Campus Romance (Part 2)

By N.D. List

Makinis ang mukha. Matangos ang ilong. Malinis tingnan. Mabango kahit pawisan.

Pinipilit kong maging natural kahit gwapong-gwapo ako kay Noah habang ngumunguya sya ng burger. Madaldal si kuya. Nakwento na nya kung ilang taon na sya sa Amerika, kung gaano sya kadalas umuwi at kung sino-sino ang mga kasama nya sa bahay.

Kusa na syang nagkwento na para bang sabik-sabik maibahagi ang buhay nya at ang mga bagay na nasa isip nya. Sumisingit lang ako paminsan ng tanong, tawa at tango.

Interesante naman buhay nya. Nakakainggit nga e. Mapapasana-all ka nalang sa sobrang garbo ng buhay nila. Bilang isang tao na galing sa hirap, nakakaramdam ako ng konting inggit sa mga kwento nya. Nagkwento din ako ng konti sa buhay ko. Mahilig din akong magkwento ng buhay ko pag nakakakilala ako ng taong masarap ka-kwentuhan pero mas interasado akong makinig sa kanya nung araw na yon. Hinayaan ko lang syang magsalita ng magsalita.

Pwede kong sabihan na nagsimula kaming maging magkaibigan nung araw na yon. Madalas kaming nagkakasabay kumain ng lunch. Minsan nililibre pa nyako. Nakakasama namin si Kai minsan pero dahil sa magkasama na din kami sa bahay at nagkakasawaan na din kami minsan sa isa't-isa bukod sa may mga kaibigan ding babae si Kai na hindi ko naman kagaanan ng loob, madalas kaming dalawa lang ni Noah ang magkasama. Si Marcus naman ay napapasama sa mga kaklase naming mahilig uminom, mag cutting ng klase at umabsent. Ayus din naman si Marcus pag nakasanayan mo na. Hindi friendly pero hindi din naman sya masamang tao. Nakasanayan ko na din sya at natotolerate ko na pero mas ayus pa din sakin pag hindi ko sya nakakasama sa kahit ano mang lakad. Pero dahil pinsan sya ni Noah at magkasama sila sa bahay, hindi maiwasan na magkaroon kami ng interaction. Minsan medyo napapansin ko din na medyo ine-engage nya sa usapan si Kai kahit hindi naman sya feel kausapin ng isa. May balak siguro si kanong hilaw na pormahan si Kai.

Okay naman kasama si Noah. Intellectual din at marami naman kaming mga bagay na napagkakasunduhan. Hindi nga lang sya yung tipong nagbabasa ng libro pero mahilig din syang manuod ng mga malalalim na pelikula. Minsan kahit matagal kaming nakatambay sa isang lugar, hindi naman kami nagkakasawaan at nauubusan ng pinag-uusapan. O kahit maubusan kami ng pinag-uusapan ay hindi naman kami nagkaka-ilangan. Siguro kung may pagka-ilang man, sa parte ko yon. Ewan ko, pero parang minsan naiisip ko na baka pag-isipan kami ng masama dahil parati kaming magkasama. Na may namamagitan sa'ming dalawa. Marami namang magkaibigan na matalik na lalaki na hindi mo pag-iisipan na may relasyon sila. Kagaya ni William at ng kaibigan nyang si Von na parating magkadikit pero hindi mapagkakamalan na may bakla sa kanilang dalawa. Pero ewan ko ba. Effort talaga sakin to act naturally pag kasama ko si Noah. Maakbay at mahawak pa naman sya. Generally, tahimik sya pero nung madalas na kaming magkasama, lumabas na din yung kakulitan at kagaslawan nya. Yung batian nga namin sobrang awkward nung una kasi andaming ritwal ng mga lalake pag nagkikita na kung ano-anong style ng high five. Eventually, nakasanayan ko na din yung fist bump pag nagkikita at nagpapaalamanan kami.

Isa pang hirap akong makasanayan ay yung bigla nyang paghuhubad sa harap ko pag nasa banyo kami na malapit sa Gym kung saan ko sya nakita dati na hubo't hubad. Well, hindi naman sya naghuhubad ng all out sa harapan ko ngayon at tinitira parin nya ang underwear nya pero hindi pa din maiwasan na sipat-sipatin ko ang bukol sa harapan nya ng hindi nya nahahalata. Minsan pag kagpapalit sya ng underwear, pumapasok sya sa cubicle at bahagyang sinasara ang pinto. Nakakalibog din naman kasi ang katawan nya dahil athletic. Kung hindi mo makokontrol ang sarili mo baka bigla mo nalang syang yakapin sa sobrang fit ng katawan nya. Pero kagaya ng fist bump at pagiging mahawak nya, nakasanayan ko na din to act naturally pag naghuhubad sya sa harapan ko. Para din hindi sya makahalata na may tama sakin ang paghuhubad nya, sinanay ko na din na naghuhubad ako na brief lang ang natitira pag nagbibihis pero usually tumatalikod ako sa kanya.

Isang araw, out of curiosity, tinanong ko sya tungkol sa tattoo nya na parang Japanese words na vertically nakalagay sa kaliwang bahagi ng V-Line cut part ng katawan nya pababa sa bahaging natatakpan ng underwear nya. Walang pag-aatubiling binaba nya ang brief nya para makita ko ng buo ang nakasulat.

"Ito ba? Wala, I had this done the last time I was here. Heartbroken kasi ako nun eh. Hahaha".

Nagulat ako sa ginawa nya. Pasimpli akong napalunok dahil lumabas na ang konting bahagi ng ulo ng alaga nya na naka-kambyo pataas. Maigsi at naka-trim ang kanyan pubic hair.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumalik lang ako sa katinuan nung ayusin nya ulit ang brief nya. Syempre hindi ako nagpahalata ang nagpanggap lang akong wala lang.

***

After a few weeks biglang bumigat ang workload sa school kaya dinrop ko yung iba kong tinuturuan ng weekdays. Tama si Kai, kailangan magbawas ng trabaho at baka bumigay ang katawan ko. Tanging si William nalang ang tinira ko sa mga tinuturuan ko pag weekdays. Eventually, dinrop kona din yung isa sa weekend. Tutal malaki naman ang binabayad sa'kin ng mommy ni William. Saka for some reason, ayaw ko syang bitawan.

Okay din naman ang pagtuturuan namin ng lessons ni William. Normal lang. I can't say we're close pero may mutual respect naman. Hindi din naman ako nakakaramdam ng pagod kahit may mga bagay na kailangan ng tiyaga bago nya maintindihan. Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko sa kanya at gusto ko talagang umayos ang pag-aaral nya. Tingin ko naman nararamdaman din nya and concern na yon. Minsan may ibang mga maliliit na problema sya na sinasabi sa'kin na pinag-uusapan namin kung papano susulosyonan. Kagaya nung isang araw na nakuhanan sya ng ID ng Dean dahil sa kalokohang ginawa nila. O nung nagkasagutan sila nung kapatid ng nanay nya na kasama nya sa bahay kaya umalis sya ng bahay ng hindi kumakain. I don't know how to put it pero eventually nagkaroon na din ako ng malasakit sa kanya.

Naging palaisipan din sa'kin yung mga kinikilos nya. Magulo kasi yung mga barkada nya sa school kaya magulo din sya. Minsan hindi ko alam pero parang out of character ang kinikilos nya. Mukha kasi syang tahimik at walang imik. Sa unang tingin para syang inosenteng bata. Iniisip ko tuloy kung paano sya sa bahay nila. Sometimes I think he looks too young for his age or yung demeanor nya. May isang beses na pinagmamasdan ko sya habang naghaharutan at nag-iingay sila sa loob ng klase at nakita nya'ko na nakatingin sa kanya, parang medyo nailang sya ng konti. Pakiramdam nya siguro para syang bata na pinagmamasdan ng magulang. O baka naman iniisip ko lang yan. Hindi ko naman sya pinagsasabihan sa kinikilos nya at kahit ano pang nangyayari sa kanya maliban nalang kung nagkukwento sya ng ibang bagay na walang kinalaman sa pinag-aaralan namin. Ayoko din kasi na baka malibadbaran sya sakin pag masyado akong makikialam sa buhay nyo o kung pagsasabihan ko sya.

Dahil madalas na inaantay si William ng kaibigan nyang si Von pagkatapos ng tutorial session namin, naging kasundo ko na rin si Von. Masayahing syang tao. Kwela. Kagaya ng tropa nila, hindi rin masyadong seryoso sa pag-aaral at magulo din. Pero makikita mo naman na kahit papano at pinipilit nilang magkaroon ng maayos na grades. Hindi naman all out na patapon na estudyante. Minsan dinadamay ko na din si Von pag gumagawa kami ng assignments.

Isang Huwebes, matapos ang tutorial session namin ni Wiliam, bigla akong inaya ni Von na sumama sa kanila.

"Kuya, may gagawin ka ba? Sama ka samin. Inom tayo."

"Naku, wala akong time dyan. Wala din akong budget. Ipapahinga ko nalang."

"Ano ka ba? Hindi ka naman gagastos. Inaya kita eh."

"Ba, ang dami mo yatang pera," usisa ko dahil kagaya ko, alam ko naman na hindi mayaman si Von.

"Libre ni Marcus, kuya. Natalo sya sa pustahan namin eh", sabat naman ni William.

"Sige, pass na muna ako. Next time nalang. Nag-aaya kayo e si Marcus naman pala ang taya," tanggi ko.

Naglalakad kami sa hallway palabas ng school ng makasalubong namin sina Noah at Marcus.

"Uy, kasama nyo pala si Gabby! Tara sama ka, bro", aya ni Noah sabay akbay sakin.

"Sige kayo nalang. Ipapahinga ko nalang."

"Come on, man! Lighten up once in a while." nagulat ako sa pagpilit din ni Marcus.

Sa madaling salita, napilit din nila ako. Sa kotse ni Noah ako sumakay. Si William naman inangkas si Von sa motor nya. May kasama din sila na ka-team nila na basketball player na nakisakay naman sa kotse ni Marcus.

Di naman kalayuan yung bar na pinuntahan namin. Magkatabi sa upuan sina Von at William sa harapan namin habang kami naman ni Noah ang magkatabi. Nasa magkabilang gilid namin sina Marcus at nung kasama nilang isa pa.

Ayus naman ang kwentuhan. Chill lang. As usual, recall-recall ng mga kalokohan sa school at ng mga inuman moments nila the previous nights. Apparently, mga ilang beses na din nagkakasama ang mga 'to sa inuman except for Noah na isang beses lang yata nila nakasama.

After about an hour, may dumating na dalawang babae na pormang semi-pokpok at naki-join samin. Mukhang kakilala nina Marcus. Umupo yung isa sa tabi ni William at sa tabi naman ni Marcus yung isa.

"Ayus ah, pormang-porma," bati ni William sa katabi nya na may kasamang nanunuksong ngiti.

"Syempre, andyan ka eh," sagot naman ng babae sabay hampas sa balikat ni William bago nito pinulupot ang kamay nya sa braso nito.

Hindi ko matantsa kung girlfriend ni William ang babae o ka-table lang nya. Basta ang sigurado, hindi nila first time magkasama sa isang inuman.

Pinakilala sila sa'min. Trisha ang pangalan nya. Nakalimutan ko na ang pangalan nung ka-table, este, katabi ni Marcus.

Tuloy ang inuman.

Pagkatapos ng ilang rounds ay napapansin kong iba na din ang hawak ni William sa babae. Nakahawak ang kanang kamay nya sa hita ng babae at hinahaplos-haplos ang maputing balat nito. Sa isang iglap ay nag-iba ang pagtingin ko kay William. Mula sa isang magulo at inosenteng bata ay nakita bilang isang sexual being or sexual predator even.

Hindi ito isang inosenteng bata. Bakas sa kinikilos nya na marami na syang karanasan sa mga babae. Na-bother ako. Naisip ko ang nanay nya. Alam kaya nya na ang anak nya ay ganito na. I felt sorry for her mom. Sabagay, 18 na sya at nasa tamang edad naman na sya. Pero sa tingin ko, hindi lang 18 namulat sa sex si William. Base sa kinikilos nya, baka mas bata pa sya nagsimula. Sabagay dose anyos lang ako ng una akong magkaroon ng karanasan sa sex. Sa babae. Oo, sa babae. One time, big time. Pero saka ko na ikukwento yon (see Roommate Romance Chapter 5).

Lumipas ang mga sumunod na oras ng normal lang. Normal naman akong nakakapagsalita at hindi naman yata nahalata ni Noah at ng iba pa na medyo bothered ako. Nakina William at Trisha pa din ang atensyon ko.

Nung tumayo si William at nagpaalam kasama ang babaeng katabi nya, naisip kong gusto ko nang umuwi kahit parang ayokong iwan si William at Trisha at gusto ko silang bantayan. As if naman may magagawa ako sa kanila.

Inaya ko na si Noah na umuwi at pumayag naman.

Nakita kong nag-abot ng pera si Marcus kay William para ibayad sa table namin. Nagulat ako nung makita ko din na nag-abot ng pera si Trisha. Mukhang mayaman ata ang gaga.

"Oy, Will, Von, mauuna na kami. May pasok pa bukas. Hindi pa ba kayo uuwi?"

"Maaga pa, kuya, dito na muna kami. Pupunta pa kami sa langit bago kami uuwi. Hahaha", sagot ni Will at sabay-sabay silang nagtawanan nina Von at Trisha. Mga lasing.

"Tangina, Will, lasing na lasing ka na e. Pano kayo uuwi nyan? Magmomotor pa ba kayo nyan?"

"Basta, kami na bahala kuya. Sige, bukas nalang. Ingat kayo, kuya." paniniguro ni William.

"O, bahala kayo. Text nyoko pag nakauwi na kayo."

Sinabihan ako sa kotse ni Noah na sa kanila nalang ako matulog. Pumayag naman ako kaagad dahil medyo lasing na din talaga ako at gusto kong mahiga na din pagbaba ng kotse.

Iniisip ko ang sinabi ni William na pupunta sila ng langit. Ano kaya ang ibig nyang sabihin? Magda-drugs? Sex? Or both? Hindi ko natiis na itext sya. Sinabihan ko na umuwi na at mag-ingat sila pauwi. Para namang makikinig sya.

Sa sobrang pag-iisip ko, ni hindi ko na nagawang mag-worry kung kaya pang mag-drive ni Noah.

"Why are you so bothered? They're gonna be okay, alright? They're old enough to take care o'themselves." napansin ni Noah na hindi ako mapalagay. Hindi nalang ako kumibo.

Pagdating namin sa bahay nila, direcho kaagad kami sa loob. Nakapunta naka bahay nina Noah once pero first time kong makapasok sa loob. Yung nga lang, masyado nakong lasing para ma-amazed. Binagsak ko ang katawan ko sa pinakamalapit na couch na nakita ko.

"Pwede nako dito, bro," sabi ko kay Noah habang nakapikit. Medyo umiikot na ang paligid ko.

"Are you crazy? Dun tayo sa room ko so we only use one AC. Saka pag nakita ka ni manang bukas dyan baka akala nya kung sino ka."

Inakay nyako papasok ng kwarto nya pero dahil kaya ko naman, sinabi ko sa kanya na kaya ko na mag-isa.

Bagsak kaagad ako sa kama pagpasok namin ng kwarto.

"I'm gonna go hit the shower. Kung gusto mo magligo after me, I can just lend you clothes na pangtulog," sabi ni Noah habang nagtatanggal ng damit habang papuntang banyo.

Post a Comment

[facebook]

Mencircle

{facebook#https://facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/men_circle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget