindi lang kasi basic ang ginagawa ni Luke, magaling ito.

Mayamaya ay sinabayan na ni Zion nang pagkanta.

Matawatawa naman itong si Luke habang naggigitara dahil sa mala boses latang pagkanta ni Zion.

Tawanan sila nang matapos itong kantahin ni Zion. Napakalikot naman itong si Luke na animo'y nabasagan ng eardrums.

"Taena! Galing mo palang maggitara. Ano bang hindi mo alam na gawin?!" Bakas ang paghanga sa boses na sabi ni Zion.

Nag request ulit siya ng kanta at sinabayan niya ito. Nasundan pa ulit ito ng isa pa at isa pa. Hanggang magsawa na siya.

"Ikaw naman kumanta. Pagod na ako." Reklamo ni Zion at sinabayan ng pag-inom ng alak.

Uminom muna si Luke, saka muling nag gitara.

She's always on my mind

Napalagok at dahan-dahang binaba ni Zion ang baso sa mesa.

Ilang words palang ng kanta ay nakuha na aga ni Luke ang paghanga ni Zion sa boses niya.

Nakatingin sa ibang direksyon si Luke habang kumakanta.

From the time I wake up 'til I close my eyes

She's everywhere I go

She's all I know

Halos mapanganga si Zion sa paghanga. Nakapako ang tingin nito kay Luke. Habang ang huli naman ay nakapikit, tila damang-dama ang kinakanta.

And though she's so far away

It just keeps gettin' stronger, every day

And even now she's gone

I'm still holding on

So tell me where do I start

'Cause it's breakin' my heart

Don't want to let her go

Sa mga minuto na yon, may bumabagabag sa isipan ni Zion. Lalo siyang humanga kay Luke. Nacha-challenge siya sa misteryosong personality nito. Marami itong magagandang katangian na dahan-dahang nadidiskubre ni Zion. Ngunit sa kabilang banda ay ramdam niya ang kirot sa pagkakakanta ni Luke.

'Sino kaya ang inaalayan niya ng kantang ito. Yon bang sinasabi niyang minahal niya?'

Nalungkot si Zion sa isiping yon. Lalo't nararamdaman niya ang kirot sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Luke. Mukhang napakahalaga ng taong ito sa kanya.

Maybe my love will come back some day

Only heaven knows

And maybe our hearts will find a way

Only heaven knows

And all I can do is hope and pray

'Cause heaven knows

Saka dumilat si Luke at tumingin kay Zion na noon naman ay kakabawi lang mula sa pagkakahanga.

Lumawak ang ngiti nito.

"Puta! Ang galing mo! Akin ka nalang brad!?" Wala sa kamalayang biro ni Zion.

"GAGO!" Sinabayan ng tawa na mayamaya'y nauwi sa matamis na ngiti.

Tawanan sila.

"Cheers muna!" Si Zion.

Sabay nilang tinaas ang baso at pinagdikit saka sabay na nagsabi ng "CHEERS!"

"Puta! Tao ka pa ba? Magaling magbasketball, magaling mag gitara, magaling kumanta, higit sa lahat guwapo pa!" Bulalas ni Zion.

Tumawa si Luke.

"Haha, inlove ka na sa akin niyan?" Birong wika ni Luke.

"Oo! Kung babae ka lng pakakasalan kita eh!" Masaya at walang malay na pagkakasabi ni Zion.

Nagkatinginan tumatawa sila dahil sa biro ni Zion.

Mayamaya'y ang tawa ni Luke ay naging ngiti, nailang at nung huli ay napalitan ng lungkot. Saka muling naglagay ng alak sa baso, halos kalahati ata ng baso ang nailagay niya. Mabilis niya itong inimom na walang tigil kahit na ba ay purong brandy ito. Saka uminom ng tubig.

Napapikit siya sa pait ng alak saka nag buntong hininga.

Napansin naman yon ni Zion.

"Ayos ka lang pare?!"

"Oo brad! Ayos lang.. kanta pa tayo. Sabayan mo ako." Tila umiiwas na sabi ni Luke.

Tumayo si Luke at muling nag gitara. Nung nag simula na at pamilyar naman ito sa pandinig ni Zion kaya tumayo na rin siya at sumabay siya sa pagkanta.

Matagal ko ng gustong malaman mo

Matagal ko ng itinatago-tago 'to

Tila nag ko-concert ang dalawa. Umiindayog pa ang mga katawan nilang sumasabay sa tempo ng kanta. Kunwari ay may invisible mic na hawak si Zion.

Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila

P'wede bang bukas na

Ipagpaliban muna natin 'to

Dahil kumukuha lang ng tiyempo

Upang sabihin sa iyo

Nagtinginan sila na pailing-iling ang ulo. Saka nagpatuloy.

Mahal kita pero 'di mo lang alam

Mahal kita pero 'di mo lang ramdam

Mahal kita kahit 'di mo naman ako tinitignan

Mahal kita pero 'di mo lang alam

Matagal ko ng gustong sabihin 'to

Matagal ko ng gustong aminin sa'yo

Sandali, 'eto na, at sasabihin ko na nga

Ngayon na, mamaya, o baka p'wedeng bukas na

Dahil kumukuha lang ng bwelo upang sabihin sa iyo.....

Napa 'woooo' pa sila nang matapos nila ang kanta. Pareho na silang may tama.

(Sa alak? O sa puso?)

Sa alak.

"Oh ikaw naman. Pagod na ako." Sabay abot ni Luke ng gitara kay Zion.

Tinanggap naman ito ni Zion at inilagay sa ibabaw ng sofa.

"Maya nalang ulit."

Tumagay ulit sila.

Kwentuhan.

Tawanan.

Mayamaya'y may kung anong kinalaykay si Zion sa ilalim ng center table. Kumuha siya ng isang itim na papel mula sa mga papel na nakasalansan doon. Kasinlaki ito ng 1/4 na illustration board.

Lumapit siya kay Luke at ipinakita ang itim na papel. Walang ano mang nakasulat doon, blangko lang ito. Umupo siya sa tabi ni Luke.

"Pare tingnan mo to." Sabay abot kay Luke ng papel. Mediyo lumapit ang ulo niya kay Luke na para bang may gustong ipakita ito sa kanya.

"Bakit anong meron dito?" Nagtatakang tanong ni Luke.

"Pumikit ka at magbilang ng limang segundo, pagmulat mo tingnan mo ng maige ang itim na papel na ito. Makikita mo ang mapapangasawa mo." Seyosong sabi ni Zion.

"Ano namang kabaduyan ito?" Mangitingiting sabi ni Luke.

"Basta gawin mo, subukan mo lang.. bago mo gawin, umupo ka ng tuwid, itapat mo sa mukha mo yan saka bumuntong hininga.. akin na, samplolan kita."

Kinuha ni Zion ang papel. Umupo ito ng tuwid, itinapat nito ang papel na tila nakaharap sa salamin saka bumuntong hininga.

Binalik niya ito kay Luke. At pailing-iling namang inabot ito ni Luke.

"Sige na gawin mo na."

Ginawa ito ni Luke, sinunod ang mga sinabi ni Zion. Pag mulat niya ng mata, wala naman siyang nakita.

"Wala naman! Inuuto mo lang ata ako."

"Ha? Mag concentrate ka kasi..ulitin mo!" Matigas na sabi ni Zion. Saka ito tumayo pabalik sa pwesto na nakharap kay Luke.

Napansin niyang hindi naman ginawa ni Luke kaya minanduhan niya ulit ito.

"Sige na! Gawin mo na!"

Pakunot noo namang tumugon si Luke.

Ginawa niya ulit yung utos ni Zion. Umupo ng tuwid, tinapat sa mukha ang itim na papel na parang nanalamin, buntong-hininga, pinikit ang mata, nagbilang ng limang segundo, saka iminulat ang mata.

Pilit niyang hinanap ang sinabi ni Zion na 'future mapapangasawa' daw. Wala naman siyang makita.

Dahan-dahan niya ibinaba ang papel upang balikan si Zion at sabihing wala naman siyang makita.

Pagkababa niya ay..

"PUTANG-INA!!!"

Gulat na bulalas niya. Naitapon niya ang papel. Paano ba naman, pagkababa niya ng papel ay ang nakangiting-asong mukha ni Zion ang nasilayan niya.

Humalakhak si Zion. Habang asar talo naman si Luke.

"Ano, nakita mo ba yung mapapangasawa mo?" Hindi parin ito matigil sa katatawa.

"Tang-ina mo! Gago!"

Ang pagkainis ay mayamaya lang ay napalitan ng ngiti at tawa.

Napasarap sila nang inuman. Napagdesisyunan narin nilang magpahatid nalang sa driver nila Zion kinabukasan. Hindi parin naman tumitila ang ulan.

Mag-aalas nuebe na rin natapos ang inuman nila. Hindi naman sagad ang kalasingan nila. Nakakapagsalita at nakakakilos pa naman sila ng maayos.

Naligo muna sila. Binigyan naman ni Zion si Luke ng extrang toothbrush at pinahiram ng pajama para magamit nito.

Magkatabi silang humiga at natatakpan ng iisang malaking comforter ang kalahati ng kanilang katawan. Nakatihaya si Zion, samantalang naka tagilid naman si Luke patalikod sa kanya.

"Luke."

"Hmmm." Tila antok na tugon ni Luke.

"Bakit hindi ka nalang nag singer? Sa ganda ng boses mo.. kung ganyan kaganda boses ko hindi ko ikakahiya. Daig mo pa nga yong ibang sikat na singer diyan eh.?"

Dahan-dahang tumihaya si Luke.

"Hindi pa ba tayo matutulog? Maaga pa tayo bukas." Tanong niya.

"Bakit nga?" Pangungulit ni Zion.

Ilang sandali muna ang lumipas bago sumagot si Luke.

"Binubully ako noong araw."

"Ohh?? Ikaw binubully?" Di makapaniwalang tanong ni Zion.

"Oo, maniwala ka man at sa hindi.. dahil dun, takot akong kumanta sa harap ng maraming tao. Takot mapahiya."

Nakaramdam ng awa si Zion.

"Ah kaya."

Mayamaya'y tumagilid si Zion paharap kay Luke. Itinukod ang siko at pinatong ang ulo sa palad. Tila nagpapakita ito ng interest sa mga ikukwento ni Luke.

"Sino nambubully sayo?.. tara balikan natin.!"

Napangiti nalang si Luke.

"Wala na yon, matagal na yon." Wika niya.

Bumalik sa pagkakahiga si Zion.

Mga tatlong minuto rin, saka muli itong nag salita.

"Luke."

"Oh?" Tugon naman ni Luke na nakapikit.

"Tungkol ito sa play natin bukas."

"Bakit anong meron sa play?"

Hindi kaagad nakapagsalita si Zion.

"Yung kissing scene natin."

"Bakit?" Nakapikit pa rin niyang tugon.

"Praktisin ulit natin? Kahit yung kiss lang."

Napamulat naman si Luke sa pagkabigla at napalunok.

Dahil nga sa tulong ng alak, derecho itong nasabi ni Zion kay Luke nang hindi nahihiya.

"Seryoso ka ba?" Kabadong tanong ni Luke na nakatingin kay Zion.

"Mukha ba akong nagbibiro?" tumingin ito kay Luke.

"Tsk.. matulog na tayo! Maaga pa tayo bukas."

Sabay talikod.

Dahil sa kagustuhan ni Zion na gawin yun. Kinulit niya si Luke.

Kinalabit niya sa balikat, ngunit hindi ito kumibo. Isang kalabit pa, hindi parin kumibo. Pinasok niya ang kamay sa loob ng comforter at hinimas ang pwetan nito. Saka napabalikwas ito at humiga.

"Tssskk!! Kulit mo!" Pagrereklamo nito.

"Sige na, isa lang." Pagpapacute na pagmamakaawa ni Zion.

"Oi.... Dali na." Nakanguso pa ito at nag puppy eyes. Parang bata ang asta nito.

Kung babae lang ang nakasaksi sa pagpapa-cute na ginawa ni Zion. Sigurado susunggaban agad ito.

Bumuntong-hininga si Luke. Naguguluhan siya sa mga inaasta ni Zion. Ibang-iba ang Zion na kasama niya ngayon. Napapansin niya ring nagiging iba ang pakikitungo nito sa kanya nitong mga nakaraan.

"Tsk, sige isa lang, nang matahimik ka na." Inis nitong sabi.

Lumawak naman ang ngiti ni Zion at mabilis na umusog papunta kay Luke.

Para kay Zion hindi lang talaga practice ang gagawin niya, gusto niya lang talagang halikan si Luke. Sa tuwing nakikita niya ang mga labi ni Luke ay hirap siyang pigilan ang sarili. Para sa kanya, parang droga ito, nakakaadik.

"Wag mo ng banggitin ang lines mo. Basta hahalikan nalang kita." Walang hiyang sabi ni Zion.

Pumikit nalang si Luke, ayaw niyang makita ang pagnanasang nakabakas sa mukha ni Zion. Tila sobrang excited kasi ito sa gagawin.

Naramdaman niya nalang na lumapat ang mainit na labi nito sa labi niya. Nanatili lang itong nakadikit.

Mayamaya ay iniwas na ni Luke ang labi niya sa labi ni Zion at mahinang itinulak ng kamay si Zion.

"Okay na. Tulog na tayo."

Dismayado namang parang nabitin itong si Zion. Tila ba hindi ito papayag na hanggang ganun nalang.

"Ano? Smack lang yon. Hindi pa tapos." Pangungulit nito.

Napabuntong hininga nalang ulit itong si Luke.

Pumikit.

"Oh sige na bilisan mo."

Lumapat muli ang labi ni Zion sa labi niya. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang ito bastang nakadikit. Nilalaro nito ang mga labi niya. Tila hindi ito titigil hanggang hindi niya tutugunin ang mga halik nito.

Hindi naman tumagal ay nagsimula na ring nadala si Luke sa sarap na dulot ng halik na yon. Mas pinaige pa ni Zion ang paghalik noong maramdaman niyang gumaganti na si Luke sa pakulo niya.

Muling nag-alab ang katawan niya at mas ninais na pag-igihin pa ang paghalik. Halos hindi niya na makontrol ang apoy na lumulukob sa kanyang pagkatao.

Hindi niya namalayang dahan-dahan niya nang inilapit ang katawan sa katawan ni Luke. Hanggang sa tuluyan na siya makapatong sa ibabaw ni Luke.

Naramdaman niyang tumatanggi si Luke dahil bahagya siya nitong tinutulak. Kaya mas ginalingan niya ang paghalik. Nagtagumpay naman siya dahil nilalamon na rin ito ng apoy na sinimulan niya. Tumigil ito sa pagtutulak sa kanya. Napayakap ang isang kamay nito sa katawan niya habang ang isa ay nakakapit sa batok niya.

Nagtagumpay si Zion na ipasok ang dila niya sa bibig ni Luke. Tumugon naman si Luke at sinalubong na rin ng dila nito ang dila niya.

Hindi na magkandaumayaw si Zion sa labis na kapusukang naramdaman. Dahan-dahang ipinasok sa loob ng damit ni Luke ang isang kamay niya at buong pagnanasang hinaplos ang katawan ni Luke.

Dahil sa sarap na naramdaman, gumanti narin si Luke sa paghimas ng katawan ni Zion at dahandahang hinubad ang pang-ibabaw na damit ni Zion.

Bumitiw muna sila at nagkatitigan. Walang pagkailang na bumabakas sa mukha nila. Tanging pagnanasa ang nakikita nila sa mata ng bawat isa. Bumibigat ng bumibigat ang bawat hininga nila.

Hinubad na rin ni Zion ang damit ni Luke. Saka itinuloy nila ang paghahalikan.

Balat sa balat, init sa init.

Lalo silang nabaliw sa sensayong naramdaman lalo na't magkalapat na ang kanilang mga katawan.

Niyakap ni Zion si Luke ng buong higpit at tila gustong ibaon ang katawan nito sa loob ng katawan ni Luke. Sinimulan nitong umindayog sa ibabaw ni Luke. Ramdam nilang pareho ang matitigas na bagay na nagkikiskisan sa bandang baba nila.

Nang magising ang diwa ni Luke. Ay malakas niyang itinulak si Zion.

Bakas sa mukha ang pagkabitin nito.

Tumihaya.

Sabay silang hinihingal. Hingal na may kasamang naudlot na kapusukan.

Nagsuot ng damit si Luke at tumagilid patalikod kay Zion.

Pakiramdam ni Luke nawala ang kalasingan niya dahil sa kaganapan na yon. Tila may nagtatalo sa isipan niya.

Ilang sandali ang lumipas saka muling nag salita si Zion.

"Mahal mo pa ba siya?" Derechong tanong ni Zion.

Wala siyang nakuhang sagot.

Hanggang ngayon kasi ay bumabagabag parin sa isip ni Zion ang kwentuhang naudlot tungkol sa taong minahal ni Luke.

"Akin ka nalang."

Seryoso ang pagkakasabi ni Zion na tila ba hindi ito nababaklaan sa mga sinabi. Para bang napakahirap paniwalaan na ang isang katulad ni Zion ay nagsasabi ng mga ganitong bagay sa kapwa niya lalake.

Para kay Zion, gustong-gusto niya na si Luke. Halos ayaw niya nang mawalay ito sa kanya. Kung kailangan niyang maging sweet lagi kay Luke gagawin niya ito. Kung kabaklaan mang tawagin ang ginagawa niya, wala na siyang pakealam.

Kapag gusto niya, kukunin niya kahit gaano pa ito kahirap.

Katahimikan.

---

A/N

Sa mga hindi po pala nakakaalam. This is Kuya Rye/Ryan. Author ng Ang Pinsan Kong Inosente (My real life story). At sa mga nagtatanong kung itong Brad Mahal Kita Matagal na ay nangyare ba sa totoong buhay? Nope. Fiction lang po ito.

Pasensya na rin po kayo kung maiikli ang UD ko. Sa phone lang kasi ako nagsusulat. Hindi ko dala laptop ko.

Salamat po sa pagtangkilik.

Post a Comment

[facebook]

Mencircle

{facebook#https://facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/men_circle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget